Music and Lyrics series. Book...

By MAgapito

5.3K 355 343

Music and Lyrics #2 Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog hulog sayo Hindi alam kung ano ba ang nadudulot dul... More

M's Note.
Kahit Na.
SYNOPSIS
Prologue
KN.01
KN.02
KN.03
KN.04
KN.05
KN.06
KN.07
KN.08
KN.09
KN.10
KN.12
KN.13
KN.14
KN.15
KN.16
KN.17
KN.18
KN.19

KN.11

212 19 16
By MAgapito

Chapter 11


NANATILI akong tulala. Malayo ang tingin. Nakapatong ang siko ko sa lamesa at nakapangalumbaba. Ilang araw na ata akong ganito.

"Huy!" sabi ng isang tao at pumitik sa harap ko dahilan para mapatuwid ang upo ko. Nagulat ako ng mapatingin ako ay nakita ko si Lyra sa may harap ko. Napakunot naman ang noo ko ng makita ko ito.

"Kanina ka pa dyan?"

"Alam mo sana yan kung hindi ka tulala." sabi nito at umupo sa may upuan sa harap ko. "Problema mo?" tanong nito.

Nangalumbaba na naman ako. "Mahirap eh."

Kumunot ang noo nito. "Ano? Sabihin mo baka matulungan kita." nag-aalalang tanong nito at umiling ako.

"Hindi mo ako matutulungan."

"Ano ba kasi yan?"

"Ang hirap. Ang hirap talagang maging isang dyosa." sabi ko at bumuntong-hininga pa ako na agad naman akong binatukan nito.

"Walanghiya ka. Akala ko pa naman kung ano."naiiling na sabi nito. "Luch break na po. Tumayo ka na dyan at kumain tayo sa labas." sabi nito at tumayo na. Nagtungo naman ito sa pinto. Pero bago ito umalis ay may sinabi ito na nagpagimbal sa akin.

"Mukha kang inlove dyan." sabi nito at lumabas na. Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Hindi ha! Hindi ako inlove kay Nike!" bulalas ko na nagpatigil sa akin. Ehh bakit ko sinabi ang name nito?

"Ohh my gosh! Nalilito ang dyosa kong puso! Ikakain ko na lang ito." sabi ko at sumunod na kay Lyra.



"I'M BORED." sabi ko sa kawalan habang nakatingin sa ceiling ng opisina ko. Nakatingin lang ako. Pumikit ako. Sa pagdilat ko ang nakangiting mukha ni Nike ang nakita ko. Marahas akong umiling at pumikit ng mariin.

Ang aga pa para bangungutin ako.

Pagdilat ko ay mukha pa din ni Nike ang nakikita ko.

"Binabangungot nga ako." sabi ko at napailing-iling. Bigla naman tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko naman ay ang ate ko ang tumatawag. Agad na sinagot ko ito.

"Hello! Dyosang Tami speaking." sagot ko.

"Tamarind!" panic na tawag nito. Napakunot naman ang noo ko. Tinatawag niya ako sa name ko.

"Why Ate Karel? Anong kailangan mo sa dyosa mong kapatid?" tanong ko at nagflipped pa ng buhok.

"Tami, please. Punta ka dito. As in now na!" panic na panic na sabi nito. 

Okay. Mukhang emergency nga.

"Okay. The dyosa is coming na." sabi ko at binaba na ang tawag. Nagbilin naman ako sa assistant ko at umalis na.



NANDITO na ako ngayon sa classroom kung saan nagtuturo si Ate Karel. Pre-school teacher kasi ito.

"So ayun nga... pwede bang ikaw na ang gumanap na Belle? Please?" pakiusap nito sa akin. Ngayon sana ang play para sa mga bata kaso ang mga performers ay hindi makakapunta lahat. Dala ng nakakain sila ng panis at ngayon lahat ay may LBM.

"Okay. Kalma Ate Karel. Gagawan ko ng paraan." sabi ko naman dito. Lumabas ako at tumingin sa contacts ko. Naisip ko si Lyra kaso nga ay nasa trabaho ito ngayon. Bigla ko naman naisip si Nike at ang secretary nito.

Hmmm...

Agad na tinawagan ko ito. Matapos ang ilang ring ay sinagot naman nito.

"Hello, Panda?" sagot nito na nagpabilis agad ng tibok ng puso ko.

Heart attack to.

Tumikhim muna ako. "Hello Nike. Busy ka ba? Pwede bang mag-ask ng help?" straight to the point na sabi ko.

"Sure. Ano ba yun?"

"Ganito kasi..." sabi ko at pinaliwanag ang situasyon dito.

"Ganun ba? Sure. Akong bahala. Text mo lang ang address. Tapos punta na kami dyan." sabi nito at tinapos na ang tawag. Agad na nilagay ko sa dibdib ko ang phone ko.

Ayiee. Magkikita kami ni Beast.




LAHAT kami ay napanganga. Aba walanghiya tong si Beast. Puro artista ata ang kinuha! Lahat gwapo. Walang itulak-kabigin.

"Ayy Panda. Pasensya na at sila lang mga natawagan ko na pwede eh." nahihiyang sabi nito at pakamot-kamot pa sa batok.

"O-okay lang." sabi ko at napakunot noo. Parang nakita ko na kasi sila. Hindi ko lang maalala.

Naramdaman ko naman na parang may humatak sa akin palayo.

"Hoy Tamarind! Sabi ko hanap ka ng sub. Puro artista at modelo naman mga kinuha mo eh." sabi sa akin ni Ate Karel. Tumingin na naman ito sa mga kasamani Nike.

"Ate Karel, believe me. Hindi ko din alam." mahinang sabi ko at bumalik na kami.

"Uhmm. Pwede ko bang malaman kung sino sila?" magalang na tanong ni Ate Karel.

"Hello po. Ako nga po pala si Nike. Ako po yung gaganap na Beast." sabi ni Nike. Lumapit naman si Ate Karel at kinurot ang mukha ni Nike at humarap sa akin.

"Infairness Tami, ang galing ng prostethics nito. Mukhang tunay." manghang sabi nito.Agad na hinablot ko palayo si Ate Karel at bumulong dito.

"Totoo yan Ate! Walang make-up at prostetic yan!" mariing bulong ko. Gulat naman na napatingin sa akin ito.

"Seryoso?" di makapaniwalang sabi nito at lumingon kay Nike. Tumingin naman ako kay Nike na nagtataka at hinihimas-himas ang pisngi nito. Tumango ako. Humarap na kami sa kanila.

"Sabi ko nga ikaw ang the best na gumanap para sa role." nakangiting sabi ni Ate Karel dito.

"Thank you." nakangiting sabi ni Nike. "Ipapakilala ko lang mga kasama ko."

"I'm Bruno. Secretary ni Nike at gaganap na human bago siya maging beast."

"I'm Kiefer. Dakilang extra number one."

"I'm Steele. Dakilang extra number two."

"I'm Neo. Ako nga pala ang feather duster." pakilala nito at mula sa likod nito ay isang batang cute cute ang nagpakita. "And this is my son, Naruto." pakilala nito sa akin na nakacosplay din ng batang Naruto. "Narinig kasi niya na may play daw at mga ninong niya ang gaganap. I hope you don't mind na makinood siya." nakangiting sabi nito na sinag-ayunan naman ng lahat.

 "I'm Eoin. Ako yung gaganap na batang tea cup."  

"I'm Erskin. Ako yung mother nung batang tea cup."

"I'm Dunk. Ako yung kandila."

"I'm Tanner. Ako ang gaganap na Gaston." pakilala nitona nagpakilig sa mga teacher. Sikat na modelo kasi si Tanner Macego.

"I'm Kaleb. Gaganap na fairy chuchu."

"I'm Grigio. Alalay ni Gaston."

"Ako ang gaganap na father dear ni Belle. And I'm Ne---"

"Ohh Nev. Anong ginagawa mo dito?" biglang dating ng kung sino. Tinignan ko naman si Ate Karel. Bumulong ito sa akin.

"Siya ang principal." bulong nito.

"Magkakilala kayo Nev?" tanong ni Nike dito. Tumango naman ang huli.

"Jean. Kaya pala sabi ko pamilyar yung school. Itong sa'yo pala." sabi nito.

"Sino sila?" tanong ni Nike. Nagulat naman si Jean ng makita ito. 

"Aba ayos tong nakuha niyong gaganap. Nakamake-up na agad." komento nito ng makita si Nike samantalang si Nike ay napakunot naman ang noo.

"Make-up?" -Nike.

"Sorry nakalimutan kong magpakilala." agad na hinging paumanhin nito. "I'm Jean. Jean Barlaan. The head principal at ang may-ari ng First Steps Learning Center." pakilala nito. Nakipagkamay naman agad si Nike. 

"Ako nga pala si Nike. Friend ni Tami. Kami ang tutulong para sa play." sabi nito at nakipagkamay. 

"Paano nga pala yung play? Kaya niyo kaya yung scripts? Don't worry about the costumes. Naipadala ng mga artist kanina. Tignan na lang muna kung kasya tapos kung hindi, gawan na lang natin ng paraan."

"Ayy about dun sa costumes, natawagan ko na si Sir Orlan. Ipapadala na daw niya sa atin mga kailangan natin." sabi naman ni Bruno at dahil sa sinabi nito ay lihim akong napapitik.

Kaya pala familiar sila. Sila yung mga bisita ni Sir Orlan nung kasal nito. Teka, kaibigan at kakilala ni Nike si Sir Orlan?

"Okay. Ibibigay ko na lang yung scripts. Para makapagrehearse na lang tapos pag nakalimot na kayo, i-adlib niyo na lang. I'm pretty sure na alam niyo naman ang kwentong Beauty and the Beast." sabi ni Maam Jean sa amin. Tumango naman kami. Nagring ang cellphone nito. "Excuse me at sasagutin ko lang." sabi nito. "Hello bff Angge?" sabi nito at lumabas na.

"Angge?" simpleng sabi ni Dunk.

"Okay. Guys. Be serious. Gagawin natin ito para sa mga kids, okay?" seryosong sabi ni Nike sa mga kaibigan nito habang nakapamaywang pa. Nagtaasan sila ng kamay. 

"Aye Aye Sir!" sabay-sabay nilang sabi at seryoso na silang nagbasa ng scripts. 

Naku sana lang talaga maayos to.




KINAKABAHAN ako. Although sanay ako sa mga ganito kasi well, alam niyo na. Dyosa nga kasi ako kaya madalas akong kunin na leading lady tapos muse pa. Tapos pinanlalaban pa sa mga beauty contest kaya hindi na naman ako gaanong naiilang sa ganito.

Pero ngayon naiilang ako. Siguro dahil kasama ko si Nike. At speaking of Nike. Grabe. Walang kahirap-hirap na nilagyan pa ito ng make-up. Nagpalit lang siya talaga ng damit.

Nagsisimula na ang play. Seryosong nanonood ang mga bata. Katatapos lang ng part na sinumpa na si Prince.

"Awww. Ang gwapo gwapo ni Prince!" lahat na sabi ng mga babae. Bata at matanda.

Ngayon naman ay eksena ko na.

"Father, hahanapin kita. Kahit nasaan ka pa." drama ko. Lumapit naman sa akin si Tanner.

"Ohh Belle. Ako na ang bahala sa'yo. Wag ka ng pumunta dun at sumama ka na sa akin." nang-aakit na sabi nito. Juice colored sa gwapo at macho nito baka mas piliin ko na din ito kesa kay Beast!

Pero hindi! Kay Beast pa din ang tibok ng aking dyosang heart!

"Sorry Tanner--- I mean Gaston. Kailangan kong puntahan si Papa." sabi ko at sumakay na sa carriage na nakahanda na ang kabayo ay ang kambal.

"Mommy ang pogi naman nung horses." sabi ng isang bata.

"Oo nga anak. Saka baka si Gaston na lang ang piliin ko." bulong pa nito. Lihim naman akong natawa.

Talande nung mag-ina.

Nakarating na ako sa castle. Tulad ng sa eksena ay pumunta ako sa may underground.

"Father, tutulungan na kita."

"No, Belle. Run and leave me." sabi ni Father sa akin. Dun naman dumating ang nakatagong si Beast. 

"Gusto mo bang makaalis ang Papa mo?"

"Yes!"

"Then you will stay here!" sabi nito.

"Okay." sabi ko. Pinakawalan nito ang aking ama.

"You, old man. Leave!" sigaw nito. Umalis na si Papa at sinakyan ang dalawang kabayo.

"Fuck wag mo akong daganan, Nev!" mahinang bulong ng isa sa kambal na agad na binatukan nito ng kakambal.

"Don't say bad words, Kiefs! May mga bata!" mariin na sabi ng isa at umalis na sila.

"Sino ka? Magpakita ka." nanginginig na sabi ko at mula sa likod ng kurtina ay lumabas si Nike.

"Ako si Beast!" nakakatakot na sabi nito.

"Waaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!!! Aahhhhhh!" tili ng lahat at may mga umiyak pa na mga bata na ikinagulat pa ni Nike. Pasimpleng bumulong ito.

"Hala mali ba sinabi ko?" takang tanong nito. Umiling ako.

Hindi. Sadyang nakakatakot ka lang.

"Tuloy na natin yung play." bulong ko. At tinuloy na namin ang play. Ngayon ay nasa part na kami na kakanta at sasayaw ang mga bida.

"Ito na ang paborito kong part. Kakanta na!" masayang sabi ni Eoin.

"Hindi ka kakanta. Matutulog ka." sabi naman ni Erskin dito.

"Bakit? Gusto ko yung kanta nila!"

"Si mother tea cup ang kakanta. Hinehele ka lang. Kaya utang na loob, mas nakakatakot pa kay Beast ang boses mo kaya shut up ka lang." sabi ni Erskin na nagpanguso lang kay Eoin. Play na kami ng music.

Dahan-dahan kaming naglakad palapit sa isa't-isa ni Beast. Infairness kay Beast, nakacostume na itong Prince. Pero beast pa din ang mukha nito. Ngumiti naman ito sa akin na naging dahilan para tumumbling ang puso ko.

Habang tumatagal ay pakorni na ng pakorni ang mga sinasabi ko.

Nilahad nito ang kamay na tinanggap ko naman. At kahit nakagloves ako, dama ko ang init at ang kuryente na dumadaloy sa akin. Nilagay ko ang kanang kamay ko sa kaliwang balikat nito. samantalang magkahawak ang kaliwang kamay ko at ang kanang kamay nito. Nilagay naman nito kaliwang kamay nito sa bewang ko. Nagsimula na kaming sumayaw.

Sa paligid namin ay tinatapatan kami ng spotlight nina Nev at Neo. Sinasabuyan kami ng mga rose petals nina Dunk at Kaleb. Nagpapay din sila Kiefer at Steele sa kabilang gilid namin. Naglilip-sinc pa din si Erskin at tinatakpan ang bibig ni Eoin na gusto din kumanta. Nanatiling nakatingin lang ako kay Beast.

Oo alam ko na stage play lang ang lahat. Pero pakiramdam ko kasi... ako talaga si Belle. At siya ang Beast ko.


==============

-M

Continue Reading

You'll Also Like

169K 9.3K 41
Phantom Academy was a prestigious school for the elites. Everything was in order not until a mysterious game emerged, which lies beyond their phones...
557K 29.8K 44
2017 WATTY AWARDS WINNER (THE STORYSMITHS) (Stay Awake #1) What would you do if the whole world falls asleep? After a night spent drinking with frien...
571K 20.9K 40
(Highest rank achieved #1 in Science Fiction!) Akala mo isa kang normal na teenager na naninirahan sa mundong ito. Akala mo kilala mo na ang buong pa...
532K 13K 33
I am Selene. The daughter of the moon. #1- Werewolf - July 15, 2019 #5- Fantasy - May 13, 2020