POSSESSIVE 14: Lysander Calla...

By CeCeLib

65.9M 1.2M 380K

She was his secretary and he was her boss. Plain and simple. No complications. No problem. Nothing. That was... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

CHAPTER 1

2.4M 49.1K 24.8K
By CeCeLib

CHAPTER 1

Five years later...

TUMAAS ang kilay ni Jergen nang makapasok siya sa high-tech barn ng boss niya at nakita niya ang mga kaibigan nitong naglalagay ng tigsasampung piso sa isang mineral bottle na may butas sa gitna para makapasok ang pera sa loob.

"Don't tell me na pinagpupustahan n'yo na naman kung ano'ng kulay ng buhok ko?" nakataas ang kilay na tanong niya sa anim na kalalakihang nasa harap niya.

Napakamot ng ulo si Andrius. "Well, it is the first Monday of the month. The day when you change the color of your hair."

Nakangiwing napangiti naman si Khairro. "At mukhang walang nanalo sa amin." Iminuwestra nito ang kamay sa kanya. "You have a rainbow hair. Great."

Thorn sighed. "And I lost ten pesos." He groaned. "Again."

Umingos siya. "Get out. All of you," pagpapalayas niya sa mga kaibigan ng boss niya. Naging malapit na rin siya sa mga ito kaya nagagawa niyang palayasin. "I'm here for my boss. Mayroon akong iri-report sa kanya."

Khairro sighed. "Fine. Fine. We're leaving."

Nang makaalis na ang tatlo, inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng barn. Hindi niya makita ang boss niya. Nasaan naman kaya iyon? Ayaw niyang makipag-hide-and-seek dito.

"Hello? Boss?" malakas niyang sabi.

Pagkalipas ng ilang segundo, nakarinig siya ng baritonong boses.

"I'm here, Jergen."

Napabuntong-hininga siya, saka sinundan ang pinanggalingan ng boses. Nakita niya itong nakahiga sa sofa bed at kinakalabit ang string ng gitara na hawak.

Her boss looked so laid back as he strumed the guitar.

"Boss." Huminga si Jergen nang malalim habang bored na nakatingin dito. "Absent ka na naman."

Nag-angat si Lysander ng tingin sa kanya. "Yeah. I noticed."

She rolled her eyes. "No sarcasm, Boss. Baka masapak kita nitong folder na dala ko ngayon. Alam mo bang traffic papunta rito?"

Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Always so bossy." He tsked and looked at her hair. "Nice. Sino'ng nanalo?"

"No one," sabi niya, saka inilapag ang tatlong folder na hawak sa tiyan nito at nginitian ito nang peke. "Hayan na ang report last month. Alam mo ba kung sino ang mga pinagalitan ko para matapos ang report na 'yan? Oh, wait, you don't know anything, Boss. Absent ka nga pala ng dalawang linggo." Inirapan niya ito. "You're so unfair, you know that? Kapag kami ang absent, may bawas agad ang sahod namin. Bakit ikaw, wala? That is not fair you know."

Hinuli nito ang tumataray niyang mga mata. "I am your boss, you do know that, right?" pagpapaalala nito sa kanya.

Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Unfortunately." Inirapan niya uli. "Pero hindi naman talaga totoo 'yon. Kasi sa ating dalawa, ako ang boss kasi hindi ka naman pumapasok."

Tumawa lang si Lysander, saka kinalabit na naman ang string ng gitara. "I'm bored, Miss Secretary." Umupo ito, saka tinapik ang bakanteng espasyo ng sofa bed na nasa harap nito. "Sit and read me this." Iniabot nito sa kanya ang folder. "Reports? Ayokong basahin 'yan. Nababagot ako."

Napabuntong-hininga si Jergen at napailing-iling. Yep. This was her boss. Ang boss na inakala niyang seryoso at hardworking. Iyon pala ay nangangailangan ito ng sekretarya na gagawa sa trabaho nito.

Sarap sapakin, eh.

"Ayoko." Pinagkrus niya ang mga braso sa harap ng dibdib. "Trabaho mo 'yan. Tapos na ang trabaho ko."

Lysander looked at her, his eyes smiling in unknown reason. "Kung tataasan ko ang sahod mo, babasahin mo na 'yan?"

Natigilan siya at napatitig dito. "Totoo?"

Nagkibit-balikat ito. "Read the report. Now."

Napasimangot si Jergen at napipilitang binasa ang report para sa boss niyang tamad.

Nang matapos niyang basahin 'yon, napatingin siya sa relong pambisig. Great. She wasted nearly two hours reading the reports. Okay lang, tumaas naman sahod ang niya.

"Kailangan ko nang bumalik sa opisina." Inayos niya ang damit na bahagyang nagusot. "Unlike you, Boss, may trabaho ako."

"You're insulting me, Miss Secretary." Pinukol siya nito ng masamang tingin. "I am your boss. Wala kang karapatang pagsalitaan ako nang ganyan. I could fire you."

Namaywang siya. "Sino'ng tinatakot mo, Boss? Ako? Ikaw ang mas matakot kasi mawawalan ka ng sekretaryang mapagkakatiwalaan mo na, sobrang ganda pa."

Amusement filled his eyes. "I am your boss, Jergen. Show some respect."

"And I'm your secretary and I'm doing your job." Humaba ang nguso niya. "I hate you, Boss. Pumasok ka na kasi. Nakakapagod kayang maging president at secretary at the same time." Pinandilatan niya ito. "You're stressing me out. Hindi sapat ang sinasahod ko. Dapat 'yong sahod mo, akin na rin 'yon kasi ako naman ang gumagawa ng trabaho mo. Argh!"

Tumawa lang si Lysander. "May regalo ako sa 'yo."

Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Hindi mo ako masusuhulan, Boss."

He grinned. "It's antique."

Napakurap-kurap siya, saka dahan-dahang nawala ang talim ng mga mata. "Really? Antique?"

She loves old stuff like antiques. And her boss had always exploited her love for it.

Lysander wagged his eyebrow. "Yep. Ayaw mo?"

Napasimangot siya. "Iinggitin mo na naman ako, 'no? Masasapak talaga kita, Boss. It's an antique! Ibang usapan na 'yan."

"Nope. I'm not," sabi nito, saka kinalabit uli ang gitara at mahinang kumanta.

Napatitig si Jergen sa boss niyang tamad na nga, hindi pa pumapasok. Mula sa kinatatayuan, kitang-kita niya ang matitipuno nitong mga braso at binti, ang guwapo nitong mukha, ang buhok nitong pinaghalong brown at blond at ang mga labi nitong natural nang mapula.

Her boss was smoking hot. But she knew better than to get attracted to him. Well, she already was, but she was just better in controlling and hiding it.

Biglang nag-angat ng tingin si Lysander at huling-huli siyang nakatingin. Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Saw something you like?"

Nag-init ang pisngi niya pero hindi siya nagbawi ng tingin. "Nope. I'm looking at my boss."

He smiled. "Does your boss look handsome?"

Inirapan niya ito. "Sige, buhatin mo 'yang sofa bed. Nakakahiya naman ang kahanginan mo, signal number five na 'yan." Inirapan niya uli ito. "Makaalis na nga. Marami pa akong gagawin sa opisina."

Mahina lang na tumawa si Lysander, saka bumalik sa pagkalabit sa gitara nito.

Naglalakad na siya palayo nang marinig niya ang boses nito.

"Open that box on the center table, Jergen."

Napabuntong-hininga siya. "Kailangan ko nang bumalik sa opisina, Boss—"

"Just open it, Jergen."

Naiinis na lumapit siya sa center table, saka binuksan niya ang box na naroon. Isang mapalad na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya nang makita ang laman niyon.

"You like it?"

Napaigtad si Jergen nang marinig ang boses ni Lysander sa likuran niya. Pinakalma niya ang dibdib na mabilis ang tahip, saka kinuha ang laman ng box at humarap sa lalaki. "This is..."

"It's an antique necklace from Middle East." He smiled. "Nakuha ko 'yan last week when I was in Jordan. It looks old... just how you like it."

Hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi niya. "Akin na 'to?"

"Yep." He grinned. "In return, you'll go hiking with me this weekend."

Nawala ang ngiti niya. "So suhol 'to?"

"Nope." Kinuha ni Lysander ang kuwintas sa kamay niya, saka ito na ang nagsuot sa leeg niya. "This is a thank you gift for a job well done on running my company. And I'll pay you for hiking with me this weekend."

Nang marinig ang salitang "pay," nagningning ang mga mata niya. "Extra pay?"

He gave her a deadpan look. "Para namang sasama ka kung walang bayad."

"Hindi nga." Inungusan niya ito. "At saka paano kung sumakit ang paa ko sa hiking?"

He sighed. "I'll pay you for accompanying me, for your sore legs, for your aching back and for wasting your time. Okay na?"

"Magkano ang ibabayad mo sa 'kin?" tanong niya habang malapad na nakangiti.

"Ten thousand."

Sumeryoso ang mukha ni Jergen. "No deal. Twenty thousand."

"No. Fifteen thousand."

Malapad siyang ngumiti. "Deal. I'll see you this weekend then."

"Nope." Tinalikuran siya nito. "I'll see you tonight. At dinner. Ipagluluto mo ako."

"Ayoko nga." Humaba agad ang nguso niya. "You're taking advantage of my skills, Boss."

"I'll pay you," may diin nitong sabi.

Agad siyang napangiti. "Okay. I'll see you tonight then. Pang ilang tao ba ang ipagluluto ko?"

Bumaling ito sa kanya. "For two."

"Oh, you have a date." Nanunudyo ang ngiti sa mga labi niya. "Should I buy you condoms too? Para makapag-order na ako sa online. Wala pa naman niyan dito sa Pilipinas."

Yes. She sometimes bought Lysander's condoms through online. He was big and long and no local condoms here in the Philippines would fit him.

Goodness. What kind of penis was that? Mabuti na lang at sanay na siya. Pero noong una, halos lumuwa ang mga mata niya at ilang buwan din niyang ini-imagine iyon. 'Buti naka-move on na ngayon ang mahalay niyang utak.

