Keep my mouth busy ✔

Autorstwa iamjaired

2.1M 39.9K 1.6K

"Let my mouth becomes busy with your body" *re-published* Więcej

Keep My Mouth Busy
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FORTY ONE
FORTY TWO
FORTY THREE
FORTY FOUR
FORTY FIVE
FORTY SIX
FORTY SEVEN
FORTY EIGHT
FORTY NINE
FIFTY
FIFTY ONE
FIFTY TWO
FIFTY THREE
FIFTY FOUR
FIFTY FIVE
FIFTY SIX
FIFTY SEVEN
FIFTY EIGHT
FIFTY NINE
SIXTY
SIXTY ONE
SIXTY TWO
SIXTY THREE
SIXTY FOUR
SIXTY FIVE
SIXTY SIX
SIXTY SEVEN
SIXTY EIGHT
SIXTY NINE
SEVENTY
SEVENTY ONE
SEVENTY TWO
SEVENTY THREE
SEVENTY FOUR
SEVENTY FIVE
SEVENTY SIX
EPILOUGE
╥﹏╥
Special Chapter
SPECIAL CHAPTER : 2
SPECIAL CHAPTER : 3

TWENTY THREE

42.7K 862 24
Autorstwa iamjaired

#KMMB

Back to present...

Ilume Rayne Yue


The saddest part in life is saying goodbye to someone you want to spend your lifetime with .

Kaya eto ako . Halos pagbagsakan ng langit at lupa ang mukha. Ayokong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya .

Natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag nagkalayo kami . Minsan ng nangyari 'to . Ayoko ng maulit .

"Ang OA mo pwet. Magkikita pa kayo. Hindi forever ang semestral break" hindi ko pinansin si Carly. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko . Nakasubsob ang mukha ko sa leeg niya at mas hinigpitan pa ang yakap .

Buwan na ang lumipas ng magsimula kami ng isang seryosong relasyon ni Dylan .

Ako mismo ang nakapansin ng malaking pagbabago sa sarili ko mula ng dumating sa buhay ko si Dylan.

Magandang halimbawa diyan ay ang pagkawalang gana kong tumingin sa ibang lalaki or should I say , lumandi sa ibang lalaki .

"Don't act like this Ilume. Baka hindi na ako makaalis" narinig kong sabi niya . Dahan dahan niyang hinahaplos ang aking buhok sa likuran.

"Then don't go" bulong ko at mas hinigpitan pa ang yakap . Kung may hihigpit pa ay ginawa ko na.

"Ilang taon na kaming hindi nagkikita nila Tito at Tita . Ian's family is my family too . Dapat ay nandoon din ako"

"Bakit kailangan niyo pa pumunta sa US? Pwede naman kayong magsama sama dito sa Pinas ." halos magmakaawa na ako para hindi siya umalis .

Natawa siya sa sinabi ko at hinarap ako . Unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin . Akala ko ay hahalikan niya ako ngunit pinagdikit lamang niya ang aming mga noo .

"I'm all yours Baby . Hindi kita ipagpapalit sa iba . Besides , aalis din kayo , kailangan niyo din dalawin ang mga magulang niyo" mahina niyang sabi .

"Don't worry Ilume. Babantayan ko 'yang pinsan ko" napairap nalang ako sa sinabi ni Ian . Mas lalo lang akong nag-aalala dahil gahaman sa babae ang kasama niya .

"Baka ikaw ang kailangan ng bantay" natatawang sabi ni Rey .

"We should go , male-late na kami sa flight namin" napanguso ako sa sinabi ni Dylan. "I promise , walang babaeng makakahawak sa akin doon except kay Tita."

"Promise?"

"I promise" mabilis niyang hinalikan ang labi ko at ngumiti . Kahit na ayoko ay wala na akong nagawa ng tuluyan na silang umalis ni Ian .

Kahit si Hailey na girlfriend na ni Ian ay halata ko ang lungkot sa mga mata habang pinagmamasdan ang nilakaran ni Dylan at Ian .

Nalaman kong magpinsan pala si Rey at Hailey kaya sila na ang nagsabay paalis . Habang si Carly naman ang kasama ko .

Tulad ng sabi ni Dylan ay kailangan din namin dalawin ang sarili naming pamilya .

Nauna ng umalis si Aira papuntang probinsiya dahil si Dio mismo ang naghatid sa kanya . Kung hindi lang sana umalis si Dylan ay isasama ko din siya doon para makilala ni Mommy at Daddy.

Nakahanda na ang mga gamit namin ni Carly . Mas pinili nalang namin na magsabay at sasakyan nalang niya ang ginamit namin .

Naging tahimik ako buong biyahe . Iniisip kung ano ang mangyayari sa muli naming pagkikita ni Dylan. Natatakot talaga ako sa pwedeng mangyari dahil magkalayo kami .

I miss him already. Damn.

Gusto sana siyangtawagan para marinig ko ang boses niya o kaya naman itext para magkausap kami kahit papaano pero alam kong imposible 'yon dahil nasa himpapawid siya ngayon.

Malamang naka-off o flight mode ang phone niya .

Magga-gabi na ng makarating kami sa mismong bahay namin . Dahil magkaharap lang ang mismong bahay namin ni Carly ay magkasabay kaming sinalubong ng aming mga magulang .

Si Mommy at Daddy ang sumalubong sa akin habang ang Mommy naman ni Carly ang sumalubong sa kanya kasama ang apat niyang nakakatandang kapatid na lalaki .

"Rayne anak!" si Mommy ang unang yumakap sa akin . Tanging si Mommy at Daddy lang ang natawag sa akin na Rayne para daw maiba . Halos lahat kasi sa 'Ilume' ako kilala . Isa pa , ako rin ang may gusto non dahil mas okay sa akin ang pangalang 'Ilume' .

"Mother earth ang ganda mo pa rin ! Mukha kang sugarol sa suot mo !" narinig ko ang paghagalpak ng tawa ni Carly .

Ng lingunin ko sila ay magkayakap silang mag-ina . Halatang miss na miss nila ang isa't isa.

"Dami mong alam anak . Maligo lang hindi" napailing nalang ako sa kanilang mag-nanay .

Naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran . —si Daddy.

"Masyado bang maingay si Carly sa Maynila? 'yan kasing si Imelda ay masyadong maingay dito" napatawa ako sa sinabi ni Daddy .

"Hi Ilume" bati sa akin ni Kuya Ulysses ang pinaka matanda sa kanila . Sumunod naman sa kanya ang tatlo niyang kapatid .

"Lalo kang gumaganda Ilume" sabi naman ni Allen . Ang pangalawa sa kanila .

"How to be yours po?" nagawa pang kumindat sa akin ni Jayvee . Ang pangatlo sa kanila.

"Kamusta ? Papakasalan mo na ba ako kaya ka bumalik?" sabay sabay umasim ang mukha ng magkakapatid dahil sa sinabi Carlo . Ang pang-apat . Pero ang totoo , kakambal siya ni Carly . Sadyang nauna lang daw siyang lumabas kaya mas matanda daw siya kay Carly.

"Ninong Rico , pakipatay 'yan . Hindi namin kapatid 'yan!" sabi ni Kuya Ulysses .

"Pakasalan mo 'yung poste unggoy" sabi naman ni Jayvee na nagawa pang batukan si Carlo .

Kung titigan silang apat ay mapagkakamalan mong magkakasing edad o magkaka-kambal dahil sa magkakamukha sila at pantay pantay pa ang laki .

Sadyang hubog lang ng katawan ang pinagkakaiba. Maganda ang pangangatawan ni Kuya Ulysses , halata ang mga muscles niya sa katawan . Habang si Carlo ay payat lamang . Si Allen ay chubby at katamtaman naman ang katawan ni Jayvee .

"Hoy mga Kuya kong panget ! Nandito ang kapatid niyo wala diyan !" sabay kaming napatawa ni Daddy sa sigaw ni Carly.

Sabay sabay lumingon ang magkakapatid kay Carly at sa isang iglap ay nagtakbuhan ang mga ito papunta kay Carly . Dinambahan nila ang kapatid nila ng sabay sabay at pinaghahalikan . Hindi sila tumigil kahit na nagtumbahan na sila sa lupa .

"Eeww ! Lumayo kayo sa akin ! Ang babaho ng hininga niyo !"todo reklamo si Carly pero kahit isa sa mga Kuya niya ay walang nakikinig . Tawa lang ng tawa ang kanilang Ina.

"Kaya ayokong maging sunod sunod ang taon ng pangangak ko eh" natatawang sabi ni Mommy . Alam ko ang ibig sabihin niya .

Sunod sunod kasi ang taon ng pagkapanganak sa magkakapatid na Revelente .

Nineteen palang si Carlo at Carly kaya sigurado akong twenty palang si Jayvee. Twenty one si Allen at twenty two si Kuya Ulysses .

Hinayaan nalang namin sa pagkukulitan ang magkakapatid na Revelente . Ganyan naman talaga ang pamilya nila —Makukulit at maingay .

Tinulungan kami ng isa sa mga kasambahay namin na magbuhat ng mga gamit ko . Habang patuloy lang sa pagke-kwento sa akin si Daddy at Mommy tungkol sa pagbabago sa lugar na ito .

Halata nga ang pagbabago . Kaunti nalang ang mga puno at halos bahay na ang mga nakikita ko .

Kung dati ay bahay lang namin at ng mga Revelente ang gawa sa bato . Ngayon ay halos lahat na . Napansin ko din na mas lumaki pa ang bahay namin .

Hindi naman kami mayaman , may kaya lang . Matagal na rin kasing Mayor si Daddy sa bayang ito . Sa bawat eleksyon ay siya lagi ang panalo dahil halos lahat ng tao dito ay talaga namang minahal siya .

Kung kayamanan naman ang pag-uusapan . Revelente ang nangunguna sa bayang ito . Ang pamilya ni Carly ang pinaka mayaman dito , patunay diyan ang bahay nila na kayang ipasok ang bahay namin .

Actually , mansion na dapat ang tawag doon at hindi bahay . Masyado 'yong malaki .

"Nagpakilala na ng lalaki dito ang kapatid mo . Ikaw , kailan mo ipapakilala ang nobyo mo?" kamuntikan pa akong mabilaukan sa sarili kong laway dahil sa tanong ni Mommy . Bigla ko nanaman tuloy naalala si Dylan.

Namimiss ko na siya .

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Daddy . Hindi na kasi ako sigurado kung magkakaroon pa ng pagkaataon para maipakilala si Dylan sa kanila .

"Mukha namang mabait at mapagkakatiwalaan ang manliligaw ni Aira . Ngayon palang ay pumapayag na ako sa relasyon nila" humahangang sabi ni Daddy .

Kailan pa naging mabait ang Garpidio Deux Coronel na 'yon? Ngisi palang non hindi na mapagkakatiwalaan.

"Hindi ko tuloy maisip kung anong klaseng lalaki ang ipapakilala mo sa amin anak . Naunahan ka pa ng kapatid mo" dagdag pa ni Daddy .

"Kung pabaitan lang naman labanan Daddy , walang sinabi ang Garpidio na 'yon . Sigurado po akong magugustuhan niyo rin siya" sabi ko . Agad napangiti si Mommy at Daddy .

"Alam namin anak . Naikwento nga sa amin ng kapatid mo . Kaklase daw niya noong highschool" natigilan ako sa sinabi ni Daddy.

"Dad" halos bulong nalang ang nasabi ko .

"Ayos lang naman sa amin na magmahal ka ng mas bata sayo anak. Pero sana mag-iingat ka. Huwag mong ibigay ang lahat , tama na ang sapat . Huwag ng sobra dahil kung mas bata siya sa iyo ay hindi malabong maghanap din siya ng kasing edad niya o mas bata sa iyo. " mahabang sabi ni Mommy. Hindi ako nakapag salita .

"Kahit ikaw anak , hindi malabong maghanap ka ng lalaking kasing edad mo . Dahil minsan , iba talaga ang epekto ng taong ka-edad mo kaysa sa mas bata sayo."

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

1.3M 31.7K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
73K 1.2K 50
Iibigin mo parin ba ang isang taong makasalanan? lalayo ka ba s aisang taong mahal mo kung alam mo s sarili mong masama kang tao?
519K 14.5K 109
[ completed &. edited ] billionaires #1 Symon Axel Santilian, a living Multi Billionaire, who hates noisy people. He doesn't like anyone wandering ar...
4M 253K 100
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...