ThomAra Thoughts

By tweettweetroswell

7.3K 199 28

A compilation of ThomAra one shots. More

Jealous
Weird Craving
Sabi mo...
Dwende ni Victonara
Flappy and Bansy
Love will find a way
1k
Tired
Panalangin

24 hours

605 15 3
By tweettweetroswell

Nakaupo sa couch sa condo unit nila sina Ara at Thomas habang magkayakap na nanunuod ng movie.

"Mamimiss ko to."sabi ni Ara sa isip.

Napatingin siya sa kaniyang kasintahan na seryosong nanunuod. Tinitigan niya ang seryoso pero gwapo pa rin nitong mukha. Kinakabisado ang bawat detalye nito.

"Uy baby. Masyado ba kong gwapo?" Thomas said then chuckle. Bigla kasing trinace ni Ara yung facial features niya. Napangiti naman si Ara.

"Ang hangin baby. Hahaha. Pero pwede na rin."she replied while still staring at his boyfriend's face.

Bigla namang lumingon sa kaniya ang kaniyang nobyo. At dahil sa sobrang lapit ng kanilang mukha ay hindi nila napigilan ang kanilang mga damdamin. Nagkatitigan sila sa mata hanggang bumaba ang mga titig nila sa mga labi ng isa't-isa. At sa sandaling iyon ay naramdaman na naman nila ang pagmamahalan nila para sa isa't-isa. Naglapat ang kanilang mga labi. Ipinadama nila ang pagmamahal sa halik na iyon. Ngunit para kay Ara,hindi lang pagmamahal ang ipinaramdam niya ngunit ipinadama niya rin dito ang nalalapit niyang pag-lisan.

Natapos ang halik at pareho silang naghahabol ng hininga. Pinaglapat nila ang kanilang mga noo. Nasa batok ni Thomas ang mga kamay ni Ara at nasa bewang naman ni Ara ang mga kamay ni Thomas. Nakatitig lang sila sa mga mata ng isa't-isa habang nakangiti.

"Mamimiss ko to."muling sabi ni Ara sa isip.

"I love you Thom."sabi ni Ara habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Thomas.

"I love you more Ars."sambit rin ni Thomas habang nakatingin sa mga mata ng dalaga.

"I love you Thom. Mamimiss kita."muli ay sinabi ni Ara sa kanyang isip.

Bumalik na ang dalawa sa panonood ng movie. Hindi mapigilan ni Ara ang malungkot dahil sandaling oras na lamang silang magkakasama ng kaniyang minamahal.

Hindi na napigilan ni Ara ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Napatakip na lang siya ng unan sa mukha niya. Napansin naman ito ni Thomas.

"Baby are you crying?"may pag-aalalang tanong nito sa dalaga. Niyakap niya ito at hinalikan sa ulo.

Agad namang umiling si Ara. Pinunasan niya na ang mga luha sa mga mata niya at tinanggal ang pagkakatakip ng unan sa kaniyang mukha.

"Hindi ako umiiyak no. Bakit naman ako iiyak? Iiyak lang ako pag iniwanan mo ako."sabi ni Ara.

"Nako malabo yatang mangyari yun. Hinding-hindi kita iiwan. Kasi mahal na mahal na mahal na mahal po kita Victonara Salas Galang." Thomas said then kissed Ara's lips.

Kinilig naman si Ara dahil sa sinabi ni Thomas. Pilit man niya itong itago ay hindi niya magawa.

"Uy namumula ka baby. Kinilig siya ayiiieee."panunukso sa kaniya ni Thomas. Gustong-gusto ni Thomas na kinikilig si Ara dahil ang cute cute nito. Napangiti tuloy siya.

"Hahaha oo na. Mahal na mahal na mahal din po kita Thomas Christopher Bulado Torres."sabi ni Ara at hinalikan din si Thomas sa labi.

Kinilig din naman si Thomas kaya tinukso siya ng kaniyang nobya.

"Uy kinilig din siya."tukso niya kay Thomas.

"I won't deny that babe."he said. Hindi nila namalayan na natapos na pala ang movie. Napatawa na lang sila.

"Ayan kasi. Ang landi-landi mo di tuloy natin napanuod yung movie."sabi ni Ara sabay pout.

Agad naman iyong hinalikan ni Thomas dahil naakit siya at saka siya nagsalita.

"Hindi lang ako baby. Tayo hahaha."Thomas said that cause Ara to slap him on his left arm.

"Ouch! Baby masakit kaya. Volleyball player ka remember?"sabi ni Thomas kay Ara. Halata namang nasaktan ito. Ikaw ba naman kasi ang hampasin ng isang Ara Galang.

"Sorry baby. Love you."sabi ni Ara sabay side hug kay Thomas.

"Love you too."balik na sagot naman ni Thomas at ikinulong si Ara sa kaniyang mga bisig.

"Baby I'm hungry na po."sabi ni Ara that cause Thomas to chuckle.

"You're always hungry naman po kaya."pang-iinis ni Thomas.

" Nye nye. Tara let's cook na."sabi ni Ara at nagpunta na nga sila sa kitchen para magluto.

After magluto ay kumain na sila. Magkaharapan sila sa table. Si Ara sa right side at si Thomas naman sa left side.

"Thom,do you love me?"out of nowhere na tanong ni Ara habang nakatingin kay Thomas.

Tila nagkaroon naman ng kaba si Thomas dahil bigla na lamang nagtanong ng ganong klase ang kaniyang nobya. Napakunot ang noo niya at tumigil sa pagkain. Diretso siyang tumingin sa mga mata ni Ara at sumagot.

"Of course. I do love you. Bakit mo naman naitanong yan? Pinagdududahan mo ba yung love ko for you?"sunod-sunod na salita ni Thomas. Hindi niya na napigilan dahil medyo nainis siya sa tanong ni Ara.

"No,di ako nagdududa. Sorry. I love you."sabi ni Ara sabay hawak sa kamay ni Thomas na nasa ibabaw ng lamesa.

"I'm sorry din and I love you more." Thom said then hinalikan niya yung likod ng kamay ni Ara na nakahawak sa kamay niya.

Nagpatuloy lang sila sa pagkain. Kung ano-ano ang pinag-uusapan nila. Natapos na din silang kumain at hinugasan na nila ang mga pinagkainan nila. Bumalik na ulit sila sa couch at nanuod ng TV. Si Ara naman ay yumakap ulit kay Thomas na ginantihan din naman nito ng isang napakahigpit na yakap.

"Thom,may dare ako."sabi ni Ara habang nakatingala na nakatingin sa kaniyang nobyo. Nakahiga kasi sila at nakaunan or more like kay Thomas na siya nakahiga.

"Anong dare?" Thomas curiously asked then shifted his gaze to Ara.

"Diba you love me?"tanong ni Ara. Agad namang tumango si Thomas. "Will you love me forever?"tanong niya ulit.

May kakaiba nang nararamdaman si Thomas sa mga pinagtatatanong ni Ara.

"Your questions are making me nervous baby. Ano bang meron?"di na napigilang itanong ni Thomas.

"Wala basta. Sagutin mo na lang."sagot ni Ara. Hindi pa din nila inaalis ang tingin sa isa't-isa.

"Syempre naman. I will love you forever. I wanna spend the rest of my life with you." Thom said then hinalikan niya si Ara sa forehead na dahilan para mag-blush ito.

"You're blushing."panunukso ni Thomas.

"Che!"pagtataray ni Ara at inirapan pa si Thomas pero agad din naman silang natawa.

"Oh,ano na yung dare mo?"pagbabalik ni Thomas sa topic.

"I dare you na mabuhay ng wala ako in one day."bigla namang napakunot ang noo ni Thomas.

"Eh, ayoko. I can't live without you even if it's just for a day." Thomas whined like a child. At dahil sa cuteness niya ay pinisil siya sa cheeks ni Ara.

"Ang cuuuuttee cuuuutte mo talaga." Ara said habang nang-gigigil sa kaniyang boyfriend. "Baby,pag nagawa mo yan mamahalin kita...forever."sabi ni Ara habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Thomas. Hinalikan niya ito sa labi pero smack lang. Halata namang nagulat siya sa ginawa ni Ara at maya-maya ay bigla siyang namula.

"Uy,kinikilig siya." Ara teased Thomas.

Hindi na sumagot si Thomas at sumubsob na lang sa mga balikat ni Ara at mas hinigpitan ang yakap niya dito.

"Hindi ko kaya."sabi ni Thomas habang nakasubsob pa din sa balikat ni Ara.

"Thom,ayaw mo ba na mahalin kita forever?"medyo natatawang tanong ni Ara.

"Syempre gusto ko. Eh pero kasi,I can't live without you nga." Thomas whined again. Napa-chuckle na lang si Ara. Mamimiss niya lahat ng bagay tungkol kay Thomas. Nalungkot siya ng maalala niya na malapit na siyang umalis at bukas na ang araw na iyon. Pero hindi niya pinapahalata kay Thomas ang lungkot dahil gusto niyang masasayang ala-ala lang ang maalala niya bago siya umalis.

"Edi ayaw mo?"tanong ulit ni Ara habang nakataas ang isang kilay.

"Gusto ko nga. But-- hay sige na nga!" Thomas finally gave up. "Baka naman ayaw mo na sakin kaya dine-dare mo ko ng ganiyan?" Thomas joked then tumingin kay Ara.

"Oo eh."biro ni Ara kaya sumimangot si Thomas. Napa chuckle naman si Ara at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Thomas. "Biro lang baby. Love you!"then she gave Thomas a smack on the lips. "Oh sige na Thom. Your 24 hours starts now."bumangon na sila mula sa couch at bago sila makalabas ng condo unit nila ay binigyan siya ni Ara ng isang napakahigpit na yakap for the last time.

"Ma-mimiss kita Thom."sabi ni Ara habang pinipigilan ang mga luha niya.

Niyakap din siya ng mahigpit ni Thomas. "And I'm gonna miss you more. I love you."then Thomas kissed Ara's head.

"I love you too."then they shared a kiss. Tuluyan na silang lumabas at naglakad papunta sa parking. Gusto pa sanang ihatid ni Thomas si Ara sa bahay nila kaso hindi pumayag si Ara. Sa Manila lang din naman ang bahay na uuwian ni Ara at malapit lang sa condo nila kaya sumakay na lang siya sa taxi. Hindi na rin naman nagpumilit si Thomas.

After 24 hours...

Tuwang-tuwa si Thomas dahil nalagpasan niya ang isang araw na hindi nakikita at kinakausap si Ara. At syempre iniisip niya yung sinabi ni Ara na mamahalin siya nito forever kaya masayang-masaya siya ngayon. Agad siyang naghanda papunta sa bahay nila Ara. Nang matapos siya ay nag-drive na siya. Nang makarating siya sa bahay ng nobya,nagtaka siya dahil parang ang daming tao. May nakita din siyang itim na tela na nakasabit sa may pader sa labas ng bahay nila Ara. Pagpasok niya sa pintuan ay sumalubong sa kaniya ang mga ilaw,bulaklak,malalapit na kaibigan nila ni Ara,ang mga magulang ng kaniyang nobya,at si Ara na wala nang buhay at nakahiga sa loob ng kabaong.

"Anong nangyayari? Bakit may ganito?"kabadong tanong ni Thomas sa mga taong nasa loob ng bahay. "Wag naman kayong magbiro ng ganiyan oh."nangingilid ang luhang sabi ni Thomas at lumapit sa kabaong kung nasaan si Ara. "Baby,wag naman kayong magbiro ng ganto. Okay na oh,gumana na yung joke mo. Bumangon ka na diyan."parang tanga si Thomas na kinakausap ang walang buhay na katawan pero wala siyang pakialam. Hindi na nga napigilan ni Thomas ang pagbagsak ng kaniyang mga luha. Nilapitan na siya ng best friend niyang si Jeron at ang girlfriend nitong si Mika. Pinapanuod na lang siya ng mga magulang ni Ara dahil hindi rin nila alam kung ano ang sasabihin kay Thomas.

"Thomas,pinabibigay ni Ara. Sinulat niya to kahapon lang."sabi ni Mika na naluluha na din dahil awang-awa siya kay Thomas. Agad namang kinuha ni Thomas ang isang white envelope na ipinapabigay daw ni Ara.

Pagbukas niya ay isang sulat pala ang laman nito. Agad niya naman itong binasa...

Hi Thom. Congrats nalagpasan mo yung dare ko. At dahil dyan mamahalin na kita forever. Yun nga lang hindi mo na ko makikita. But always remember na hindi ako mawawala sa tabi mo. Babantayan kita lagi. I love you so much baby. Always take care of yourself. And baby dahil nagawa mo nga yung dare ko do it na din everyday.

At dahil sa sulat na iyon ay mas lalong napaiyak si Thomas. Napaluhod siya sa sobrang pag-iyak at wala siyang kaalam-alam na iiwan na pala siya ni Ara.

Sabi nga nila, time is gold. Kailangan nating sulitin ang bawat oras na kasama natin ang mga loved ones natin dahil hindi natin alam,baka mamaya o bukas...hindi na natin sila kasama.

************************************
This story was inspired sa nabasa kong short story sa fb. Sobrang naiyak ako dun eh. Ewan ko lang kung naiyak kayo dito hahaha.

Congrats GA!💚💚💚

-TNV

Continue Reading

You'll Also Like

345K 12.5K 60
𝗜𝗡 𝗪𝗛𝗜𝗖𝗛 noura denoire is the first female f1 driver in 𝗗𝗘𝗖𝗔𝗗𝗘𝗦 OR 𝗜𝗡 𝗪𝗛𝗜𝗖𝗛 noura denoire and charle...
344K 12.2K 54
𝐈𝐍 𝐖𝐇𝐈𝐂𝐇 Ellie Sloan reunites with her older brother when her hospital merges with his jackson avery x ellie sloan (oc) season six ━ season se...
101K 12K 19
"𝙏𝙤𝙪𝙘𝙝 𝙮𝙤𝙪𝙧𝙨𝙚𝙡𝙛, 𝙜𝙞𝙧𝙡. 𝙄 𝙬𝙖𝙣𝙣𝙖 𝙨𝙚𝙚 𝙞𝙩" Mr Jeon's word lingered on my skin and ignited me. The feeling that comes when yo...
468K 7.2K 82
A text story set place in the golden trio era! You are the it girl of Slytherin, the glue holding your deranged friend group together, the girl no...