If I Fall (Taglish)

By shirlengtearjerky

13.9M 234K 47K

Tagalog/English [PUBLISHED UNDER POP FICTION - 2017] More

If I Fall
0.5: You're The One That I Want
Chapter 1: First Day High(way to hell) Part 1
Chapter 2: First Day High(way to hell) Part 2
If I Fall Chapter .5 (#2) - You're The One That I Want
Chapter 3: Second Day's The Charm?
Chapter 4: SASSA
Chapter 5: Spell Physics? H-E-L-L!
Chapter 6 - Honors Class
Chapter 7 - Uh oh.. Secret Revealed?!
Chapter 8: Ex Marks The Spot
Chapter 9 - What Goes Around Must Come Back Around
Chapter 10: Friday I'm in...?
Chapter 11: The Devil Made Me Do It
Chapter 12: You, Me, Plus The Devil Makes Three
Chapter 13 - Not My Cup of Tea
Chapter 14: Knight in Shining.. NOT!
Chapter 15: A Night Like This
Chapter 16: The Thing With First Impressions
Chapter 17: Picture To Burn
Chapter 18: Academics For Dummies
If I Fall Chapter .5: You're The One That I Want (#3)
If I Fall Chapter 19: Stuck With You
If I Fall Chapter 20: Hot For Hoops, Not For You
If I Fall Chapter 21: August Rush
If I Fall Chapter 22: Tipping Point
If I Fall Chapter 23: The Clash
If I Fall Chapter 24: Flashback (Janine)
If I Fall Chapter 25: The Mixed Tape
If I Fall Chapter 27: No Good Without You
You're The One That I Want Update (#6)
If I Fall Chapter 28: Who's Who
If I Fall Chapter 29: Every Night Is Another Story
If I Fall Chapter 30: To Date Or Not To Date, That Is The Question
If I Fall Chapter 31: Switcheroo
If I Fall Chapter 32: Two Trick Pony
You're The One That I Want Update #7
If I Fall Chapter 33: Fourth Comings
Chapter 34: Harder To Breathe
Chapter 35: Your Ex Girlfriend Sucks
Chapter 36: Inexpressible Love (n)
Chapter 37: All The Small Things
Chapter 38.1: On The Side Of Me
Chapter 38.2: Please, Please, Please Let Me Get What I Want
Chapter 38.3: Lost In Space
Chapter 38.4: You And I
Chapter 39: October Blues
Chapter 40: Hands All Over
Chapter 41: Pep Rally
Chapter 42: Rumor Has It
Chapter 43: Flashbacks (Vivien)
Chapter 44: Friends, Lovers or Nothing
Chapter 45: MTF.. BCWSBF?
Chapter 46: What Are You Willing To Lose?
You're The One That I Want Updated #8
Chapter 47: Weights And Measures
Chapter 48: The First Cut Is The Deepest
Chapter 49: Fuschiang Pag-ibig. Track 01
Chapter 50: The Unopened Letter To The World
You're The One That I DO NOT Want
Chapter 51: Champagne For My Real Friends, Real Pain For My Sham Friends
Chapter 52: I Know It's True, But I'm Sorry
Chapter 53.1: Memory Lane [First Year]
Chapter 53.2: Memory Lane [2nd Year]
Chapter 53.3: Memory Lane [3rd Year]
Chapter 54: Are You True?
Chapter 55: Turning My Safety Off
Chapter 56: Twenty Three
Chapter 57: Truth, Bitter Truth
Chapter 58: (I Just) Died In Your Arms
Chapter 59: Yet
Chapter 60: There Is A Light That Never Goes Out
Chapter 61: Love Is A Losing Game
Chapter 62: Perfect Little Secret
Chapter 63: Bad News For People Who Love Good News
Chapter 64: You Know I'm No Good
Chapter 65: Evidence
Chapter 66: I Can't Lie
Chapter 67: Show Me What I'm Looking For
Chapter 68: Steal Your Heart
Chapter 69: As Long As It Matters
Chapter 70: I Can't Make Me
Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (I)
Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (II)
Chapter 72: I Would Do Anything For You
Chapter 73: Stand By Me
Chapter 74: Forever Young
Chapter 75: Time Of Our Lives
One Last Angry Look
Author's Note: If I Fall Sequel

If I Fall Chapter 26: Twelve Hours

143K 2K 424
By shirlengtearjerky

(A/N: Salamat po sa mga nagbabasa ng If I Fall! Nakakaiyak kayo! Haha! ?)

--

Nagkatinginan na lang sina Wes at Chester. Hindi nila alam kung nasaan na sila o kung may tao pa ba sa vicinity nila. Kanina pa sila naglalakad pero parang walang katapusan na hilera ng puno na lang ang nakikita nila.

"Nasan na ba tayo?" tanong ni Wes kay Chester, bakas sa boses nito na medyo natatakot sya.

"I don't have a clue where we are."

-

"Janine! Are you sure about this?" tanong ni Rocky sa soon-to-be-bestfriend ulit na siyang nagmamaneho ng sasakyan.. na tinakas lang nila.

"I know how to drive, Rachel. Now please, bantayan mo na lang si Jenica please? Baka gising na yan."

Sinilip ni Rocky si Jenica na mahimbing na natutulog sa backseat. Naiinis pa rin sya dito hanggang ngayon.

"Bakit ba kasi pasaway yang teammate mo, Janine."

"I don't have any clue, Rachel. Now if you mind I am driving."

---

WEDNESDAY

12 HOURS EARLIER

(Chester's POV)

Away game na namin mamaya. Yep, you heard (or read) it right, NAMIN. Binalik kami ni Sir Lean sa team nung Monday, kaya todo practice kami ni Wes para makasabay sa team. Big deal para sa Charleston ang season na'to, kasi eto ang 25th year na lalaban ang Charleston. And pressure samin dahil kailangan naming maka- 4 peat.

Kaso parang hindi na ata kakayanin ng katawan ko 'tong schedule ko. Next week na ang Ginoo at Binibining Wika pero wala pa rin akong gagawing talent. Dancing? Please lang, magsosolve na lang ako ng kung anumang Math problem dyan pero parang awa wag nyo kong pagsayawin.

August 21 ngayon, Ninoy Aquino Day. Holiday ngayon pero dahil sa first game namin this season, nagrequest ang faculty ng volunteers per class para tumulong sa preparations. Kaya nandito sina Barbs at ilang kaklase namin para tumulong, as requested ni Lean. May practice pa kami ngayon, kasabay ng cheer squad.

(sa hallway)

Break namin from practice. Niremind ako ni Mrs. Yap about sa talent ko for the pageant. Nakakainis! Wala pa talaga akong napipili! Saktong nakasalubong ko si Vivien, na may dalang isang box ng color blue cartolina.

Ako: Viv! Ako na dyan *kinuha yung box*

Viv: *fixes her glasses* Thanks! So.. kamusta practice? Kinakawawa na ba kayo ni Sir?

Ako: Sana sa Honors na lang talaga sya. Nakakatakot si Sir Lean sa court! Parang mangangain ng tao.

Viv: I heard him earlier. Ang layo nya nga dun sa teacher na umiiyak habang tumatawa :)

Ako: Wait lang, random question. Ano kayang magandang sayawin sa pageant?

Viv: Seriously, Chester? Ako talaga tinanong mo nyan?

Ako: Bakit naman?

Viv: Wow. You know that I don't know how to dance, right? Have you tried watching videos on YouTube?

Ako: Yup. I can't do it on my own.

Viv: Si Rocky? Di ba partners kayo?

Ako: Wala pa rin syang gagawin eh. Ayaw ko namang makadagdag sa problema nya.

Viv: *tumigil sa paglalakad* This is my stop. *tinignan ko sya ng weird* Naka-assign ako sa juniors ngayon. Dapat si Barbs kaso mainit ata ulo nya. Scary.

Ako: *binaba yung box* Haaaaay. Bakit pa kasi ako pa ang napili. Nakakainis naman yan oh. (-_-)''

Viv: Don't worry! Mag-iisip ako ng pwede mong gawin. Pero don't rely on me that much. My ideas suck anyway. Text na lang kita :)

Ako: Sure! Balik nako sa court, baka pag-initan pa ako ni Sir Lean e.

Viv: Thanks nga pala sa pagbuhat! *smiles*

Eh ano nga ba talagang gagawin ko ha? Sakit naman nito sa ulo!

--

Pagkaalis ni Chester, kinuha agad ni Vivien yung cellphone nya at may tinext.

To: Sir Lean

Sir! I have an idea :)

---

(Barbs' POV)

IN CASE GUSTO NYONG KAMUSTAHIN ANG SPELLING BEE NAMIN NI TUKO, PANALO KAMI. CHAMPION, I MIGHT ADD.

YUN LANG. TAPOS NA.

Eh ano pa bang gusto nyong malaman? Ang sakit na ng ulo ko dito. Inaayos ko kasi yung 1st issue ng Herald na ididistribute na namin bukas. Hinahati ko by section kaya medyo hassle. Baka yung iba may kulang sa page, o typo. Ilang beses na naming pinroofread 'to ni Tuko, pag may mali pa susunugin ko na talaga yung publishing house!!! Nasa Herald Headquarters ako nito ah. Ako lang mag-isa. Nyeta walang multo dito. Mang-asar tatalupan ko ng balat!!

*door opens*

"Sa tingin mo aappreciate ng audience yun?"

"Depende. Not everybody listens to alternative rock nowadays."

Wow. Anong ginagawa ni Tuko at.. Rocky dito sa HHQ? >:\

Me: *sarcastic* Marunong ba kayong kumatok?

Rocky: *nagulat* You're here!

Me: Ay multo ako. *tingin kay Tuko* Siguro naman pwede mo na ko tulungan dito noh?

Tuko: Nabilang mo na ba yan?

Me: YUN NA NGA ANG KANINA KO PANG GINAGAWA.

Tuko: Highblood ka na naman! *tinignan yung newspapers*

Me: O ba't ka nga pala nandito? Di ba kasama mo si Viv?

Rocky: *nagtali ng buhok* Pinatawag kasi kami ni Mrs. Yap. About dun sa talent chorva.

Me: E di maggitara ka! Kumanta ka dun.

Rocky: Maappreciate ba nila yun? Hello, my genre's alternative rock. Uso ngayon ang K-Pop. I don't think they can relate.

Me: Try mo magK-Pop!

Rocky: Hindi na talent yun! Solid rock ako.

Tuko: Wag mo nang kausapin si Barbs, Rocky. Masyadong sabaw na utak nyan.

Me: Wala ka pa bang practice? Demonyo raw si Lean ngayong araw ah.

Tuko: Oo. Nakakapressure! Sana Honors na lang sya.

Me: Krii. *to Rocky* mm. Diba nagpractice ka ng drums kina Chester? Ba't di ka na lang magdrums?

Rocky: Yun na nga e. Kaso pag nagdrums ako baka maingayan lang sila.

Me: Well ako rin maiingayan...

Rocky: Baka nga magdr--

"Cy, tawag na tayo ni Lean," Ay nasa may pintuan pala si Wes? Nagkatinginan na lang kami ni Rocky. Kruuu

Tuko: *kinuha yung bote* Babalikan kita dito mamayang 1 after practice. Dapat tapos na yan.

Me: TSSSSSS MUKHA MO. ANO PA BANG MAGAGAWA KO!!!

Sumibat na yung dalawa, tapos tong si Wes may pahabol pang tingin samin. Parang timang talaga yun!!!

Me: Ano, kakausapin mo ba?

Rocky: *smiles weakly* Hindi ko alam. Bahala na! Sige, una nako. Tutulungan ko pa si Viv.

HAYNAKO PRIDE NGA NAMAN NAKAKAINIS

---

(9's POV)

From:Viv

Nine, tapos na ba kayo? Help naman dito oh! Tignan mo kung okay pompoms nyo. Sa 4Honors ako :)

Oh well, tapos na rin naman kami sa practice so pinuntahan ko na si Viv. Sobrang kabado ako for tonight! Grabe si Tatin as cheer captain, mas mahirap pa syang magturo kesa sa PAC practices namin! 1pm na kaya pwede na kaming umuwi. 7 ang calltime namin, sa Rizal kasi ang away game ngayon. Start na ng season! Go for 4-peat, Ravens! :D

"Viv nasan na yu-"

Oh.

"Where's Viv?"

Napatulala na lang sakin si Chester. Say whaaaaaaat? Anong ginagawa nya dito? VIVIEN!!!!

"Vivien? Si Sir Lean kasi tinawa-"

OH. I GET IT. I REALLY REALLY GET IT!!!

Me: *inis* Damn that nerdy!!!

Chester: *laughs* Sorry. Sige, una nako.

Kinuha na lang nya yung gamit nya at nilagpasan ako sa may pintuan. Kanina ko pa sya pinapanood sa practice nila and he looks so.. worried. Dahil ba 'to sa pageant next week?

Me: Chester?

He stopped.

Chester: Yeah?

Me: Kamusta na yung talent mo? Sa Wika thingy?

Chester: No progress. Kilala mo ko, I can't dance!

Me: You can dance! Prom last year!!

Chester: Kasi naman ikaw yung partner ko nun. Ikaw kaya nagdala ng sayaw natin!

Oh yeah. Si Chester nga pala yung date ko last year. Hindi ko makakalimutan yun!

Me: Uhh. You see.. wala na kaming practice ng squad next week so.. I can help you. For the talent portion.

Chester: *natuwa* Really? You would do that?

Me: Naman. You need help. Besides, I owe you a lot :)

Chester: Talaga? SALAMAT JANINE! Pwede na kong makahinga nito! WOOOHOOOOO!!! After na lang ng game natin pag-usapan ha?

Me: Sure! Goodluck nga pala mamaya. Break a leg :)

Chester: Salamat talaga! :) *exits*

One down, one to go :)

--

(Cyrus' POV)

Pagbalik ko sa Herald Office, nakita kong tulog si Barbs sa table nya. At naghihilik pa!

Siguro nagtataka kayo kung bakit kinukulit ko 'tong babaeng to. Wala lang. Bored lang ako.

Ako: Barbs. *alog* Barbs.

Barbs: *tulog pa rin* Ano ba. Ayaw!!!

Ako: BARBARA!!!!

Medyo nangisay pa sya.

Barbs: BAKIT MO KO SINIGAWAN!!!!!

Ako: Tapos mo na ba?

Barbs: *death glare* Oo tapos ko na. Bakit?

Ako: Pwede ka nang umuwi.

Barbs: Nagkakalokohan ba tayo dito? HOY. Hindi mo man lang titignan yung ginawa ko?

Ako: Okay na yan. Sige, uwi na.

Barbs: NAKAKAINIS KA ALAM MO YUN!!!

Ako: Alam ko. Uwi na.

Barbs: *whispering* Sana madapa ka mamaya.

Ako: Ikaw rin.

Barbs: BIONIC HEARING!?!?

Ako: Ewan ko sa'yo. Manonood ka mamaya diba?

Barbs: Hindi.

Ako: Bakit naman?

Barbs: Mag-uupdate ako.

Ako: Yun lang? Eto parang di varsity dati!

Barbs: Thanks but no thanks.

Ako: Sige ikaw bahala. Update kamo? Pagbalik natin sa Friday, feel ko pagkakaguluhan ka.

Barbs: Bakit naman?

Ako: Iaannounce ko mamaya na mag-uupdate si notanotherfairytale. Pihadong excited na umuwi yung iba nun.

Barbs: SHATTAP!!! SHATTAP!!! Hindi mo kayang i-announce yan mamaya! Magagalit sayo si Lean!

Ako: Baka magulat si Lean kamo. Ano, pupunta ka ba o hindi?

Barbs: *hinampas ako ng bag* NYETA KA!!! *walks out*

Sabi sa inyo e, sarap pagtripan!

--

(Rocky's POV)

Natulog ako nang bongga pag-uwi ko. Pano ba naman, puyat ako kagabi sa kakasearch ng magandang drum solo para sa Ginoo at Binibini! Yung tipon maiimpress sila sa skills ko. Kaso wala eh! Si Cyrus naman wala nang maisip. Badtrip!

5:30 nako nagising. Sabeh ng 4 hours of sleep! Ready na ko para magcheer sa Ravens! Wooooo! :DD

Kakain sana ako ng meryenda nang.. OMG. Bakit sila nandito?

"Tita Alex?"

Kausap ni Mama si Tita Alex.. at si Wes!!!! SI WES!!! NASA KITCHEN NAMIN SILA!!!! OMG NALAMAN BA NILA YUNG AWAY NAMIN?!?! PATAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY! :O

Mama: Tulog mantika ka talaga noh! Kanina pa nandito sina Wes.

Me: B-bakit po?

Tita Alex: Nako sorry Rachel ah! Kanina kasi nakasabay ko si Vivien sa jeep, tas nakwento niya yung problema mo sa talent sa pageant..

OH NO OH NO OH NO

Tita Alex: And since.. tinulungan mo si Wes sa UPCAT...

BINEBENTA KO SIYA SAYO!!!

Me & Wes: WHAT?!?! (o;o)

Tita Alex: Pwede kang turuan ni Wes na magpiano!

Napatingin ako kay Wes. Siya.. marunong tumugtog ng piano? Really? Alam ko marunong syang maggitara pero.. piano? Like really?

Me: *to Wes* Marunong ka magpiano?

Wes: *shrugs* Naman.

Mama: Ayan piano! Wag na yung drums na yun. Nakakabulabog kang magpractice eh!

Tita Alex: Sige na Rachel, para naman may silbi yung piano lessons ni Wes! Binebenta ko na talaga sya sayo!

TITA KUNG ALAM NYO LANG! HINDI KAMI AYOS NI WES!!! Huhuhuhuh :(((

Me: S-sige po.. kaso busy yang si Wes.

Tita Alex: Ay hindi! Walang busy busy!!! Ikaw nga busy ka dati pero tinuruan mo pa sya. Siguro naman you could return the favor *siniko si Wes* diba anak?

Wes: *medyo napilitan* O-opo..

OMG. NOOOOOOOOOOOOOOOOOO. Sya tuturuan ako mag-piano? Like really?

PATAY.

---

(NORMAL POV)

Tahimik lang ang Charleston Ravens sa school bus nila. 8:30pm ang schedule ng game nila sa Rizal at halatang kabado silang lahat. Kanina pa magkausap sina Lean at Cyrus sa may unahan ng strategies nila mamaya. Si Chester naman tulog. Si Wes nagbabasa ng Naruto.

Ilang minuto pa nakarating na sila sa lugar. Kabadong-kabado ang lahat.

Lean: Guys!! Focus!!! Tandaan nyo, kung anong sinimulan natin, tatapusin natin! Aim for 4-peat, Ravens!

Cyrus: ONE.. TWO.. THREE.. RAVENS!!!!

Varsity: RAVENS!!!!

----

Sumama naman sina Vivien, Rocky at Barbs sa iba nilang kaklase na maghanap ng upuan. Jampacked talaga ang first game ng season! Kabadong-kabado sila.

Viv: *to Barbs* Akala ko di ka pupunta?

Barbs: Boring sa bahay e. Tsss. Teka, puntahan natin si 9!

Napatingin ang dalawa kay Rocky, na kanina pang tahimik. Hindi kasi sya makamove on sa nangyari kanina. Wes as piano tutor. Baligtad na ata talaga ang mundo ngayon!

Barbs: Rocky? YUUUUHOOOOOO!!!

Rocky: *medyo nagulat* O bakit?

Barbs: Puntahan natin si 9!

Pinuntahan naman ng tatlo ang kaibigang cheerer na kanina pang kinakabahan.

Viv: Janine!

9: *lingon* I AM NERVOUS!!!

Barbs: Sus! Chicken lang yan!

Sinitsitan naman ni Barbs si Rocky na halatang nahihiya pa sa bestfriend.

Rocky: W-what? *tingin kay Janine* Just do your thing, bru. You can do it :)

9: Thanks, Bru :>

Tuwang-tuwa naman sina Vivien at Barbs sa nakita. Yosh! \:D/

--

Pabalik na sina Rocky sa pwesto nila nang magring yung phone na bigay sa kanya ni Cyrus.

From: PANGHE

Naks. Natakot ka noh?

Galit na galit na nagtype si Barbs. Sinilip nya si Cyrus mula sa bench sa ibaba lang nila. Nakangisi ang mokong! Ilang beses pa nga syang nagkamali sa kakatype. Hindi naman kasi sya sanay sa touch screen na phone.

UMAYOS KA UUPAKAN KITA

From: PANGHE

Sabihin mo takot ka lang.

PAKYU SANA MADAPA KA.

--

PRRRRRRRRRRRRTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT!!!!!

Nagsimula na ang game. Umaarangkada ang Charleston Ravens laban sa St. Peters Falcons. Swabeng-swabe ang naisip na strategy nina Lean at Cyrus.

2nd quarter nang makaramdam si Wes ng kung anong sakit sa tagiliran nya. Saktong dun pa sya napatapat sa pwesto nina Rocky. Hindi nya talaga yun sinasadya. Nakita naman ni Barbs si Wes na tumigil.

Barbs: O anong meron dun sa lalaking yon? *turo kay Wes*

Napansin yon ni Rocky, pero hindi na sya nakapagreact kasi naka-3point shot si Chester. Kaya napasigaw ito ng..

Rocky: GO CHESTER!!!!

Vivien shot her the look. Gumaganti ba sya kay Wes? Obvious naman na nasasaktan yung tao pero bigla syang sumigaw ng GO CHESTER!! Pag tingin ni Viv kay Wes, nahuli nya itong nagmura tsaka tumakbo palayo.

---

4th Quarter na at leading ang Ravens, 67-58. Inis na inis si Wes sa nangyari kanina. Talaga yang babaeng yan, nanadya! Magsama na nga sila nung Chester na yun!!!

Nagkataong tumabi sa kanya si Chester, last 2 minutes ng game. Ipapasa kasi sa kanya ni Cyrus yung bola. Sa sobrang inis ni Wes, inagaw nya kay Chester yung bola.

Chester: ANO BANG PROBLEMA MO!?! *hinabol si Wes*

Wes: *shoot* Wala lang. Nakakainis ka kasi.

Nainis na rin si Chester. Tinulak nya si Wes.

Chester: Lakas din ng topak mo no?

Wes: Problema mo? *tulak*

Umextra na si Cyrus.

Cyrus: *pumagitna sa dalawa* Wag nga kayo mag-away dito! Naglalaro e!!!

Wes: Bastos kasi e! *tinulak si Chester*

Chester: Namumuro ka na ah! *sinuntok si Wes*

Nagulat ang lahat sa ginawa ni Chester. Ayun, nagsimula na ang ramble sa court. Pinipigilan ng Ravens sina Wes at Chester na magsuntukan. Sumugod na rin si Lean sa eksena. Gulat na gulat naman ang cheersquad at lalo naman sina Vivien at Rocky. Si Barbs lang ata ang tuwang-tuwa sa nangyayari.

Barbs: WOOOOOOOHOOOOOO!!!! Bestfriend ko yan!! CHESTER I-BATISTA BOMB MO!!!! WOOOHOOOO!!

Pinull-out ni Lean ang dalawa mula sa ring. 1 minute and 10 seconds na lang naman bago ang matapos ang laro.

Ganito sinimulan ng Charleston Ravens ang season: sa pamamagitan ng away.

---

Tahimik ang lahat nang matapos ang game.

Panalo ba sila?

Oo naman. 72-61.

Tahimik sila sa locker room hanggang sa bus. Halatang galit na galit si Lean sa nangyari. Kaya niya pinasok yung dalawa nung Monday kasi alam nyang hindi na sila mag-aaway ulit. Kaso ano 'to? Nagsuntukan pa! Naturingan na Student Council President si Wes. Nice.

"ANO, MAGPAPALIWANAG BA KAYO SAKIN!?!" galit na galit nyang sigaw sa dalawa. Nasa loob na sila ng bus, pabalik sa campus. Nandun na sila sa medyong magubat na part ng Rizal.

Walang masabi ang dalawa. Tahimik lang sila.

"KAYA KO NGA KAYO TINANGGAP NUNG LUNES KASI SABI NYO WALA NANG GULO SA INYO. LINTEK YAN O, NAGSUNTUKAN PA KAYO!!! ANONG SASABIHIN KO KAY RONS NYAN?"

Chester: Si Wes nam-

Lean: NAGTUTURUAN PA KAYO EH PAREHAS NAMAN KAYONG MAY MALI!!! MANONG!! PAKITIGIL HO ANG SASAKYAN!!!

Nagtaka ang lahat sa ginawa ni Lean. Nakakaloko naman ang ngiti nito sa kanila.

Lean: Kayong dalawa, tayo!!!

Sa sobrang takot ng dalawa, napatayo na lang sila. Hindi kalakihan ang katawan ni Lean pero parang nabuhat nya ang dalawa. Moments later, nasa labas na ng bus sina Chester at Wes. Sinubukan ni Wes na pumasok sa loob pero hinarangan sya ni Lean.

Wes: SIR!!!

Lean: Hindi kayo sasakay dito.

Chester: Eh sir ma-

Lean: Wala akong pakialam. Manong, pasarado ho ng pinto. *door closes*

WES & CHESTER: HOY SER!!!

Lean: Bahala kayo!! Ayusin nyo mga dapat ayusin!!!

Napatulala na lang sina Chester habang humarurot palayo sa kanila ang bus.

---

Nauna nang umuwi sina Barbs at Vivien kesa kay Rocky. Yung bus kasi na sinakyan nila ang pinakaunang umalis pabalik ng Charleston. Bakit nagpaiwan si Rocky? Hinihintay nya kasi si 9 para makapag-usap na sila. Actually kanina pa nya pinapractice kung anong sasabihin kay 9. Halos 2 weeks din sila hindi magkausap!

Kaso wala si 9 sa locker room ng cheersquad. Nakasakay na sina Tatin sa bus at wala rin sya dun. Buti na lang napadaan yung friend ni Jenica na si Tam.

Rocky: Excuse me?

Tam: *nagulat* A-ano po yun?

Rocky: *smiles* Uh hi! Nakita mo ba si Janine? Kanina ko pa kasi sya hinahanap e.

Tam: Ay.. hinahanap nya po si Jenica e.

Rocky: What happened?

Tam: Bigla po kasing nawala after ng game. And she's not answering her phone.

Kinabahan naman si Rocky dun. Hindi pa naman sila familiar sa lugar na'to. What if may masamang nangyari sa kanila? She tried to call 9's cell kaso walang sumasagot. Lowbatt siguro. No choice sya kundi hanapin ang bestfriend. Nasan kaya yun?

Inikot nya ang stadium. Hala, naiwan na sila ng pinakahuling bus pabalik ng Charleston. Okay lang, may dala naman syang cash and almost full batt pa naman sya just in case na kailangan nyang tumawag. Nasa may parking lot na sya nang makita nya si 9 na may binubuksang sasakyan.

Rocky: 9!!! WHAT ARE YOU DOING?!

9: OH SH*T!!! *nahulig yung car keys* Don't scare me like that!!

Rocky: *lapit kay 9* Kaninong sasakyan yan?!?

9: I borrowed it, okay? Naiwan na tayo ng bus and we need a ride home.

Rocky: You're driving?!?!

9: *shows her student license* Told you we need this someday.

Rocky: Si.. Jenica? Nasan?

9: THAT'S THE PROBLEM!!! Sa may gutter, tignan mo. *turo sa likod ng sasakyan*

Nagulat si Rocky sa nakita nya. Si Jenica, nakasalampak sa may gutter. Mukhang tulog.

Rocky: What happened to her?

9: Ayan si t@nga, uminom. Di naman pala kaya.

Rocky: Haaaa!? Sinong nagpainom dito?

9: Guys from St. Peters. Nacute-an ata sa kanya kanina. *open car door* Help me bring her inside.

Pinagtulungan nilang dalawa ang pagbuhat kay Jenica at nilagay nila ito sa backseat.

