Dedicated to: Miss Tammy , siya po ang gumawa ng simple but elegant cover ng storya'ng ito, ganda noh :) visit her Bamcake Book Cover , ang gaganda ng designs ng cover Promise mga teh Hihi :) , Hi Miss Tammy , thanks ulit :)
dati may characters ako pero ngayun hindi na siiguro ako gagamit ng kahit na sino imaginin niyo nalang sila ha :) Thanks..
----------------------------------------------
Nag-si-simba ka ba?
Well ako siyempre Oo, Aba'y tuwing linggo present ako sa simbahan para magsimba noh!
Siyempre mag bo-boyhunting, tapos mayroon pang mga poging sakristan, Choir at Pianist oh diba pak na pak busog ang mata mo!
Pero hindi yan ang line ko eh, 'Pinsan' ko ang may line diyan , malaking NO para sa akin yan
~jeez BOY hunting!?
Tuwing naririnig ko ang ganyang klaseng linya ay hindi ko maiwasan mandiri sa mga babae kong kaklase at sabi nga nila ay bitter lang ako pero, why hunt boys? are they animals? I think so oopss HARD! but it's not that I really mean it, just a little.
okay back to the topic , diba nga
Isang araw na nga lang sa isang 'Week' ang 'Linggo' tapos di pa ako a-attend ng 'Sunday' Mass para mag-thank you kay papa God sa lahat ng blessings niya at sa Everyday na chance na binibigay sa akin na magbago na ang pananaw ko para sa mga lalaki na lahat sila ay 'Masama' siyempre except si Papa God dun
Pero ang tanong ko lang, bakit hindi sunday ang english ng week samantalang sa tagalog ay linggo ang week eh ang linggo sa english ay Sunday!?
Ano gets mo?, ako hindi eh
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon habang tinutungo ang daan papuntang simbahan, tiningnan ko ang oras sa wristwatch na aking suot at napagtanto na huli na yata ako sa misa, late nanaman kasi akong nagising, nag-alarm naman ako subalit wala itong epekto dahil hindi naman ako nagising sa naka plano kong oras
Pagkapasok ko ng simbahan ay nilibot ko agad ang aking paningin nagbabasakali na may bakanteng upuan na pwedeng i-okupado at sa dami ng tao ay mukang wala na, tss isang oras nanaman akong nakatayo
Pero yaeh na, para naman ito sa nagiisang lalaki ng buhay ko eh, yiee kiligmuch sila
Kilala niyo ba? edi siya! yung nasa itaas
Tsk, akala niyo kung sino na
Ow jeez! kapag sinuswerte ka nga naman ay di kalayuan sa aking kinatatayuan ay may bakanteng pwesto
Kaya lang leech naman dahil kung duon ako uupo ay makakatabi ko sa kaliwang bahagi ang isang lalaki sa kanan naman ay isang aleng may edad kasama ang kanyang tatlong anak na mga kasalukuyang nakaluhod sa luhuran
Bahala na nga , tatabi lang naman , sana walang gawin tong masama sa akin nakoo kundi suntok abot nito sa akin sa labas ng simbahan
Kaya lang baka naman may kasama siya at lumabas lang sandali, hindi naman nakamamatay ang magtanong
"Kuya may nakaupo ba dito?" tanong ko sa lalaki
Lumigon siya sa akin at tiningnan ako kaya nasilayan ko ang kanyang panget na muka, ay tss geh, maamong muka , matangos ang kanyang ilong,maputi din siya , mabango , pero mas napukaw ang atensyon ko sa mata niyang may pagka singkit subalit masasabi mong sexy eyes katulad nalang ng mga naririnig ko sa aking kaklase at uhmmm , ay tsss bakit ko ba siya inilalarawan!? >.<
-
pero wag kayo dahil, iba na ang panahon ngayon yung mga mukang inosente na yan ay mapanganib na din.at oonga pala siyempre ayoko sa lalaki ibig sabihin ayoko sa kanila makisalamuha o magtiwala pero siyempre babae din ako na marunong humanga, at sa sarili ko na lang iyon. Aminin, kayo din kahit sinu naman iposibleng walang hinahanggan
-
Lumipat ang tingin niya sa bakanteng pwesto sa kanyang gilid pagkatapos ay sa akin muli at akala ko ay sasagutin na niya ako subalit humarap na siya ulit sa altar sabay sabi pa lamang ng
"Wala.....
Ka namang nakikita, diba Miss."
Iyan ang sagot niya sa aking napakatinong tanong nakuha niya pang ngumiti, abay pagkatapos kong bawasan ang katarayan ko para lang makapag tanong sa isang lalaki ng walang halong katarayan iyan ang sasagot niya
"Sungit.."
"I know.."
Sabi pa niya sabay takip ng panyo sa kanyang ilong kasama ang kanyang bibig. Sasagot pa! upakan ko siya diyan eh! di ba niya alam na dalawang buwan din akong nag aral mag Taekwando at bakit siya nag takip ng panyo? mabaho ba ako!?
Haysss hayaan na nga ang masungit na yan, umupo nalang ako katabi siya dahil nangangalay na din ako
Hindi pa pala nag sisimula ang Misa subalit ilang sandali ay umalis ang mag-anak sa tabi ko
Kita mo toh hindi pa nga nagsisimula umalis na sila agad , Tsk, tsk napailing na lang ako habang sinusundan sila ng tingin palabas ng simbahan
Lalayo na sana ako dito sa lalaki na sungit upang lumayo ng pwesto ng may tatlong lalaki naman na dumating at umupo sa dating pwesto ng mag-iina
Bali napagitnaan na ako ng mga panget, haysss sige na nga aaminin ko na gwapo sila, baka naman magkaka sabwat ito
Tsk, umiral namaman ang pag ka judgemental ko, pero hindi niyo ako masisi kadalasan ay mga gwapong lalaki na ang gumagawa ng krimen, kahit ba na mabango sila ay hindi ko maiwasang husgahan at purihin
Ay pweh, wala akong sinabing ganun
Tatayo na sana ako upang humanap nalang ng ibang pwesto ng..
"Magsitayo po ang lahat..." sabi ng lector hudyat na magsisimula na ang misa kaya hindi na tuloy ang pag alis ko
Pagkatayo ng lahat ay napansin kong hanggang balikat lang ako ng aking mga katabi, amp. bakit sa school namin isa na ako sa pinaka matangkad 5'5 diba matangkad na yun!
"Ui pre, hindi mo man lang kami hinintay umupo ka na agad dito...." sabi nang lalaki na may kulay asul na buhok dito sa katabi ko na 'sungit'
Tamad na tiningnan lang siya ng aking katabi na ma sungit pagkatapos ay hunarap na siya sa altar
"Oonga pre, hindi mo man lang kami pinagreserve ng upuan, kung hindi pa umalis yung mag ana-----" naputol ang sinasabi ni kuyang nakasuot ng black na jacket na mayroong white v-neck shirt sa loob at naka black pants at eto pa Pula naman ang kukay ng buhok nito sumabat kasi si sungit eh
"Wala ka sa restaurant."
"Tsk, Sungit"
Nagulat ako nung sabay kaming tatlo na nagsabi niyan remember si Blue at Red hair
"I know." As usual sino pa ba yan?
Nagulat din ata yung dalawa kaya lang hindi agad sila naka recover
"Oh hi miss pretty, I'm Keyper Geum and you are?" nakangiting pagpapakilala niya sa akin habang nakalahad ang kanyang kanang kamay nung 'key' nalang nakakatamad sabihin ang buong pangalan
U-u-po lang ako kasama yung apat na lalaking ito. U.po lang.
Kaya tiningnan ko lang siya at yung kamay niya
Tsk, daig pa yata ng lalaking ito ang balat ng isang babae dahil sa puti at kinis alagang alaga siguro niya yung balat niya, bakla siguro ay hindi halata namang lalaki siya
"Ui miss...wala germs yung kamay ko.." sabi niya sabay pout tsk eto yata ang pinaka bata sa kanila
Tsk, bahala na nga siya sa buhay niya hindi ako interesado sa mga lalaki
*krooo krooo
Tumahimik na sila, kaya maayos kong
naituon ang aking pansin sa sinasabi ng pari, subalit panandalian lang ito
..
"A y miss eto nga palang may Red na buhok ay si Locky, may pagka gangster siya pero mabait yan, tapos eto namang katabi mo na may Pink na buhok ay si Neil, hindi yan bakla ha at muka lang yang ma sungit pero---" naputol yung sinasabi nung Key
Kasi nagsalita yung may pink na buhok
'pink'
Omo!
Parang nawala ang pagka masungit ko ng makita yung pink na buhok niya ni ni ni ni..... sinu nga ba ito Nial nel anu nga ah Neil oo kahit naman na mukang seryoso ako sa buhay may pag ka babae pa naman ako noh you know 'Girly Side' tss kung anu-anu iniisip niyo
"Shut up, Key nasa harap na ang pari..." sabi nung pink
"Pink...." woah mas interesado talaga ako sa buhok nila kesa sa itsura ng muka nila oo aaminin ko lahat sila may itsura pero hanggang dun na lang iyon
Pero para silang Power rangers kaya lang,
kj talaga itong katabi ko halong brown at black kasi ang buhok niya
Ang sungit talaga ng isang toh, aura palang eh masasabi mo ng may pagka masungit ,naka bulsa lang ang kanang kamay niya sa kanyang pantalon at ang kaliwa naman ay may hawak na panyo ,naka long sleeves siya na nakatiklop hanggang siko,
By the way , I find it gentleman kapag naka bulsa lang yung kamay, hindi katulad nung ibang lalaki na kung saan saan dumadako ang malilikot na kamay
Mga pervert!
"Ay miss alam mo ba yang katabi mo naman sa kaliwa ang kulay ng buhok niyan pink din dati tapos pinakulayan niya ng rainbow kaya lang mas lalong dumami naghahabol na chicks kaya ginawang brown kaya lang ang gwapo talaga namin kaya mas----"
"Quiet...." Thats me nagsasalita na kasi yung pari sa harap at Hindi din ako interesado sa kanila
Nasa left wing nga pala yung 'Pew' na inuupuan namin na pang Five seater siya sa may right wing din ay puro pews na pang five seater then yung sa may gitna na part na mga pews ay pang mga sampu paitaas pwede
{Fact: A pew is a long bench seat or enclosed box, used for seating during mass or while in the church}
"Woah miss ang lamig ng boses mo ang cute!" Key
Na cutan siya dun!? tss impossible, he must be kiddin' me sabi nga sa akin ng pinsan ko nag kaka goosebump daw siya kapag yun ang ginagamit kong boses
"Isa pa nga miss.."
-sinamaan ko siya ng tingin
"Woah pati yung pagtingin mo ang cold din astig... miss alam mo ba------"
"Shut up. or. Go out." mahina lang yung pagkasabi nung tatlong lalaking katabi ko pero may diin sa bawat salita
"Ay grabe ang susungit niy--" ani pa ulit ni Key kaya lang
"Hijo maaari bang tumahimik ka muna panandali at sasabihin na ang salita ng Diyos, kay gwapo mo pa namang bata..." sabi ni lola na nakaupo sa harapan namin
"Opo lola, .....pero hindi na po ako bata fourth year High school na po ako at......at O-opo ta-ta-tahimik na a-ako..l-lo-lola" si key haha
Napangiti tuloy ako ng tipid at narinig ko pang tumawa yung may Pula na buhok at sa peripheral vision napansin ko na napangisi yung dalawa kong katabi samantalang si Key napayuko , Haha nakakatawa kasi yung scene, inamba kasi kunyari ni lola yung tungkod niya tapos tiningnan ng masama si Key
Haysss namiss ko si lola ko, hey buhay pa yung lola ko ha nasa ospital nga lang ngayun at isa yun sa dahilan kung bakit kami lilipat ng bahay sa West City sa Maynila
{west city=gawa gawa lang, kung may ganyan talaga, pasensya na pero di ko alam lol}
"Magandang umaga sa inyo" masayang bati nung pari sa harap subalit kaunti lang ang sumagot kaya inulit muli niya
"Mukang natutulog pa kayo ah, isa pa nga Magandang Umaga sa inyo.."
"Magandang umaga father.."
"Good Morning Father"
tugon ng karamihan
"Morning Father" tsk sinu pa ba yan edi yung sungit
Pero at least
"Batiin niyo nga ang mga katabi niyo ng isang magandang umaga "
~no choice
Saktong pag kaharap ko dito sa kaliwa humarap din si sungit
" Good Morning.."
"Good...morning.." sabay na sabi namin
Hmmm, nasabi ko na bang infareness may itsura , ay pweh wala pala
Sa kanan naman
"Good morning po." bati ko naman dito sa lalaki sa kanan ko kaya lang di ko maiwasang tingnan yung buhok niya pink kasiiii
Nasabi ko na bang favorite ko ang pink!
Sinung mag aakala na ang babaeng may pagka mataray at matigas ang puso ay mahilig sa pink
"Yeah, Good Morning to my hair, by the way Good Morning din Miss." sabi niya ng medyo nakangisi medyo lang kasi nandun pa din ang pagka seryoso ng muka niya , tss napapaligiran ako ng uhmmm mga gwapo? na lalaki
Yung mga babae naman na malapit sa upuan namin ay imbis na sa harap nakatingin, mga nakaharap dito sa amin ay mali sa kanila lang pala
Yung iba nga , inirapan pa ako
Pero yung buhok talaga,
Freaking pink, pakiramdam ko kumikislap na ang mga mata ko.
"Gandang umaga miss pretty..." si Key sinu pa ba
"Same to you..."
Tapos yung dun naman sa may Red na buhok nag nod siya sa akin ganun na lang din ako malayo na kasi siya, tss kung wala talaga kami sa simbahan hindi ko sila papansinin
At nakalimutan ko ang pangalan nila ni pink grabe.
ang seating arrangement namin ay katabi ko sa kanan si sungit mula naman sa kaliwa ay ang lalaking may kulay pink ang buhok na katabi si Key at pagkatapos ay ang lalaking may kukay pula na buhok naman
pagkatapos ay nag homily na si father, makaraan ang tatlongpu'ng minuto ay nagsabi na ang pari na mag lapit ang bawat isa dahil dadasalin na ang "Ama Namin" at maghawak kamay, Yung naka taas pero mamaya pa
palihim kong tiningnan ang aking kamay at tsss bakit ba bigla ako na -concious sa kamay ko na may kalyo at magaspang, napailing na lang ako sa naisip ko
Kasi naman eh! dapat damit ko lang ang lalabhan ko!
Kaya lang si Tita bebang na yan, lagi na lang pinapatay yung switch ng gripo ng tubig para labhan ko din yung damit nila alice aleech
Dati nga eh, hinalo ko sa puti yung mga decolor na damit nila kaya nagkahalo halo yung kulay,
Ang resulta galit na galit si Tita Bebang, Ni-lock nila yung ref, at tinago lahat ng pagkain , naubos tuloy allowance ko ng pang isang linggo
Leechi~
Di bale na, maganda naman ako sabi ni Lola Char~ hayss eto nanaman ako ang lakas ng loob ko sabihin maganda ako sa sarili ko pero hindi naman ako naniniwala, hindi naman sa naghihintay o naghahanap ako ng manliligaw pero, wala pa kasing nag pre-presenta na manligaw sa akin, hanggang sabi lang sila ng "I love you rain or ria" "ang ganda mo naman,pwdeng manligaw" "pwedeng tayo nalang" "hi miss ganda, na love at first sight ako sayo" ganyan naman ang mga lalaki hanggang salita lang sila , ang iba nga diyan mukhang mga tambay lang sa kanto, meron pang nagsabi na manliligaw daw sila samantalang tiningnan ko pa lang siya ng walang gana suko na agad ,
tsss pareho pareho lang makakita ng maganda o sexy liligawan na agad hindi muna kilalanin paano kaya kung mamatay tao ako o yung iba , pero sabi nga ng iba naka-i-intimidate daw ako kaya walang nag tatagal sa akin o lumalapit pero ayos na rin yun at least ginagalang ako ng karamihan sa eskwelahan na pinapasukan ko dati bilang isang babae na hindi pwede basta lang bastusin ,3 lang ang nakakikilala sa akin ng totoong ako o sa likod ng isang masungit, nakakatakot at walang pakialam sa mundo na babae, wala akong pinapayagan na makaalam ng totoong ako . Ayokong may makaalam ng totoong ako, hindi ako takot malaman nila nag-iingat lang.
"Ama namin sumasalangit ka,
Sambahin ang pangalan mo"
Tsss, bakit kasi kaylangan pa mag hawak kamay mamaya, ayoko pa namang nagpapahawak
"Mapasaamin ang kaharian mo.,Sundin ang loob mo "
"dito sa lupa para nang sa langit."
"Bigyan mo kami ngayon"
" ng aming kakanin sa araw araw; At patawarin mo kami"
"sa aming mga sala,"
nagulat ako ng konti nang sabay na hinawakan ng dalawang katabi ko na lalaki ang magkabilaan kong kamay
"Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin;"
Para akong nakuryente, pero siguro nilamig lang ako kaya ganun umaga pa lang kasi
Kuryente kayo diyan, nye nye, ngayon lang kasi ulit may nakahawak sa kamay ko na lalaki. Sa paaralan o mga tindahan siyempre hindi maiwasan na may madikit sa akin, kaso hanggang dun nalang iyon kasi lumalayo ako agad kaya lang kapag sa simbahan talaga naipasasantabi ko ang nakasanayan ko,matagal na panahon kasi mula ng may humahawak ng diretso sa kamay ko na lalaki
"At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,"
Nakoo tukso bakit hindi ako makapag focus sa Dasal na ito hindi ako mapakali, gusto ko na hilahin yung mga kamay ko
at pakiramdan ko mga kamay ng babae yung nakahawak sa akin hindi lalaki pero dito sa sungit ay parang sakto lang ang kamay ko samantalang dito naman sa pink ay may kalakihan ang kanyang kamay pero sakto lang naman , ang lalambot jeez dinaig pa ako
"At iadya mo kami sa lahat ng masama."
"Sapagka't sa iyo'y nagmumula ang kaharian,"
"ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian magpasawalang hanggan."
With that binitawan na nila yung kamay ko
Ba't ang init ng pisngi ko, ay siguro lalagnatin lang ako, para sa akin ay ganun kasi lagi yun eh kapag may naramdaman akong mainit sa mukha ko
~ilang sandali lang ay nag "PEACE BE WITH YOU" na ang pari sa amin
Dati pag peace be with you, nag-bebeso beso pero dinidikit ko lang yung cheeks ko sa mga katabi ko kapag hindi ko kilala o kaya naman i-kiss ko sa cheeks pag ka close ko kahit sa mga lalaki subalit sabi ko nga DATI
Pero sa sitwasyon ngayon.... kung ganito ba naman ang mga katabi edi syempre.......
.
.
.
.
..
.
.
.
.
.
Hindi. Tsk, talenders niyo ha ano sila sinuswerte, hay nako nahawa nanaman ako sa lengwahe ng mga kasamahan ko sa Choir
"Miss peace be with you!" bati sa akin ni key, siya lang natatandaan ko ang daldal kasi
"Pakisssssss" sabi pa niya
Sinamaan ko siya ulit ng tingin~
"Ay haha joke lang, sa cheeks lang naman eh , sige maya ka na haha Pre Locky! pa kisss uah- eh joke lang pre haha" inambahan kasi siya ng suntok nung Locky
Akala ko ay tapos na si Key sa kakulitan niya kaya sa gulat ko ay nawalan ako ng balanse at muntik ng matumba
Kung hindi lang mabilis yung reflexes ng dalawa kong katabi baka sumubsob na ako sa sahig ,kahiya hiya, wa poise.
Si sungit ay maagap na nahawakan yung balakang ko kaliwang braso at kamay kasi ang ginamit niya si Pink naman na ka hawak sa braso ko
At ngayun ko lang na realize na ang awkward pala ng posisyon namin ,pakiramdam ko ay sobrang kahiya hiya na ako, ngayun lang ulit ito at
bakit mainit yung mukha ko? Alam niyo ba?
Nabaling naman ang atensyon ko sa humahangos na babaeng papunta sa'kin. "Ate! ate! ate Ria! hufff key-keylangan ka sa itaas!"
~~~
Nasa multimedia
pala sila :) ang pogi XD
Thank You sa mga nag-try basahin ito, Take Care :)
Yieee mag sisimba na yan, simba ha! Hayssss talenders talaga!
Typed: Jan. 5, 2014; 2:45 am ^.^
Posted: Jan. 7 , 2014
Edited na 1/26/14 :)
--------
This is my second book at sana maging maayos na ang pagka gawa ko , kasi dun sa first book ko may mga problema sa kung paano ko naisulat yung buong kwento at ngayun madami akong natutunan lesson
Example dapat pala ay dinescribe lagi ang feelings ng bawat characters or inarate ang ginagawa nila
Sa first story kasi example
*lakad *lakad *lakad
Malaking X pala yan, hindi pala yan tama, dahil bakit sa isang libro ba may ganyan na kapag nag lalakad o may pumapalakpak
ang nakalagay ay ganito
*clap *clap *clap, diba must better kung "isang masigabong palakpakan"
iyan ang ilan sa sabihin na nating natutunan ko sa mga writing tips o rule ng mga author dito sa wattpad, kaya nag pupursigi ako na ma-i-apply ito dito. hooo, sana nga,
-unnie jam :)