Write Me A Heartache (The Sta...

By JhingBautista

2.5M 91.5K 16.5K

Bookworm and introvert are probably two words that best describe Aika. She's a half-Japanese, half-Filipino w... More

Prologue
Chapter 1: Meeting Mickey
Chapter 2: Wrong Impression
Chapter 3: "Janey"
Chapter 4: Confusing Intentions
Chapter 5: An Unexpected Encounter
Chapter 6: The Missing ID
Chapter 7: KDrama Fever
Chapter 8: Asians
Chapter 9: Absurd
Chapter 10: Sorry
Chapter 11: Hike With Me
Chapter 12: The Trip
Chapter 13: Up High
Chapter 14: That Guy
Chapter 15: Uneasy
Chapter 16: How He Met Her Mother
Chapter 17: To Friendship
Chapter 18: Naughty or Nice
Chapter 19: To Love
Chapter 21: VIP
Chapter 22: Falling Deeper
Chapter 23: Nonchalant Kisses
Chapter 24: Tongue-tied
Chapter 25: Damned
Chapter 26: Falling Harder
Chapter 27: Madly Confused
Chapter 28: To The Rescue
Chapter 29: Gravity
Chapter 30: Misinformed
Chapter 31: Confession
Chapter 32: Misunderstood
Chapter 33: Missed
Chapter 34: Flicker and Flame
Epilogue
Special Chapter 1: Legal and Official
Special Chapter 2: The Mouse Is Away
Special Chapter 3: Promises
Special Chapter 4: Made In Korea

Chapter 20: Crushed

48.8K 1.9K 191
By JhingBautista

Dalawang bagay ang idinulot ng pag-amin ni Aika sa mga kaibigan. Una, pakiramdam niya ay mas lalo iyong lumalim at pangalawa, nanganganib siyang mabuko dahil gagawa raw ng paraan ang mga ito para magustuhan din siya ni Mickey, kung hindi pa raw siya nito gusto.

She loves her friends, but if they meddle and something went wrong, wala na siyang mukhang maihaharap kay Mickey.

Pero pursigido ang mga ito. While Fresia was taking a break from the heartache, siya naman ay sinabihan nina Brandi na gumalaw-galaw. She told them about Austin, but they're already set on Mickey. Kaya nang sabihin niyang nag-aaya ito, sinabihan siya ng mga itong pumayag at isama raw niya si Mickey kagaya ng napag-usapan.

So, she told Austin that she's free on Friday, but that she can't see him alone. Pumayag naman itong isama niya si Mickey. Nagsabi na rin siya kay Mickey pagkatapos. And true to his word, he agreed to accompany her.

Friday afternoon, dumaan si Brandi sa bahay niya para ayusan siya. Sumimangot ito nang makita siyang naka-jeans.

"Don't you have something sexier?"

"I don't wear sexy clothes," sabi niya sa kaibigan.

"My god! You're turning twenty-seven in a few weeks pero para ka pa ring batang manamit!"

Hinila siya nito pabalik sa kwarto niya. Kinalkal nito ang mga damit niya. Brandi found a black see-through long blouse. Inilagay nito iyon sa ibabaw ng kama.

"Wala kang shorts?"

"Meron."

Itinuro niya sa kaibigan ang mga short niya. Most of them have printed cartoon characters, mga pambahay niya. Kung may maong man, dadalawa lang siguro.

"I need shears," sabi nito. Inilagay ni Brandi ang puting denim shorts na nakita nito sa ibabaw ng kama niya.

"What do you need shears for?"

Her eyes bored into her. "What do you think they're for, genius?"

Ngumuso siya. Tinawag si Yaya at nagpahanap ng matalas na gunting. Gupitan kaya niya ng buhok si Brandi para mabawasan naman ang ganda nito?

Nang ibigay ni Yaya ang gunting kay Brandi, kinuha nito ang puting shorts para paiksiin. Gupit nang gupit ang kaibigan niya, muntik na iyong maging hanggang singit. Mabuti na lang at naagaw niya iyon agad.

"Maiksi na 'to!" sabi niya.

Pinagpalit siya nito ng damit. Medyo nailang siya nang makita kung gaano iyon kaiksi.

"It accentuates your legs," Brandi told her. She tucked the front hem of her shirt. Tapos naghanap ito ng accessories at high heels. Kitang-kita niya ang frustration sa mukha nito nang makitang iisang pares ang heels niya. The shoes are glittery silver, masyadong formal para sa outfit niya. Pero mabuti na lang at may boots siyang itim.

"Now let's put some makeup on your face."

"Huwag mong kakapalan ha."

"Gaga. Dapat nga kapalan ko. Pakapalan ng makeup do'n."

Ngumuso siya. "Baka isipin nila masyado akong nagpapaganda."

"Nagpapaganda ka para maging maganda, hindi para sa kanila. And it's your first date with Mickey—"

"I'm going with Austin," pagtatama niya.

"We both know Austin's just a means to get to Mickey."

She sighed exasperatedly. Hinayaan niyang ayusin siya ng kaibigan. Sa kanilang apat, ito ang pinakasanay sa pag-aayos. Kadalasan kasi, sa go-sees, mga model ang nag-aayos sa sarili nila. Brandi's been modeling for more than ten years. She's already an expert at making herself, and everyone who wishes, beautiful.

Nang matapos ang kaibigan sa pag-aayos sa kanya, halos hindi na niya makilala ang sarili. Medyo lumaki ang mga mata niya dahil sa eyeliner at smoky eye shadow. May fake lashes pa na mabigat sa mata. May konting gold glitters pa sa mukha niya. Sa makeup na daw 'yon.

"Isn't this too much?"

Umiling ito. "That's just enough. Hindi ka lang sanay kaya."

Gusto sana niyang ipabago kaso wala nang oras. Siguro isinakto talaga ni Brandi para hindi na siya makareklamo. Austin was already waiting outside. Nakaayos din si Brandi kahit ibang party naman ang pupuntahan nito. Ang paalam kasi niya sa katulong, kasama niya ang kaibigan para hindi siya isumbong. Who knows what Yaya Norma will do if she learned that she's going out with two guys? Kahit pa sabihing as friends lang. May mga matatanda kasing binibigyan ng malisya ang lahat. Gano'n si Yaya Norma minsan.

Lumabas sila ni Brandi. Ipinakilala niya ito kay Austin. Austin looks cute, as usual. Naka-dark blue dress shirt ito na nakarolyo ang mga manggas hanggang sa siko. He paired it with a pair of khaki jeans. Sadyang bitin iyon, naka-rolyo din nang maliit ang laylayan. Sinamahan pa nito iyon ng isang pares ng blue and tan boat shoes.

Bago sila umalis, bumulong sa kanya ang kaibigan, "He's cute."

Kung hindi man maging sila ni Austin, pwede kaya nya itong ireto sa kaibigan niya kahit limang taon ang tanda nito sa lalaki? Ang saklap kasi. Austin's just twenty-four. Ang layo na ng narating nito sa buhay kahit mas bata pa ito sa kanya.

--

Pagkarating nila sa harap ng club, nandoon na si Mickey. He's waiting beside his motorcycle. Napabagal pa siya ng lakad palapit dahil nahihiya siya rito. If Austin's cute, Mickey's off the roof hot. Alam niyang hindi lang siya ang nakakapansin. May mga padaan-daang mga babaeng hayagan kung makatingin dito.

To think na sobrang simple lang ng suot nito. He's wearing a dark grey V-neck shirt (nakatiklop ang manggas), black jeans, and black chukkas. Nakalugay ang buhok nito. And it looks like he had a black leather jacket on. It was draped on the motor bike.

Mickey gave her a once-over. She felt the urge to hide. Ayaw ba nito ng suot niya? Masyado bang maiksi? Masyado bang see-through? May tube naman siyang suot sa loob. Hindi naman kabastos-bastos ang hitsura niya.

But why would he care anyway? Hindi naman siya nito type. Baka hindi lang ito sanay na ganoon ang ayos niya.

Nang makalapit sila rito ay itinabi nito ang jacket at saka sinabayan sila sa pagpasok. The club was already packed. Naghanap sila ng mauupuan. She let Austin order a drink for her. Si Mickey naman ang nag-order ng pagkain nila. He knows what she wants, spice and cheese. They ordered pizza and samplers. The two guys promised to split the bills. Si Austin, matinong kausap. Si Mickey, hindi niya sigurado.

