Until I'm Over You (Published...

By JoeBeniza

1.3M 36.3K 8.6K

(Story Completed) How do you get over with someone who meant the world to you when she was gone so suddenly... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: Airport
CHAPTER 2: The Past part 1
CHAPTER 3: The Past part 2
CHAPTER 5: The Past part 4
CHAPTER 6: The Past part 5
CHAPTER 7: The Past part 6
CHAPTER 8: The New Taxi Driver
CHAPTER 9: The Annoying Girl
CHAPTER 10: Unfortunate Kier
CHAPTER 11: Her boyfriend?
CHAPTER 12: Troublemaker
CHAPTER 13: From Dragon to an Idol
CHAPTER 14: The Broken Dragon
CHAPTER 15: Evil Phone
CHAPTER 16: Valerie's Past part 1
CHAPTER 17: Valerie's Past part 2
CHAPTER 18: Valerie's Past part 3
CHAPTER 19: Valerie's Past part 4
CHAPTER 20: The Handkerchief
CHAPTER 21: Love ones
CHAPTER 22: A Series of Awkwardness
CHAPTER 23: Those who were forgotten
CHAPTER 24: Kiss of the Dragon
CHAPTER 25: Jana's Journal part 1
CHAPTER 26: Jana's Journal part 2
CHAPTER 27: Jana's Journal part 3
CHAPTER 28: Us Apart
CHAPTER 29: Losing Hope
CHAPTER 30: To a new start
CHAPTER 31: The Strong Woman
CHAPTER 32: The Secretary
CHAPTER 33: Realization
CHAPTER 34: Return of a friend
CHAPTER 35: Debut
CHAPTER 36: The Real Reason
CHAPTER 37: No Escape
CHAPTER 38: Revenge
CHAPTER 39: Dragon Soup
CHAPTER 40: Soup Battle
CHAPTER 41: Good Times
CHAPTER 42: Jana's Face
CHAPTER 43: In Love
CHAPTER 44: Drown from the Past
CHAPTER 45: Wrong Expecations
CHAPTER 46: In Someone Else's Arms
CHAPTER 47: Break Even
CHAPTER 48: Playful Fate
CHAPTER 49: Dragons VS Puppies part 1
CHAPTER 50: Dragons VS Puppies part 2
CHAPTER 51: Letting go
Epilogue
Credits
Special Chapter: Taming Dragon Mommy
Published Book

CHAPTER 4: The Past part 3

33.2K 942 181
By JoeBeniza


PRESENT TIME

Ang haba ng daydream ko, nawala sa isip ko na ka-chat ko nga pala si Jana sa phone...

Jana: Kier?

Jana: My love?

Jana: Kier?

Jana: Aba! sini-seen mo lang messages ko ah!

Jana: Kiiieeerrrr!!!

Me: My loves, sorry natulala lang bigla.

Jana: K

Me: My love naman. Sorry na oh. Naalala ko lang kasi 'yong una tayong nagkita tsaka 'yong first date natin.

Jana: Okay lang po. Nag worry lang.

Jana: Talaga? Sarap alalahanin 'no. Tatawag ako sayo.

Me: Sige, sakto gusto ko talaga marinig 'yong cute mong boses.

Tumawag sa akin si Jana at napag kwentuhan namin ang  tungkol sa aming nakaraan na sobrang sarap talagang balik balikan.

Flashback continuation -- 2 years ago.

Nagising ako nang maaga dahil kailangan ko planohin kung paano ang gagawin ko sa first date namin. Ganito pala ang pakiramdam pag 'yong babaeng ide-date mo eh 'yong babaeng sa una pa lang ayaw mo nang mag kamali ka. Siya 'yong tipong dapat ma-impress agad sa akin. At siyempre ang bigat ng karibal kong si Mr. Price Tag, kaya dapat matindi talaga itong first date namin.

Naghanap ako sa internet ng malapit na fine dining restaurant at nag pa reserve ako ng table. I think that will be the best way to impress her kahit hindi ko way ang man libre sa gano'n kamahal na lugar. Mga bandang 4 o'clock ang date namin at sa park muna kami magkikita.

