Until I'm Over You (Published...

By JoeBeniza

1.3M 36.3K 8.6K

(Story Completed) How do you get over with someone who meant the world to you when she was gone so suddenly... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: Airport
CHAPTER 2: The Past part 1
CHAPTER 3: The Past part 2
CHAPTER 4: The Past part 3
CHAPTER 5: The Past part 4
CHAPTER 6: The Past part 5
CHAPTER 7: The Past part 6
CHAPTER 8: The New Taxi Driver
CHAPTER 9: The Annoying Girl
CHAPTER 10: Unfortunate Kier
CHAPTER 11: Her boyfriend?
CHAPTER 12: Troublemaker
CHAPTER 14: The Broken Dragon
CHAPTER 15: Evil Phone
CHAPTER 16: Valerie's Past part 1
CHAPTER 17: Valerie's Past part 2
CHAPTER 18: Valerie's Past part 3
CHAPTER 19: Valerie's Past part 4
CHAPTER 20: The Handkerchief
CHAPTER 21: Love ones
CHAPTER 22: A Series of Awkwardness
CHAPTER 23: Those who were forgotten
CHAPTER 24: Kiss of the Dragon
CHAPTER 25: Jana's Journal part 1
CHAPTER 26: Jana's Journal part 2
CHAPTER 27: Jana's Journal part 3
CHAPTER 28: Us Apart
CHAPTER 29: Losing Hope
CHAPTER 30: To a new start
CHAPTER 31: The Strong Woman
CHAPTER 32: The Secretary
CHAPTER 33: Realization
CHAPTER 34: Return of a friend
CHAPTER 35: Debut
CHAPTER 36: The Real Reason
CHAPTER 37: No Escape
CHAPTER 38: Revenge
CHAPTER 39: Dragon Soup
CHAPTER 40: Soup Battle
CHAPTER 41: Good Times
CHAPTER 42: Jana's Face
CHAPTER 43: In Love
CHAPTER 44: Drown from the Past
CHAPTER 45: Wrong Expecations
CHAPTER 46: In Someone Else's Arms
CHAPTER 47: Break Even
CHAPTER 48: Playful Fate
CHAPTER 49: Dragons VS Puppies part 1
CHAPTER 50: Dragons VS Puppies part 2
CHAPTER 51: Letting go
Epilogue
Credits
Special Chapter: Taming Dragon Mommy
Published Book

CHAPTER 13: From Dragon to an Idol

21K 680 167
By JoeBeniza


"Ano po ang tungkol kay Jana?" Tanong ko kay tita Jizelle sa telepono habang nakakunot noo.

Kinakabahan ako, ano kaya ang ibig sabihin ni tita Jizelle?

"Kasi Kier..." 

"Ma si Kier ba yan?" Narinig kong tinawag ni Jana si Tita Jizelle kaya't naputol ang sasabihin niya sa akin.

Tapos biglang naputol ang linya at hindi na tumawag ulit si tita.  Nag aalala ako. Ano kaya ang gustong sabihin ni tita?

Agad akong nag send ng message kay Jana para malaman kung ano man 'yon.

Me: My love, ano 'yong sasabihin sana sa akin ni tita?

Hindi nag reply si Jana kaya't kinulit ko pa siya.

Me: Jana?

Me: Please reply.

Hindi talaga nag reply si Jana. Natataranta na ako. Anong dapat kong malaman?

Kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko.  Nakakainis talaga. Bakit wala siyang sagot sa mga message ko?

Muli ko siyang sinubukang i-message.

Me: Jana tawag ka naman oh.
Me: My love, please.

Pagkatapos ng ilang minutong pag hihintay. Biglang tumawag si Jana at agad ko namang sinagot. Sa wakas!

"Hello Kier, sorry ngayon lang. Huwag mo intindihin si Mama nagbibiro lang 'yon," sambit ni Jana sa phone.

"Eh bakit hindi mo ko agad tinawagan?" Tanong ko.

"Sorry nag usap pa kasi kami ni Mama. Mag aral ka na my love. Malapit na exam 'di ba?"

Sa puntong ito alam kong meron talagang gustong sabihin si tita Jizelle, pero ano kaya 'yon?

"Oo malapit na pero bukas na ko mag aaral, wala naman akong pasok eh. Pero ano ba 'yong gustong sabihin ni tita?"

"Huwag mo na ngang intindihin 'yon. Sige na. Matulog ka na, para bukas marami kang lakas," pilit ni Jana.

"Hindi naman kasi mag sasabi ng gano'n si tita kung wala talaga siyang gustong sabihin e. Ano nga 'yon?" Giit ko, dahil gusto ko talagang malaman. Ayaw kong mag isip ng kahit anong bagay, dapat malaman ko mismo sa kanya.

"Okay sige. Uhmm..." sambit ni Jana. "Ano... Uhmm... Baka maka-uwi kami diyan for vacation after ng BAR exam mo."

Kung kanina kinakabahan ako, ngayon natuwa ako sa sinabi niya, "Wow! Talaga? Yes! Thank you my love. Mas lalo akong ginanahan mag aral."

"Sige na Kier. Marami pa kong gagawin. Baka makatulog na rin ako pag katapos ko. Goodnight. I love you," sambit ni Jana. Base sa tono ng boses niya mukhang pagod na nga siya.

Kaya't kahit gusto ko pa siyang kausap, tinapos ko na ang tawag, "Sige my love. Goodnight and I love you. See you soon."

Pagkatapos naming mag usap, hindi ko alam kung bakit pero parang biglang bumigat ang pakiramdam ko.  Biglang pumasok sa isip ko na parang may tinatago pa rin si Jana. Parang hindi ang pag uwi nila ang gustong sabihin ni Tita.

Naisip kong mag send ng message kay Tita, pero baka masamain ito ni Jana at isipin niyang wala akong tiwala sa kanya.

Napabuntong hininga na lang ako. I guess I have to trust her, sambit ko sa sarili ko.  Ganito pala ang LDR (Long Distance Relationship), mas kailangan mong sundin ang puso mo kaysa ang isip mo.

Bago ako natulog naisip kong mag padala ulit ng message kay Jana.

Me: Goodnight my love. I will always be in your heart.

Naging maayos naman ang aking tulog. Pero hindi ko pa rin matangal sa isip ko kung ano nga ba ang gustong sabihin ni tita Jizelle kagabi. May tiwala naman ako kay Jana hindi ko lang talaga alam kung bakit parang ang bigat ng naramdaman ko pag katapos naming mag kausap.

Nag almusal muna kami ni Pogi bago ko siya ilabas para mamasyal sa park. Habang kumakain naisip kong buksan ang TV. Matagal ko nang hindi nagagawang manood ng TV, parang wala kasing magandang palabas. Pero baka tawagin na naman akong taga bundok ng Valeng na 'yon pag wala akong alam sa mga nangyayari sa TV.

Nilipat ko ng nilipat ang channel pero wala talagang magandang palabas, hangang sa nanood nalang ako ng Anime. Dragonball ang title.

(Eksena sa TV)

Frieza: Ako ang pinaka malakas sa buong Galaxy. Hindi mo ko kayang talunin, Son Goku.

Son Goku: Tumigil ka Frieza, paulit ulit nang nire-replay 'to at lagi kang natatalo.

Nilipat ko na lang sa News ang Channel dahil mukhang pinag lalaruan ng dubber ang anime na 'yon. Pag dating sa news channel... 

"Aba! Si Shane Mestiso pala 'tong nasa TV," sambit ko. "Sigurado nanonood ang Dragon."

(Eksena ulit sa TV)

Interviewer: So Shane saan ang next mong concert or mall tour?

Shane: Me and my manager have decided to pay tribute to the place where I was born.

Interviewer: Are we talking about your place of birth, kung saan ka pinanganak ng Nanay mo?

Shane:  No! I mean kung saan ako nag simula bilang Artist. Sa CJ Cafe Bar

Interviewer: Wow! This is a good news folks! Can you tell us more about it Shane?

Shane: We made some arrangement with Ms. CJ the cafe bar owner, and we are set to perform there next week on Saturday.

Interviewer: Thank you Shane! Oh mga fans ni Shane. This is your chance to see your idol perform live! Shane, once again please invite your fans to your upcoming show.

Shane: Iniimbitahan ko po kayong lahat na manood sa aking upcoming tribute concert sa CJ Cafe Bar next week Saturday. May meet and greet din po tayo, for more info visit Ticketopia.com. Tickets are also available at Ticketopia booth. See you there!

Pinatay ko na ang TV dahil tapos na kong kumain at lalabas na din kami ni Pogi. If I remember it correctly, sabi ni Valerie tumutugtog siya kung saan unang tumugtog si Shane. Siguro nagtata-talon sa tuwa ang fan-girl na Dragon dahil muling tutogtog ang Crush niya sa Cafe Bar kung saan siya kumakanta.

Lumabas kami ni Pogi ng apartment at pumunta ng Park. Ang laki ng pinag bago ng Park. May man-made mini lake na may bridge na pang lovers na, may malaking tree sa gitna, at mas peaceful na tignan ang park dahil sa mga nadagdag na puno at statues. All thanks to my lovely girlfriend, ideas niya lahat ito. Proud na proud talaga ako kay Jana.

Nagpatuloy kaming mamasyal ni Pogi sa park then we went to the place where I pull my heart out and offer to my only one, ang Garden ng park. Kung saan tumigil ang mundo ko nang makita ko ang babaeng nagbigay ng kulay sa black and white kong buhay.

Napabuntong hininga ako habang ini-imagine ang nakaraan namin ni Jana sa lugar na ito, "Miss ko na si Mommy mo, Pogi."

Pagkatapos naming mamasyal ni Pogi, minabuti kong bumalik na sa apartment dahil kailangan ko pang mag-aral.

Pagdating namin ni Pogi sa apartment nagulat ako nang makita ko si Valerie na nag hihintay sa amin sa labas.

"Valeng? Anong ginagawa mo dito?"

"Kier!" Nilapitan niya ko habang tumitili-tili pa siya. "Oh my god Kier!" Hinawakan niya ang braso ko at niyugyog niya ito.

"Naponood mo ba sa TV kanina? Oh my gosh!" Sambit ni Valerie. Kitang kita kong namumula siya at hindi mapakali.

"Anong napanood? 'Yong laban ba ni Frieza at ni Goku?" Pabiro kong tanong sa kanya.

Pinalo niya ko sa braso. "Hindi! Si Shane, may gig sa Bar namin!"

"Oh ano gagawin ko?" Tanong ko.

"Kami unang entry bago siya. Mapapanood niya ko mag perform!" Sambit ni Valerie na halatang sobrang excited dahil sa tining ng boses niya.

Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko. Ano naman kinalaman non at nandito siya, "Eh bakit ka nga nandito?"

Tumawa siya at sumagot, "Hindi naman ikaw pinunta ko dito eh. Si Pogi kaya." Sabay hinimas niya si Pogi, "Hi Pogi, did you miss ate Valeng?"

"Ang weird mo talaga," sambit ko at nakaamba na akong pumasok sa apartment.

Ngunit pinigilan ako ni Valerie, "Joke lang. Ito oh," at may inabot siya sa akin na kinuha ko naman.

"Ano 'to?" Tanong ko habang tinitignan ang isang papel na parang isang ticket.

"Free ticket sa gig ni Shane Moreno," sagot niya.

"Hindi ko pa alam kung wala akong gagawin next week eh. Pero salamat dito ah."

"Kitam! Paano mo nalaman na next week ang gig? Eh 'di nakita mo nga sa TV kanina!" Sambit ni Valerie.

"Unfortunately, yes."

"Punta ka Kier, please. Kinakabahan kasi ako eh," pilit niya.

Actually gusto kong tumanggi dahil hindi ko naman idol si Shane pero... I can't seem to refuse her; she came all the way here just to give me a free ticket. 

"O-okay. Sige i-che-cheer kita doon. Sasabihin ko... more! more! more practice!" biro ko sabay tawa pero bigla niyang tinapakan ang paa ko. "Aray! War freak ka talagang dragon ka."

"Basta punta ka ah. Agahan mo!" Utos niya. "Alis na ko Kier. May practice pa kami eh."

"Sige salamat ulit. See you next week," sagot ko.

"Bye Pogi!" paalam niya at hinimas niya ang aso ko.

Paalis na si Valerie nang bigla siyang bumalik, "Kier, kunin mo number ko, para pag nandoon kana next week, masusundo kita. Para hindi ka na pumila."

"O-okay," sagot ko at binigay niya sa akin ang number niya na nirecord ko naman sa phone ko.

Umalis na si Valerie at pumasok na kami ni Pogi sa Apartment.  Himala, hindi ako tinawag na pangit ng dragon. May sakit yata.

I've spent the weekends doing chores, playing with Pogi, and studying. Paminsan, nakakausap ko si Jana sa phone pero sobrang saglit lang. Nagpaalam na din ako sa kanya na pupunta ako sa isang gig next week at pinayagan niya naman ako.

After one week, concert na ni Shane. Inagahan ko ang pag punta dahil baka mabugahan pa ko ng apoy ng dragon. Pagdating ko, marami nang nakapila sa labas ng cafe bar kahit mamaya pa ito magbubukas. Mukhang marami ngang fans 'to si Shane.  Nag text ako kay Valeng para malaman niyang nandito na ako.

Me: Valeng! Dito na ko sa labas ng bar. Ang daming tao.

Valerie: Diyan ka lang, puntahan kita.

Maya maya pa ay lumabas si Valerie mula sa loob ng cafe bar at ako'y nagulat sa nakita kong itsura niya.