Rocky: Kanino mo naman hiniram 'to?

9: Dun sa nagpainom sa kanya! I threatened to sue them eh, underage drinking. Kaya ayun, they let have their car.

Rocky: Alam mo ba yung daan pabalik?

9: Photographic memory, Rocky. *starts engine*

---

PRESENT TIME

Nagkatinginan na lang sina Wes at Chester. Hindi nila alam kung nasaan na sila o kung may tao pa ba sa vicinity nila. Kanina pa sila naglalakad pero parang walang katapusan na hilera ng puno na lang ang nakikita nila.

"Nasan na ba tayo?" tanong ni Wes kay Chester, bakas sa boses nito na medyo natatakot sya.

"I don't have a clue where we are."

Ayaw nila kausapin ang isa't-isa habang naglalakad. Parehas nilang naiwan ang bag nila kung saan nandun yung cellphone at wallets nila.

Wes: Sakit mo manuntok ah.

Chester: Hindi kasi ako lampa.

Wes: Ba't ba ang init ng ulo mo sakin?

Chester: Ikaw kaya nanguna!!!

Wes: Sorry, kasalanan ko talaga yung kanina. Masakit kasi tagiliran ko, sabay init ng ulo.

Chester: At sakin mo pa talaga nilabas ang init ng ulo mo.

Wes: Nakakainis ka kasi.

Chester: Ako na naman! Bakit, dahil pa rin ba to kay Rocky?

Tameme si Wes. Nasapul kasi sya.

Wes: Hindi ah. Ba't naman sya nasama dito?

Chester: Wag ka nga, Wes. Hanggang ngayon ba naman ganyan ka pa rin?

Wes: Wala namna kasi talaga.

Chester: Hindi ka magagalit samin kung wala kang dahilan.

Wes: Masama bang mainis?

Chester: Ano ba kasing dahilan?

Wes: Ikaw nga nagalit sakin dahil kay Janine.

Chester: Mukhang okay naman sya eh. Ang ayoko lang kung magiging kayo ulit.

Wes: *smirks* Talaga? Bakit, nagseselos ka?

Chester: Hindi. Okay lang naman kasi sakin na magkaboyfriend ulit sya, wag lang ikaw. Hindi kasi kayo bagay.

Wes: Bakit, mas bagay kayo?

Chester: Hindi sa ganun. Umayos ka nga sa pagsagot mo dyan!

Wes: Yung.. kay Rocky. Oo, asar ako dahil dun. Nung nakita ko kayong magkasama. Nakakainis.

Chester: So alam mo na yung feeling ni Rocky nung first year tayo? Nung naging kayo ni Janine?

Wes: May sasabihin ako sayo. Alam mo bang trip lang yung samin ni Janine dati?

Chester: *kunot noo* Panong trip?

Wes: Alam mo naman siguro kung pano kami naglandian nun sa bar diba. Pero alam mo ba, puro si Rocky lang ang kinukwento nya. Syempre, ang sama ng ugali ko dati, at galit ako kay Rocky nun so pinagtripan ko. Kasi alam kong crush nya ako nung elementary *laughs* kaya gusto kong makita kung magseselos sya pag naging kami ng bestfriend nya. Hindi nahalata ni 9 yung agenda ko nung una, pero isang araw sinabi nya na alam na nya. Then she helped me. Hindi rin nya alam yung feelings sakin ni Rocky. Tas boom, nung nag-away sila, nag-away din kami ni 9. Then we broke up. Simple as that.

Ayaw maniwala ni Chester sa pinagsasabi ni Wes. Talaga?

Wes: Yes, I am such a d*ck. I get that. Pero yung kay Rocky? Wala na yun. Seryoso. Nakamove on na ko dun.

Chester: Eh kung nakamove on ka na bakit ka nagalit?

Wes: Hindi ko kasi maalis sakin na isipin yung "what if" namin ni Rocky. Gulo ko noh? Ayoko kasi na pinapair up nyo ako sa kanya, baka kung ano pang mangyari sa feelings nya sakin. Okay na sya sa ganito, ako rin naman. Kaso l*cheng what if. Kaya nung nakita kong magkasama kayo, nainis ako sa sarili ko. Kasi pag kasama ka nya sure akong masaya sya, walang problema. Pero pag ako? Pihadong malabo yun. Kasalanan ko kasi e, kung ano ako dati. Wala akong pakialam kung anuman yung damage sa kin ng past self ko. Ang kinakatakot ko lang e yung magiging epekto nun sa kanya.

Chester: Lasing ka ba? *laughs*

Wes: G@go. Hindi. Seryoso ako sa sinasabi ko.

Chester: May gusto ka pa ba kay Rocky?

Wes: *smiles* Ewan. Gustong asarin oo naman. Yung romantic ang malabo.

Chesrer: Baka na--

Natigil sila sa paglalakad dahil may kung anong nakakasilaw ang papalapit sa kanila. UFO.. kaso sa lupa?

Wes: Ano ba yan? *takip ng mata*

Chester: *siniko si Wes* W-wes..

Gulat na gulat ang dalawa sa nakita nila.

--

PRESENT TIME

"Janine! Are you sure about this?" tanong ni Rocky sa soon-to-be-bestfriend ulit na siyang nagmamaneho ng sasakyan.. na pinahiram sa kanila.

"I know how to drive, Rachel. Now please, bantayan mo na lang si Jenica please? Baka gising na yan."

Sinilip ni Rocky si Jenica na mahimbing na natutulog sa backseat. Naiinis pa rin sya dito hanggang ngayon.

"Bakit ba kasi pasaway yang teammate mo, Janine."

"I don't have any clue, Rachel. Now if you mind I am driving."

Rocky: I think Jenica needs coffee.

9: As if makakahanap tayo ng store dito or something.

Rocky: Why are you b*tchy?

9: I am nervous, okay? Ngayon lang ulit ako nakapagdrive!! And hindi ko alam kung nasan na tayo!!!

Rocky: Calm down! Pag lalo kang kinabahan mas mawawala yang focus mo.

9: You can really help me by shutting your mouth.

Rocky: *shrugs* Whatever.

*silence*

Jenica: *naalimpungatan* Uhh.. Where am I?

Rocky: Wow, English speaking pag lasing!

9: *tingin kay Jenica* You're drunk. Now get some sleep.

Jenica: Hehehe.. hey.. sino ka? *referring to Rocky*

Rocky: I-i'm.. Rachel. Remember? Ako yung nilapitan mo for the music last time?

Jenica: AAAAAAAAHHHH! Ikaw yun!! *sic* Yung.. bestfriend niya!!! Ni Janine!! Yung.. kasama ni Ch..chester?

9: SHUT UP JENICA AND GO TO SLEEP!!! *bumusina*

Bumalik na lang sa pagtulog si Jenica. Thanks to her, mas lalong naging weird ang dalawa.

Rocky: Look Janine about Chester and I..

9: I don't really care about that now. *smiles*

Rocky: Just want you to know nothing's between us.

9: Okay. Settled.

Rocky: Janine..

9: *shots her the look* I am driving. And I am tired. I want to go home. Kung ayaw mong umuwi, fine. Get out of the car.

Rocky: Sorry.

*silence*

9: I'm sorry. I shouldn't have lashed on you like that.

Rocky: Yeah. I know.

9: Just so you know, hindi kami item ni Wes.

Rocky: Naging item kayo before.

Napakagat-labi na lang si 9. Never nyang nabanggit kay Rocky yung kalokohan nila ni Wes dati. Alam kasi nito na magagalit lang sa kanya ang kaibigan.

9: Past is past, okay? And besides, it was never serious.

Rocky: Yeah right. I forgot. Every week ka palang may bagong boyfriend.

9: Funny. Kung tungkol 'to kay Wes please lang, I am completely over him. Minsan nga hindi ko maalala na naging kami, sa dami ba naman ng naging boyfriend ko! Sorry naman ah.

Rocky: I do-

9: Just admit it, you like him.

Rocky: Hello, I don't like him anymore. Grabe, elementary crush yon! OA naman kung paabutin ko hanggang ngayon.

9: Ang labo mo rin noh?

Rocky: Ewan ko sayo.

9: Ano ba, I'm trying to be nice here!

Rocky: You are not being nice! Ikaw nga 'tong hindi namamansin dyan e.

9: Talaga? Shut up. I am driving.

Rocky: Knock yourself out.

9: Don't you miss me?

Rocky: I miss you, a lot. Pero dahil sa b*tchiness mo, hindi na ki----

Napapreno na lang si 9 biglaan.

Jenica: WHAAAAAAAAT!?!?!?!?

Rocky: 9!!! INGAT NAMAN SA PAGPRENO!!!

Napansin ni Rocky na nakatulala ang bestfriend nya sa harapan nila. Nang sinundan nya ang tingin nito...

Rocky: OH.MY.GOD.

Wes?

9: *hardly audible* Chester?

---

Tahimik na nagdrive si Wes, na katabi si 9 sa harapan. Sina Rocky-Jenica-Chester naman ang nasa backseat.

9: *may kausap sa phone* Yeah sure.. sure.. We'll meet you there. Sorry. Bye! *hangs up*

Wes: Anong sabi ni Sir Lean?

9: Naghihintay daw sya sa may Petron, nandun daw yung bus.

Rocky: Eh pano mo ibabalik yung kotse?

9: I called the owner, sabi nya iwan ko na lang sa Petron.

*silence*

Rocky: Pano si Jenica? Pagagalitan 'to ng nanay nya.

9: I'll bring her home.

*silence*

Ang awkward lang talaga nilang lahat. Yun na siguro ang pinakamahabang 40 minutes ng buhay nila (FOR NOW).

--

"Ano, may napala ba kayo?"

Yan ang bungad sa kanila ni Lean pagdating nila sa Petron. Hindi sumagot sina Chester at Wes. Pumasok na lang silang lahat sa bus at tahimik na umupo.

Walang nagsalita sa kanilang apat. Secret na nila kung anong pinag-usapan nila.

--

Pagdating nila sa Charleston, sinakay ni Lean sina Chester, Janine at Jenica. 11:30 pm na nun, at halos wala nang tricycle sa palibot ng campus.

Bago umalis, may pahabol si Lean kay Wes.

"Wes, isabay mo na si Rachel. Baka kung mapano pa yan sa daan."

Nagkatinginan sina Wes at Rocky. Talagang no choice na.

Nilakad na lang nila pauwi. Mas nauna si Wes maglakad kesa kay Rocky, 3 meters siguro ang layo nila sa isa't isa. Kanina pa pinipigilan ni Wes ang sakit sa tagiliran nya. Konting tiis lang naman, nasa bahay na sya.

Rocky: W-wes?

Wes: *without looking* Ano?

Rocky: Nasakin nga pala yung bag mo. Baka gusto mong kunin?

Kinuha na lang niya yung bag. Walang thank you.

Rocky: Yung kanina sa game.. okay ka lang ba?

He was surprised. Napansin pala ni Rocky yun.

Wes: Yun ba? Wala yun.

Rocky: Sure ka? *pumunta sa harap ni Wes* Eh namumutla ka na!!! Okay ka lang ba?

Wes: Ang kulit mo. Oo nga sabi.

Rocky: Nagtatanong lang naman. *lakad palayo*

Pinanood ni Wes si Rocky habang naglalakad.

Wes: You have chickeny legs.

Rocky: Hindi kaya!

Wes: Ang tapang mo pang magshorts. Lamig kaya!

Rocky: Kanya-kanyang trip yan.

*silence*

Medyo tinabihan na ni Wes si Rocky. Nagulat naman sya dito.

Rocky: O ba't tumabi ka sakin?

Wes: Wala. Masama?

Rocky: Takot ka lang eh.

Wes: Siraulo.

Rocky: Nga pala.. thank you. Dun sa tutor thing sa piano. I really appreciate it.

Wes: Tss. Wag ka masyadong masaya. Pinilit lang ako ng nanay ko.

Rocky: But still, thank you. Laking tulong sakin nun.

Wes: Welcome. Pambayad na rin siguro yun.

Rocky: Saan?

Wes: *tingin kay Rocky* I've been harsh towards you for weeks.

Rocky: Is that your way of saying sorry?

Wes: Sabi ko sayo wag kang masyadong masaya. Maging masaya ka pag nanalo ka na.

Rocky: Basta tuturuan mo ko ah? *smiles*

Wes: *poker face* Tignan natin.

---

Tulog na tulog si Jenica sa guest room nina Janine. Tinext ni 9 ang nanay nito at ang alibi? Sobrang pagod. Isa pa kasing uto-uto 'tog si Jenica. Basta na lang iinom!

"Okay na ba sya?" tanong ni Chester kay 9 nang lumabas ito sa guest room.

9: She's fine. Tulog na tulog na naman.

Tumambay sila sa may kitchen nina 9. As usual, wala ang nanay ni 9 sa bahay.

Chester: So.. can we talk now?

9: Sabi na nga ba e, yan ang ibubungad mo sakin. Fine.

Chester: So.. wala namang meron samin ni Rocky. Promise.

9: I know. She told me earlier. And I don't care. Really.

Chester: Eh bakit ganun ka na lang makareact?

9: *sighs* Hindi ako galit sa'yo o kay Rocky. The truth is.. I'm mad at myself. Nung nakita ko kayo ni Rocky na magkasama.. nathreaten ako. Kasi for the longest time ikaw yung naging comfort zone ko eh. I got so threatened kasi heck, parehas naman kayo ni Rocky ng likes! I can't even relate to your Foo Fighters thing or whatever. It made me realize that you deserve a better companion than me. Para lang naman akong linta sa'yo e, sucking intelligence, emotions.. basta! Kaya ko kayo iniiwasan kasi pag nakikita ko kayo.. feeling ko ang hina ko. Nagdepend ako sa inyo nang sobra, lalo na sa'yo. In many ways I feel like you've partially invented me, Chester. And that scares me. I got scared 'coz I know that this set-up, me being dependent on you, is temporary. Kaya etong panahon na hindi tayo nagpapansinan, I tried my best to do everything on my own. Let's face it, college is just 10 months away. And I will never pass UP naman. Ikaw sure na yun! So sinasanay ko lang ang sarili ko na hindi nakadepende sa'yo. And as for Rocky.. the thing with Wes before? Basta. It's so messed up. Nasobrahan na siguro ako sa kakaquote kay Peyton, but she's right. People always leave. That's why I have to do things on my own. Hindi sa nagseselos ako sa inyo or what. Natatakot lang ako na isang araw mangapa ako na wala kayo. Gets mo ba? *laughs* Galit ka na siguro sakin. Sana maintindihan mo naman. Yes, ang daming nangyari sakin, and thankful ako na nandun ka palagi sa tabi ko. Pero ayokong masanay na tinutulungan mo ako, at ayoko rin na sanayin ka na gawin yun para sakin.

Chester: Sorry, Messiah Complex :)

9: I really hate it when you say that. Feeling ka.

Chester: I am your friend. Hindi mo maaalis sakin na mag-alala at tumulong sayo. Gets mo naman yun diba?

9: Yep. Gets na gets ko. So..

Chester: Soo.. ayos na tayo?

9: Eto lang.. since gusto kong maging "independent" mula sayo.. ako na lang lalapit pag may kailangan ako. Hindi yung palagi kang nakabantay sakin. Space ba.

Chester: Sure ka ba dyan?

9: Well.. mukhang mahirap yan, considering sinanay mo ko for 2 years. Pero kakayanin :)

Chester: Basta pag nagbago isip mo ah?

9: Hmm. Baligtad ata tayo ngayon! Ako naman ang kailangan mo. For the dance.

Chester: Sh*t. Totally forgot about that.

9: Bukas tayo magsisimula ng practice, okay? You have to win.

Chester: Yes mam! :)

---

THE NEXT DAY. THURSDAY

TLE TIME

Sinimulan ni Ms. Maniano ang araw sa attendance.

Ms. Maniano: Casabueno?

Cyrus: Present!

Ms. Maniano: Cuevas?...... Rodriguez?

.....

Cyrus: Absent po, Ma'am.

Ms. Maniano: Santillian.. Sison..

Barbs: Absent si Chester Ma'am.

Nagkatinginan sina Vivien at Barbs.

Wala rin sina Rocky at Janine.

Wala silang kamalay-malay sa nangyari sa barkada nila kagabi.

--

(A/N: Medyo waley. Haha! Babawi ako sa next chapter, promise! :>)

Continue Reading

You'll Also Like

32M 775K 136
Published by VIVA PSICOM <3 Now available in bookstores! *Kayleen's Story* Next book: Dear Ex-Boyfriend [Completed]
391K 9.9K 43
Old story written in 2006.
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
62.4K 2K 6
Huwag kang maghahamon sa gitna ng dilim. Huwag mong uusyosohin ang hindi mo kayang makita. At huwag mong hanapin ang hindi mo kayang harapin. Tatlong...