Your Song

By SkyDemoiselle

3.9K 385 231

Every line in every song, they all seemed to come out wrong. Until your song, so let's sing it all night long. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 7

90 8 2
By SkyDemoiselle

KAYLE

I took the notebook and sat on the edge of my bed.

My heart beats fast as I stare at it.

He gave me this before he went to the convention, telling that whenever I miss him, I can just read his works.

I took a deep breath before opening the notebook.

Then I flipped the first page.

"It's in silence where I find peace. In silence where nothing screams louder than the books I have in hand. Nothing cuts deeper than the words in every line written on the pages. And on each chapter, it's the silence that helps me indulge myself into poetry when I'm lost in reality."

I smiled. I remember this is the first quote he wrote after finding out that book is life. This was written in our freshman days when he had always wanted to distance himself from other people--he says they're unbearable.

I laughed. I can't imagine him being too friendly and talkative way back.

Then I flipped another page.

Oh I remember this one!

"Whoever who shall try to hurt my Queen shall taste my wrath. In this world no mercy, no soul. I'll drag them all to Hell-that's a never-ending sting they will get."

This was when some random guys tried to bully me in school at our first semester. We didn't fight them back because they were just too big for us!

Idagdag mo pa 'yung fact na mas marami sila sa amin, dalawa lang kaya kami ni Cal nun.

Naisip ko 'yung sinabi sa akin ni Cal kanina. Pakiramdam niya may malaking parte talaga sa pagkatao niya ang panitikan. Well, ganun pa man, hindi ko pa rin iniisip na sabihin na sa kaniya ang tungkol sa bagay na 'yun.

Nagbasa pa ako ng ibang naisulat niya nang dumako ang tingin ko sa mga notebooks ko na nasa baba rin ng closet kung saan ko nahanap 'tong notebook.

Tumayo ako at pinuntahan ito. Kinuha ko ang dalawang notebooks ko na nandoon, pareho 'yung pagkakagawa nito sa notebook ni Cal. Hindi ordinaryo 'tong mga notebooks namin, pinagawa talaga 'to ng mga nanay namin sa isang shop eh.

'Yung isa, ay kung saan ko sinusulat ang mga kanta ng paborito kong boy bands. Kulay sky blue ito na may naka-engrave na gitara sa taas. 'Yung isa naman, well, kulay gray at may naka-engraved notes na nagfo-form ng heart. Ito 'yung notebook na pinagsusulatan ko ng mga kantang ako ang nag-compose.

Masyado na pala akong naging busy these past few weeks kaya wala na akong oras mag-compose. Bumuntong-hininga ako. Dati kasi, laging nandiyan si Cal tuwing gumagawa ako ng kanta.

I sighed and put the three notes on top of the table beside my bed.

Susubukan kong gumawa ulit ng kanta bukas pagkauwi galing sa Mayday Serenade.

Pumikit na ako at natulog.

***

Kinabukasan, as usual, maaga na naman aakong nagising para pumasok.

Pagdating ko sa school, agad kong nahanap si Cielo.

"Sis kamusta naman 'yung lakad niyo ni Cal kahapon?" excited niyang tanong.

"Okay lang," sabi ko.

"Anong "okay lang"? Ano ka ba naman!" naiinis niyang sabi.

"Oh bakit?" tanong ko.

"Ang tipid ah! Ano nga? Kamusta naman? Okay lang ba? Nakakaalala na ba siya?"

Inirapan ko siya. "Baliw ka ba? Hindi naman ganun kadali 'yun noh."

"Eh," nag-pout siya.

Umirap na lang ako ulit at naglakad na kami papunta sa room.

Pagdating namin doon, ilang minuto na lang bago magsimula ang klase kaya pumunta naagad kami sa pwesto namin nang makitang nandoon rin sila Wade, Logan, Tristan, at Cal.

Tinaasan ko sila ng kilay, "Excuse me? Upuan namin 'yan."

"'Yun ang upuan niyo," tinuro ni Tristan ang dalawang upuan na malapit sa bintana, anim kasi sa isang row.

"At ito ang bagong upuan namin," sabi ni Wade.

"Tama," abot-tainga ang ngiti ni Tristan.

I looked at Cal he simply chuckled. "Good morning, ladies."

I mocked him and said, "Excuse us."

Cielo and I fitted ourselves into the last seats. Well they can atleast move aside right? My goodness.

As usual, I sat on the seat nearest to the window, the last one specifically. Beside me is Cielo, then Wade, Logan, Tristan, then Cal.

I thought to me myself, why do we always end up in this position? I mean, just like in the car, we're both on the end seats.

"Good morning class."

"Good morning ma'am."

"Kamusta naman ang projects niyo?" tanong niya.

"Doing well, ma'am."

"Good to know that. Today's lesson is about history's famous poets," sabi niya at binuksan ang libro.

Just the, agad akong napatingin kay Cal. Seryoso lang siyang nakatingin sa harap at nakikinig.

He's clueless that he, himself is a poet.

Wala nang masyadong nangyari nitong umaga.

"Ang gwapo niya sa malapitan, sis," bulong ni Cielo.

...pwera na lang sa kilig na kilig na babae sa tabi ko.

May gusto siya kay Wade--na katabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "'Pag ikaw marinig diyan Cielo, patay ka."

"Hehehe," sabi niya at nag-peace sign.

***

Lunch time came at niyaya kami ng apat na sumabay na sa kanila.

"No, thanks," sabi ko.

"Sige na sis, pleeeaaase," pagmamakaawa ni Cielo.

Nakakahiya kaya.

"Come on, our treat," sabi ni Wade.

"May pera kami," sagot ko.

Tumawa sila. Tinaasan ko lang ng kilay.

"Tara na Kayle," hinawakan ni Cal ang kamay ko at naglakad na kami papuntang cefeteria. Nakasimangot pa rin ako pero hinayaan ko na lang siya. Na-miss ko ring lagi niya akong hinihila tuwing tinatamad na akong maglakad eh.

"Cal! Pagod na ako," reklamo ko.

"Tara na, malapit na tayo."

"Ayoko na," umupo ako sa may damuhan.

Nandito kami sa school, hinahanap 'yung enrollment section.

"Kargahin mo na lang ako," nakangisi kong sabi.

Sumimangot siya. "Ang bigat mo kaya. Halika na kasi."

Lumapit siya sa akin at hinila ako patayo.

"Aray!"

Tinawanan niya lang ako at naglakad na kami ulit.

Nabalik ako sa sarili nang marinig ang ingay ng mga tao sa cafeteria.

Naalala ko na naman pala ang mga nangyari dati. Ano kayang itsura ko habang iniisip 'yun? Umiling na lang ako at tumingin sa harap.

Naghanap kami ng mauupuan, habang pumunta naman sa counter si Wade. Bahala na siya diyan.

Nagkwentuhan sila habang kinuha ko ang notebook ko at tiningnan ang first verse na nasulat ko kaninang umaga. Ipagpapatuloy ko na sana nang biglang sumilip si Cal.

"Ano 'yan?" tanong niya.

Tinulak ko ang mukha niya, "Eavesdropper!"

Tumawa siya, "Nagfla-flames ka?"

Kumunot ang noo ko, "Anong flames?!"

"Ha? Sinong nagfla-flames?" tanong ni Tristan.

"Si---."

Tinakpan ko ang bunganga niya, "Cal!"

Tumawa siya at tiningnan ako, "Joke lang."

"Si Kayle nagfla-flames?"

"Oh my gosh, sis!"

Nagtawanan silang lahat. Umirap na lang ako. Sakto naman at dumating na si Wade, buti na lang.

***

Afternoon came.

I told them to wait for me at the parking lot, I forgot something on my locker.

I walked over when someone spoke. Only few students are on the school grounds.

"Well," she said.

I turned around and saw Crystal with her two friends.

"Crystal? What are you doing here?" I asked and closed my locker.

Naglakad sila palapit sa akin, sa tingin niya pa lang parang gusto niya na akong patayin.

"Wala naman," sabi nila.

Hindi ko na sila pinansin at akmang lalagpasan na lang nang bigla niyang hilain ang buhok ko.

Napasigaw ako sa sakit. "Bitawan mo ko!"

"Girls hilain niyo siya!" sigaw niya.

Hinila nila ako papunta sa isang classroom malapit na walang katao-tao.

Sinubukan kong magpumiglas pero mas lalo nilang hinihigpitan ang hawak sa braso ko, pakiramdam ko para akong tinatali ng napahigpit.

Tinulak nila ako papasok at saka sumunod.

"Aray!" nahulog ako sa semento.

Napaupo at habang nakatayo silang tatlo sa harapan ko.

"What's your problem Crystal?!" I shouted and stood up.

"Ikaw!" tinuro niya ako. "Ikaw ang rason kung bakit ako iniwan ni Calibre!"

Muntik na akong mapatawa sa sinabi niyang 'yun.

"Ako?" naiinis kong sabi.

"Oo! Inagaw mo siya!" sinugod niya ako at hinila ulit ang buhok ko.

Tinulak ko siya nang malakas at nasalo naman siya ng mga kabibigan niya.

"Wala akong inaagaw, Crystal!"

Agad siyang tumayo ng maayos at sumigaw, "Anong wala, ha?! Nang dahil sa'yo, nakipaghiwalay siya ng ganun-ganun na lang!"

Ngumisi ako. "At sa tingin mo ba hindi ka dapat hiwalayan ng isang lalaking tulad niya?"

Sumigaw siya at sinugod muli ako, ngayon kasama na ang dalawang kaibigan niya. Pipigilan ko sana sila nang biglang hawakan ng dalawa ang mga kamay ko at hinila-hila ni Crystal ang buhok ko.

"You bitch!" she said.

"Stop it!"

I was about to ask for help when the door crashed open.

"Kayle!" he shouted.

--

Continue Reading

You'll Also Like

27K 928 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story ๐Ÿ˜˜ ALL EVENTS AND...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
24.3K 1.2K 18
(Epistolary โŒ– GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
13K 367 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci