Stephanie, The Devil's Slave

By SexyKisser

12.1M 143K 14.9K

She is not an ordinary slave. More

Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
STDS [38]
STDS [39]
STDS [40]
STDS [41]
STDS [42]
STDS [43]
STDS [44]
STDS [46]
STDS [47]
STDS [48]
STDS [49]
STDS [50]
Stephanie, The Devil's Slave
STDS [Epilogue]

STDS [45]

158K 2.5K 667
By SexyKisser

Kuya? Tama ba ang rinig ko? Tinawag ni Max si Kris ng kuya?

Maigi kong tinignan si Max pero seryoso ang tingin nya kay Kris. Hindi sya nagbibiro sa tinawag nya kay Kris.

Magpinsan ba sila? Magkaibigan o ano? Imposibleng maging magkapatid sila dahil si Lyn lang ang kilala kong kapatid nya. Isa pa, magkaiba sila ng apelyido.

Pero kahit na anong isipin ko, matindi parin ang kaba na nararamdaman ko. Hindi, hindi pwede 'yun. Halos ipilig ko na ang ulo ko sa pagkumbinsi sa sarili ko.

"Brother." Nakangising tawag ni Kris kay Max. A-anong meron? Paanong.. nangyari?

Biglang umakbay saakin si Kris at pakiramdam ko ay nangliliit ako sa kanilang dalawa. Gusto ko na lang matunaw na parang isang kandila o di kaya'y maglaho na parang bula. Hindi ko maintindihan ang nangyayari, masyadong magulo. Masyadong mabilis.

"Hindi mo ba ipapakilala sa akin si Max? Ang kapatid ko?" Nakangiting tanong nya.

Lalong nagsiklab ang takot at kaba sa dibdib ko. Kapatid? Nagbibiruan ba kami? Hindi na ako makahinga dahil pakiramdam ko ay nakukulangan na ng hanging para saaming tatlo. Paano ko ba sasabihin kay Kris ni si Max ang boyfriend ko? Tapos kung makaakbay pa sya saakin..

Sa halip na tanungin ko kung ano ang sinasabi nya, nagsalita na lang ako. Ayokong malaman nilang kinakabahan na ako dito. 

"M-max, si Kris.." Sabi ko at hindi ko malaman kung ano ang ipapakilala ko kay Kris. "Kris, si Max.. Boyfriend ko."

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Naiipit ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko! God, Hindi ko napaghandaan to. Ni minsan, hindi ko naisip na magkikita kaming tatlo, at mahuhuli ako.

Bakit ganto si Kris? Bakit ganito sya kung tumingin?

Naramdaman kong humigpit ang pagkakaakbay ni Kris saakin, na parang ayaw nya akong pakawalan, na parang ayaw nya akong mawala dahil meron syang maling magagawa.

I heard him chuckled. "Boyfriend?" At hindi ko inaasahan ang susunod nyang sasabihin."Akala ko ba makikipagbreak ka na sa kanya?"

Tumingin saakin si Max. Isang malungkot na titig. Gusto kong umiyak dahil sa hindi ko na malaman ang gagawin ko. Masyado akong naiipit sa kanilang dalawa.

Tumingin ako kay Kris na nakangiti parin. Hindi ko gusto kung paano sya ngumiti.. Masyadong mapanlinlang.

"Kris.. what do you think you're doing..?" Alangang bulong ko sa kanya.

"Well, babe. I know exactly what i'm doing." Sabi nya. Tumayo sya ng maayos na parang nagyayabang. "Bakit hindi mo sabihin dito, kay Max na ako na ang Boyfriend mo?" Tanong nya na lalong nagpangiti sa sarili nya.

Tumingin ako kay Max. Nakatayo lang sya at kanina pa naghihintay sa sasabihin ko. "Steph.. what's this?" Mahina nyang tanong. Kahit sya ay nagtataka sa nangyayari at ang mata nya ay nanghihingi ng maraming eksplanasyon. Patawad Max.. sana mapatawad mo pa ako.. Kahit minsan, hindi ko hiniling na umabot sa ganito..

Yumuko na lang ako para maiwasan ang mga titig nila. Kaunti na lang at sasabog na ako sa pinaghalong kaba at takot.

Humakbang papalapit saamin si Max. "Kuya, kung ginagawa mo 'to, para ganitihan ako--" Hindi naipagpatuloy ni Max ang sasabihin dahil natawa si Kris.

"Paano mo nalaman?" Tumawa si Kris. "Masarap bang maagawan?"

At sa salita nyang 'yun, nadurog ang puso ko. Parang pinaghiwa-hiwalay. Parang pinagtutusok ng libo libong karayom. Ginagawa nya 'to, para gantihan si Max? Kung ganun.. involve parin ako? Pero..

"Tangina!" Nagulat ako nang sumigaw si Max at sinugod si Kris ng suntok. Nakatayo lang ako doon at pinapanuod sila. Hindi ko maramdaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Basta ang alam ko lang, masakit. Sobrang masakit.

"Putangina kuya! Hanggang kailan ka ba magagalit saakin at iisiping inagaw ko ang lahat sayo!?"

Pero parang wala lang kay Kris ang suntok. "Kulang pa 'yan." Maanghang na sabi nya.

Hindi ko maintindihan si Kris.. O baka naiintindihan ko sya, pero hindi ko lang matanggap?

Ang tanga tanga ko. Bakit kailangan pang umabot sa ganito? Bakit nahulog ako sa maling tao na gagamitin lang pala ako? Bakit hindi ko naisip yun?

Nagsusuntukan parin sila at kitang kita ang galit sa mata nilang pareho. Pero naandito ako.. walang ginagawa at pinapanuod lang sila. Bakit wala akong magawa? Bakit ang useless ko?

"Tumigil na kayo.." Sabi ko pero hindi nila marinig. Wala na akong lakas para sumigaw. Nasasaktan din akong mapanuod ang taong mahal ko at ang taong mahalaga saakin na nagkakaganito.

Hindi parin sila tumitigil, pareho lang sila nagkakasakitan.

"I SAID TUMGIL NA KAYO!" Sigaw ko sa kanila. Bakit ba ayaw nilang tumigil?!

Napahinto silang dalawa sa pagsasapakan. Nanatiling nakaupo si Max habang pinupunasan ang gilid ng labi nya na meron ng dugo. Si Kris naman ay tumayo at lumapit saakin. Meron din syang mga galos.

"Uuwi na tayo." He said coldly at hinawakan ako sa pulso. At sya pa ngayon ang may ganang magsalita ng ganyang kalamig saakin?

Malakas kong tinanggal ang pagkakahawak nya saakin. Tinignan nya lang ako, at alam kong nakikita nya sa mata ko ang pinaghalong galit at pagsisisi. Galit sa mga ginagawa nya, at pagsisisi dahil naniwala ako sa kanya. Ang mga mata nya ay nanghihingi ng kapatawaran.

"Steph, uuwi na tayo. I will explain later w--"

Hindi nya naituloy ang sasabihin nya dahil sinampal ko sya, isang malakas na sampal. Pero kulang parin yun sa sakit na ginagawa nya saakin. Oo masakit! Masakit kasi minahal ko sya sa mga pangloloko nya! Masakit kasi putangina lang! Mahal na mahal ko na sya!

Nanatiling nakatingin ang mukha nya sa gilid dahil sa lakas ng sampal ko. Parang hindi sya makapaniwalang nasampal ko sya.

"YOU LIED! NILOKO MO AKO! MANLOLOKO KA! YOU PROMISED ME NA HINDI MO NA ITUTULOY!" Tumutulo ang luha ko dahil sa sinabi ko. Paano nya nagawa saakin to?

Malungkot nya akong tinignan. "Steph.. pag-uusapan natin 'to. Let's just.. go home." Mahinang sabi nya. Pinaghahampas ko sya sa dibdib. Ang kapal nya! So all this time alam nya palang may relasyon ako kay Max.. sa kapatid nya?! Hindi ko alam kung paano sila naging magkapatid, pero sa dami ba naman ng sikreto na nalalaman ko, ano pa ang paniniwalaan ko? "Please, baby.."

"Keep your hands off her!" Sigaw ni Max at hinila ako papalayo kay Kris.

Hindi ako binitiwan ni Kris. "Bakit ko naman gagawin 'yun? Sinong inutusan mo?" Galit na tanong ni Kris kay Max.

"Ako ang boyfriend nya." Sabi ni Max and then looked at Kris fiercely.

"Ako ang mahal nya." Pagtuldok naman ni Kris.

"Stop.. just stop." Pakiusap ko sa kanilang dalawa. Gusto ko na lang ay magpahinga. Everything is going way too hard for the three of us.

Tinitigan ko si Kris. Nakikiusap na sana.. sana panaginip lang 'to. Kasi, ang sakit sakit na. Ang sakit malaman na.. ginamit nya lang ako. Na ang mga ginawa namin, mga ginawa nya.. planado rin pala. Plano nyang mahulog ako sa kanya. Na kunwaring may gusto sya saakin.. bakit parang gumuho ang mundo ko?

"Fine." Binitiwan ni Kris ang kamay ko. "Let her choose then." He said confidently, as if he always know my decisions.

Kaya ba nya pinahulog ang damdamin ko para sa kanya? Dahil sa plano nyang to? Para piliin ko sya at pasakitan si Max? Napakagago nya! Bakit napakasama nya? Bakit kailangan pa akong madamay dito? Bakit pati damdamin ko, kailangan pang madamay sa lintek na plano nya?!

At bakit nga ba naniwala ako sa demonyong 'to? Bakit naniwala ako na kaya nyang magbago?

Nanatili akong tahimik. I can't even open my mouth. Hindi ko masabi ang hinanakit ko.

Bigla akong niyakap ni Max. Nakabaon lang ang mukha ko sa dibdib nya. Parang ayaw nya akong mawala, na parang natatakot syang umalis ako. Na parang alam nya kung ano ang gusto ko, at kung ano ang pipiliin ko.

"Fck! Bitawan mo si Steph!" Sigaw ni Kris at hinila na naman ang kamay ko kaya nawala ako sa yakap ni Max. "Damn it! You don't have the fcking right to touch her!" Galit na singhal ni Kris kay Max.

Sinubukan ulit ako kuhanin ni Max. Nasa kanya ang kaliwang kamay ko at nakay Kris naman ang kanan.

"TUMIGIL NA NGA KAYONG DALAWA!" Sigaw ko at parehong tinanggal ang hawak nila.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan. Nakatitig lang ako kay Kris ng masama. Nakatingin lang din sya saakin na mayroong malungkot na mata. Ano naman ngayon? Umaakto na naman ba sya?

Umiling ako sa kanya na para bang sinasabing wala na. Ayoko na. Na hindi ko kayang sumama sa kanya, at lalong hindi ko na kayang maniwala sa mga kasinungalingan nya.

Kumalat ang lungkot sa mata nya. Peto agad rin iyong nawala dahil magaling syang magtago ng nararamdaman.

"Fine, I will let you have her." Sabi nya na ikinagulat ko. Meron pa bang mas sasakit pa sa mga sinasabi nya?

Tinitigan ko sya. Walang emosyon ang mga mata nya.

"Dahil kapatid naman kita, ipauubaya ko na sayo ang napagsawaan ko." Malamig na sabi nya.

My jaw dropped open. Literal na napahawak ako sa kaliwang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay kumikirot yun. Paano nya nasabi yan? Hindi ko na napigilan ang pagtulo muli ng luha ko. Iyan ba talaga ang tingin nya saakin? Isang.. laruan na ginagamit lang? Na pag napagsawaan, ipapamigay. O baka kasama din ito sa plano nya?

"PUTANGINA! WALA KANG KARAPATAN NA SABIHAN SYA NG GANYAN!" Susugudin sana sya ni Max pero nagsalita ulit sya.

"Walang karapatan? Meron." He corrected him at ngumisi. "Binili ko sya, Max." Lumapit sya kay Max at nagtatagisan sila ng tingin. "Alam mo ba kung ano na ang nakuha ko sa kanya.. na hindi mo pa nakukuha?"

Napaupo ako. This is.. this is not what I was expecting. Ang akala ko totoong mahal nya ako. Naisubsob ko ang mukha ko sa palad ko. Tama na. Ang sakit sakit na.. then suddenly, sobs came out of my mouth.

"Anong sinasabi mo?" Matigas pero kalmadong tanong ni Max pero alam kong galit na galit na sya.

Tumawa si Kris.

"It's okay. You can have her. I'm done with her, pampalipas oras ko lang naman sya. At isa pa, nakuha ko na naman ang gusto ko sa kanya.. her body.. and her heart." He said emphasizing the word Body and heart.

I felt a million stabs on my heart. Malinaw na, malinaw na ginamit nya lang ako at kasama ako sa plano nya.

Pinilit kong tumayo kahit na nanghihina ang tuhod ko. Pinuntahan ko si Max na nakakuyom ang kamao. Alam kong nangangati na yun para suntukin si Kris. Pinipigilan nya ang sarili nya pero kitang kita ko kung gaano na sya kagalit. At tuwang tuwa naman si Kris na makita yun. Masaya na ba sya? Masaya na ba sya dahil nangyari na ang kung ano mang plano nya?

Hindi ko alam kung nangdidiri na ba si Max saakin o baka nga kinakamuhian nya na ako ngayon. But all I want to do now is to hug him, to remove the pain away. Even if I can't.

Hinawakan ko ang kamay nya, agad na lumambot yun. Tinignan nya ako, merong kung ano sa mata nya. Nasasaktan sya. Nasasaktan sya at mas higit pa yun sa nararamdaman ko. "Max.." Mahinang sabi ko at niyakap sya.

Mahigpit ko syang niyakap para naman malaman nyang naandito lang ako.

Nang tignan ko si Kris ay nakatingin sya sa amin, nakita kong may kalungkutan din sa mata nya habang nakatingin saamin, pero nawala din yun agad.

"Isa pa.. nawalan na din ako ng interes na paglaruan sya, nahulog na sakin eh." Nagkibit balikat si Kris at ngumisi. "Nakakasawa."

Naramdaman kong gumalaw si Max para sugudin si Kris pero pinigilan ko sya. Mahigpit akong kumapit sa kanya. Masyado nang nasasaktan si Max.. this is just too much.

"Please.." Sabi ko. "Just leave." Bulong ko na alam kong narinig ni Kris. Nakabaon na ang mukha ko sa dibdib ni Max. Somehow, I felt safe. Pamilyar ang yakap.. it felt like a hug from an old friend.

Hindi ko na sya tinignan. Ayoko nang makita ang mukha nya. Narinig ko na lang ang hakbang nya papalayo.

Umalis na si kris just like that.

Nanatiling nakatayo si Max. Patuloy lang ako sa pagiyak. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nya at mas lalo akong nasaktan.

Despite hearing the truth from Kris, pinili nya paring yakapin ako at hindi itulak. Bakit ba nagawa kong bawiin ang pagmamahal ko sa taong tunay na nagmamahal saakin?

"Shh.. come with me, Steph. I'll fix you." I heard him say. Naramdaman kong may pumatak na likido sa balikat ko. At alam kong galing yun sa mata ni Max.

He'll fix me? Hindi ba't dapat ako ang magsabi nyan? Alam nya ba? Alam din ba nyang nasasaktan ako?

Tanggap nya parin ako. Bakit tanggap nya parin ako? Mas ayos sana kung ipagtatabuyan na lang nya ako. Mas nasasaktan ako sa ginagawa nya. Isa na akong maruming babae, at ni hindi pumasok sa isipan nya yun.. bakit Max..?

Bakit hindi na lang ikaw ulit?

Napakasama ko ba para mangyari saakin to? Napakasakit. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasasaktan ako at higit sa lahat, nasaktan ko rin si Max. Paano ako magso-sorry sa kanya?

Mahal ko si Kris at ang tanga tanga ko kasi kahit na ginawa man nya yun o hindi, mahal ko pa rin sya. Bakit ang tanga tanga ko?

Pero isa lang ang nasa isip ko ngayon, Niloko nya ako. Pinagmukha nya akong tanga! Hindi ko na alam ngayon kung alin ba sa mga ginawa nya ang totoo? O baka nga wala. Lahat yata ng ipinakita nya saakin, kasinungalingan. Kasinungalingang pinaniwalaan at minahal ko.

Manloloko sya, ginamit nya ako. Bakit ginagawa nya to kay Max? Anong rason nya?

'Hindi ko na itutuloy ang plano ko, at dahil sayo yun.' 

Ipinikit ko ang mata ko nang maalala ang sinabi nya. Para saakin? Eh ako nga ang pinakamalaking parte sa plano nya.

Napakadaming tanong sa isipan ko ngayon, pero isa lang ang alam ko. Sobrang nasasaktan ako, at dahil 'yun kay Kris.

"It's okay.. I forgive you, lets just start again.." He said softly and planted a kiss on my forehead.

Continue Reading

You'll Also Like

6.4K 384 47
π•Šπ”Έπ•π”Ό ℍ𝔼ℝ KENXREADER Do you believe in Reincarnation? Isang babae ang natagpuang duguan sa kalsada. Ang kanyang katawan ay nasa malalang kalagaya...
2.5M 34.4K 58
Eight persons in a house. One man. Seven women. Relationship with each other? None. Just TOYS and a master. Sex slaves? Nah. Definitely morethan that...
5.9M 171K 110
"I'll break you, Spring. I'll fucking break you. Mark my words." *** Spring Cruz is your typical A plus student. There's nothing special about her. S...
24.4M 711K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...