Wonderland Magical Academy: T...

By Missmaple

13M 354K 43.8K

[Date Started: March 2013 Date Finished: August 2013] Date Published: June 4, 2015 This is a fantasy, Action... More

Synopsis
Prologue
Chapter 1: First Day of School
Chapter 2: Forge your Own ID
Chapter 3: The Arrogant Tutor
Chapter 4: True Training starts Today
Chapter 5: Examination Day
Chapter 6: Examination Day Part 2
Chapter 7: Home and Secrets
Chapter 8: Friends?
Chapter 9: The Last Shooting Star
Chapter 10: Four Elemental Power User Together (Training)
Chapter 11: You're Not A Good Actress
Chapter 12: Powers Clashed
Chapter 13: Air vs. Water
Chapter 14: Air vs. Earth
Chapter 15: Air vs. Fire
Chapter 16: Island of Gods
Chapter 17: Who's Jealous, Me?
Chapter 18: Caught in Action
Chapter 19: The Dare
Chapter 20: Enter and You'll Die
Chapter 21: Rescued
Chapter 22: The Mission
Chapter 23: The Heaven Power User Search
Chapter 24: Targeted
Chapter 25: Attacked
Chapter 26: Mission Unaccomplished
Chapter 27: Magical Festival
Chapter 28: Fake Magical Wedding
Chapter 29: Surprise Visit
Chapter 30: Parting Ways
Chapter 31: Altered
Chapter 32: Dark Wizard's Move
Chapter 33: Hunting Season
Chapter 34: The Hunter and The Hunted
Chapter 35: Caught
Chapter 36: Memories
Chapter 37: Escape Plan
Chapter 38: United
Chapter 39.1: Deceived
Chapter 39.2: All-out Battle
Chapter 40: Final Counterattack
Epilogue
Special Chapter: Goodbye, Baby Dragons
FREEDOM WALL
Christmas Special Part 1
New Year's Special
Published under Cloak PopFiction

Christmas Special Part 2

178K 4.7K 479
By Missmaple

XYRA's POV

Nakarating na kami sa Charity Foundation na sinasabi ni Clauss. Naunang lumabas si Clauss at sinabihan niya akong maghintay muna sa loob. Napangiti ako nang pagbuksan niya ako ng pinto. Gentleman ang drama niya ngayon. Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay.

Naririnig ko mula sa labas ang malakas na ingay ng mga bata at ang Christmas caroling songs na nagmumula sa loob habang naglalakad na kami papasok. Sobrang laki ng Charity House at malawak din ang lupain. May fountain pa sa gitna. 

"Nandiyan na ba sina Claudette?" tanong ko sa kanya habang papasok na kami sa loob ng malaking bahay. Agad kong napansin ang mga batang masayang naghahabulan sa hallway at nag-uunahang pumasok sa isang kwarto.

"Kanina pa sila. Malapit na rin magsimula ang Christmas Party ng mga bata," kaswal na sabi ni Clauss. Iginiya na niya ako papasok sa loob ng kwartong pinasukan ng mga bata kanina. Malaki ang loob at marami talagang bata sa loob. Nang makita ng mga bata si Clauss, agad silang naglapitan sa kanya.

"Sabi po ni Ate Claudette, ikaw si Santa Claus. Bakit wala kang balbas? Saka nasaan ang reindeer mo?" inosenteng tanong ng batang babae. Natawa ako dahil napasimangot si Clauss. Pinagtripan siya ni Claudette..

"May regalo ka ba sa'min?" pangungulit ng isang bata sa kanya.

Nakita ko sa di-kalayuan sina Claudette na nakangiti sa'min at kumakaway. May inaaus sila sa isang malaking mesa. Puno iyong ng regalo. Kumaway ako sa kanila.

"Kids, may regalo kayo mamaya. Bumalik na kayo sa upuan niyo dahil magsisimula na ang Christmas program," sabi ni Clauss. Nagsitanguan ang mga bata at nagsiupo na sa kanya-kanyang upuan. Natatawang lumapit naman si Claudette sa'min.

"Sorry, Kuya. Naghahanap kasi sila ng Santa Claus. Nakalimutan ko'ng mag-prepare para doon kaya ikaw agad ang pumasok sa isip ko. Huwag kang mag-alala, nagpakuha agad ako ng costume para sa'yo," paliwanag ni Claudette na halatang nagpipigil sa pagtawa.

"Hell! Huwag mo nga akong idamay sa kalokohan mo, Claudette. Humanap ka na lang ng iba," inis na wika ni Clauss habang naglalakad kami patungo sa mesa na puno ng mga regalo. Nandoon din sina Felicity na nag-aayos ng mga regalo. Mahina akong natawa sa pagrereklamo ni Clauss. Masamang tingin ang ipinukol sa'kin ni Clauss kaya nag-peace sign ako sa kanya. Ini-imagine ko pa lang na magsusuot si Clauss ng costume ni Santa Claus, natatawa na ako. Ang sexy niyang Santa Claus! Unusual. 'Di ba malaki ang tiyan ni Santa Claus? Napatakip ako sa bibig sa naiisip kaya binatukan ako ni Clauss. Napahimas tuloy ako sa ulo ko pero maluwang ang pagkakangiti.

"Pagbigyan mo na pare. Pasko naman!" natatawang singit ni Troy nang makalapit kami sa kanila.

"Oo nga, Kuya Clauss. Tapos si Troy ay magiging si Rudolph, ang dakila mong reindeer," pang-aasar ni Felicity sabay irap kay Troy. Napahimas naman sa batok niya si Troy. Natawa na lang kami sa sinabi niya. Tumitiklop talaga si Troy kay Felicity.

Inabutan ako ni Akira ng Santa hat kaya napangiti ako sa kanya. Binati ko siya ng Merry Christmas kaya nakangiting bumati rin siya. Isinuot ko na ang hat na ibinigay niya.

"Tss. Hindi mo man lang ako binati kanina tapos si Akira, binabati mo," naiinis na bulong ni Clauss. Gusto kong mapangiti sa inaasal ni Clauss. Nagseselos siya.

Umakbay kay Clauss si Xavier. "Pare, kailangan mo ng magbihis. Kaming bahala sa'yo," nakangising wika nito. Inis na inalis ni Clauss ang kamay nitong nakaakbay sa kanya.

"Not me! Ikaw na lang Xavier," nakasimangot na wika ni Clauss. Napailing ako. Paano kaya siya mapipilit?

"Clauss, pumayag ka na. Ayos lang yan, para naman ito sa mga bata," I smiled at him. Mas lalo siyang napasimangot. Mukhang hindi talaga siya papayag na maging Santa Claus. I grabbed his hands and pulled him out of the room.

"I told you, I won't do it! That's so gay!" inis na wika niya. Napalingon ako sa kanya habang hinihila pa rin siya. Napansin ko na namumula ang mukha niya na ikinangiti ko. Ang cute niyang tingnan. Nahihiya ba siya?

Pumasok kami sa loob ng isang room na walang katao-tao.

"Ngayon mo lang naman ito gagawin. Saka mukhang sabik na sabik ang mga batang makita si Santa Claus. Although, hindi mo siya kasing katawan, at least, napasaya mo sila, 'di ba?" sabi ko habang pinipigilan ko ang sarili na matawa. Really. I can't imagine him being Santa Claus.

"No!" he said and he's dead serious. No choice but to make a deal with him. Lumapit ako sa kanya at ikinawit ang kamay ko sa batok niya. I have to do this. This guy was really hard-headed. Hindi siya makikinig sa pakiusap lang. I reached for his lips. I could feel that his muscles tensed because of shock. But, he gladly accept my kiss. When he's already responding, I pulled away and he protested as expected.

"What?" inis na sabi ni Clauss. He tried to kiss me again but I didn't allow him. Iniiwas ko ang mukha sa kanya.

"Will you do it, now?" bulong ko sa kanya.

"Ah! You're so unfair!" frustrated na sigaw niya. Napangiti ako. Mapapapayag ko rin siya. Konting push pa!

"Fine! You can't kiss me until the end of this year," I said. Lumayo na ako sa kanya at naglakad na patungo sa pinto pero pinigilan niya ako sa braso. Lihim akong napangiti. Mukhang kakagat na siya.

"Damn, naughty girl! Fine! I'll do it! Mukhang alam mo na kung paano ako mapapasunod sa'yo, ha?" he smirked. Mahina akong natawa sa sinabi niya. Halatang napipilitan siya. Nabigla ako nang hilahin niya ako palapit sa kanya at walang babalang hinalikan sa labi. He even used his tongue to invade inside my mouth. Napapikit na lang ako habang tinutugon ang halik niya. He pulled away when we were already out of breathe.

"Don't play games with me, it's dangerous. As punishment, I can kiss you, whenever and wherever I want," he whispered. Kinabahan ako sa sinabi niya. Mukhang wrong move ako. Daig ko pa ang na-check mate sa maling ginawa ko. I sighed when he held my hand. Bumalik na kami sa room na pagdarausan ng party. Siya na rin ang nagkusang magsuot ng costume at iniwan ako kina Claudette. Nagsisimula na ang party nang pumasok kami.

"Ano'ng ginawa mo kay Kuya? Paano mo siya napapayag?" takang tanong ni Claudette habang inilalagay niya sa isang malaking pulang bag ang mga regalo na ipamimigay ni Clauss mamaya. Napansin kong may mga pangalan na ang mga regalong iyon.

"Wala naman," kinakabahang sagot ko na sinabayan pa ng mahinang pagtawa. Makahulugang ngumiti si Claudette sa'kin. Sina Troy at Felicity ang host sa Christmas program. Sina Xavier at Akira naman ang nag-aassist sa mga batang nagpe-perform. Sila rin ang bahala sa sound system. May mga kumakanta at sumasayaw.

"Nasaan pala ang lola't lolo niyo?" pag-iiba ko sa usapan.

"May inaasikaso pa. Mamaya darating din sila," nakangiting sagot ni Claudette. Pagkatapos ng mga performance ng mga bata ay nagpalaro naman sina Troy at Felicity. Nakakatuwa dahil halatang masayang-masaya ang mga bata habang naglalaro. Tuwang-tuwa sila kapag nananalo sa game. Napansin ko si Nicole na nakangiti sa isang tabi kahit hindi naman siya nakakapaglaro. Nakaramdam ako ng awa pero natutuwa ako dahil nakakangiti siya ngayon.

"That girl. She's adorable," nakangiting wika ko habang nakatingin kay Nicole. Napalingon din si Claudette sa tinitingnan ko at napangiti rin.

"Right. Siguradong matutuwa siya sa regalong matatanggap niya ngayong pasko," excited na wika ni Claudette. Takang napalingon ako sa kanya. Na-curious ako sa regalong tinutukoy niya kaya tinanong ko siya.

"An eye donor. May nakita na kami. Maooperahan na siya," naluluhang wika ni Claudette. Kahit ako gusto ko ring maluha sa tuwa. I know, it will be the most wonderful gift that she'll receive. She'll be able to escape darkness now and see the light. Natapos na ang game kaya oras na para kay Santa Claus. Nahihiyang lumapit si Clauss sa'min ni Claudette. Nakasimangot siya habang nakayuko at napapahimas sa ulo. Walang malaking tiyan pero nakakatuwa ang balbas niya. Nang-aasar na hinawakan ko ang balbas niya na ikinainis niya. Tawa naman ng tawa si Claudette maging sina Akira na nakakita sa kanya.

"Bilisan niyo na! Gusto ko nang matapos 'to!" iritableng wika nito. Tinulungan na namin siyang mamigay ng regalo sa mga bata na tuwang-tuwa sa kanya. I even took a picture of him, secretly and made it my wallpaper.

"Bakit po hindi malaki ang tiyan niyo?" inosenteng tanong ng isang bata.

"Nagdiet kasi si Santa Claus, kids," natatawang sabi ni Claudette. Nakasimangot lang si Clauss na sinisiko ko naman kaya napipilitan siyang ngumiti. Natatawa na lang ako sa mga inosenteng bata na naghahanap sa reindeer at karwahe ni Santa Clauss. Tinatanong pa nila kung lumilipad talaga ito. If only we still got our power abilities, we can show them something magical this Christmas. Matapos naming maipamigay ang regalo, nagbihis agad si Clauss. Dumating na rin ang lolo't lola nina Clauss habang kumakain ang mga bata na halatang nagutom dahil sa activities. Halos hapon na rin kaming natapos.

Binabati sila ng mga bata kapag nakikita sila. Mukha silang mababait. Napalingon ako kay Clauss nang umakbay siya sa'kin at nakapagpalit na ng damit. Lumapit sa'min ang mga lolo't lola nina Clauss. Nakaramdam ako ng kaunting kaba nang ipakilala kami nina Clauss at Claudette sa lola't lolo nila. 

"Si Xyra nga po pala, girlfriend ko," pakilala sa'kin ni Clauss. Hindi ko alam ang gagawin ko nang titigan nila ako. Parang sinusuri nila ako pero nakahinga ako ng maluwag nang ngumiti sila sa'kin.

"Ang ganda naman pala ng girlfriend mo!" natutuwang sabi ng lola niya at niyakap ako. Kinantiyawan lang kami nina Claudette.

"Huwag niyo nga siyang purihin. Baka lumaki ang ulo niya. Gullible pa naman 'yan. Huwag niyong paasahin," nang-iinis na wika ni Clauss. Natawa lang ang lolo niya at tinapik siya sa balikat. Napasimangot naman ako.

"Mukhang hindi ka pa rin nagbabago, Clauss. Still not showy," natatawang wika ng Lolo niya. Kumalas sa pagkakayakap si Lola sa'kin at bumaling kay Clauss.

"'Di ba, may surprise ka sa kanya? Naibigay mo na ba sa kanya?" tanong ni lola kay Clauss. Nakangising umiling lang si Clauss. Naibigay na niya ang mga regalo niya kina Xavier kanina pero wala pa akong natatanggap mula sa kanya. Hindi ko pa rin naibibigay ang regalo ko. Gusto ko kaming dalawa lang. Nakakahiya kasi baka hindi niya magustuhan. Maarte pa naman siya.

Ngumiti sa'kin ang lola ni Clauss. Nagpaalam na rin silang aalis dahil may ilan pa silang lugar na binibisita.

"Ano ba ang surprise mo?" takang tanong ko kay Clauss.

"Tss. Hindi na surprise kapag sinabi ko," he smirked. Natapos na kumain ang mga bata. Tinawag silang lahat ni Claudette. Ibinigay ni Claudette kay Clauss ang microphone na ipinagtaka ko.

"Kids, hinahanap kasi ni Ate Xyra ang gift ko sa kanya. Will you help her to find the gift inside this room? You know what to do, right?" he smiled. Excited ang mga bata sa sinabi ni Clauss. Ang iba nagtatawanan pa na tila may alam sila sa pakana ni Clauss.

"If you didn't find it in an hour, I have to punish you," he whispered in my ear. Lumayo na siya sa'kin at hindi na nakapagprotesta. Dinumog kasi ako ng mga bata na may kanya-kanyang suggestion kung nasaan ang gift ni Clauss. Sumandal si Clauss sa dingding habang nakahalukipkip at naaaliw na nakatingin sa'kin.

Napansin ko naman na nagpaalam sina Claudette kay Clauss at lumabas na sa room, kasama sina Akira. Kaming dalawa lang ni Clauss ang nandito sa room kasama ang mga bata. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at nagtanong na sa mga bata. Tiningnan ko ang relo ko, it's already 5 p.m. Kailangang mahanap ko na ang gift before six.

Inilibot ko ang paningin. Wala man lang ibinigay na clue sa'kin si Clauss kung anong itsura ng regalo niya. Nakakainis! May humihila sa laylayan ng dress ko kaya napilitan akong umupo dahil tila may gustong sabihin sa'kin ang batang lalaki.

"Ate Xyra, sabi ni Kuya Clauss, I love you raw po," he giggled and ran away. Syempre, nagulat naman ako. Ano namang pakulo ito ni Clauss? Bibigyan ba talaga ako ng clue ng mga batang ito? Pero ang nakakainis, kinikilig ako at hindi ko maiwasang mapangiti!

"Nasa gitna po ang gift mo Ate Xyra," sabi ng isang batang babae. Napalingon ako sa gitna ng room. Christmas Tree ang nasa gitna pero nang tumingin ako sa kisame. May malaking parol doon. Hindi ko naman abot 'yon.

Lumapit ako sa Christmas tree. May kumalabit sa'king bata. "He said, you'll be guided by shining stars and lights," sabi ng nakangiting babae. Ang nakikita ko lang sa christmas tree ay ang christmas lights na patungo sa malaking tala na nasa tuktok. Don't tell me nasa itaas ang gift? Hindi ko kayang abutin 'yon.

"Ate may hagdan," sabi ng batang lalaki na nakaturo sa ladder na nakasandal sa gilid ng pader. Seryoso? Ipapaakyat niya sa'kin ito? Asar! Tinulungan ako ng mga bata na kunin ang ladder. Wala na akong nagawa kundi ang akyatin ito. Napansin ko na nagpipigil ng tawa si Clauss habang nakatingin sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan. Buti na lang may short akong suot.

Napansin ko na lumabas si Clauss sa kwarto habang nakapamulsa. Iiwan niya ako? Patay siya sa'kin kapag nakita ko siya mamaya! Nang makuha ko na ang malaking star, wala naman akong nakitang gift na nakalagay doon kundi isang note lang sa ilalim nito.

You can find it where your heart belongs. Sorry to trick you, babe. I love you. Find me as soon as possible. Time is running. Be ready for your punishment. ;)

"Clauss!" inis na sigaw ko sa kanya. Natawa lang ang mga bata sa ginawa kong pagsigaw. Bumaba na ako ng hagdan. Lalabas na sana ako pero may batang pumigil sa'kin. Si Nicole.

"He said, he's in the middle of a maze. You'll be guided by shining stars and lights. And you'll find your gift where your heart belongs," she said smiling. "Just follow the lights."

I smiled. "Thanks!" I ran as fast as I could. I got 20 minutes left to find him. Paglabas ko ng room. Madilim sa hallway pero kapansin-pansin ang isang daan na naiilawan. Nasa kanya lang pala ang gift, pinahirapan pa ako! Sinundan ko ang mailaw na daan. It lead me outside the Charity house, in the back side.

I saw a big maze with a single entrance. May tatlong daan akong pagpipilian pagpasok ko pero isang daan lang ang naiilawan ng mga Christmas lights. Napangiti ako. Buti naman hindi na niya ako pahihirapan. I ran but I saw Felicity in the end of the way so I stopped. She smiled and gave me a white rose.

"Pinabibigay ni Kuya Clauss. This white rose symbolizes his real and pure love. He just wants to say that 'I am worthy of you'. Sabi niya bilisan mo. Unfortunately, this is the longest way to reach him," natatawang sabi ni Felicity. "Inuubos niya ang oras mo. Actually, iikot ka pa."

"What?" inis na tanong ko. Patay talaga sa'kin si Clauss!

"Follow the lights, para hindi ka maligaw. Goodluck," nakangiting paalam ni Felicity. Nagpasalamat ako sa kanya at nagmamadaling tumakbo palayo. Sunod ko namang nakita si Akira sa sunod kong pagliko. He gave me an orange rose.

"I never thought that Clauss will be this sweet. I'm happy for you. This symbolizes fascination and he's fascinated to meet you," nakangiting sabi niya. Nagpasalamat akong muli at nagmadali na naman sa pagtakbo. Grabe si Clauss! Pinahihirapan talaga ako. Gusto kong kiligin sa pakana niya pero nakakapagod kaya! Sunod kong nakita si Xavier. He gave me a peach rose.

"This peach rose means sincerity. I hope you know what it means, right? Mabuti pa maglakad ka na lang dahil mapapagod ka lang, hindi ka rin makakaabot sa oras. Hayaan mong parusahan ka na lang ni Clauss. Merry Christmas," natatawang sabi niya. Tiningnan ko ang relo ko at 10 minutes na lang ang natitira. Dahil pagod na ako sa pagtakbo, sinunod ko siya. Pinagpapawisan na ako kaya pinunasan ko ng panyo ang mukha ko. Pinaypayan ko rin ang sarili ko gamit ang panyo. Sigurista talaga si Clauss! Ilang minuto rin akong naglakad nang makita ko si Troy. He's holding a yellow rose.

"Hello, Xyra! Here's your yellow rose. Ang corny ni Clauss! This means a promise of a new beginning and jealousy. In short, he wants to say 'I care'..." nakangiting sabi ni Troy. Natawa ako sa kanya. 

"Thanks!" sabi ko nang magpaalam na sa kanya. Nakita ko sa dulo ang nakangiting si Claudette na may hawak na pink rose.

"Pinapahirapan ka ba ni Kuya? Late ka na!" sabi niya habang nakatingin sa relo niya. Iniabot niya sa'kin ang pink rose. "Malapit na si Kuya. He said, he's giving you this. A pink rose for admiration and gentleness. He means 'Thank you and Please believe me'. Goodluck, sis!" paalam ni sa'kin. Kumaway pa siya kaya napangiti ako. Naglakad na ako patungo sa pinakagitna ng maze. Nang makita ko ito, namangha ako dahil sa gitna ng maze ay isang magandang garden. I saw Clauss, standing there, checking the time. He's holding a red rose in his hands. Mukhang inip na inip na siya sa pagdating ko. Napalingon siya sa'kin.

"You're late. Ready?" he grinned.

Napasimangot ako. "Dinaya mo ko." Nakalapit na ako sa kanya at ibinigay niya sa'kin ang red rose na hawak niya kaya napangiti na rin ako. "Thanks. So what does this mean?" nang-aasar na tanong ko sa kanya.

"You know it very well. I love you," he frowned. He leaned closer and gave me a fast kiss on the lips. Hinawakan niya ang kamay ko at iginiya sa table na nasa gitna. Pinaupo niya ako. Ngayon ko lang napansin ang musika na pumapailanglang sa paligid. Madilim na kaya nakakatuwang pagmasdan ang mga ilaw na nagbibigay liwanag sa paligid. May pagkain din sa mesa pero may takip pa.

"Ano'ng punishment ko?" takang tanong ko sa kanya. Mabuti na ang handa kaya tinatanong ko agad. He gave me a dangerous smile. Halatang may binabalak siyang masama.

"Excited ka na agad sa punishment mo?" nang-aasar na tanong ni Clauss. Inirapan ko siya.

"Sabihin mo na para mapaghandaan ko," inis na wika ko sa kanya.

"Paano kapag sinabi ko na isang gabing kasama mo ako ang parusa? Maghahanda ka pa?" nakangising sabi niya. Pinanlakihan ko siya ng mata. Ang bata pa namin para gawin ang bagay na 'yon! Namula ako at napatakip sa mukha dahil sa pumapasok sa isip ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Clauss.

"I think, mas maganda kung ibibigay ko na ang punishment ko sa'yo," he said then stood up. Lumapit siya sa'kin at hinila ako patayo. Lumayo kami sa table. Medyo kinakabahan ako. He put my hands on his shoulder and wrapped his hands around my waist. He pulled me closer.

"But before that, I want you to dance with me, first," bulong niya. Saka ko lang napansin ang musika at ang mabagal na paggalaw namin upang sabayan ang kanta. Ngayon lang yata kami sumayaw? Ang corny ng kanta. Suddenly it's magic na duet ng babae at lalaki. Gusto kong matawa sa ginagawa namin ni Clauss pero kinikilig din ako sa drama niya.

After a few minutes, he cupped my face and turned me to face him. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko. I know, he'll kiss me so I closed my eyes and wait. He kissed me on the tip of my nose before he claimed my lips. I wrapped my arms on his nape. He pulled me more closer. Sinusundan ko lang ang bawat galaw ng labi niya. Naramdaman ko ang paggapang ng isang kamay niya sa katawan ko kaya pinigilan ko siya gamit ng isa kong kamay, without breaking the kiss. Hindi naman siya tumutol. Hinawakan na lang niya ang kamay ko. 

He stopped kissing me. At may dinukot sa bulsa niya. "Here's my punishment," he said. May inilabas siyang isang box na ikinakunot ng noo ko. Medyo lumayo ako sa kanya. May inilabas siyang gold bracelet. It's like a chastity belt lined with small diamonds though it still looks simple.

"It's a Love Bracelet. And this will be your punishment," he grinned.

Paanong magiging punishment ang bracelet na 'yon? Napansin niyang naguguluhan ako sa mga sinasabi niya kaya natawa siya.

"You can't take this off, once you wear this," he said. He put it in my right hand. May napansin akong gold screw na ikinabit niya roon. He got something in his pocket. A tiny gold screwdriver. Ngayon alam ko nang hindi ko na matatanggal ang bracelet sa kamay ko. Binitawan na niya ang kamay ko nang maayos na niyang maikabit ang bracelet. 

"Sorry babe, I'm possessive so I need to bind us together. This bracelet will let you remember my promise that I will never leave you again, like it will never be taken off on your wrists. This may seem like a handcuff but that's my way to mark my property. Do you think you can bear with this punishment?" he asked me, seriously. I'm touched. Nakakainis dahil hindi ko talaga siya magawang basahin. Nakakatuwa na marunong din naman pala siyang mag-effort.

"I don't mind at all. As long as you promise that you will never leave me again, it's fine to be binded by you. But I forgot my present in my bag. Nasa loob ng room kanina," napapakamot sa ulo na wika ko.

"What is it?" he said with an amuse look on his face.

"Just a plain silver necklace. I can't decide on what to give to you that will match your personality," nahihiyang wika ko.

"Good timing. I'm planning to buy a necklace, too, because this gold screwdriver can be worn as a pendant. Merry Christmas and advance Happy Birthday tomorrow," he said smiling. "I want to give this present when midnight strikes, but I have to bring you home, early. Baka akalain ng mga parents mo, itinanan na kita. But, I can abduct you, if you wish me to," he laughed.

Natatawang hinampas ko siya sa dibdib. Puro talaga siya kalokohan. Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa leeg ko. I never thought that this guy will really surprise me today. Natawa siya nang marinig ang pagkalam ng sikmura ko. Panira ng moment!

"Let's eat!" nakangiting sabi niya. Nahihiyang ngumiti ako sa kanya at sinunod na lang siya. Mukhang hindi na talaga mawawala sa sistema ko si Clauss dahil ang bracelet na suot ko ngayon ang laging magpapaalala sa'kin sa kanya at sa pangako niya.

-----------------------------------------

Not sure kung magagawa ko ang New Year's Special.. Hirap kasi mag-type.. I hope I can find time... Thanks sa inyo <3

Pero seriously Clauss? Sa tingin mo ba happy ending na talaga? lols.. I'm being the antagonist now. Evil grin... May masama yata akong naiisip talaga >.< hahaha

ADVANCE HAPPY NEW YEAR!!! <3

Continue Reading

You'll Also Like

220K 5.7K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
13.2M 375K 116
Exle Asper Rij is a 17-year old straight A student in her high school. Her grades and attitude towards studying allowed her to be accepted in an inte...
29.8K 1.3K 6
Lost Academy was just the beginning. It was the prelude of something bigger. Academia de Rij was destroyed. All things and all living beings inside...
13.8M 388K 79
Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her study, despite of her strong aversion. A...