Until I'm Over You (Published...

By JoeBeniza

1.3M 36.3K 8.6K

(Story Completed) How do you get over with someone who meant the world to you when she was gone so suddenly... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: Airport
CHAPTER 2: The Past part 1
CHAPTER 3: The Past part 2
CHAPTER 4: The Past part 3
CHAPTER 5: The Past part 4
CHAPTER 6: The Past part 5
CHAPTER 7: The Past part 6
CHAPTER 9: The Annoying Girl
CHAPTER 10: Unfortunate Kier
CHAPTER 11: Her boyfriend?
CHAPTER 12: Troublemaker
CHAPTER 13: From Dragon to an Idol
CHAPTER 14: The Broken Dragon
CHAPTER 15: Evil Phone
CHAPTER 16: Valerie's Past part 1
CHAPTER 17: Valerie's Past part 2
CHAPTER 18: Valerie's Past part 3
CHAPTER 19: Valerie's Past part 4
CHAPTER 20: The Handkerchief
CHAPTER 21: Love ones
CHAPTER 22: A Series of Awkwardness
CHAPTER 23: Those who were forgotten
CHAPTER 24: Kiss of the Dragon
CHAPTER 25: Jana's Journal part 1
CHAPTER 26: Jana's Journal part 2
CHAPTER 27: Jana's Journal part 3
CHAPTER 28: Us Apart
CHAPTER 29: Losing Hope
CHAPTER 30: To a new start
CHAPTER 31: The Strong Woman
CHAPTER 32: The Secretary
CHAPTER 33: Realization
CHAPTER 34: Return of a friend
CHAPTER 35: Debut
CHAPTER 36: The Real Reason
CHAPTER 37: No Escape
CHAPTER 38: Revenge
CHAPTER 39: Dragon Soup
CHAPTER 40: Soup Battle
CHAPTER 41: Good Times
CHAPTER 42: Jana's Face
CHAPTER 43: In Love
CHAPTER 44: Drown from the Past
CHAPTER 45: Wrong Expecations
CHAPTER 46: In Someone Else's Arms
CHAPTER 47: Break Even
CHAPTER 48: Playful Fate
CHAPTER 49: Dragons VS Puppies part 1
CHAPTER 50: Dragons VS Puppies part 2
CHAPTER 51: Letting go
Epilogue
Credits
Special Chapter: Taming Dragon Mommy
Published Book

CHAPTER 8: The New Taxi Driver

29.3K 746 325
By JoeBeniza

PRESENT TIME

"Congratulations anak! Ang galing galing talaga ng anak ko," pagbati ni Mama sabay yakap sa akin nang mahigpit.

"Sabi ko na magiging abogado talaga itong anak kong 'to. Manang mana ka sa akin," sambit naman ni Papa sabay yakap din sa akin.

"Salamat po, Ma at Pa. Utang ko itong lahat sa inyo. Makakaasa po kayong susuklian ko ang suporta na binigay niyo sa akin. Hindi ako makaka pag aral at makakapasa kung hindi kayo ang mga magulang ko," sagot ko at bahagya akong naiyak.

"Huwag mo na kaming intindihin anak. Matagal ko nang napag handaan ang retirement namin ng Mama mo at hindi mo kami responsibilidad. Mag focus ka sa pagiging abogado mo. Mahalin mo ang trabaho mo at gawin mo ang tama. Masaya na kaming napatapos ka namin ng pag aaral," sambit ni Papa.

"Ma, Pa!" Sabay yakap kong muli sa kanila. "Ang swerte ko po at kayo ang mga magulang ko."

Finally pasado ako sa BAR Exam, at isa na akong lawyer.

Attorney Kier de Leon


Ang sarap pakinggan, ang sarap sa pakiramdam na nag bunga lahat ng pagsisikap ko. Salamat sa mga magulang ko na laging nandiyan, at kay Jana na naging inspirasyon ko sa pag aaral.

"Tara na po, naghanda po sila Jana ng pag sasalo para sa araw na ito," pag anyaya ko kila Mama at Papa.

"Mabuti pa nga anak. Matagal ko nang gustong makilala si Jana," sambit ni Mama.

Sumakay kami sa kotse ni Papa at dumiretso kila Jana.

Ang tahimik ng bahay nila Jana. Akala ko sabi niya pupunta lahat ng kaibigan namin. Pumasok kami sa gate ng bahay nila Jana at pag bukas ko ng pinto...

"SURPRISE!"

"CONGRATULATIONS KIER!"

Nagulat ako sa sumalubong sa akin. Kaya pala ang tahimik ng bahay nila Jana dahil nasa loob sila at sinurpresa nila ako.

Abot tainga ang ngiti ko dahil sa ginawa nila, "Hey Guys! This is so sweet. Salamat sa inyong lahat."

Kumpleto kaming lahat. Nandito si Pogi, Si Aling Evang, 'yong mga classmates and band mates ko noong high school nandito rin, si Sir Charlie, si Kuya Gilbert, at ibang mga kaibigan at kamag anak namin ni Jana.

Siyempre hindi kumpleto pag wala ang aking one and only love. Ang aking dyosa. Ang pinakamagandang mukha na aking nakita. Ang babaeng matalino pero sintunado. Ang pinaka grand prize ko sa araw na ito.

Si Jana.

"My love! Congratulations! Attorney Kier de Leon ka na. Ang galing galing naman talaga oh," bati ni Jana sa akin. Niyakap niya ako at binigyan ng kiss.

"Inspired ako sa'yo e," sagot ko naman.

Nandito rin syempre si Tita Jizelle, "Kier hijo, congratulations!"

"Salamat po, Tita."

Kinuha ko ang pag kakataon para ipakilala ang parents ko kay Jana at kay Tita Jizelle.

"Jana my love. These are my parents Mr. Joe and Mrs. Tina de Leon," sambit ko.

"Finally hija. Nagkita din tayo. Kier told me so much about you.  Salamat sa pag mamahal sa aming anak ah," sambit ni mama at nakipag beso siya kay Jana.

Nakipag kamay naman sa kanya si Papa. "Glad to finally meet you," sambit naman ni Papa.

"Salamat po sa pag punta. Nice to meet you po," sagot sa kanila ni Jana habang nakangiti.

Pinakilala din ni Jana sa kanila si Tita Jizelle, "Siya nga po pala. This is my mom Jizelle."

"Hello Mare," sambit ni tita Jizelle at nag beso beso sila ni Mama.

Nakipag kamay naman si papa sa kanya.

"Is it just Jizelle? Like Madonna? Rihanna? Sia?" biro ni Papa.

Natawa naman si Tita Jizelle, "Oh we don't want to use our last name, just for papers though."

Nagtawanan silang tatlo. Si Papa talaga pala biro.

"You guys catch up with your friends, just leave us adults here," sambit ni Tita Jizelle sa amin ni Jana.

Nag patuloy ang kwentuhan at tawanan nila Mama, Papa, at tita Jizelle. Habang kami ni Jana ay pumunta sa mga kaibigan namin.

Nakita namin si Aling Evang at kuya Gilbert na nag uusap habang umiinom ng wine.

"Aba naman si Aling Evang tsaka si Kuya Gilbert oh. Pa wine wine na lang," natatawa kong bati sa kanila.

"Uy Sir Kier! Congratulations po." bati ni Kuya Gilbert sa akin at kinamayan niya ako, "Maraming salamat po sa pag imbita sa akin."

"Hi Jana! Hi Kier! Congratulations!" Sambit naman ni Aling Evang at nakipag beso siya sa akin.

"Salamat po sa inyo."

"Hmm.. It seems that you guys are getting along," pang aasar ko.

"Parehas po kaming walang kakilala dito sir Kier, kaya kami nalang nag usap," paliwanag ni kuya Gilbert habang nakangiti.

"Huwag ka magulo Kier, malay mo madiligan na ako ngayon," biro ni Aling Evang sabay kindat kay kuya Gilbert.

Nginitian naman siya ni Kuya Gilbert.

Ano ba 'tong mga matatandang 'to? Nag landian pa. 

