The Despicable Guy Book 2

By shirlengtearjerky

11M 110K 18.7K

Published under Pop Fiction (2014) More

Author's Note
Special Chapter // 1
Special Chapter // 2
Special Chapter // 3
Special Chapter // 4
Special Chapter // 5
Special Chapter // 5.5
TDG Special Chapter // 6
Special Chapter #7
The Despicable Guy Book 2
TDG Book 2 - Chapter 1
TDG Book 2 - Chapter 2
TDG Book 2 - Chapter 3
TDG Book 2 - Chapter 4
TDG Book 2 - Chapter 5
TDG Book 2 - Chapter 6
TDG Book 2 - Chapter 7
TDG Book 2 - Chapter 8
TDG Book 2 - Chapter 9
TDG Book 2 - Chapter 10
TDG Book 2 - Chapter 11
TDG Book 2 - Chapter 11
TDG Book 2 - Chapter 12
TDG Book 2 - Chapter 13
TDG Book 2 - Chapter 14
TDG Book 2 - Chapter 15
TDG Book 2 - Chapter 16
TDG Book 2 - Chapter 17
TDG Book 2 - Chapter 18
TDG Book 2 - Chapter 19
TDG Book 2 - Chapter 20
TDG Book 2 - Chapter 21
TDG Book 2 - Chapter 22
TDB Book 2 - Chapter 23
TDG Book 2 - Chapter 24
TDG Book 2 - Chapter 25 <3
TDG Book 2 - Chapter 26
TDG Book 2 - Chapter 27
TDG Book 2 - Chapter 28
TDG Book 2 - Chapter 29
TDG Book 2 - Chapter 30
TDG Book 2 - Chapter 31
TDG Book 2 - Chapter 32
TDG Book 2 - Chapter 33
TDG Book 2 - Chapter 34
TDG Book 2 - Chapter 35
TDG Book 2 - Chapter 36
TDG Book 2 - Chapter 37
TDG BOOK 2 VALENTINES SPECIAL! ♥
TDG Book 2 - Chapter 38
TDG Book 2 - Chapter 39
TDG Book 2 - Chapter 40
TDG Book 2 - Chapter 41
TDG Book 2 - Chapter 42
TDG Book 2 - Chapter 43
TDG Book 2 - Chapter 44
TDG Book 2 - Chapter 45
TDG Book 2 - Chapter 46
TDG Book 2 - Chapter 47
TDG Book 2 - Chapter 48
TDG Book 2 - Chapter 49
TDG Book 2 - Chapter 50
TDG Book 2 - Chapter 51
TDG Book 2 - Chapter 52
TDG Book 2 - Chapter 53
TDG Book 2 - Chapter 54
TDG Book 2 - Chapter 55
[EXTRA CHAPTER] The Secret Society Interview!
TDG Book 2 - Chapter 56
TDG Book 2 - Chapter 57
TDG Book 2 - Chapter 58 [Wedding Part 1]
TDG Book 2 - Chapter 59 [Wedding Part 2]
TDG Book 2 - Chapter 60
Epilogue
Author's Note | Announcements
ALWAYS AND FOREVER
ANNOUNCEMENT! ;D
After Afterall

TDG Side Story: Atom & Mara

104K 863 113
By shirlengtearjerky

TDG Side Story: Atom & Mara

(Disclaimer: Kung hindi niyo pa nababasa ang updated na TDG Book 2 Special Chapters... then skip this part. Basahin nyo muna yung Special Chapter sa Book)

 

**

Sabi ng ilan, wala na raw "unique" na love story. Oo nga naman, sa dami ba naman ng tao dito sa mundo, at sa lagpas na milyon na emosyon, posibleng meron tayong kaparehong love story. Kaya nga sa mga libro, halos paulit-ulit na lang palagi ang mga kwento, iba-iba nga lang ang pangalan ng characters, settings at ilang pangyayari.. pero it all ends the same. Hindi unique ang love story niyo.

Yan ang point ni Atom ever since bata siya. Para sa kanya, wala nang mas magiging 'unique' sa love story ng parents niyang sina Kevin at Jersey. Tandang-tanda pa nga niya nung kinukwento ito ng Mama niya sa kanila ni Krishna pag kumakain sila. May unique 'glow' si Jersey habang kinukuwento ito. Though theirs wasn't hearts and flowers all throughout, at least they've managed to be together until this day.

Basis niya ng true love ang parents niya, though hindi niya ito pinapahalata sa mga ito, lalo na sa kapatid niyang si Krishna. Baka nga siya pa ang nagmana ng hopeless romantic side ni Jersey, bakit nga ba siya nag-iimagine ng ganito at hindi si Krishna, diba? Role models niya ang mga magulang sa lahat ng bagay, mapa-career man o pati sa pag-ibig. Ideal girl niya ang mga tipo ni Jersey, habang gusto niya na tulad siya ni Kevin, ideal boyfriend.

Walang unique na love story. Sa libu-libong taon ng pagsusulat nito, lahat na halos ay napiga na.

Pero.. pwede mo pa ring gawan ng sarili mong twist.

**

Hindi makapaniwala si Mara nang makita niya si Atom Santos sa classroom na 'yun.

Gusto niya agad na magtago, or better yet, magpalit ng identity o mukha. Alam niyang parehas silang pumasa sa UP Manila, Public Health (She took the course because of him, pero eventually she realized na gusto talaga niyang mag-doctor), pero.. never niyang inexpect na sa unang araw niya sa college ay ito ang makikita niya.

Sure, it has been months since that fateful mall incident. Until now ay pinaparusahan pa rin niya ang sarili sa ginawa niyang kalokahan. Malay ba niyang yun pala ang kapatid nitong si Krishna?! Yes, taga-ibang school siya pero patay na patay na patay siya kay Atom. Una niya itong nakita sa isang interschool exhibition game noong 2nd year high school sila. Sa totoo lang hindi niya peg ang sporty guys, she really hates sweat. Kaso may something kay Atom na alam niyo yun, makes sweating sexy. Ever since that day, smitten na siya sa lalaki. Hindi naman siya yung stalkerish type, pero sakto lang. Gaya ng ibang babae na patay na patay sa crush nila, nag-improve ang stalking skills niya. She rejoiced when she found out Atom doesn't have a girlfriend. Hindi naman siya expectant, at siya lang sa lahat ng mga babaeng sumasamba sa Santos genes nito ang ganun.

Siguro dahil sa gutom kaya niya hinila si Krishna nang makita niya itong nakalingkis kay Atom sa mall. Di niya namukhaan ang younger sister! Ibang-iba pala ang itsura nito sa personal. Bigla tuloy siyang naintimidate! Bakit ba ganun ang genes nila ha?

Gusto na niyang himatayin that time, first time niyang nakausap si Atom sa personal. At pinagtitripan pa siya nito! At yung smirk! Bakit kailangang may ganun pa, diba? Nakakaloka!

She took a very deep breath before entering the room. Bahala na, feeling niya na di naman siya mapapansin ni Atom. Baka kasi marami na umupo sa bandang harapan para di siya mapansin ni Atom na nakikipagkaibigan na sa bandang likod. Mukhang blockmates pa sila! Pinagdadasal niya na sana matapos na ang History 1 class nila at di siya mapansin ng ex-crush niya sa likod. Sana.

**

It turned out na hindi sila blockmates, pero magkaklase sila sa Math 17, Comm 1 at History 1.

Hindi alam ni Mara na napansin siya ni Atom nung first day of class nila sa History 1. Tinago niya lang ang gulat niya nun. Ayaw niyang isipin pero ganun talaga: stalker ba ang babaeng 'to? Pati hanggang UPM eh sinusundan siya!

Pero nagtataka siya, 3 weeks na silang pumapasok pero hindi pa rin siya pinapansin ng babae. Nung Freshman Concert nga, kahit nasa likuran lang siya nito e ni isang lingon wala siyang nakuha. Hard to get? Di naman siya yung tipong ganun. Siguro nahihiya pa rin ito dun sa nangyari sa mall.

Sa klase ay napapansin niyang palatawa si Mara. Marami na agad itong kaibigan sa History 1 class nila, kahit upperclassmen. Natatawa na nga nga lang siya pag magkakatinginan sila sa klase, agad kasing iiwas si Mara ng tingin. Aliw na aliw siya sa pagkunot ng noo nito.

One time ay nagkasabay sila sa pagpapaphotocopy ng readings sa History 1. Hindi napansin ni Atom na si Mara na yung katabi niya sa stall.

"Ate, isang kopya nga ng History 1, Reyes," normal niyang sabi.

Medyo may pagkamataray si Ate. "Ayan o nasa kanya," sabay nguso sa katabi ni Atom.

That moment gusto na talagang sakalin ni Mara ang attendant. Palagi na lang itong mataray! Without looking at him, inabot niya yung readings.

"Thanks," Atom replied weirdly. Ang awkward masyado ng atmosphere sa lugar.

Ilang minuto ring ganun ang dalawa, parehas na naghihintay ng pinapaphotocopy nila. Walang usap-usap. Hiyang-hiya pa rin si Mara. Crush pa ba niya si Atom? Hindi na. Nadala na siya sa kagagahan niya months ago. Pero bakit siya papa--

"Ate bayad po sa dalawa."

Dun napalingon siya sa katabi, na nakangiti pala sa kanya. "Wag na, ako na magbabayad," she blurted out too quickly.

Tumawa si Atom, yung pagkunot ng noo na naman ni Mara. "Breathe, Mara. Chill ka lang, 10 pesos lang naman."

She wants to retaliate pero nauna nang lumakad si Atom paalis ng stall. For the second time ay napahiya na naman siya dito.

**

Galing sa average family sina Mara, at only child lang siya. Kahit ilang beses na siyang inaaalok ng father niya na ihatid ito sa campus ay tumatanggi ito. Mas trip niya kasi ang magcommute, lalo na ang sumakay ng bus. Gusto niya kasi maging independent mula sa mga magulang niya since buong elementary at high school ay hatid-sundo siya.

Ang ironic sa lahat ay makita niya sa pila ng bus si Atom. At first akala niya ay may sinasabayang babae ito pero wala pala. Imbis sa BBL siya sumasakay ay nagtitiis siya sa Greenstar bus.

Wow, si Atom Santos, nagcocommute? Sa unang tingin pa naman, ito ang tipong pinagmamayabang ang sportscar o kung anumang sasakyan na malalapitan ng chicks. Of course, he's trying to be different.

One Friday night, himalang wala si Atom sa may BBL. Mara took the chance and rode that bus. At last, makakauwi rin siya nang matiwasay, Wifi pa! Sa sobrang tuwa niya, di nya namalayan na yung katabi niyang seat ay unoccupied pa rin, nagmumuni-muni kasi ito. Nang naramdaman nyang paalis na ang bus, dun lang niya napansin si Atom na nakatayo sa aisle ng bus. Her initial response was to grab the curtain and hide her face. But too late, nagkatinginan na silang dalawa. At bonus pa ang smile nitong si Atom.

"May isa pang bakante dito!" sigaw nung nasa likuran ni Mara. Shit, she thought, baka mamaya si Atom pa ang umupo dun! Papano na ang carefree ride niya? Pero she was shocked na makitang inaalalayan ni Atom ang isang lola papunta sa upuan na bakante.

"Salamat, hijo," mahinang sabi ng lola nang makaupo ito.

"Wala po yun, 'la." Akala ni Mara ay aalis na ito, kaso hindi, dun na pumwesto si Atom sa tabi ng lola. Nilakasan na lang niya ang volume ng music para madistract siya. Buti na lang at sa Parkhomes ang baba ng lola. Si Atom? Nagulat siya nang bumaba ito sa may JPA at sumakay ng jeep pa-Alabang. Dun lang niya narealize na malakas ang sapak ng lalaki. May mga bus naman na sa Alabang o Southmall ang daan, di hamak mas malapit sa village nila. Bakit ito bumababa pa sa Muntinlupa? Weird.

**

Wednesday next week, she found herself sitting beside him.

Masyado kasing mabilis ang pangyayari. Medyo puno na rin kasi ang bus nang sumakay siya. Never naman niyang inakala na sa tabi pa ni Atom yung bakante. No choice siya kundi umupo sa tabi ng lalaki. Wrong timing pa na nag-shorts siya ngayon.

10 minutes after umandar ang bus nang bigla siyang kausapin ni Atom.

"Hirap ng exam sa Math 17, ano?"

Bakit nga ba siya natatakot dito? Past is past, nagsorry naman siya ah. Kaya sumagot siya, "Ang dami ko ngang blangko. Worst exam for this sem."

Di inexpect ni Atom na sasagutin siya ni Mara. "Nagsasalita ka pala. I thought you're gonna avoid me forever."

Mara laughed. "Silly, isn't it? Look, I'm so sorry for what happened. Ang stupid lang talaga."

"You're forgiven months ago. Ikaw lang 'tong nagtotorture sa sarili mo eh."

"Sorry naman. Ang awkward lang kasi."

"At least hindi na awkward ngayon, diba?"

That conversation stretched up to an hour and half, puro kwentuhan tungkol sa subjects nila. Awkwardness vanished to thin air.

Sa Susana Heights Exit ay tinanong na ni Mara ang gumugulo sa kanya. "Wait, sa Ayala Alabang ka nakatira, right? How come dito ka pa dumadaan?"

"Wala lang. Gusto ko lang magcommute."

"Eh may buses naman na pa-Alabang or pa-Southmall! Di hamak mas malapit yun kesa dito ah."

Atom smiled at her. "Adventure. Masaya lang magcommute. Binibigyan ako ni Papa ng sasakyan kaso ayoko, hassle at demanding, parang girlfriend."

"Ang sasakyan ay parang girlfriend, inaalagaan. Afraid of commitment?"

Umiling si Atom. "Di ah. Sadyang ayaw ko lang ng dalahin ngayon."

Their goodbyes wasn't that awkward anymore. Gumaan ang pakiramdam ni Mara, sa wakas okay na sila ni Atom.

**

After that palagi na silang nagsasabay sa bus, with some of their classmates na pa-Muntinlupa/San Pedro rin. 5 sila sa group, and they call each other 'busmates'. Si Atom palagi ang unang bumaba sa kanila, kaya palaging ginigisa ng iba si Krishna.

"Hoy ang chika close na kayo nyan ah," pabirong sabi ng isa nilang kaklase nang makababa si Atom sa JPA. "Sinama-sama niyo pa kami dito sa busmates pero kayo lang naman talaga ang busmates!"

Mara feigned interest. Ayaw niyang bigyan ng ibang meaning ang pagsasabay nila ni Atom. "Baliw! Nagtampo naman kayo. Tsaka ang gwapo naman masyado ni Atom, ayoko sa ganung type!"

Tinawanan lang siya ng tatlo. "Baka kainin mo lang yang sinasabi mo, Mars. Hintay-hintay ka lang nang onti then you'll see."

Sana mali ang mga kaibigan niya. Sana.

**

October nang minsang di sila magkasabay ni Atom pauwi. May meeting kasi ang org na sinasalihan nya kaya malelate siya. Too bad wala ring charge ang phone niya at di niya kabisado ang number ng kasabay. Yung tatlo naman nilang classmates ay palagi silang iniindiyan.

10pm na halos nang makarating siya sa terminal ng BBL. Gulat na gulat siya nang makitang naghihintay sa kanya si Atom dun.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. "Okay ka lang?"

"Galing akong PNU, may seminar kasi dun kanina. Yung binanggit ni Ma'am sa Comm1? Sayang incentive."

Ayaw naman magduda ni Mara kaya pinalagpas na lang nya ang dahilan ni Atom. "Tara na nga! Baka mamaya wala pa tayong masakyan eh."

Tuwang-tuwa naman si Mara nang inabutan siya ni Atom ng Yumburger ng Jollibee. "Lifesaver talaga ang Jollibee kahit kailan, ano?" sabi sa kanya ni Atom. Of course she agreed, libre naman eh.

**

Second sem nang magreklamo si Krishna sa kuya niya kung bakit pa rin ito nagcocommute. Ang palagi nyang dahilan? Adventure. Independence.

"Sus kuya wag mo nga akong daanin sa adventure at independence na yan! Babae lang yan, eh!"

Di na lang sumagot si Atom, alam nyang papatulan lang ni Krishna kung anumang sasabihin nya.

**

Pagpasok ng second sem ay magkaklase sila sa halos lahat ng subjects. Isa na dun ang NatSci2, na kung saan ay magkagrupo sila. Early December nang magkaron sila ng project at nag-offer si Atom na sa bahay na lang nila gumawa. May konting pilitan pa ngang naganap kay Mara, nahihiya pa rin ito kay Krishna.

"OMG ATE MALL!!"

Gusto na niyang lamunin siya ng lupa nang sabihin yun ni Krishna. Di alam ng groupmates nila ang something na yun. At tumalim ang tingin niya kay Atom, na tawang-tawa pa sa pangyayari.

"H-hi Krishna.." nahihiya nitong sabi.

"Hoy Kuya! Hindi mo sakin sinasabi na si Ate Mall pala 'tong kaklase mo!! Blockmates ba kayo kagaya nina Mama?"

Sinamaan ng tingin ni Atom ang kapatid. Gumagana na naman ang imahinasyon ng kapatid nya. "Hindi kami blockmates. At may pangalan siya, she's Mara."

Tuwang-tuwa naman si Krishna sa nakita niya. Ever since mangyari ang mall incident ay peg na niya si Mara para sa kuya nya. "Yes naman! Ang cute! Ate Mara!! Okay lang na Ate tawag ko sa'yo?"

No choice na si Mara. Kahit hindi siya pumayag e tatawagin pa rin siya nun ni Krishna.

**

Since dalhin ni Atom si Mara sa bahay nila, non-stop ang pagloloveteam ni Krishna sa dalawa. Dinidismiss naman palagi ni Atom ang pang-asar ni Krishna, wala naman talaga.

One night, kinausap ni Jersey ang anak about that matter.

"Ma, pati ba naman ikaw?" Atom groaned.

"Why? I'm just asking."

"Nagmana nga sa inyo si Krishna. Parehas kayong makulit!"

"Hindi ka naman aasarin ng kapatid mo kung wala lang yan, diba? O talagang chismosa yang si Krishna?"

"Parehas lang kayong chismosa," Jersey glared at him. "What? Totoo naman ah!"

Jersey sighed. Ang hirap nga naman na binata ang anak mo. Before they could openly talk about anything, ngayong college na si Atom, medyo ilag na 'to. "Can I ask just one question? If you answer this.. I have the right to have follow-ups. Okay ba?"

"Anong tanong?"

"Do you like Mara?"

Atom stopped for a moment. Gusto nga ba niya si Mara at di nya lang alam? "I like her company. Is that even considered as 'like'?"

"You used the word 'like', smartass. So may gusto ka ba sa kanya?"

"Hindi ko nga alam, Ma. Wala pa sa agenda ko yan ngayon. Studies first."

"Wow, sorry naman at namana mo ata ang GC genes ko. Kami naman ng Papa mo.. napagsabay namin ang studies at lovelife. May extra-curricular pa nga eh!"

"Tss. Ayoko lang macompare ang love story ko sa inyo ni Papa. Magmumukhang ewan yung akin."

Narealize ni Jersey na yun nga ang kinakatakot ng anak niya, ang maulit ang love story nila sa kanya. "Atom.."

"Your story is too epic. Alamat na yun. Ayoko ng pressure kahit wala namang pressure. Kay Tito Jicker pa lang hassle na. Tsaka.. natatakot ako na baka di ako kagaya ni Pa-"

"Mas mabait ka kesa sa Papa mo, seriously. Of course namana mo yun sakin," she paused, laughing. "Pero Atom.. wala nang original na love story sa panahong 'to. Naghahalo-halo lang yan ng experiences. I'm not saying na itulad mo samin ng Papa mo yang sa inyo ni Mara. Walang pressure! Know what's the secret for a unique love story? It's not always about the extraordinary events, cheesy lines or the kilig/drama. The thing that makes a love unique is your feelings for that someone. Kung totoo yan, kung mahal na mahal mo siya, hindi ba unique na 'yun? Hindi mo basta-basta macocompare yun sa ibang tao kasi ikaw yun eh, sa'yo yun. Think about it."

**

Tinandaang mabuti ni Atom ang sinabi sa kanya ng mama niya. Ayaw naman niyang iwasan si Mara, baka mamaya magtaka ito. He tried to act as if nothing's happening, na parang imposible naman ata.

Pagdating ng birthday ni Atom, he decided to treat Mara sa Dad's sa Glorietta. Saktong 2PM ang labas nila kaya dumiretso sila dun.

"Atom tama na! I cannot eat anymore!" reklamo ni Mara. Lahat na ata eh pinakain sa kanya ng birthday boy.

"Hoy sayang yan! Ubusin mo!"

Umiling si Mara. "Di ko na talaga kaya! Okay lang sakin 'tong siomai but the carbonara? No can't do sir!"

"Sayang yan o. Pinaghirapan ng chef na lutuin yan!"

"Ayoko na talaga!" the she did her signature forehead crease.

That's when he knew.

He likes her.

Akala niya di mangyayari sa kanya yung spontaneous moment na sinasabi ng Papa niya. Of all things, bakit pagkunot ng noo pa? Kay Kevin nga raw dati, sa ulan pa niya narealize. Ano bang meron sa kanilang mag-ama?

"O pati ata ikaw eh! Yabang mo dyan di mo rin pala kaya!!" asar sa kanya ni Mara.

Ngumiti na lang siya. Walang kamalay-malay si Mara sa narealize niya.

**

Isang araw nung March, hindi magkasabay umuwi ang dalawa. Sa Greenstar sumakay si Mara habang naiwan sa BBL si Atom. Bakit?

Kasi nagtapat na ang lalaki.

"Talaga girl? Anong sabi mo?" usisa ng bestfriend niya na taga-ibang school. "Tignan mo swerte mo rin! Dati crush mo lang ngayon may gusto na sa'yo!"

Di alam ni Mara ang gagawin. Panong nagkagusto sa kanya? Siya nga kinalimutan na yung childish crush niya kay Atom. Tapos ngayon.. siya na pala ang may gusto dito. Nakakaloka!

"Ba't ang saya mo dyan? Nahihirapan na nga ako dito eh!"

"Girl, mahirap ang math, physics at economics. Ang pag-ibig hindi naman mahirap kung alam mong gusto mo at handa ka. Ikaw ba, gusto mo? Handa ka ba? Pag nasagot mo yun.. e di masaya!"

Napaisip si Mara saglit, may point naman ang bestfriend niya. Kung nangyari sa kanya 'to nung high school, e di gora talaga siya! Kaso magkaibigan silang dalawa.. pano kung hindi magworkout? Sayang friendship diba?

**

Eventually pumayag si Mara na makipagdate kay Atom bago matapos ang sem. Pag hindi nagworkout.. lalayo sila sa isa't isa for awhile para walang awkwardness.

Nung una takot si Mara, hindi na kasi ito tulad nung dati na friendly dates. Naiilang siya.

Kaso.. nakikita niya yung effort ni Atom sa kanya. No pressure. Nakasalalay sa kanya ang fate nilang dalawa.

Pinayuhan siya ni Krishna na patagalin ang ligawan stage. Umabot an panliligaw ni Atom ng 5months bago naging sila. Simple lang naman ang confession, nasa bus lang. Nag-"I love you, too" lang siya. Simple, pero ramdam ang sparks.

**

3 months na sila nang dalhin ni Atom si Krishna sa wedding anniversary nina Jicker at Blanche.

"Naks, chumi-chicks ka Kuya Atom ah!" bati sa kanya ni August nang pagbuksan niya ng pinto ang dalawa.

"Shut up, Ogs. Sina mama nandito na ba?"

Tumango si August. "Ate Mara, sigurado ka ba na boyfriend mo 'to?"

Muntik na sanang kutusan ni Atom ang pinsan kaso pinigilan siya ni Mara. "Minsan nagtataka rin nga ako eh. Please remind me na magpacheckup, okay?" she replied with a sweet smile.

"Oks yan kuya! Bait! Kayang-kayang sabayan mga kalokohan mo. Aprub!" may thumbs up pa ito.

Kaba at takot ang nararamdaman niya habang nasa party. Sobrang dami kasing pinsan-pinsanan nina Atom at Krishna, ang laki ba naman ng barkada ng parents nila. Pero matapos ang party, naging palagay naman ang loob nito sa lahat. Gustung-gusto rin siya nina Kevin at Jersey para kay Atom.

"Ano.. my family's crazy, right?" sabi ni Atom bago niya itigil ang kotse sa harap ng bahay nina Mara.

"Okay lang. Your Tito Jicker's funny ha. Sakit sa ulo ng jokes kahit matanda na sya!"

"Mara, thank you pala sa pagpunta. May exams pa naman tayo sa Monday naabala pa kita."

She shook her head. "Okay lang, ano ka ba. Babawi naman ako sa'yo next time. Family grand reunion namin sa January at dadalhin kita dun. Sana tayo pa by then."

"Sus, tayo pa. Sira ka ba?"

**

Tumagal silang dalawa. Hindi lang basta tagal, as in tumagal. Nakagraduate silang pareho with honors sa BS Public Health at nakapasa rin sa UP Med. Ayaw na ngang magkahiwalay ng dalawa! Cardiology ang specialization ni Atom habang oncology si Mara. Sa iisang hospital lang din sila nagtatrabaho.

"So.. kelan na kayo magpapakasal, kuya?" yan ang bungad ni Krishna sa kanya nung minsang maglunch sila sa Diliman. 5th year na si Krishna sa kursong Architecture at dun na ito nakabase sa Diliman.

