Blue's POV
Habang nag-uusap kami ng kakambal ko ay bigla ko na lang nakita si Steven na naglalakad papunta sa amin ng walang emosyon nanaman ang mukha ngunit mahahalata rito ang kaniyang malamig na aura.
Napatigil rin sa pagsasalita si Berde at napatingin rin ito kay Steven. Nang makalapit na ito sa amin ay umalis na sa pagkakaupo si Berde sa harapan ng sasakyan samantalang ako naman ay umalis na rin sa pagkakasandal dito.
"Oh captain! Nasaan na si Ms. Cutie?" Tanong ng kakambal ko ngunit sinamaan lamang siya ng tingin ni Steven at dumiretso lamang ito sa may pintuan ng driver seat. Akmang hahawakan niya na ang handle nito nang magsalita ako.
"Why are you not with her?" Tanong ko naman sa kaniya ngunit hindi niya ako pinansin at binuksan na lamang ang pintuan ng driver seat. Akmang papasok na ito sa loob nang biglang magsalita si Berde na ikinagulat ko at ikinatigil ni Steven sa pagpasok sa loob.
"Ayan! Sinabi na kasi na pabayaan na lang ang Brat na 'yon pero anong ginawa mo? Mas inuna mo pa siya kaysa kay Ms. Cutie! Akala mo mamamatay na yung brat na 'yon kapag hindi mo siya pinuntahan. Kung ginawa niya 'yon, edi shing. Dadalaw na lang tayo sa libingan niya." Mabilis kong liningon ito at tinignan ng masama na para bang kailangan niya nang manahimik kung gusto niya pang mabuhay pero ang ugok ay hindi man lang ako pinansin at nagpatuloy pa rin sa panenermon.
"Sabi niya may sakit daw siya, eh di sana nagpa-alaga na lang siya sa mga kasambahay niya doon o kaya mas maganda ay uminom na lang siya ng lason para hindi niya na kailangang sabihin na may sakit siya dahil tigok na nun siya pero hindi. Tinawag ka pa ng bruha. Tapos ikaw namang aligaga ay dali-daling pumunta doon at kinalimutan na ang date niyo ni Ms. Cutie. Ngayong pumunta ka doon, anong naabutan mo? Sumabog na mga lecheng iba't-ibang kulay ng papel at isang naka-ayos na table na may mga pagkain. At ito pa! Sinakyan mo pa ang kalokohan ng bruhang 'yon. Kaya 'yan! 'Yan na nga ba ang sinasabi ko! Hindi ka na sinipot ni Ms. Cutie dahil sa una pa lang ay ikaw ang hindi nagpakita sa kaniya sa magiging date niyo sana!" Mahabang saad ng aking matapang na kakambal. Jusko, mag-iisip na ako kung anong susuotin ko para sa libing niya.
Biglang tumingin sa kaniya si Steven ng seryoso at sumagot ito.
"She's there but she's with that fucking Walker." Malamig nitong sagot subalit mukhang may comeback ang aking bayaning kakambal.
"O ngayong kasama niya ang ibon na 'yon? Kasalanan mo naman kasi kung bakit nandoon ang ibon na 'yon eh! 'Yan! Naunahan ka tuloy! Pero dahil lang ba doon susuko ko na kaagad? Wala na bang bagsik ang aming captain pagdating sa mga babae? Ganyan na ba kahina ang isang Willford para magpatalo sa isang Walker? Tangina! Hindi ako makapapayag diyan! Kung kinakailangan kong kaladkarin ka papunta kay Ms. Cutie ay gagawin ko! If I were you, I won't let my girl be with some fucking assholes! Ang akin ay akin lang! Ang mga magtatangkang umagaw ay kikitilan ko ng buhay gamit ang nail cutter! Ang problema lang ay hindi pa ako ready para masakal este magkaroon ng commitment!"
Napaawang ang aking bibig dahil sa kaniyang sinabi. Ngayon ay hindi ko na alam kung dapat ba akong mas lalong matakot sa sitwasyon niya ngayon o maging masaya at proud sa mga pinagsasabi niya. Kahit papaano pala ay may patunay na kakambal ko nga siya.
Hindi man nagbago ang ekspresyon ni Steven ngunit mahahalata na dito na gusto niya nang sakalin ng buhay si Berde.
"Mahal mo pa ba buhay mo?" Malamig nitong tanong sa kakambal ko subalit mas hindi ako makapaniwala sa balik na tanong ng kakambal ko.
"Ikaw, mahal mo na ba si Sunny?" Seryosong tanong ng kakambal ko na ikinagulat naming dalawa ni Steven.
Holy shit.
Tinignan ko si Steven at sabik na inabangan ang kaniyang sagot ngunit hindi ito sumagot subalit mabilis na tumakbo ito pabalik sa loob ng mall.
Napaamang na lamang ako sa nangyari at hindi makapaniwalang nakatingin sa kakambal ko na ngayo'y nakangisi. What the fuck?
"Wag na wag kang babalik dito hanggat hindi mo nalelechon ang ibon na 'yon at nadadala dito si Ms. Cutie ha!" Pahabol na sigaw nito nang hindi na namin makita pa si Steven. Matalinong bata.
Makalipas ang ilang segundong katahimikan sa aming dalawa ay nagsalita na ako.
"Meron ka na bang panglibing mo?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa may entrance ng mall.
"Wala pa." Sagot naman ng kakambal ko.
"Sa tingin ko ang kailangan mo munang pag-ipunan ngayon ay yung panglibing mo. Dahil pakiramdam ko ay 'yon ang una mong kakailanganin talaga."
"Oo. Alam ko. 'Yan rin ang unang pumasok sa isip ko habang nagpapakabayani ako kaninang kausap ko si captain." Liningon ko ito at nakangisi pa rin ang kumag habang nakatingin ito sa may entrance ng mall kung saan ako nakatingin kanina.
"Anong gusto mo na eulogy? Nakakaiyak o nakakatawa?"
"Kahit alin sa dalawa. Ikaw nang bahala basta gusto ko maganda yung speech para naman maging payapa na yung kaluluwa ko."
"Pero alam mo, matalino ka rin pala ha." Nakangising kong wika na ikinalingon niya sa akin.
"Bro, gago lang ako pero hindi ako bobo." Seryoso nitong sagot.
"Weh?" Hindi makapaniwalang tanong ko kaya binigyan niya lamang ako ng isang malutong na mura at dalawang kamay na bad finger na ikinatawa ko.
"Pakyu ka po!"
Third Person POV
Nang papalapit na si Steven sa may Starbucks ay nakita niyang lumabas na sina Sunny at Phoenix sa loob nito. Nakikipagkwentuhan si Phoenix kay Sunny samantalang ang babae naman ay busy na umiinom ng frap niya at mukhang wala itong pakialam sa mga pinagsasabi sa kaniya ng kaniyang kasama.
Kahit naiinis na si Steven dahil sa kaniyang nakikita ay mabilis itong lumapit sa kanila na ikinatigil ng dalawa sa paglalakad. Nanlaki ang mga mata ni Phoenix samantalang walang emosyon namang tumingin si Sunny kay Steven.
Akmang magsasalita na si Phoenix nang muling naglakad si Sunny at iniwan lamang silang nakatayo doon habang tinitignan ang papalayong babae. Nang matauhan na sila ay mabilis silang tumakbo papunta kay Sunny at sinabayan itong maglakad.
Asar na asar na si Phoenix habang nakatingin kay Steven dahil sinira niya ang magiging unexpected date sana nila ni Sunny.
"Tangina! Kahit kailan talaga ang epal ng Willford na 'to! Bad trip! Sinisira niya ang mga moves ko kay Sunny! Aysh!" Naiiritang sambit ni Phoenix sa kaniyang isip at busangot na tumingin na lamang sa harap.
Samantalang si Steven naman kanina pa napapasulyap kay Sunny at hindi pinansin ang masamang tingin sa kaniya ni Phoenix.
"Damn. She looks more beautiful today. Stupid Steven. Seriously? Letting this kind of woman wait for you for how many hours? Fucking stupid." Inis na saad naman ni Steven sa kaniyang isip at mukhang gusto na rin nitong batukan ang kanyang sarili dahil sa kagaguhan na ginawa niya.
Habang si Sunny naman ay mukhang walang pakialam sa dalawang lalake na nasa tabi niya at mas binigyang atensyon ang masarap na frap na iniinom niya.
Nang makarating na sila sa Fully Booked ay itinapon na ni Sunny ang walang laman na frap na iniinom niya kanina bago pumasok sa loob ng book store samantalang ang dalawang sunud-sunuran naman sa kaniya ay patuloy pa rin siyang sinusundan.
Lahat ng mga hinahawakan at binabasa na libro ni Sunny ay kinukuha ng dalawa. Nung una ay nag-aagawan pa sila ngunit sa huli ay nanalo si Steven at kumuha na lang ng isa pang kopya ng libro si Phoenix. Nang hindi na nila makita pa si Sunny ay mabilis na pumunta sa may counter ang dalawa at nag-away pa sa pagbabayad ng mga librong kinuha nila kaya gulong-gulo na si ate cashier kung kaninong credit card ang kukunin niya sa dalawa.
Napatigil lamang sa pag-aaway ang dalawa nang makita nila si Sunny sa labas ng store na naglalakad na palayo habang may bitbit itong isang plastik ng Fully Booked na may lamang isang libro.
Kaagad ring lumabas ang dalawa ng book store para sundan si Sunny at iniwan ang mga kinuha nilang libro sa may counter kaya takang-taka na si ate cashier pati ang mga kasama nito sa kanila.
Sunod naman silang pumunta sa may mga movies. Habang tumitingin si Sunny ng papanuorin ay mabilis na tumakbo ang dalawa para bumili ng mga popcorn at drinks. Maraming mga babae ang tumitingin at tumitili sa kanila ngunit hindi nila ito pinansin dahil ang tanging nasa isip lamang nila ay si Sunny. Nang makabalik na sila ay bahagyang napaawang ang kanilang mga bibig nang hindi na nila makita pa si Sunny kaya kaagad naman silang pumunta sa may bilihan ng tickets at binili ang lahat ng mga tickets sa lahat ng mga now showing na movies.
Isa-isa nilang pinasukan ang mga movie house kaya halos lahat ng mga kababaihan ay nakatingin lamang sa kanila imbes na sa pinapanood nila dahil para sa kanila ay isang real life movie na ang pinapanood nila at sina Steven at Phoenix ang mga leading men. Ang ibang babae naman ay pinapaupo ang dalawa sa mga bakanteng upuan na nasa tabi nila samantalang ang iba naman ay pasimpleng hinahawakan sila bagamat hindi man nila pinapansin ang mga 'yon dahil ang mas importante sa kanila ngayon ay ang makita si Sunny.
Hindi nila nakita si Sunny sa apat na movie houses kaya sabay na silang pumasok sa huling movie house na hindi pa nila napapasukan. Mahahalata na ang pagod sa kanilang mga mukha ngunit wala pa ring gustong magpatalo sa dalawa.
Nang makapasok na sila ay nagsimula na silang maghanap ulit hanggang sa sabay nilang nakita si Sunny na seryosong nanunuod. Ngunit kaagad ring uminit ang dugo ng dalawa nang makita nila ang magkabilaang katabi ni Sunny na kung makatitig sa kaniya ay parang nainlab ang dalawang kumag sa unang tingin.
Kaagad silang naglakad papalapit sa kinaroroonan ng dalawang kumag at sabay nilang tinapik ng malakas ang mga ito kaya naman'y sabay ring nagising sa panaginip ang dalawang lalake. Akmang bubulyawan na ng dalawang kumag sina Steven at Phoenix nang bigla silang napalunok dahil sa kanilang nakita. Binaba muna ng dalawa ang kanilang mga bitbit bago sila muling tumingin sa dalawang kumag.
Si Steven na malamig na nakatingin sa unang kumag habang pinapaputok nito ang kanyang mga buto sa kaniyang kamao at si Phoenix na nakangising nakakatakot sa pangalawang kumag habang pinapatunog naman nito ang kaniyang leeg.
Mukhang nakuha ng dalawang kumag ang gustong mangyari ng dalawa kaya dali-dali silang tumayo sa kanilang mga upuan at umalis na sa loob ng cinema.
Pagod na umupo ang dalawa at akmang aakbayin na nila si Sunny nang bigla itong tumayo.
Napakunot-noo sila kung bakit kaagad na itong tumayo kaya lumingon sila sa may malaking screen at ganon na lamang sila napapikit dahil sa iritasyon nang makita na nilang tapos na ang palabas.
Napa-face palm na lang si Phoenix samantalang si Steven naman ay minasahe ang kaniyang matangos na ilong.
Makalipas ang limang segundo ay kaagad na rin silang tumayo at iniwan ang mga pinamili nilang mga pagkain na hindi man lang nagalawa sa loob ng movie house.
Nang makalabas na sila ay naabutan nanaman nilang naglalakad ng palayo si Sunny kaya mabilis nila itong sinundan kahit na pagod na pagod na sila. Nang malapit na sila sa may exit ng mall ay huminto na sa paglalakad si Sunny kaya napahinto na rin sila sa paglalakad. Magsasalita na sana sila nang biglang magsalita si Sunny.
"Hindi ko alam kung anong rason o trip niyo para sundan ako pero ito lang ang masasabi ko sa inyong dalawa." Wika nito bago ito humarap kay Phoenix. Ngingiti na sana si Phoenix ngunit umurong 'yon nang seryosong nagsalita si Sunny sa kaniya.
"Ikaw. Hindi porque na tinanggap ko ang frap na binigay mo ay sinabi ko na rin na samahan mo ako dahil as far as I remember ay hindi kita sinabihan na samahan mo ako." Malamig nitong sagot sa kaniya bago ito humarap kay Steven ngunit hindi tulad ni Phoenix ay ganoon pa rin ang emosyon nito.
"And you, pinag-usapan natin saktong 10 am dapat nandito na. Na-late ako ng ten minutes dahil sa mga kuya ko at gumawa pa ako ng mga rason para lang hindi sila manghinala na ikaw ang kasama ko pero pagdating ko dito ay wala ka pa rin kaya kahit labag sa loob ko ay hinintay kita kahit mahigit pitong oras na akong nagmumukhang tanga doon sa kakahintay sayo. Oo. Sinusunod ko ang mga gusto mo pero wag ka namang abusado. Kanina pang 10 am nagsimula dapat ang date natin pero dahil hindi ka sumipot ay wala na ring bisa 'yon at sa pagkakaalala ko rin ay hindi mo ako sinabihan na sasamahan mo ako sa mga pupuntahan ko at mas lalong hindi kita sinabihan na magpapasama ako sayo." Malamig rin nitong sagot sa kaniya bago ito humakbang at tumingin sa kanila.
"Ngayon, please don't follow me. Hanggang dito na lang kayo kung gusto niyo pang maging matino ang mga mukha niyo dahil susunduin na ako ng mga kuya ko." Walang emosyon na sagot nito sa kanilang dalawa bago ito tumalikod at tuluyan nang naglakad palayo sa dalawang lalake na ngayo'y nakatanga na lamang dahil sa hindi nila inaasahang sasabihin sa kanila ni Sunny.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
INSTAGRAM: jeymiiibluu
JamieeeBlue<3