That Forbidden Love (TFL SERI...

By daddios

10.9K 250 6

Zanea fell in love with Paul, which later on known to be her cousin. She tried her best to move on. They move... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 6

273 12 0
By daddios

CHAPTER 6


Mom is eyeing me from my reflection in the mirror. Nakaramdam ako kaagad ng kakaiba sa dibdib ko. It's the very rare feeling I'm getting when my mom is giving me her very rare concern look. Pero hindi negative side ang sinasabi ko about concern look. She's always been concern of me pero ang tingin niya ngayon ay para bang nalulungkot siya na kailangan na niyang i-let go ang nag-iisa niyang anak sa lalaking pakakasalan nito. I laughed at my own thoughts. But it's the very simple words that could explain how she looked at me.


"Mama?" Tawag ko. Nakatingin lang din ako sa repleksyon niya sa salamin.


Lumapit siya sa akin at nag-stay sa likod ko. Nakikita ko pa rin ang mukha niya sa salamin. Doon kami nagkakatinginan. "I have always known that even you're still young, someone will come in to your life. I just really didn't expect it to come this early."


Napakunot ang noo ko. Naguguluhan na naman ako kay mama. I suddenly looked at myself in the mirror. Sinoot ko na agad ang champagne lace dress na isosoot ko para sa acquaintance party. Dad will bring me to Mia's house dahil doon ang napag-usapan naming meeting place at doon kami aayusan ng team na ipapadala ni Ms. Veronica.


This dress is really way different from the one I wore last year. Pinili ko ang pinaka-simpleng dress na sa tingin ko ay babagay sa akin na walang confidence sa pagsosoot ng mga eleganteng damit. Of course, I am always a fan of elegant parties because of their stunning ball gowns and dresses but I couldn't fit in well in such events. I came from a mediocre family and experiencing an elegant party is just part of me being a student. Hindi kami katulad ng iba na sanay sa mga ganitong formal and casual parties na palaging imbitado. If there's still division existing in this world, I could obviously say we are in the middle. Because that's the truth.


Hindi ko lang alam kung lahat ba ng magulang ay katulad ng mga magulang ko. Hindi sa nagrereklamo ako pero araw araw akong nakakatanggap ng parang malamig na trato kay mama na para bang ang turing niya sa akin sa tuwing pinapangaralan niya ako ay isa sa mga mahihina niyang estudyante. And this side of her I'm seeing right now? It's a very rare scene I see.


"Mama?" Tawag ko ulit na para bang gusto ko siyang gisingin mula sa isang bangungot.


"Alam ko nagsasawa ka na sa araw araw kong panenermon sayo. But I'm doing all of this for you. I know you understand."


"Ma, I always understand. And as always pakikinggan ko po kayo."


"Lucas... He seem serious about you but you are both so young to know what true love is. Alam ko marami pang nagkakagusto sayo at may magugustuhan ka rin pero may tiwala ako sayo na hindi mo pababayaan ang pag-aaral mo, na uunahin mong isipin ang magiging future mo kaysa ang mainvolve sa love na maaari ka lang saktan."


Gusto kong tumawa dahil kahit isa ito sa pinaka-madalang na hitsura at kilos ni mama ay hindi pa rin nawawala ang paalala niya. I think that what makes a woman a mother. She will always think of her child first. She will always think of how bright her child's future can have. That behind those words is a caring and loving mother.


Akala ko ay iiwan na niya ako doon pero may kung anong bigla siyang hawak sa kamay na hindi ko man lang napansin na hawak hawak pala niya. Sinoot niya ang makintab na kwintas sa leeg ko at tumingin ulit sa repleksyon ko sa salamin. Napakaganda ng kumikinang na kwintas. It was a silver necklace with a heart-shaped pendant. Hinawakan ko ang pendant at pinakiramdaman sa aking daliri ang nagniningning na bato sa gitna nito. I think this will match my dress at hindi ko na kailangan pang maki-agaw sa mga accessories mamaya kina Mia at Raizen.


"Saan po 'to galing, ma?" Tanong ko habang hawak pa rin ang kwintas.


"Your dad gave it to me when we're having our first dance,"


Para akong batang kinilig sa maiksing kwento niya. "Ang sweet po pala talaga ni papa."


Ngumiti si mama. "He's sweet that you'll never expected him to be." Hinalikan ako ni mama sa ulo.


"Susunduin ka ng papa mo mamayang 12 midnight. Uuwi muna kayo rito at bukas na ng umaga pupunta sa lola mo, okay?"


And with that, bumalik na ang dating mukha ni mama sa tuwing sinesermunan niya ako ng mga paalala. She's been strict and always will be.


"Opo, mama." Sabi ko.


Pagkatapos kong mag-ayos, sinoot ko na ang 2-inch heels ko na halatang hindi ako sanay gumamit nito. Maliit lang ako pero hindi ako maghihiling na magsoot ng 3 inches na heels kung alam kong matatapilok lang ako. Atleast sa 2 inches ay kaya kong i-manage ang posture at balance ko habang naglalakad ng dahan dahan.


Nakita ni papa kung gaano ako kabagal maglakad. Natawa siya nang tingnan ang paa ko.


"Wala ka pang make-up pero ang ganda mo na." Aniya saka niya kinuha ang kamay ko upang ipalupot sa kanyang braso.


Nilingon ko siya. He'll always be my first everything. "Dapat po yata mag-sandals na muna ako para komportable." Hindi ko pinansin ang pagpuri niya.


"You'll be comfortable in time. Trust me." With that, I know I should trust him. Kahit anong sabihin niya, maniniwala at magtitiwala ako.


Nagpaalam na kami kay mama at hinatid niya kami sa labas kung saan naka-park ang kotse. Pinagbuksan ako ni papa sa front seat. Bilang na bilang lang din ang pagkakataon na makakatabi ko si papa habang siya ay nagda-drive. Syempre palaging sa likod ang pwesto ko dahil dito si mama.


"Pa, why are you so cool?" Tanong ko habang nagbabiyahe kami.


"What do you mean?" Ngumisi siya.


Napailing ako at lumingon sa kawalan. "Kasi po sa mga nababasa at napapanood ko, ang ama ang siyang pinaka-strict pagdating sa anak niyang babae. Pero ikaw, parang gusto mo na akong ipakasal e." Tumawa ako.


Narinig ko rin ang mahinang tawa niya. "It's not like that. Of course I'm not in the right mind kung kani-kanino lang kita ipagkakatiwala. Dads will always be protective to their daughters especially when it comes to love. Pero gaya nga ng sinabi mo, I'm cool."


Lalo akong natawa. Hindi na ako nagtanong pa. Alam kong kahit gaano ka-cool si papa, sobrang protective pa rin niya sa amin ni mama. Siya 'yung lawyer by profession outside but a dad at home. Kahit gaano siya ka-busy, he'll spend his free time with us.


Nakarating kami sa bahay nina Mia. Naaninag ko na rin ang Range Rover ni Lucas. Malamang ay ako na lang ang hinihintay nila.


"Is that Lucas' car?" Turo ni papa sa itim na sasakyan.


"Opo."


"I'm never wrong about how cool he is." Turan niya.


Hinalikan na ako ni papa at bumaba na ako ng kotse. I waved goodbye nang umikot na siya paalis. Humarap naman ako sa nakabukas na gate. Nasa labas pa lang ako ay naririnig ko na ang tawanan nila sa loob.


Pinihit ko ang pintuan at nakita ko sina Mia at Raizen na inaayusan na ng dalawang babae.


"Zanea, come here." Tawag ni Ms. Veronica nang makita ako. Umupo ako sa chair na nasa tabi niya. Mukhang siya ang mag-aayos sa akin.


"You look so beautiful, Zan." Narinig kong sabi ni Lucas na nagpainit sa pisngi ko.


Sumipol si Patrick. "Isa kang dakilang hokage!" Tawa niya.


"Wait until she's done." Nakangiting sambit ni Ms. Veronica.


Nilagyan na niya ng kung ano-ano ang mukha ko. Pumikit ako, tumingin sa taas, tumingin sa baba, ngumanga gaya ng utos niya habang inaayusan ako. Nakatingin lang ako sa repleksyon ko sa salamin habang ginagawa niya ang pagme-make up sa akin na para bang napaka-professional sa ganitong gawain. Well, she is.


"I like your necklace. It suits your dress, your face, it's simple. And I know you want to be just simple so I'll make you elegant behind being simple." Sabi ni Ms. Veronica.


Nagtaka ako. I know that simplicity is beauty pero elegant behind being simple? I think she's a goddess to do that.


Sunod niyang inayos ang buhok ko. Ang sabi niya, ibe-braid lang niya ang mahaba kong buhok para bumagay sa pagiging simple ng ayos ko. Hindi ko alam kung anong tawag sa braid na gawa niya. Unlike Raizen and Mia, curls ang ginawa sa kanilang buhok. And as I looked at them, nakaramdam ako ng pagkamangha at kaunting pagka-inggit. How could they be so beautiful? Sa aming tatlo, ako ang pinaka-huli.


"Done!" Masayang sabi ni Ms. Veronica.


Muli kong nilingon ang sarili ko sa salamin. Nalaglag ang panga ko. Sino 'tong nasa harap ko? Ako ba talaga 'to? Paano niya nagawang hindi ko makilala ang sarili ko pero nakikita kong ako pa rin naman ito? Ang hirap i-explain pero nakita ko ang elegance behind being simple sa salamin.


"I will confidently accept defeat against her of being the star of the night." Dinig kong sabi ni Mia.


"Yeah. What can we expect from her hidden beauty?" Sang-ayon naman ni Raizen.


Dahan dahan akong lumingon sa kanila. They were all looking at me intently. Saka ko napansin ang ngising sumilay sa mga labi ni Paul. Naramdaman ko ang pagka-blush ko.


"You're beautiful, Zanea. You just lack confidence." Napalingon ako kay Ms. Veronica. "Just think and feel that you're the most beautiful lady."


"Isn't that being conceited?" Tanong ko.


"No. It's appreciating your own beauty." Aniya. "Umalis na kayo, I'm sure you don't like to be late at the party."


Nauna nang lumabas si Paul. Lumapit si Lucas sa akin at hindi ako nagdalawang isip na kumapit sa kanyang braso. Naramdaman niya kaagad kung bakit ako kumapit sa kanya. Bahagya lang siyang tumawa.


Paano ako magkakaroon ng confidence kung mismong mga paa ko ayaw akong pagbigyan?


Nasa labas na kami at malapit na sa sasakyan nang magsalita si Lucas. Pasakay pa lang sina Raizen at Patrick pero si Paul ay nakasakay na sa kotse.


"Wait, I forgot something inside the house. Just wait for me here." Aniya.


Tumango lang ako saka tumakbo na siya pabalik. Nilabas ko ang cellphone ko at saktong nakatanggap ako ng mensahe sa isang hindi inaasahang tao. Malakas ang tibok ng puso ko nang buksan ang kanyang message. Pagkabasa ko ay nalaglag ang panga ko. This guy is really giving me a puzzle inside my head.

Paul: You are beautiful and you can be confident. You just don't trust yourself that you are. But trust me, you are the most beautiful lady I have ever met... and so innocent.


Dali-dali kong tinago ang cellphone ko sa pouch nang marinig ko ang hakbang ni Lucas palapit sa akin. He gave me a box and when I opened it, it showed me a beautiful green rose. I know that green rose means eternal love. But does he already consider what he feels for me as love? Eternal love?


"You're as beautiful as that rose." Aniya.


Nag-init na naman ang pisngi ko. "L-Lucas..."


"Tara na?"


Hindi na ako nakapagsalita nang hawakan na niya ako sa kamay at giniya papunta sa sasakyan. Sumakay na ako sa front seat nang pagbuksan niya ako ng pintuan. Napalingon naman ako sa salamin at nakita ang seryosong mukha ni Paul. Naalala ko ang message niya. What does he mean? Bakit ganito siya sa akin? Bakit binibigyan niya ako ng kakaibang ritmo at pakiramdam sa dibdib ko? Why does he have to be so mysterious for me?


Nag-focus na lang ako sa pagtingin sa labas ng bintana habang hinihintay na makarating kami sa LHU.


Tonight ipapakilala ang bagong members ng Black Note. May mga kanya-kanyang banda sa college department pero dito sa amin sa high school dept ay Black Note ang official band dahil sa tuwing may okasyon ay sila ang tututog. Sumasali rin sila sa iba't ibang contest.


"Are you nervous?" Tanong ni Lucas habang nagdadrive pa rin.


Lumingon ako sa kanya. "Hindi. Bakit?"


Umiling siya. "Para ka kasing hindi mapakali."


Saka ako napalingon sa mga daliri kong naglalaro. Ni hindi ko man lang napansin kaya siguro tinanong niya ako. Maybe, kusa na talagang gumagalaw ang mga katawan natin unconciously para ipakita ang tunay na nararamdaman natin. And then, I remember what mom just said.


"Lucas... He seem serious about you but you are both so young to know what true love is."


Does it mean hindi pa talaga love ang nararamdaman niya para sa akin? Hindi rin love ang nararamdaman ko para kay Paul? But she said about true love. So, maraming kinds of love? First love, true love, last love, puppy love, iyon ba ang mga iyon? Pero sigurado akong hindi.


Winaksi ko na ang pag-iisip na iyon. Basta ang mahalaga sa akin ay mairaos ko ang party ngayong gabi, makabisita kay lola bukas, at ang pag-aaral ko. Hindi ko siguro makakayanan kung mapabayaan ko ang pag-aaral ko nang dahil lang sa ganitong nararamdaman namin.


Ilang sandali lang ay natanaw ko na ang malaking gate ng Lionhale University. Buhay na buhay ang unibersidad dahil sa mga makukulay na ilaw, mga sasakyan, mga high school students na napakaganda sa kani-kanilang mga soot. Of course, this is just intended for us high school students.


Bumaba kami ng sasakyan at hindi makakaila na naka-agaw kami ng pansin. Nilapitan kaagad ako ng mga kakilala ko at mga kaklase ko.


"Zanea, ang ganda mo ngayon!" Puri ng isa.


"Ngayon lang kita nakitang ganyan ang ayos."


"Kilala ko na kung sino ang star of the night ngayong year."


Namula ako sa mga sinabi nila.


"If you'll excuse us, we still need to register." Sabad ni Lucas saka ako hinawakan sa kamay.


Nagpunta kami sa table sa labas gym para mag-attendance. Pagkatapos ay sinabi sa amin ng isang teacher na nasa loob ang photo booth. Pagkarinig ni Mia sa salitang iyon ay tuwang tuwa siya at inaya kami. Hinila niya pa si Paul papasok kaya sumunod na lang kami.


Una ay solo shots kami. Sa pagkakataong ito, hindi ako nakaramdam ng hiya o ano dahil gustong gusto ang picture taking. Sunod ay tig-dalawa. Ako at si Lucas, Mia and Paul, Raizen and Patrick. Para nga talaga kaming triple date sa gabing ito. And of course for the last shot, kaming anim.


Pagkatapos ng masaya naming picture taking ay pumasok na kami sa mismong loob ng gym kung saan gaganapin ang party. Naghanap na kami ng table namin. It's a round table at naka-gitna ako kay Lucas at Paul. Iniisip ko pa lang na nasa right side ko si Paul ay naririnig ko na ang malakas na tibok ng puso ko. Hindi ko talaga maiwasan ang kung anong nararamdaman kong ito.


At yung message niya kanina. That was his first message to me and yet I didn't respond. What will I say? Thank you? Ni hindi ko kayang gumawa ng conversation namin.


8 PM sharp nang mag-umpisa ang party. Hindi mawawala ang prayer, national anthem, at speech ng principal. They served juices and softdrinks. Mahigpit na pinagbabawal ang alcoholic beverages. The principal just greeted us, told us about the annual party, and of course some announcements.


After we ate, nagkaroon ng ilang performances sa iba't ibang year levels. Habang nanonood kami sa mga sumasayaw na fourth year ay napansin ko ang paglapit ng isang lalaki na hinding hindi ko makakalimutan dahil sa pag-confiscate niya ng phone ko.


"Guys, you'll be the next to perform. So get ready sa backstage." Aniya.


"I'll leave you for now," sabi ni Lucas. Ngumiti lang ako.


"Goodluck!" Sabi naman ni Mia.


Umalis na sila at kami na lang ni Mia ang natira. Lumipat siya sa dating pwesto ni Paul kaya magkatabi na kami.


"I forgot to compliment you, Mia. Ang ganda mo ulit ngayon." Sabi ko.


"As always,"


Natawa ako. "Back at it."


"Of course! Kahit na nahihirapan ako makuha si Paul, kailangan hindi mawala ang ganda at confidence ko."


Tinitigan ko siya. "Nahihirapan?"


"Oh, yeah. Siya ang lalaking sobrang hirap i-flirt. Pakiramdam ko nga ni hindi niya man lang ako nakikita e. Hindi ko magamit ang charms ko sa kanya."


"That's first time, huh?" Tinago ko ang kaba at kyuryosidad sa mga sinabi ni Mia. "Baka may ibang gusto."


"That. That's what I keep on thinking kaysa naman sa ibang dahilan."


"Ano naman 'yun?"


"He's gay." Diretso niyang sagot.


Natawa ako sa sinabi niya. Napalingon tuloy ang iba sa direksyon namin. Hindi ko masyadong pinansin dahil kaunti lang sila.


"How could you think of that? Sobrang labo naman nun!" Sabi ko.


"Well, just a theory without any evidences."


"Just an instinct na halata namang hindi totoo."


"Well, yeah. But neither of the two reasons and other reasons, masasaktan ako. Damn! He will be the first one to break my heart if that would happen!"


Nagbara yata bigla ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero paano kung ang rason ay may ibang gusto si Paul? It's not impossible dahil tinutukso siya sa paggawa niya ng kanta na kakantahin nila ngayong gabi.


Paano kung ganun nga? Masasaktan si Mia at sigurado akong hindi makakaligtas ang babaeng iyon sa kanya. Nakaramdam ako bigla ng takot. Hindi naman sana ito takot dahil sa ako ang gusto ni Paul dahil malabo.


Napalingon na kami ni Mia nang makita naming nasa stage na silang apat at naghahanda sa kani-kanilang instrumento. Muling bumalik ang principal at may hawak na mic.


"Students, I would like to get your attention again." Aniya at lahat naman ay sa kanya na tumingin. "Everyone of you knows Black Note, our official band. I would like to introduce to you the new members, Paul Rixton Reyes, Lucas James Santos, Raizen Ellese Almonte, and Patrick Severio. And they are going to sing Paul's original song as their first performance in the band. It's entitled Tulad Mo. Enjoy everyone!"


Nagpalakpakan ang lahat kabilang kami ni Mia. Diretso ang tingin namin sa harap. I couldn't help myself staring at him. Alam ko nakatingin si Lucas sa akin at maging si Mia pero hindi ko magawang mabitawan ang pagtitig sa kanya. I know I should stop this dahil makakahalata sila pero hindi ko kaya. Mismong utak ko ang umaayaw.


He sang the first part of the song and I swear I saw him staring back at me for atleast ten seconds.


"I always knew you're a fan of music bands." Dinig kong bulong ni Mia sa tabi ko.


Hindi ko alam ang isasagot ko. Napatingin lang ako sa kanya pero tumingin na siya sa harap.


"Mia..." Ang tanging nasabi ko nang mahanap ko ang boses ko.


"I know..." Sabi niya habang nakatingin pa rin sa harap. "I know I shouldn't feel jealous towards you but I couldn't help it."


Nanlaki ang mga mata ko. Siya? Nagseselos sa akin? Para saan? Para kanino? Ako nga itong palaging nagseselos at naiinggit sa kanya tapos sasabihin niya sakin 'yon.


Tumungo ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Tumayo ako at nagpaalam na pupunta lang ng cr. Hindi niya ako pinigilan. Naririnig ko pa rin ang napaka-gandang boses ni Paul mula dito sa loob ng cr pero ang sinabi ni Mia ang siyang laman ng utak ko.


Nakakahalata na ba siya na may hindi ako maipaliwanang na nararamdan kay Paul? Paano niya nasabing jealous siya sa akin? Pinagdasal ko na maiiraos ko ng tahimik at masaya ang party na 'to pero umpisa pa lang marami ng gumugulo sa isip ko.


Tinignan ko ang sarili ko salamin. "Mia is jealous of me. Why?" Tanong ko sa sarili ko.


Paano? Ang isang tulad niya na palaging napapansin ng mga lalake, maganda, matangkad, matalino, almost perfect ay magseselos sa akin? Well, she never told me that she envied me pero napakalabo. I'm just a simple girl na ang tanging alam ay ang pagharap sa makakapal na libro at makinig sa klase.


Huminga ako ng malalim. Inayos ko ang sarili ko. Just for this night, I'd give it to myself. I can be confident and I'll show them. I'll make this as a gift to myself. Kakalimutan ko muna ang lahat para sa gabing ito. Hindi naman masamang i-enjoy ko ang isang gabing ito, hindi ba? Well, that's really the purpose of this party-- to enjoy.


Lumabas na ako ng cr at bumalik sa table namin. Nakabalik na sa table ang apat. Nagkatinginan kami ni Mia. Nginitian niya ako... a genuine one. Who am I not to return it? Nginitian ko rin siya at bumalik sa upuan ko. Balik sa dating pwesto. Nasa gitna ulit ako ni Lucas at Paul.


"It's the star of the night," dinig kong sambit ni Lucas.


Lumingon na kami sa stage. It's the Student Government's president who's leading. They will announce the female star of the night first.


"We are all beautiful, aren't we? But being the star of the night makes you the most outstanding of all. We, from the Student Government, together with the faculty members have already decided who will be the female and male star of the night. This title won't give you anything but confidence, I guess. And we picked the most deserving to win that confidence. Actually, lahat po kami ay iisa ang naging desisyon, so to announce the female star of the night, I will call Ma'am Rodriguez." Mahabang litanya ni Rina, ang SG president. And Ate Rina is one of my circle of friends. Kasama akong nangampanya sa kanya dati bilang president ng SG. She's one of my ate's.


Nakarinig ako ng kaunting bulungan dahil sa iba pa pala ang mag-aannounce, pero ang iba ay excited malaman kung sino ang magiging star of the night. Umakyat na si Ma'am Rodriguez habang si Ate Rina ay nasa gitna ng stage hawak ang sash at flower.


"Good evening, my dear students. The female star of the night is..." Huminto muna siya sa pagsasalita. Natawa kami dahil sa pasuspense ni ma'am. "I am proud to say that she's from my advisory class. Congratulations, Zanea Medina."


Lahat sila ay napatingin sa akin. Really? Seriously? Did I just hear my name? Mas lalong namula ang mukha ko nang mapagtanto kong nakatitig na sakin ang dalawang lalakeng katabi ko. Nakarinig na rin ako ng palakpakan.


"Zanea, come up on stage please, my dear." Ani Ma'am Rodri.


"Are you waiting for someone to escort you?" Natatawang tanong ni Mia.


Tumayo na ako at nakita kong tumayo rin si Lucas. He held his hand for me. Lalong lumakas ang palakpakan. I grabbed that hand and he escorted me to the stage.


"He's a transferee, right?" Tanong ni Ate Rina pagkalapit ko sa kanya. Tumango lang ako. "Well, congrats, kapatid. You're so beautiful tonight and I really hope you'll have the confidence to bloom tonight." Kinindatan niya ako.


Kinuha ko ang binigay niyang flowers at sinoot niya sa akin ang sash. I hope so that I'll be confident.


"Next, will be the male star of the night. And to make this short, Paul Rixton Reyes, Black Note's new vocalist, come up on stage. Samahan mo na ang ating female star of the night."


Nalaglag ang panga ko. Si Paul ang star of the night? And will he be my first dance tonight?

Continue Reading

You'll Also Like

109K 1.2K 32
This is a CPA Review inspired love story. Kailan mo kaya masasabi sa crush mo na hindi lang siya ang complete package? Kailan mo rin kaya mare-realiz...
74.5K 1.6K 30
• C O M P L E T E D • Sierra Marpua. Isang writer. At unti-unti ng nagkakaroon ng pangalan sa industriyang kanyang pinili. Ngunit kung gaano naman si...
90.4K 1.6K 27
I was inspired by Sherry Argov while writing this story, hope you like it guys! :)
7.7M 222K 52
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...