Until I'm Over You (Published...

By JoeBeniza

1.3M 36.3K 8.6K

(Story Completed) How do you get over with someone who meant the world to you when she was gone so suddenly... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: Airport
CHAPTER 2: The Past part 1
CHAPTER 4: The Past part 3
CHAPTER 5: The Past part 4
CHAPTER 6: The Past part 5
CHAPTER 7: The Past part 6
CHAPTER 8: The New Taxi Driver
CHAPTER 9: The Annoying Girl
CHAPTER 10: Unfortunate Kier
CHAPTER 11: Her boyfriend?
CHAPTER 12: Troublemaker
CHAPTER 13: From Dragon to an Idol
CHAPTER 14: The Broken Dragon
CHAPTER 15: Evil Phone
CHAPTER 16: Valerie's Past part 1
CHAPTER 17: Valerie's Past part 2
CHAPTER 18: Valerie's Past part 3
CHAPTER 19: Valerie's Past part 4
CHAPTER 20: The Handkerchief
CHAPTER 21: Love ones
CHAPTER 22: A Series of Awkwardness
CHAPTER 23: Those who were forgotten
CHAPTER 24: Kiss of the Dragon
CHAPTER 25: Jana's Journal part 1
CHAPTER 26: Jana's Journal part 2
CHAPTER 27: Jana's Journal part 3
CHAPTER 28: Us Apart
CHAPTER 29: Losing Hope
CHAPTER 30: To a new start
CHAPTER 31: The Strong Woman
CHAPTER 32: The Secretary
CHAPTER 33: Realization
CHAPTER 34: Return of a friend
CHAPTER 35: Debut
CHAPTER 36: The Real Reason
CHAPTER 37: No Escape
CHAPTER 38: Revenge
CHAPTER 39: Dragon Soup
CHAPTER 40: Soup Battle
CHAPTER 41: Good Times
CHAPTER 42: Jana's Face
CHAPTER 43: In Love
CHAPTER 44: Drown from the Past
CHAPTER 45: Wrong Expecations
CHAPTER 46: In Someone Else's Arms
CHAPTER 47: Break Even
CHAPTER 48: Playful Fate
CHAPTER 49: Dragons VS Puppies part 1
CHAPTER 50: Dragons VS Puppies part 2
CHAPTER 51: Letting go
Epilogue
Credits
Special Chapter: Taming Dragon Mommy
Published Book

CHAPTER 3: The Past part 2

42K 1.1K 298
By JoeBeniza

Continuation of flash back -- two years ago.

First time sa buhay ko na nakita ko na yata ang babaeng nakabihag ng puso ko nang agad agad, kaso mukhang naagaw na agad ng iba. Ang torpe ko kasi, dapat kinuha ko ang number niya noon. Mag ka-chat sana kami noong nakaraang limang araw. Ngayon sa katangahan ko, mukhang nakapag sayang ako ng isang pagkakataon na isang beses lang mangyayari sa buhay ko.

Naka-akbay 'yong mokong na lalaki sa kanya pero parang dedma lang siya dahil busy siya sa pag guhit. I was disappointed, kaya ginusto ko na lang umuwi. "Lika na Pogi uwi na lang tayo."  Hinila ko 'yong tali ni pogi pero ayaw niya umalis sa pwesto namin at gusto niyang kumawala at parang gusto niyang pumunta kay Jana.

Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko at binitawan ko 'yong tali niya. Hindi nga ako nagkamali, tumakbo siya papunta kay Jana habang tumatahol-tahol pa.

Agad naman siyang napansin ni Jana, at tuwang tuwa niyabg tinawag ang aso ko, "Pogi!" 

Agad binitawan ni Jana ang kanyang ginagawa at sinalubong niya si Pogi. Hinimas himas niya si Pogi, at ang aso ko naman parang nakita ang mommy niya sa tuwa. Sana nga lang siya na ang mommy, at ako naman ang daddy. Tumingin siya sa paligid, at mukhang hinahanap niya ako. Hangang sa napatingin siya sa direksyon kung nasaan ako. Kumaway siya at tinawag niya ako nang may ngiti sa kanyang mukha, "Kier! Ano gingawa mo diyan? Lika dito!"

Abot tenga naman ang ngiti ko nang narinig kong tawagin ni Jana ang pangalan ko. Nag jogging ako papunta kay Jana para medyo astig ang entrance ko.  "Hi Jana! Sorry naistorbo ko kayo.  Ito kasing si Pogi biglang tumakbo."  Paliwanag ko. Pero sinadya ko talaga mang-istorbo.

Naglulundag si Pogi sa harap niya, tuwang tuwa talaga 'yong aso ko sa kanya.  Tumayo siya at humarap sa akin.

"Bakit ngayon ka lang pumunta dito sa park?" tanong ni Jana.

Natuwa ako sa tanong niya. Was she been waiting for me? Mukhang may pag asa pa, yes!  "Ah... eh... sorry may pasok  kasi ako sa school at gabi na ang uwi ko. Every Saturday and Sunday lang ako walang pasok."

"Okay lang. Good to see you again, pati si Pogi," sambit niya at binigyan niya ko ng napaka-ganda niyang ngiti.

This time, naka-dress ulit siya na light blue and medyo back less ng kaonti. Kitang kita ang kaputian ng kutis niya at talagang bagay na bagay sa kanya ang damit.

Biglang namang umeksena 'yong mokong na lalaking kasama niya. "Ah! I see. So student ka pa lang pala? I'm Andrew by the way." At inabot niya ang kamay niya sa akin upang makipag kamay. Kinamayan ko siya pero hinigpitan ko ng kaonti tapos nginitian ko siya, ngiting aso na biglang mangangagat na lang.  Ang yabang kasi eh. Kung makapag sabi ng student pa lang. Hintayin mo ko grumaduate, mokong ka. Napansin niyang humigpit ang hawak ko kaya parang hinigpitan niya din ang hawak niya. Kung anime lang 'to siguro may parang kuryente na sa gitna namin.

Biglang sumingit si Jana kaya tinigilan na namin ang hand shake war, "Kier, classmate ko si Andrew noong college, Architect din siya. Bigla siyang bumisita sa bahay kaya dinala ko siya dito." pakilala ni Jana sa kasama niya. "Andrew, meet Kier. New friend ko dito sa community. He's a Law student."

Classmate pa pala dati ni Jana itong mokong na mayabang na 'to.

"Ah Law student ka pala," sambit ni Andrew habang marahang tumatango at tintignan ako mula ulo hangang paa.

Akala mo basta bastang estudyante lang ako ah, sabi ko sa isip ko. Pag grumaduate ako sisilipin ko lahat ng gagawin mong project kung lahat legal. Mainit ang dugo ko sa kanya, kahit kaonti pa lang ang alam ko tungkol sa kanya. Hindi ko alam, pero nayabangan talaga ako.

Nakipaglaro si Jana kay Pogi hangang sa medyo napalayo sila sa amin at naiwan ako kasama si mokong Andrew.

"So pare, saan naka-park ang car mo? Do you own a house nearby?" tanong ni Andrew.

G*g*ng  'to. Ang yabang talaga! Sabi ko sa isip ko. Teka easy lang Kier baka magalit sa akin si Jana pag pinatulan ko 'to.

"Malapit lang ako dito kaya nag lakad lang kami ng Aso ko. Diyan sa may malapit na apartment." Sagot ko.

"Ah apartment lang?"  tanong niya na may halong pagyayabang. "Eh ano naman ang car mo?  Mine is the one parked over there." Tinuro niya ang isang kulay red na kotse. "That's a Toyota 86 dude. Isn't she a beauty? Mind you bro, that's two million pesos in case you don't know."

Aba! Hindi lang pala mayabang itong mokong na to, Mr. Price-Tag pa. Hindi ko nalang pinansin 'yong mga pagyayabang niya wala naman ako makukuha eh. Sabi nga nila ang latang may laman tahimik lang pero ang wala, maingay.

Tinignan ko nalang si Jana at si Pogi na naglalaro sa 'di kalayuan ng fetch.  Nakakawala ng stress talaga pag nakikita kong masaya siya.

"Nanliligaw ka ba kay Jana?" tanong ni Andrew sa akin.

Nabigla ako sa tanong niya. Hindi ka agad ako nakasagot pero sa asta niya parang inaangasan niya ako. Kaya't kahit hindi ko pa sigurado kung doon talaga ako pupunta...

"Oo pre. Bakit?" sagot ko na may halong angas.  Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko. I know 2nd time pa lang namin ni Jana magkita pero wala eh, I think tinamaan talaga ako ng malupit.

Natawa si Andrew sa sinabi ko, "Goodluck pare. Matagal ko nang nililigawan 'yan si Jana, since college pa."  Pinatong niya ang kanyang kamay sa balikat ko.  "Tumigil ka na lang pare habang maaga, baka masaktan ka lang."

Hindi ko na lang ulit siya pinansin. On the other hand, kawawa din pala itong mokong na 'to kasi matagal nang nag hihintay kay Jana pero 'di pa rin siya sinasagot. Well, siguro dahil sa ugali na rin niya. Napaka yabang kasi. Mukhang ibang babae si Jana. Hindi niya kayang silawin ng pera.

Okay lang naman kung hindi ako sagutin ni Jana. Masaya siyang kasama at gustong gusto siya ni Pogi, kaya okay lang kung ma-friendzone ako. Pero h'wag sana.

Lumapit si Jana sa amin at kinausap niya si Andrew, "Andrew can I ask you a favour?"

"Yes of course, anything for my Princess," sagot ni Andrew.

"Si mama kasi nag text, gusto daw niya pumunta dito. Pwede mo ba siyang sunduin?" sambit ni Jana.

"Sure! I'll get Tita Jizelle for you,"  sagot ni Andrew nang may maamong boses.

Nginitian naman siya ni Jana, "Thank you."

Umalis siya at sumakay sa kotse niya. Pinatunog niya ng malakas ang makina para mag yabang sa'kin bago niya ito pinatakbo. Mukhang wala akong laban sa kanya pag dating sa porma at pera. Most of girls' pa naman mas gusto 'yong mga ganitong rich guy type. Sana na lang tama ako na hindi gano'n si Jana.

Sinanggi ni Jana ang braso ko ng balikat niya pag alis ni Andrew,  "So where are we going?"

Nagulat ako sa tanong niya,  "Huh? Teka akala ko pupunta dito si Mama mo?"

Tinawanan niya ang sinabi ko, "Hindi, pinaalis ko lang si Andrew. Kulit kasi non eh. Sinabi ko naman na dati na hangang friends lang kami pero nanliligaw pa rin siya. Tsaka kayo talaga ni Pogi hinihintay ko dito,"  sagot ni Jana.

Wow! Akalain mo 'yon kami pala hinihintay niya. Mukhang lalo talagang lumalaki 'yong chance ko sa kanya. 

"Ah sige," nahihiya kong sinabi. "Uhmm.. Pwede tayong mag punta sa Mall. Lalagyan ko lang ng diaper si Pogi,"  sambit ko.

"Teka may regalo nga pala ako kay Pogi." sambit ni Jana at kinuha niya ang isang paper bag sa upuan.  Iniabot niya ito sa akin.

"Ano 'to?" tanong ko.

Ngumiti siya sa akin at sinabing, "Buksan mo na."

Na-surpresa ako dahil hindi ko akalain na kahit 2nd time pa lang namin mag kita ay nag abala na siya mag regalo.  Binuksan ko agad ang regalo ni Jana. Tumambad sa akin ang isang black and white na dog collar na mukhang customised pa at may pangalan pa ni Pogi sa gitna.

Nginitian ko siya at pinasalamatan. "Wow! Ayos 'to ah. Thanks, Jana. Nag abala ka pa tuloy."

"You're welcome, Kier," kinuha niya sa akin ang collar at ipinakita ang isang bahagi ng collar kung saan pwede akong mag sulat or mag lagay ng info. "This is where you can put your name and contact number. If ever mawala ulit si Pogi, pwede kang tawagan ng makakapulot sa kanya."

"Hanep!  Hindi ko ito naisip dati ah," sambit ko. "Salamat talaga."

Agad kong tinanggal ang lumang collar ni Pogi at ipinalit ang regalo ni Jana. "Here you go Buddy, lalo ka pumogi. Bagay na bagay sa 'yo." At hinimas ko ang aso ko.

"Halika na baka bumalik na agad si Andrew," pagyaya ni Jana sa akin.

"Ay oo nga pala. Sige let's just grab a diaper on our way. Kaso..." Sambit ko.

She gave me a look that she's waiting for what I'm about to say.

Nahiya ako sabihin kay Jana pero nilakasan ko na lang ang loob ko, "Kaso magta-taxi lang tayo. Wala pa akong kotse eh."

Natawa siya at bigla siyang kumapit sa braso ko. "Okay lang 'yan. Wala naman sa akin kung wala kang kotse eh. Tara na!"

Napangiti ako at natuwa sa sinabi ni Jana.  Ang swerte ko talaga pag nag kataon na maging girlfriend ko siya. Sobrang dalang na sa panahon ngayon ang katulad niya. Ang masasabi ko lang ganitong babae ang mga for keeps. Ganito kay Jana 'yong pagsisikapan mong makuha lahat para sa kanya, 'yong gagawin mo lahat para maging keeper niya.

Nagpunta kami sa mall, kumain, at namasyal kasama si Pogi. Matapos ang isang napaka sayang araw. Muli kaming pumunta ni Jana sa Park.

"Thank you for this day Kier. Nag enjoy ako," nakangiting sambit ni Jana sa akin.

"Wala 'yon. Ako nga dapat "yong mag pasalamat. Thank you din, Jana. Ang saya mo talagang kasama," sagot ko.

"Ewan ko ba pero komportable akong kasama ka. Alam mo 'yong parang matagal na tayo mag ka kilala? Ang gaan gaan kasi ng loob ko sayo,"  sambit ni Jana.

"Talaga? Gano'n nga rin nararamdaman ko eh. Lalo na 'tong si Pogi parang mas maamo pa siya pag kasama ka kaysa sa akin eh."

Nginitian niya ako at kinarga naman niya si Pogi.  "Totoo ba yun Pogi? Gusto mo si Mommy Jana?" sambit ni Jana habang bini-baby si Pogi.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi naman siguro ako nag kamali ng pag dinig 'di ba? Did she just said Mommy Jana? Hindi talaga ako maka-paniwala. Nagdiriwang ang lahat ng cells ko sa katawan sa sinabi niya.

"Mommy?" tanong ko . Mas maganda nang sigurado.

Bigla siyang nahiya sa akin at namumula pa ang kanyang mga pisngi. "Ay sorry. Joke lang 'yon. "

Ay, joke lang pala.

"Amm.. Jana.. Pwede ko ba makuha ang phone number mo? At pwede ba kita i-add sa  FB social media?" tanong ko.

"Oo naman!" sagot niya at binigay niya sa akin ang phone number niya pati na rin ang name niya sa FB.

Kinuha ko ang phone ko at nirecord doon ang number niya, at nang iaa-add ko na siya sa FB...

"Jana, hindi kita ma-add sa facebook parang sira yata 'yong facebook ko eh," sambit ko.

"Ay gano'n? Sige ako na lang mag a-add sa'yo," kinuha niya ang kanyang phone at sinendan niya ako ng friend request.

"Hayan na-add na kita." sambit niya at tumingin siya sa phone ko para i-check kung nag appear na sa akin ang friend request niya. Pinindot ko ang button na delete sa friend request niya. Natatawa ako sa loob-loob ko. Sana gumana itong moves ko.

"Oh bakit mo dinecline 'yong friend request ko?" nagtataka niyang tanong sa akin.

Kunwari ay bumuntong hininga ako nang napakabigat saka sumagot, "Hindi ko kasi matanggap na hangang friends lang tayo."

Natawa siya sa sinabi ko. "Ikaw talaga." At pabiro niya akong sinuntok sa braso. "Tugish!" sambit niya.

Natawa ako sa ginawa ko at sa sound effect ng suntok niya. "Naks may tunog pa 'yong punch mo ah."

Tawa siya ng tawa sa mga biro ko. "Eeh kasi naman eh."

Ang cute niya talaga at bigla akong na-stun habang nakatingin sa mukha niya.

Bigla siyang nahiya at bigla niyang tinakpan ng kamay niya ang mukha ko. "Bawal tumitig may bayad."

Natawa ako sa ginawa niya at muli kong tinitigan ang mukha niya. "Sorry 'di ko napigilan matulala sa ganda mo."

Umiwas siya ng tingin dahil nahiya siya sa sinabi ko at kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya. "Bahala ka mag kakautang ka ng marami."

"Okay lang. Basta masilayan ka pa nang madalas," banat ko naman.

Ngumiti lang siya at yumuko na tila tinatago sa akin ang kilig.

"Ah Jana..." pag iba ko sa usapan. May kaonting hiya pa ako pero hindi ko na talaga palalampasin ang pag kakataon. "Pwede ba tayong lumabas bukas? Pero tayo lang dalawa iiwan ko muna si Pogi."

"Sige wala naman akong gagawin eh," sagot niya agad.

Napangiti ako nang napakalaki sa sagot niya. Yes! It's a date tomorrow! Nagdiwang na naman ang mga cells ko sa katawan pati na ang puso kong kanina pa nag ra-rock n roll.

Bigla naman akong nahiya, "N-Nice... Uhm thank you. Thank you, Jana,"

Nginitian niya ako ngunit ilang saglit pa, napatingin siya sa kanyang phone nang umilaw ito.

"Kier, mag gagabi na, hinahanap na ko ni Mama. Nag text na siya eh," sambit niya.

"Pwede ba kitang ihatid sa inyo ngayon?" Tanong ko.

"Huwag na Kier, nag text si Mama na palabas daw siya ng bahay dala 'yong kotse namin. I'll meet her on the way. See you tomorrow na lang," sagot niya at binigyan niya na naman ako ng mala anghel niyang ngiti.

Umalis na si Jana at naglakad na rin kami ni Pogi pauwi. Sobrang saya ko ngayong araw na 'to. Excited na rin ako sa date namin bukas.

Continue Reading

You'll Also Like

516K 14.9K 13
Paano maniniwala ang isang tragic writer na may happily ever after? Pag-ibig kaya ang muling magpapatunay sa kanya na ang buhay ay hindi laging malun...
999K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
3.1M 73.5K 21
Ang pagpasok ba sa isang tago at bawal na relasyon ay kayang tumbasan ang lahat ng prinsipyong itinapon ni Lavender para lang kay Reynald? Is this t...
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...