Mr. Maniac meets Ms. Pervert...

By justchin

83.5M 1M 283K

Aragon Series #2 : What will happen if Mr. Maniac John Dale Aragon meets Ms. Pervert Natasha Feddiengfield ? More

Mr. Maniac meets Ms. Pervert
Her reason
Hongkong
Foreplay?
Period
Bowling in Thailand
Phone call
I Love Her
Spicy noodles
Angels
Sapi
Snakes and Ladders
Spotting
I love you
Mahal kita ..
LabletterniChin(A/N)
Still the one
Jelly
Kill me
Luck
Twins
Exercise
America
Let's end this.
Angel of Mine
Daniel
Ella's Time
Jd's Tears
The truth
His Family
Jd and Ivan
Bromance
Angelico and Angelo
2 become 1
Ella's comeback.
New Life
The beginning
Birthday
Confirmation
Picture Perfect
Miyu and Mayu
Family Picture
Dravet Syndrome
Marijuana
Downfall
Begging
Her Angels
Rainbow
Tears
Goodbye Mayu
Ending
EPILOGUE (all caps para intense! haha )
Author's kaechosan
Softcopy
Special Chapter

One last cry

935K 15.1K 2.6K
By justchin

Asha's POV

It was a tough fight, and in the end, we're the one who lose. We lose Mayu.

Ganito pala kasakit ang mawalan ng anak, para akong ninakawan, at kulang na lang ay magmakaawa ako sa Panginoon na ibalik nya si Mayu.

The whole time when she's on burial; sabi ko sa sarili ko; kakayanin ko. At still, kakayanin ko.

Nakaplano na ang gagawin ko pagkatapos ng libing ni Mayu. Nandito kami sa sasakyan at pauwi na sa bahay. Hinayaan ko munang nasa parents namin sila Miyu. Kailangan muna namin ni Jd magpalakas, magkahalong puyat, pagod at sakit ang nararamdaman namin.

Tiningnan ko si Jd, tahimik na nakatingin lang sya sa labas ng bintana. Alam kong mas nasasaktan sya.  Kinuha ko yung kamay nya at pinisil, without saying a words, pinaramdam ko sa kanyang hindi sya nag iisa, nandito ako, kailangan naming lumaban. Hindi nya ako nilingon pero naramdam ko din ang pagpisil nya sa kamay ko.

Nagpasalamat ako kay Ivan sa paghahatid nya samin.

"Ma'am, sigurado po kayong Ok na kayo?" tumango ako at ngumiti.

"Maraming salamat Ivan, kaya namin 'to ni Jd." naunang pumasok sa loob si Jd.

"Sige Ma'am katukin nyo na lang anytime na kailangan nyo ako."

Tumango lang ako at pumasok na sa loob. Sinalubong ako ng mga kasambahay namin. Wala namang nagbago sa loob ng bahay namin, pero pakiramdam ko, ang laki ng pinagbago, parang nawalan ng kulay.

"Ma'am gusto nyo pong kumain?" tanong ng isa naming kasambahay.

Marahan lang akong umiling.

"Si Jd?" tanong ko.

"Nasa mini bar po .." naglakad ako papunta sa mini bar ng bahay namin.

Kilala ko si Jd, hindi sya umiinom, pero sa nakikita ko sa kanya ngayon ay parang gusto nyang lunurin ang sarili nya sa alak.

Inisip ko na lang na umiinom sya para pampatulog nya.

Hindi ko na sya kinaisap, hinayaan ko na lang na sya, umakyat ako para maglinis ng katawan at magpalit ng damit, malinis ang kwarto namin, ang kwarto na naging saksi sa kumpleto naming pamilya. Pamilya na pansamantalang napilayan na.

But of course, sooner ay makakatayo din kami; kailangan lang namin magpagaling ni Jd. Pagkatapos kong magshower ay lumabas ulit ako para tingnan si Jd, pababa na sana ako para pumunta ng mini bar pero nakita ko ang kwarto nila Mayu at Miyu, nakabukas ang pinto at pati ang ilaw nito.

Ayaw ko muna sanang pumasok sa kwarto na iyon, dahil nanghihina lang ako, malapit na ako sa pinto ng makarinig ako ng iyak at hikbi, si Jd ang nasa loob, napatakip ako ng bibig ko ng marinig ko syang umiiyak, He really can't move on. Nanatili lang ako sa labas ng pinto at umiyak din ng tahimik. Sinisisi pa din nya ang sarili nya sa pagkawala ni Mayu.

Lagi nyang sinisisi yung sarili nya, kulang na lang na isigaw ko sa mukha nyang hindi nya kasalanan, walang may kasalanan, ito talaga yung nakatakda. Pero si Jd, di nya pa din matanggap ang nangyari kay Mayu.

Narinig kong tinatawag nya yung pangalan ni Mayu, masakit marinig na pilit nyang binabalik ang wala na, pero naiintindihan ko sya, kahit ako, gusto kong isipin na nananaginip lang ako, na magigising din ako, na yayakapin ako ni Jd at patatatahanin at sasabihin nyang panaginip lang yon, at mahal na mahal nya ako.

Habang tumatagal ay lalong lumalakas ang iyak ni Jd kasabay ng pagtawag nya kay Mayu. Doon na ako naglakad papasok sa loob, nakaupo sya pasandal sa wall.

"Jd.." tawag ko sa kanya at pilit niyakap.

"It's all my fault. Kasalanan ko kung bakit nangyari 'to. I'm not a good father." umiiyak na sabi nya.

"No Jd, you're the best father .. " pag alo ko sa kanya.

"Ang sakit, ang sakit! Bakit si Mayu pa? Why my angel?" mahinang tanong nya.

Hindi na ako nakasagot. Yakap yakap ko lang sya.

"Mayu ..  Baby .." umiiyak pa din na tawag nya.

Ramdam ko ang hinagpis sa bawat pagtawag nya, isama pa ang pag iyak nya.

"Ayoko na, suko na ko, di ko na kaya. Ang sakit sakit na." dun ako napaiyak.

Sumusuko na si Jd, pagkatapos ng lahat ng nangyari samin? Bigla na lang syang bibitaw? Pero kailangan ko pa din kayanin 'to, kakayanin namin 'to. Kung hindi na kaya ni Jd lumaban. Ako na lang ang lalaban.

Marahan kong sinilip si Jd sa dibdib ko, nakatulog na sya sa pag iyak. Inayos ko ang sofa bed na isa sa mga ginagamit nila Mayu at Miyu .. Doon ko sya hiniga.

Pinalitan ko ng damit si Jd, dahil basang basa sa pawis .. at sa pag iyak na din. Sobrang nasaktan ang asawa ko.  At sumusuko na sya sa sakit. And it's my turn .. ako naman ang magpapakatatag. Para kay Mayu, para kay Jd, para sa pamilya ko; at para na din sa mga taong naniniwala na pagsubok lang samin 'to.

Humiga ako sa tabi ni Jd, niyakap ko sya, at kahit na napakaliit ng sofa bed para saming dalawa ay naging komportable ako, dahil kahit paano, katabi ko ang asawa ko, ang taong nagturo sakin maging matapang at matatag na tao.

"I love you Jd," I say as I kiss him.

"Mayu .." he whisper too.

"We're going through on this." bulong ko at natulog na sa tabi nya.

Kinaumagahan ay nagising ako sa komportableng higaan, nasa kama na ako ng kwarto namin ni Jd. Sya siguro ang naglipat sakin dito.

Napangiti ako kahit paano. Alam kong nakakarecover na si Jd dahil hindi nya pa din ako nalilimutan. Naligo na ako at bumaba.

Dumiretso ako ng kusina, plano kong magbake ng cookies para sa mga anak ko, sasabihin ko kay Jd na sunduin na namin sila Miyu, miss na miss ko na ang mga anak ko.

Pagtingin ko sa kusina,  ay nandoon sila Mommy at Daddy.

"Dad .." tawag ko kay Daddy. Mukhang nagdala sila ng mga pagkain para samin.

"Oh.. how's your sleep? Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ni Mommy.

"I bet no. Nasa lapag ka nakatulog, binuhat kita papunta sa kwarto nyong mag asawa. By the way where's Jd?" napalunok ako sa sinabi ni Dad.

Hindi si Jd ang naglipat sakin sa kwarto at wala sya.

"Manang nasaan si Jd?" tanong ko kay Manang .

"Ma'am hindi ko po alam, pero ang sabi ng gwardya madaling araw daw po ng lumabas kanina."

Para akong nauupos na kandilang napaupo sa dining. Bakit kailangan pati si Jd? Naiintindihan kong masakit para sa kanya ang nangyari pero hindi nya ba alam na masakit din sa part ko yun?

Dali dali akong lumabas, at pumunta sa bahay nila Ivan.

"Ivan! Ivan!" tawag ko.

Nag antay pa ako ng ilang minuto bago magbukas ang pinto nila. Si Andrea ang nagbukas.

"Si Ivan?" kinakabahang tanong ko. Nagaalala ako kay Jd.

"Andito. Bakit Ash?"

"Si Jd kasi umalis kaninang madaling araw hindi ko alam kung saan sya pumunta."

"Tinawagan mo na ba?" umiling lang ako bilang sagot.

"Halika pumasok ka muna dito." hinawakan nya ako sa kamay at pinapasok. "Ivan'tot! Bilisan mo! Samahan mo si Asha hanapin si Dale!"

"Teka nagsa shampoo pa!"

"Wag ka na magshampoo! Bilisan mo."

Somehow napangiti ako. This family is simple. Eto yung pangarap ko eh, simple at masayang pamilya.

"Ash, tinatawagan ko yung phone nya pero wala eh, out of coverage."

"We didn't use our phone since .. since .." di ko matuloy yung sinasabi ko.

"It's ok Asha .." naramdaman ko yung symphaty nya sa paghawak sakin.

Paglabas ni Ivan ay sinamahan nya akong maghanap kay Jd, alam na alam ni Ivan kung saan matatagpuan si Jd.

Nagpaiwan ako kay Ivan ng makita ko si Jd, nandoon sya sa harap ng libingan ni Mayu. Nakaupo, at tila kinakausap ito. Bumaba ako ng sasakyan at naglakad palapit sa kanya. Tinabihan ko sya.

Seeing Msyu's grave makes me wanting to shout this pain.

"Jd .." pinatong ko yung ulo ko sa balikat nya. "Alam kong mahirap tanggapin, pero wag ka naman mang iwan sa ere .. " pakiusap ko sa kanya habang tumutulo ang luha ko.

Hindi sya sumagot, instead tumayo sya. Nang iwan na naman.

"Jd .." puno ng pakiusap ko.

"Hindi habang buhay na matatag ako Asha, marunong din akong sumuko, ang sakit sakit na, tama na, di ko na kaya, ayoko na, this pain in my heart keeps on aching, bawat araw na lumilipas mas sumasakit, i know i'm weak, but please give me time, a time to heal."

Napaiyak ako sa sinabi ni Jd, masakit din naman sakin 'to, pero ngayon mas masakit dahil wala na akong makasama, tiningnan ko syang papalayo, napatungo ako sa harap ng libingan ni Mayu, lalo lang nadadagdagan yung sakit ng pqgkawala ni Mayu dahil sa ginagawa ni Jd.

Hanggang sa may narinig akong boses, hindi ko nlingon pero ramdam ko ang bawat bitaw ng salita nya.

"Alam mo ang tanga mo, ikaw may pamilya pa pero sumuko ka na agad, ako nawala ang lahat but Im still standing, i understand you because I've been there but please gather all your strength  to stand up again. Your family is waiting for you."

Pagtapos noon ay naramdaman kong hinawakan nya ako palayo kay Mayu at kay Jd, bago pa ako makasakay ay nagkatinginan pa kami ni Jd.

Gusto ko syang damayan sa sakit na nararamdaman nya.

Jd's POV

The moment i saw they car go, parang natakot din akong pati si Asha ay ilayo nya.

Tama si Ella, pero hindi ko na talaga kaya ang sakit. Gusto ko munang makalimot. Pansamantalang tumakas sa mapait na pangyayaring ito.

Naupo ulit ako sa harap ni Mayu.

"Mayu, baby, i miss so much, bakit naman kasi hindi mo hinintay si Daddy, you know that I will do everything for you, can you please go back here? Let me kiss you ang hug you? Papatulugin ulit kita.. kakargahin, maglalaro tayo, marami pa akong pangarap sayo, sa inyo ni Miyu. Why you left me? Nasasaktan na si Daddy .."

Para akong isang lantang gulay na hindi makatayo sa panghihina. Nilalamon ako ng pagkawala ni Mayu. I just can't move on.

Umuwi ako sa bahay at dumiretso sa mini bar. Pero kahit ang alak ay hindi kayang pamanhidin ang sakit na nararamdaman ko, instead it gives me an illusion.

Illusion that Mayu is here, playing, laughing and smiling on me. Naririnig ko yung boses nya, nakikita ko ang paglalaro nya, nararamdam ko yung galaw nya, and the saddest part is, it was just an illusion. Because in reality, it was just on my mind.

Umakyat na ako sa kwarto namin para magpahinga, and I found out na wala si Asha, ayoko muna syang harapin, hindi ko kayang tingnan ang mata nyang puno ng awa sakin. Nakatulog ako, pero agad din naalimpungatan when a tears drop on my face, and a soft lips met mine.

And it's like magic ..

"When I first saw you I already knew
There was something inside of you
Something I thought that I would never find
Angel of mine .."

Paos ang boses ni Asha, and I can sense na nahihirapan na sya. Ramdam ko ang pagmamahal nya sa bawat pagpisil at paghawak nya sakin, ang init ng kamay nya ay bumubuhay sa pagkatao ko, it's a wake up call for me, to move on, to face the reality. And to continue my life, with Asha, and my family ..

"I look at you, lookin' at me
Now I know why they say the best things are free
I'm gonna love you boy you are so fine
Angel of Mine .."

Bawat patak ng luha nya na tumutulo sakin ay dumadagdag sa sakit na nararamdam ko, my first angel is crying, dahil sa kagaguhang gingawa ko. Napakatanga ko, napakaduwag ko! Ako dapat ang nagsisilbi nilang lakas, pero ako pa itong pinanghihinaan ng loob.

"How you changed my world you'll never know
I'm different now, you helped me grow
You came into my life sent from above
When I lost all hope you showed me love
I'm checkin' for ya boy you're right on time
Angel of Mine .."

"Jd .." yakap nya sakin habang umiiyak. "No matter what happened to us, I will not going to give up, kakayanin natin 'to. We're strong right. You teach me how to be strong. Hindi ako susuko para sa pamilya natin. Mahal na mahal ko kayo." kausap nya sakin.

Tumayo sya para siguro lumabas pero agad ko syang pinigilan, nagulat sya, hindi ko na hinayaan pang mawala sakin ang anghel ko, niyakap ko sya ng mahigpit.

"I'm sorry Babe, I'm sorry." bulong ko habang yakap sya, patuloy pa din syang umiiyak sa dibdib ko. Marahan ko syang nilayo at pilit tinuyo ang pisngi nyang basang basa sa luha. "Kakayanin natin 'to? We're not going to give up, right? Tayong dalawa, aayusin natin 'to. Magiging masaya pa din tayo diba?" tanong ko sa kanya hawak ang mukha nya. Tumatango lang sya habang patuloy pa din ang pagtulo ng luha nya.

"I'm sorry Babe kung iniwan kita, sorry kung hindi ako naging mabuting Tatay .."

"No Jd. You're the best Tatay. You put all your heart on this family, you did your very best."

"I love you Babe .." yakap ko sa kanya.

"I love you too .."

"We may not have the perfect Family, but in my heart there's a perfect place for us. And I will always be thankful that God gave me you, may be not permanently, but I will sure, as long as, that we're together, will always be living happily.." i kiss her head as I calm her.

"Tulog na tayo, mag aayos pa tayo bukas at susunduin pa natin sila Miyu diba?" nakangiti nyang tanong sakin. Napatango na lang ako at nahiga, she place her head on my chest, hearing each of my heartbeat that beats only for her, for Iko, for Elo, for Miyu ..

and for Mayu.

---

Maligayang Pasko !:)

Continue Reading

You'll Also Like

47.8M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
154K 3.4K 12
This is the story of Luke Sandoval from the story "My Facebook Boyfriend... For Real!?" ENJOY!!!!! SHARE!!!! LOVE!!!!!! MWAHUGS!!
4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
21.7M 362K 54
Aragon Series #3 : Dianneara Aragon is a goddes of beauty.. while Art is a goddes of ocean? huh? ano daw? in short sya ay mermaid.. in tagalog.. isa...