Here comes Dondy

By Serialsleeper

932K 45.4K 25.2K

"Last year he was buried. last week he appeared. Last night he was seen. Today he began to kill. Here comes D... More

Prologue
Chapter 1 : You're not alone
Chapter 3 : Fragments
Chapter 4 : Better start running
Chapter 5 : The old flame
Chapter 6 : Can you see him?
Chapter 7 : I can see him
Chapter 8 : Doubt me not
Chapter 9 : Listen to me
Chapter 10 : Jigsaw
Chapter 11 : The Puppet Master
Chapter 12 : Liars and Lies
Chapter 13 : Wreck
Chapter 14 : Pausta
Chapter 15 : Close your eyes
Epilogue

Chapter 2 : Payback

86.9K 3.2K 3.1K
By Serialsleeper


Yes, I changed the title and descript :)


CHAPTER 2

Payback

Gracie



"Gracie, wala sina Mama at Papa dito kaya kailangan nating pag-usapan 'to."


Madaling araw na at gusto ko nang bumalik sa kwarto ko ngunit hindi ko magawa dahil nakaharang si Dale sa pinto. Hindi ako okay at alam ito ni Dale. Kagagaling lang namin ni Dale mula sa presinto, kung ano-ano ang mga tinanong sa amin ng mga pulis tungkol sa nangyari kay Amy o kung sino man ang may motibo para patayin siya. Hindi pinalad si Amy na makaligtas, namatay siya habang ginagamot sa ospital.


"You chose the wrong time to vandalize my forehead, Dale. Baka akala ng mga pulis, kinapos ako ng katinuan." Natatawa kong sambit sabay turo sa noo kong may blue arrow parin. Naghintay akong tumawa pabalik, o ngumiti man lang si Dale pero wala. Seryoso siya sa pagkakataong 'to.


"Goodnight twin bro," Sabi ko na lamang sabay tapik ng tiyan niyang may mga baby fats pa gaya sakin.


"Gracia," Maotoridad niyang sambit and this time he's no longer calling me Gracie, which means he's really serious this time.


"Quit acting like Papa, you're only 5 minutes older than me." Biro ko na lamang ulit sabay hagikgik. Hindi ako sanay na seryoso siya kaya pilit kong ginagawang biro ang usapan namin. Napabuntong-hininga siya, mistulang napagtantong wala na talagang patutunguhan ang usapan namin.


"Matulog ka na nga lang." Sabi niya saka naglakad patungo sa kanyang kwartong katabi lang ng sa akin.


Dale can be the most immature guy in the world but he can be very mature too. Sa mga ganitong pagkakataon lalo kong nare-realize na kahit wala dito ang mga magulang namin, maswerte parin ako dahil may kakambal akong laging nandito para sa akin.


Bago pa man siya tuluyang pumasok sa kwarto niya, muli akong nagsalita, "Nga pala kambal, pwede bang diyan muna ako matulog sa kwarto mo ngayon? A-aaminin ko... natatakot akong matulog mag-isa..."


"Magdala ka ng sarili mong unan. Bawal mong lawayan ang unan ko." Sabi niya and this time, may ngiti na sa mukha niya.


***


Imbes na pumasok sa 9am class ko, mas pinili kong manatili nalang muna sa cafeteria at umorder ng muffin at pie. Wala masyadong tao sa cafeteria kaya naman hindi pa masyadong maingay ang paligid gaya ng dati.


Tiningnan ko ang cellphone ko, pero wala parin akong natatanggap na tawag o maliit man lang na mensahe mula sa boyfriend kong si Lyon. Nasa ibang bansa siya para sa OJT nila at next week pa ang balik nila kaya naman ito siguro ang dahilan kung ba't hindi pa niya ako kina-kamusta, siguro hindi pa niya alam anong nangyari kagabi.


"Wassup my boy?" Napapitlag ako sa gulat nang bigla na lamang sumulpot sa harapan ko si Richie habang naka dab pose. My friends say I'm crazy, but I think this guy tops the list. Most people call him RK, but I prefer to call him by his real name.


"Last time I checked, I'm a girl." Biro ko na lamang kahit pa sanay na ako sa not-so-ordinary niyang vocabulary.


Napahalumbaba si Richie, tinitigan niya ako gamit ang mapupungay niyang mga mata at bumungisngis, "Edi, you're my girl?"


Sa isang iglap bigla na lamang may nambatok kay Richie. Sa sobrang lakas, nawalan si Richie ng balanse sa braso niya kaya muntikang sumubsob ang mukha niya sa pie. Hindi ko na napigilan ang sarili kong matawa nang todo.


"Lapastangang tutubi! Andito ako at nanlalandi ka ng iba?! How dare you?!" As expected, si Star lang pala ang nambatok kay Richie. Si star na sa unang tingin aakalain mong macho pero yun pala, mahilig sa mga macho.


Naupo si Star sa tabi ni Richie kaya naman agad na tumayo si Richie at lumipat sa tabi ko. Muli, bumungisngis si Richie at kinindatan ako kaya ako naman ang lumipat patungo sa tabi ni Star.


"Ha-ha-ha!" Sarkastikong humalakhak si Star kaya lalo pa akong natawa.


"Bakla-bakla-bakla!" Ganti naman ni Richie na ginagaya pa ang tono ng tawa ni Star.


Nawala ang ngiti ni Star at agad nanlisik ang kanyang mga mata, "RK, Mukha kang tanga!"


Nanlisik rin ang mga mata ni Richie, "Bruno, may talong ka pa!"


Dahil sa sinabi ni Richie, napasinghap si Star at agad na napahawak sa kanyang dibdib. Naiwang nakaawang ang dibdib ng X-man kong kaibigan na para bang labis siyang nainsulto dahil sa narinig.


Sa isang iglap, biglang bumagsak ang isang tray sa gitna ng mesa. Sa gulat, sabay-sabay kaming nag-angat ng tingin at nakita naming si Jax lang pala. Ang total opposite ni Star—isang chick na mahalig si chicks. Until now, it still amazes me how these two became friends. Kung si Richie ang tatanungin, tinamaan daw ng kidlat tong dalawa kaya nagbaliktaran.


"Wait, how did you get in? Diba bawal magsuot ng ganyan?" I couldn't help but ask since nakasuot si Jax ng sleeveless black shirt at ripped jeans na sobrang bawal sa school. Alam ko, kasi minsan na akong naharang ng gwardya sa gate.


"Well my friends, I climbed up a wall instead of using the gate. Nga pala nabalitaan niyo na ba? Amy was murdered last night! Dead on arrival matapos—Why? Huh? Anong shut up?" Nagtaka ako sa biglang kinilos ni Jax kaya naman otomatiko akong napatingin kay Richie at Star. Kahit dali-dali silang umarte nang normal, na-gets ko ang ginawa nila.


"Guys it's okay, you don't have to filter the topic for me." Paniniguro sa kanila sabay ngiti.


"Why? What happened? Why are we suddenly shielding little Gracie's feelings?" Usisa ni Jax saka naupo sa tabi ni Richie.


"Okay ka lang ba talaga? Hindi ka ba na-trauma?" Tanong ni Richie. This time, mukhang seryoso na talaga siya at mukha pang nag-aalala pa.


Muli tumango-tango ako at ngumiti, "I'm okay."


"And I'm officially lost." Sarkastikong sambit ni Jax dahil wala siyang naiintindihan sa pinag-uusapan namin.



"Nga pala, anong oras niyo balak magpunta sa burol ni Amy?" Pag-iiba ko na lamang ng usapan. Ngunit laking pagtataka ko nang bigla na lamang nagkatinginan sina Jax, Star at Richie. Ngayon ako naman ang out-of-place.


"Isali nalang kaya natin si Grace? Na-biktima rin to noong bata pa eh." Sabi ni Richie kay Jax habang hinihinaan ang kanyang boses.


"Guys, what's going on?" Natawa na lamang ako.


Ipinatong ni Jax ang braso sa mesa at pabulong na nagsalita, "We're getting rid of the monster who terrorized us when we were kids."


Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, iisang tao lang ang naalala kong pare-parehong nagpahirap namin noong bata pa, "You're going to kill teacher Lou?!"


"Hindi!" Sabay-sabay nilang sigaw at nagtawanan pa. Para tuloy akong nakahinga nang maluwag, akala ko kung ano nang gagawin nila.


