Worst Section

Oleh dianefajutrao

270K 6.9K 371

Away, Bangayan, Asaran, Kwentuhan, Kulitan, lahat na. Sa isang section makikita lahat ang ganyang katangian... Lebih Banyak

Worst Section
Author's Note
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Author's Note
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Authors Note

Chapter 1

38.4K 564 42
Oleh dianefajutrao

Gab's POV


**Class Dismissed**

Napabuntong hininga nalang ako matapos yun sabihin ni sir. Kanina ko pa gustong matapos ang tinuturo niya tungkol sa history, dahil wala akong maintindihan. I hate history, ever since. Di naman ako katulad ng iba sa section na ito na masyadong seryoso sa pag-aaral. Syempre matalino din naman ako, kaso limited nga lang.


"Tara na sa cafeteria Gab" sabi ni Hailey sa tabi ko habang may nakapasak na earphones sa tenga at humakbang palapit sakin.

Di ko na namalayan na recess na nga pala pagkatapos ng subject namin sa history.Para kasing di na ako nakakaramdam ng gutom. Haha abnormal na yata ako.
Lumingon ako sa buong room namin at kami nalang palang dalawa ang natira. Ang bilis kasi ng mga kaklase ko pagdating sa pagkain eh.



Di na ako sumagot kay Hailey at mabilis na kinuha ang wallet ko at sumabay sa kanya palabas.


Bago pa mahuli ang lahat. Ako si Gabby Sandoval. Gab for short. 17 years old student ng Xander High. 3rd Year High School at kabilang ako sa tinaguriang Worst Section ng University na to. Nakakatawa mang isipin pero kami naman talaga yung pilot section kaso nga lang. Ewan ko ba, Yun na ang pagkakakilanlan samin. Pangit man pakinggan kung sa iba. Pero samin kasi, pakiramdam namin na kakaiba kami sa kanila. Kaya wala na din kaming pakialam.



NBSB din ako. And I'm not ready to minggle. Yari na ako sa kuya ko nito pag nagkataon. Kaya ito ako hanggang asa lang sa crush ko. Trying hard na sana mapansin niya din ako pagdating ng panahon. Well, di naman ako nagmamadali sa pag ibig. Dahil hello? andami namang lalaki jan. Di naman siguro ako mauubusan agad agad. Tsaka always remember the 7b's. Books Before Boys because Boys Bring Babies. clap.clap.clap. Dalagang Pilipina kaya ako. Hakhak. Darating din tayo sa point na yan. Right place, Right Time, Right Person. Naks!




Anyways, kasalukuyan kaming naglalakad ni Hailey papuntang cafeteria na wala ng ibang ginawa kundi mangalikot ng cellphone niya. Kanina pa nga yan eh, di ko nalang pinapansin. Buti nga di nadadapa ang bruha.



Kung di niyo natatanong, dakilang best friend ko si Hailey. Simula kasi bata magkakilala na kami kaya ganun. Tsaka yung mga magulang namin magkaibigan na ever since. Kaya yun. Mabait si Hailey at Simpleng babae. Isa sa mga katangian na gusto ko sa pagiging best friend niya sakin. Partner in crime ko din yan kahit masyadong busy lagi sa phone. Laging sabay sa trip ko kaya nagkasundo kami. Di pati siya maarte di tulad ng iba kong kaklase, kung hindi ay baka nasipa ko na yan matagal na.



"Nakita mo si Iggy?" salubong samin ng magaling kong kapatid. Ano na naman kayang ginawang katangahan ni Iggy Boy. Lagi nalang yun puro kalokohan.



"Hindi" Deretsong sagot ko dahil yun naman ang totoo. Naglalakad lang kami dito at wala akong nakita ni anino ni Iggy. Baka nandoon na yun sa room.




Agad na umalis si Kuya Gab at karipas na tumakbo. Oo tama ang nabasa niyo. Gab din ang nickname niya gaya ko pero magkaiba naman ng ibig sabihin. Gabriel siya samantalang Gabby ako. Karipas itong tumakbo sa direksyon kung san kami nanggaling. Nanguha na naman siguro ng pagkain si Iggy. Patay gutom ang mokung na yun eh.




"Ano daw nangyari?" mahinhin na tanong ni Hailey sakin habang tinatanggal ang isang earphone na nasa kanang tenga niya. Di ko na namalayan na nakapila na pala kami.




"Wala, Si iggy daw" walang ganang sagot ko. Di na siya nagsalita at tinuon ang atensyon sa cellphone niya.



Mabagal na nausad ang pila, pero ngayon nasa counter na kami ni Hailey. Madami kasing tao dito ngayon, dahil ito ang main cafeteria. Nakita ko sina Cassadra na mga kaklase ko na nagkekwentuhan kasama sina Phoenix. Tapos sa katabing table nito ay sina Kaylee at Lucas. Mukhang masaya silang lahat base sa ngiti ng bawat isa.

"Gab?"mahinang bulong ni Hailey sa kaliwang tenga. Nagtaka tuloy ako kung bakit kailangan niya pang bumulong.

"Bakit?" mabilis na tanong ko. Habang nakagat sa burger na hawak ko.



"Si matt oh" ngising sabi niya sakin. Mabilis akong lumingon kung san siya nakatingin at bumungad nga sakin ang nakangiting si Matt.



Hay gulay. Wag ka ngang ngumiti ng ganyan. Lalo akong nahuhulog.

"Wahh erase. erase. Magtino ka Gab. Wag kang malandi " iritang sabi ko.



"Sinong malandi?" mabilis akong namulat kung sinong nagsalita at nasa harapan ko na pala si Matt. At err-nakangiti pa din siya. Shemay. Ano bang nakain ng lalaking yan.




"Ah eh-" utak bilisan mo naman magisip ng isasagot. Baka mabisto ako nito



*smirk*-Hailey

" Ah -yung langgam. Oo yung langgam nga Matt. Ano kasi eh... nilalandi ako nung langgam nangangagat dito oh, ang kati." palusot ko at tumango lang naman siya.


"Kuya mo?" tanong niya sakin.

Hay buti pa si kuya. Lagi nalang niyang hinahanap. Di kaya? Hala. Baka bakla si Matt. Nako hindi pwede. Straight siya Gab. Ano bang nasa isip mo. Erase Erase.



"Di ko alam eh. Akala ko kasama mo" alinlangang sagot ko sa kanya sabay ngisi.


"Hindi eh. Pumunta pa kasi ako sa library pinauna ko na sila. Tapos ngayon di ko na makita " ani niya sabay kamot sa ulo na tinanguan ko lang.


"Sige Gab. Una na ko. Ingat kayo" ngiting sabi niya, kaya sinuklian ko nalang din ng ngiti.


Si matt ay kaklase din namin ni Hailey. Mabait siya gaya ng gusto kong katangian sa mga lalaki. Mapagmahal sa magulang pati sa kapatid niya na si Ate Mika. Ang sweet nga nilang dalawa minsan eh. Hays. Ideal Guy na nga yata siya ng lahat ng babae dito sa University. Bukod sa mayaman. Gwapo pa. Pero awan ko ba jan kay matt. Wala yatang may idea kung may girlfriend ba siya o crush manlang. Di niya kasi sinasabi kahit kina kuya. Masyadong malihim ang loko.



Para sabihin lo lang sa inyo.
Matagal ko ng crush si Matt dahil bukod sa gwapo ang nilalang na yun. Mabait pa. Yung tipong wala ka ng makikitang masama sa kanya. Pero minsan din naman nakikisali din siya sa mga kalokohan nina Iggy kasama sina Kuya. Normal lang naman yun eh. Mas lalo nga siyang nagwapo pag natawa siya.
Anyways, tama na muna ang landi Gab.



"Tara na" sabi ko kay Hailey at muka namang narinig niya. Mabilis kaming naglakad pabalik sa room, dahil baka nandun na si Sir. Mahirap na malate, baka kung ano na namang ang sabihin samin na masasakit na salita. Na kesyo, buti pa daw yung ibang section hindi nalelate sa klase niya tapos pagdating samin? Boom! Nakakasawa na marinig.


"Sino ba next?" tanong sakin ni Hailey. Kaya nilingon ko siya.



"Sir Paredes" Deretsong sagot ko kay Hailey na hindi ko na nilingon.





Halos lakad takbo na kami ngayon dahil malapit na din magtime, ilang minuto nalang ang natitira. Nang makarating na kami sa room, ay nandun na halos lahat ng mga kaklase namin maliban lang kina Andrew, Lincoln at Caleb, na kadalasang lagi nalang late sa klase.





Pagkapasok palang bumungad na samin ni Hailey ang alingawngaw ng ingay. Well, di na rin bago dahil sadyang maiingay kami. Kaya nga lagi nalang kami binibisita ng adviser namin dahil sa kaingayan na ang may pakana lang naman ay yung mga kaklase kong babae na mahilig sa mga hot guys na mga kpop. Wagas makatili na parang wala ng bukas. Minsan nga gusto ko nalang sabihin sa kanila na "Gising guys. Nasa reyalidad kayo. Wag na kayong umasa sa mga yan".Hindi naman sa bitter ang isang katulad pero sinasabi ko lang ang totoo.




Mabilis akong bumalik sa pwesto ko at tahimik na naghintay na dumating si Sir Paredes. Lumingon lingon ako sa paligid at wala pa ding pagbabagong nangyayari. Maingay pa din.



"Good Morning Class"



Deretsong bati samin ni Sir. Kaya mabilis na tumahimik ang lahat at tumayo.




"Clap.clap.clap. Good Morning Sir Paredes" sabay sabay na bati ng lahat. Pinaupo na niya kami at bahagyang naglakad paunahan.


"Where's the three?" tanong niya sa buong klase. At alam naming sina Andrew ang tinutukoy niya. Wala may ganang sumagot ni isa sa tanong ni sir dahil wala din naman samin ang may alam.

"Wa-"

*Boogsh*


Halos sabay sabay kaming lumingon sa may pinto at iniluwa nito ang tatlong hinahanap ni Sir na sina Andrew, Lincoln, at Caleb na tila hingal na hingal pa. Deretso naglakad ang mga ito papunta sa kanilang upuan at walang buhay na umupo. Tsk.


"Where have you been?" seryosong tanong ni sir sa tatlo na halatang tumakbo pa dahil may mga pawis pa sa noo. Umupo ang tatlo at tahimik na tumingin sa direksyon ni sir sa unahan.


"Sa labas sir. Di po ba obvious?" ani ni Caleb sabay suklay ng kanyang pawisang buhok gamit ang kamay na kinatawa ng buong klase.





Tahimik akong lumingon ay Sir at halatang nagpipigil lang siya na magalit dahil umagang umaga. Si Caleb naman kasi, wala sa lugar mamilosopo. Akala lagi kung sinong gwapo na diyos ng malalandi dito sa room na wala ng ibang ginawa kundi maging hambog araw araw. Nakakainit na din ng dugo minsan eh.



"Wala akong panahon para makipagtalo sa kapilosopohan mo Mr. Lewis." iritang sagot ni Sir. Lumakad siya ng bahagya paunahan at halatang pararatangan na naman kami ng kung ano anong salita.




"Hindi ba kayo nagrereflect sa mga sarili niyo? As a subject teacher concern lang naman ako. Kayo dapat ang kinikilala na model ng ibang section tapos ito ipapakita niyo? Hindi naman pwede lagi nalang lokohan. May oras para dun at may oras para magbago ang nga kawalang ugali niyo" direktang sagot ni sir na tamang tama sa dignidad at pagkatao naming lahat. Sabi na eh. Ito na naman ang scene na mangyayari. Wala ng iba pa.

Napukaw ng atensyon ko si Vince na nakangisi sa unahan. Hay nako. Lagi nalang yang ganyan. Tuwing napapagalitan ang buong section na to. Wala ng ibang ginawa yan kundi ngumisi o tumawa na tila masaya pa na maraming galit samin. Tsk. Ano kayang klaseng utak ang meron siya? Abno eh


"I'm sorry to say na yung ibang mababait dito ay nadadamay lang. Pero wala tayong magagawa. All you need to do is to help each other. Isang section kayo. Kamalian ng isa, damay ang lahat. Yun lang yun" ani ni sir sabay hakbang patalikod na tila kukunin ang kanyang libro na hawak kanina.



Tahimik akong lumingon sa mga kaklase ko at mga poker face lang sila. Halos lahat samin sawang sawa na marinig ang mga bagay na sinabi ni Sir kanina. Araw araw nalang yata yun eh. Bumuntong hininga nalang ako at tumingin sa unahan particularly sa sinusulat niya sa blackboard.

********
Annyeong guys:)

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
178K 7.1K 31
Dedicated sa mga nabitin sa music video ng love warning :)
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.