Until I'm Over You (Published...

De JoeBeniza

1.3M 36.3K 8.6K

(Story Completed) How do you get over with someone who meant the world to you when she was gone so suddenly... Mais

PROLOGUE
CHAPTER 1: Airport
CHAPTER 2: The Past part 1
CHAPTER 3: The Past part 2
CHAPTER 4: The Past part 3
CHAPTER 5: The Past part 4
CHAPTER 6: The Past part 5
CHAPTER 7: The Past part 6
CHAPTER 8: The New Taxi Driver
CHAPTER 9: The Annoying Girl
CHAPTER 10: Unfortunate Kier
CHAPTER 11: Her boyfriend?
CHAPTER 13: From Dragon to an Idol
CHAPTER 14: The Broken Dragon
CHAPTER 15: Evil Phone
CHAPTER 16: Valerie's Past part 1
CHAPTER 17: Valerie's Past part 2
CHAPTER 18: Valerie's Past part 3
CHAPTER 19: Valerie's Past part 4
CHAPTER 20: The Handkerchief
CHAPTER 21: Love ones
CHAPTER 22: A Series of Awkwardness
CHAPTER 23: Those who were forgotten
CHAPTER 24: Kiss of the Dragon
CHAPTER 25: Jana's Journal part 1
CHAPTER 26: Jana's Journal part 2
CHAPTER 27: Jana's Journal part 3
CHAPTER 28: Us Apart
CHAPTER 29: Losing Hope
CHAPTER 30: To a new start
CHAPTER 31: The Strong Woman
CHAPTER 32: The Secretary
CHAPTER 33: Realization
CHAPTER 34: Return of a friend
CHAPTER 35: Debut
CHAPTER 36: The Real Reason
CHAPTER 37: No Escape
CHAPTER 38: Revenge
CHAPTER 39: Dragon Soup
CHAPTER 40: Soup Battle
CHAPTER 41: Good Times
CHAPTER 42: Jana's Face
CHAPTER 43: In Love
CHAPTER 44: Drown from the Past
CHAPTER 45: Wrong Expecations
CHAPTER 46: In Someone Else's Arms
CHAPTER 47: Break Even
CHAPTER 48: Playful Fate
CHAPTER 49: Dragons VS Puppies part 1
CHAPTER 50: Dragons VS Puppies part 2
CHAPTER 51: Letting go
Epilogue
Credits
Special Chapter: Taming Dragon Mommy
Published Book

CHAPTER 12: Troublemaker

22.6K 671 157
De JoeBeniza


"What the hell are you talking about?!" Gulat na gulat na sambit ni Shane. Maging ang kasama niyang babae ay tila 'di rin makapaniwala sa aking sinabi.

Bigla sinampal ng kasama niyang babae si Shane, "I was told na playboy ka Shane, pero hindi ako naniwala! You've just prove them right!" At nagmamadali itong umalis.

Lumapit si Valerie sa 'kin at nag tago sa likod ko.

"Look what you've done, dude?! Sino ka ba? Sino ba 'yang sinasabi mo? Wala akong girlfriend and that was my date you ruined!"  Sigaw ni Shane sa akin.

Tinuro ko naman si Valerie na nag tatago sa likod ko, "Heto oh. Nandito sa likod ko. Sabi niya boyfriend ka niya eh."

Sinilip niya si Valerie sa likod ko at base sa expression ng mukha niya, tila hindi niya nga kilala si Valerie. Pilit namang itinago ni Valerie ang mukha niya.

Inis na inis na umalis si Shane at narinig ko siyang napabulong na lang, "Geez, what's wrong with these people?"

Pag alis ni Shane, sinipa ako ni Valerie sa tuhod at napatalon ako sa sakit. "Aray! Aray! Bakit?"

"Nakakainis ka talagang pangit ka! Bakit mo ginawa 'yon?" tanong niya sa akin.

"Teka lang, sabi mo kasi boyfriend mo siya eh at may kasama siyang iba. I was doing you a favor. Malay ko bang imaginary boyfriend mo lang pala," paliwanag ko.

Bigla naman niyang tinapakan ang paa ko. "Aray! Ano bang problema mo?"

Padabog siyang lumabas ng restaurant at bakas sa mukha niya na inis na inis siya. Tapos nag tanong ako sa waitress kung okay na ang lahat, buti nalang at walang kaming left overs kaya nakalabas ako agad.