Pagkaubos niya ng isang slice ng pizza, inaya na siya ni Austin na magsayaw. She glanced at Mickey, silently asking for his permission. Pero tutok ito sa phone nito.

"Sure," she told Austin.

Iniwan nila si Mickey doong mag-isa. Mukhang may kausap ito sa phone. Pangiti-ngiti ito habang nagti-text. Maybe he's chatting with someone. Baka palagi itong may kausap. Baka sya lang ang hindi nito madalas kausapin online.

Bumuntong-hininga siya. Pilit iniwan sa isang tabi ang pagkadismaya sa lalaki. She tried to enjoy herself. The EDM helped. The vibe around her helped. Energetic ang mga tao sa pagsasayaw. And even though she's not used to dancing, it didn't feel awkward. Kasi maraming awkward dancers sa paligid. But Austin's not one of them. Magaling itong magsayaw. Tinuturuan pa siya ng ilang dance steps.

She glanced at Mickey to see if he's looking. Her heart sank when she saw him talking to someone. Hapit na hapit sa katawan ang suot ng babae. Sobrang iksi pa. Mickey's smiling. It looks like he's enjoying the conversation.

Hinila niya si Austin palayo. Doon sila sa bandang gitna nagpatuloy ng pagsasayaw. Pinilit pa rin niyang mag-enjoy kahit kinakabahan siya sa nangyayari. Mickey might go home with that stranger. The thought made her ache inside.

Maya-maya ay hindi siya nakatiis. Sinilip niya itong muli. Lalo siyang nadismaya nang makitang nakikipaghalikan ito sa babae. The woman was sitting on his lap, devouring his face. Natigil siya sa pagsayaw. Nanlumo.

Gusto niyang umuwi, umiyak. Sana pala ay hindi na lang niya ito pinasama. Kung magkakalat man ito, at least hindi niya makikita. At least, hindi siya masasaktan.

"Hey, are you okay?" may pag-aalalang tanong ni Austin.

"Yeah!" Itinuon niya sa ibang parte ng club ang paningin bago pa nito makita kung ano ang tinitingnan niya. "I just need a drink."

She blinked her tears away. Inaya niya si Austin sa bar counter para uminom. Habang tumutungga siya ng tequila, hindi niya napansin si Mickey na lumapit kay Austin. She didn't see him give Austin a few bills to cover his share of expenses. She didn't see him leave.

Pagkatapos ng pangatlo niyang shot ay inaya siya ni Austin pabalik sa pwesto nila. Wala na do'n si Mickey.

"Umuwi na nga pala sya," sabi nito sa kanya.

"Nagsabi sa 'yo?" kunot-noo niyang tanong. He didn't even bother saying goodbye to her? Mahirap bang sabihing aalis na ito kasama 'yong babae kanina?

Austin nodded. "Nagmamadali e."

Sumalampak siya sa upuan at sa pagkain na lamang ibinuhos ang sama ng loob.

--

Kinabukasan, nabalitaan ni Aika na naospital ang lola ni Bullet. Tanghali na niya nalaman dahil lasing siya. Hindi siya nakasama kina Fresia agad dahil pinuntahan siya ng mommy niya. Nalaman kasi nito kay Yaya Norma na hindi si Brandi ang naghatid sa kanya. Masinsinang paliwanag pa ang kinailangan para makumbinsi niya itong nauna lang ihatid ni Austin si Brandi.

She also told her mom that she'll be going to Pampanga. Ikinwento niya rito ang nangyari sa lola ni Bullet.

"Who are you going with? Sina Mona?"

Umiling siya. "Nando'n na po sila."

"Si Mickey?"

Her face turned sour. Hearing his name made her remember the things he did last night. At kahit sa imahinasyon na lang nya 'yong ibang nangyari, sumasama pa rin ang loob niya.

"Si Felix po, friend nina Bullet," sagot niya sa ina. She didn't even want to mention Mickey's name.

"Felix?" Kumunot ang noo nito. "Another guy?"

She rolled her eyes. "Mama naman."

Ngumiti ito. "I'm just surprised, Anak. Ang dami mo na kasing kaibigan. Lalaki pa 'yong tatlo. Meron ka pa bang hindi naipapakilala sa 'kin?"

She almost told her mom about Austin, but she held her tongue. Hindi pa kasi niya alam kung ano talaga ang pakay sa kanya ni Austin. Hindi pa sigurado kung ano ang gusto nito. He asked her during the hike if they could be friends, pero ramdam kasi niyang hindi pa roon ang gusto nito. Hindi naman kasi siya manhid.

At kung nagkataon, kakailanganin nitong harapin ang buong pamilya niya. Kasi 'yon ang usapan. No one could court her without her family's consent.

"Wala na po. Hayaan nyo, Ma, dadalhin ko sila sa bahay minsan."

Her mother stayed until Felix arrived. Ipinakilala muna niya ito, pero hindi na rin ito masyadong na-interrogate ng mommy niya dahil mata-traffic sila papuntang Pampanga. She brought a few change of clothes because they might be spending the weekend at Lola Dolores' house in Pampanga.

Nagbyahe sila ng mga tatlong oras papuntang ospital. Pagdating nila roon, nasa labas ng kwarto si Mona. Nasa loob daw ng kwarto si Fresia, kausap ng lola ni Bullet.

"Where's Bullet?"

"Kasama ni Mickey sa labas, naninigarilyo."

Naupo siya sa tabi ni Mona. Felix sat two seats away from them.

Maya-maya ay bumalik na sina Mickey at Bullet. Bullet sat next to Felix. Mugtong-mugto na ang mga mata nito. Lumi-lebel na kay Mickey ang pagka-rugged nito. Mukhang hindi pa ito nakaliligo o tulog man lang.

Si Mickey naman ay tumabi sa kanya. Inismiran niya ito.

"Anong oras kayo nakauwi?" tanong nito sa kanya.

Nagkunwari siyang walang narinig. Siniko siya ni Mona. "Hoy, Beh, tinatanong ka."

Tumikhim siya. "Late," pairap niyang sagot.

"Ah."

Tumayo si Mickey at lumipat sa tabi ni Bullet. Gigil na gigil siya kanina, muntik na niya itong patirin.

"Anong problema mo?" pabulong na tanong ni Mona sa kanya. "Kumusta 'yong lakad nyo kagabi?"

Humalukipkip siya. "Huwag mo na ngang itanong."

"Bakit? May nangyari ba?"

Kumuyom ang mga palad niya. Huminga siya nang malalim, pilit na tinatanggal ang bumabangong inis sa dibdib. Naalala na naman niya 'yong pakikipaghalikan ni Mickey kagabi.

"Wala naman," tipid niyang sagot.

"Na-enjoy mo naman ba ang pagka-clubbing?" tanong ulit ni Mona. Mukhang wala itong pakialam sa inis niya. "Si Mickey kasi, dumiretso agad dito nang tawagan ni Bullet kagabi."

Tumaas ang kilay niya. "Kagabi?"

Mona nodded. "Yeah. Kagabi pa 'yan nandito."

"Talaga? Akala ko—"

"Akala mo ano?"

Umiling siya. "Never mind."

Even though he did not spend the night with that woman he lip-locked with last night, it still doesn't change the fact that he kissed someone last night. At mukhang wala naman itong pakialam sa nararamdaman niya. Sinagasaan nito ang feelings niya kagabi. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya maka-recover.

If she only knew that liking him would make her feel horrible, then sana noon pa, hindi na niya ito in-entertain. Sana, hindi na lang sila naging magkaibigan. Sana, hindi na lang niya ito kinilala. E di sana, hindi siya ngayon nasasaktan.

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 73.5K 21
Ang pagpasok ba sa isang tago at bawal na relasyon ay kayang tumbasan ang lahat ng prinsipyong itinapon ni Lavender para lang kay Reynald? Is this t...
683K 7.6K 39
[FIRST GEN 2] #115 in General Fiction as of 01/07/19 #2 in baby as of 05/27/19 out of 2.77k stories #1 in Broken as of 06/08/19 out of 10.3k stories ...
2.5M 56.7K 50
Allie De Guzman decided to break-up with her two-year long boyfriend. The only problem is, ayaw siyang pakawalan ng boyfriend niya. That-and she just...
1.1M 30.6K 26
A romance between a writer and her publisher. Ang unang libro ng kanilang kuwento ay tungkol sa pamumuo ng kanilang pagmamahalan. Ang pangalawang li...