Until I'm Over You (Published...

By JoeBeniza

1.3M 36.3K 8.6K

(Story Completed) How do you get over with someone who meant the world to you when she was gone so suddenly... More

PROLOGUE
CHAPTER 2: The Past part 1
CHAPTER 3: The Past part 2
CHAPTER 4: The Past part 3
CHAPTER 5: The Past part 4
CHAPTER 6: The Past part 5
CHAPTER 7: The Past part 6
CHAPTER 8: The New Taxi Driver
CHAPTER 9: The Annoying Girl
CHAPTER 10: Unfortunate Kier
CHAPTER 11: Her boyfriend?
CHAPTER 12: Troublemaker
CHAPTER 13: From Dragon to an Idol
CHAPTER 14: The Broken Dragon
CHAPTER 15: Evil Phone
CHAPTER 16: Valerie's Past part 1
CHAPTER 17: Valerie's Past part 2
CHAPTER 18: Valerie's Past part 3
CHAPTER 19: Valerie's Past part 4
CHAPTER 20: The Handkerchief
CHAPTER 21: Love ones
CHAPTER 22: A Series of Awkwardness
CHAPTER 23: Those who were forgotten
CHAPTER 24: Kiss of the Dragon
CHAPTER 25: Jana's Journal part 1
CHAPTER 26: Jana's Journal part 2
CHAPTER 27: Jana's Journal part 3
CHAPTER 28: Us Apart
CHAPTER 29: Losing Hope
CHAPTER 30: To a new start
CHAPTER 31: The Strong Woman
CHAPTER 32: The Secretary
CHAPTER 33: Realization
CHAPTER 34: Return of a friend
CHAPTER 35: Debut
CHAPTER 36: The Real Reason
CHAPTER 37: No Escape
CHAPTER 38: Revenge
CHAPTER 39: Dragon Soup
CHAPTER 40: Soup Battle
CHAPTER 41: Good Times
CHAPTER 42: Jana's Face
CHAPTER 43: In Love
CHAPTER 44: Drown from the Past
CHAPTER 45: Wrong Expecations
CHAPTER 46: In Someone Else's Arms
CHAPTER 47: Break Even
CHAPTER 48: Playful Fate
CHAPTER 49: Dragons VS Puppies part 1
CHAPTER 50: Dragons VS Puppies part 2
CHAPTER 51: Letting go
Epilogue
Credits
Special Chapter: Taming Dragon Mommy
Published Book

CHAPTER 1: Airport

143K 2.5K 963
By JoeBeniza


When I was a kid, I always wonder why people say that "Airports are one of the saddest places on earth."

Kaya pala... Ang sakit pala talaga. Ang sakit makita na ang taong pinakamamahal mo ay mapapalayo sayo. Iyong sanay ka na lagi siyang nandyan pero ilang minuto na lang... wala na siya sa'yo. Ang masama pa nito, sa isang bansa pa siya na kasalukuyang bawal mag video call pupunta. Buti na lang pwede ang messages, tawag, at pictures. At least makakapag usap pa rin kami, at least kahit sa litrato pwede ko siyang makita.

Heto na... Narinig na namin ang ang announcement ng PA na dapat na silang pumunta sa departure area. Ilang minuto na lang talaga at wala na akong magagawa.

"Sinong pogi? Sinong pogi?" Tanong ni Jana habang hinihamas ang aso naming si Pogi na isang Pug.

Bakit Pogi ang pangalan niya? Kasi kulobot ang mukha niya at malalaki ang kanyang mga mata. Palagi din itong nakasimangot. Ang mga bata sa amin panget ang tawag sa kanya. Kaya to compensate, Pogi ang pangalan niya. Bagay naman 'di ba?

Dinilaan lang ni Pogi ang kamay ni Jana, at ako ang kunwaring sumagot, "Arf! Arf!"

Napatingin si Jana sa akin nang nakangiti, "Weeeeh? Ikaw ba si Pogi?"

"Bakit? Pogi naman ako ah?" sagot ko.

Tumayo siya at hinawakan ang mga pisngi ko. "Syempre naman, at wala nang mas popogi pa sa'yo. Mag behave ka dito ah. Dapat makapasa ka."

"Arf! Arf!"

Natawa siya sa sagot ko at pabiro niyang kinurot ang mga pisngi ko, "Ikaw talaga."

Napangiti ako ngunit pag kalipas ng ilang saglit... bigla akong nakaramdam ng matinding kalungkutan at nawala ang ngiti sa aking mukha. "Why do I feel that I'm not gonna see you again?"

Sumimangot din siya at kita ko sa kanyang mata na parang maiiyak na siya, "Kier my love, I promise we will see each other again. I'll be back; this will be just a year or two."


Saglit akong pumikit at tinangoan ang kanyang sinabi.

Tapos ay yinitigan ko ang kanyang mukha na parang kinakabisado ko lahat ng detalye at angulo nito.

Ilang saglit pa, nakita namin na kumakaway na si Tita Jizelle sa kanya. Senyales na dapat na silang umalis. Naglakad kami papunta sa Mama niya. Habang papunta, hila hila ko ang napaka bigat niyang bagahe na tila nakalagay doon ang bigat ng nararamadaman ko sa kanyang pag alis. Hawak ko ng mahigpit ang isa niyang kamay at hawak naman niya si Pogi sa kabila.

Tumigil ako bigla. Sa huling minuto mas lalo kong ayaw na umalis siya, dahil hindi ko talaga kaya.

"Kier, what's wrong?" Tanong niya sa akin nang may pag aalala.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha sa aking mga mata, "I can't do this, please don't go."

"Kier..." Niyakap niya ko nang mahigpit. Dati-rati isang yakap niya lang okay na ko at gumagaan agad ang pakiramdam ko. Pero this time, hindi ko napigilan ang maiyak.

"I'm sorry, but I have to. Hindi ba sabi mo tutuparin natin ang mga pangarap natin? Babalik ako agad, mabilis lang ang dalawang taon. Pag balik ko Attorney Kier de Leon ka na dapat ah."

Wala na talaga akong magagawa. Aalis na siya at magiging matagal pa bago kami ay muling magkita.

Agad kong pinunasan ang aking luha at napangiti ako sa kanyang sinabi. Para sa kanya, mag aaral akong mabuti at ipapasa ko ang bar exam,"Mag iingat ka palagi sa Saudi ah. Kakayanin ko para sa'yo. Pag uwi mo, Attorney na ako. Promise yan!"

Agad ko siyang binigyan ng matamis na halik. Halik na tila ito na ang huli. Halik na sa bawat dampi ng aming mga labi ay muli kong kinakabisado ang pakiramdam nito.

Pagkatapos ay muli kaming lumakad papunta sa mama niya.

"Oh Kier, mag aral ka nang mabuti ah. Aalis na kami ni Jana," bilin ni Tita Jizelle.

"Opo. Mag iingat din po kayo." Sagot ko naman.

Iniabot ko kay Tita ang bagahe nila at kinuha ko si Pogi kay Jana.

"Keep me updated. Mag message ka agad kapag nandoon na kayo. Mag hihintay ako," Sambit ko kay Jana.

"Yes, my love. Dont worry. Mag iingat ka palagi dito. Huwag ka mag papabaya. Iyong mga bilin ko sa'yo ah." Sambit ni Jana.

Umupo naman siya at kinausap si Pogi. "Pogi baby, bantayan mo si Daddy ah. Aalis muna si Mommy para mag work. Huwag mo siya iiwan."

Tumayo siya ulit at humarap sa akin. Tinitigan niya ako at ilang saglit pa... bigla siyang humagugol sa pag iyak at yumakap sa akin. Niyakap ko rin siya nang mahigpit. "Mahal na mahal kita Kier. Tandaan mo pa lagi 'yan ah."

"I love you too Jana. Come back soon, my love." Sagot ko sa kanya. "I will wait for you, okay?"

Nabaliktad ang sitwasyon. Kanina ako 'yong halos bumigay na. Ngayon ako 'yong sinusubukan siyang patahanin. Nagpakatatag ako pero deep inside gusto ko na din humagulgol sa pag iyak.

Pinunasan ko ang kanyang mga luha at binigyan niya ko ng isang ngiti. Isang ngiti na lagi kong maaalala. Bumitaw siya sa akin at bumulong.

"Good bye my love.."

Hinawakan na siya ni Tita Jizelle para pumasok sa loob ng departure area. Habang papalayo siya, hindi niya inalis ang kanyang tingin sa akin. Nilingon niya ako nang nilingon hangang sa tuluyan na nga silang makapasok sa loob.

Natulala ako, at 'di nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi talaga kumpleto pag wala siya. Feeling ko hindi ko na siya makikita, pero hindi ako mawawalan ng pag-asa. Para sa kanya magpapakatatag ako.

Naiintindihan ko naman kung bakit niya kailangan mag trabaho sa ibang bansa. Hindi lang kasi basta trabaho ang opportunity niya sa Saudi, kung hindi pati ang maging isang successful architect.

Sa sandaling pag hinto ng mundo ko nang umalis si Jana, hindi ko namalayan na nabitawan ko na ang tali ni Pogi at hindi ko na siya makita sa paligid.

Agad akong pumunta sa pinaka malapit na security guard at tinanong kung nakita nila si Pogi. Inilarawan ko ang aso ko sa kanila at nagbigay ako ng identification ko. Agad namang ni-radyo ni manong guard sa mga kasamahan ang insidente. Nag libot ako sa airport para tumulong sa paghahanap kay Pogi hangang sa nakarating ako sa labas.

"Pogi chuchuchu! Pogi come to daddy!" sigaw ko.

Pinag tinginan ako ng mga tao sa paligid dahil akala nila isa akong binabae na naghahanap ng pogi sa daan. Nahiya ako sa ginawa ko kaya tinakpan ko ang aking mukha at agad na tumakbo papunta sa kabilang terminal.

Ilang minuto pa...

Sa wakas! Nakita ko rin si Pogi. Sigurado akong siya 'yon dahil sa kakaibang collar na suot niya na regalo ni Jana dati. Kulay black and white ito at may pangalan ni Pogi sa gitna ng collar.

Nagtataka lang ako kung bakit may babaeng nag papakain sa kanya ng kung ano. Agad akong lumapit kanila. Baka marumi o baka makasama sa aso ko 'yong pinapakain niya.

"Hoy Miss! Ano yang pinapakain mo sa aso ko?!"

Nilingon niya ako at agad na tinarayan, "Hoy ka din! Aso mo ba to? Kaya pala tinakbuhan ka eh, kasi di mo pinapakaen. Gutom na gutom siya oh!"

"Teka malinis ba 'yang pinapakain mo sa aso ko?" tanong ko nang pasungit.

"Oo naman! Ano akala mo sa'kin lalasunin ko 'to?"

Sinubukan kong kunin ang tali ni Pogi sa kanya, "Akin na nga 'yang aso ko!" Pero agad niyang nilayo sa akin ang tali.

"Sandali lang! Baka hindi sa'yo 'tong aso na 'to at nag papanggap ka lang. Hoy mister! Alam ko na 'yang mga modus niyo! Nabasa ko na 'yan sa mga social media,"

"Guard! Guard! May nangunguha ng aso dito oh!" sigaw pa niya.

"Sige tawagin mo sila nang mag kaalaman na aso ko nga 'yan." Kampante kong sagot.

Dumating ang mga guard. Tinignan ko siya nang may yabang sa aking mukha, "Manong guard, paki sabi nga sa babaeng ito na isaoli sa'kin ang aso ko, ngayon na."

"Ma'am aso po 'yan ni Mr. de Leon. Maaari na lamang po sana na i-turn over niyo na po sa kanya 'yong aso." Sambit ni manong guard sa babae.

"Teka paano naman kayo nakakasigurado na aso niya ito? Manong h'wag po kayo agad papadala sa mga ganito," sambit ng babae.

"Miss, ang pangalan ng aso ko ay Pogi. Ayan nakalagay sa collar niya oh. Check mo din 'yong likod kasi nandoon din ang info ko. Nagpapatunay na sa akin nga 'yan." Sambit ko at ipinakita ko sa kanya ang ID ko.

Tinignan niya ang ID ko tapos tinignan niya ang likod ng tag sa collar ni Pogi. Tila na-realize niya agad na mali siya at inabot niya sa akin agad ang tali, "Oh! Heto na aso mo."

"Naninigurado lang naman ako eh. Mahirap na." Giit niya.

Hinatak ko ang tali ni Pogi palapit sa akin, "Lika na pogi. Lumayo ka na sa babaeng 'yan."

Tinaasan ako ng kilay ng babae. Gusto ko na sana umalis pero dahil kumakain pa ang aso ko, hindi ito umalis sa kinatatayuan niya.

Biglang umupo sa harap ni Pogi ang babae at inimas niya ang ulo ng aso ko, "Ay pogi pala ang name mo? Bagay sa'yo. Siguro itong amo mo ang pangalan... panget!" natatawa pa niyang sabi.

Kumunot ang noo ko at nainis, "Excuse me?"

Hinimas niya nang hinimas si pogi sabay tumawa siyang muli. "Biro lang. Bye bye pogi."

Tumayo siya, tumingin sa akin at biglang umirap.
"Tse! Kala mo naman..."

Tumalikod siya at agad nag lakad paalis.

"Aba teka!" Hahabulin ko sana para pag sabihan pero hinayaan ko na lang siya at pinasalamatan ko ang dalawang guard na tumulong sa akin.

Matapos kumain ng aso ko, "Lika na Pogi. Uwi na tayo."

Habang nag lalakad, bigla kong naisip na dapat pala pinasalamatan ko siya. Maganda 'yong ginawa niya na hindi niya agad binigay si Pogi sa akin. Kung ibang tao ako, baka nakuha na ng iba si Pogi. Kaso ang pangit ng ugali niya. Akala mo kung sinong maganda.

Umalis kami sa airport at sumakay ng taxi. Ramdam ko pa rin ang bigat ng pag alis ni Jana. Sana bumilis ang araw ng pag balik niya. Si Jana ang dahilan kung bakit hindi na ako anti-social ngayon. Because of her, I love having people around. Pero ngayong wala na siya, feeling ko mag isa ako ulet. Pakiramdam ko mas gusto ko ulit mapag isa. Kaso may aso nga pala ako na napaka-pogi kaya di pa rin ako mag isa.

Napabuntong hininga ako. "Jana my love, ang hirap nito."

"Ano po 'yon sir?" Tanong ni Manong Taxi Driver.

"Ah wala po Manong. May kausap po ako sa telepono." Kunwaring nilagay ko ang phone ko sa aking tenga dahil hindi ko namalayan na nasabi ko pala ng malakas 'yong nasa isip ko. Nakakahiya. Naka dalawang epic fail na ako ngayon.

"Sige po, sir. Pasensya na po."

"Wala po 'yon manong. Okay lang po," sagot ko. Kunwari nag paalam na ko sa kausap ko sa phone para makatotohanan ang palusot ko. "Call you later. Bye!"

Napansin siguro ni Manong na malungkot ako dahil bigla niya akong kinausap.

"Naghatid kayo ng nag abroad sir?"

"Ah opo. Girlfriend ko po tsaka 'yong nanay niya, nag Saudi sila." Sagot ko.

"Ang hirap 'no sir? Iisipin mo pa lang na mapapalayo sa'yo 'yong mahal mo mahirap na, tapos parang feeling mo 'di na sila babalik." Sambit ni Manong.

Nagulat ako sa sinabi ni Manong. Parang alam na alam niya 'yong nararamdaman ko. Pero 'di ko pinahalata na sobra akong nabibigatan. Ngumiti ako at nakipag usap sa kanya, "May hugot ka doon manong ah?"

Nakita ko sa rear mirror ni manong na ngumiti siya pero may bakas ng kalungkutan sa mga mata niya.

"Oo sir. Iyong asawa ko dati nag Dubai, nakulangan kasi sa kinikita ko sa pag ta-taxi. Ako din ang naghatid, na-iyak pa nga ako eh."

Humanga ako kay manong dahil inamin niyang naiyak siya nang mapalayo sa kanya ang asawa niya. Para sa akin 'yan ang tunay na lalaki, hindi nagtatago ng nararamdaman para sa babaeng minamahal.

"Gano'n po ba? Nandoon pa rin po ba siya ngayon? Paano niyo po kinaya?" tanong ko sa kanya dahil interasado ako makakakuha ng mga tips para maibsan ang kalungkutan ko sa pag alis ni Jana.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Manong, "Ah oo nandoon pa rin siya. Kaso ang huli kong balita nag asawa na daw ng arabo. Hindi na tumatawag sa amin. Kaya kami na lang ng anak ko sa buhay."

"Ay gano'n po ba? Sorry po kung naitanong ko." sambit ko.

"Wala po 'yon, sir. Sana 'di mangyari sa inyo 'yong nangyari sa akin. Basta mag dasal lang kayo sa panginoon," payo ni manong.

"Hindi naman po siguro. Pero maraming salamat po. Susundin ko ang payo niyo," sagot ko.

Naisipan kong ipag patuloy pa ang aming usapan para mabaling ang atensyon ko. Dahil alam kong pag uwi ko ng bahay mag e-emote ako, "Manong doon po ba kayo lagi sa airport nag aabang ng pasahero?"


"Ah hindi. Actually hinatid ko lang 'yong anak ko sa Airport kanina." Sagot ni Manong.

"Nag abroad na din po 'yong anak niyo?" Tanong ko ulet.

"Hindi naman tumambay lang siya sa Airport."

Napangiti ako sa sagot niya. "Hanep po 'yong tambayan niya ah, Airport!" At natawa ako ng kaonti.

"Oo kasi nagbaba-kasakali siya na bigla niya makikita ang mama niya. Kaya kapag wala siyang pasok sa trabaho, hinahatid ko siya doon," sagot ni Manong.

Natigilan ako sa sinabi ni Manong. Talagang nakakalungkot ang sinapit nila. Agad kong iniba ang usapan para 'di malungkot lalo si manong.

"Ah manong, ako nga po pala si Kier... Kier de Leon. Isa po akong Law student. Gusto ko po sana kunin ang phone number niyo para kung sakaling kailangan ko ng taxi, kayo po sana ang tatawagan ko kung malapit kayo."

"Ay ayos 'yan, Sir! Marami pong salamat. Ako po si Gilbert." Pakilala sa akin ni Manong Gilbert. Binigay niya din ang kanyang phone number.

Matapos ang biyahe. Nakauwi na kami ni Pogi sa aking apartment. Naalala ko si Jana. Minsan kasi pag umuuwi ako, bigla na lang siyang nandito sa apartment at may nakahanda nang pagkain. Pero ngayon wala siya, kaya nakatulog nalang ako sa pagod at sa lungkot.

Kinabukasan, nag check ako ng phone para tignan kung nasaan na sila. Wala pang update. Nasaan na kaya sila? Sana okay lang sila.
Maya maya pa, bigla akong nakatangap ng message galing kay Jana.

Jana: My love.. Help..
Me: whats going on my love? Saan na kayo?

Jana: Kier help me..

Agad kong tinawagan ang phone ni Jana. Pero agad itong namamatay.

Me: Jana please answer the phone. What's happening?

Me: My love?
Me: Jana?

Continue Reading

You'll Also Like

6.2K 643 8
Pia x Ferdz story 03/22/2023 - 03/27/2023
516K 14.9K 13
Paano maniniwala ang isang tragic writer na may happily ever after? Pag-ibig kaya ang muling magpapatunay sa kanya na ang buhay ay hindi laging malun...
128K 6.1K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
2.3M 75.4K 27
More Trilogy Book Three: Fill Me More (2018) Crisostomo Ibarra delos Santos wanted to be free from his father's claws. Lahat ay idinidikta nito sa bu...