Está Escrito (It is Written)

By YellowLock

490K 20K 5.6K

Isang Historical fiction sa loob ng isang historical fiction. Mabubuhay ka pa kaya sa kasalukuyan kung di ka... More

Prologo
Kabanata I - Haraya
Kabanata II - Karyo
Kabanata III - Emelita
Kabanata IV - Tabing Ilog
Kabanata V - Espiya
Kabanata VII - Unang Pito
Kabanata VIII - Bagong Katiwala
Kabanata IX - Pamilihan
Kabanata X - Pag-iisip
Kabanata XI - Sa May Escuela
Kabanata XII - Isang Hapon
Kabanata XIII- Sa Atisan
Kabanata XIV - Pagtitipon: Unang Bahagi
Kabanata XV- Ang Pagtitipon: Ikalawang Bahagi
Kabanata XVI - Ang kwaderno, ang Rosal at ang Kwintas
Kabanata XVII - Meet the Boss
Kabanta XVIII - Kalma
Kabanata XIX - Tunay na Dalaga
Kabanata XX - Abaniko
Kabanata XXI - KAMAY
Kabanata XXII - Buko
Kabanata XXIII - Ka
Kabanata XXIV : Lulan ng Kalesa
Kabanata: XXV - Dugong Indiyo
Kabanata XXVI - Simula ng Semana Santa
Kabanata XXVII - Sa Ilalim ng Mangga
Kabanata XXVIII - ¿Donde Esta La Independencia ?
Kabanata XXIX- Sugat
Kabanata XXX: Urong-Sulong
Kabanata XXXI - Takbo ng Kabayo
Kabanata XXXII: Pagbabalik
Kabanata XXXIII : Ang Epilogo
Kabanata XXXIV - Espasyo
Kabanata XXXV - Shop
Kabanata XXXVI - Ulan
Kabanta XXXVII - Citation
Kabanta XXXVII - Iisa
Kabanata XXXVIII - Kape
Kabanata XXXIX - Imahe
Kabanata XL: Bukang Liwayway
Kabanata XLI: Dalawang Landas
Kabanata XLII : Kahon
Kabanata XLIII: Bayong
Kabanata XLIV - Ilog
Kabanata XLV - Jiggs
Kabanata XLVI - Kumot
Kabanata XLVII - Si Inying at Si Ingkong Tonying
Kabanata XLVIII - Pag-agos
Kabanata XLIX- Ligtas
Kabanata L : Sa Dulong Bahagi
Epilogo: Ang Tunay

Kabanata VI - Panibago

9.1K 412 83
By YellowLock

Kabanata Anim - Panibago

"Binibini.. " inis na sabi ni Karyo.

"Raya!" pagtatama ng dalaga.

"Huwag mo akong linlangin. Mabilis akong maawa sa mga kababaihang kapos. At kahit 'di ka nagsasabi ng totoo, maaawa pa rin ako sa kalagayan mong kahamak-hamak," sambit ni Karyo habang patuloy siyang naglalakad at nakabuntot si Raya sa likod niya.

"As expected, maginoo," bulong ni Raya.

"Ipagpaumanhin, ano ang iyong sinambit?" tanong ng lalaki.

"BAAANNGGG!"

Napakapit si Raya sa likod ni Karyo nang marinig nila ang malakas na putok ng baril.

"Ang bango! " bulong ni Raya habang nakayakap sa likod ni Karyo. " Shet! Lumalandi nanaman ako! Erase!" pagtutuwid niya sa sarili.

Humarap si Karyo kay Raya upang yakapin siya pabalik. Mabilis namang kinaladkad ni Karyo si Raya habang hawak-hawak niya ito. Nagtago sila sa isang malaking bato.

At dahil gumana nanaman ang pagiging ususera ni Raya, tumayo siya sa batuhan at sinilip kong saan nanggaling ang pagputok. Hinila siya ulit ni Karyo na agad naman niyang ikinabagsak sa kandungan ni Karyo.

"Shit!" bulong ni Raya.

Niyapos siya ni Karyo, saka tinakpan niya ang bibig ni Raya ng kanyang kamay. Nanginginig si Raya sa kinalalagyan niya ngayon.

"Huwag kang maingay, may paparating," bulong ni Karyo sa kanya. Amoy na amoy ni Raya ang hininga ni Karyo.

"Hindi mabaho, hindi rin mabango. Amoy hininga lang pero parang mabango. Wala to sa konsepto ko ah! " Sabi ni Raya sa isip.

Halos di siya makagalaw dahil napakalapit ng mukha ni Karyo sa kanyang leeg. Nakikilit siya sa pero tinitiis niya ito dahil baka makagawa siya ng ingay..

"Shhhhhh."

Naramdaman ni Raya ang mainit na hanging umihip sa tenga niya.

Nakinig sila sa mga yabag na dumarating.

"Maawa na po kayo! Maawa po kayo sa akin!" pagmamakaawa ng boses ng isang babae.

"Estupida!' sigaw ng lalaki. Nagtawanan pa ang mga ito!

Nakarinig sina Raya ng malakas na sapak at pagkabali ng buto.

Napasinghap si Raya sa narinig. Tiyak niyang sinaktan ng mga lalaki ang babaeng nagmakaawa. Lalo namang humigpit ang yakap sa kanya ni Karyo.

Kinagat ni Raya ang kanyang labi.

Halos hikbi lang ng babae ang umalingawngaw sa paligid. At ang kasunod nito ay ang malademonyong halakhak ng mga lalaki.

Paulit-ulit ang hikbi ng babae "Mga hayop...mga hayop kayo!"

Nararamdaman na rin ni Raya ang pagpipigil ni Karyo sa sarili. Kung lilitaw silang dalawa at ililigtas nila ang babae, baka mapahamak pa silang dalawa kaya hinaplos ni Raya ang braso ni Karyo na nakakapit sa kanya bilang gawi na kailangang kumalma ang binata sa kanilang naririnig.

"Hayop kayo..mga demonyo... hayop.." paulit-ulit na hikbi ng dalaga.

Nakarinig sila ng mas malakas ng kalabog. Lalong lumalakas ang hiyaw ng babae.

Tinakpan naman ni Karyo ang tenga ni Raya. Hindi na nagtaka si Raya sa susunod na gawi ni Karyo. Ngunit ilang saglit pa, ay may pumutok na baril. Nagtawanan ang mga lalaki at wala na silang narinig na iyak ng babae.

Naramdaman nina Raya at Karyo ang papalayong yabag ng mga lalaki. Tapos na ang palabas. Tapos na ang paghihirap ng babaeng kanina ay humihikbi.

Naramdaman ni Raya na may tumutulong luha sa kanyang braso. Mukhang malinaw na ang lahat kay Raya. Ilang minuto lang silang nasa likuran ng malaking bato at nasa posisyong iyon bago kumalas si Karyo mula sa pagkakayakap sa kanya. Nasisiguro niyang nakalayo na ang mga lalaking iyon. Kitang-kita ang naghahalong galit, poot at kalungkutan sa mga mata ni Karyo.

Tumakbo si Karyo patungo sa nakahandusay at wala nang buhay na dalagang punit-punit ang kasuotan.

Lalong humikbi ang binata at niyakap nang mahigpit ang babae.

"Mahal ko!" may halong galit at hinagpis ang boses ni Karyo.

Hindi kinaya ni Raya ang eksena. Hindi niya kayang nakikitang nasasaktan ang kanyang tauhan. Tumalikod siya at umiyak din. Nakakaawa si Karyo. Ayaw niyang nakikitang nahihirapan ang kanyang karakter. Halos mapunit ang puso niya habang naririnig niya ang paghikbi ni Karyo sa harap ng namatay na kasintahan.

"Magbabayad sila! Magbabayad kayoooo!" sigaw ni Karyo.

------

Kakatapos lang tabunan ni Karyo ang hukay ni Matyang. Pulos katahimikan na ang namayani sa paligid. Bago niya pinuntahan si Raya, na kanyang iniwan sa dalampasigan ng Ilog wawa, inihagis niya ang isang puting rosal sa puntod ng minamahal.

"Ipinapangako ko, Matyang, magbabayad ang may gawa sa iyo nito. Gagawin ko ang lahat upang magkaroon ng hustisya, kasama ang hustisya para sa mga katulad mong kinitil ang buhay para sa pansariling kapakanan. Balang araw, lalaya tayo sa pagkakasupil sa kadena ng mga lilo at mabubuhay ang susunod na henerasyon nang matiwasay. Paalam, mahal ko. Mahal na mahal kita."

Bago niya tinungo si Raya, pinunasan niya muna ang kanyang mga luha, at matipunong naglakad, bilang senyales ng kanyang pagbabagong anyo at pagbabagong buhay. Ngayon, handa na siya sa kahit ano mang laban. Titiyakin niyang magiging matagumpay siya sa misyong iniatang sa kanya ng kanyang mga katipon.

"Okay ka lang ba?" malungkot na tanong ni Raya sa binata.

"Hindi ko talaga maintindihan ang iyong mga sinasabi," saad ni Karyo.

"Ang ibig kong sabihin, maayos na ba ang pakiramdam mo?"

"Sa iyong pakiwari ba ay sasagutin ko iyan nang may katotohanan? Binawi ang buhay ng mahal ko. Balak pa naman naming magpakasal pagkatapos ng rebolusyon. Hindi ko alam kung kailan ako muling ngingiti dahil naglaho lahat ng pangarap namin, hindi ko alam kung saan ako magsisimula" matabang na sagot ni Karyo.

"Move on," sagot ni Raya. Napatingin nang may pagtataka si Karyo sa kanyang sinabi.

"Ang ibig kong sabihin, hindi natin hawak ang buhay natin. Mayroong nakatadhana para sa ating lahat. Walang nakakalam kung ano ang kani-kaniya nating kapalaran, maging ang nangyari ngayon sa kasintahan mo, hindi natin naisip iyon. Kung ang mundo ay binabalot ng kahiwagaan ng biglang pagpanaw, hindi ba't dapat tayong maging handa sa lahat ng bagay?At kung dumating man iyon, kailangan matatag pa rin tayo at magsimula ulit. Gawin mo na lamang inspirasyon ang inyong mga moments.. i mean.. ang ibig kong sabihin.. gawin mo na lang pampalakas ng loob ang inyong pag-iibigan at ang mga alaala ninyong dalawa upang mabuhay. Eh ano naman ngayon kung wala na si Matyang? Mawawalan ka na rin ba ng ideyalismo ng kalayaan? Gawin mong inspirasyon si Matyang upang magtagumpay ang hangarin mo.. na hangarin rin ng bawat Pilipino," paliwanang ni Raya.

"Maaring tama ka, pero hindi ganoon kadali, kalahati ng puso ko ang nawala at naiwan itong sugatan" saad ni Karyo habang namumulot ng bato at itinapon ito sa ilog.

"Hihilumin ng panahon iyan," sabay turo ni Raya sa dibdib ni Karyo at ipinagpatuloy, "May darating ding gagamot ng sugat mo at hindi papansinin ang peklat na nakaukit diyan. Dahil mas mahalaga ang kasalukuyan kaysa nakaraan." Ngumiti ng matamis si Raya.

Napayuko si Karyo. Umepekto nanaman ang mahiwagang pananalita ni Raya.

"Iibig ka ulit, maniwala ka," sambit ni Raya habang nakikinita niya ang napipintong pag-iibigan nina Karyo at Emelita.

Sa likod ng ngiti ni Raya, nakakaisip na siya ng kwentong isusulat at isusunod niya.

Biglang tumayo si Karyo. "Tumalikod ka, maglilinis lang ako ng katawan, may kakatagpuan ako mamayang alas dos impunto," utos ni Karyo.

"Sus! Nahiya ka pa! Nakita ko na yang katawan mo kanina pa, at nahawakan ko pa!' panunudyo ni Raya sa binata.

Nakita niyang namula ang binata.

"Matutuwa kaya si Emelita pag nakita niyang ganito kainosente ang magiging nobyo niya?" naisip ni Raya. Kinilig siya sa part na iyon.

"Hindi kaaya-ayang nakikita ng dalaga ang katawan ng isang binata," pagmamatigas ni Karyo.

"Okay! Fine!" bulong niya sa sarili at tumalikod na.

Hinagis naman ni Karyo ang damit niya sa dalampasigang kinauupuan ni Raya habang nakatalikod si Raya sa ilog. Naririnig ni Raya ang tunog ng mga tubig habang naghuhugas si Karyo ng katawan.

Kinilig siya nang bigla. Nasagi tuloy niya ang kamiseta ni Karyo. Nakaawang ang isang kwintas sa isang bulsa ng kamiseta. Kinuha iyon ni Raya. May orasan. Piniindot niya ito. Nakakita siya ng hugis pusong larawan ng magkasintahan. Bigla niyang naalala ang lumang kwintas sa kanyang apartment. Kahawig na kahawig ito ng kwintas ni Karyo. Bigla niyang nabitawan ang kwintas sa tubig. Ang talsik ng tubig ay naging maingay. Nabingi siya sa ingay na narinig niya kaya siya napapikit. Bigla siyang nahil dahil parang gumagalaw ang kanyang paligid.

Continue Reading

You'll Also Like

775K 27K 8
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...
751K 16.2K 57
Genre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Lumipas ang dalawang taon magmula ng mawala si Rain. Maraming nagb...
207K 4K 21
Revamped version completed
205K 12.1K 45
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...