"Lika na Kier, maiistorbo lang natin mga love birds dito," sambit ni Jana at nagpaalam kami kila Aling Evang at Kuya Gilbert.

"Aling Evang hinay-hinay lang ah. Matagal nang hindi nagagamit 'yan," biro ko sabay tawa.

Kinurot naman ako ni Jana sa tagiliran.

"Aray! I mean 'yong puso ni Aling Evang matagal nang 'di nagagamit," paliwanag ko.

"Ikaw talaga, my love. Tara puntahan natin mga ka-banda  mo dati," sambit ni Jana.

Pumunta kami sa may garden nila Jana kung saan nag uusap usap ang mga kabanda ko dati. Sinalubong nila ako nang pag bati.

"Ayon oh! Attorney Kier de Leon! Congrats bro!" Bati ni Rex.

"Insan Congrats!" Bati ni Karlo.

"Hey Guys! Salamat. Salamat." Sambit ko at nakipag high five ako sa kanilang apat.

"Guys! Si Jana nga pala, girlfriend ko."

Ngumiti si Jana at binati sila, "Hello po."

"Jana this is my former band, SZ Diary. This is Rex, drummer nila, at si Karlo pinsan ko second, guitarist ng banda,"  pakilala ko. Hindi ko kilala 'yong dalawa na bago nilang member kaya hindi ko napa kilala kay Jana.

Sabay sabay nilang binati si Jana. "Hi Jana!"

"Pre, wala na bang kapatid 'yan si Jana?" pabirong tanong ni Rex.

Tumawa ako at sumagot, "Wala na pre. Nag iisa lang 'to, at sakin na 'to." Sabay inakbayan ko si Jana.

Nagkwentuhan kami tungkol  sa gig ng banda at kung ano pang mga kalokohan na namiss ko sa kanila.

Maya maya pa ay binulungan ako ni Jana nang may malambing na tono, "Kier my love. May regalo nga pala ako sa'yo nasa kwarto. Lika kunin mo na."

Nandilat ang mga mata ko at napalunok, "O-okay, L-let's go."

Hinawakan ni Jana ang kamay ko at hinatak papasok nang bahay nila. Habang busy ang mga bisita, umakyat kami ni Jana sa kwarto niya. Una siyang pumasok sa kwarto at sumunod ako. Pag pasok ko, nagulat ako nang bigla niyang ni-lock ang pinto.

I cleared my throat and said, "Ah Jana my love, baka magalit si Tita Jizelle , nag lock tayo ng pinto."

"Hindi 'yan. Busy siya sa baba. Tsaka..."

She slowly removed my neck tie and whisper to my ears, "I've been waiting for this day."

She teasingly bit her lips then pushed me in her bed. "Wait here.  Don't move a muscle."

Napalunok ako at nautal, "Y-yes Ma'am!"

Pumasok si Jana sa banyo ng room niya. Kinakabahan ako na nasasabik. Ano kaya ang surprise sa akin ni Jana?

Ilang saglit pa...

"Kier my love, are you ready?"  sambit ni Jana sa likod ng pinto ng banyo na may halong panunukso ang tono.

"R-ready na po my love,"  nautal kong sagot ko. Hindi na ko mapakali mukhang makaka-kuha ako nang magandang regalo. Yes!

She came out of the bathroom door wearing a black, silky, and laced lingerie.

"Hi Kier, want to open your present?"

Oh my, she's so goddamn hot!

I rapidly nod from excitement.

"Well, you can't have your present if you're still wearing something," mapanukso niyang sambit.

I immediately tried to remove my clothes but for some reason it wont go off.

"What's the problem, love?" She asked then she come closer to me. "Here, let me help you."

Surprisingly, she was able to remove the buttons of my shirt. Then completely got me on top less.

"Oh Kier!"

I suddenly became under her spell. She pushed me to lie down on her bed, and then she started kissing me slowly from my neck to my lips.

"Oh Jana!"

"Jana."

"Jana, why are you using your tongue?"

"Jana..."

"My love..."

"Jana bakit parang..."







"Parang amoy aso ka?"

Nagulat ako nang tumahol si Jana.  "Arf! Arf! Arf!"

At bigla akong nagising dahil dinidilaan ni Pogi ang mukha ko at basang basa na ko ng laway niya. Yuck!

Panaginip lang pala lahat. Kainis! Akala ko totoo na.

"Pogi naman eh. Nandoon na ko baby. Bakit mo ginising si Daddy?" Hinayang ko.

Tumahol siya at kinagat ang kainan niya. Palatandaan na gutom na siya. Agad akong bumangon at pinakain si Pogi. Naupo ako at natulala saglit.

What a crazy dream. Aling Evang and kuya Gilbert? No way! My eyes! I can't unsee!

Graduate na ko? And Jana was about to give me that present? Damn! Sayang panaginip lang pala.

It's been a month since Jana started to work. Sobrang busy na niya sa Saudi at madalang na kami mag usap. She still greet me goodmorning and goodnight through chat and still send me pictures everyday but we don't talk very much like we used to. Kaya sobrang nangungulila na ako sa kanya.  Kaya maging sa panaginip sabik na sabik ako sa kanya.

Holy cow! Kaya pala gutom na gutom na si Pogi, late na ko nagising! Patay sigurado late ako nito.

Nag madali ako at nag handa sa pag pasok sa school. Can't have my record broken. Perfect attendance kaya ako. Buti na lang may taxi driver akong maasahan.

Agad kong tinawagan si Kuya Gilbert.

"Hello Kuya Gilbert, pa sundo naman po ako ulit. Na-late po ako ng gising at kailangan ko po mag madali," sambit ko kay kuya Gilbert sa phone.

"Sige sir. Papunta na po ako diyan," sagot ni kuya Gilbert sa kabilang linya.

"Sige. Salamat po."

Pagkatapos ng ilang minuto, ready na ko sa pag pasok. Hinihintay ko na lang si Kuya Gilbert nang bigla siyang tumawag sa akin sa phone.

"Hello sir Kier. Hindi po ako pwede ngayon may sakit po ako, ayaw po ako paalisin ng anak ko eh. Pero siya po muna pumalit sa akin, kung ayos lang po. Malapit na po siya diyan," sambit ni Kuya Gilbert sa telepono.

"Sige po kuya. Hintayin ko na lang po 'yong anak niyo. Pagaling po kayo," sagot ko.

Ilang saglit pa ay may bumusina sa labas ng apartment. Pag labas ko ng pinto, natanaw kong nasa labas na ng taxi 'yong anak ni kuya Gilbert. Nakatalikod ito at tila may ka chat sa phone. Babae pala ang anak ni kuya Gilbert.

Nilapitan ko siya at tinawag.

"Hi! Ikaw ba yong anak ni Kuya Gilbert? Ako 'yong susundoin mo. Pwede ba umalis na tayo kasi mahuhuli na ako sa klase?" Mahinahon kong tanong sa kanya.

Pero nakatalikod pa rin siya.

"Sige sandali lang. Ang tagal mo kasing lumabas eh," sagot niya habang nakatalikod at pumipindot sa phone niya.

Nainip ako dahil alam kong mahuhuli na talaga ako sa klase.

"Miss, sorry baka pwedeng mamaya na 'yan. Late na kasi ako eh." Paki usap ko sa kanya.

Hindi siya umiimik at patuloy pa rin ang pag gamit niya ng phone.

"Miss?" Pagtawag ko at hinawakan ko siya sa braso.

"Ano ba? Sinabi nang..."  inis niyang sambit at humarap siya sa akin.

Nang makita namin ang isa't isa, sabay kaming nag salita.

"IKAW?"

Continue Reading

You'll Also Like

10.5M 188K 36
Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a stranger named Dylan Guevarra! What's worst? L...
10.7K 1.2K 20
06/13/2023 - 06/16/2023
385K 25.6K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
13.5K 452 8
| STONEHEARTS #10| Torie Maylalaine Gosingtian grew up with a silver spoon in her mouth. Being the youngest of the two daughters of a business magnat...