Mr. Maniac meets Ms. Pervert...

By justchin

83.5M 1M 283K

Aragon Series #2 : What will happen if Mr. Maniac John Dale Aragon meets Ms. Pervert Natasha Feddiengfield ? More

Mr. Maniac meets Ms. Pervert
Her reason
Hongkong
Foreplay?
Period
Bowling in Thailand
Phone call
I Love Her
Spicy noodles
Angels
Sapi
Snakes and Ladders
Spotting
I love you
Mahal kita ..
LabletterniChin(A/N)
Still the one
Jelly
Kill me
Luck
Twins
Exercise
America
Let's end this.
Angel of Mine
Daniel
Ella's Time
Jd's Tears
The truth
His Family
Jd and Ivan
Bromance
Angelico and Angelo
2 become 1
Ella's comeback.
New Life
The beginning
Birthday
Confirmation
Picture Perfect
Miyu and Mayu
Family Picture
Dravet Syndrome
Marijuana
Downfall
Begging
Rainbow
Tears
Goodbye Mayu
One last cry
Ending
EPILOGUE (all caps para intense! haha )
Author's kaechosan
Softcopy
Special Chapter

Her Angels

903K 13.1K 2.7K
By justchin

Asha's POV

"Ash magpahinga ka na .. kami naman ni Art ang magbabantay kay Jd .." nilingon ko sila Ate Dianne na kararating lang.

"I'm fine Ate .."

"Asha dalawang araw ka ng walang tulog, baka magalit na sayo nyan si Jd, pinapabayaan mo na yung sarili mo, magdamag kang nagbantay kay Mayu, tapos ngayon dito naman kay Jd.."

"Hayaan mo syang magalit Ate, mas gusto ko ngang pagalitan nya ako, kesa yung ganyan na tinutulugan nya lang ako .."

"Ash .. sige na. Umuwi ka muna. Ihahatid na kita. Matulog ka kahit ilang oras, saka hinahanap ka na din ng mga anak mo, Miyu is crying ng umalis kami .." sabi ni Art na ikinatingin ko.

"Alam nila?" tanong ko.

"Walang nagsasabi, mas mabuti na yun, ayaw din ipasabi ng parents mo, bata pa sila, hindi nila maiintindihan yun."

Tiningnan ko si Jd na tulog pa din. Ang dami ko ng napabayaan, sarili ko, pamilya ko at nga anak ko. Sobrang thankful talaga ako na anjan ang pamilya ko, pamilya ni Jd para tulungan kami.

"Asha magpakita ka muna sa mga anak mo .. kahit isa man lang sa inyo makita nila." napatango na lang ako sa sinabi ni Ate Dianne.

"Tawagan mo agad ako Ate kapag may development kay Jd ah?" bilin ko.

"Makakaasa ka .." si Art ang kasama kong lumabas.

Dinaanan ko muna si Mayu na naglalaro sa kwarto nya, sya namang dating ng Doctor nya.

"Doc pwede po bang iuwi ko muna si Mayu? Namimiss na kasi sya ng mga kapatid nya.."

"Right after her check up Misis tapos titingnan natin kung pwede na syang lumabas."

Napatango ako at sumabay pumasok sa loob. Agad akong sinalubong ng matamis na halik ni Mayu at ng mahigpit nyang yakap.

"Mommy! Miss you!" kinarga ko sya at dinala sa kama nya para macheck up na sya.

Habang chinechek up si Mayu ay bumalik ako sa kwarto ni Jd, magpapaalam muna ako sa kanya ..

"Jd .. aalis muna ako sa tabi mo, bibisitahin ko lang ang mga anak natin, I'm sure theyre really miss us, magtataka siguro sila kapag di ka nakita, pero magsisinungaling muna ako ah? Alam kong ayaw mong magsinungaling tayo sa kanila, but i need to. Sasabihin ko munang nagtatrabaho ka pero babalik ka din agad .. hihintayin ka namin. Bilisan mo .." hinalikan ko sya sa noo at pinagmasdan. I know, matatapos din ito. Pagsubok lang ito na kailangan namin harapin.

Nagpaalam din ako kay Ate Dianne at Art, sinabi kong wag na kami ihatid dahil may sasakyan naman si Ate Ella.

Paglabas ko ay nakita ko si Ivan, andun yung kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag, biglang nag init ang mata ko. At nag unahang bumagsak ang luha ko ..

Sya .. sya yung taong may kasalanan kaya nagkaganito si Jd.

"Ma'am-" isang sampal ang kusang binigay ko.

"Kasalanan mo kaya nangyari 'to kay Jd, kung hindi mo sinabi sa kanya ang tungkol sa Marijuana hindi sana mangyayari to. Sobra na ang problema namin tapos dinagdagan mo pa." galit na sabi ko. "Anong klaseng kaibigan ka Ivan?"

Napatungo sya sa sampal ko at ng tingnan nya ako sa mata ay nakita ko ang sakit doon.

"Asha, isa akong kaibigan hindi lang basta kaibigan dahil kapatid na ang turing ko kay Dale, hindi ko ginusto ang nangyari, gusto ko lang makatulong, nahihirapan akong makitang nahihirapan si Dale, kayo, at ng mga anak mo. Maniwala ka Asha hindi ko ginusto 'to, ang gusto ko lang ay makatulong, kung pwede ko lang bawasan ang mga problema nyo at angkinin ay ginawa ko na, dahil pati ako ay nahihirapan din .." dun ko nakitang tumulo yung luha ni Ivan.

At naisip ko ng oras na yun, naramdaman ko na ang naramdaman ni Ate nung mga panahon na wala ang mga mahal nya; naghahanap sya ng taong masisisi sa nangyari sa lanya, parang ako ngayon si Ivan ang sinisi ko sa mga nagyari.

Napaupo na lang ako sa bench at naiyak. I don't want this feeling, masyado na akong paranoid, baka mabaliw ako.

"Asha.."

"I'm sorry Ivan, I'm sorry .." sinubsob ko ang mukha ko sa palad ko.

Naramdaman ko lang ang paghaplos nya sa likod ko at ang pagtabi nya.

"Asha tandaan mo, ang problema hinaharap yan, wag mong tatakbuhan, dahil pag tinakbuhan mo lang, patuloy ka lang nyang susundan, at hindi matatapos hanggang walang susuko sa inyo, and make it sure, problema nyo ang susuko, hindi kayo." napatingin ako kay Ivan at napapatango na lang. "Andito lang kaming mga kaibigan nyo, handa kaming tumulong, you can do that Asha. Ayan si Dale nalasing lang yan kaya nakatulog, yaan mo bubuhusan ko ng tubig mamaya ng magising na .." hinawakan nya ang ulo ko at ginulo.

"Salamat Ivan .." niyakap ko sya at naramdaman kong di nga pala kami nag iisa, marami kaming kakampi.

"Oh tama na! Baka biglang magising si Dale at makita tayong magkayakap, sabihin pa nun nang aagaw ako!" natawa naman ako sa sinabi nya. "Alam mo naman si Dale full charge ang selos hormones nun pagdating sayo."

"Ash .." napalingon ako kay Ate Ella na karga na si Mayu. "Uy Ivan nandito ka pala.."

"Hindi. Kaluluwa ko lang 'to .. naglalakbay lang . " sagot ni Ivan.

"Che! Kunin mo nga yung gamit namin doon at padala sa sasakyan."

"Ay grabe! bumisita lang ako nautusan pa! Kailangan talaga magising na si Dale, laki ng ng utang nya!" sabi pa ni Ivan bago pumunta sa kwarto namin.

"Daddy?" tanong ni Mayu.

Nasa labas kami ng pinto ng private room ni Jd, kaya hindi kita ang loob, stable na kasi sya kaya pwede na syang ilipat.

"Daddy is working .." pilit akong ngumuti at kinuha si Mayu.

Nang makabalik si Ivan ay sabay sabay na kaming lumabas.

"Gusto nyo ipagdrive ko na kayo?" tanong ni Ivan.

"Sabihin mo na lang kasi, sasabay ka .. dami pang alam .." pagsusungit ni Ate Ella.

"Ge ganyan ka Ella, tamo .."

"Oh magdrive ka na . " abot ni Ate Ella ng susi kay Ivan.

Habang nasa byahe kami ay nakatulog si Mayu sa lap ko, tahimik sa loob ng sasakyan. Nilabas ko yung phone ko para itext si Manang na uuwi na kami, then I saw  my family, picture namin nung nabakasyon kami sa Batangas.

Ang saya at ang sarap balikan ng oras na iyon. Napahinga na lang ako ng malalim at ngumiti. We can do this. Malalagpasan din namin to.

Pagdating sa bahay ay sinalubong kami agad nila Iko, Elo at Miyu.

"Nanay!"

"Mayu!"

Automatic na nagising si Mayu sa ingay ng mga kapatid nya. Nilapag ko si Mayu at isaisang hinalikan ang mga anak ko, parang ilang araw lang akong nawala miss na miss ko na sila. I kiss them all.

Lalo na si Miyu na niyayakap yakap pa ang kambal nya.

Nangingiti na lang akong pinagmasdan sila, miss na miss nila ang isa't isa.

"Nay san si Tatay?" lapit ni Iko sakin. Ang laki laki na nya. Nakakatuwang kakilos nya si Jd.

"Nasa work si Tatay eh, pero babalik daw sya agad, promise nya   " sagot ko.

"Nay san kayo nagpunta?" tanong naman ni Elo.

"Diba may lagnat si Mayu? Pinagaling muna sya ng Doctor." sagot ko naman kay Elo.

"Nay may fieldtrip pala kami sa Enchanted Kingdom! Can I come please? please?" tanong ni Iko.

"Please Nanay can we come?!" ungot din ni Elo.

"Sure .. papasamahan ko kayo kay Lolo at Lola .." agad na nagbago ang facial expression nila.

"Eh nanay! Dapat kasama kayo ni Tatay tapos sila Mayu at Miyu din!" kulit nila.

"Di pa pwede sila Mayu at Miyu dun, baby pa sila eh.." katwiran ko.

"Eh nanay naman pwede kaya! Kailan ba babalik si Tatay?" tanong nila.

"Sige titingnan muna ni Nanay kung pwede ah? Magplay muna kayo nila Mayu at Miyu, maggagawa lang si Nanay ng cookies."

"Yehey!" tuwang tuwa na sabi nila.

Naglakad ako papunta sa kusina at nagsimulang mag ayos ng mga gagamitin ko .. Namiss ko din ito, yung gigising ng maaga para ipaghanda ang makakain ang mga anak ko, tapos aasikasuhin sila sa pagpasok at pag uwi, I will make sure na nagagawa nila ang homework nila, nakakainom ng vitamis araw araw, papaliguan, at papatulugin. Yung normal na gawain ko, a certified housewife na aalagaan at aasikasuhin ang mga anak at asawa nya.

"Nanay .." tawag ni Mayu na may hawak na slice ng laruan na cake sakin.

"Yes Baby?" kinuha ko yung cake at napangiti.

"Pibertdey Mayu!" napangiti ako sa sinabi ni Miyu.

Maybe they don't know na malapit na ang birthday nila ni Mayu, only a month na lang, two years old na sila, nakakatuwa na madadagdagan na naman ang edad nila.

"Wow! Thank you!" saka ako umakto na parang kinakain yung toy cake.

Binalik ko sa kanya yun at nagtatakbo sya pabalik sa mga kapatid nya. Sinalang ko sa oven yung mga cookies na ginawa ko at naupo. Pinagmasdan ko lang sila habang naglalaro at paikot ikot sa sala.

Nilibot ko yung paningin ko, simbolo ng masaya at matatag na tahanan at pamilya ang makikita, nagkalat ang mga anghel na bagay, sa isang shelf na pinagawa pa ni Jd ay nakalagay lahat ng angel stuff ko.

Masasabi kong nagkalat ang mga anghel na ito dahil sa mga anak ko, because they are the most expensive angel that I have. Sila ang mga anghel na ayaw kong mawala o mabawasan man lang.

Di ko napigilan ang luha ko when I saw them playing, masaya sila, at kitang kita ang pagmamahalan nila, kung sana nandito din sa tabi ko si Jd, at sabay naming pagmamasdan ang mga anghel namin.

Si Jd na manyak, yung minamaliit ako, yung akala mo sa unang tingin ay walang puso, akala mo hindi marunong magmahal, but deep inside isa syang napakabuting tao, at hindi ako nagkamaling mahalin sya, sya yung taong nagpakawala sakin, nagparanas kung gaano kasaya mabuhay ng walang takot, yung taong naging kasama sa lahat ng treasured moments ko, at sa ngayon ayaw ko muna syang mawala, oo alam ko, darating ang araw na mawawala sya, na mamatay, but now now. Hindi pa pwede. Hindi ko pa kaya.

"Ma'am oras na po ng pagligo nila.." sabi sakin ng isa naming kasambahay.

"Sige ako na lang ang magpapaligo sa kanila." sagot ko.

"Tama na muna ang laro at maliligo na kayo .." aqat ko sa kanila.

Kinarga ko si Miyu at lumapit naman si Ate Ella para kargahin din si Mayu. Sila Iko at Elo ay hawak namin ng umakyat kami. Ako ang nagpaligo sa kanila, siniguro kong di mararamdaman ni Mayu na naiiba sya, kahit ngayong araw lang i just want her to live normally, sabay sabay silang naligo sa bathroom namin ni Jd, si Ate Ella ang tumulong sakin para asikasuhin sila.

After they take a bath pumunta naman kami sa likod ng bahay, they eat the cookies, masayang naglaro, at ng mapagod ay umakyat na kami at pinatulog sila. Naunang nakatulog sila Mayu at Miyu.

"Sulitin mo ng kasama mo sila.." napakunot agad ang noo ko ng marinig yun kay Ate Ella. "Don't  get me wrong, alam mong kailangan bumalik ni Mayu para mamonitor sya."

Napatango nalang ako at pumasok na sa kwarto namin ni Jd.

"Sabayan mo ng magpahinga ang mga anak mo .." bilin nya pa.

Gising pa si Iko at Elo, pero alam kong inaantok na, di lang talaga sila makatulog hanggang di namin natatabihan .

"Matulog na din kayong dalawa.." i said right after I kiss their forehead.

"Nay paggising namin nandito na si Tatay  diba?" tanong ni Ello.

"We'll see ah?" hinaplos ko ang mga ulo nila para mapatulog.

"Nay sabihin mo kay Tatay bumalik na sya ah?" i just smile and nod.

Maliit man ang kama namin para sa aming lima ay tila pa din maluwag ito, kulang pa din, may space na nakalaan para kay Jd. Loking at my babies feels relaxing, makita ko lang sila ay masaya na ako, kumpleto na, kung nandito lang sana si Jd.

"Mommy .. why cry?" tanong ni Mayu na nasa tabi ko. "You miss Dad?"

Tumango ako at pinunasan ang luha ko.

"Mayu kiss you .." hinalikan nya ko sa magkabilang pisngi. "Better?" she ask.

I smile and hug Mayu.

"Love you Mommy.." bulong nya pa.

"Mommy loves you too .." sa dibdib ko nakatulog si Mayu.

Nakalimutan kong pampahimbing ni Mayu ang karga o kaya yakap namin, madalas si Jd ang nagpapatulog kay Mayu simula pa ng sanggol ito, idadapa lang ni Jd sa dibdib nya si Mayu makakatulog na 'to.

Nahiga ako katabi ng mga anghel ko

at pinahinga ang diwa ko, sa kwarto na ito na naging saksi sa pagiging buhay mag asawa namin ni Jd, looking at the sky blue ceiling like a sky and an angels beside me feels like I'm in heaven.

Gabi ng kailanganin namin ni Mayu bumalik ng Hospital. Masakit man sakin pero kailangan ko munang lumayo kina Miyu, Iko at Elo.

Pagdating sa Hospital ay chinek nila agad si Mayu. After non ay pinatulog ko na sya .. iniisip ko yung mga anak ko, they don't live normally. Hindi ito yung pinapangarap namin. Pero kailangan kong harapin 'to para na din matapos na.

Tulog na tulog si Mayu ng iwan ko, pansamantalang si Ate Ella muna ang  nagbantay sa kanya. Pumunta ako sa kwarto ni Jd. Nandoon ang Mommy nya. Nagngitian lang kami at saka sya lumabas.

Pinagmasdan ko si Jd .. He still sleeping. Naupo ako sa tabi nya at hinawakan ang kamay nya.

"Jd .. miss na miss ka na ng mga anak mo .. lagi ka nilang hinahanap, kailan ka ba gigising?"

Siguro tuyo na ang mga luha ko,napagod din siguro kaya wala ng lumabas.

Instead ngumiti ako, kakayanin namin ito ni Jd.

---

Ang pagpatak ng luha ay hindi tanda na sumusuko ka na, simbolo lang ito na kahit sobrang sakit na, kakayanin mo pa ..

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 46.4K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
1.3M 54.7K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
21.7M 362K 54
Aragon Series #3 : Dianneara Aragon is a goddes of beauty.. while Art is a goddes of ocean? huh? ano daw? in short sya ay mermaid.. in tagalog.. isa...
26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...