Chapter 2 ♥

919K 17.9K 5K
                                    

Chelsea POV

Andito kami nina Adrian, Lance at Janna sa condo ko. Dito kami nag-aayos para sa welcome party ni Kyle later at 7 pm.

Excited ako na kinakabahan. Siyempre, after one year, ngayon ko lang ulit siya makikita. Hindi ko na sya ma-stalk nun sa FB kasi pinagbawalan ako nina Adrian. Matuto daw akong maging matatag.

Di ko naman sila masisisi. Alam kong concern lang sila sakin.

"Ready na'ko!" Excited na sabi ko.

Makadilat naman ng mata yung dalawa. "Bakit ganyan kayo makatingin? Hindi bagay?" Nalungkot ako bigla. Pinaghandaan ko pa naman 'tong suot ko at ayos para pag nagkita kami ni Kyle, makita niya yung sinayang niya.

"Perfect." sabi ni James

"Gorgeous." sabi naman ni Adrian

"Ang ganda ganda mo talaga best!" Sabi ni Janna. "Ang galing ko talaga mag-train."

Sino pa nga ba ang nagturo sakin mag-ayos? Si Janna lang. Hehe. Pero natuwa na'ko sa sinabi nina Adrian at James. Perfect and gorgeous daw. Ayeee!

"Masyado mo namang pinaghandaan ang pagdating ni Kyle." Reklamo ni James.

I smiled at him. "Syempre."

"Hindi ko pa rin sya hahayaang makalapit sa'yo hub." Sabi ni Adrian.

"Kayo talaga, masyado kayong protective. Kaya ko sarili ko. Diba nga na-train na'ko ni Janna?"

"Yeah right!" Nakangiting sagot ni Janna.

Matatag na'ko ngayon. Matapang. Kaya kong tiisin si Kyle para naman magsisi siya sa ginawa nya sakin nun. Sa ginawa nyang pang-iiwan. Gusto kong magdusa din sya tulad ng pagdudusa ko dati.

Dapat lang yun. Hindi ko deserve ang masaktan dahil in the first place, wala naman talaga akong kasalanan. Mahal na mahal ko nga sya eh.

Pero wala eh. He didn't trust me. Kung mahal niya ko dapat may tiwala siya sakin. Isa pa, dapat marunong din siyang makinig sa explanation ng ibang tao hindi yung basta nalang sya nagko-conclude.

Sisiguraduhin kong makakakilos ako ng normal at natural kahit kaharap si Kyle.

"Uy hub 'lika na. Natutulala ka na dyan."

Napapitlag ako. Masyado ng malalim ang iniisip ko. "Okay. Let's go."


Kyle POV

Andito na lahat ng tigers maliban kay Adrian at Lance. Si nobody wala pa din.

Aminado naman ako na inaabangan ko talaga sya. How I missed her. Gustung-gusto ko syang makita. Pero hindi ibig sabihin nun, napatawad ko na sya. Niloko pa din niya ako at hanggang ngayon diko yun matanggap.

"Brad, kayo na ba talaga ulit ni Mandy? Sabi nya kanina." Si Ken.

Umiling ako. "I'm single."

"Pero sabay kayo umuwi galing Korea diba?" Tanong ni Jerome.

"Yeah. I'm just enjoying her company." Sagot ko.

Burado na nararamdaman ko kay Mandy kaya bakit ko siya gagawing girlfriend ko? Tch.

"Ang tagal naman ni Adrian." Sabi ko. Syempre na-miss ko din yung ugok na yun. Close friend ko yun.

"Medyo busy na rin kasi yun Kyle kasi part-time model na siya ngayon eh." Sagot ni Ken.

I didn't know na model na si Adrian. Umaasenso ang kumag.

"Talaga lang?" Sabi ko. Di kasi ako makapaniwala.

MPMMN 2: Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon