Good To You

By winglessbee

165K 5.9K 693

She's full of angst, who wears baggy clothes and despised high heels and dresses. She's the kind of girl who... More

GOOD TO YOU
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
EPILOGUE

CHAPTER 53

1.2K 57 4
By winglessbee

"Oh my gosh!" Yanna hissed.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin at niyaya na silang pumasok sa loob ng sinehan. Hindi ko maintindihan ang tindi ng disappointment ko. Bakit ganito?

"This is the reason, why I've changed my mind. I saw them buying tickets" narinig kong sabi ni Yanna habang nakasunod sakin.

Hindi na 'ko umimik. Hinanap ko na lang yung naka-assign na upuan na pinili ni Raven. Sa pinakataas. Napailing ako. Papahirapan pa kaming umakyat. Tsk.

"I'd like the spot more over there. Bakit dito pa?" reklamo ni Yanna habang tinuturo yung first row na dinaanan namin.

"Mas convenient" sagot naman ni Raven na nakangisi.

"Anong ikinaconvenient nito? Mas lalo akong nagutom sa pag-akyat" sabad ko habanh umiiling.

Naupo kami sa pinakadulo sa taas, pinaggitnaan namin si Yanna na panay ang reklamo. Nakakarindi. Hindi siya tumitigil kahit anong saway ko tapos si Raven naman walang kwenta, under yata kay Yanna kaya hindi masaway. Tsk! Sabagay mabuti na din yun. Dapat naman talaga babae ang may upper hand sa relasyon. Lintik. Bakit ko ba iniisip to?

"Gutom na gutom?" sita bigla ni Yanna nung isubo ko yung huling kagat ng sandwich. "It didn't last a minute! Pam, start acting like a lady" naiiling na dagdag pa nito.

Hindi ko siya pinansin. Ayoko ng sinasabihan ako ng dapat kong gawin. Ayokong magpakaplastik. Kung ayaw nila sakin dahil ganito ako kumilo, problema na nila yun!

Tumahimik lang si Yanna ning magsimula ang movir. Wala akong ideya dito sa papanoorin namin, basta na lang naman kasi nagturo si Yanna ng gusto niyang panoorin. Tsk. Kung hindi lang dahil sa pagkain, baka lumabas na ko at umuwi. Wala kasi ako sa mood. Sinasabi ko na nga ba't pagsisisihan ko talaga tong pagsama ko dito. Bwisit.

"I can't move on" bulong ng katabi ko.

Napalingon ako kay Yanna at napakunot ang noo ko. Umiling na lang ako at pinagpatuloy ang hindi pagpansin sa mga sinasabi niya. Saan naman kasi siya hindi makamove on? Sa kilos ko, sa movie na walang kasense sense o kay Cone at Ashley? Psh.

Naalala ko tuloy kung bakit kaya ako nakaramdam ng disappointment nung nakita ko sila. Tss. E, ano naman kasi sakin kung magkaholding hands sila? Tsk. Bakit ba ako nababagabag? Nahahawa na yata ako kay Yanna. Kinginang yan.

"Ano? Kakain na ba tayo? Iiwan ko na talaga kayo dito kapag sinabi niyong hindi pa" sabi ko ng makalabas kami ng sinehan. Wala naman kwenta yung movie, sana pinangkain na lang namin yung pinambili ni Raven ng ticket, hindi sana nasayang ang pera niya, busog pa kami.

"Don't worry Pam. Kakain na tayo. Hindi din naman pwedeng gabihin si Yanna" sagot ni Raven sabay hila kay Yanna papasok sa restaurant na kakainan sana namin kanina.

Salubong ang kilay kong sumunod sa kanila at dahil sa inis ko, marami akong inorder kahit alam kong magdidiner pa 'ko mamaya pag uwi ko sa bahay. Timing lang din dahil ayokong magtagal sa dinning table namin kasama si Ian. Mabuti na yung busog na ko para makaalis agad ako at makapagkulong na lang sa kwarto ko.

"Bibitayin ka na ba bukas?" nakasimangot na tanong ni Raven habang nilalapag ng waiter yung order namin. "Okay lang sana kung patay na patay pa rin sayo si Trystan e, im sure he'll pay me for all your expenses, pero hindi na e. He's not even asking about you, like he always did before. Mabubutas ang bulsa ko sayo hindi ko pa man napapasagot si Yanna!"

Sinamaan ko siya ng tingin at biglang nagukuhan sa sinabi niya "Pinagsasabi mo?"

Yanna rolled her eyes "I told you, my cousin really liked you"

"Tsk. Wag ako. Kay Ashley niyo sabihin yan" naiinis na sagot ko saka kinuha yung mango float na nilagay nung waiter sa tapat ni Raven. "Akin 'to"

"Are jealous?" biglang tanong ni Yanna na halos magpasamid sakin.

What the fvck?!

"Asa. Bakit naman ako magseselos? May gusto ba ko sa apang yun?"

Tumaas ang kilay ni Yanna saka inagaw sakin yung mango float.

"Fvck. Ano ba Yanna! Akin na yan!"

"No. This is my order. Chocolate mousse kaya yung sayo!"

Sinamaan ko na lang siya ng tingin saka umiling at kinuha yung chocolate mousse. Nakakailang scoop pa lang ako nung magsalita ulit siya.

"Don't you miss him?" tanong ni Yanna.

Kunot noo ko siyang tiningnan "Sino?"

"Your Cone" nakangising sagot nito.

Sinamaan ko siya ng tingin. Ano bang problema ng mga to ay pinagpipilitan sakin ang apang yun. Bulag ba sila? Hindi ba nila nakikitang syota na nun si Ashley? Kakakita lang namin kanina a?

"Hindi" sagot ko na lang.

"Okay" tumango tangong sabi ni Yanna saka nagpatuloy sa pagkain.

Nagkibit balikat ako at taimtim na nagpasalamat dahil sa wakas nanahimik na siya. 

Nagyaya na kong umuwi pagkatapos namin kumain. Hindi na rin ako umimik kahit na bumalik na naman si Yanna sa pagiging bitter niya sa pinsan niya at kay Ashley. Ayaw talaga niya sa babaeng yun, sabagay, sino bang magkakagusto dun kapag nalaman mo ang ugali? Kingina. Hindi ko makalimutan yung ginawa niya sakin. Ginawa niya kong sinungaling sa harap ni Cone, ito namang isa sobrang tanga, naniwala!

Naabutan ko si Papa saka yung fiancee niya na naghahanda ng hapunan. Hindi ko na sila binati, dumaretso na ko sa kwarto ko para magshower. Hindi na talaga naging maganda yung mood ko simula nung hindi pinansin nung apang yun ang tanong ko. Bwisit na yun! Dinedma ko? Kapal ng mukha! Pasalamat siya hindi na kami nagkikita. Kung nagpapansinan pa kami, baka nabatukan ko na siya ng malakas. Oo at hindi lang naman ang isasagot, anong mahirap dun? Leche. Nabubwisit lang tuloy lalo ako.

"Pam, baby.. bumaba ka na kakain na tayo" tawag ni Papa mula sa labas ng kwarto.

Binuksan ko na yung pinto at lumabas na ng kwarto. Ngiting ngiti si Papa habang pababa kami ng hagdan pero hindi ko na lang pinansin. Naningkit ang mga mata ko ng makita kong nakaupo na si Ian sa tabi ng upuan ko. Bakit doon pa? Hindi ba naisip ni Papa na sobrang delikado na within the reach ko ang future step-son niya? Baka hindi ko mapigilan ang kamao ko't bigla na lang lumapat sa panga nito. Hindi ko pa nakalalimutan ang kasalanan niya. Nakakagago.

"Finally, nakumpleto rin tayo!" ngiting ngiti na sabi ni Papa pagkaupo namin sa kanya-kanyang upuan.

Napangiwi ako, sakto naman na nagkatinginan kami ni Tita Stella kaya umiling na lang ako at binaling sa pagkain ang atensyon ko.

Kumpleto my ass.

Palagi naman kaming kumpleto dahil dalawa lang naman kami. Tsk.

"Malapit na graduation niyo di 'ba?" biglang tanong ni Papa.

Hindi ako sumagot at tahimik lang na kumain. Hindi ko talaga gustong makipagkwentuhan kapag busy ang bibig ko sa pagnguya kahit na iisa lang ang lasa ng mga ulam, saka wala ako sa mood makipag-interact sa kanila. Gusto ko lang matapos agad at matulog.

"Opo, next week finals na" sagot ng katabi ko.

"Good. I'll reserve a one week vacation abroad for the two of you, saan niyo ba gusto?"

Kumunot ang noo ko at napatingin ako kay Papa. Ngiting ngiti pa rin siya hanggang ngayon na parang gagraduate akong 'Summa Cumlaude' at ineexpect niya na matutuwa ako sa regalo niya. Tsk. Kung makapagplano, parang may malaking achievement akong makukuha. Isa lang naman ang sigurado ko, na gagraduate ako.

"Kung saan po gusto ni Pamela" sagot ni Ian na parang close kami. Kapal talaga ng mukha ng lalaking walang balls na to! Sarap subsubin sa plato niya.

Tinaasan siya ng kilay na ikinawala ng ngiti niya.

"May two weeks pa naman para mag-isip pero wag mong kalimutang sabihin sakin kung saan mo gusto ha Pam?" sabi ni Papa.

"Tss" umiling ako "Ayoko tong kasama" sabi ko sabay turo sa katabi ko na hindi na namumutla na ngayon.

"Bakit naman? Ayaw mo bang magbonding kayo?"

"Papa!" I grunted saka ko siya sinamaan ng tingin "Nakalimutan mo na yatang pinaglaruan ako ng taong to!" naiinis na sigaw ko habang tinuturo si Ian.

"Pam" umiling si Papa saka huminga ng malalim "Hindi mo pa rin siya napapatawad? C'mon, mahigit isang buwan na yan!" nauubusan ng pasensyang sabi niya.

Ngumiwi ako saka naghalukipkip at diretsong tumingin kay Ian "Bakit? Anong ginawa mo para patawarin kita? Magmukmok sa bahay niyo?"

"Pam.."

"Paano papatawarin ang taong wala namang ginagawa para mapatawad? Tss" sabi ko saka tumayo "Busog na 'ko, papasok na ko sa kwarto ko"

Iniwan ko na sila dun. Lalo lang akong nabadtrip. Si Papa, kamping kampi dun sa Ian na yun porke't anak ng fiancee niya, nakalimutan na yatang anak ako. Leche lang. Ayan ang nakakainis sa kanya e, palagi akong nakakalimutan! Kilala niya ko, hindi ako marunong magtanim ng galit pero hindi ako nakakalimot sa kasalanan. Madali naman ako magpatawad basta nakikita kong sincere, hindi naman bato ang puso ko.

Humiga ako sa kama pagkatapos kong magbihis. Pumikit ako saka huminga ng malalim. Unti-unti na kong dinadalaw ng antok ng biglang may kumatok sa pintuan. Hindi ko pinansin at hinayaang isipin - kung sinuman yung nakatok - na tulog na 'ko. Ayoko ng bumangon, nakakatamad, ang sarap sarap na ng higa ko rito. Istorbo.

"Pamela.."

Kumunot ang noo ko at napadilat ng marinig ko ang boses ng lalaki pero hindi kay Papa. Dalawang lalaki lang naman ang nakakapasok sa kwarto ko. Si Papa at si Cone. Pero imposibleng si Cone yan, hindi naman marunong kumatok ang isang yun. Basta na lang pumapasok ng walang pasabi at isa pa, hindi na yung pupunya dito, may iba ng pinagkakaabalahan yun.

"Pamela, can I open the door? Promise, hindi ako papasok, gusto lang kitang makausap ng harapan"

Tinitigan ko munang mabuti yung pinto bago ako huminga ng malalim. So, si Ian. Natauhan na ba siya? Sana lang. Nakakapagod na ring magalit. Gusto ko na ng peace of mind. Nakakaumay mamroblema.

"Sige" sagot ko saka pumikit ulit.

Hinintay ko siyang unang magsalita pero wala talaga akong pasensya kaya ilang segundo lang hindi ko na napigilan ang bibig ko ng hindi pa rin siya agad nagsalita.

"Anong kailangan mo?"

"Im sorry"

Naiinis akong tumingin sa kanya pero nawala agad yung mga sasabihin ko nang makita kong nakaluhod siya sa may pintuan. Nanlaki bigla ang mga mata ko at napasinghap.

"Hoy! Bakit nakaluhod ka dyan?" tanong ko at napabangon ng wala sa oras. Kingina. Hindi ko inaasahan to!

"Im really sorry Pamela.. I was too eager to get my mom's attention, I forgot to think about her feelings, your feelings. Im sorry, ngayon lang ako nagkalakas ng loob. Im too ashamed to face each of you"

Wala ka kasing balls. Tss.

Napailing ako. Hindi ko inaasahan to. Sinong mag-aakalaing ang mayabang na lalaking walang balls na 'to, bigla na lang luluhod sa harapan ko? Parang noon lang ang yabang yabang niyang makipag-usap sakin. Ninakawan pa ko ng halik. Kinginang yan.

"Please Pamela, forgive me.."

Matagal akong nakatitig sa kanya saka huminga ng malalim. Mukha naman siyang sincere pero papahirapan ko muna siya. Aba, niloko niya ko, hindi naman pwedeng ganun lang kadali yun. Siguro pag inamim

"Pag-iisipan ko. Makakaalis ka na" sabi ko saka nahiga ulit at pumikit.

Narinig ko ang pagsarado ng pintuan kaya napabuntong hininga na lang ako. Kapag naikasal na sila Papa at yung Mommy niya, magiging stepbrother ko na siya. Hindi ko maimagine na magkakaroon ako ng instant kapatid na kasing edad ko pa. Kaya kahit labag sa loob ko, pagbibigyan ko siya pero papahirapan ko muna.

*

"So, you've forgave him that easy?" naniningkit ang mga matang tanong ni Yanna.

"Hindi pa. Papahirapan ko pa" sagot ko habang nagdadrive papunta sa university.

"Good" yun lang ang sinabi niya saka binalik ang atensyon sa cellphone niya.

Napailing na lng ko ng makitang panay ang ngiti niya habang nagtetext at minsan impit pang tumitili at kala mo binubudburan ng asin kung kiligin habang nagbabasa ng text. Pati sa classroom, text pa din siya ng text hanggang sa dumating yung prof namin. Pabor din naman sakin para hindi niya ko makulit, bahala siyang mapagalitan basta ba hindi ako damay.

Nakapangalumbaba ako habang seryosong nakikinig sa professor namin na nagdidiscuss sa unahan ng makaramdam ako ng mahinang siko sa tagiliran ko. Nainis agad ako, sinabi na kasing ayoko ng sinisiko ako. Nagtimpi na lang ako at hindi pinansin si Yanna, baka malintikan na naman kami dito. Siya na naman kasi yung prof na sumita samin kahapon.

"Pam"

"Sshh. Tumahimik ka Yanna kung ayaw mong ma-strike two kay Sir" saway ko ng di siya nililingon.

"Tss. But this is emergency" she hissed hastily.

Mabilis akong napalingon sa kanya at kitang kita ko ang pagkairitable ng mukha niya. Kuminot ang moo ko. Kung emergency yan, bakit mas mukhang galit siya at hindi nag-aalala?

"Raven said, pumasok na si Ashley" naiinis na bulong nito.

Napapikit ako ng mariin at binalik agad ang focus ko sa unahan bago pa kami mahagip ng radar ng prof namin. I swear, mababatukan ko to ng malakas si Yanna pagkatapos ng klase. Lintik na emergency yan. Kailan pa naging emergency ang babaeng iyon?! Kingina.

"Pam.."

"Shut up Yanna. Kung hindi ka natatakot madetention, please ikaw na lang at wag mo na kong idamay" malamig kong sabi ng hindi siya nililingon.

Takot din naman kaya nanahimik at nagpanggap na nakikinig sa klase. Pero sumabog din pagkalabas ng professor.

"Affirmative. Raven's confirming the relationship of those two! Ang tanga ng pinsan ko. Of all people, bakit siya pa?! He said he likes you then what now? Hindi na? Ganun kabilis? Pam, do something!"

"Anong do something pinagsasabi mo? Pakialam ko sa kanila?"

"Mahal ka non!"

Bigla akong napatitig kay Yanna dahil sa narinig ko "Ano?"

"He loves you! Ikaw ang gusto nun, ikaw ang mahal nun, inaakit lang yun ni Ashley kaya naging sila!" sigaw ni Yanna na parang napufrustrate na.

Umiling na lang ako at napapikit. Hindi ako naniniwala. Imposible. Wala yung ginawa kundi asarin at inisin ako tapos sasabihin niyang may gusto sakin yun? Kalokohan.

Natapos ang pangalawang klase namin  ng hindi ko pinapansin si Yanna. Nagyaya na lang siya na maglunch kahit alas onse palang. Walang masyadong tao kaya nakahanap agad kami ng upuan malapit sa exit.

"Nakakainis, these foods doesn't look appetizing. Sana pala, lumabas na lang tayo" reklamo nito pagkaupo namin.

"Ikaw nagpumilit dito"

"'Coz Raven said they're here"

Sakto namang pagkasabi ni Yanna nun ng makita ko si Raven sa di kalayuan. Kasama niya si Cone na busy sa pagpupunas ng tissue sa labi ni Ashley.

Napakunot ang noo ko. Ganyan ba ang may gusto sakin? Tsk. Napairap ako. Hundi ko alam na marunong pala ako nun! Leche. Nahahawa na talaga kay Yanna!

"Psh. So, it's true" sabi ni Yanna ng mapatingin siya sa likuran niya. "It's freaking true!" hysterical na sabi nito.

Tinuon ko na lang ang tingin ko sa pagkain ko at hinayaan si Yanna na magsalita ng magsalita. Maya-maya tumayo na siya kaya napatingala ako sa kanya.

"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ko.

"Bibili ng maraming pagkain. I can't take it anymore!"

Papaalis na siya nung biglang mahagip ng mga mata ko si Ashley palabas at kasunod lang si Cone at Raven sa likod.

Bigla akong napaiwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin ni Cone ng bigla siyang lumingon sa pwesto ko. Binalik ko agad ang tingin ko sa pagkain ko na hindi ko pa masyadong nagagalaw. Kunut na kunot ang noo ko habang pinaglalaruan ang pagkain ko. Wala na kong gana. Kingina kasi. Sana hindi na lang sinabi ni Yanna, napapaisip tuloy ako. Badtrip.

Tumunghay ulit ako at nakita kong mabilis na naglakad si Cone palabas ng canteen para sundan si Ashley. Narinig ko ang sigaw ni Yanna habang tinatawag ang pinsan niya pero hindi man lang to lumingon na parang walang narinig. Napailing na lang ako saka binalik ang tingin kay Yanna na kanakausap na ngayon ni Raven na nakaupo na pala sa tabi ni Yanna. Napatingin silang dalawa sakin saka sabay na ngumiti.

"He really loves you Pam" ngiting ngiti na sabi ni Raven.

Continue Reading

You'll Also Like

477K 12.3K 92
COMPLETED. UNEDITED. Teenfiction. Slow-paced. Teen angst.
2.3K 102 58
Skin Deep • Luna Desiree Monticillo and Zander Lee Villafuente - Luna's life has been a train wreck, with nowhere of going back to the normality of l...
8.9K 633 38
Can you possibly fall in love with the same person over and over again? Can you still love the same person who broke your young heart? Erina Astiel...
107K 7.5K 31
(Finished) A King without a Queen is weak. The country will be in chaos. Book 2 of The King.