100 Steps To His Heart [Publi...

Από Girlinlove

28.2M 300K 100K

Now a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng m... Περισσότερα

[PROLOGUE] 100 Steps To His Heart
[1] Meeting Venice and the TRES GWAPITOS <3
[2] The planner
[3] LRT + Party = Confession?!
[4A] First lunch.
[4B] Nosebleed. Literally.
[5A] First REAL Conversation!
[5B] Key chain.. To His heart and my happiness?
[6A] What the freak is "DIZZY" + Field Moments <3
[6B] Iba talaga ang kamandag ng isang Bryle Ortega. <3
[7] Meeting Kuya Nathan + Bryle's Game + Date sa Kikiam-an?!
[7B] Mga kaganapan sa tindahan ni Aling Bibyan + Carlos Miguel
[7C] Wala na. Inlove na. at WALA NA DIN ANG PLANNER OMG!
[8] Magbabati kaya kami? Mukhang malabo.
[8B] Uyyy bati na kami :">
[9] Palengke date with the guy of my dreams. <3
[10] First hug! >:D< At first... OMG!
[11] Patay, nabuking ni Loyola! At ang kapalit? Goodluck!
[11B] Ang alamat ni Enzo at ang pagpapahirap ni Mico!
[12] Ang nosebleed na away ni Enzo at Mico
[12B] Challenge pala ah. Tingnan natin!
[13] Confrontations + Bawian :">
[14] MALIGAW SA GUBAT? Thank you, Lord!
[14B] Stuck sa gubat: Mico+Hope+Enzo = 20 Questions
[15] Bonding sa gubat kasama ang Tres Gwapitos!
[16] Heart to Heart talk namin ni Bryle.
[17] Bryle and Venice. Ang mag EX.
[18] GIRLINLOVE UNIVERSITY INTRAMURALS.... Na napadpad sa Quiapo.
[19] Ang text na may emoticon at ang text na wala. :|
[20] MVP ang Section F!
[21] Saving the dolphins. At right decision ba na iniwan ko siya?
[22] Unang dinner ni Mico sa bahay ko.
[23] I'm ending our Master-Slave relationship.
[24] Tita Mindy?! Mico's family, and his realizations?
[25] Miss Red Umbrella <3
[26] Dare, double dare.
[27] August 28, 2013 Enzo Miguel Gutierrez' Birthday
[28] Pag may nawawala, may natatagpuan.
[29] Bryle the Bestfriend? The Reunion ng Tres Gwapitos
[30] Tres Chikas is back!
[31] First Date. First Fight.
[32] Tita's despedida party.
[33 Part 2] A night in jail.
[34] Wrong First Impression
[35] Dance and Kiss under the rain.
[36] Why is there only one Bryle Ortega?
[37] Tres Gwapitos' Day
[38] Pwede ba kitang ligawan?
[39] Hello, Eula
[40] OPLAN pagbatiin si Eula at Enzo. Anong nangyari MICO?
[41] Confessions.
[42] Bati na tayo, Mico.
[43] The PLANNER
[43] Hidden Feelings
[44] Ang pagamin ni Michael Ortiz
[45] We're back to being 'NOTHING' // Closure
[46] Venice' Birthday Part 1
[47] Venice' Birthday Part 2
[48] Happy New Year, Hope Yazon!
[49.1] Training Camp
[49.2] Muling ibalik? Kung may ibabalik...
[49.3] Secret Angel, don't make me fall for you... again.
[49.4] 'Designing'
[49.5] He's Back...
[50] #100STHHSunset
[51] #100STHHValentinesBall
[52.1] #100STHHJealousGuy
[52.2] #100STHHHisPOV
[53] #100STHHUntoldSecrets
[53.2] #100STHHHisMessages
[54] #100STHHSecondChances
55 #100STHHEulasLetter
[56] #100STHHARVD
[57] #100STHHAlmostForever
[58] #100STHHSGOLs
[59.1] #100STHHMeetTheParents
[59.2] #100STHHTheKaribal
[60] #100STHHLigawan
[61] #100STHHTheTask
[62] #100STHHTheOtherSideOfHim
[63] #100STHHCEBUtifulLove
[64] #100STHHOneBigFIGHT
[65] #100STHHGalawangGutierrez
[66] #100STHHDiLangIkaw
[68] #100STHHTheFirstTime
[68] #100STHHTeamAF
[69] #100STHHGraduationDay
[70] #100STHHTheBrokenHeartedOne
[71] #100STHHOneLastTRY
[72] #100STHHHulingHiling
[73] #100STHHLastFavor
[74] #100STHHWeddingMarch
[75] #100STHHGoodbye
[END] #100STHHEpilogue
Announcement

[33 Part 1] Ang clingy ni Mico at badtrip si Enzo. Sinong pipiliin. Bow.

347K 3.7K 1.9K
Από Girlinlove

Hope's POV

Ang mommy at daddy ni Mico ay nakaalis na ng bansa last week. Hindi ko alam kung dahil doon ba, pero sobrang clingy ni Mico noong mga nakalipas na araw.

"Hope, sunduin kita after ng class ha? Let's have lunch together."

Yan ang huling sinigaw niya sa akin bago siya pumasok sa class niya. Half day lang kami ngayon dahil may pupuntahang seminar ang mga teachers.

"Hope, umamin ka nga sa amin. Anong meron sa inyo ni Mico?" Ito na naman po si Chelsea del Mundo, nagiinterrogate na naman.

"Wala! Ano ba kayo!" Depensa ko.

"Waley daw. Hoy bruha, if I know, imbis na magaral ka eh nagfoformulate ka ng mga love potions para kay Papa Mico ko!" Dagdag ni Miks.

"Hoy Michael ha, ako wag mong inaakusahan! Kung gagawa man ako ng love potions, para kay Enzo at hindi kay Mico ano! Pwede ba!"

"Chararat ka!"

ABA'T CHARARAT DAW AKO!

Magwrewrestling na naman sana kami ni bakla doon kung hindi lang kami pinatigil ni Chelsea.. At ng bell. Pumasok si Miss Bisbal sa room namin.

Oooh. Anong ginagawa ni Miss Bisbal dito?

"Hello, good morning. You all know that every year we select one student who'll be given a special task. Every year, we add different twists sa mga tasks na binibigay namin. Sometimes, we give you a list of the things that you should do--"

Oh my god. Ang planner ni Enzo! Ang task ni Miss Bisbal! Anong nangyayari?!

"We just would like to announce na meron na kaming napili na student na mabibigyan ng task. But of course, malalaman niyo kung sino ang student na iyon sa graduation day. What I would like to tell this class is.."

Bakit sa class namin?! Hindi ba dapat sa Section A?! Pero ssshh Hope! Sshhh!

"Everyone should cooperate. May mga 'hidden tasks' ang chosen student at hindi dapat siya mabuko or else fail ang mission niya. Every year lahat ng missions ay successful. So gusto ko lang sabihin na.. Kahit hindi kayo ang napili, sana pagbutihin niyo pa rin ang pagaaral niyo. Malapit ng magend ang 3rd quarter at papasok na naman ang 4th quarter. Ienjoy niyo ang bawat oras na kasama niyo ang mga kaklase ninyo dahil... Highschool ends. Time flies. Hindi niyo namamalayan, bukas graduation niyo na pala, bukas makalawa maghihiwahiwalay na kayo. Kaya guys, galingan niyo and goodluck! Thank you."

Pumalakpak kami at nagpaalam si Miss Bisbal. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Oo nga, malapit ng matapos, gragraduate na kami. :(

"Tres Chikas, whatskiloo ang comments niyo kay Miss Bisbal?" Malungkot na sinabi ni Miks. Alam kong pareparehas kami ng iniisip ngayon.

"Basta, tama na yung naging pagsubok sa friendship natin ha? Forever Tres Chikas tayo." Sabi ni Chelsea. Niyakap ko siya at nakisali naman si Miks sa yakapan. Matapos pa kaming magdrama doon narinig na namin ang bell. Sobrang chill sa Girlinlove University. ^__^V

"Hope!" Napatingin kami lahat (buong Section F) sa pinto. At doon bumungad sa amin ang napakagwapong si Mico Loyola.

"Ayan na ang date mo."

"Si Papa Mico sinusundo ka."

"Sana ako na lang ikaw!"

 

Lahat ng mga kaklase ko inaasar ako habang papalabas ako ng classroom. Si Mico naman nakangiti. Bakit ba ang taas ng energy nito ngayon?

"Hey, you done for the day?" Sabi ni Mico. Umoo na lang ako.

"Let me carry your things." Offer niya. Napatitig ako sa kanya, sabay tumawa.

"Kung ayaw mo wag!" Sabay balik sa akin ng mga librong kinuha niya!

Aray! Ang bigat talaga ng kamay ng lalaking 'to.

"Hindi ko naman 'to dadalhin eh. Maglolocker ako! Ikaw, bakit ang gentleman mo ata ngayon ha?" Asar ko sa kanya.

"You don't like it?" Sabi niya. Ito na naman po ang childish slash needy slash pacute na side ni Mico. Hindi ko na lang pinansin.

"Why are you ignoring me?" He pouted.

"Tigilan mo nga ako Mico! Ano bang kailangan mo? May ginawa ka bang kasalanan?"

"Wala ah. Kakainis. Ang pachix mo naman."

Aba't ako pa ang pachix ngayon?! Siya 'tong nagpapasimuno ng pagiging clingy niya!

"Oo. Pachix ako. Diyan ka na nga."

"Hope, ano ka ba!" Ano na naman bang kailangan niya?

"May gagawin ba tayo?!" Tumingin siya sa akin, yumuko, tumingin ulit sa akin at namula. Bigla naman niyang inabot sa akin ang lunch box.

"Oh ano 'to?" Tanong ko.

"Really? Do I really have to explain what that thing is?" Asar naman na sinagot niya. Bipolar!

Binuksan ko yung lunch box. May kanin, may hotdog, may itlog, may gulay.

So.. Ano 'to?

"Niluto ko yan." Tapos nagsmile siya at pinakita sa akin yung matching lunch box niya. Gusto ko mainis pero ang cute niya kasi.

"Come on, let's eat!" Tapos hinila niya ako papunta sa cafeteria.

Yung ibang studyante pinagbubulungan na naman ako. Siguro kasi si Mico naman ang kasama ko kumain ngayon. Nasaan na nga ba si Bryle? At si Venice?! Ba't parang hindi ko matagpuan yung dalawang yun?!

Si Enzo naman one week ng absent sa school. Alam ko may family thing siya kaya nagout of the country na naman siya. Bakit ba ang unti ng alam ko kay Enzo?

"Why are you idling?" Tanong sa akin ni Mico.

"Ah. Wala. Nasaan pala si Bryle at Venice?"

"May practice ang basketball team kasi malapit na ang laban nila. Si Venice nagprapractice din kasama ang cheerleading team."

Oh. Kaya pala ang clingy na naman nitong si Mico. Hindi nga pala siya kumakain magisa.

"Sige nga subukan natin ang niluto mo. Bakit ka nga pala nagluto ng ganito?"

"Lagi kasing tinapay lang kinakain mo pag recess and lunch eh."

Concerned at mukhang sincere na sinabi naman niya.

"Diet ako. Sabi mo ang taba ko."

"Inaasar lang kita. Can you please eat normal food?" Tapos yung spoon na may rice at egg bigla niyang sinubo sa akin.

Hindi ko alam kung bakit pero.. Kinilig ako. Ay naku, Hope! Umayos ka nga!

Kumain lang kami doon. Nagkwento siya na kesyo fast learner daw siya kasi isang beses lang siya tinuruan ng yaya niya na magluto ng sunny side up nagawa na agad niya. Ilang taon na ba 'tong si Mico at bakit ang isip bata niya? Pero nakakatuwa kasi nakakahawa yung pagkamasiyahin niya.

"Hope, let's cook huh? Teach me yung niluto mo before okay?" Sabi niya sa akin.

Umoo na lang ako. Kumakain lang kami doon, nagkekwentuhan ng biglang kumuha si Mico ng papel, kinrumple niya at bigla niyang binato doon sa isang lalaki. 3rd year ata.

Magagalit sana yung lalaki kasi sumigaw siya ng "Aray! Sino bumato?!"

Kaso biglang tumayo si Mico Loyola at sinabing "Ako. Any problem?!"

Tapos biglang umalis na lang yung lalaki. Lahat naman umiwas ng tingin kay Mico matapos niya gawin yun.

Isip bata. Clingy. Needy. Concerned at minsan sweet.. Pero hindi pa rin naalis sa kanya ang pagiging bully.

"Bakit mo naman binato yung lalaki?!"

"Angas eh."

"Yun lang?! Dahil sa maangas?!"

"Yup. Para alam niya lugar niya sa school na 'to. Wag siyang magyabang, nandito pa ako."

Hay, pinapakita na naman niya na siya ang hari ng mga bully. Sabagay.. Tres Gwapitos sila.

"Alam mo bang bully ka."

"Since birth." Anong klaseng sagot yun?!

"Gusto mo maging bully?"

"Kung hindi ko ba gusto gagawin ko?" Okay. May point.

"Bakit gusto mong mambully?"

"I feel dominant." Hello! Sa laki ng katawan niya talaga namang mukha siyang dominant!

"Alam mo bang may Anti-Bullying Act?"

"Ikaw, alam mo ba yun? Sigurado kang ako pa tatanuningin mo diyan?" ARRG. Ayoko na! Ayoko na makipagtalo kasi hinding hindi ako mananalo.

"Maglawyer ka ha. Bagay sa'yo." Pangasar lang yun dahil pilosopo siya pero natahimik siya.

Inubos ko yung niluto ni Mico. Masarap naman siya. Pagtingin ko sa kanya nakatitig lang siya sa akin.

“Oh, anong problema mo?” tanong  ko sa kanya.

“Masarap ba?” Sweet na tanong niya.

Parang naghihintay na sabihin kong ‘Oo, sobrang sarap. Ang galing mo talaga.’

“Okay lang.” Tapos kumunot noo niya at pinisil ang pisngi ko.

“ARAY! MICO LOYOLA ARAY!” Pinisil lang niya ng pinisil. Nasabi ko na bang sobrang bigat ng kamay ni Mico? Well, sobrang bigat ng kamay niya! Ang sakit! Aray na ako ng aray at mukhang nageenjoy pa siya! Sadista talaga ‘to!

“TAMA NA PLEASE!”

“Ang cute cute mo Hope—“

ANO DAW?!

Tumigil siya kapipisil ng pisngi ko, tumitig sa akin at namula.

Oh my god.

“PAKIULIT? ANO YUN MICO? CUTE AKO?” Tapos tumawa ako ng malakas. Umupo lang siya doon, namula at...

“WALA AKONG SINABI!!! HINDI KA CUTE! NAKAKATACUTE PWEDE PA!”

Imbis na mainis tumawa lang ako ng tumawa. Ikaw Mico ha. Cute pala ako ah!

Aasarin ko pa sana siya kaso biglang tumunog ang cellphone ko.

*Enzo Gutierrez Calling*

Natigilan ako. Si Enzo, tumatawag bakit kaya?

“Sino yan? Sino yan? Ako kakausap! Sino yan?” Pangungulit ni Mico pero itinulak ko siya.

Si Enzo ‘to. Wag siyang magulo. Namiss ko si Enzo!

“He-Hello? Enzo?”

“Hope? Where are you?” Umm, bakit?

“Nasa school, kasama ko si Mico.”

“Help me.”

OH MY GOD BAKIT?!

“Bakit? Anong nangyari sa’yo? Okay ka lang ba—“

“I’m so mad right now. I want to punch someone so bad.”

“Huh? Bakit? Wait. Ako ba ang susuntukin mo?!” Tapos narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya.

“That is why I need you. You calm me down. Please, runaway with me.”

“Pero kasama ko si Mico.”

“Iwan mo na siya. Para sa akin. Please?”

Tumingin ako kay Mico.

“Please.” Sinabi naman ni Enzo sa phone.

Ano ng gagawin ko?! 

_______________________________
Hi sorry bitin, pero nagmamadali kasi ako magtype and the planned chapter is too long. Gusto ko lang umabot before christmas para gift ko na sa inyo. Sana magustuhan niyo pa rin kahit na minadali. :( Huhu. Love you guys! Merry Christmas!

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

65.4K 1.2K 75
(SLOW UPDATE) Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky...
446K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
106K 3.7K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
96.8K 2.4K 52
What will you do if you end up in someone else body?