She did stuff for him. With pay of course. Wala nang libre sa panahon ngayon, 'no.

She was his very, very, very, very personal secretary. Kaya naman kilalang-kilala na niya ang boss niyang si Lysander Callahan mula ulo hanggang paa at hindi siya naiilang na pagsabihan ito ng kung ano-ano. Limang taon na rin siyang sekretarya nito kaya alam na niya ang binabalak nito kahit kislap pa lang ng mga mata nito.

"No condoms." Lysander rolled his eyes. "It's just a simple dinner."

She grinned. "Okidoki."

"Go. Leave my barn," pagtataboy nito sa kanya. "Magtrabaho ka kasi binabayaran kita para magtrabaho hindi para pagsalitaan ako ng kung ano-ano."

"Yes, Boss." Sinaluduhan pa niya ito bago umalis ng barn at ng Bachelor's Village.

Nang makalabas ng village, pumara si Jergen ng taxi at binuksan niya ang bintana niyon. Hindi niya kayang sumakay sa taxi, kotse o bus na aircon ang naamoy niya. Kailangang makalanghap siya ng sariwang hangin. Kahit pa ang hangin na iyon ay puno ng polusyon ayos lang, basta hindi hangin na nanggagaling sa aircon.

Natigilan siya sa pag-iisip nang marinig na tumunog ang message alert tone niya. Nang basahin niya iyon, ngiting aso lang ang ini-reply niya.

No condom. Buy a lubricant instead, galing iyon sa boss niya.

Napailing-iling siya, saka binura ang mensaheng iyon.

No way. She wouldn't that stuff. Bahala ang boss niyang iyon sa sex life nito. Idinamay pa siya. Nakakahiya kayang bumili, unless may mahanap siya sa online. Pero kapag wala, pasensiyahan sila. Bahala itong pagkasyahin ang mahaba nitong ahas na makipot na kuweba ng ka-dinner nito mamaya.

"'MA, ILANG ulit ko bang sasabihin na hindi ako pupunta diyan sa Seattle." Bumuga ng marahas na hininga si Lysander. "I'm maybe bored here in the Philippines but I won't leave."

Narinig niyang napabuntong-hininga ang kanyang ina sa kabilang linya. "Anak, hindi naman labag sa kaalaman namin ng ama mo na kahit wala ka diyan sa Pilipinas ay tatakbo ang kompanyang iniwan namin sa 'yo. Kaya nga pinapapunta ka namin dito sa Seattle. We miss you. Gusto ka naming makasama."

Lysander sighed. "Mom, I have friends here. I'll visit soon but I won't stay."

"Is this because of her?"

Natigilan siya sa tanong ng ina. "'Ma, change topic please."

"No," she spoke in authority. "Goodness, Lysander, ilang taon na ba ang lumipas? Hindi mo pa rin masabi-sabi sa kanya na gusto mo siya? Hindi kita pinalaking duwag at torpe."

Napasabunot siya sa sariling buhok. "Good-bye, Mother. I love you. Say hi to Dad for me." Kapagkuwan ay pinatay niya ang tawag at napatitig sa kisame ng barn.

Darn. His mother was really a pain in his ass sometimes. Good thing she wasn't in the country to bug him about his personal life.

Akmang itatapon ni Lysander ang cell phone sa carpeted na sahig dahil sa sobrang boredom na nararamdaman nang tumunog ang message alert tone niyon.

Binuksan niya ang cell phone at binasa ang mensaheng natanggap. Nang makitang galing iyon sa sekretarya niya, napangiti siya.

Found a lubricant. You're really that big that you'll not fit without this?

Mahina siyang natawa, saka nireplayan ito.

Ikaw ang tagabili ng condom ko, you tell me.

Alam mo, Boss, kung hindi ka lang malaki magpasahod, 'tapos kung wala lang akong extra pay palagi, matagal na akong nag-resign sa kahalayan at ka-weird-ohan mo.

Malakas siyang natawa, kapagkuwan ay napailing-iling.

Magtrabaho ka na diyan. Babawasan ko ang sahod mo, sige ka. At nagko-computer ka na naman, 'no? Online shopping ka na naman? Babawasan ko talaga ng 20% ang sahod mo.

Okay lang. Babawasan din kita ng 70% sa sahod mo, 'tapos idadagdag ko na lang sa sahod ko 'yong ibinawas ko sa 'yo. Salamat, Boss.

Napailing-iling siya.

You're fired.

Jergen replied.

Ha-Ha. You're fired too, Boss.

Hindi na lang siya nag-reply pero hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi niya. His secretary did that to him sometimes. She made him smile in so many ways that he couldn't even explain. Maybe it was because...

Nope. Not going there. 


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

58.7M 1M 25
Train Wolkzbin eluded marriage for eight years. Hindi siya magpapakasal kahit pa mamatay lahat ng kaibigan niya. Kahit pa magunaw ang mundo, hinding...
6.9M 139K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
600K 41.3K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
53.6M 1M 29
Cali Sudalga got everything. Limited edition luxury cars. Wealth. Money. Yachts. And a very huge mansion that anyone would dream of. Women will do ev...