RETURN TO FOREVER (KimXi FF)

Por calebnchloe

102K 1.4K 494

Mais

RETURN TO FOREVER (KimXi FF)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 19
Chapter 20 Ending

Chapter 5

5.6K 62 19
Por calebnchloe

                             "May cold war na pala sa pagitan nung dalawa, so why don't you just sit back,relax and enjoy the show habang hinihintay mo ang official break up nila. You don't need to do this Kim..." worried na paalala ni Monique sa kabilang linya nang marinig ang binabalak ni Kim.

"Well, Monique the last time I did that, nothing happened! Remember, nagkabati lang sila at ako nman eh naiwang walang napala. This is my chance, kaya gagamitin ko na ng mabuti . Kung noon, nasayang lang ang effort at bayad ko para matalo at mabaon sa utang sa sugal ang tatay nya...not this time! I'll see to it na mawawala na talaga ng tuluyan si Erika sa buhay ni Xian. Matagal na ang pinaghintay ko!"

"Kimmy, you know what, don't get offended sa sasabihin ko ha , but you are now scaring me.You sounded so obsessed na. Hindi na yata healthy ang ginagawa mo." may tono nang concern ang boses nito . Kinakabahan ito sa malaking pagbabago ng kaibigan. Parang nakakakaba .

 "Sinunod ko lang nman ang advice mo. Sabi mo dalawa lang ang pwedeng solusyon. To forget or fight for him....More than ever, lalong tumindi yata ang nararamdaman ko sa kanya. If you could only see and know how he was able to handled everything . Kahit si Papa, napahanga nya.I'm more convinced na sya na talaga ang para sa akin. And I can't wait any longer. Magiging akin sya!"

Sa gagawin nya, walang tama o mali sa kanya. Kung ang ibig sabihin nun ay magiging kanya ang lalaking mahal nya. All is fair in love and war...malas lang ng casualty at sisisguruhin nyang hindi sya yun!

                                 "Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito? Kung si Xian ang hinahanap mo, mali ka ng pinuntahan. Wala sya dito at dahil ikaw nman ang laging nakabuntot na parang aso sa kanya, ikaw dapat ang nakakaalam ng whereabouts nya." mataray na salubong ni Erika kay Kim nang mapagbuksan ng  pinto ang hindi welcome na bisita.

Lumuwas sya kanina mula sa Cebu ng walang nakakaalam . Nag-leave lang sya ng isang araw sa paalam nyang may aasikasuhin . Mamaya o pagkatapos mismo ng napakahalagang pakay nya ay babalik na sya ulit.

"Yeah you're right, alam ko kung nasaan ngayon si Xi at ang lahat ng tungkol sa kanya. Ikaw talaga ang pinunta ko dito..." at tila nang-iinis , iginala pa ni Kim ang mata sa paligid. Yung tinging nadudumihan base sa pag lukot ng ilong nya na umani ng lalong pagtaas ng kilay ni Erika.

"Tss, para ano? Para sabihing buntis ka na at layuan mo ang 'BOYFRIEND' ko?!" di patatalong sabi nman ng babae. 

Ngumisi si Kim "We'll get into that, hindi pa ngayon...but maybe soon dear!" kahit hindi iniimbita, humakbang si Kim lampas kay Erika papasok sa loob ng maliit na bahay. 

"Hindi nman ako magtataka eh...dahil hindi ka lang mayaman, desperada din! Nagtataka nga ako kung bakit walang kaidi-idea si Xian sa mga ginagawa mo... masyado kang halata na gusto mong agawin sya sa akin...hindi mangyayari yun!" nanunuya ito pero dedma si Kim. 

"Let's see!!!" Dumikwatro pa si Kim ng makaupo. Trying to intimidate. Sinadya nyang magsuot ng mga mamahaling damit,bag at sapatos para mas maipaintindi dito ang mga bagay na mayroon sya. Ang milya ng kaibahan nila ."My time is precious dear, so let's stop the chitchat and cut to the chase. Tutal alam na alam mo nman pala ang ginagawa ko..." bahagyang huminto para lang pala bumwelo ng pasabog . "... I am responsible kung bakit nabaon sa utang ang tatay mo! " Tumingin ng mata sa mata si Kim.

Natigilan ang kausap sa sinabi nya. Halo-halo ang naging sumunod na reaksyon. Pero mas lamang ang galit . "Anong sinabi mo?" May lakas yun. Mabuti na lamang at nag-iisa ito sa bahay dahil normal na araw . Nasa eskwela ang mga kapatid nito at ang nanay nito ay wala sa paningin nya dahil may tanggap na labada . Lahat yan ay mula sa inupahan nyang investigator. Tinaon nya talaga ang pagkakataong ito.

"Nagbayad ako ng taong tatalo sa tatay mo sa sugal. Kaya nagkabaon-baon sya sa utang." Malamig na sabi ni Kim. But deep inside naghahabulan ang kaba ng dibdib nya. Lalo na sa pinapakitang galit ni Erika sa kanya. Tinatagan nya ang loob. Andito na, hindi na sya makakaurong. 

"Alam mo ba nang dahil sa ginawa mo nagkamalas-malas kami sa buhay. Maraming nawala sa amin. Binaon mo kami lalo sa kahirapan.Nawalan na rin ng ganang magtrabaho pa lalo ang tatay ko . Ikaw ang nagtulak sa kanya sa kamatayan!"

Of course,hindi nya gustong mamatay ang tatay nito. Ang gusto lang nman nya sanang mangyari ay painan ng pera ang pamilya nito na lubog na lubog sa utang at ang hihingin nyang kapalit ay ang kalayaan ni Xian. Aksidente ang lahat at wala na sa kamay nya na magpakalasing ang tatay nito at masagasaan ng truck! Pero nungkang aminin nya iyon kay Erika....

"Kung sa tingin mo ako ang pumatay sa tatay mo, wala nman akong magagawa jan eh. Ang tanong, gusto mo din bang mangyari yan sa nanay mo o sa mga kapatid mo?"

"Anong balak mo?!" nagkaroon ng bahid ng takot sa boses nito. Bagay na ikinatuwa ni Kim . Isa lang ang ibig sabihin nun, kayang-kaya na nyang paikutin ang babae sa pananakot nya!

"Pwede kitang ipatanggal sa trabaho . Isang utos ko lang , magugutom ang pamilyang umaasa na lang sa'yo! Sisiguruhin ko rin na walang tatanggap sa'yong employer. At kung wala na kayong pera, all of you could starve to death, di ba?"

"Hindi ka lang pala walanghiya...demonyita ka! Bakit mo ba ginagawa 'to?!" mahina at madiin.Puno ng tinitimping galit at takot ang boses ni Erika.

"O akala ko ba marami kang alam ,bakit hindi mo mahulaan at simpleng logic lang ang kailangan!" tuya ni Kim kay Erika. "Gusto mo bang i-spell ko pa sa'yo?"

"Si Xian!" 

"Good guess!" acknowledge ni Kim sa hula ng babae "Magaling ka nga! So, kaya mo bang isakripisyo ang pamilya mo para lang kay Xian?"

"Sa palagay mo ba, matutuwa sya kapag nalaman nya ang mga ginagawa mo?" 

"Oh dear tsk tsk tsk! ...the question is, maniniwala ba sya sa mga sasabihin mo? It will be your words against mine. Tandaan mo , ang lahat ng kasiraang manggagaling sa'yo lalabas na produkto lang yan ng pagseselos mo."

"Talagang hindi ako nagkamali ng kutob ko sa'yo. Traydor na ahas ka talaga!"

Kim squared her shoulders na parang hindi apektado sa panggagalaiti ng kausap o sa lahat ng pangalang pwedeng itawag nito sa kanya. "But he won't believe that, alam mo yan Erika! ...Never na maniniwala syang kayang gawin yan ng bestfriend nya. Baka ang ending, layuan ka na lang nya. Nawala na nga si Xian ,bka magalit din sya sa'yo!"

"Ang sama ng ugali mo! Naging mayaman ka lang pero walang kinaganda sa ugali at pagkatao mo!"

"Say whatever you want, I don't care!... " humalukipkip si Kim ng tumayo. Nagpalakad-lakad bago nagsalita ulit.

 "...I am not that bad contrary to what you believe. Willing akong palitan ang kukunin ko sa'yo. Bibigyan kita ng pera. Tutulungan kitang makalayo basta malayong-malayo kay Xian. Pwede mong gamitin yun to study and or to start up a business. You could save yourself and your family....posible ang lahat ng yan kung hindi ka tanga at palalampasin ang offer ko!" 

"Hindi ako mukhang pera!"

'OWWSS!' Gustong ihirit ni Kim. Taliwas kase yan sa mga nalaman nya mula sa inupahan nyang imbestigador. Na tumatanggap ito ng pera at mamahaling regalo mula sa mga nagkakagustong parokyano ng restaurant na pinagtratrabahuhan nito kapalit ang dates. Mga bagay na walang kaalam-alam si Xian ngayong mas malayo na ito sa gf.

"Okay, madali lang din nman akong kausap. It's either  you accept my offer or I could hire someone to shut you up. Your call!"

Natigagal si Erika sa narinig. At parang may sakit na biglang nanghina ito at napaupo. Larawan ng pagkatalo. Ng kawalan ng pagpipilian.

'Spare me the drama!' gustong isigaw ni Kim . Kaya umikot lang ang mata nya .Ni hindi nakakaramdam ng konting simpatya o awa sa kausap.

"So pwede na ba nating pag-usapan ang deal natin? I don't have the luxury of time para patagalin pa ito..." naupo ulit si Kim sa kinaupuan kanina at kinuha ang cheque book.

Nang tumango si Erika na parang wala sa loob bilang pagsang-ayon , dumating din kay Kim ang point of no return. She called her bluff! Mabuting pangatawanan na nya ang mga sinabi at ipinangako dito . Ang nagpapatibay na lang ng sikmura nya sa mga pinaggagagawa ay ang reward...si Xian. At ang isiping, nagawan nya ng pabor ang Tita Mary Ann nya na hindi mag-end up ang anak nito sa isang katulad ni Erika. Isa pa ,ito nman ang matagal na nyang gustong mangyari at ngayong abot kamay na nya, walang puwang ang pagbabago ng isip!

                  "Ang Ate Erika mo, nasaan?" masayang salubong ni Xian sa isang kapatid ng Girlfriend na nasalubong at naglalaro sa bungad ng eskinita. Hindi din sya magkandadala sa dami ng pasalubong mula sa Cebu. Excited syang makita ito dahil halos isa at kalahating buwan din silang di nagkita. Maswerteng naisingit nya dahil nagkaroon lang sya ng pagkakataon. May meeting sila ni Kim with their big boss regarding sa development ng project sa Cebu.

"Kuya Xi! Nasa bahay kasama si Kuya Bart! Yung manliligaw ni Ate!" walang malisyang sagot nito habang kamal-kamal ang napakaraming text sa kamay. Ni hindi napansin ang biglang pagkunot ng noo ng binatang kausap.

'Bart?...sinong Bart?...manliligaw?' Wala sa loob na naglakad na sya patungo sa bahay ng mga ito. Halos hindi nya gustong ihakbang ang paa. Bakit ba parang may gustong sabihin ang gut feeling nya. Parang may mali!

                    Nakailang katok si Xian sa pinto ng bahay nina Erika, pero mukhang hindi yata naririnig ng mga tao sa loob. Bahagya syang sumilip sa bintanilya pero mukhang wala ang mga tao sa sala. Sinubukan nya ulit at tinawag na ang pangalan ng girlfriend. Pinagpapawisan na sya sa mga naiisip nyang maaring ginagawa ng mga ito. Nagseselos sya at hindi nya ikakaila. Nang sa wakas may yabag syang narinig palapit sa likod ng pinto. Nagtatawanan.

"Ano yu---" nakangiti pang bati ni Erika kasunod ang isang lalaking nakangiti din . Nang makilala sya ni Erika ay biglang napalis ang ngiti nito at halata rin ang gulat. "X-xian!...Anong ginagawa mo dito?" Ang itsura nito ay parang dagang nahuli ng pusa.

Tiim nman ang bagang nya . Hindi nya gustong sagutin ang tanong na yun. Mas busy syang pagmasdan ang lalaking kasama nito. 

Kayumanggi ang lalaki. Magandang pumorma at may hitsura din. Mukhang bumbayin ang feature nito hindi nga lang kasing taas nya .

Nahalata siguro ni Erika ang tanong sa mga mata ni Xian  tungkol sa lalaking kasama nya kaya pinagkilala ang dalawa. "Bart si Xian....Xian si Bart, nakilala ko sa trabaho!" 

Hindi nakaligtas kay Xian ang paraan ng pagpapakilala ni Erika sa kanya. Ni hindi man lang binanggit na boyfriend sya nito . Parang isa lang syang kakilala na dumalaw at pinakilala nito. Nasaktan sya. Mayroon talagang mali ...

Buti naman at hindi nman nagtagal ay nagpaalam na si Bart . Tamang-tama dahil kating-kati na syang tanungin si Erika tungkol doon. Hindi nya gustong palampasin ang pagkakataong magkalinawan sila nito. Usapan na nila noon pa na hindi ito mag-eentertain ng manliligaw. Pero bakit pakiramdam nya ay may ginagawa itong kakaiba habang wala sya. At yun ang gusto nyang malinawan.

Hindi pa siguro nakakalabas ng eskinita ang umalis na bisita ay kinompronta na nya si Erika.

"Nililigawan ka ba ng Bart na yun?" pinipigil ni Xian ang init ng ulo. "Nagpapaligaw ka ba sa lalaking yun?" ulit nya ng tinalikuran lang sya ni Erika.

Sa lahat pa nman ng ayaw ni Xian ay yung niloloko sya.

Hindi agad sumagot si Erika sa mainit na tanong ni Xian. Sa halip inuna nito ang pag-imis ng mga pinaginumang baso sa lababo. Hndi na rin ito nagulat ng may mahigpit na kamay na humawak sa braso nya. 

"Tinatanong kita. Mahirap bang sagutin ang tanong ko o ayaw mo lang sagutin?!" 

Papiksing inalis ng babae ang kapit sa braso nito . "Narinig kita!...Eh ano ngayon kung nililigawan ako ni Bart? Bakit, ikaw lang ba ang may pwedeng gumawa ng mga gusto mo? Yung pagtira nyo sa iisang bubong ni Kim, napigilan ka ba?" sumbat nito.

Saglit na natigilan si Xian. Buong akala nya kase,nang magsabi sya dito noon ay naiintindihan nito ang sitwasyon. So sa lagay na 'to, nagrerebelde ito sa mga desisyon nya? Gumaganti!

"Alam mo napapagod na ako na magpaliwanag sa'yo na wala kaming ginagawang hindi mo magugustuhan ni Kim. Magkahiwalay ang mga kwarto namin.Nandun kami para sa trabaho. Isa pa, andun ang Mommy ko. Kelan ba tayo matatahimik sa issueng 'to?! Pabalik-balik at paulit-ulit na lang! Mas kailangan ko ang suporta mo kesa ang kung ano-anong masamang hinala. I'm too tired to argue with you!" Wala sa loob na naihilamos na ni Xian ang kamay sa mukha.

 "At si Kim, nabibigay nya ang gusto mo? Niintindihan ka nya at ako hindi?" hindi sumusukong banat pabalik nito.

Pagod sya sa byahe at mas lalong nararamdaman nya ang pagod ngayong nagtatalo pa sila ni Erika kesa ang mag-enjoy sa kaunting oras na magkasama sila.Gusto man nyang aminin  o hindi sa sarili, ramdam nya ang kalamigan ng girlfriend. Iba sa nakita nyang ngiti nito noong si Bart ang kasama. Ano na nga ba ang nangyari sa kanilang dalawa?

Sa huli, natalo ang sama ng loob nya sa kagustuhang maayos nila ni Erika ang kung ano mang hindi nila pinagkakaintindihan. Ready na sana syang aluin ito ng magsalita ang babae.

"Umalis ka na muna...Saka ka na lang bumalik. Mag-aaway lang tayo at baka kung ano pa ang masabi ko na hindi ko na mababawi!..." Derecho ang tingin nito . Matigas at malamig. 

 Si Xian ang hindi makatagal sa mga tingin nito. May resignation sa boses nya ng magsalita.

"Alam mong mahal kita! Pero kung mas pinipili mong pakinggan ang mga demonyo jan sa utak mo, hindi ko na alam kung paano at ano  pa ba ang pwede kong sabihin at gawin para mapanatag ka. Sana pagbalik ko, mas makakapag-usap na tayo ng maayos! " hindi sya agad umalis . Tinitigan pa muna kahit saglit ang girlfriend pero nanatili itong matigas. Wala ni isang patak ng luha na laging ginagawa nito. Kaya laglag ang balikat na lumabas sya ng bahay ng mga ito. Mabigat ang hakbang at pakiramdam nya na para bang yun na ang huli sa kanila ni Erika. Na baka sa susunod na magkita sila , aakto na itong hindi sila nagkakilala at wala silang pinagsamahan...

                    Kitang-kita ni Kim nang may inabot na sobre ang assistant ni Xian mula sa kinauupuan. Di nakaligtas sa kanya kahit nang punitin nito ng pira-piraso ang kawawang papel after na mabasa. Hindi na nya para hulaan kung kanino nanggaling yun o ano ang laman ng sulat. Of course, kung meron mang nakakaalam , sya yun dahil sya ang may utos at nagdikta ng laman nun eh.

Break-up Letter.  Galing kay Erika.

Masunurin ang babae at lalong hindi tanga para palampasin ang napakagandang offer nya. Kahit pa habulin ito ni Xian, wala na ring aabutan.Umalis na ito at ang pamilya nito para magpakalayo-layo gamit ang 1M na bigay nya para panimula . Bukod pa dun, mamaya na rin ang alis ni Erika papuntang Dubai habang ang pamilya nito ay kung saang probinsya magtatago. Mabilis nyang nabigyan ng solusyong mawala ito ,yung malayong-malayo kay Xian kung sakaling magbago ang isip nito. May trabahong naghihintay dito doon na siniguro nya. Kung tutuusin, hindi na ito lugi. Samantalang sya ay nagsisimula pa lang ang magiging role nya sa buhay ni Xian. Hindi pa rin sya nakakasiguro. Pero magandang panimula na walang gugulo sa mga plano nya.

And she'll start by being  a shoulder to cry on....and soon ,be his lover!

Agad na tumayo si Kim at lumapit sa binatang pasandal na nakaupo sa swivel chair. Nasa mukha nito ang halo-halong emosyon. Pagkabigla, kalituhan at ang nagingibabaw sa lahat, kalungkutan. 

"Hey, are you okay? Something's wrong?" patay malisyang tanong ni Kim kunwari.

Huminga ng malalim si Xian habang nakatingin sa kawalan .

"Nakipag-break na sa akin si Erika!" Humawak ito sa sentido na parang sumakit ang ulo nito habang nakapikit.

Kahit nman nakaramdam ng instant awa si Kim sa nakikita kay Xi, hindi rin nman sya ipokritang sabihing nalulungkot sya sa hiwalayan ng dalawa. But she was left with no choice but to react. Kaya hinawakan nya ito sa balikat at marahang tinapik-tapik bilang pagdamay .

"If you want to take the rest of the day off, then go ahead. Wala nman tayong importanteng meeting today. Ok na ,ako na ang bahala if something came up!..."

Biglang nagliwanag ang kaninag mukha nitong pinagtampuhan ng saya. Hinawakan nito ang kamay nyang nasa balikat nito "Thanks Kim, kaibigan talaga kita!" mabilis na tumayo ito na parang may pakpak ang mga paa. Alam ni Kim na puupunta ito sa Maynila para kausapin si Erika. NI hindi sya nababahala ,dahil alam nyang wala na iong aabutan kundi ang bakanteng bahay.

Any remorse? WALA! Hindi nya makapa sa sarili at lalong hindi kailangan. In fact, she gave him a big favor kung tutuusin. Ginawa man nya o hindi  ang mga ginawa nya, darating din sa hiwalayan ang lahat sa dalawa. So bakit hindi pa ngayon...

                "We are not as nice as we think we are."~ unknown (*baka Alien)

 Thank you for reading!!!

Pls vote & comment ...let me know what do you think of the story.

You can follow me on twitter @AlingAudreyH or on Facebook alingaudreyh@yahoo.ca

for updates

< 3 KIMXI

Thank you for reading!!!

Pls vote & comment ...let me know what do you think of the story.

You can follow me on twitter @AlingAudreyH or on Facebook alingaudreyh@yahoo.ca

for updates

< 3 KIMXI

Continuar a ler

Também vai Gostar

107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...