Chapter 20: Crushed

48.8K 1.9K 191
                                    

Dalawang bagay ang idinulot ng pag-amin ni Aika sa mga kaibigan. Una, pakiramdam niya ay mas lalo iyong lumalim at pangalawa, nanganganib siyang mabuko dahil gagawa raw ng paraan ang mga ito para magustuhan din siya ni Mickey, kung hindi pa raw siya nito gusto.

She loves her friends, but if they meddle and something went wrong, wala na siyang mukhang maihaharap kay Mickey.

Pero pursigido ang mga ito. While Fresia was taking a break from the heartache, siya naman ay sinabihan nina Brandi na gumalaw-galaw. She told them about Austin, but they're already set on Mickey. Kaya nang sabihin niyang nag-aaya ito, sinabihan siya ng mga itong pumayag at isama raw niya si Mickey kagaya ng napag-usapan.

So, she told Austin that she's free on Friday, but that she can't see him alone. Pumayag naman itong isama niya si Mickey. Nagsabi na rin siya kay Mickey pagkatapos. And true to his word, he agreed to accompany her.

Friday afternoon, dumaan si Brandi sa bahay niya para ayusan siya. Sumimangot ito nang makita siyang naka-jeans.

"Don't you have something sexier?"

"I don't wear sexy clothes," sabi niya sa kaibigan.

"My god! You're turning twenty-seven in a few weeks pero para ka pa ring batang manamit!"

Hinila siya nito pabalik sa kwarto niya. Kinalkal nito ang mga damit niya. Brandi found a black see-through long blouse. Inilagay nito iyon sa ibabaw ng kama.

"Wala kang shorts?"

"Meron."

Itinuro niya sa kaibigan ang mga short niya. Most of them have printed cartoon characters, mga pambahay niya. Kung may maong man, dadalawa lang siguro.

"I need shears," sabi nito. Inilagay ni Brandi ang puting denim shorts na nakita nito sa ibabaw ng kama niya.

"What do you need shears for?"

Her eyes bored into her. "What do you think they're for, genius?"

Ngumuso siya. Tinawag si Yaya at nagpahanap ng matalas na gunting. Gupitan kaya niya ng buhok si Brandi para mabawasan naman ang ganda nito?

Nang ibigay ni Yaya ang gunting kay Brandi, kinuha nito ang puting shorts para paiksiin. Gupit nang gupit ang kaibigan niya, muntik na iyong maging hanggang singit. Mabuti na lang at naagaw niya iyon agad.

"Maiksi na 'to!" sabi niya.

Pinagpalit siya nito ng damit. Medyo nailang siya nang makita kung gaano iyon kaiksi.

"It accentuates your legs," Brandi told her. She tucked the front hem of her shirt. Tapos naghanap ito ng accessories at high heels. Kitang-kita niya ang frustration sa mukha nito nang makitang iisang pares ang heels niya. The shoes are glittery silver, masyadong formal para sa outfit niya. Pero mabuti na lang at may boots siyang itim.

"Now let's put some makeup on your face."

"Huwag mong kakapalan ha."

"Gaga. Dapat nga kapalan ko. Pakapalan ng makeup do'n."

Ngumuso siya. "Baka isipin nila masyado akong nagpapaganda."

"Nagpapaganda ka para maging maganda, hindi para sa kanila. And it's your first date with Mickey—"

"I'm going with Austin," pagtatama niya.

"We both know Austin's just a means to get to Mickey."

She sighed exasperatedly. Hinayaan niyang ayusin siya ng kaibigan. Sa kanilang apat, ito ang pinakasanay sa pag-aayos. Kadalasan kasi, sa go-sees, mga model ang nag-aayos sa sarili nila. Brandi's been modeling for more than ten years. She's already an expert at making herself, and everyone who wishes, beautiful.

Write Me A Heartache (The Starving Squad #2)Where stories live. Discover now