CHAPTER SIX

1.8K 59 0
                                    

HIDE-OUT [Vacant Time]

Nasa isang garden sila kung saan may isang bahay kubo, nasa likod iyon ng buildings ng school nila. Vincent founded the place ng minsang inutusan ito ni Jane na pumitas ng white roses para pumayag itong makipag-date dito.

Simula noon ay doon na sila nagtatambay o di kaya sama-samang nag-aaral. Bawal talagang pumunta doon pero dahil napatunayan nila sa guidance councelor na malinis ang intensiyon nila ay nagkaroon sila ng access sa lugar na iyon, kapalit ang pag-alaga nila sa mga halaman na nakatanim doon.

First year pa lang nang nabuo ang barkada nila. Unang magkakilala sina Vincent at Jane na nagliligawan na pero hanggang ngayon ay magkaibigan parin ang status ng mga ito. Sumunod na nakilala ni Jane sina Monique at Sharmine na magkaaway nung una, ito ang nagpabati sa dalawa. Nakilala naman ni Vincent sina Rod at JP dahil sa isang tournament sa basketball at dahil nga nasa parehong section sila ay nasama siya sa mga ito na nung una hindi pa alam ang status nila ni JP.

Wala naman talaga silang balak na ipaalam na engaged na sila. Pero dahil namana niya ang saltik ng Mommy Kiana na. Umalingawngaw sa buong Campus ang announcement nito na engaged na silang dalawa. Doon napuno sila ng tuksuhan hanggang sa aminin na nila sa mga kaibigan kung bakit kailangan nilang sumunod sa parents nila.

Nasa mukha parin ni Sharmine ang inis kay Jinky. "How dare her na magsalitang mas maganda pa siya sa atin? Haler? Mas maputi lang siya, no! For sure maitim ang singit nun!"

"Shar, don't waste your energy for her," sabi ni Casey dito. Hinihipan parin ni JP ang palad niya. Nakasandal naman si Jane kay Vincent habang abala naman si Rod sa tablet nito.

"Hay, naku! I just can't help it. She's getting in my nerves," umupo na si Shar sa tabi ni Monique na busy sa pagsusulat.

"What are you doing? Para san yan?"

"Anti-Jinky campaign," seryosong sagot nito.

"Hindi mo rin matanggap na sinabihan kang mas maganda pa siya sa 'yo?" kumento si Jane.

"Talaga! Baka pagnakita niya hita ko, kainan niya sinabi niya."

"I think we need to convince the committee na magkaroon ng search for Miss HSHS, at ang mananalo lalaban sa interschool pageant," si JP.

"Yeah, that's should be. We have the right to do that," si Vincent na panay ang suklay sa buhok ni Jane.

"Maiba tayo," si Shar. "Totohanan na ba yan?" inginuso sila nito.

"Crazy. Kami na naman ang nakita mo," si Casey.

"Hmm... I smell something fishy-fishy here. Parang nai-inlove na sila sa isa't-isa!" patuloy pa nito.

Binato niya ito ng ballpen. Napasulyap siya kay Rod pero wala man lang itong reaksiyon. Napabuntong hininga siya. Siguro nga hindi siya ang type nito. Nalungkot ang puso niya. Pinagmasdan naman ni JP si Casey na biglang tumamlay.

"Guys, there is no us okay? We are just trying to be nice kasi para sa amin naman ito. And besides open kami sa possibility na makipag-date sa iba. Like Rod and Casey," nahigit ni Casey ang hininga niya. Nanlaki naman ang mga mata ni Sharmine. Ito lang yata ang hindi nakakaalam na nagdi-date sila ni Rod.

"Wow? Really?"

"It was just a friendly date," si Casey. Huminge siya ng paumanhin kay Rod na noo'y nakatingin na sa kanila.

"I have a blessing from JP to have a date with her," anito.

"Wala naman problema. Hindi naman talaga kami ni Casey. Ang sa akin lang you have to be careful dahil baka makarating sa parents namin."

MARRYING MY BEST ENEMYHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin