Kyle POV
Maaga akong nagising. Pupuntahan ko yung Tita ni nobody. Tulad ng sabi ko kagabi, malilintikan sila sakin. Masyado nilang binibigyan ng problema ang baby ko. Tch.
Tumingin ako sa kama. Kakatapos ko lang kasi maligo. Tulog na tulog pa ang baby ko. Diko na sya gigisingin. Madami yan tanong eh. Ayokong malaman nya na pupuntahan ko tita nya.
Nag-iwan nalang ako ng note sa side table. Mababasa naman nya yan.
Ayos nako. Pumunta muna ako sa kama then I kiss her cheeks and stared a little on her face.
Wala talagang kasingganda ang baby ko. Sya lang ang laman ng puso ko at sya lang ang pwedeng mag-may-ari sakin.
Aalis nako. Sa lahat ng mga taong susubukang guluhin ang pagsasama namin ng baby ko, magtago na sila sa pinakailalim ng lupa dahil ako ang makakalaban nila.
--
Charisse POV
Natutuwa ako nung malaman ko kay Mama na kinausap na pala nya si Chelsea. Yes! Hindi naman yon makakatanggi kay Mama eh. Hello? Ang laki kaya ng utang na loob nya.
Andito ako sa may karenderya namin sa harap ng bahay. Nakaupo. Kagabi nag-sample ako ng suicidal act. Kasi naman para maniwala si Mama na kaya ko magpakamatay kung di nila susundin gusto ko. Psh.
I really want Kyle. I love him at gusto kong ako ang pakasalan nya.
Nakuha ang atensyon ko ng kotseng pumarada sa harap ng bahay namin.
Teka nga..
O_O
Kilala ko ang kotseng yun ah!
Hindi ako maaaring magkamali. Kay..
O_o
Si Kyle bumaba mula sa kotse. Ohmy! He's really here. Andito kaya sya para alukin nakong maging girlfriend nya? Kinausap na sya ni Chelsea? Waaaa. You're mine now Kyle.
Talagang pinuntahan pa nya ako dito sa bahay namin. Grabe. Bigla ko inayos buhok ko bago lumabas ng kalsada.
Ang gwapo nya talaga!
"Excuse me." Sabi ni Kyle.
Waaaa! Sobrang gwapo talaga as in.
"Y-Yes?" Pa-cute kong tanong.
"Saan ko makikita si Mrs. Yolly?" Tanong ni Kyle.
O_O
Hinahanap nya si Mama? Ano yun? Mamamanhikan agad sya? Boyfriend/girlfriend lang naman ang hiniling ko sa kanya. Grabe lang ang lakas pala talaga ni Mama kay Chelsea.
"Ahm, wala kasi sya. Pero ako yung anak niya."
*o*
Yii. Nakakakilig naman.
"Ikaw ba yung Charisse?"
O_O
Waaa. At talagang alam nya pangalan ko? I'm gonna die. Hindi nako epic fail this time! Waaa. Tumango ako. "Oo ako nga!"
"Mag-usap tayo." Sabi ni Kyle tapos hinila ako pasakay sa kotse nya.
O_o
Grabe. Possessive na boyfriend ba si Kyle? Ang sweet nya! Hinawakan nya braso ko! Ohmy talaga! Hindi ako maliligo mamaya. Waaa hindi ko babasain braso ko. May touch of Kyle na'to!
Nang makasakay kami dito sa kotse nya, humarap sya sakin.
O_o
Hahalikan ba bya ako? Waaaa. Grabe talaga magpakilig si Kyle.
"Binabalaan kita Miss. Isa pang panggugulo samin ni Chelsea, buong pamilya mo ang sisirain ko. Kung may gusto ka man saki, pasensya pero may asawa na ako at ikakasal nako. Wag na wag mong gagamitin ang utang na loob ni Chelsea dahil dyan sa kahibangan mo."
O_o
Bigla ako kinabahan. Teka akala ko andito sya para maging boyfriend ko na? Fail ba ulit?
"Hindi ko kinatutuwa ang ginagawa mo sa sarili mo para lang makuha ang gusto mo. Yang bahay nyo, yang karenderya nyo, yung trabaho ng Papa mo, lahat yun kaya kong alisin sa inyo. Kaya sinasabi ko sayo wag na wag mo ng guguluhin pa si Chelsea lalo na ngayon na buntis sya."
O_O
Buntis si Chelsea? Wala akong alam. Hindi tuloy ako makapagsalita. Natatakot ako sa tingin ni Kyle. Pati yung mga sinasabi nyang pagbabanta.
"Wag na wag moko susubukan. Konting move lang, kaya kong sirain ang lahat ng meron kayo. Hindi ko ia-accept ang fact na naging pamilya din kayo ni Chelsea. Wala nako pakialam tungkol don dahil ang tanging mahalaga lang sakin ay ang mag-ina ko."
Galit na galit mata ni Kyle. Natakot ako sa kanya. Kaya nyang sirain ang pamilya ko. Natatakot nako. Parang ayoko ng gumawa ng kalokohan. Parang gusto ko na silang hayaan ni Chelsea.
"H-Hindi.."
"Talagang hindi na. Dahil warning na'to. Sa susunod, matakot kana sa maaaring mangyari sa pamilya mo. Now, get out on my car."
Nanginginig ako. Natatakot ako. Seriously, ngayon lang ako natakot ng sobra sa isang banta.
Mabilis akong bumaba ng kotse ni Kyle at mabilis pa sa alas kwatrong umalis yon.
Parang diko na kayang guluhin sila. Isa pa, buntis na pala si Chelsea. Hindi ko naman alam. Nakonsensya ako bigla. Parang ayoko na. Ayoko na sila guluhin pa.
--
Chelsea POV
Nagising ako ng wala si Kyle sa tabi ko. Nakita ko naman yung note sa side table.
Binasa ko.
Baby ko,
Sandali lang ako, just wait for me. Wag kang masyadong magkikilos. That's an order from your KAMAHALAN. I love you.
>//<
Namiss ko yung tawagan namin. Yung kamahalan tawag ko sa kanya tapos sakin, nobody.
Nakakatuwa lang. Haha. Ngayon kasi ako na ang kamahalan nya. Haha.
Natatawa-tawa pako nang biglang bumukas na ang pinto at iniluwa niyon si Kyle.
"Gummy bear!"
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?"
-_-
Sungit naman. Kakadating lang wala man lang kiss? Psh.
"Wala po."
"Tch."
-_-
Ang sungit talaga. "Ang sungit mo."
"Malay ko ba kasi kung ano nginingiti-ngiti mo dyan. Baka may ibang lalaki kang iniisip bukod sakin."
-_____-
Tumabi sakin dito sa kama si Kyle. "I love you baby ko." Then he kiss me.
-_____-
Moodswings. Sungit tapos sweet. Bipolar talaga.
"Saan ka galing?" Tanong ko.
"Wala. May inayos lang ako baby ko." Sagot nya. "Gutom kana?"
"Medyo." Sabi ko.
"Papalit lang ako damit tapos baba na tayo sa kusina para makakain na tayo. Okay?"
Tumango ako. "Opo gummy bear."
Ayun pumunta na syang CR.
Nagcheck muna ako ng facebook sa iPad ko.
Status ni Yumiko ang sumalubong sakin.
Yumiko Hayashi Calling the attention of all my close friends. Punta kayo sa Abellano's Mansion. Nag-propose na sakin si Lance Abellano kaso walang ka-sweet-sweet. Haha. Pero serioulsy, maghapon tayong party. Hintayin ko kayo!
Like • Comment • Promote • Share
Pinky Jhewelii, Chelsea Torrecampo, Katelyn Caristea, Jeen Amicah Cabarles and 2,952 others like this.
Lance Abellano Tch! Hindi pa ba yun sweet sayo babe?
James Abellano Yow! Party party.
Adrian Buenavista Kelan pa naging sweet si Lance? Haha
Luke Palermo Kung ako magpo-propose sayo Yumi, siguradong kikiligin ka.
Lance Abellano Yung nasa taas nitong comment ko, handa na yatang mamatay -_-
Fancy Jewel Abellano Haha Reid is not so sweet naman talaga. Yumi, it's better if you not make tanggap his proposal.
Luke Palermo Sorry boss XD
Yumiko Hayashi Psh
Janna Ruiz Pupunta ako!
Oliver Ynarez Maya-maya ako. Nagluluksa pa ako. Patay na ang puso kong nagmamahal kay Yumiko T_T
Lance Abellano Isa pa yang nasa taas ng comment na'to, handa na din yan mamatay -_-
Ken Sarmiento Hahahaha
Lyndon Martinez Goodbye Luke at Oliver!
Yumiko Hayashi Manahimik na kayo dyan. Pumunta na kayo dito. Psh!
-_____-
Ang kukulit talaga nila. Pero ang cute naman. Kahit mag-fiance na yung dalawa, may proposal pa din. Waaa gusto ko din!
Ayyy! Nagpropose na nga pala si Kyle nung engagement party. Hehe.
"Baby ko tapos na." Sabi ni Kyle na kalalabas lang ng cr.
"Pupunta tayo sa Abellano's Mansion." Sabi ko.
"Ano naman gagawin natin don?"
Psh. "May party daw maghapon. Invited tayong mga close friends. Nagpropose na daw si Lance kay Yumi!" Masiglang sabi ko.
"Ah."
-____-
Ang haba ng sagot. "K." sabi ko naman.
"Wag na wag ka nga sasagot sakin ng isang letter lang!" Reklamo ni Kyle.
"Ikaw nga dalawang letter lang!" Sabi ko. Kasi yung kanya, 'Ah' lang sagot.
"At least dalawa! Basta more than 1, madami na."
-____-
"Oo nalang Kyle. Ano tara?"
"Tch. Para namang papayag kang hindi pumunta. Sige. Magbihis kana. Ako din. Bibihis ulit."
^_^
"Okay!" Waaaa gusto ko na kasi ulit magparty eh. Masyado na kasi mahigpit sakin si Kyle. Wala nakong social life.
Magbibihis na nga ako. Si Kyle sa CR nagbibihis.
Tatayo na sana ako ng..
Tenenenenennen!
?_?
Sinong magtetext? Ah baka sina Janna.
I check my phone.
From: 09051234567
Hi Miss Chelsea. The moment I first saw you, it was like I want to own you. I will do everything to make you mine. Don't be afraid. I'm just a boy who's madly in love with you..
-end-
O_O
Who the hell is he?
**
A/N: Hohoho! Merrryyyyyy regalo! Hahaha.