"Kasal agad? Kakasimula pa lang namin tapos kasal?"

"Kuya.. 28 ka na! Dapat magpakasal na kayo!"

"Tss. Tsaka na yun pag mayaman na kami pareho."

"Tumatanda na sina Mama.. baka wala silang maa--"

"Anak na naman? Hinay lang pwede? Dadating din kami ni Mara dun. Don't push me."

Natawa na lang ang kapatid sa kuya niya. "Haayy nako Kuya.. ang tagal niyo na ni Ate Mara.. at this point nag-eexpect na siya na may something. Ikaw rin, bahala ka."

**

Tumapat sa 29th birthday ni Mara ang conference ni Atom na gaganapin sa Australia. They were supposed to celebrate it together, plano pa nga nilang pumunta ng Coron, Palawan for the weekend. Kaso importanteng conference ng cardiologists yun, at fortunate na nga si Atom na mapasama dun.

"Hassle, birthday na birthday mo tapos on-call ka? Ano ba yan!" sabi ng isang colleague niya. Short staffed kasi ang ER kaya isa siya sa biglaang inaassign dun.

"Okay lang ako. At least magcecelebrate ako na ginagawa ang mahal kong trabaho."

"Pero yung mahal mo wala naman dito! Burn!" dagdag ng nurse. Nagtawanan na lang sila.

11th birthday niya 'to na sila ni Atom, at ito ang unang beses na wala ito. Nasa flight pa raw sina Atom, at tatawag ito agad pag nakalapag na ang eroplano.

Tumingin siya sa relos. 10 minutes before mag-12mn. She'll turn 29.

Pupunta sana siya ng CR nang may bumungad sa kanilang ambulance. Since siya ang pinakamalapit na doctor sa entrance, isa siya sa mga nag-assist.

"Bakit ayaw nyong buksan yung pinto?" galit na tanong ni Mara sa mga nurse.

"Doc may contagious disease mo. We have to isolate the patient."

"Sure kayo? Let me check. I'm the attending."

Humarang pa ang driver ng ambulance. "Saglit lang po Dr. Gonzales, may hinihintay pa po kami sa loob."

"What the--"

From nowhere ay may narinig siyang.. mga violin. Wala namang nagpapractice sa paligid ng hospital. Well, sino nga naman diba? When she turned around, dun nga nya nakita ang isang violin quartet, at tumutugtog ito ng You Make My Dreams ng Hall & Oates. Maya-maya ay may lumabas ring ilang doctor, na kumakanta! Anong meron?

Suddenly, bumukas ang pinto ng ambulance, at nandun si Atom na nakangiti sa kanya.

"Wh--"

"Bago mo ako tusukin ng diazpam o saksakin ng scalpel.. Mara Gonzales.. will you marry me?"

Ayaw pang magregister sa utak ni Mara ang sinabi ni Atom. Napatulala siya sa boyfriend saglit, at pagkatapos ay umikot ang mata niya sa paligid. Nanonood ang mga nurse, doctor at maging ang ilang staff sa nangyayari sa labas ng ER.

"Atom.. what in the world is this?" she almost whispered.

Lumabas si Atom mula sa ambulance at lumapit kay Mara. "Will you marry me?"

That point ay napaiyak na nga si Mara. She couldn't believe it. May 50 seconds na lang bago siya mag-29 years old.. at natupad ang isa sa wishes niya.

"10 seconds more."

Nagtaka si Atom. "Ha? An--"

"5.. 4.. 3.. 2.. 1.."

"Yes, I will marry you, Atom."

As if on cue ay biglang may sumabog na confetti sa ibabaw nila, with matching kanta pa ng staff at accompaniment ng violins. So gets na rin sa wakas ni Atom ang feeling ng papa niya that time. Spontaneous moment never fails.

**

Lahat ng love story ay may ending. Hindi man lahat ay masaya o madali, pero bawat kwento ay may magandang wakas.

At alam nating sa kanilang dalawa.. hindi lang basta maganda, kundi kakaiba.. sa sarili nilang paraan.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 10.2K 94
I deserve a better ending.
18.6M 560K 67
Jasper Yu, the drummer of the band Endless Miracle and the known playboy of the group got the taste of his own medicine when he fell in love with Ais...
13.9M 234K 91
Tagalog/English [PUBLISHED UNDER POP FICTION - 2017]
24.7M 558K 155
This is not a love story. This is a story about LOVE.