"Gracie, don't tell anyone about this okay?" Humarap sakin ang katabi kong si Star. Sa totoo lang nahihirapan akong makipag-eye contact sa kanya, nakakadistract kasi ang violet contact lenses niya, false eye lashes, makapal na eye-liner at smokey eye shadow. Hindi ako makapaniwalang ang crush ko noong bata pa, crush pala ang kakambal ko. Ang gwapo niya at sobrang linis kung manamit pero pagdating sa mukha, taob ako sa make-up pa lang.


"I don't even know what you're talking about." Muli, natawa ako sa sobrang kawalan ko ng alam sa pinag-uusapan nila.


"Si Dondy ang ibig naming sabihin, yung deformed na rebultong laging ginagamit ni Teacher Lou na panakot sa atin mula bata pa. Diba naranasan mo ding maikulong ng matandang 'yon sa punishing room kasama si Dondy?" Paliwanag ni Richie.


Hindi ko na napigilan pang ngumiwi, "You know you could've just mentioned his name right? Hindi mo na kailangang ibalik pa ang malagim na experience." Ewan ko ba pero nababanggit lang si Dondy, kinikilabutan na ako. Siguro nga may phobia na ako sa kanya.


"Yan ta'yo eh, sinasabi nating ayaw nating balikan ang nakaraan pero kusang nakakaalala ang isip at puso." Ma-dramang sambit ni Jax sabay hawak sa kanyang dibdib. May pa-emote emote pa habang nakatingala sa kisame.


"Omg! Tomboy with a heart!" Dahil sa pag-eemote ni Jax, agad napapalakpak nang todo si Star na para bang isang nanay na proud na proud sa kanyang anak. 


"Okay lang namang kalimutan ang past. Kung ako ang tatanungin, ayaw kong maalala ni Gracie si Lyon kapag naging kami na." Pangiti-ngiting sambit ni Richie habang nakatingin sa kawalan, wala daw kuno siyang pakialam kahit naririnig ko siya.


"Ayaw mong maalala ako ni Lyon kapag naging kayo na?" Ganti ko na lamang. Nakakailang narin kasi minsan ang mga biro niya, baka mamaya akalain talaga ng mga tao sa paligid namin na may gusto siya sa akin.


"Boom baklita zoned!" Sigaw ni Jax sabay ubo ng malakas. Agad namang umalingawngaw ang halakhak ni Star, ine-exaggerate na naman niya bilang pang-iinis kay Richie.


Akala ko gaganti ng biro si Richie pero napabusangot lamang siya at pinasadahan ako ng tingin, "Balik na tayo sa usapan bago pa mawasak 'tong puso kong naghihintay sa paghihiwalay ng dalawang damuhong itago na natin sa pangalang Gracie at Lyon."


Napabuntong-hininga na lamang si Star at muling humarap sakin, "Back to topic, magre-retire na kasi sa wakas si Teacher Lou at balak ng mga teachers na iregalo si Dondy sa kanya. We figured, it would be unfair na makukuha niya si Dondy kaya ililibing namin ang rebultong 'yon mamayang gabi. Sort of a funeral kumbaga."


"Wait akala ko matagal nang nag-retire si Teacher Lou? I mean come on, sobrang tanda na niya noong bata pa tayo." Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong matawa, "But come on guys, paanong magiging unfair? Deserve naman ni Teacher Lou na mapasakanya yung rebultong 'yon, I mean for sure mawe-weirduhan din siya right?" Dagdag ko pa.


Pabiro namang itinaas ni Jax ang kamay niya na para bang gusto niyang siya naman ang pakinggan ko, "Actually, gawa daw si Dondy ng pinaka-pinaka-pinaka paboritong student ni Teacher Lou. Hindi ako sigurado sa kwento kasi pinagpapasahan lang yon pero ang alam ko, may sentimental value si Dondy kay Teacher Lou kaya chance na natin 'tong makaganti.


"Guys hindi naman sa nagpapaka-KJ ako pero why can't we just let bygones be bygones. I mean it was like 10 years ago at baka naman nagbago na ang matanda. Isn't it cruel to get rid of someone's favorite thing?" Hindi ko mapigilang magpayhayag ng hinaing. Sa totoo lang marami din akong hinanakit kay Teacher Lou dahil sa paraan ng pagdidisiplina niya noon sa amin. Pero napakatagal na panahon na kasi ang lumipas, and It's not like she murdered someone.


"She was cruel to us first! Come on, Gracie." Pang-uudyok pa ni Star sabay taas-baba ng kanyang kilay kaya napangiwi na lamang ako.


"At isa pa Gracie, ga-graduate na tayo this month. Think of it as a symbol ng pagtatapos ng student life natin. Kindergarten pa lang tayo ginagamit na yan ni Teacher Lou laban sa atin kaya ngayong ga-graduate na tayo sa college, ibaon narin siya for good—lets bury him as a symbol na natalo natin ang hamon ng pagiging estudyante." Pangungumbinsi pa ni Jax kaya hindi ko na napigilan pang matawa.


"'Wag niyo nalang siyang pilitin." Natatawang sambit naman ni Richie. Buti pa 'to, kahit kinapos ng normal thoughts, understanding parin.


"So you're burying him tonight?" Tanong ko na lamang, mukha kasing hindi ko na sila mapipigilan. Tumango-tango naman sila bilang sagot.


"Nga pala 'wag niyong kalimutang tanggalin yung mga bell sa paa niya. Baka kasi may makarinig sa inyong guard." Bilin ko dahilan para makunot ang noo ni Jax.


"Anong collar?" Tanong pa ni Jax.


"Medyo na-praning kasi ako nang kinulong ako ni Teacher Lou noong bata pa kaya nilagyan namin ni Dale ng improvised anklet ang paa ni Dondy. Nilagyan namin yun ng mga bell para  incase gumalaw talaga si Dondy, malalaman namin." Paliwanag ko.


Nagulat ako nang biglang napahawak si Star sa braso ko, "Pero besh di naman tumunog diba? Hindi naman diba?"


"Malamang, rebulto lang siya eh. Besides we were just kids at that time, kaya alam niyo na, medyo praning talaga." Giit ko na lamang.


****


Pasulyap-sulyap si Dale sa cellphone niya kaya napatingin ako sa relo ko—saktong 8pm na. Kanina pa niya hindi binibitiwan ang cellphone niya, palibhasa hinihintay namin dito sa 7/11 ang girlfriend niyang si Trina. 7pm na ang usapan pero 8pm na at wala parin siya kaya heto ang kapatid ko at hindi pa ginagalaw ang dinner niya.


"Dale, you havent even touched your food yet. Can you please just eat?" Karaniwang si Dale ang mas mature sa amin pero kapag involved na si Trina, biglang nag-iiba ang ihip ng hangin. It's kind of weird how Trina affects Dale, love nga naman siguro.


Napabuntong-hininga si Dale at napilitan na lamang na sumubo ng ilang beses pero sa kabila nito'y hawak parin niya ang kanyang cellphone, nag-aabang ng tawag o text. Minsan naaawa na ako sa kapatid ko, todo effort na siya pero minsan kulang pa ito para kay Trina.


"Sina Jack at Rose, tumalon mula sa titanic habang unti-unti itong lumulubog. Hindi sila nanatili, instead gumawa sila paraan para maka-survive kahit pa kinailangang magsakripisyo ng isa at magkahiwalay sila." Sabi ko habang ginagalaw-galaw ang pagkain ko gamit ang tinidor.


"At ang punto mo ay?" Tanong ni Dale, hindi siya nakangiti sa pagkakataong 'to at ganun rin ako.


"You're both in a sinking ship called relation, jump now before you end up as enemies. It's better to end up as friends with an awkward past." I gave him a hint. I guess I just can't be blunt, I care too much about the people I love. I'm afraid my words could turn them against me.


"Anong ibig mong sabihin?" Binitawan ni Dale ang kanyang kutsara't tinidor saka napasandal sa kinauupuan. No matter how careful I am with my words, he still looks pissed. This is useless.


"It's normal when girlfriends get jealous when other girls steal their boyfriend's interest or attention. But being jealous on her boyfriend's twin sister? Dale that's just wrong." Minsan lang akong maging straight to the point sa kapatid ko kaya lulubos-lubusin ko na. Tutal mukhang naiinis na siya, ilalabas ko nalang ang hinaing ko.


"T-teka paano mo nalaman?" Naguguluhang sambit ni Dale.


"Na pinagseselosan niya ako?" Napangiti na lamang ako ng tipid, "Matagal ko nang napapansin Dale, after all babae rin ako. Napapansin kong ako ang laging nagiging dahilan ng away niyo. Pakiramdam niya wala siyang halaga sa'yo dahil ako nalang lagi ang inuuna mo. Dale, ayokong dumating ang araw na papipiliin ka niya sa pagitan naming dalawa. As selfish as this sounds, I don't want to lose you."


Ilang saglit na namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Kapwa namin hindi magawang tumingin sa isa't isa. Nabasag lamang ang katahimikan sa pagitan naming dalawa nang tuluyang umalingawngaw ang cellphone ni Dale.


Napatingin siyang muli sakin, sa pagkakataong ito ay may blanko na siyang ekspresyon sa kanyang mukha. Tumango-tango na lamang ako dahilan para agad niyang sagutin ang tawag.


Ibinaling ko ang atensyon sa kinakain ko at nagbingi-bingihan na lamang hanggang sa biglang tumayo si Dale. Huminto ako sa ginagawa at napatingin sa kanya.


"Tara na, andun na daw siya," Aniya pero sa pagkakataong ito, ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. We're not fighting but this sure is awkward.


"Dito lang ako, hihintayin ko pa kasi sina Star at Jax. Sa kanila nalang din ako sasabay sa pauwi." Nakangiti kong sambit sa kanya pero hindi siya ngumiti pabalik. Bagkus ay nakunot lamang ang noo niya na para bang ayaw pumayag sa sinabi ko.


"We're doing some girl stuff, you won't understand." Nangatwiran agad ako bago pa man siya muling nagsalita. Akala ko may sasabihin pa siya pero napabuntong-hininga lamang siya at tuluyang umalis. Malapit lang kasi rito sa 7/11 ang pinagdadausan ng burol ni Amy.


Hindi ko mapigilang makonsensya sa mga sinabi ko sa kanya. Jeez, I'm so selfish for suggesting him to break-up with Trina. Kung sana may time machine lang ako para mabawi ang mga sinabi ko kanina.


Dale has done nothing but to protect me my whole life. Mula nang mawala si Papa, siya na agad ang naging sandalan ko sa lahat ng bagay. He grew up early just to take care of me. At nang umalis si Mama upang magtrabaho sa ibang bansa, umikot ang mundo namin sa isa't-isa. Nasanay siyang lagi akong inaalagaan at nasanay akong laging inaalagaan niya.


Pabigat ako sa kakambal ko at kamakailan ko lang ito napagtanto. Dahil sakin, hirap siyang magkaroon ng normal na buhay kasi laging ako ang prayoridad at inaalagan niya. Siguro may konting pagkakamali rin ang mga magulang namin dahil itinambak nila agad sa kapatid ko ang lahat ng responsibilidad dahil siya ang mas nakakatanda, pero alam kong mas malaki rin ang pagkakamali ko kasi masyado akong nasanay.


"Na-miss mo ba ako?"


Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang mga maiinit na kamay na yumakap mula sa likuran ko at ang ulo niyang pumatong sa balikat ko. The warmth his hug brings—I can already tell who this is.


"Lyon, akala ko ba next week pa ang balik mo?" Ngumiti ako at napahawak sa kamay niya pero sa kabila nito ay hindi ko siya nililingon. Napatitig lamang ako sa salaming nasa tapat namin at pinagmasdan ang kanyang ngiting sobra kong na-miss.


"Na-miss kasi kita." Aniya pero iba ang pumasok sa isipan ko. Agad nawala ang ngiti sa mukha ko at agad ko siyang pinaupo sa tabi ko bagay na ikinagulat niya.


"Umuwi ka ba nang mas maaga dahil sa nangyari kagabi?" Hindi ko mapigilang mapatanong pero tumawa lamang siya at ginulo ang buhok ko, "Hindi ba pwedeng na-miss lang kita?" Dagdag pa niya.


"You don't have to worry about me!" Giit ko pero sa kabila nito ay pilit kong hinihinaan ang boses ko. It feels good to have people care about me pero yung magkagulo ang buhay nila dahil sakin? Mas gugustuhin kong 'wag nalang. Ayoko nang maging pabigat sa mga taong mahalaga sakin.


Napabuntong-hininga si Lyon pero sa kabila nito ay ngiti parin siya sa kanyang mukha. Inilabas niya mula sa kanyang bag ang kanyang journal at ipinagmalaki ang laman nitong mga newspaper clippings, "Alam kong sasabihin mo 'yan kaya ibabahagi ko sa'yo 'tong research ko."


"Research? Okay what's this about?" Natawa na lamang ako. Isang tanyag na journalist ang mga magulang ni Lyon, gustong-gusto niyang mahigitan pa ang nagawa ng mga magulang niya kaya naman napakasipag niya sa pag-aaral at sa kung ano-anong bagay. He even runs his own journalism site.


Inilibot niya ang kanyang paningin bago pabulong na nagsalita, "Last Month, may estudyante ring namatay sa lungsod na'to pero sa kabilang university. At sa buwan bago nun, meron na naman. Pangatlo na si Amy."


"What the hell?" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at biglang nagsitayuan ang balahibo ko. Lyon doesn't lie when it comes to his stories at laging solid ang sources niya lalo pa't kamag-anak niya ang mayor at hepe ng kapulisan sa maliit na lungsod na'to.


Muli inilibot ni Lyon ang kanyang paningin at mas lumapit pa sa akin, nag-iingat siya dahil ayaw niyang may ibang makarinig sa amin, "I think this city has a serial killer and you are the only person who could have seen him."


****


"Lyon isn't this a bit of a stretch? I mean pwede namang coincidence lang mga pagpatay na'to diba?" Tanong ko habang binabasa ang mga newspaper clippings na nakadikit sa kanyang journal. Meron din ditong mga Polaroid photos ng mga crime scenes, evidence at kung ano-anong detalye patungkol sa krimen. Mabuti nalang at wala siyang pictures ng mga mismong bangkay kundi masusuka ako nang wala sa oras.


"Sandali..." Mahinang sambit ni Lyon habang hawak ang kanyang cellphone.


Mula sa 7/11, lumipat kami at nanatili na lamang sa loob ng sasakyan ni Lyon. Mas kampante rin kami dito kasi walang ibang makakarinig sa usapan namin. Sabi rin kasi ni Lyon, classified cases daw ang mga ito. Iniimbestigahan nadaw ito ng mga kapulisan pero ayaw nilang ipagsabi sa takot na baka magkaroon ng mass hysteria o di kaya'y may mga gumaya.


Napatingin ako sa relo ko at ngayon ko lang napansin na alas-nuwebe na pala ng gabi. Sabi ko kay Dale, susunod ako pero ni hindi ko pa nagagawang magpakita doon.


"Sinabi ko na kay Dale na magkasama tayo." Sabi ni Lyon habang nakatuon parin sa kanyang cellphone kaya tumango-tango na lamang ako.


Ilang sandali pa ay napansin kong ngumisi si Lyon. Dali-dali niyang pinakita sakin ang cellphone niya at nagtaka ako nang makitang litrato pala 'to ni Amy kasama ang dalawa pang babae. Facebook pala ni Amy ang binuksan niya at mukhang nangalkal pa siya ng mga litrato.


"And that is?" Tanong ko dahilan para lalo pang mas lumawak ang ngisi sa mukha ni Lyon. Sa pagkakataong 'to, mukhang napaka-excited niya.


"Proof na hindi lang coincidence ang lahat! Tingnan mo ang mga kasama ni Amy sa litratong 'to, sila din yung mga pinatay!" Paglalahad ni Lyon kaya lalo pa akong kinilabutan. Maari ngang tama siya, na konektado ang kamatayan nilang tatlo.


"Gracie, ba't bigla kang namutla?" Tanong ni Lyon na ngayo'y seryoso nang muli ang ekspresyon.


Napahaplos ako sa labi at pisngi ko. Ngayon ko lang napansin na nagsisimula na namang manginig ang mga kamay ko. Umiling-iling ako at pinilit ang sarili kong ngumiti.


"Gracie, may nalalaman ka ba?" Tanong pa ni Lyon kaya napabuntong-hininga na lamang ako. Siguro nga mas mabuting sabihin ko ang nalalaman ko.


"A-amy said she was kind of a bad girl back in highschool but she matured and changed okay?" Hirap akong sabihin ang sikreto ni Amy kaya napabuntong-hininga na lamang ako, "M-may nasagasaan sila ng mga kaibigan niya pero sabi naman ni Amy, tinulungan daw nila at naging maayos naman daw. Pero simula noon nangako si Amy na hinding-hindi na ulit siya magd-drive."


"Highschool sila nang mangyari 'yun diba? Ibig sabihin mga 4 years ago, tama ba?" Kunot-noong tanong ni Lyon kaya tumango-tango ako. Nagulat na lamang ako nang biglang bumaba si Lyon mula sa sasakyan at nagtungo sa backseat. Bumalik siya sa driver's seat dala ang kanyang laptop at aligaga niya itong binuksan.


"Hindi mo ba talaga nakita ang mukha ng pumasok sa kwarto ni Amy? Wala ka bang napansing pagkakakilanlan? Kulay ng balat? Buhok? Pangangatawan o ano?" Tanong ni Lyon habang habang nakatuon parin ang buong atensyon sa kanyang laptop.


"Sinabi ko na lahat sa pulis ang nalalaman ko, wala akong napansing pagkakakilanlan dahil nakatakip ang mukha niya at sobrang takot ako nang mga panahong iyon. Mahirap ring mag-describe ng pangangatawan ng isang tao, mahirap matandaan." Sabi ko na lamang.


Ilang sandali pa, biglang iniharap sa akin ni Lyon ang screen ng laptop niya at ipinakita ito sa akin, "Wala ang pangalan ni Amy sa mga solved hit and run cases... Pero may isa ritong hit and run na hindi pa nalulutas. Namatay ang estudyanteng babae at hindi na nahanap ang mga nakasagasa sa kanya. Maari kayang siya yung nabangga ni Amy?"


Agad akong umiling-iling, "No that's impossible okay? Sabi ni Amy, tinulungan daw nila yung sinagasaan nila at buhay pa ito hanggang ngayon. Amy's my friend and she wouldn't lie to me—"


"Mali ka, Gracie. Handang itago ng mga Kriminal ang kanilang mga krimen. Ganyan ang mga Kriminal, umaastang walang nagawang masama at pilit na kinakalimutan ang kanilang mga kasalanan. Siguro nakonsensya si Amy kaya binahagi niya yun sa'yo pero hindi niya parin magawang sabihin ang buong katotohanan kasi ayaw niyang mabansagan siyang kriminal." Paliwanag ni Lyon at sa puntong iyon ay napaisip ako... May punto si Lyon. Kahit pa malapit kong kaibigan si Amy, hindi ko parin alam ang lahat sa kanya. Ganyan nga talaga siguro ang buhay, akala mo kilala mo na ang tao pero yun pala, hindi pa.


"You hacked into your uncle's record database, isn't that a cime too?" Hindi ko mapigilang mapatanong kay Lyon.


Muli kong nakita ang pagkurba ng ngiti sa mukha ni Lyon, "Pero ginagawa ko 'to para makatulong. Hindi kasalanan 'tong ginagawa ko kaya pagpatuloy mo lang ang pagmamahal sakin."


"May bagyo na naman sa utak mo oy!" Biro ko na lamang sabay pitik ng tenga niya dahilan para matawa siya. Mahal ko nga talaga siguro ang isang 'to. Unang boyfriend ko si Lyon kaya naninibago pa ako sa takbo ng mga bagay pero siguro ito nga 'yon, itong sayang nararamdaman ko sa tuwing kasama siya, nagmamahal na nga talaga siguro ako.


"Pasalamat ka at busy pa ako ngayon." Natatawa niyang sambit habang nakatuon parin ang atensyon sa kanyang laptop. Ngayon ko lang napansin na nakatitig parin ako sa kanya kaya naman dali-dali akong umiwas ng tingin.


"Ba't tumigil ka sa pagtitig sa'kin?!" Pang-aasar niya pa lalo kaya pabalang kong ginaya ang kanyang pagtawa at naglaro na lamang sa cellphone ko.


***


"Gracie..." Tawag sakin ni Lyon.


"O?" Sabi ko habang hindi parin iniaalis ang paningin sa nilalaro ko.


"Tingnan mo muna 'to." Sabi pa ni Lyon kaya napabuntong-hininga na lamang ako at ipinatong sa dashboard ng sasakyan ang cellphone ko.


Humarap ako kay Lyon at ipinakita niyang muli ang screen ng laptop niya. Nagtaka ako nang makita ang isang litrato ng babae at lalakeng magkasama. Siguro magkasintahan sila. Hindi ko makilala ang babae pero pamilyar ang lalake.


"Kilala mo sila?" Tanong muli ni Lyon kaya mariin kong tinitigan ang mga mukha nila.


"Si Isaac 'yan kasama ang babaeng na hit and run." Paglalahad ni Lyon bagay na labis kong ikinagulat. Tama si Lyon, si Isaac nga 'to. Kaklase ko si Isaac sa isa sa mga minor subjects ko, karaniwan lamang siyang tahimik at nasa isang tabi. Ni hindi nga siya halos nakikihalubilo sa amin kaya nakakatuwang makita siyang nakangiti kahit sa litrato lang.


"Akala ko loner siya pero may girlfriend naman pala." Sabi ko na lamang.


Ngumisi si Lyon na para bang excited na naman sa susunod na sasabihin, "Ex-girlfriend niya yan Gracie. Namatay siya matapos ma hit and run at ang masaklap, buntis siya ng mga panahong iyon."


Nanlumo ako sa narinig. Kawawa naman pala ang nangyari sa girlfriend ni Isaac, siguro ito ang dahilan kung ba't hindi na siya masyadong ngumingiti o nakikihalubilo sa iba. Maybe her girlfriend and unborn child's death took a really big toll on him.


"Gracie, Gracie making ka sakin," Isinara ni Lyon ang laptop niya at naging seryoso na siya, "Gracie kung pagbabasehan ang pangangatawan ng lalake kagabi, sa tingin mo si Isaac yung nakita mo kagabi?"


Naiwang nakaawang ang bibig ko sa naring. Masyado atang napakabilis ng lahat, "Lyon, maybe you're going too far with this. You're being impulsive."


Marahang hinawakan ni Lyon ang kamay ko at tiningnan niya ako sa mga mata, "Gracie, oo lang o hindi. Sa tingin mo, maari kayang siya yun?"


Hindi na ako komportable sa tanong ni Lyon kaya napabitaw na lamang ako mula sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang ako at lumabas mula sa sasakyan, "I'm going to grab something to drink. You're going too far. You could ruin someone else's life if you start pointing fingers."


****


THIRD PERSON'S POV


Akmang susundan na sana ni Lyon ang kanyang kasintahan nang bigla niyang mapansin ang cellphone nito na naiwan sa kanyang dashboard.


Napatingin si Lyon sa loob ng shop at nakita niyang tuluyan nang nakapasok si Gracie dito. Nag-aalinlangan man, napakagat na lamang siya sa kanyang ibabang labi at dali-daling kinuha ang cellphone ng dalaga.


"Gracie sorry, kailangan kong gawin 'to." Pabulong na sambit ni Lyon at dali-daling sinuri ang mga numerong nakarehistro sa cellphone nito at sa sobrang tuwa, napasuntok siya sa ere nang makita ang numero ni Isaac dito.


"Yes yes yes!" Gigil na sambit ni Lyon at agad na nagpadala ng mensahe nito gamit ang numero ni Gracie.


To: Isaac

NAKITA KO ANG GINAWA MO KAY AMY. MAGKITA TAYO SA MOONCHILD ELEMENTARY. PAG HINDI KA NAKIPAGKITA, MAGSUSUMBONG AKO.


Matapos maipadala ang mensahe, agad itong binura ni Lyon. Ibinalik niya sa dating kinalalagyan ang cellphone ng dalaga. Muli, ibinaling ni Lyon ang paningin sa kanyang kasintahang namimili ng inumin sa loob ng shop. Kinuha ni Lyon ang cellphone mula sa kanyang bulsa at tinawagan ang isa sa mga kaibigan.


"Ben, alam ko na sino ang pumatay sa girlfriend mo. Huhulihin natin siya ngayon. Magdala ka ng video camera mo, magiging maganda 'to para sa credentials natin at mahuhuli pa natin ang pumatay kay Amy."



END OF CHAPTER 2

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

4M 173K 33
"My name is Maddieson Paredes but everyone calls me Maddy. I'm an 18-year old college student. I go to school by day and I work at a convenience stor...
MORIARTEA By akosiibarra

Mystery / Thriller

4.2M 135K 16
Meet the detectives of the Moriartea Cafe. Cover artwork by @CryAllen
33.8K 236 128
A random poems written for you to read. Highest rank: #46 as of March 11, 2017
141K 4.5K 9
A LoreKi fanfiction (from Project Loki by @AkoSiIbarra) Rank in Fanfiction: Starting point: 06/17/17 - #643 Highest peak: 12/05/17 - #76!! shookt.