Sinubukan kong habulin si Valerie, ngunit pag labas ko wala na siya sa paligid. Hindi ko na siya agad makita. Lumipad na yata ang dragon. Bakit kaya nagalit sa 'kin 'yon? Siya naman may kasalanan eh. Sana sinabi niya na imaginary boyfriend niya pala 'yong Shane, hindi ko sana nasira 'yong date nung tao.

Sino nga ba 'yong Shane Moreno na 'yon? Parang narinig ko na pangalan niya dati. Makauwi na nga lang, malaki naman na 'yong babaeng 'yon at may taxi pa siya.

Palabas na ko ng mall nang maalala kong wala nga pala akong dalang pera.

Anak ng Kimchi!

Nagmadali akong pumunta ng parking lot, baka sakaling nandoon pa si Valerie. Ngunit pag dating ko, wala na ang taxi ni kuya Gilbert sa paligid. Patay! Mukhang maglalakad pa yata ako.

Naisip ko na tatawag na lang ako ng ibang taxi, tapos pag hihintayin ko na lang sa labas ng apartment para kunin ang pera ko at makapag bayad ako.

Agad akong pumunta sa taxi bay area ng mall. Sobrang haba ng pila pero wala akong choice.

Tinignan ko ang phone ko para i-check kung may message na si Jana pero wala pa rin. Nag type ako ng message sa kanya.

My love, bakit kahit isang message wala? Alam kong busy ka. Pero sana naman makahanap ka ng time sa akin. Kahit konti alam kong pwede ka naman mag message sa akin. Gusto ko lang naman malaman kung kamusta ka.

I was about to hit the send button to send it to her, but I deleted it and send this instead...

Me: I miss you my love.

Naisip ko... Paano kaya kung walang delete button or hindi pwedeng burahin kung ano man ang naisulat mo na? Siguro lahat ng tao alam kung ano talaga ang saloobin ng kausap nila. Minsan kasi, what we really feel or mean is the first message that we typed until we delete it and change it to something else. Haays... kung ano ano naiisip ko. Dala na lang siguro ng pangungulila ko kay Jana.

Habang naghihintay, nag browse na lang ako sa social media. Busy ako sa pag b-browse nang biglang may kumalabit sa likod ko.

"Kuya! Kuya! Palimos po, ay wag na po pala wala nga pala kayong pera."

Paglingon ko si Valerie pala, nang aasar na naman at tawa pa nang tawa. Hindi ko alam kung bakit, pero sumaya ako nang nakita ko siya, "Valeng!" Siguro dahil alam kong may sasakyan na ako pauwi.

"Saan ka pumunta? Akala ko umuwi ka na eh," tanong ko.

"Nang-stalk kay Shane," sambit niya at kinikilig kilig pa siya. "Bakit ka nakapila diyan, e wala ka naman pera?"

"E bigla kang nawala, kaya no choice," sagot ko naman.

"Pauwi na nga din sana ako tapos nakita kita. Lika na sabay kana sa'kin," alok niya habang nakangiti.

Am I dreaming? Parang good mood yata ang dragon at inalok niya akong sumabay.

Naglakad kaming muli papunta ng parking lot. Habang nag lalakad, abot tainga ang ngiti ni Valerie at napapakanta kanta pa siya.

"You make me feel like I'm living like teenage dream. Na na na na na na."

"Naks! Good mood ah. Ano nangyari?" Tanong ko.

"Hindi ko alam, basta masaya ako," sagot niya habang naka ngiti.

"Ang weird mo talaga minsan," sambit ko pa.

Maya maya pa ay nakarating kami sa parking lot at sumakay ng taxi niya.  Agad kaming umalis ng Mall dahil gabi na at kailangan ko na rin makauwi agad para kay Pogi.

"Sino ba 'yong Shane Moreno na 'yon?" tanong ko habang nakasakay kami sa taxi at bumabyahe.

Napakunot noo naman si Valerie, "Seriously? Hindi mo talaga siya kilala?" 

"Bakit sino ba siya?" Tanong ko ulit.

"My god! Ano ba 'tong lalaking 'to? Hindi ka ba nanonood ng TV?  He's a pop singer, sikat kaya siya."

Huminto ang taxi saglit dahil sa stoplight at iniabot sa akin ni Valerie ang phone niya, "Ito siya oh, swipe mo lang madami akong pictures niya."

"Sabi mo low batt na phone mo kanina?"

Ngumiti siya at sumagot, "E kasi baka makilala mo siya, mabisto mo pa ko."

Tinignan ko ang mga pictures ng idol/imaginary boyfriend niya.

"I'm sure nakita mo na siya, sa isang billboard or may song na siya na narinig mo na," sambit pa niya.

"I think hindi siya gano'n kasikat, nakita ko na nga ito sa isang commercial. Hulaan ko, tatay niya si Kuya Germs 'no? German Moreno?" sambit ko sabay tawa nang kaonti. 

Pero siya hindi natawa, "Ang corny mo talaga. Hindi 'no. Korean ang nanay niya. Half Korean kaya siya."

"Half Korean, Half... shitzu?" pang aasar ko sabay tawa.

"Eh 'di wow. Atleast siya gwapo at magaling pa kumanta,"  sambit niya.

"May talent ba talaga 'yan? Baka gusto mo lang siya dahil gwapo siya?"

"Oo naman 'no! Teka, bakit parang insecure ka yata sa kanya? Tsk tsk tsk bad 'yan, your honor. Aminin mo na lang kasi na siya gwapo, at ikaw hindi." sagot niya sa akin sabay tawa nang mas malakas.

"Insecure? Hindi ah. Hindi ko lang talaga siya kilala," giit ko.

"He started singing doon sa Cafe Bar kung saan ako kumakanta 2 years ago. Siya ang pinakasikat na entry ng Bar dati every Friday. Naabutan ko siya doon, at unang kita ko pa lang noon sa kanya, crush ko na siya," pag kwento pa ni Valerie kahit 'di ko tinatanong.

"Ang bait bait kaya niya. Tapos siya naging mentor naming mga newbie noon. Lagi pa nga kaming nakakapag usap dati eh, sabi pa niya dati na ako pinaka nagustuhan niya sa mga naka trabaho niya sa Bar," dagdag pa niya.

"Kaya lang..." Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Valerie.  "Simula nang sumikat siya at nakakuha ng big break sa mga studios at TV, hindi na siya bumalik sa Bar at nakalimutan niya na din kami. Maraming siyang naging haters sa amin dahil doon, pero ako todo suporta pa rin sa kanya."

Aasarain ko sana siya na hindi na siya kilala ng crush niya, pero mas minabuti ko na tumahimik na lang dahil baka masaktan pa siya.

"I see, magkakilala naman pala kayo dati. Kaya pala nag tatago ka kanina," sambit ko na lang. Hindi siya nag salita at patuloy lang na nag mamaneho.

"Sorry kanina ah. Akala ko lang naman kasi boyfriend mo talaga 'yon kaya sinugod ko," sambit ko.

Napangiti naman si Valerie sa sinabi ko,  "Ang tapang mo nga kanina eh. Pahiya ka nga lang." Kaso tumawa ulit.

"Atleast wala ng ka-date 'yong crush mo, at alam mo na rin na wala siyang girlfriend. May pag asa ka pa," sambit ko at nagtawanan kami.

Matapos ang ilang minutong biyahe, nakarating kami sa apartment na tinituluyan ko. Bago ako bumaba ng taxi, kinausap ako ni Valerie, "Kier, you're seems to be a good guy. Thank you for this day. Ang swerte ni Jana sayo."

Nagulat ako. Hindi ko alam na may soft side pala ang dragon. I mean hindi ko akalain mag papasalamat siya. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Wala 'yon. Pero hindi ka ba mag so-sorry sa mga pang aasar mo sa akin?"

"Hindi! Nakakatuwa ka asarin eh. Pikon mo kasi," sagot niya sabay tawa.

Sino kaya 'yong pikon sa amin? 

"Ikaw kaya 'yong pikon." Sambit ko.

"Tse! Bumaba ka na nga." Sambit niya.

Bumaba ako ng taxi ng nakangiti. Papasok na ko ng apartment nang bigla kong maisip bumalik kay Valerie. Kinatok ko ang bintana niya para buksan ito.

"Valeng, hintayin mo nga pala ako dito. Bigay ko 'yong bayad sa pag hatid."

"Huwag na. Libre ko na 'yon," tanggi niya.

"Talaga? Salamat. Labas ka muna diyan. May ipapakilala ako sayo," sambit ko.

Bumaba si Valerie ng taxi. Agad naman akong pumunta ng unit ko. Pag bukas ko ng pinto, biglang kumaripas ng takbo si Pogi. Akala ko sasalubungin niya ko pero bigla siyang lumabas ng apartment at pinuntahan si Valerie.

"Pogi!" Tuwang tuwa na sambit ni Valerie.

Kinarga niya ang aso ko at dinilaan siya nito sa pisngi. Tuwang tuwa din si Pogi na makita si Valerie base sa buntot niyang ang bilis ng pag galaw. Bigla akong natulala habang pinag mamasdan sila, gano'n na gano'n si Pogi kapag nakikita niya si Jana.

Sa sobrang kalikotan ni Pogi, binaba siya ni Valerie. 

Nilapitan ko sila at kinarga ko si Pogi, "Pogi baby, meet ate Valerie."

Hinimas ni Valerie ang ulo ni Pogi, "Hala nakakatuwa naman. Kilala niya pa ako. Ang cute cute mo talaga Pogi."

"Pwede ko ba siyang dalawin minsan?" tanong ni Valerie.

Tumahol si Pogi. Gusto niya yatang sabihin na dapat pumayag ako kaya't pumayag ako, "Oo naman. Mukhang gusto ka naman niya eh."

"Yehey!" sambit ni Valerie. Para talaga siyang bata minsan.

Muli niyang hinimas si Pogi at nagpaalam na sa amin,  "Kier, kailangan ko na umuwi. Salamat ulit ah." Tapos ay binigyan niya ng kiss si Pogi sa ulo, "Bye, Pogi!"

Hinawakan ko ang kamay ni Pogi at kunwaring nag paalam ang aso ko.  "Bye ate Valeng. Ingat ka."

Napangiti naman si Valerie. Sumakay na siya ng taxi niya at umalis. Nakakatuwa din pala itong si Valerie. It was a long day, but it was a great and funny experience.

Pag pasok namin ni Pogi, hindi ko ma-ipaliwanag pero ang saya ng araw na ito kahit puro asaran at may mga kamalasan. It's feels good to have a new friend.

Pag tingin ko sa phone ko may message na si Jana sa messenger. Sa wakas, kumpleto na araw ko!

Jana: My love, I'm sorry for not being able to chat with you lately. Sana hindi ka nag tatampo. Kamusta ka? I miss you so much.

Me: Hello My Love! Heto kakauwi ko lang. I'm okay. But I really missed you. Kamusta ka diyan, makakapag-chat ba tayo ng matagal ngayon?

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pag tatampo sa kanya sa oras na ito.

Jana:  I'm sorry Kier. Marami pa kong gagawin na blueprint revisions mamaya then I have to sleep early for tomorrow. Dinadalaw kasi kami ng mga clients kaya sobrang busy ko talaga.

Me: Okay lang naiintindihan ko naman. Basta ayos ka lang at kumakain ka sa oras.

Jana: Thanks my love. Dont worry babawi ako sayo. Kamusta kayo ni Pogi?

Me: Okay din naman siya. Heto kain lang ng kain tsaka likot lang ng likot. Miss ka na rin niya.

Jana: Got your message earlier. I am glad to know that you got a new friend. Please don't make yourself alone all the time. Get along with your friends ha.

Me: Yes my love. Sana magkaroon ka ng oras someday.

Jana: I'll try, don't worry. Promise me you'll see your friends or your new friend.

Me: I promise.

Jana: Sige na, my love. I have to go. Take good care. I love you.

Me: Likewise, I love you too.

So that's how it goes. Malayo, hindi ko nakikita, hindi ko nakaka-usap ng matagal, pero wala akong magagawa. Kahit masakit, kahit mahirap, at kahit nakakahina ng loob. Nagtitiis ako dahil mahal ko.

Natulala na lang ako sa kisame at nag imagine na sana nandito siya sa aking tabi.

Ilang saglit pa, biglang tumonog ang phone ko. Si Tita Jizelle pala tumatawag kaya agad ko itong sinagot.

"Hello Tita, kamusta po? Napatawag po kayo?" sambit ko sa phone.

"Hello Kier, mabuti naman kami. Kamusta ka diyan? Kamusta pag aaral mo?" Tanong ni Tita sa kabilang linya.

"Okay naman po tita. Malapit na ang BAR exam. Bakit po kayo napatawag?" Tanong ko.

Narinig kong napabuntong hininga si Tita sa kabilang linya, "May kailangan kang malaman tungkol kay Jana."

Continue lendo

Você também vai gostar

13.5K 452 8
| STONEHEARTS #10| Torie Maylalaine Gosingtian grew up with a silver spoon in her mouth. Being the youngest of the two daughters of a business magnat...
I Love View De Nayin Yagdulas

Ficção Adolescente

428K 9.3K 57
[COMPLETED] Geeo, George and Georgina's son, learns to fall in love. GG Couple, the next generation. #AACouple
516K 14.9K 13
Paano maniniwala ang isang tragic writer na may happily ever after? Pag-ibig kaya ang muling magpapatunay sa kanya na ang buhay ay hindi laging malun...
44.3K 3.3K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...