We'll Always Have Summer (WAH...

By JuannaBeWriter

10.8K 516 134

Three Old Friends. Secrets. Revelations. Forgiveness. One Summer. [Cover design by @Risingflare] More

1 | Another Summer
2 | My Golden Boy
3 | Three Old Friends
4 | Get Together
5 | His Thoughts
6 | Unspoken Words
7 | The Way We Were
8 | Afraid to Fall
9 | That Old Wooden Ladder
10 | In The Mourning
11 | You Should
13 | Forever Like This
14 | Claire
15 | My Sunshine
16 | We'll Always Have Summer
Acknowledgment
WAHS: Alice
WAHS: Selfie
The Summer Continues
Just Like Summer (WAHS #2)

12 | Say Something

361 22 3
By JuannaBeWriter

"Even when I detach, I care. You can be separate from a thing and still care about it. If I wanted to detach completely, I would move my body away. I would stop the conversation midsentence. I would leave the bed. Instead, I hover over it for a second. I glance off in another direction. But I always glance back at you.

- David Levithan (The Lover's Dictionary)

🔸🔸🔸

"Ate Gabs, okay ka lang?" Napadako ang tingin ko kay Camille, Claire's younger sister. Tinutulungan niya kasi akong gumawa ng mga decorations, iyong mga pumpon ng mga bulaklak para sa aisle.

"Ha? Oo naman. Pagod lang siguro." Ngumiti ako kay Camille. Camille's already in college, graduating na ito mula sa kurso niyang Veterinary Medicine.

Mula sa sulok ng mata ko, naaninag ko pa din itong pinagmamasdan ako sa 'di kalayuan. Kaya siguro napapansin ni Camille na parang hindi ako mapakali.

Jake.

He stood under the big tree, kausap niya si Marc. I just hope that Marc won't notice, tuwing mapapadako kasi ang mata ko sa direksyon nila, mahuhuli ako ng mga mata ni Jake. He's staring at me as if commiting my whole being into his memory. It's been five years, at hindi ko maitatangging iba pa din ang epekto ni Jake sa sistema ko. He's deep eyes makes my whole body tense, and shiver na para bang ayaw niya akong pakawalan sa mga titig niya.

I tried to focus on what Camille and I doing. Umusog ako ng kaunti para hindi ko tuluyan siyang makita. Kaninang umaga, 'pag gising ko kasama na siya nila sa Claire at nang buong pamilya sa mesa na nag-aagahan. Claire said he arrived three in the morning. Mabuti na nga lang at gising pa si Marc at nasundo nila si Jake sa bayan nang ganoong oras.

Of course, I expect him to be here. Bukas na ang kasal. Ang buong akala ko, mag iiba ang lahat. That we'd outgrew the feelings we had before.

Akala ko hindi na awkward kung sakaling magkita muli kami. I mean, it's five years. Pero mali ako. When he laid his eyes on me, I felt the same rush of emotions I had years back. The kind of feeling that he alone can give me.

"Sige ate, ako na lang dito. Mag-lunch ka na muna."

Ikinumpas ko naman ang kamay ko sa harapan ko. "Naku hindi. Okay lang ako."

"Sure ka? Para kasing namumutla ka."

Napahawak ako sa pisngi ko. I used to be really pale. Pero ganun nalang ba talaga ang kaba na nararamdaman ko sa mga tingin ni Jake? Napabuntong hininga ako.

Nag-angat uli ako ng tingin. And as expected nagtagpo muli ang mga mata namin ni Jake. Marc is busy chatting with him, laking Amerika din kasi itong si Marc kaya sa tingin ko nagkakasundo sila. Panaka naka ay tumitingin siya kay Marc pretending he's attentive to what he's saying.

He's wearing a plain white shirt match with khaki shorts. Nakapamulsa ang isa nitong kamay habang ang isa naman ay may hawak na bote na kagaya di ng hawak ni Marc. Something for refreshment, I think. His hair was the same, may kaunting gulo ito, at haba na halos umaabot na sa mga mata niya. Jake became bigger. His shoulders are broader, his body is toned and lean. Very masculine pero hindi naman 'yung tipong katawan na nagwo-work out. It just became more manly. It's like reading Nicholas Sparks' novel, the way how you imagine the male lead character.

"Kuya Lance!" Camille's voice brought me back to my senses. Napalingon ako sa kinauupuan namin and I saw Lance walking towards our place, nakangiti ito. I smiled back.

Ipinatong ni Lance ang kamay sa ulo ni Camille saka ginulo ang buhok niya, bago ito umupo sa pagitan namin.

"Hey."

"Hi."

"Tara, lunch muna tayo. Mamaya na 'yan." Yakag ni Lance sa amin.

Umiling si Camille. "Sumabay na ako kila Nanay kanina. Kuya Lance, isama mo na 'tong si Ate Gabs."

"Okay na ko, ate." Camille continued as if reading my mind. "Di ba kuya?" She nugged Lance' shoulder.

"Oo nga naman." Sang-ayon naman ni Lance. Ngumiti si Camille, iyong ngiti na halatang nag-aasar. No wonder, kapatid talaga siya ni Claire. Naalala ko tuloy si Claire noong kaparehong edad namin si Camille.

"Okay na dito si Cams." Inakbayan pa ni Lance si Camille. Ibinaba't taas pa nito ang kilay niya.

Hindi na ako tumutol, ala una na rin pala ng tanghali, and I suddenly felt the urge of eating. "Okay fine." I rolled my eyes at them.

"Sigurado ka, okay ka lang dito? Babalik na lang ako mamaya." I told Camille.

"Naku, wag kang mag-alala ate, okay lang ako." She held her thumbs up.

I look behind when Lance and I were about to leave.

And to my dismay, wala na doon si Jake.

---

Ipinaghanda kami ni Nanay Lucy ng tanghalian. Napadami kami ng kain ni Lance, na-miss kasi namin iyong luto ng Nanay ni Claire. She's best on her Caldereta, kaya busog na busog kami ni Lance.

The wedding is about to take place near the beach. Nirentahan na iyong buong resort para doon na din maglagi iyong mga bisita. Karamihan kasi ng bisita taga Maynila, sa Bayan, and even abroad. Kaya ilang araw bago ang kasal, nandito na lahat.

Sabay na kami ni Lance nagpunta dito mula Maynila. Nauna kasi sila Mama at Papa. Hinintay ko pa kasing makapag-leave ako sa ospital bago lumuwas. At the same time, busy din si Lance para sa regionals ng swimming team niya, sakto namang pareho iyong libreng araw namin, kaya nagsabay na kami.

Lance and I remained friends over years. Hindi kalayuan 'yung University na pinagtuturuan niya sa ospital kung saan ako nagtatrabaho, madalas kaming magkita. Minsan inihahatid o sinusundo niya ako sa ospital. Sometimes we go out. Pero hanggang doon lang 'yun. Alam niya naman na kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Masakit man daw isipin pero tanggap naman niya. Madalas na mapagkamalang kami. Sa ospital nga, inaasar ako nung mga kasamahan kong nurse, kahit sabihin kong kaibigan ko lang ayaw naman nilang maniwala.

I encourage him to date. Lately, ipinakilala ko siya kay Shane. Iyong kaibigan kong Med Tech sa ospital. They went out once, ayoko na din kasi masyadong magtanong. Pero according to Shane, she had a wonderful time with him that day. So, I suspect okay naman. Pero hindi na nga lang nasundan. Hindi ko alam kung bakit.

Matapos magpababa ng kinain, ipinagpaalam muna ng mga pamangkin ni Marc si Lance. Magpapaturo daw lumangoy. Tinulungan ko na muna si Mama sa kusina para maghain sa mga bisita.

"Sigurado ka bang kabisado mo pa 'yung daan pa-bayan?" Boses iyon ni Nanay Lucy. Pumasok siya sa kusina kasunod nito si Jake. Itinuon ko nalang ang sarili ko sa pag-gayat ng gulay.

"Saan ba ang punta?" Tanong naman ni Mama.

"Nagkulang kasi iyong bulaklak. Wala kasing kukuha. Itong si Jake naman nag-volunteer."

"Gabrielle, ako na dyan. Samahan mo na muna si Jake pa-bayan. Sige na." Utos ni Mama sa akin.

Napatingin ako kay Jake. Nakatingin din siya sa akin.

"Sige na anak." Kinuha ni Mama iyong kutsilyo sa kamay ko.

"Baka po may gagawin si Gabby. Kabisado ko naman po." Jake said.

"Naku, hindi. Sige na, lumakad na kayong dalawa."

"Ayos lang ba Gabby?" Tanong naman ni Nanay Lucy.

Tumango na lang ako. "Opo, ayos lang."

---

Jake used Marc's pick-up truck, sumama na ako sa kanya pa-bayan. Although parang wala din naman akong naitulong dahil kabisado niya naman talaga ang daan.

Pinilit ko na lang maging normal lang kami sa buong biyahe. Kahit parang lalabas na yata iyong puso ko sa kaba. With Jake near me, napakahirap i-contain ng damdamin. Ang hirap mag concentrate.

Maybe that's what happen when feelings are left unspoken. Ang dami kong gustong malaman. I wanted so much to hear him out, but at the same time, I fear I'd be emotional about it.

Paano kung nagbago na siya?

Paano kung nagbago na 'yung nararamdaman niya?

What if he talks about this one girl he met in New York and fallen in love with her?

Kaya ko ba? Matatanggap ko kaya?

"How's New York?" I ask breaking the silence. Nangangalahati na kami sa biyahe. I tried to sound casual as possible. Panaka naka ay tumitingin ako sa bintana.

Umayos ito ng upo bago sumagot. His eyes on the road. "Good."

Tumango ako. What do you expect Gabby?

"Si Tita Marina, kamusta?" Tanong kong muli.

"Better. She's sad she can't make it to the wedding." Saad nito. Nakatingin lang siya sa daan. Kung pinipilit kong maging casual, sa kanya parang hindi mahirap iyon. He spoke very casual. So casual, that it hurts.

Tahimik na kami uli buong byahe. Narating namin iyong flower shop sa bayan at ibinigay ko naman doon sa babaeng tila may-ari nang shop iyong listahan na ibinagay ni Nanay sa akin, while Jake patiently waiting at the doorway.

Tinulungan naman niya iyong mga assistant ng shop sa pag-load ng mga bulaklak sa likod ng sasakyan. After loading the flowers, and settling the bill, tumulak na din kami agad pabalik. Nakatingin lang ako sa daan through the window. The silence is too much to take. Minsan mas gugustuhin mo nalang na malayo sa'yo ang isang tao, kaysa naman sa malapit siya sa'yo pero tila milya milya ang layo ninyo sa isa't isa.

I tried to hold back my tears, as I watch the darkness approaching.

MADILIM na ng marating namin ang Los Balcones. Hapon na din kasi kami umalis kaya inabutan na kami ng dilim. Ipinarada ni Jake iyong sasakyan sa labas ng resort. Marami na rin kasing naka-park na sasakyan doon. Madilim na at wala na ding tao sa labas. Kailangan mo pa kasing pumasok ng resort bago mo marating yung event area nito, kaya pihado ay naroon na iyong iba at abala sa pag aayos.

Tinanggal ko na iyong seatbelt ko at binuksan ang pagka-lock ng pinto ng sasakyan. Palabas na sana ako, when his words cut me off.

"I'm sorry for leaving that way."

Sandali akong napapikit. Nakaharap ako sa pinto ng sasakyan, at nakatalikod sa kanya.

"I'm sorry for not keeping in touch."

"I said I love you, pero hindi ko napanindigan. I'm sorry Gabby."

Dahan dahan kong ibinaba ang kamay ko mula sa bukasan ng pinto. Slowly I turn to face him.

"I'm wrong. I'm stupid to even say you're coward, when the truth is, ako naman talaga ang duwag."

Pinagmasdan ko siya. It seems he didn't shave for days now. His eyes were sad. He's a grown up man now, and he's sad. Now, I feel our connection building up. Kung kanina parang napakalayo namin sa isa't isa. Ngayon, habang tinitignan ko siya, nararamdaman ko na din kung anong nararamdaman niya.

Jake had a tough life. And I symphatized for him. A part of me longs to share with his suffering. Dati pa man. I want to be a part of his life. Gusto kong malaman niya na hindi siya nag-iisa. Maybe, that's how much I love him. All these years, ayokong aminin. But it came out on its own. Loving him has become a part of my system, that I used to carry it with me since day one.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko. My mom needs me. I want to take care of her. I have to be there. Hindi ko alam Gabby, hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa'yo. I want so much to be with you, but how can I prove it kung wala naman ako sa tabi mo?" He reached for my hand. I give it willingly to him. Kasama na doon ang puso ko.

