Avah Maldita (Aarte pa?) - Bo...

By simplychummy

39.5M 929K 227K

Avah Chen is my name and hating is my game. Loved by no one, hated by everyone. Half-Chinese. Pure-Maldita. More

Avah Maldita (Aarte pa?) Book is finally out!
MALDITA TIPS 101
MALDITA 1
MALDITA 2
MALDITA 3
MALDITA 4
MALDITA 6
MALDITA 7
MALDITA 8
MALDITA 9
MALDITA 10
MALDITA 11
MALDITA 12
MALDITA 13
MALDITA 14
MALDITA 15
MALDITA 16
MALDITA 17
MALDITA 18
MALDITA 19
MALDITA 20
MALDITA 21
MALDITA 22
MALDITA 23
MALDITA 24
MALDITA 25
MALDITA 26
MALDITA 27
MALDITA 28
MALDITA 29
MALDITA 30
MALDITA 31
MALDITA 32
MALDITA 33
FINAL WAVE
Thank You Note

MALDITA 5

1.1M 27.2K 4.1K
By simplychummy

MALDITA 5

Isang oras na ang nakakalipas pero hanggang ngayon wala pa ding Witch ang nagpupunta dito sa graden. I hate waiting, kaya lalong umiinit ang ulo ko sa ginagawa nyang pagpapahintay sa amin. Sya na lang ang kulang, ang mga katulong ko ay nandito na din sa may garden suot ang mga ordinaryo nilang damit na sa sobrang ordinaryo ay hindi ko maaatim na suotin. Hindi kakayanin ng sensitibo kong balat ang mumurahing tela na ginamit sa mga damit nila.

"I thought we're going to have fun. Waiting is not fun." Bored na sabi ni Aira.

"Yeah, I'm started to get bored na din." Pagsang-ayon ni Frances.

"Ano na?" tanong sakin ni Dhonna.

Lalo pang dumagdag ang inis ko dahil sa pagiging mainipin nila. Kaya binalingan ko ng inis si Daldalita. Pasensya sya, sya lang ang kilala ko sa mga katulong ko.

"Hoy, silipin mo nga si Miranda sa loob kung buhay pa at sabihin mo sa kanya na bilisan nya, naiinip na kami. Kung patay na sya...buhayin mo, sabihin mo hindi pa sya pwedeng mamatay dahil hindi pa 'ko tapos pahirapan sya." Utos ko. Agad naman syang pumasok sa loob para tignan si Miranda.

Maya-maya lang ay dumating na din sa wakas si Miranda. Nakasimangot sya habang naglalakad at may dalang pagkain. Noong nailapag nya ang dalawang plato sa lamesa ay agad ko syang sinita.

"What's with your face? Hindi ko akalaing may ipapangit ka pa pala."

Nagpipigil ng tawa ang mga nakapaligid sa amin habang sya naman ay pulang pula na sa galit.

"Napakasama talaga ng ugali mo! Napaka walang modo, walang respeto, napaka walang hiya!" Sermon nya sa akin habang dinuduro ako.Tinabig ko ang kamay nya.

"Alam mo nakakabobo kang kausap, paulit-ulit ka na lang. Pwede ba hindi mo na kailangan pang ipaalala sa akin na masama ang ugali ko, dahil hindi ko 'yon nakakalimutang pairalin lalo na sa mga taong katulad mo."

"Hindi ka na nakakatuwa."

"Hindi din ako natutuwa sa'yo. Pero sa itsura mo, tawang-tawa ako. Ano pang hinihintay mo? Pag-ganda mo? Hindi na 'yon dadating, umalis ka na sa harapan ko." Mataray kong utos sa kanya at umalis na sya.

Nagpatuloy lang si Witch sa pagsisilbi sa amin. Napansin kong napapagod na din sya sa ginagawa nyang pagluluto at paglabas pasok sa kusina. Tumatagaktak na kasi ang pawis nya at basta na lang nyang itinali ang mahaba nyang buhok.

"She looks tired na." Puna ni Frances.

"Dapat lang sa kanya 'yan."

"Hindi ba it's too much?"

Hindi na nakakapagtaka na may halong pag-aalala ang boses ni Frances. Lumaki sya sa pamilya ng mga doctor at maging sya ay hindi nakaligtas at pinakuha ng kursong optometry kahit gustong-gusto nyang maging fashion designer.

"Sa mga ginawa nya sa akin, kulang pa 'yan. Hindi pa nga pwedeng downpayment yan eh."

Hindi pa sapat yan. Ilang oras pa lang syang naghihirap, samantalang dalawang taon nya akong pinahirapan. Nag-uumpisa pa lang akong maningil. Natutuwa akong makitang nahihirapan sya.

"Ayan na lahat." Sabi ni Miranda noong nilapag ang huling pagkain na niluto nya.

"Good. Let's go girls."

"Where are we going? Aren't we going to have dinner?" Maarteng tanong ni Frances.

"Yeah, nandito na 'yong pagkain. Dinner time na din." Pagsang-ayon ni Dhonna.

"I know. Ayoko na ng ambiance dito sa garden, kaya sa rooftop tayo magdi-dinner." Nakangiti kong sabi.

"What about the food?" Tanong ni Aira.

Tumingin ako kay Miranda at saka ako ngumiti nang nakakaloko.

"Iakyat mo ang lahat ng 'yan sa rooftop...mag-isa. Kung binabalak mong gamitin ang dumbwaiter tigilan mo na, dahil hindi kita hahayaan."Nanlaki naman ang mga mata ni Miranda, pati na ang mga katulong ay nagulat din sa sinabi ko.

"Kayanin kaya nya ang mag-akyat baba sa 5th floor?" Tanong ni Aira.

"I think...hindi." Sagot naman ni Frances.

"You wanna bet?" Tanong sa kanila ni Dhonna.

Tumingin ako sa mga katulong.

"Feel free to order Miranda around." Sabi ko sa kanila at nag-umpisa na akong maglakad kasama ang mga kaibigan ko.

-

Kung ano-ano na ang pinag-uutos ng mga katulong at kaibigan ko kay Miranda. Hinahayaan ko lang silang lahat at pinapanood ko lang syang nahihirapan. Never say die ata ang motto ng bruha at hindi natitinag kahit pagod na pagod na.

"Until when are you planning to make her suffer?" Biglang tanong ni Dhonna.

"Hangga't gusto ko."

"Aren't you scared na baka isumbong ka sa Daddy mo?" Tanong naman ni Frances.

"Scared? Ngayon pa ba ako matatakot kung kailan wala nang naniniwala saakin?"

"For sure, magagalit na naman sa'yo ang Daddy mo." sabi ni Aira.

"What's new? The feeling is mutual. Ayaw nya sa akin, ayaw ko din sa kanya."

Kailan nya ba ako ginusto? Palagi namang si Avy ang magaling sa mga mata nya. Para akong invicible sa paningin nya.

"What about your Mom?" Pag-aalala ni Frances.Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at tumingin sa malayo.

"Kahit ano namang sabihin ko hindi nya ako papaniwalaan. Ironic isn't it? Kung sino pa ang taong dapat nakakakilala sa'yo ng lubos 'yon pa ang hindi naniniwala sayo." I said bitterly.

I still remember the night when she didn't even bother to hear my explanation nor look at me before they flew to China, left me here in this huge house; alone, lost, and weak.

"What if kay Avy magsumbong 'yan? Diba she's your Ate's Yaya?" Tanong ni Frances.

"Thanks for reminding me that I have a sister.Much better kung sa kanya magsumbong. Malay nyo mapauwi ko sya bigla diba?"

"Gusto mo talaga syang pauwiin ha." Puna ni Dhonna.

"Hindi lang gusto...gustong-gusto. Nangangati na yung palad ko na sampalin sya."

"Impostora vs. Maldita...sounds exciting!" Sabi ni Frances habang pumapalakpak.

Kahit ako hindi na makapaghintay sa mga posibleng mangyari kapag nagkita ulit kami ni Avy. Kung si Miranda ang magiging tulay para mapauwi ko sya ng Pilipinas, hindi ako magsasawang pahirapan ang Yaya nya. Masyado nang mahaba ang dalawang taong pagtitiis. Sisiguraduhin kong sa larong gagawin ko, ako ang mananalo. It's payback time, Avy.

"Kahit hindi pa man namin sya nakikita, sa mga kwento mo palang hindi ko na sya gugustuhin pang makasama." Sabi naman ni Dhonna.

Nakilala lang nila si Avy sa mga kwento ko. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na two years ago lang kami naging magkakaibigan dahil sa foundation ni Aira. Napangiti na lang ako noong naalala ko na naman 'yon.

"Bakit ka nakangiti dyan?" Tanong ni Aira.

"Naalala ko lang kung paano tayo naging magkakaibigan." Sagot ko at natawa na din sila.

Two years ago sabay-sabay silang nag-transfer sa School ko. Second year college kaming tatlo nina Frances at Dhonna noon. Si Aira naman third year college na,kaya lang may back subject sya. Naging magkaklase kami sa PE3 which is table tennis.

Magkatabi kami ni Aira, sa likod namin sina Frances at Dhonna. The whole time na nagtuturo yung teacher sa harapan, nag-me-make-up si Aira, ako naman busy sa pagsusulat ng hate letters para kay Avy. Nilagay nya ang foundation sa desk nya. Nasagi ko, nahulog, nabasag at na-shock sya!

"Look what you've done!" Sigaw nya. Tinignan ko naman 'yung nagkawatak-watak na powder at basag na salamin.

"Nakita ko na." Sagot ko at bumalik sa pagsusulat.Natahimik lahat at napunta ang atensyon saming dalawa.

"Pulutin mo 'yan!" Utos nya sa akin sabay hampas sa balikat ko.

"Ikaw ang naka-isip, eh di ikaw ang gumawa." Sa inis nya sa akin, hinampas nya ako ng hairbrush. Napatayo ako at tinignan ko sya nang masama at hinampas ko sya ng bag ko!

"Teacher! They're fighting oh! Lets bet whose gonna win!" Maarteng sabi ni Frances at dahil sa sinabi ni Frances binato sya ni Aira ng hairbrush.

"Ouchy! My arm!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Frances natamaan kasi sya sa braso.

"Shut up! Nakakairita ang boses mo!" Sigaw ni Aira sa kanya.

"As if naman na ang ganda ng boses mo." Extra naman ni Dhonna.

"At nagkampihan pa kayong dalawa!" Naiiritang sabi ni Aira.

"Hindi ko sya kinakampihan, sinasabi ko lang na nakakairita din yung boses mo!" Sagot ni Dhonna. Hindi nakapagtimpi si Dhonna at tinadyakan ang upuan ni Aira.

"Sinong nagbigay ng permiso para makisali kayo sa away namin?" Mataray ko namang tanong. But before they could answer me, dumating ang Dean. Ayon, nagsama-sama kami sa detention room. Tatlong araw din kaming nag-community service at noong nalaman nilang isa akong Chen nagulat sila dahil pumayag akong magpadetention at magcommunity service kaya nakapagkwento ako nang hindi oras tungkol sa buhay ko. Since then, naging magkakaibigan kami. After a year grumaduate na si Aira at nag-transfer na naman ng School sina Frances at Dhonna.

Continue Reading

You'll Also Like

5.9K 123 18
Abakada: I love you. Mahal kita, kaso nakakapagod na.
11.4K 357 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
42.9M 842K 83
"Break na 'yan sa Sabado!"
522K 14.1K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Aรฑasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...