chapter 3: Am I Inlove?!

765 50 0
                                    

Continuation.. (parin:p)

Anak ng! iwan ba naman ako rito!

Binusinahan ko nga! Wala akong pake kung malakas at kung may mga nagpapahinga na ng ganito kaaga!

Nakita ko naman syang napatalon sa gulat.. napapigil ako ng pagtawa ko ng makita ko ang naging ekspresyon ng mukha nya..

E-P-I-C haahah!

"Ano!?" Inis nyang sigaw sa akin..

"Iiwan mo ako rito? Ni hindi mo man lang ako hinintay!" Sigaw ko rin sa kanya at lumabas na rin ng kotse..

Inirapan nya lang ako sabay flip ng blonde hair nya at muling pumasok patungong bahay..

Napa iling iling nalang ako sa inasal nya..

Pumasok na rin ako at sinarado na ang gate.. malay nyo naman kasi kung may magnanakaw rin rito noh? Mabuti ng nag iingat tayo..

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay..

Isa lang ang lumabas sa boses ko..

"Wow.." manghang sabi ko sa mga nakita ko..

Maganda ang nag desenyo ng bahay na ito.. halatang pinaghandaan na talaga nila daddy ang lahat..

Ang pinaka theme ng bahay is black and white.. yun bang may pagka classy sya na simple lang at di masakit sa mata..

Ganito kasi ang ayos ng bahay..

Pagkapasok mo palang sa main entrance ng mansion.. unang bubungad sa iyo ang napaka habang staircase patungong second floor.. kapag tumingin ka sa kaliwa.. may sliding door roon kung saan patungong swimming pool.. at kapag naman tumingin ka sa kanan papunta naman iyong garden..

At kapag umikot ka sa first floor.. naroroon na ang lahat.. kapag nagsimula ka sa kaliwa.. unang mapapasukan mo ay ang living room kung saan doon makikita ang isang napaka laking portrait ng babaeng nakatalikod habang hinahangin hangin pa ang buhok nitong sa tantya ko ay hanggang bewang kung bagsak.. naka bistida ito at naka side view pa.. sa pagkakaalam ko.. nasa may rooftop sya gayong makikita ang langit.. mukhang nasa rooftop sya ng kumpanya nila..

Ewan ko pero parang nabighani ako sa nakita kong itsura nya.. nagniningning kasi ang mga mata nitong naka tingala sa langit habang nakangiti sya ng napaka tamis..

Halatang halata kung sino ang babaeng ito..

Si Jasmine..

Samantalang yung katabi naman nung portrait.. lalaking naka tayo at naka sandal lang naman sa puno kung saan kitang kita rito na nasa park sya.. may hawak syang sketch pad at seryoso ng mukhang naka focus ang tingin nito sa kanyang dino drowing habang naka ngiti.. naka headset rin ito.. kitang kita ang headset ng dahil sa itim ang kulay nito..

At dahil dyan.. kilalang kilala ko na kung sino sya..

Ako lang naman yang nasa portrait..

Napailing nalang ako sa mga nakita ko.. ang galing ng nag paint nito at halatang halata na matagal nya itong pinaint..

Matapos mapukaw ng atensyon ko ang portrait ay agad ko ng iniikot muli ang aking paningin.. may set ng Flat screen TV at saka may sofa sa gitna noon na kung saan merong lamesa sa harapan nito na hanggang tuhod lang naman ang taas.. and the rest alam nyo na yung mga gamit na makikita sa living room..

Muli akong naglakad hanggang sa mapunta na ako sa side na kung saan glass na ang wall kung saan makikita na ang labas nitong na swimming pool.. may sliding door rin patungo rito.. so alam nyo naman na ang nasa kusina? Tama.. nasa kitchen na ako.. may refrigerator.. stove na nasa ilalim nya oven tapos faucet at mga kitchen items na..

Mission: Searching My Miss RightWhere stories live. Discover now