"Hindi ako nagpaalam sa'yo. I'm afraid that if I did, kung ginising kita bago ako umalis, magbago ang isip ko. Baka hindi ako nakaalis. It was hard to leave you. Believe me."

He bent his head down and kissed my hands. "I'm sorry."

He kiss every knuckles of my fingers. Every tip. Every sole. Making me feel how sorry he was.

"I love you. I never stop. I may be late, I know you're with Lance. But I don't care. Mahal kita Gabby, and I want to be with you. I don't wanna waste another five years to prove you that. If you want me to stay, I will. I promise." Puno ng sinseridad ang boses niya. Moments later, I found myself in tears.

Umiling ako. "You were never late."

He placed my hand to his cold cheek. "You're with Lance."

"No." Umiling ako. I was smiling.

Nangunot ang noo niya. "I thought--"

"Magkaibigan lang kami. He knew it was you all along." I breathe in.

Ngumiti siya. "I can explain everything to you.. I'll tell everything you wanted to know."

"Okay." Tumango ako. I was still crying. Pinunasan niya iyon gamit ng mga kamay niya. He even kissed those tears away. He kiss my eyes pati na din ang pisngi kong napuno ng luha.

"I'm sorry for the tears. I'm sorry for the pain. For the sleepless nights." He whispered. I wasn't aware our faces are inch close.

Deep in my heart, I know it doesn't matter. There's no love without pain. Even Jesus had to nailed down on the cross because of His great love for us.

For whatever his reasons are, I know it won't change the fact that I'm in love with him.

The car was filled with silence for a long while. Pareho lang kaming nakatingin sa isa't isa. Panaka naka ay hahawakan niya at hahalikan ang mga kamay ko. It was tender and loving. Nagpupuyos ang puso ko sa saya.

And it came. When I allowed his lips to sealed mine. It was a simple kiss, it lasted a few minutes. Ipinikit ko ang mga mata ko. Our lips weren't moving. He didn't tease mine to open. It was just a simple reminder of how true and pure his love can be. It was mind blowing. Magical. Funny how I had to wait 29 years for that to happen. But somehow I'm grateful, that it's still with him.

When we let go, pareho kaming nakangiti.

"I love you." He murmured.

"I love you, Jake." I whispered back, but too loud for him to hear.

----

Hindi pa din ako makapaniwala sa sobrang daming nangyari sa araw na 'to. After the heart-pouring conversation with Jake, naghapunan kami kasama ng buong pamilya. Kasama ng pamilya ko, pamilya ni Claire, ni Marc, at si Lance and Jake. The dining area was filled with good bits and pieces of conversation.

Panaka-naka ay mahuhuli kong nakatingin si Jake. He'd smile, and I'll smile back.

Around eleven na ng makarating ako sa kwarto. Naglinis na ako at nagbihis bago sumampa sa kama. It was a long and tiring day. Napangiti ako ng maalala ko ang nangyari kanina. Hindi pa din ako makapaniwala na okay na kami ni Jake.

Then I remember Claire.

Bigla naman ay nakarinig ako ng marahan na pagkatok sa pinto. Bumukas ito at iniluwa noon ang iniisip ko. It was Claire on her pajamas. Napangiti ako. Tinapik ko 'yung bakanteng space sa kama katabi ko, inviting her to sit down with me.

"Hi." Bulong nito.

"Bakit gising ka pa? Bawal mapuyat ang bride." I brush her hair using my fingers. Yes, it was Claire's wedding tomorow, with Marc.

Medyo mahaba na iyong buhok ni Claire. It falls beautifully on her shoulders. Still, as slender as she is. Nag-matured ang features nito in a very beautiful way. Mas lalo siyang gumanda. She's gorgeous. She glows, and I exactly know the reason why. Maganda ang epekto nila ni Marc sa isa't isa.

Maya maya ay isinandal nito ang ulo niya sa balikat ko. "Naaalala mo dati? When we used to dress up, imagining we're brides?"

