A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COM...

By adrian_blackx

415K 13K 1.3K

"Nerd man ako sa paningin nila, but they don't know me very well." -GLAIZA Maybe I judge her before, but then... More

Chapter 1: The Kiss
Chapter 2: Rescue
Chapter 3: Music Room
Chapter 4: New Prof
Chapter 5: Rooftop
Chapter 6: Tutor Mode
Chapter 7: Kathrina
Chapter 8: DATE?!!
Chapter 9: The Truth and The Hell
Chapter 10: Glaiza Galura
Chapter 11: Heaven and Hell
Chapter 12: Elevator
Chapter 13: Kumot
Chapter 14: Glaiza's New Girlfriend
Chapter 15: Wife material
Chapter 16: Hello Past
Author's note
Chapter 17: Over
Chapter 18: Love Guru
Chapter 19: Real
Chapter 20: Forgive and Forget
Chapter 21: Yes
Chapter 22: Tagaytay Adventure (1)
Chapter 23: Tagaytay Adventure (2)
Chapter 24: The Revelation
Chapter 25: Nasa'yo na ang lahat
Chapter 26: The Comeback
Chapter 27: Something New
Chapter 28: R vs. S
Chapter 29: Hurt
Chapter 30: Come back is real
Chapter 31: Birthday Surprise
Chapter 32: Closure
Chapter 33: Grow Old with You
Chapter 34: Where are you?
Chapter 35: Happy Ending
Mula Sa Author <\3
Hi guysss

EPILOGUE

10.2K 363 68
By adrian_blackx

RHIAN'S POV

After ng graduation namin ni Glaiza, nagbakasyon muna kami sa Europe, para naman masolo namin ang isa't isa. Everyday nag ppropose siya sa akin, minsan ilalabas niya ako, ipupunta niya ako kung saan saan, tapos maglalabas siya ng kahit anong bilog na pwedeng isuot sa daliri ko, minsan lastiko na napulot niya sa daan, sinulid tapos itatali niya. Pero I find it sweet. Kasi kahit alam namin na talagang ikakasal kami, hindi pa rin siya nagbago, still sweet, caring, masungit, hahaha. Kaya nga mahal na mahal ko yan eh. 

Andito ako ngayon sa apartment na tinirhan ni Glaiza dati, at iniwan niya akong mag-isa dito, dahil for sure, may pakana nanaman to sa akin. Ang daming pakulo sa buhay. Nag iwan siya ng white dress at ang ganda and simple lang, kaya nagustuhan ko. 

Nag iwan nanaman siya ng note.

Wear this tonight. 7:30am. Wait for my surprise. I love you lab! 

Ano nanaman kaya ang pakana ng babaeng to ngayon. Pero bahala na. Basta excited na ako. Napansin ko na 6:30pm na pala, kaya dali dali na akong nag-ayos ng sarili ko.

Pagkatapos kong magbihis, sakto naman ang pagdating ng sundo ko, at busina ito ng busina!

"Andiyan na! Just wait!" I said. Ang kulit kasi eh.

Pero pagkalabas ko, nagulat ako sa nakita ko, I saw Bianca.

"BESSSTIIIEEEEE!" Sigaw nito sa akin at agad itong tumakbo palapit sa akin. Grabe namiss ko din ang babaeng to.

"Anong ginagawa mo dito? Don't tell me pinapunta ka ni Glaiza?" Tanong ko sa kanya,

"Hoy! Hindi ba kita pwedeng bisitahin. Bakit si Glaiza lang ba ang mayaman para makapunta dito?! Nakakahurt ka ah!" 

"Hahaha! Biro lang, pero seriously, bakit ka nandito?" 

"Because of this!" May nilabas siyang panyo.

"Aanihin ko yang panyo?" I ask her.

"Huwag ka ng makulit, sige itatakip ko na to sa eyes mo, pero syempre hindi ko hahayaan na masira ang beauty mo!" Agad naman niya itong tinali sa akin, and I don't have an idea kung ano ba ang nangyayari. Pakana nanaman talaga to ni Glaiza. Grabe siya.

"Ok, dahan dahan, sakay ka na sa kotse!" Bianca said.

"Ikaw hindi ka sasakay?" I ask her. Grabe wala talaga akong makita.

"Nope! Tsaka may kasama ka sa loob, kaya hindi mo maalis yang nasa mata mo, kasi babantayan ka niya. Hahaha" bigla na lang siyang nawala.

Haysss. Paano ba to. Nakidnap na nga ako before, tapos makikidnap nanaman ako ngayon? Pero aaminin ko, kinikilig ako. Hahahaha! 

Hindi ko alam kung gaano katagal ang byahe, pero naramdaman ko ang pagod. Nakakapagod ang umupo at wala ka man lang kausap, dagdagan pa na naka blindfold pa ang mata mo. Kaya umidlip muna ako, dahil mukhang mahaba habang byahe to.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagising ako dahil sa simoy ng hangin na parang nang gagaling sa dagat, at pagkamulat ko, wala na ang blindfold sa mga mata ko. Nakabukas ang pintuan ng kotse na sinakyan ko. 

Glaiza talaga oh! Baka mawala ako?! 

Agad akong bumaba sa sasakyan at napansin kong may mga petals na nakakalat sa buhangin.. Kaya sinundan ko, dahil baka kapag sinundan ko to, masasapak ko na si Glaiza! Ang dami kasing kalokohan.

Sinundan ko lang ito ng sinundan, hanggang sa nakita ko ang altar. Napalunok ako sa nakita ko.

Andito lahat ng pamilya at mga kaibigan namin, may pastor na naghihintay sa akin. At nakita ko naman, ang nag iisang babaeng mamahalin ko, si Glaiza!

"Uhmmm. Ms.Rhian, this is for you, from Ms.Galura." Pati ba naman siya andito?!

"Althea?" 

"Yes. Sige na po, naghihintay na ang bride sa pagdating niyo" 

So ito ang pakana ni Glaiza, ang biglanang pakasalan ako at beach weeding pa. Haysss. Glaiza, I really love you.

Naglakad na lang ako sa altar, nakita ko na sobrang saya ng pamilya namin. And I saw Glaiza standing and waiting for me, napaiyak na lang ako sa sobrang tuwa. 

Nasa harapan ko na ngayon si Glaiza at inabot niya ang kamay niya sa akin.

"Are you ready to become my wife?" She ask.

"May choice ba ako? Eh andito na ako eh. Wala na akong kawala." 

"Wala na talaga. So shall we? Para honeymoon na ang next." Hinampas ko siya ng very light lang sa braso niya, at tumawa lang siya sa kalokohan niya.

"Good evening to everyone. Tonight we will witness these two lovely woman who is inlove with each other" panimula ng Pastor sa amin.

"We gather here to unite these two people in marriage. Their decision to marry has not been entered into lightly and today they publicly declare their private devotion to each other. The essence of this commitment is the acceptance of each other in entirety, as lover, companion,
and friend.A good and balanced relationship is one in which neither person is overpowered nor absorbed by the other, one in which neither person is possessive of the other, one in which both give their love freely and without jealousy. Marriage, ideally, is a sharing of responsibilities, hopes, and dreams. It takes a special effort to grow together, survive hard times, and be loving and unselfish." The Pastor said. [(c) to the internet]

After ng mga maraming salita ng pastor, ito na. Ibibigay na namin ang vows namin sa isa's isa, at hindi ako ready, pero ako ang pinauna.

"Glaiza. Unang una sa lahat, gusto kitang sapakin dahil sa pakana mong to" panimula ko, at lahat naman sila nagsitawanan, maliban sa pastor, dahil hindi naman siya nakakauntindi ng tagalog.

"Pero Glaiza, kahit anong pakana ang gawin mo, ayos lang sa akin, because I know, para sa akin din yun. When the first time I saw you as a nerd, to be honest I don't like you, kasi may nerd nanaman sa university, and I hate them. Pero hindi ko inakala na ang isang katulad ko, ililigtas ka sa dalawang babaeng nakabangga mo before. Naguluhan din ako sa sarili ko, bakit ko ginawa yun. Pero then bigla kang hinulog ng langit, para umangat naman ako sa mga grades ko, yes I used you before para lang pumasa, pero sa tuwing tinuturuan mo ko, tinuturuan mo din ako kung paano ka mahalin. Napaka misteryosong mong tao. Hindi ikaw yung tipong sumusuko. Then until one day, nasaktan kita dahil niloko kita, naguilty ako nun, sobra! At dahil sa guilt na yun, narealized ko na, mahal na pla kita, kahit hindi pa lumabas si Glaiza Galura at ang nakilala ko pa lang before is si Glaiza De Castro. Pero De Castro ka man o Galura, I don't care, kasi mahal kita. And I know you love me too. Sa dami ng pagsubok na pinagdaanan natin, heto tayo ngayon masaya at nagmamahalan, at ni minsan hindi mo ko sinukuan kahit ang spoiled brat ko. Pinakita mo sa akin kung gaano ako kahalaga. Glaiza hindi ako magsasawang sabihin sayo na mahal na mahal na mahal kita. And I am grateful and lucky to have a wife like you. I love you so much Glaiza. I really do" 

After kong magsalita tinignan lang ako ni Glaiza, medyo naluluha na siya, pero pinipigilan niya lang.

"Hey Glaiza, titignan mo na lang ba ako all night?" Tanong ko sa kanya at syempre nagsitawanan din ang mga bisita.

"Can I? You look stunning!" She said, hay naku, bolera talaga.

"Tse!" Yun na lang nasabi ko. Huminga muna siya ng malalim, dahil pakiramdam ko kinakabahan siya.

"Paano ba ako magsisimula. Hindi din kasi ako ready na magsalita eh. Kaya di ko napagplanuhan yung speech ko, para patas tayo. Hahaha" kahit kailan talaga tong babaeng to.

"Rhian, kahit nasaktan mo ko before, hindi nabawasan ang pagmamahal ko sayo. Yung sakit na yun ang nagparealized sa akin kung gaano na pla kita kamahal. Noong una ayokong aminin sa sarili ko na mahal na kita, kasi natatakot ulit akong masaktan. Pero binigyan mo ko ng chance para sumaya. Sa tuwing nakikita kita para kang vitamins eh, binibigyan mo ko ng lakas. Hahaha! Ok alam kong korni. Pero Rhian, ikaw ang lakas ko, ikaw din ang kahinaan ko, kaya nga ako under sayo eh. Lahat ng pagsubok kaya kong tawirin para lang makasama ka. Hindi ako magsasawang ipakita sayo kung gaano kita kamahal. Mamahalin at mamahalin kita hanggang wakas. Hindi ako naniniwala sa forever, pero naniniwala ako sa for keeps, at para sa akin, ikaw ang for keeps ko. Gusto kong magpasalamat sa pagtityaga mo sa mga kalokohan ko sa buhay, sa mga kakornihan ko. Pero kasi lumalabas lang ang kakornihan ko dahil sayo. Keso na kung keso, pero mahal kita. Itaga mo pa yan sa mukha ni Ange. Rhian, today is the best night of my life, ngayon magiging asawa na kita. Bubuo tayo ng masaya at magandang pamilya. Siguro hindi madali, pero pinapangako ko sayo, magiging masaya tayo, ikaw, ako at ang magiging anak natin. Ikaw lang ang mamahalin ko ng ganito. Kaya Rhian Howell, please say yes to our pastor and say I do to me. I love you so much Rhian." 

Napaiyak naman ako sa mga sinabi ni Glaiza but at the same time natawa din ako, puno talaga to ng kalokohan.

Bigla ulit nagsalita si Pastor.

"Glaiza, do you accept Rhian to be your loving wife?" Pastor ask

"Oh yes I do!" Pagmamalaking sagot ni Glaiza.

"And you Rhi-" hindi ko na pinatapos yung pastor.

"Yes I do! I do! I do!" 

"Ok,. By the power vested in me, I now pronounce you wife and wife! Glaiza, you may kiss your bride!" 

At walang paligoy ligoy, agad akong hinalikan ni Glaiza, with full of love and happiness..

GLAIZA'S POV

Dalawang taon na din ang nakakalipas simula nung kinasal kami ni Rhian. Wala naman masyadong pinagbago, under pa rin naman ako sa kanya.

Sa dalawang taon maraming nagbago, sa akin, sa kanya at sa mga kaibigan namin.

Si Chynna at Kean, still strong at balak na din nilang magpakasal this year., masaya naman kaming lahat about dun. Mabait si Kean at sigurado akong aalagaan niya si Chynna.

Si Angelica naman na pinsan ko, siya na ang nag mamanage ng univerisity at sakawas, may pumatol na sa kanya, kaya hindi na siya alone, at ang pumatol sa kanya. Si Kathrina. Kahit laging nag aasaran yung dalawa, nauwi din pala sa pagmamahalan. Buti nga nakamove on na si Kath kay Chynna, baka nga daw tama ako, baka nadala lang siya ng feelings niya for Chyns, pero heto siya ngayon masaya, masaya kasama ang pinsan ko.

Ako naman, ako na ang nagmanage ng company, and so far so good, dahil mas napalago ko pa ito, kasama ang aking napakagandang asawa. Naging successful kaming dalawa.

Si Rhian naman, ito manganganak na with our 1st child, and its a baby boy.

"Push ka lang ng push Rhi! Kaya mo yan lab!" I said.

"Letche ka Glaiza! Ang hirap kaya! Ikaw kaya dito! AHHHHHHHHHHHHH!" Halata ba nahihirapan si Rhian, pero I know she can do it.

"GLAIZAAAAAA! ANG HIRAP NITO! KAPAG IKAW NANG BABAE SINASABI KO SAYOOOOOO!" Hindi ko na lang pinansin yung sinasabi niya, pero ok na din yun kasi naipupush niya.

"One last push Mrs.Galura" sabi nung doctor.

"AHHHHHHHHHHHH"

And finally I saw my little prince.

"Congratulations, you have a cute and a healthy baby boy" sabi nung doctor.. Binigay muna nung doctor yung baby namin sa nurse para malinisan siya.

"Lab, he's perfect! And I love you so much! Thank you!" I said.

"I love you too Glaiza" pinatulog ko muna siya para makapagpahinga, dahil grabe din ang bakbakan na ginawa niya. Haysss.

Kinaumagahan, nagising na si Rhian.

"Lab, asan siya?" Tanong niya sa akin. Kasama kong nagbabantay sa kanya ang pamilya't kaibigan namin.

"Maya-maya andito na siya. Kamusta pakiramdam mo?" I ask her.

"I'm fine. I love you"

"I love you too" 

Biglang bumukas ang pintuan at nakita namin ang aming baby boy at inilagay ito sa tabi ni Rhian.

"Ano ang ipapangalan natin sa kanya lab?" I ask her.

"Miguel Joshua Howell Galura. MJ for short" she said.

"Perfect".

Masaya na talaga kami, now we had our MJ, masasabi ko na buo na ang pamilya namin. At masasabi ko rin na I have a perfect life, dahil sa kanila. I love them both.

------

AN.

Ayan! Tapos na! WHAAAAAAA! Huhu! Ito na, tulad ng sinabi ko, sa epilogue ako magnonobela.

First of all, hindi ko talaga inakala na magiging ganito ang kalalabasan ng story sa mga readers, maraming nagkagusto sa story ko. Kaya thankful ako. I've been in wattpad for almost 2 months pa lang, at hindi ko inexpect na magiging ganito kainit yung pag tanggap niyo sa story ko.

Gusto kong magpasalamat sa mga readers na walang sawang nagcocomment, nag vovote at nagbabasa, kung hindi dahil sa inyo, baka hindi ko na to itutuloy, pero SALAMAT NG MARAMI TALAGA. Mula sa unang nag vote hanggang sa huling mag vovote pa lang, MARAMING SALAMAT. 

Ngayon tapos ko na ang first story ko, at masasabi ko sa sarili ko, I am so proud of myself. Hahaha. Dahil nga sa tapos ko na ang story ko na to, mag fofocus na ako sa dalawa ko pang story.

Yung Come Back Home and The Rebel Rock of Love, at kung papalarin, sana talaga matuloy yung colab namin ng isa sa mga author na kinaaliwan niyo rin. Sana talaga matuloy.

So sana guys, suportahan niyo din ang iba kong story kung paano niyo sinurportahan at inabangan ang A.K.A NEERDY GIRLFRIEND.

Sa susunod muli! Bye for now! Love you all! 

Don't forget to vote. :) 

Continue Reading

You'll Also Like

461K 16.2K 73
Layunin kong makapag-aral ng mabuti upang magkaroon ng magabdang buhay ang aking pamilya. At para sa aking magandang kinabukasan. Ngunit nakilala ko...
229K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
467K 12.8K 60
This story is girl to girl (gxg) read at your own risk.
181K 5.4K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...