Write Me A Heartache (The Sta...

By JhingBautista

2.5M 91.5K 16.5K

Bookworm and introvert are probably two words that best describe Aika. She's a half-Japanese, half-Filipino w... More

Prologue
Chapter 1: Meeting Mickey
Chapter 2: Wrong Impression
Chapter 3: "Janey"
Chapter 4: Confusing Intentions
Chapter 5: An Unexpected Encounter
Chapter 6: The Missing ID
Chapter 7: KDrama Fever
Chapter 8: Asians
Chapter 9: Absurd
Chapter 10: Sorry
Chapter 11: Hike With Me
Chapter 12: The Trip
Chapter 13: Up High
Chapter 14: That Guy
Chapter 15: Uneasy
Chapter 16: How He Met Her Mother
Chapter 17: To Friendship
Chapter 18: Naughty or Nice
Chapter 19: To Love
Chapter 20: Crushed
Chapter 21: VIP
Chapter 22: Falling Deeper
Chapter 23: Nonchalant Kisses
Chapter 24: Tongue-tied
Chapter 26: Falling Harder
Chapter 27: Madly Confused
Chapter 28: To The Rescue
Chapter 29: Gravity
Chapter 30: Misinformed
Chapter 31: Confession
Chapter 32: Misunderstood
Chapter 33: Missed
Chapter 34: Flicker and Flame
Epilogue
Special Chapter 1: Legal and Official
Special Chapter 2: The Mouse Is Away
Special Chapter 3: Promises
Special Chapter 4: Made In Korea

Chapter 25: Damned

56K 2.3K 587
By JhingBautista

Ilang araw nang lutang si Aika. Sinukuan na rin yata siya ni Yaya Norma dahil maghapon siyang palaging tulala. Mickey kissed her! Twice! At kahit nakailang toothbrush na siya, hindi pa rin niya makalimutan 'yong nangyari! Ramdam na ramdam pa rin niya. Kahit 'yong pagpipigil niya ng hininga, damang-dama niya.

Hindi siya makakain nang maayos. Hindi siya makanuod ng kahit ano. Mas masaya kasing tumulala at alalahanin 'yong nangyari. Kahit pa ba pagkatapos noon ay sumiksik siyang muli sa sulok ng upuan habang nakatakip ang isang unan sa mukha. Kahit pa ba hindi na sila nag-usap hanggang sa dumating si Yaya Norma. Kahit pa sobrang daming tanong ng matanda nang makaalis si Mickey dahil hindi maalis ang ngiti niya.

Kahit pa ba masama na naman ang tingin sa kanya ng matanda dahil para siyang tangang nakangiti na naman, three days later.

"Umamin ka nga. May sapi ka ba?" nakanguso nitong tanong.

Ngumisi siya, nilapitan ang matanda, at niyakap ito nang mahigpit.

"Dyaskeng bata are! Ano ba'ng nangyayari sa 'yo, ha? Nagtapat na ba sya sa 'yo?"

Umiling siya.

"E bakit ganyan ka kung makangiti? Daig mo pa ang may sanib."

"Masaya lang ako, Ya."

Tatlong araw na simula noong halikan siya ni Mickey ng—not once, but twice!—pero hindi pa rin humuhupa ang saya niya. Pero dahil sa ayaw niyang maging masyadong obvious, hindi na rin muna niya kinausap si Mickey nang tatlong araw.

Tatlong araw na ring nananahimik ang online profiles niya. Tatlong araw na rin niyang hindi kinakausap si Austin. She told him a few days ago to just leave her alone for a few days. Kasi ayaw niyang masira 'yong nostalgia ng first real kiss niya.

And for those three days, palagi siyang nakatambay sa profile ni Mickey. Just to see if he posted anything about the kiss. The sad news is he didn't. The sadder news is he's talking to his ex more often. Tuwing bubuksan naman niya ang chat box, tahimik naman ito. Hindi na niya nakikita ang ellipses kahit oras-oras yata niya iyong chini-check.

But she asked for this, right? Sinabi niya sa sariling lulubusin na niya ang pagiging tanga. She told herself that she'll be contented with a kiss. May bonus pa ngang isa. Kaya magsasaya siya kahit para do'n lang.

--

When she couldn't contain the feeling anymore, she called Mona to tell her about what happened. Kasalukuyang abala ang kaibigan niya nang tumawag siya. May tinatapos daw kasi itong cake para sa party nang gabi ring iyon.

"Beh, later na lang. Mga 7. Busy pa ako e," sabi nito.

She looked at the wall clock. It's just 5:30PM.

"Seven pa?"

"Sobrang importante ba ng sasabihin mo? Kasi may ginagawa pa 'ko e. I need both my hands."

Sumimangot siya. "Importante sa 'kin."

Bumuntong-hininga ito. "All right. Five minutes lang ha."

Huminga siya nang malalim. "Okay."

"Shoot."

"Mickey and I... we kissed."

She heard Mona give instructions to her employees. Hindi yata nito narinig ang sinabi niya. Sobrang ingay sa background. Marami ngang ginagawa ang mga ito.

"Sorry, Beh. Ano ulit?"

Kinagat niya ang labi. Humingang muli. "Sabi ko... nag-kiss kami ni Mickey."

Biglang nawala si Mona sa linya.

"Ano ulit?!"

"Hindi mo ba talaga narinig?"

"Narinig ko! I just want to make sure that you... you..."

"We kissed," pagtatapos niya sa pangungusap.

Nailayo niya ang phone sa tainga nang bigla itong tumili. Natahimik ang paligid. Tapos umingay ulit. Maya-maya, parang naging kulong 'yong sound. As if Mona's inside a closed space.

"Sorry, Beh. Nawindang ako. Totoo?!"

"Totoo."

Napangisi siya nang malaki nang tumili itong muli.

"Shet! Hindi ko kayo kinakaya! Totoo nga?"

She giggled. Napayakap siya sa unan. "Totoo nga!"

"Wait! Iku-conference kita ha!"

Maya-maya ay narinig niya ang boses ni Fresia. Tapos ay nagpaalam ulit si Mona. Tatawagan naman daw si Brandi.

"What?!" mataray na tanong nang pinakahuling nakasali sa tawag. "Life or death ba talaga? Sinong mamamatay?"

"Hi, Brandi," natatawa niyang bati.

"Hello, Aika. Why are you giggling?"

"She kissed Mickey," kwento ni Mona.

"I kissed him back. He kissed me first," she corrected.

"What?" Si Fresia. "Teka, ano'ng nangyayari? Are we playing a game?"

"No!" she and Mona chorused. Tumikhim siya. "Nag-kiss kami ni Mickey."

Sabay namang napa-what sina Brandi at Fresia. Mona laughed.

"Hey, Bullet's not with you, right?" tanong niya kay Fresia.

"Nope. Mamaya pa syang seven dadaan dito sa shop."

Nakahinga siya nang maluwag. Mahirap na. Baka malaman ni Bullet, ikwento pa kay Mickey na nagkwento siya. And then what would she tell him if he asks?

"So, ano ngang nangyari?"

"Make it quick, guys."

Ikinwento niya ang nangyari, simula nang halikan siya ni Austin, na inialma naman ng mga kaibigan niya. She tried to describe everything in details kaso nagmamadali si Brandi. May photoshoot daw kasi ito. Matatapos na itong ayusan.

Kaya summarized version na lang ang ikinwento niya sa mga ito. Pero kahit sobrang tipid ng description niya, pare-pareho silang kinilig.

"Beh! Iba na yan, Beh!" sabi sa kanya ni Mona.

"Wag kang masyadong ma-fall." Si Brandi. "Hanggat hindi sya nagtatapat sa 'yo at nagsasabi sa family mo, hindi mo sya masiseryoso."

"Alam ko naman 'yon e," depensa niya. "Hindi naman na ako umaasa."

"Not to rain on your parade, Aiks, but Bullet told me something about Mickey, something that I think you should be aware of."

"Pwede bang huwag mo na lang sabihin?" she told Fresia. She's already hurting enough. Paano kung mas lalo siyang masaktan sa sasabihin nito?

"You should hear it," Brandi urged. "If you still like him after that, then we'll know that you're already a hopeless case."

"And Beh, at least you'll know what you're dealing with, di ba?"

She sighed. "Okay."

"Sabi ni Bullet, sa kanila raw tatlo, si Mickey lang ang hindi pa nagkakaroon ng seryosong relationship."

She frowned. "So?"

"Aiks, Bullet's only been with two women in his life. Si Felix naman, on and off with his long-time girlfriend."

Nasamid si Mona.

"But he's with Mona now," dagdag nito.

"For now," pagtatama naman ni Brandi.

"Bitter ka lang, Brandi!"

Brandi grunted. "Can we please get on with it already?"

"Aiks." It's Fresia again. "Concerned lang kami sa 'yo, okay? First kiss mo si Mickey. Alam naming gustong-gusto mo sya. But don't ignore his flaws, okay? Kapag alam mong hindi ka naman kayang seryosohin, huwag mo rin syang masyadong seryosohin. Kasi baka masaktan ka."

"Fresia, I'm not a kid anymore. I know what I'm doing."

"Lahat nagiging tanga sa love," singit ni Brandi. "Tingnan mo si Mona. Akala mo love expert, tanga rin pala."

"Aray ha. Nakakarami ka na."

Napangiti siya nang magsimulang magtawanan ang mga ito. Kahit naman hindi siya balaan ni Fresia, matagal nya nang alam na hindi madaling magseryoso si Mickey. Maybe that's why he and Trisha didn't work out.

Hindi naman na siya umaasa. Well, konti lang. Pero okay na siya sa kiss. Pipilitin niyang makuntento sa ganoon na lang.

"Just... don't put meaning into every sweet thing he does. Kasi baka wala lang 'yon sa kanya pero umaasa ka. Masasaktan ka lang," paalala ni Fresia.

"Alam ko."

"We're happy for you, Beh. Pero kapag pinaiiyak ka na, ibang usapan na 'yon."

"We'll burn his bar down if he ever breaks your heart."

Tumawa siya. "Grabe naman kayo." There's really no need for that. She willingly gave him the hammer to crush her heart at will.

--

Despite Fresia's warning, Aika did not stop her heart from loving Mickey. Kagaya ng ginagawa niya sa mga character ng kwento niya, kapag nagmahal ang mga ito, hinahayaan nya lang. Kahit masasaktan din ang mga ito at some point.

So she let herself hurt.

Tuwing makikita niyang may interaction si Mickey at ang ex nito, inaalala na lamang niya 'yong kiss nila. 'Yong dalawa nilang kiss. At least, there's something nice to look back to when she's hurting.

Napatigil siya sa pagbabasa ng palitan ng comments nina Mickey at Trisha nang bigang may mag-pop up na chat box. It was Mickey.

Hi! :)

Napangiti siya. Hello.

...

How was the scene you're writing?

He must be talking about the kissing scene in her story. Tapos ko na. Thanks for the help.

Ah.

Haha.

Anytime ;)

Ang lakas ng tama sa kanya ng kindat na 'yon. Her phone fell on her face. Nakahiga na kasi siya. She still feels like she's floating on air. Kanina, hindi siya mapakain ni Yaya Norma nang maayos. Hinayaan na lang siya nitong umakyat sa kwarto pagkatapos ng ilang subo.

Kagat-labi niyang tinitigan ang reply nito. Anytime? So does that mean... Shaking her head, she closed the chat bubble. She can't get greedy. She can't get used to it. She can't be demanding. But surely, she can take what's given to her, right? Kung willing naman nitong ibibigay sa kanya 'yong kiss, hindi ba kasalanan ang tumanggi?

She looked at his profile again. She clicked on Trisha's name from the comments. May bago itong status. They say love is lovelier the second time around. I hope that, whoever they are, they're right.

Mickey liked the status. Pero wala itong kumento.

Anytime, huh? And then when she's not around, he'll go kissing someone else? Bahaw siyang natawa. Ginusto nga pala niya iyon. With Mickey comes pain and uncertainty.

--

Isang linggo ang lumipas bago sila muling nagkita. It was a weekend before Christmas. Nagkayayaang umakyat ng bundok. It was supposed to be the guys' trip. Kaso masyadong clingy si Bullet. Gustong isama si Fresia. Fresia asked Mona to come para hindi ito nag-iisang babae. She was also invited. Brandi passed.

She wanted to bring Austin to make Mickey jealous, but Mona advised her against it. Kawawa naman daw kasi 'yong tao kung isasama lang niya para pagselosin 'yong isa. Medyo nahiya siya sa sarili dahil sa sinabi nito.

Pero nagsisi rin si Mona dahil sa payo nito. Kasi nang nandoon na sila, saka lang nila nalamang isinama pala ni Mickey si Trisha.

"Baka naman pwede mo pang pasunurin si Austin?" bulong sa kanya ni Mona habang umaakyat sila ng bundok.

"May iba na syang lakad ngayon e. Saka... pangit talaga 'yong papupuntahin ko sya para lang magselos si Mickey." Na hindi rin naman niya sigurado kung mangyayari.

"Pero kasi..." Tumingin ito sa unahan. She did the same.

Nasa unahan nila ang dalawa, masayang nagkikwentuhan. Parang hindi nagkita since high school. Sobrang animated ng pag-uusap.

"I'm okay, Mon." Pinilit niyang ngumiti para hindi na masyadong mag-alala ang kaibigan. Ginusto mo 'to, paulit-ulit niyang paalala sa sarili.

--

Dahil sadyang tamad siya at medyo heavy si Mona, silang dalawa ang nahuhuli. Nakailang-balik na si Felix para ma-guide sila sa tamang daan dahil kanina pa sila napapag-iwanan. Nao-OP man siya sa dalawa, mas okay na 'yong ang mga ito ang kasabay niya kesa kina Bullet at Fresia na daig pa ang double knot sa pagkakabuhol o kina Mickey na nakaka-bitter kahit saang anggulong tingnan.

Trisha's petite and very pretty. Pinong-pino ang kutis nito. Nakaka-insecure ang ilong. Malalantik ang mga pilitmata. Her eyes were the perfect shape of almonds. And her lips, those are the lips that deserve to be kissed by Mickey.

Kung hindi nga lang niya ito pinagseselosan, baka naging girl crush na niya ito.

Silang tatlo nina Felix ang huling dumating sa tuktok. Naabutan nila ang apat na nagpapahinga. Odd number sila. Wala na naman syang ka-partner. Great. Mabuti na lang, isinama niya pag-akyat ang gadgets niya. May mapaglilibangan siya.

--

"Beh, okay ka lang?" Tinabihan siya ni Mona. Bumukod kasi siya. Naka-set up na ang tent. Nakagawa na rin ng bonfire ang mga kasama niya. Naglilitson ang mga ito ng manok. Humiwalay siya para maglaro ng games sa phone.

"Yeah."

Sumulyap siya sa hiniwalayang grupo. Agad din niyang ibinaba ang tingin nang magtagpo ang mga mata nila ni Mickey. He's probably wondering why she's sulking. O baka naman pansin nitong nagsiselos siya?

"Sorry talaga ha. Kung alam ko lang, e di sana ako mismo ang nagyaya kay Austin na sumama."

Tipid siyang ngumiti. "Okay lang."

"Hindi okay e. Alam kong nasasaktan ka."

"Kaya ko pa naman."

"Bakit kasi si Mickey pa, Aika?"

Natawa siya nang bahagya. "Wala naman akong choice e. Nabigla din ako."

"Of course you have a choice. Love is a choice. You can choose who to love."

"Are you subtly hinting that I choose Austin?"

"That's a light way of putting it. Pero... kung ayaw ng puso mo, baka ayaw mo talaga."

Kumunot ang noo niya. "Kasasabi mo lang na—"

Mona waved her hand dismissively. "I know what I just said, but sometimes it's just bullshit. Hindi naman kasi tayo pare-pareho. May mga kayang pumili. May mga hindi."

Hihingi pa sana siya ng mas elaborate na paliwanag nang tawagin sila nina Fresia. Kakain na raw. Ibinulsa niya ang phone at sinundan si Mona pabalik sa mga kasama. Hindi na siya humiwalay sa kaibigan. Mona knew what she needed. And she was thankful for that. Ito ang maya't mayang nakikipagkwentuhan sa kanya. At hindi rin nito hinahayaang magawi ang tingin niya kina Mickey.

Mona's shielding her from the heartache. She wish she could do the same for herself.

--

Aika didn't know what woke her up. After dinner, hindi nawala ang jamming at inuman. She was a little drunk when she resigned to their tent. Magkakasama sila nina Trisha. Nasa gitna si Mona.

Nauna siyang natulog sa mga ito. Sigurado siyang umiikot na ang paningin niya kanina nang mahiga siya. Dapat tanghali siyang gigising dahil masakit pa ang katawan niya sa pag-akyat. But it was still dark when she woke up. And something compelled her to go outside.

Kusot-kusot ang mata, dahan-dahan siyang lumabas ng tent. Nag-inat-inat at saka pinagsanay ang mga mata sa dilim. Bukang-liwayway na pala. The sky is already turning lighter. She checked her phone for the time. Ilang minuto na lang, sisikat na ang araw.

She rubbed her arms for a little heat. Mas malamig ngayon kesa sa dati niyang pag-akyat. Kahit naka-sweater plus jacket na siya, malamig pa rin.

Papasok na sana siya para ipagpatuloy ang pagtulog nang may makita siyang bulto ng nakaupong tao sa isang flat na bato. The silhouette was just too familiar to her. Ewan ba niya kung bakit mas pinili ng mga paa niyang lumapit dito kesa ang bumalik sa tent para manahimik ang kalooban niya. Binuksan niya ang phone para makasiguradong si Mickey nga iyon.

"Morning," she muttered when she got close enough.

Bumaling ito at ngumiti nang makita siya. "Morning."

Naupo siya sa tabi nito. "Ano'ng tinitingnan mo?"

"Kawalan," sagot nito. He handed her a canned coffee. "Cold coffee?"

She muttered her thanks and drank. Kinuha nito iyon sa kanya pagkatapos at saka inubos ang laman. Biglang nag-init ang pisngi niya nang ma-realize na indirect kiss 'yon. Shit! Third kiss, she mentally noted. Ibang bilang 'yong hindi sa lips.

"Ang aga mo namang gumising."

"I couldn't sleep."

How long has he been out there? Hindi ba ito nilalamig?

"Why not?"

Itinuon nito ang tigkabilang kamay sa inuupuan nila. He was leaning back when he answered, "I was wondering why you weren't talking to me yesterday."

"Ano naman ang sasabihin ko?"

"I don't know."

The dawn is already breaking. Unti-unti na niyang nakikita ang mga nasa ibaba ng bundok. And his I don't know was left hanging in the air. She wasn't sure how to continue the conversation.

"Were you mad that I brought Trisha?"

"Why would I be mad?" Disappointed lang. Nagtatampo. Nagsiselos. Pero hindi naman siya galit.

Nagkibit-balikat ito. "I don't know."

"But I should have invited Austin," she told him. Tumingin ito sa kanya, nagtatanong ang mga mata. "Para balanse, di ba? Nao-OP kasi ako. Partner-partner kayo."

Mickey didn't respond.

"Mona told me not to," she continued. "Unfair daw kay Austin. Binasted ko na kasi."

"Bakit mo binasted?"

"Kasi..." Kinagat niya ang labi. Paano ba niya sasabihin kung bakit? Kasi dahil sa 'yo. Kasi mahal kita. Kaso, kaya ba niyang sabihin 'yon? "Because he did something that turned me off. And I told him to stop courting me. Pero hindi pa rin daw sya titigil."

"Bakit daw?"

"It's not important," she said nonchalantly.

Tumango ito at ibinalik ang tingin sa harapan nila. She should head back to the tent. Bakit ayaw pa niyang tumayo?

"Hindi ka na ba matutulog?" tanong niya maya-maya.

"Something's still bothering me," he answered.

"What?"

He looked at her again. "I'm not your first kiss, aren't I?"

Napaurong siya. How did he know? Nakita ba nito 'yong—Imposible naman. Why would he be at her house at that time? Ano naman ang gagawin nito sa bahay nya nang walang abiso sa kanya?

Nagyuko siya ng ulo. "No," she admitted.

He exhaled.

"Does it... matter?"

She looked up and waited for his answer. Unti-unti nang kumakalat ang unang sikat ng araw. The sunshine reflected in his eyes. It was a captivating sight. Lalo na nang tumingin itong muli sa kanya at ngumiti. Half of his face was catching the sunlight, the other half was shadowed. It was a perfect representation of his personalities.

"Does it matter to you?" he asked back.

Tumango siya. "Sobrang big deal."

"Do you want me to make you forget?"

Aika, being foolishly in love, nodded. Mickey touched her chin and kissed her as the sun finally rose to the sky. She never thought that sunrises could be as magical as sunsets.

--

Sorry sa typos.

Continue Reading

You'll Also Like

529K 21.7K 19
Delos Santos Family Series - Auxiliary: Sa huling taon ng buhay niya, may pag-asa pa bang magpatawad at mapatawad ang isang Santino Pierre Delos Sant...
1.9M 62.9K 42
Mona likes Felix. Mona has liked Felix ever since she met him. She knew that he's way out of her league, but she still took a chance. Inunahan na niy...
15K 442 23
Waking up pregnant, Freya has to tell this shocking news to his boss slash the father of her child. But the only problem is, he is getting married to...
219K 12.1K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.