Napangiti ako. Naaalala ko 'yun. That was when we'd secretly take dress mula doon sa closet ni Mama para isuot namin. Obviously mahaba iyon sa amin, kaya parang wedding gown. "We'd smear our lips with lipstick kasi hindi tayo marunong maglagay."

We laugh in unison. "I love you Gabo."

"Love you more Clareng."

Sandali kaming natahimik. Masaya ako para kay Claire, but it also sadden me to think that I'm going to miss us like this. Although alam kong hindi naman mawawala yung pagiging bestfriends namin, it's just that starting tomorrow, she'll be a married woman. Ang bilis ng panahon. Ngayon hindi na dress up. Totoo na talaga.

"Gab?"

"Hmmn?"

"I'm happy you're happy."

I don't know what it means. Although dapat ako naman ang magsabi sa kanya noon. "Bakit parang baliktad?"

Tumawa siya. "Basta. I'm happy that we're both happy. And sorry for everything."

Bigla kong naalala si Jake. Bukas ko na lang sasabihin kay Claire. I just want to feel this moment, iyong kaming dalawa lang. I know it's mean to say, but I'm grateful that I never had a sister. Dahil kung meron man, baka maging unfair lang ako sa kanya, because I know I'd love Claire more.

"Para saan?"

Umiling siya. "I want you to be happy, Gabs. Kasi kapag hindi, ipo-postponed ko yung kasal."

Binawi ko iyong balikat ko at tinignan siya. "Claire?!"

"Relax!"

"Ikaw naman kasi! Don't tell me you're having second thoughts!"

"Of course not!" Natatawa niyang sabi.

I sighed. "Claire naman eh!"

Tumawa siya. This time, iyong tawa na mahirap i-control. Yung nakakahawa. Hindi ko na tuloy napigilang hindi tumawa.

"Para tayong baliw."

"That's why we're friends."

Tumango ako. "Ikakasal ka na bukas. Bawal nang umatras."

He sat on an indian seat. "Kung pwede nga lang ngayon, papakasal na ko eh."

Ngumiti na lang ako habang umiiling. I know how Claire loves Marc, and how Marc is into her. Claire also cried over him before, but that proves only one thing, mahal talaga nila ang isa't isa. And tomorrow is their much awaited wedding day. I'm nothing but happy for her, we all are.

"I'm happy for you."

Inirapan niya ko. "Ayokong umiyak Gabrielle ha!"

I bit my lower lip. Parang nararamdaman ko na naman kasi yung luha sa mga mata ko. Umiling ako.

Claire cleared her throat. Alam kong naiiyak na din siya. "Tell me.."

Tinignan ko lang siya. Maya maya ay nagsimula nang pumatak 'yung luha ko. Hindi ko na talaga napigilan. "S-si Jake.."

Claire smiled. That pretty smile of her. Umayos siya ng umupo sa kama. "Come on, tell me."

She held my hands. Naalala ko yung gesture ni Jake sa akin kanina. Napansin ko, hilig nilang gawin iyon pareho. And it has the same effect on me. It calms me. It makes me feel secured.

"Let's pretend we're fifteen." Claire said.

Napangiti ako. Ganito kasi kami dati. She'd sleep over into my room, and we'd spent the whole time chatting about everything. Nakakalungkot isipin,na baka ito na ang huling slumber party namin.

"Dati ako lagi ang nagkukwento. It's your turn. You have me. We have all night."

"No holds barred." Paalala niya pa.

"No holds barred." I nodded.

Tonight, I'm going to tell her everything. Simula sa simula. Lahat ng mga hindi ko nagawang sabihin sa kanya. Pati na din sa nangyari kanina.

No holds barred.

* * * * *

Author's Note:

Pahabol for love month!

May mga next updates pa, don't worry. :)

 Para kay @blank_note :)

Thank you for being one of the readers! Highly appreciated.

Maraming salamat uli sa mga nag-aabang kahit sobrang tagal ng updates. Thank you guys, from the bottom of my hypothalamus.

PS. Check the multimedia link. One of my faves. Ito una kong naisip habang sinusulat ko 'to. So there :)

 xox ;)

M <3

Continue Reading

You'll Also Like

180K 2.9K 50
ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid...
8.7M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
7.3M 231K 12
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...