Maganda pala ang dragon pag nag ayos. Blonde na may halong green sa dulo at straight na ang buhok niya na talagang bumagay sa kanya.

"Hi, your honor! Thanks for coming!" Bati ni Valerie sa akin.

"Um excuse me? Nasaan po 'yong kaibigan kong dragon?" Biro kong tanong sabay kunwaring may tinatanaw sa likod niya.

"Ang corny mo talaga," sagot niya nang may kasamang hampas sa braso ng pabiro. "Tara pasok na tayo sa loob." 

Habang  papasok kami ng bar, naisip kong asarin siya, "Nice look, parang lady Gaga ah."

Pero bigla niya kong siniko sa tiyan, "Aargh! Joke lang."

Pag pasok namin, pinakilala niya ko sa may-ari ng Bar, "Ms. CJ, si Kier po, friend ko."

"Hello po," bati ko naman.

"Naku friends, diyan nag sisimula yan eh. Diyan din nag tatapos," sagot ni Ms. CJ

"May hugot madam?" tanong ni Valerie sabay tawa.

"Alam mo naman... hugot is life!" sagot naman ni Ms. CJ.

Dumiretso kami ni Valerie sa back stage dahil gusto niya daw akong ipakilala sa mga band mates niya. Pag pasok namin nagulat ako sa aking nakita.

"Holy S**t! Insan! Anong ginagawa mo dito?!" Sambit ni Karlo na pinsan ko at dati kong band mate. Nilapitan niya ko at nakipag high five sa akin

"What the?! Ikaw gitarista nila?" gulat kong tanong.

Biglang sumingit ang isa ko pang dating band mate na agad ko ring nakilala, si Rex, "Nandito rin ako bro!" At bigla niya akong binangga.

"Rex, pare kamusta?"

 Na surpresa ako. Hindi ko akalain na makikita ko dito ang mga kaibigan ko na matagal ko nang hind nakikita.

Sumingit si Valerie at nagtanong, "You guys knew each other?"

"Mga dati ko silang ka-banda. Si Karlo pinsan ko 'to," sagot ko habang nakaakbay ako kay Karlo.

"So kayo ang tumutugtog para dito kay Valeng?" Tanong ko kay Rex.

"Oo bro. Magaling yan si Valeng balang araw sisikat 'yan for sure."

"Eh di wow," sambit ni Valerie. "Nga pala si Cheska bassis namin." Dagdag ni Valeng at pinakilala niya sa akin ang isang babae na medyo malaki ang pangangatawan na parang UFC fighter yata.

"Hello!" Sambit ko pero hindi ako pinansin ni Cheska.

"Ganyan talaga 'yan, bro. Pero tignan mo ang braso. May braso 'yan na kaya kang ipag laban." Sambit ni Rex na tinitukoy si Cheska at sabay sialgn tumawa ni Karlo.

Naalala ko 'yong panaginip ko. Kaya pala hindi ko kilala 'yong dalawang bago nilang member, kasi si Valeng at Cheska pala 'yon. Akalain mo 'yon, parang unti unting nagkakatotoo ang panaginip ko. Sana nga. Maganda pa naman 'yong last part.

Biglang pumasok si Ms. CJ sa back stage, "Guys parating na si Shane. Magsisimula na tayo. Valeng mag handa ka na."

Lumabas na sila Cheska, Karlo, at Rex mula sa back stage. Pumunta sila ng stage para mag set up at mag sound check.

Naiwan naman kami ni Valerie sa back stage. 

"Kier, kinakabahan ako."

Hinawakan ko siya sa balikat at sinubukang palakasin ang kanyang loob, "Tiwala lang. Mga ka-banda ko dati ang mga kasama mo ngayon. Hindi ka mapapahiya sa mga 'yan."

Huminga siya ng malalim at nag ayos ng buhok, "Sana mapansin ako ni Shane. How do I look?"

Sasabihin ko sana na mukha siyang dragon pero hindi eh. Iba talaga itsura niya ngayon. Aaminin ko ang ganda niya.

"You look good. Now break a leg!"

Tinitigan niya ko ng matagal at nginitian niya ako.  Pag katapos ay nagmadaling pumunta ng stage. 

Haay... wish I can play music with them. I suddenly miss performing in a band.

Continue Reading

You'll Also Like

32K 904 23
"Dont ever tried to call her, beg her because if you did, She cause a lot."
428K 9.3K 57
[COMPLETED] Geeo, George and Georgina's son, learns to fall in love. GG Couple, the next generation. #AACouple
10.5M 188K 36
Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a stranger named Dylan Guevarra! What's worst? L...
466K 8K 81
↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko...