Chapter 10: Finding Her

47.8K 1.4K 55
                                    

Blue's POV


"Sunny? Where are you Sunny? Si Blue 'to, please magpakita ka na. Diba friends na tayo? Sunny, wag mo na kaming pahirapan pa kaya magpakita ka na. Maawa ka naman sa kakambal ko. Hindi pa daw siya handang manghiram ng mukha sa aso namin kaya magpakita ka na. Hindi ka naman sasaktan ni Pres eh kaya wag mo na kaming taguan, please." Sabi ko habang patuloy pa rin siyang hinahanap.

"Jusko naman girl! Nagsasalita ng mag-isa si kuya. Sayang, ang gwapo pa naman niya." Wika ng isang babae na nakasuot ng maikling skirt na halos kita na ang kanyang underwear sa kasama niya.

"Ay, oo nga girl. Okay na sana eh kaya lang baliw. Tara na nga! Baka kung ano pang gawin niyan sa atin." Sagot naman ng kasama niyang may makapal na make-up.

Pucha. Sa gwapo kong 'to, pagkamalan ba naman daw akong baliw? Akala naman nila maganda sila, eh mas maganda pa nga yung yumao kong tuta kaysa sa kanila eh, cute pa!

Biglang tumunog ang phone ko ng kantang tonight kaya kinuha ko ito mula sa aking bulsa at nakita kong tinatawagan ako ng aking manyak na kambal.

(* Tonight, I've fallen and I can't get up. I need your loving hands to come and pick me up — *)

*Conceited Green Calling...*

Wag na kayong magtaka pa kung bakit ganyan yung linagay kong pangalan sa number niya.

"Yo!" Sagot ko sa tawag.

"Yo? Yow lang ang sasabihin mo sa akin? 'Nak ng teteng naman bro! Natataranta na ako dito sa kakahanap kay Ms. Cutie tapos ikaw pachill-chill ka lang diyan?! Anak ng pitumput pitong puting tupa! Alam mo bang muntikan na akong manghiram ng mukha sa aso?!" Pagtatantrums ni Green.

"Ha? Bakit naman?"

"Hinabol ako ng mga pesteng labrador sa soccer field! Take note! Tatlong mga dambuhalang itim na labrador ang gustong lumapa sa akin bro!" Reklamo niya.

"Oh? Ayaw mo 'yon? Pati mga aso hinahabol ka dahil ang cute mo daw."

"Fuck you bro! Kung aso lang naman ang hahabol sakin, wag na lang! Mas gugustuhin ko pang magpari na lang kung hindi lang rin naman mga chix ang hahabol sa akin at wala as in wala sa vocabulary ko ang salitang cute!"

"'Lang 'ya ka bro! Hanggang ngayon ba naman ang mga bebe mo pa rin ang laman ng utak mo?"

"Oo naman! Sila kaya ang kaligayahan ko sa"

"Calling the attention of the twins. Mr. Green and Blue Fuentabella, please proceed to the President's Office now. Again, calling the attention of the twins. Mr. Green and Blue Fuentabella, please proceed to the President's Office now. Thank you."

Walang nagtangkang magsalita sa aming dalawa pagkatapos ng announcement na 'yon. Subalit hindi rin nagtagal ay sabay na lamang kaming napamura ng magaling kong kakambal.

"Fuck!"/"Shit!"


Green's POV


Putek na buhay 'to! Palagi na lang ako pinagtitripan este pinapahirapan ni captain.

Ms. Pambara meets Mr. PilosopoWhere stories live. Discover now