Mission: Searching My Miss Ri...

By JonahBombales

32.2K 2K 34

[Romance] (COMPLETED) (Editing) Kyle Fernandez is a certified babaero. But dont get him wrong hindi ito para... More

Prologue✓
Inspired by: ✓
Chapter1: first meeting✓
chapter 2: Plans
chapter 3: Am I Inlove?!
chapter 4: 'I will listen'
chapter 5: first day
chapter 6: Tamara
chapter 7: carwash?
chapter 8: lock 1
chapter 9: lock 2
chapter 10: kitchen war
chapter 11: second day
chapter 12: Date or Friendly Date?
chapter 13: third day
chapter 14: with Tamara
chapter 15: bago sa feeling
chapter 16: kabayaran
Maikling Singit ni Author
chapter 17: 'you look beautiful'
chapter 18: hurting like hell
chapter 19: the 'devilish plan'
chapter 20: its killing me
chapter 21: 'never leave you'
chapter 22: plano ni Jasmine
chapter 23: the parent's condition
chapter 24: also~known~as
chapter 25: Imposible
chapter 26: ang pagpapakilala
chapter 27: only in her arms
chapter 28: just said 'no'
chapter 29: Aalamin..
chapter 30: private engagement
chapter 31: kawawang Jasmine
chapter 32: the call
chapter 33: thank you
chapter 34: the 15 minutes
chapter 35: the flash back pt.1
chapter 36: the flash back pt.2
chapter 37: the flash back pt. 3
chapter 38: selos
chapter 39: ilusyon
chapter 40: ♡♡♡
chapter 41: temporary protection order
chapter 42: selos ka, Kyle?
chapter 43: preperation:)
chapter 44: the most awaited wedding
chapter 45: at the wedding reception
chapter 46: bad girl..
chapter 47: breakfast
chapter 48: swerte
chapter 49: he ADMITTED
chapter 50: the WIFEY and the HUBBY
chapter 51: alipin ng Pag-ibig
chapter 52: a group hug!
chapter 53: caring her
chapter 54: fall inlove into her deeply
chapter 55: first day, photo shoot day!
chapter 56: photo shoot's days passed
chapter 57: Bicol here we come!
Authors note
chapter 58: moody
chapter 59: positive!
chapter 60: side stories 1
chapter 61: side stories 2
chapter 62: side stories 3
chapter 63: now I know;)
chapter 64: bingit ng kamatayan
chapter 65: reached her limits
chapter 66: sudden change
chapter 67: after that three misserable months
chapter 68: 'susuway sa kasunduan'
chapter 69: 'til we meet again..
~chapter 70~
~chapter 72~
Author's note:
~chapter 73~
~chapter 74 p.1~ (the last chapter)
~chapter 74 p.2~(the last chapter)
Epilogue♡____♡
Last Author's note

~chapter 71~

261 12 0
By JonahBombales

Its been a week magmula ng mag party kami sa condo ni Pao.. at dahil doon mas lalo ko pa silang nakilala ng masinsinan..

Hindi ko maintindihan dahil para bang pakiramdam ko iniiwasan na ako ni Antonnet?

Patungkol parin ba yun sa nangyare noong nakaraang linggo dahil sa nasabi ko yung pangalan nung babae na palaging nasa panaginip ko?

Hindi ba sya masaya na unti unti naaalala ko na ang nakaraan ko? Ano bang ikinakatakot nya?

Hindi ko sya maintindihan.. ganoon naman kasi ang mga babae hindi ba? Palaging moody.. papalit palit sila ng mood nila..

Parang nung muli naming pagkikita ang saya saya namin tapos ngayon para kaming strangers?

And I have this feeling na ayaw na ayaw ko..

Para kasing nasasaktan ako na hindi.. lalo na yung emotionally and mentally..

Lalo na pag nandyan si Antonnet tapos hindi nya na ako ganoong kinikibo?

Madalas na ring sumakit ang ulo ko lalo na at pinagsasabay ko na ang mga subjects ko for third grading dahil sa february na ngayon..

Remember? Mahigit 4 months din kaming nawala sa school and 3 months exactly lang kaming nakapasok ngayong school year..

Kaya sa exam kelangan naming mag exam ng for 1st and 2nd quarter tapos ilang linggo lang i te test na namin ang 3rd para stable na kami for the 4th grading at para makisabay na rin kami..

Stressful talaga ang buhay ko this few weeks..

At ngayon sunday.. wala mga sanang pasok but may kelangan akong balikan sa school dahil sa naiwan ko yung geometry book ko.. kelangan ko pa namang mag review at bukas na ang exam namin.. isang linggo rin kaming nagsasagot lang ng magsasagot..

Hay.. good luck sa utak ko..

Kasalukuyan akong nagmamaneho ng may mahagip ang mata ko..

La Strada Home Subdivision..

----kasalukuyan akong naglalakad papasok sa isang subdivision..

Kitang kita ko pa kung anong pangalan ng subdivision na ito..

La Strada Home Subdivision..---

Agad na nanlaki ang mga mata ko saka ko inihinto ang sasakyan ko sa tapat nito..

Dahan dahan akong lumabas ng sasakyan ko ng hindi parin pinuputol ang paningin ko sa subdivision na yun..

"Jasmine.." nasabi ko nalang habang nakatingin doon..

Muli akong pumasok sa loob ng kotse saka pinaharurot ang sasakyan paliko papuntang subdivision..

Pero laking pagtataka ko ng makita kong sumaludo pa sa akin ang security guard at pinayagan lang akong makapasok sa loob ng subdivision.

Anong nangyayare?

Kilala na ba ako ng mga tao dito?

Imposible..

Ni hindi pa nga ako nakakarating----

Muling mapatingin ang aking mga mata sa isang bahay--- or must I say.. isa itong mansion..

------ hindi ko malaman kung saan ako dadalhin ng mga paa ko basta at nakarating ako sa isang magandang bahay--- bahay nga ba o mansion?-----

What the heck!?

Ito yung mansion na napanaginipan ko..

So.. its part of my past..

Past na gusto kong malaman ang totoo..

yung mga nakalimutan na ng utak ko..

Gusto kong maalala lahat..

Pero..

Handa na nga ba ako?

Lumabas ako ng kotse at napatingin sa bahay..

Anong gagawin ko?

Pumikit ako ng mariin at ang tanging nakikita ko lang ay ang mukha nyang hindi ko maani aninag..

Gusto ko na syang makilala..

Kaya agawin  ko lahat para lang makilala sya..

Kahit pa ang dahilan nito ay ang pananakit ng ulo ko..

Inihakbang ko ang aking paa papasok ng gate..

Bukas ito..

Oo bukas naman lahat ng bahay lalo na sa mga subdivision na katulad nito dahil sa nagkalat at naglipana ang mga security sa loob nito..

Parang isang malaking community na may palaging mga nagbabantay?

Kaya walang mapapala ang mga magnanakaw sa loob nito..

Bumalik ako sa kasalukuyan matapos kong mag isip ng mabuti..

Kelangan kong malaman ang totoo..

Kelangan ko ng malaman..

Kung sino ako..

Muli kong pinagpatuloy ang paglalakad papasok ng bahay..

Habang nandito na ako sa daan papuntang bahay..

Kita ko ang malawak na halamanan..

Mahilig ba akong magtanim dati? Bakit parang hindi naman ako ganun ka green thumb? Baka yung babaeng nasa panaginip ko?

Iniling ko nalang ang ulo ko saka ako dahan dahang pinihit ang pinto..

Akala ko sarado yun pero hindi.. bakit ba hindi mahilig magsarado ng pinto ang kung sino mang tao ang naririto?

Nang makapasok ako..

Titingin na sana ako sa taas ng mahabang hagdan pataas ng bigla akong makarinig ng mga nagsasalita sa dining room..

Sinundan ko ang boses na iyon hanggang sa makarating ako sa dining room..

"----Gale ano sa tingin mo ang nangyare sa bahay na to?" Tanong ng isang boses ng babae..

"I dont know.. hindi ko rin alam kung bakit nawala na si Kyle.. basta ang alam ko lang.. iniwan ni Kyle si Jasmine tapos ang usapan.." may halong inis ang tono nitong sinabi ang pangalan ko..

Teka.. pangalan ko? Ako ang nang iwan? Sinong iniwanan ko? Si Jasmine?

Kaano ano ko ba talaga si Jasmine?

"Paano mo nasabing si Kyle, Gale? Ni hindi mo nga alam ang buong detalye eh.. tingnan mo at kauuwi lang natin ng Pilipinas.." sabi nung babae..

"Hindi ko na kaylangan pang malaman ang totoo.. kitang kita ko kung gaano kalungkot si Jasmine habang ibinubuntis nya yung triplets nila ni Kyle eh.. hindi ko nga alam kung paano ko naging kaibigan yung g*gong yun.. sinaktan nya lang ang bestfriend ko.." ramdam ko ang galit sa boses nya.. hindi ko rin maiwasang magalit..

Ang pag ka ka kwento ng parents ko sa akin si Jasmine ang nang iwan sa akin.. sa kanya dapat nagagalit ang lalaking toh!

At anong sinasabi nya?! May anak na ako! At triplets pa ha?

And worst ano tong naging kaibigan nya daw ako? Kung gusto nya hindi eh! Hindi ko naman sya kilala!

"Wag ka namang magalit kay Kyle, Babe.. wala tayo sa posisyon para sabihin yan dahil hindi natin alam ang nangyare.." sabi nung babae..

"Teka.. hindi ba tayo ang nakasaksi kung paano manganak si Jasmine ng hindi man lang----" hindi ko na kinaya pa at nagpakita na ako sa kanila..

"Kyle.." pagtawag nung babae na syang ikinahinto nung lalaki sa pagsasalita nya..

Tumingin sya sa akin saka ngumisi..

"Oh.. nakabalik ka na pala? Kelan pa? Kung kelan wala na si Jasmine? Bakit? Iniwan ka na ba ni Tamara kaya ka bumabalik?" Sabi nya..

Nanakit bigla ang ulo ko kaya napakunot ang noo ko sa kanya.

"Ha? What!? Anong pinagsasasabi nyo!" Hindi ko mapigilang isigaw sa kanila..

Lumapit naman sa akin yung lalaki habang matalim na nakatingin sa akin..

"Wag kang mag kunwaring wala kang alam.. ikaw ang dahilan kung bakit naging ganito si Jasmine.. Miserable.. ako mismo.. ako mismo ang nagdala sa kanya sa hospital makalipas ang mahigit sa apat na bwan ng dinugo sya mismo sa harapan ng bahay nyo.. ikaw ang hinahanap nya pero nasan ka? Nandoon ka sa babae mo! Kay Tamara! Wala kang alam kung gaano kasakit sa akin makita kung paano nya dinala ang durog nyang puso! Ikaw ang dahilan kung bakit nag kanda letche letche nag buhay nya! Doon sa America! Doon sya naging masaya.. Without you.." matalim nyang sinabi yun sa akin na syang ikinatagos ng bawat salita nya sa dibdib ko na syang ikinasakit ng ulo ko..

"Anong pinagsasasabi mo?" Tanong ko sa kanya habang hinihimas himas ang sintido ko.. "hindi kita maintindihan.." sabi ko at tumalikod sa kanila saka mabilis na naglakad palabas na sana ng main door ng bigla nya akong marahas na pinaharap sa kanya saka nya ako sinuntok sa pisngi ko..

Napa upo ako sa ginawa nya.. muntikan na ang ulo ko doon at mabuti na lamang na balanse ko ang pagkakabagsak ko..

Nalasahan ko pa ang dugo sa aking labi dulot ng pagputok ng gilid ng labi ko.. napatingin ako sa kanyang nag aapoy na sa galit ngayon.. kahit din ako.. masakit na rin ang ulo ko dahil sa mga pinagsasasabi nya sa akin..

"F^ck you bro! Hindi ako makapaniwalang ganito na pala ang ugali mo!" Hindi makapaniwalang sabi nya sa akin..

Tumayo ako saka sya kinwelyuhan..

Magsasalita sana ako ng may makita akong portrait sa gilid ng mata ko..

Napatingin ako sa itaas ng hagdan kung saan naroroon ang portrait..

Suddenly may naalala nanaman ako..

----"ang ganda ganda ko talaga dyan Hubby! Tingnan mo ang saya saya talaga natin nung araw ng kasal natin.." nakangiti nyang sabi sa akin..

"Asus.. hindi ko na kokontrahin yang sinasabi mong maganda ka.. pero bakit hindi mo man lang napansin yung gwapong asawa mong nakayakap sayo?" Simangot kong sabi sa kanya..

"Wag ka naman Hubby! Ikaw talaga! Oo na gwapo ang asawa ko.. kaya maganda ang lahi natin eh.." nakangiti nyang sabi sa akin..

"So gusto mo na talagang magkaroon ng baby?" Nakangisi kong sabi sa kanya..

"Sa totoo lang hubby gustong gusto ko na talaga.." seryoso nyang sabi sa akin saka ikinawit ang kanyang dalawang kamay sa aking leeg..

"Gusto na ng wifey ko?" Nakangiti kong sabi at niyakap ang bewang nya..

"I love you Kyle.." sabi nya sa akin..

"I love you too Jasmine.." sabi ko sa kanya saka namin pinaglapit ang aming mga labi at naghalikan..

Nang nagkalayo ang aming mga mukha..

Doon unti unting luminaw ang mukha nya..

Nakangiti sya sa akin..----

"Arghh!!! Ahhhh!!!" Sigaw ko habang nakaluhod at hawak hawak ang ulo ko..

"What's happening? Anong nangyayare sayo Kyle!" Alalang sabi sa akin nung lalaki..

Muli akong nakaalala..

----"tol! Paano ba yan? Nataasan kita sa Geometry? Akala ko ba favorite subject mo yun? Bakit ang baba mo?!" Natatawang pang iinis sa akin ni Gale..

"G*go! Hindi lang ako nakapag review kagabi eh! Kasi naman si Jasmine ayun at nagpahanap sa akin ng Durian! Ang hirap kayang makakuha nun ng dis oras ng gabi!" Inis kong sabi sa kanya.

"Pero aminin pre.. tinamaan ka talaga ni Jasmine noh?" Nakangisi nyang sabi sa akin..

"Yeah.. mahal na mahal ko talaga ang babaeng yun.." nakangiti kong sabi..

"Tara puntahan na natin yung barkada sa canteen!" Masaya nyang sabi at inakbayan ako at sabay na kaming naglakad---

Kinuha ko ang kamay nya saka sya tiningnan kahit na nasisingkit na ang mga mata ko..

Kita kong umiiyak na si Eli sa tabi nya..

"Bro.. tulungan mo ako.. unti unti na.. unti unti ng bumabalik ang memorya ko.. tulungan mo ako.. ilayo mo ako sa lugar na toh.. please.. itago nyo muna ako.."

Yan ang sabi ko sa kanya at muling napasigaw dulot ng sakit ng ulo ko..

"Eli.. ikaw magmaneho ng sasakyan ko.. sundan mo yung sasakyan ni Kyle.. ako ang mag da drive.." seryosong sabi ni Gale sa akin..

Rinig ko ang mabilis na pag lalakad ni Eli palabas ng bahay..

"Bro kapit ka na sa balikat ko.. lalayo tayo dito.." sabi nya kaya dagli akong umakbay sa kanya at pawis na pawis na inilabas nya ako ng bahay..

Naguguluhan pa ako sa mga nangyayare.. pero alam ko.. maya maya lang sunod sunod na..

Malapit ko ng maalala lahat..

Lahat lahat..

Patungkol sa nakaraan ko..

Gale's POV

Hindi ko maintindihan ang mga nangyayare.. basta ang alam ko lang..

Kelangan ako ng kaibigan ko ngayon..

Kelangan ako ni Kyle..

Tama nga ang sinabi ni Eli sa akin.. hindi ko pa alam ang mga nangyayare.. hindi ko alam ang mga nangyare ng mawalan na kami ng koneksyon sa isat isa ni Kyle..

Pero ano yun?

Ano ang nangyare sa kanya 4 months ago?

Habang nagmamaneho ako hindi ko maiwasang hindi kabahan para sa kaibigan ko ngayon..

Sa tuwing namimilipit sya sa sakit at nakahawak parin sa ulo nya.. hindi nya napigilang hindi sumigaw ng malakas para lang maibsan ang sakit ng ulo nya..

Kita kong nakasunod parin sa akin yung sasakyan ko na minamaneho naman ni Eli..

Tinawagan ko sya ng mag stop light..

(Babe..) pagtawag nya sa kabilang linya.. ramdam ko ang kaba sa boses nya..

"Babe kung saka sakaling mawala na sa paningin mo yung kotse magkita nalang tayo sa Subic.. alam mo naman yung resort ng family namin right? Doon tayo tutuloy.." sabi ko sa kanya..

(Yes babe.. mag iingat kayo..) sabi nya sa akin at pinatay ko naman na ang tawag namin..

Maya't maya rinig kong muli ang pamimilipit na boses nya habang namamaluktot na ang katawan nya sa sobrang sakit ng ulo nya..

Itinabi ko sa isang drug store ang sasakyan..

"Kyle.." pagtawag ko sa kanya.. napatingin naman sya sa akin.. "you, okey?" Alala kong tanong sa kanya..

Umiling lang sya sa akin at muling sinabunutan ang sarili..

Kinuha ko ang juice ko sa bag..

Yun ang juice na iniinom ko para makatulog ako.. sleeping pills kasi ang inihahalo ko doon kapag hindi ako dinadalaw ng antok ko..

Ibinigay ko yun sa kanya..

"Sleeping pills yan pre.. hinalo ko sa juice.. inumin mo nalang muna para makatulog ka na muna.." sabi ko sa kanya..

"Salamat bro.." sabi nya bago nya inumin ng diretso ang juice na gawa ko..

Nang matapos nyang ubusin ang juice ay agad nyang isinandal ang kanyang likod sa upuan saka tumingin sa labas ng bintana..

Kita ko parin ang pawis nya kaya binuksan ko nalang ang bintana ng kotse namin by pressing a botton para automatic.

Tapos pinatay ko yung aircon..

Maya maya lang kita ko na ang pag hikab nya at ang pagpikit ng mga mata nya..

'Sana pag gising mo kilala mo na uli si Jasmine.. kilala mo na sana ang asawa mo'

Jasmine's POV

Monday

Monday na pero hindi naman pumasok si Kyle..

Nag aalala ako sa kanya.. totoo yan..

Umiiwas lang ako this past few weeks dahil ayokong pilitin nyang maalala ako..

Gusto kong dahan dahanin na muna ang pag iisip isip..

Makakasama sa kanya ang masyadong maraming iniisip.

Bukas na ang test naming dalawa ni Kyle dahil hindi kami nakapasok ng mahigit tatlong bwan para sa dalawang grading na napag aralan nila..

Kelangan pumasok sya bukas dahil last chance na yun..

Nag aalala na talaga ako..

Pero mas pinili ko nalang na umuwi dahil ayoko ring masyadong mag isip ng kung ano ano..

Habang nakasakay ako sa kotse ko dinial ko muna ang number ni mommy sa cellphone ko..

Miss na miss ko na kasi ang mga anak ko at iniwan ko na muna sila roon sa America dahil hindi pa pwedeng ilabas at ibyahe sa malayo ang mga babies.. lalo na at tatlo sila.. mahihirapan sila mommy na ilabas pa sila ng bahay dahil 6 months lang sila ng ilabas ko..

Medyo delikado at lapitin pa ang mga yun sa sakit.. mahirap ng magkasakit sila Baby..

"Hello mom!" Masigla kong sabi..

(Anak.. oh! Kumusta ka na dyan?) masaya nyang tanong sa akin..

"Okey lang naman ako mom.. medyo miss ko na nga kayo dyan eh.. kasama nyo po ba ang three little angels ko?" Malambing kong sabi sa kanya.

(Oh! Yes baby! Nandito kami ngayon sa kwarto nyo.. nakikipaglaro sila sa akin.. hanggang sa makatulog na.. pasaway nga at yung dalawa mong lalaki pinagod ang daddy mo.. inihian pa sa mukha nya! Tawa lang kami ng tawang apat habang yung daddy mo ayun at nakabusangot ang mukha pero alam kong natutuwa yun deep inside kasi tingnan mo naman silang apat ngayon.. tulog na tulog na ang mga maglolo.. pinicturan ko nga eh..) hagikgik pa ni mom..

Napangiti naman ako ng malungkot.. miss na miss ko na ang mga anak ko..

(Okey ka lang ba anak?) Naramdaman yata ni mom na tahimik ako kaya nagsalita na akong muli..

"Im okey mom.. dont worry about me.. uuwi ako dyan this April matapos ang graduation.." nakangiti kong sabi sa kanila..

(Okey baby.. aantayin ka namin dito.. *uwaaaaa!!!* ooooooopps! Baby umiiyak nanaman ang nag iisang unica iha mo.. hahahah! Sige pala anak.. papatahanin ko lang.. send ko nalang yung picture nilang apat sa email mo mamaya okey? Take care baby I love you.. *uwaaaa---- *toot*)

Napangiti na lamang ako habang pinupunasan ang luha na kumawala sa mata ko..

"I'll promise.. I'll be back soon with your daddy.. my three little angels.. I love you.."

Kyle's POV

-----"I love you Kyle.. I'm so damn deep inlove with you.."-----

Nagising na lamang ako sa isang di pamilyar na kwarto.

Napatingin ako sa paligid ko..

Tapos dito sa lalaking naka ubob sa kama ko at naka upo lang sa upuan..

Tumayo ako at hinawakan ang ulo ko..

Nag inat inat ako ng mapansin kong gumalaw itong si Gale at tumingin sa akin.. napa ayos naman sya ng upo at alalang tiningnan ako..

"Okey ka na ba bro?" Tanong nya..

Tumango lang ako sa kanya at muling napahawak sa buhok ko saka ito sinabunutan..

"Ikaw ang bestfriend ko Gale.. alam kong alam mo ang nakaraan ko.. please.. pwede mo bang ikwento sa akin lahat?" Tanong ko sa kanya..

Napatingin naman sya sa akin na para bang nagtataka.

Napabuntong hininga ako.

"Last 4 months ago.." panimula ko.. "na coma ako.." sabi ko.. kita mo ang gulat sa mukha nya kaya pinagpatuloy ko lang ang kwento ko.. "pagkatapos kong ma coma ng tatlong bwan, pina surgery ako ng mga magulang ko na naging succesful naman.. pero ang kapalit.." sabi ko at tumingin sa kanya.. "nagkaroon ako ng temporary Amnesia." Sabi ko..

"Ibig sabihin.. hindi mo naalala lahat lahat?" Tanong nya..

"Kanina.. doon sa bahay.. bigla akong nakaalala ng mga boses.. ng mga pangyayare.. lalo na nung nakita ko yung picture namin ni Antonnet.." sabi ko..

"What? Antonnet?" Takang tanong nya..

"Antonnet Roberts.. she said she is my bestfriend kaya kami naging malapit sa isat isa.." nakakunot noo kong sabi..

"What the f^ck! Ginawa nya yun?!" Sabi nya at napatayo saka hawak hawak ang kanyang buhok.. "bakit hindi nya nalang sinabi sayo ang totoo!" Sigaw nya..

"What do you mean?" Tanong ko at tumayo rin.. "sino ba sya? Kaano ano ko ba sya? Mahalaga ba sya sa akin? Tell me!" Sigaw ko rin dahil nagsisimula nanaman ang pagsakit ng ulo ko dahilan para mapahawak akong muli roon..

Lumapit naman sya sa akin at hinawakan ang magkabilaang balikat ko saka ako bahagyang niyugyog..

"T*ng Ina bro! Asawa mo yun! You married her eight months ago! Mahal mo sya bro! Mahal na mahal mo sya!"

Naiwan akong nakatulala rito habang pinoproseso ang lahat sa utak ko..

"Punch me bro.." sabi ko..

"Wag mo ng sabihin gagawin ko talaga.." sabi nya saka ako sinuntok ng malakas..

Nang lumapat ang ulo ko sa sahig ang syang pagkawala ng malay ko..

Jasmine Antonnet Roberts-- Fernandez..

My love of my life..

My life time..

My everything..

My girl..

My miss right..

My wife..

And the mother of my children..

Ilang segundo lang ang nakararaang mawalan ako ng malay..

Bigla kong naalala lahat..

*********

Intense drama! Whoo!!!

Sa wakas!

Naka alala na si Kyle!

Kung medyo na wi weirdohan kayo sa mga nangyayare ngayon..

May mga times talaga na hindi na kaylangang mabagok ang ulo ng taong may amnesia uli para lang makaalala sya sa past nya..

Kung gugustuhin nyang makaalala agad.. makakaalala sya agad agad..

Walang imposible pagdating jay Lord😊 kaya magdasal din tayo para mas mabilis ang recovery..

Yun lang..

ay... hindi ako nangamusta sa pinaka una.. heheheh

Hello po! Kumusta po~😄

~AmISaying😜

Continue Reading

You'll Also Like

266K 17.1K 35
He lost his voice in an accident and I am determined to bring it back. - Dr. Nicomaine Capili
249K 6.2K 59
Bata pa lang si Aiza ay naramdaman niya na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Her parents got divorced when she was in 6th Grade. Nakita niya kung paa...
106K 2.8K 34
Kapag ba ang isang bakla na-amnesia, ma-aalala pa rin ba nyang bakla siya dati? Sana hindi." Yan ang isa sa mga katanungan at kahilingan ng babaeng h...
2.7M 168K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...