He's In Control (PUBLISHED UN...

By xianrandal

2.5M 34.3K 1.5K

Jay Craig Chou hired Ma Venice Klein as a girlfriend. An ordinary story right? But you might fall for it...lo... More

He's In Control
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
36
37
38
39
40
41
42
43-END
Pahabol
Special Chapter
Crush Back
ANNOUNCEMENT - Contest

35

44.6K 637 27
By xianrandal

35

Salamat sa iyong mga comments na kulang na lang abangan si Calixto sa labas ng bahay niya...wahahaha

**************

“Mavee, okay ka lang ba? Ako nang magluluto, maghapon ka na yata rito sa kusina.” Inaawat na ng Mommy niya si Mavee, kanina pa kasi siya nagluluto ng kahit na ano sa kusina. She wanted to keep herself busy, ganito siya even the past days. She wanted to move, to work, to be busy. Ayaw niyang maalala si Craig, o kahit ano man na related sa kanya.

“Mommy, malapit na pong maluto itong kare-kare, I’m sure magugustuhan mo ito.”

“Mavee, lahat ng lulutuin mo, siguradong magugustuhan ko. Tumawag nga pala ang Tita mo, matutuloy ba talaga yung balak mo, Baby?”

Napatingin siya sa ina. Matutuloy nga ba? Oo, talagang matutuloy at itutuloy niya. Kailangan, para tuluyan na siyang makalimot. “Yes, Mommy. Okay lang naman po sa inyo, di po ba?”

Niyakap siya ng ina. “Kahit anong makapagpapaligaya sa iyo, Mavee, okay lang sa Mommy.”

“Mom, I hope we can start our lives there. Sorry for everything, for being stupid….”

“Shhh. That’s enough, we will start a new life, di ba?”

“Asikasuhin na natin ang papers natin, Mommy.”

“Yes Mavee, but, do you think you need to talk to someone first before going out of the country?”

“And you know my answer to that, Mommy. Tama na yung dalawang beses na katangahan.” Nabubuwisit siya kapag naaalala si Craig at ang Papa nito, nakakasira sila ng araw.

“Nakakaawa siya,Mavee.”

“Mom, ang demonyo, magaling magmakaawa, lahat gagawin para makuha ka na naman niya. Mommy, I don’t wanna talk about it, please.”

“Hello everyone! Hi beautiful, Mavee!” Napalingon silang lahat kay Leila. Lukaret talaga itong babaeng ito, basta basta na lang sumusulpot.  “Mukhang masarap ang niluluto mo ah, friend.”

“Umupo ka na riyan at malapit na ito.”

“Amoy pa lang, mapapakain ka na, itinuro ba ni Papa JC yan?”

Langya naman, Leila! Tinignan niya ito ng masama. Alam naman niyang ayaw na niyang maalala ang kahit na anon a tungkol kay Craig. Pinandilatan niya ito, agad namang nakuha ng dalaga ang ibig niyang sabihin.

“Opppps, sorry!” Nag peace sign pa ito. Nangungulit kasi si Baby Cyrus ko eh, baka raw pupuwede kayong mag-usap ni Papa JC.” Hirit pa nito.

“Pag ako di mo tinigilan, Leila, hindi na kita papansinin.” Pananakot niya rito.

“Sorry, joke lang lahat, kalimutan mo na. Akin na yang kare-kare mo, bilis!” Pangungulit nito sa kanya.

*******

“Pasensiya na JC, wala pa rin update, ayaw pa rin ni Mavee na makipag-usap sayo.” Sabi ni Cyrus. Nasa condo sila ng binata at nag-iinuman. Nakakaawa man pero wala ring maitulong si Cyrus sa kaibigan kundi kulitin si Leila. Ayaw na kasi niyang maulit pa na mag-aaway sila ni Leila dahil ang hirap-hirap nitong suyuin.

“Walang problema, Cyrus. Alam mo naman, kasalanan kong lahat ito, kasalanan ko kung bakit wala na si Mavee sa akin, kung bakit yung kaisa-isang babaeng minahal ko at minamahal ko, hirap akong abutin ngayon.”

“Tama na JC, just give her some time. Mahirap yung pinagdadaanan niya.” Paulit-ulit na lang nay un ang payo ng mga kaibigan niya sa kanya. Paano kung wala na palang sapat na oras? Paano kung magising na lang siyang hindi na pala niya kayang habulin pa ang dalaga? Makakaya ba niya?

“I’m getting married soon.”

“What!” Napatayo sina Cyrus at Claude.

“So, okay na pala kayo ni Mavee? Pakakasalan mo na siya?” Si Claude, baka kasi mali lang yung intindi niya sa unang sinabi nito.

“No, I’m marrying Raima.”

“What the…”

“Are you serious about that?”

“Yes.” Walang kabuhay-buhay na sagot ni Craig.

“Whoa! Nasisisiraan ka na ba? You can’t marry her!” Si Cyrus

“The engagement party will be tomorrow. The marriage will be in new York a week after. I need to talk to Mavee, I need to settle things to her before this will happen.” Malungkot na paliwanag ni Craig sa dalawa.

“Teka! Bakit? Anong nangyari at nagkaganito?”

“Calixto’s plans.”

“Sinasabi ko na nga ba! Bakit mo susundin?”

“Kailangang sumunod, Claude. Maraming masasaktan, maraming mahihirapan, yun ang hindi ko kaya.”

“So hahayaan moa ng sarili mong kaligayahan, para sa iba?”

“Oo. Para sa mga taong mahal na mahal ko.”

“Paano si Mavee?” Si Cyrus.

“I need to talk to her, Cyrus. Pero kung ayaw niya, I cannot do anything about it. Tama nga na hindi lahat ng gusto natin, kaya nating kunin. Pera? Marami ako nun, pero wala siya. Mas mabuti siguro na hayaan ko na siyang manahimik, tulad ng gusto niya.” Inisahang inom niya lang ang alak niya sa baso.

“Ganun na lang yun? Nasaan na ay Jay Craig Chou na kilala namin? You don’t easily give up, never did I know that you give up, ngayon pa lang. Tapos ang isusuko mo ang kaligayahan mo? Wow!”

“Maraming rason kung bakit ko ito gagawin, Cyrus,Claude. After this, I hope everything will be okay. I just don’t know how to live without her.”

“We don’t know your reason, JC, pero kung ako ang tatanungin mo, I don’t think that giving up your happiness will be the best remedy for the people around you to be happy. You know Calixto well, I don’t think mananalo at mananalo ka sa kung ano man ang mga pakulo niya, what I can say is don’t follow him.”

“I need to.”

Napailing na lang si Claude. “Bahala ka, desisyon mo yan, ang dali mong sumuko, JC.”

****

Umaga na pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Craig. Mamaya na ang engagement party niya with Raima. Kapag nga naman may per aka ang bilis pakilusin ang lahat. He agreed to the plan that they will get married in New York, kung tutuusin, okay yun sa kanya dahil anytime, pupuwede niyang I divorce si Raima.

Bakit nga ba siya pumayag?

“You will marry her, whether you like it or not, I won’t give you a choice, Jay Craig.” Habang nag tatabako ay sinabi iyon ng ama. Naikuyom niya ang mga kamao.  Ano ba ang kasalanan niya rito?

 

 

“I cannot, you know I can’t follow you this time, Pa.” Seryosong sabi niya. “Raima and I don’t have any relationship. Hindi siya ang babaeng gugustuhin kong makasama habang buhay.”

 

“Kalokohan yan, JC! Hindi kailangan ng pagmamahal para lang pakasalan mo ang isang tao.”

 

 

“Pa! You’re not serious when you said that.”

 

 

“I am, hindi ko mahal ang Mama mo nung ikinasal kami, kailangan ko lang siyang pakasalan, but look at us now, mag-asawa pa rin kami.”

 

 

“kahit kailan hindi ko naramdaman na minahal mo ang Mama, kami, ako. Dahil ba negosyo rin kami para sayo? Dahil ba tingin mo balang araw mapapakinabangan mo kami?” Puno ng galit na tanong niya sa ama.

 

 

“Oo! At gagawin mo kung ano ang gusto ko, Jay Craig. Wala kang magagawa.”

 

 

“Hindi kita kailangang sundin!” Akmang lalabas na siya ng magsalita ito.

 

 

“Kailangan, dahil kung hindi, baka saan aabutin ang mag-inang Klein, gusto mo bang sa daan? Or worst?”

 

 

Biglang bumalik siya at sinuntok ang ama. Nagdilim na ang paningin niya, mabuti na lang at dumating ang Mama niya, kararating lang din ng mga ito sa Pilipinas.

 

 

“Huwag JC!” Umiiyak na awat nito sa kanya.

 

 

Tumayo ang ama niya at ngumisi. “Baka naman gusto mong pati ang Mama mo? Mga kapatid mo? You know what can I do, JC. Nobody says NO to me, and you are not an exemption! Marry Raima!”

 

 

“JC, what happened?” Yakap siya ng Mama niya. “Calixto, bakit naman pati si JC pa? Bakit pati ang anak mo.”

 

 

Inalis ni Craig ang mga brasong nakayakap sa kanya, ayaw niyang marinig ang sasabihin ng taong nasa harap niya, ayaw niyang mawala yung natitirang respeto niya sa ama sa harap ng ina niya.

At ngayon, tama ba ang ginawa niyang desisyon? Kung kaligayahan ba ng pamilya niya at katahimikan para kina Mavee at sa Mommy nito, lahat kaya niyang gawin. Lahat kaya niyang isuko.

Ang sabi nga ni Leila sa kanya, Mavee plans to go abroad, para sa panibagong buhay. Para kalimutan siya. Siguro nga mas makakabuti yun sa kanya, sa kanila.

*********

Merry Christmas Friends! Lab u!

 

Continue Reading

You'll Also Like

4.7K 236 41
Isang love hater na kulang nalang isumpa ang mga couples sa buong mundo. Malungkot ang nakaraan niya kaya siya naging ganyan. But, will she find her...
16.4K 381 38
"You don't need to be reasonable in love. It would just take a second or minute to fall in love and 'that' does not follow any logic." Si Lucy Imperi...
730K 13.9K 49
đź’•PUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCE đź’• My name is Vienna Torres. I am pretty, sexy, smart and super rich. Nasa akin na ang lahat except Miguel...
6.4K 976 46
NOTHING IS CERTAIN Ryoc and Laine's love story is your typical "friends-turn-to-lovers" story. Since childhood, he has already set his eyes on her. L...