MARRYING MY BEST ENEMY

By tintincares

45K 1.2K 48

COMPLETED | DONE EDITING | ENJOY READING They are meant for each other. Destined. Soulmate. He was for her. S... More

SYNOPSIS
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR: FINALE

CHAPTER EIGHTEEN

1.1K 33 0
By tintincares

Nilapitan ni JP si Rod. Ito ang tumawag sa kanya kanina, gusto daw siya nitong makausap. Dahil gabi na at may pasok pa sila kinabukasan niyaya nalang siya nito sa pinakamalapit na parke sa loob ng subdivision nila.

"I like her since first year high," umpisa nito. Nakapamulsa ito habang nakatingin sa kabataang masayang nag swi-swing kasama ang mga parents nito. "I like her bago ko pa nalaman na engaged na kayo. I like her when I saw her secretly crying. I like her when she laughs and speak nonsense. Lalo na ang katakawan niya sa pagkain. I like her more for being simple kahit mabibili naman niya lahat ng bagay pero hindi ko siya nakitaan ng mamahaling bagay," ngumiti ito. "When I learned na isang kasunduan lang kung bakit kayo nagsasama, inaamin ko na ako ang pinakamasaya. I still have a chance to win her over you," humarap ito sa kanya.

"JP, kung hindi mo naman siya mahal. Please let her go, and I promise you. I will never make her cry and suffer. Ibibigay ko lahat ng mayroon ako sa kanya. Kung tatalikuran man siya ng lahat nandito ako sasamahan ko siya. Let her do the things she wanted. She deserves freedom to choose—what and who she likes. If you just afraid tungkol sa mamanahin mo, then I am willing to help you."

Tinabihan niya si Rod.

"I wanted to let her go and I tried to push her away from me. Pero hindi iyon nangyari. Nakatali na kami sa isa't isa hindi paman kami naiiluwal sa mundo. Do you think it is easy for me to live without her now? Walang araw na hindi kami magkasundo, walang araw na hindi siya nagagalit sa akin, she's the most nagger girl I ever met. But she's the only one who could understand and make me happy. Siya lang at wala ng iba. Tinuruan niya ako sa napakaraming bagay ng hindi niya alam. I've done stupid things just because of her. Rod, she's my fiancee but I will never use that tittle to win her heart or take advange on her. Sorry pero hindi kita mapagbibigyan."

"You can't make her happy! She doesn't like you."

Natahimik si JP. "Tigilan mo na si Casey dahil ikakasal kami kagustohan man namin o hindi and that's my final decision."

Isang suntok mula kay Rod ang natikman niya. "I don't want to see her suffer anymore, JP! Gagawin ko lahat para maging masaya at maging akin siya, tandaan mo yan!"

Gumanti ng suntok si JP kaya sumadsad si Rod sa lupa. "Gago ka pala, eh! Stay away from my fiancee! I am warning you."

Nilapitan sila ng isang gwardiya na nagpa-patrol. "Anong nangyayari dito? Okay lang ba kayo?" tinulungan nito si Rod na makatayo. Galit na tinalikuran niya ito.

Nauhaw si Casey kaya lumabas siya sa kanyang silid. Nagtaka siya kung bakit bukas pa ang ilaw sa salas at kusina. Gising pa si JP? Late na ah. Tinungo niya ang ref at kumuha ng tubig.

"JP?" inilapag niya ang pitsel at nilapitan si JP na nakayukyok ang mukha sa mesa. "Hey, why you are sleeping here?" niyugyog niya ito. "Wake up and go upstairs. It's cold here."

Umungol ito at nagtaas ng mukha. Napansin niya ang pasa nito sa mukha. "What... what happened? Bakit may pasa ka? Kanino ka nakipagbugbugan? Kailan ka pa natutong magkipagsapakan ha?" sermon niya.

"Ngayon lang," sagot nito.

Kumuha si Casey ng ice cubes at binalot iyon sa hand towel at idinampi iyon sa pasa niya sa mukha. How could he let her go? Hindi siya papayag na makuha ito ni Rod sa kanya.

"Huwag mo akong titigan, hindi ako ang kalaban mo!" mas diniinan nito ang pagdampi kaya napangiwi siya.

"May galit ka ba?"

"Wala naman. Sayang nga eh, dapat buong mukha mo nagkapasa ng matuto ka."

"Sabihin mo lang kasi kung nag aalala ka sa akin, pwede naman."

"A-ako mag aalala sayo? Kapal mo! Diyan ka na nga!"

Natawa si JP. Kengkoy talaga ito. "Oh ba't ka umiiwas? Namumula iyang pisnge mo oh."

"Neknek mo!" inirapan siya nito bago bitbitin ang pitsel, naku isasama pa ang pitsel sa silid nito. Siguradong dagdag gulo at kalat na naman sa paraiso nito.

Sa loob ng silid napahawak sa dibdib si Casey, kay bilis ng kabog sa dibdib niya. Obvious na ba siya masyado? Napangiti siya ng maalala ang naging first kiss nila. Kinikilig na nahiga siya sa kama niya. Nawala tuloy bigla ang uhaw niya.


HSHS First Subject Science Building

Absent si Rod.

Nagpalinga linga si Casey nang di makita si Rod sa loob ng classroom. Himalang absent ito. May sakit kaya ito? Kinalabit niya si Sharmine. Magkalapit lang kasi ang mga bahay nito.

"Shar, may sakit ba si Rod? Absent siya eh."

Nagkibit balikat si Shar. "I dunno, baka naman mali-late lang. Bakit miss mo na kaagad siya?"

Hinampas niya ito. "Showbiz ka talaga."

"Careful, bawal ako magkapasa. You know beauty queen," pinagalaw nito ang magkabilang kilay kaya natawa siya.

"Nakita namin kagabi si Rod, okay naman siya," si Jane.

"Namin?" si Monique. Namula si Jane. Napayuko ito.

"Sus! Jane. Pwede mo naman sabihing nag date kayo ni Vince kagabi, eh. Okay lang yan ano ka ba?"

Timikhim si Vince. "Kung maka-chismis kayo parang wala ako dito, ah?" anito. Tahimik lang na nakikinig si JP na nakatingin lang kay Casey.

"What is your real status na kasi? Pa showbiz din kasi kayong dalawa, eh. Buti nga kayo may lovelife—not like us!" tumingin si Shar kay Monique.

"Who told you na wala akong lovelife?" si Monique.

Nanlaki ang mga mata ni Shar. "Mayroon ka?!" binuklat buklat nito ang notebook nito. "Samantalang ako, wala! This is unfair!"

"JP, okay—"

"Honey," pagtatama ni JP kay Casey.

Tumikhim si Casey. Kinuha nito ang band aid sa bulsa ng bag nito.

"Stay still. Huwag kang malikot," at inilagay niya ang band aid sa gilid ng mga mata nito.

Dumating na ang teacher nila kaya umayos na sila ng upo. Naki-set-in narin si Jinky sa klase nila. Hindi parin nito natatanggap na natalo ito ni Shar, pero wala naman itong magagawa na. Panay ang tingin ni Casey sa pinto pero walang Rod na dumarating, nagtampo kaya ito sa nangyari kagabi sa naging date nila? Habang timpi naman si JP sa inis dahil sa nakikitang pag aalala sa mukha ni Casey para kay Rod.

Physical Education (PE) Running Field

Nag wa-warm up si Casey ng lapitan siya ni Monique. "Casey mamaya na pala magsisimula ang basketball tournament nila JP, manunuod ka ba?"

"Itutulog ko nalang."

"Talaga? Balita ko kasi parang nilalandi lang naman ni surot ang fiancee mo. Ikaw din," napahinto siya sa ginagawa. Tiningnan niya si JP na noo'y busy nga sa pakikipag usap kay Jinky sa 'di kalayuan. Uminit kaagad ang ulo niya, lantaran ba naman itong makipaglandian? Ano nalang ang sasabihin ng mga nakapaligid sa kanila? Na okay lang sa kanya makipagharutan ang fiancee niya?

Sumipol si Monique. "Ilabas mo ang pagka warfreak mo. Dapat malaman ni surot na hindi ka basta bastang fiancee."

Napahawak sa ulo si Monique ng tamaan ito ng maliit na bato sa ulo. Binato pala ito ni Jane na nakasandal sa likod ni Vince. "Ang galing mo mag advice."

Pinandilatan ito ni Monique. Nagmartsa na ito palapit kay Sharmine. Napatingin ulit si Casey sa gawi ni JP, ooops nakatingin din pala si JP sa kanya. Nag eye sign siya dito. She pointed her own eyes tapos tinutok dito. "I'm watching you" ang ibig sabihin niya.

Pumalakpak ang baklang PE instructor nila. Naku may run racing pala sila ngayon. Iba ang grupo ng mga lalaki sa babae. May mananalo sa boys, mayroon din sa girls. Nilapitan siya ni JP bago sila magsimula.

"Honey, wanna beat now?"

Tumaas ang kilay niya, kung dati siya ang palahamon dito. Ngayon lang yata ito humamon sa kanya. "Paano? Eh, iba naman kayo sa amin?"

"Pagnanalo ako over them ako ang panalo and you're going to cheer me sa basketball mamaya."

Mas tumaas ang kilay niya.

"Ibaba mo nga yan," pinitik ni JP ang gitna ng noo niya. Kaya inapakan niya tuloy ang mga paa nito. Hindi nila alam na nakamasid sa kanila si Rod. Sinadya talaga nitong hindi pumasok sa lahat ng subjects nila dahil narin sa nangyari sa kanila ni JP kagabi, at para narin mag isip isip. Nagkaroon na ng lamat ang samahan nila. Kung ipagpatuloy niya ang nararamdaman para kay Casey, siguradong hindi na maiibalik pa ang friendship nila ni JP. At sigurado na siyang gusto na rin ni JP si Casey.

"Masaya ka ba talaga Casey sa kanya..."

"What if I won? Anong makukuha ko?" si Casey.

"As if naman? Kailan ka ba nanalo diyan sa honeybird mo?" si Shar.

"Alam mo? Panira Karin, noh? Lumayo layo ka nga sa akin!" hinarap niya ulit si JP. "So ano na?"

"Pag hindi ko sila natalo. It means ikaw na ang panalo sa atin. At bilang prize, lahat ng gusto mo susundin ko for one day magiging alipin mo ako. Is it enough?"

"One week."

"One day."

"Pumayag ka na Casey, hindi karin naman mananalo," si Shar ulit.

"Bitter lang yan kasi walang lovelife!" si Monique. Naghabulan tuloy ang dalawa, napapangiting napailing siya sa kakulitan ng dalawa.

"Okay. Deal."

"If I win. Mag chi-cheer ka ng ganito sa akin. I-di-nemo nito ang gagawin ni Casey. Itinaas ni JP ang mga kamay tapos kumembot ang mga balakang nito. "Go honey, go! Go!" natawa si Casey.

"Bagay sayo, haha!" confident siyang hindi ito mananalo, pambato kaya nila si Jay Bee sa running competation kaya imposibleng matalo ito ni JP. "Sure, I'll do that. Iyon ay kung mananalo ka!"

"C'mon class, magsisimula na tayo. Maghiwalay na ang boys sa girls. JP, go back to your group. Wala namang aagaw diyan sa honeybird mo."

Tuksuhan.

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 28.8K 48
[COMPLETE] Paano kung magising ka nalang ng isang araw at ikakasal ka na? Idagdag mo pa to, ikakasal ka sa isang OH SO HOT NA LALAKING SAKSAKAN SA KA...
1.1M 1.9K 3
"I LOVE YOU GOODBYE" kita ko sa mata ni Gavin ang lungkot at galit na alam kong para sakin. Love is not about the word STAY but it is all about SACRI...
895K 18.6K 36
The Bad Meets Good kind of Story. Everything in Coleen's life is perfect, she's the perfect student, perfect daughter, and perfect friend until the b...
28.3K 856 8
"kapag nakikita ko siya bumibilis ang tibok ng puso ko. Para bang ang tagal na namin magkakilala." Seferina Sophia Book two Date start: August 7 201...