Excited na ko, kaya 2 o'clock pa lang naka-ligo na ko. Nagbihis na rin ako at nag ayos ng aking sarili. I wore a blazer on top of my white t-shirt, jeans and a pair of white sneakers. Kinakabahan talaga ako. Nag rehearse ako sa harap ng salamin kung ano at paano ko siya babatiin mamaya, kahit alam kong ang vain ng ginagawa ko. Kabado eh.

Hinawi ko ang buhok ko habang nakaharap sa salamin at nag practice, "Hi Jana. Ang ganda mo ngayon ah."

"Mali baka sabihin niya ngayon lang siya maganda," sambit ko habang naka-harap pa rin sa salamin.

Si Pogi nanonood lang sa akin. Kung nag sasalita lang talaga si Pogi, malamang tawa na siya ng tawa sa ginagawa ko. Buti nalang hindi, kaya nag practice ulit ako.

Yumuko ako at dahan dahang  tumingin ulit sa salamin, "Hi Jana, kasing ganda pala ng mga bituin ang mga mata mo."

"Teka ang baduy. Ano ba ginagawa ko?" tanong ko sa sarili ko.

Tumahol si pogi habang pinapanood ako.

"Oo na! Vain na kung vain. Ang hirap eh. Ang ganda kasi ni Jana," sambit ko kay Pogi. Napabuntong hininga ako, "Bahala na si Batman!"

I've spent the rest of the time before the date planning for it. Inisip ko rin kung ano ang mga topic na dapat kong i-open para hindi siya ma-bored sa akin.  Sobrang kinakabahan na talaga ako, 3:45 PM nang nag decide ako na pumunta sa park para hintayin siya.

Nang makarating sa park, nagulat ako sa aking nakita, nandoon na si Jana sa tagpuan namin at tahimik na naka tingin sa phone niya. Mukhang excited din yata siya. Pero wrong move, dapat ako ang nauna. Mali!

Nilapitan ko si Jana at binati. "Hi Jana! Sorry late ako. Kanina ka pa ba?"

Nagulat siya sa pag dating ko. "Oh! Hi Kier! Sorry... Uhm... no, you're not late," sagot ni Jana at bigla siyang nahiya sa akin. "Wala lang ako magawa sa bahay kaya maaga ako dito. It's not that I'm excited or what ah," paliwanag niya.

"Ah I see. Basta ako excited sa date natin," sambit ko.

"Ikaw talaga," sagot niya at namula na naman ang mga pisngi niya.

Inalok ko na kumapit siya sa aking braso, "Lika na, medyo malayo 'yong lugar eh." 

Kumapit naman siya sa braso ko. Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko siya at ganito kami na sobrang dikit. Pakiramdam ko ang gwapo gwapo ko.

Sumakay kami ng Taxi. Tinatanong niya kung saan kami pupunta, but I kept on changing the topic and just telling her that it will be a surprise.

After 30 minutes of travel time, nakarating din kami sa restaurant. Pumunta kami sa isang napaka eleganteng fine dining restaurant, 'yong tipong ang mga kumakain sa loob ay mga mayayaman at may mga tumutugtog pa ng piano at violine sa loob. Pag pasok namin sinalubong kami agad ng Usher.

"Good afternoon Sir and Ma'am!" bati ng Usher sa amin.

"Hi, reservation for Kier de Leon, a table for two please," sagot ko sa Usher.  Nagcheck siya ng reservation list at nakita niya ang reservation ko.

"Welcome to Italia Ilaya, Mr. Kier de Leon," sambit ng Usher at inasikaso niya kami papunta sa table namin.

Napansin kong tahimik lang si Jana. Parang hindi yata siya na-impress sa pinagdalhan ko sa kanya.  Inisip ko nalang na baka nahihiya siya. Tumingin siya sa menu then I cleared my throat and said. "So.. What do you want to eat?"

"Can we go home?" bigla niyang tanong nang hindi nakatingin sa akin.

Nagulat naman ako sa naging sagot niya. Kaya't tinanong ko siya kung bakit, "Uhmm.. We just got here, why?"

Hindi siya umiimik kaya nagtanong pa ako ulit, "Hindi mo ba nagustuhan dito? We can go somewhere else nicer than this."

Biglang tumayo si Jana at nag walk out. "Sorry, Kier."

"Jana wait!" sambit ko. Hahabulin ko sana siya kaya lang pinigilan ako ng Usher.

"Going out already, Sir?"

"Sorry, please cancel my reservation." sagot ko sa Usher.

Nasa labas na si Jana at nag hihintay ng taxi nang mahabol ko siya.

"Jana, wait! Anong problema? Ayaw mo ba ng pagkain doon?" tanong ko sa kanya.

Humarap siya sa akin at mukha siyang disappointed, "Kier, what were you doing?"

"I'm was trying to impress you," sagot ko.

"I just thought that this is how I'll make you feel that you are special," dagdag ko pa.

"Why do you have to try so hard to the point where it seems that it isn't you?" tanong niya.

"Why don't you just be yourself?"  tanong niya ulit.

"This is why I don't like Andrew. I don't need any luxury stuff.  I thought you are someone different. Nag kamali pala ako, Kier. Thanks for bringing me here anyway," sambit niya.

Dumating ang taxi at agad siyang sumakay doon. Natigilan ako sa sinabi niya kaya hindi ko siya nagawang pigilan pa. Hindi ko maintindihan kung ano 'yong mali. Mahirap talaga intindihin ang mga babae, parang panahon, global warming.

Minabuti kong umuwi na lang sa apartment. Tuwang tuwa si Pogi pag dating ko. Siguro akala niya maganda kinalabasan ng date namin ni Jana.

"Hey Buddy! Sorry I failed," sambit ko kay Pogi at pinakain ko nalang siya ng dog food niya.

Humiga ako agad sa kama at hindi ko na nagawang kumain dahil hindi ko rin ramdam ang gutom. Tulala lang ako sa kisame at iniisip ko kung saan ako nag kamali. Hindi ko maalis sa isip ko si Jana. Tinignan ko ang mga litrato niya sa social media habang iniisip kung may chance pa ba kami. Sayang talaga. Natulala na lang ako ulit sa kisame matapos kong makita lahat ng pictures niya.

Sa hindi malamang dahilan, biglang tumahol si Pogi at ako'y nagising sa mula pag kakatulala. Tinignan ko si Pogi, napatingin din ako sa laptop ko at sa malalaki kong speakers. Ilang saglit pa, may bigla akong naisip.

Hinawakan ko ang mukha ni Pogi at hinimas ito, "Ang galing mo talaga Pogi! Tama ka!"

Inilagay ko ang dalawa kong speakers sa bagpack at kinuha ko ang tali ni Pogi. Nilagyan ko ng tali ang collar niya.  Tinignan ko sa FB kung saan nakatira si Jana. Nang makita ko kung saan, nagmadali kaming lumabas ni Pogi kahit gabi na para puntahan si Jana.

I won't give up! Si Jana ang pag kakataon na hindi ko palalampasin.

On our way to Jana's house, naisip kong bumili ng flowers para sa kanya pero nakita kong mag sasara na ang flower shop ni Aling Evang kaya tumakbo kami papunta doon.

"Aling Evang!" sigaw ko habang nagmamadali papunta sa kanya.

"Oh Kier, gabi na ah. Anong problema?" tanong ni Aling Evang.

Hinahabol ko pa ang hininga ko nang makalapit ako kay Aling Evang.

"Aling Evang.. Baka meron ka pang kahit anong bulaklak diyan? Emergency lang,"  tanong ko.

"Meron pa ko'ng nakalabas na sampaguitta dito. Ano ba emergency mo? Multo ba?"

"Aling Evang naman eh. Para sa babaeng gustong gusto ko 'to."  sambit ko. "Tsaka bakit sampaguitta para sa multo?"

"Ewan ko. Ikaw alam mo?"

Napakamot ulo na lang ako sa sagot ni Aling Evang at muli ko siyang kinulit para pag bentahan ako ng bulaklak, "Dali na aling Evang. Kailangan ko mag sorry doon sa nililigawan ko eh."

"Hindi mo naman sinabi agad eh. Heto oh sun flower," sagot ni aling Evang at inabot niya sa akin ang tatlong malalaking sun flower.

"Gabi na aling Evang bakit sun flower ang ibibigay ko? Wala na bang iba?" Tanong ko.

"Wala na eh,"  sagot ni Aling Evang.

"Sige na nga pwede na ito," kinuha ko na lang ang no choice na bulaklak.  "I'll just improvise. Magkano po, Aling Evang?"

"Libre na para sa inyo ni Pogi. Goodluck sayo," sagot ni aling Evang.

Pinasalamatan ko si Aling Evang at nagmadali kami ni Pogi papunta kila Jana.

Nang makarating kami sa street kung saan ang bahay nila Jana, tinignan ko sa phone ko ang mga pictures ni Jana para mahanap ko ang bahay nila. Then I stumbled to this elegant house.

"Buddy, I think this is the place," sambit ko kay Pogi.

"Hold on to this bud," Pinahawak ko kay Pogi 'yong sun flower gamit ang bunganga niya. Para pag labas ni Jana ito ang makikita niya.

Nilabas ko ang mga speakers mula sa back pack ko at sinaksak ko ang phone ko dito gamit ang isang chord. Good thing naimbento na ang mga speakers na may battery at pwede i-charge. Pwede ka na mag patugtog kahit na saan ka pa.

Nag text muna ako kay Jana para sure na gising pa siya.

Me: Jana. Still awake?
Me: Please see me. I'm outside your house.
Jana: What?

I grabbed the opportunity while I still have the element of surprised. Pinatugtog ko ang kanta ng BROWNMAN REVIVAL na SORRY  NA PWEDE BA, habang nakaharap sa bahay nila. Intro pa lang ng kanta nag pasikat na ko. Hawak ko 'yong dalawang speakers ko at itinaas ito.

Mukhang hindi man lang ako sinisilip ni Jana sa bintana niya. Nag text ulit si Jana kaya binitawan ko muna 'yong isang speaker.

Jana:  You're facing the wrong house. Turn around.

Oops! Epic fail.

Tumalikod kami ni Pogi at humarap sa isang simple ngunit magandang dalawang palapag na bahay. Nakadungaw si Jana sa may bintana at pinapanood kami.

Chorus na ng kanta kaya minabuti kong sabayan ito.

"Buhay ko'y na sa'yo. Matitiis mo ba ako? Oh baby! Huwag sanang, huwag sanang magtampo! Sorry pwede ba. Oh yeah! Sorry na pwede ba?"

Feel na feel ko 'yong kanta kahit parang sintunado pa yata ako at pilit kong inaabot ang matataas na tono.

Kitang kita ko naman na natatawa si Jana sa ginawa ko.

"Hoy! Ang ingay mo natutulog na kami!" Sigaw ng kapit bahay nila Jana kaya pinatay ko na lang ang music.

"Sorry po," sagot ko at sumenyas ako ng pasensya.

"Jana, please mag usap tayo! I'm so sorry!" Sigaw ko.

Nawala si Jana sa bintana at tila bumaba na yata siya. Bumukas ang ilaw sa bakuran nila at bumukas ang pinto. Nag ready ako agad.

"Pogi, huwag mo muna bibitawan 'yong flowers ah. Parating na siya."

Sa kabilang banda nakalimutan ko na strict nga pala ang mama niya. Baka si Tita pa pala 'yong lalabas ng pinto. Patay!

Continue Reading

You'll Also Like

428K 9.3K 57
[COMPLETED] Geeo, George and Georgina's son, learns to fall in love. GG Couple, the next generation. #AACouple
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
388K 25.8K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
466K 8K 81
↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko...