A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COM...

By adrian_blackx

415K 13K 1.3K

"Nerd man ako sa paningin nila, but they don't know me very well." -GLAIZA Maybe I judge her before, but then... More

Chapter 1: The Kiss
Chapter 2: Rescue
Chapter 3: Music Room
Chapter 4: New Prof
Chapter 5: Rooftop
Chapter 6: Tutor Mode
Chapter 7: Kathrina
Chapter 8: DATE?!!
Chapter 9: The Truth and The Hell
Chapter 10: Glaiza Galura
Chapter 11: Heaven and Hell
Chapter 12: Elevator
Chapter 13: Kumot
Chapter 14: Glaiza's New Girlfriend
Chapter 15: Wife material
Chapter 16: Hello Past
Author's note
Chapter 17: Over
Chapter 18: Love Guru
Chapter 19: Real
Chapter 20: Forgive and Forget
Chapter 21: Yes
Chapter 22: Tagaytay Adventure (1)
Chapter 23: Tagaytay Adventure (2)
Chapter 24: The Revelation
Chapter 25: Nasa'yo na ang lahat
Chapter 26: The Comeback
Chapter 27: Something New
Chapter 28: R vs. S
Chapter 29: Hurt
Chapter 30: Come back is real
Chapter 31: Birthday Surprise
Chapter 32: Closure
Chapter 34: Where are you?
Chapter 35: Happy Ending
EPILOGUE
Mula Sa Author <\3
Hi guysss

Chapter 33: Grow Old with You

8.7K 262 20
By adrian_blackx

RHIAN'S POV

"Myloves! Mamaya may party sa bahay ni Chief, syempre kasama tayo dun. So we need to be ready" sabi ni Glaiza habang nanunuod kami ng isang TV show.

"Bakit myloves anong meron?" I ask her.

"Birthday niya"

"WHAT?! Bakit ngayon mo lang sinabi? Para nakabili ako ng gift!" Nakakaasar talaga tong si Glaiza eh!

"Myloves! Isa lang naman ang gusto nun eh!" She said.

"And what it is?" I ask.

"Apo. A baby, a grandchild from me. HAHAHAHAA!"

"Walang hiya ka talaga!" Hinampas hampas ko siya ng unan na nasa tabi ko! Nakakainis eh

"Aray ko naman myloves! Biro lang! Aray! Masakit!"

"Ewan ko sayo! Bahala ka jan!" Bigla akong tumayo at pumunta ng kusina, dahil kailangan kong uminom ng tubig.

Ilang saglit lang ay lumapit si Glaiza sa akin.

"Meron ka ba ngayon at ang sungit sungit mo? Hahahaha" she ask.

"Wala!"

"Sorry na myloves. Nagbibiro lang ako eh. Sige na peace na tayo" pagmamakaawa ni Glaiza sa akin, pero sino ba naman ako para hindi siya pagbigyan, ang cute niyang tignan.

"Oo na sige na. Basta bibili tayo ng gift para kay Chief ok?"

"Opo ma'am! Hahaha"

"Sige tara sa mall ngayon"

Nag ayos na kami ni Glaiza dahil pupunta kami ng mall at dun kami bibili ng ireregalo namin kay Chief, ang sabi naman ni Glaiza, mahilig daw itong magkolekta ng mga figurine.

Nakarating na kami sa mall, at hawak hawak ni Glaiza ang kamay ko, kahit yung ibang tao pinagtitignan kami ay wala siyang pakielam. Tsaka proud ako nuh, ang ganda kaya ng fiancee ko! Mamatay sila sa inggit! Tsk.

"Ok ka lang ba myloves? Gusto mo kain muna tayo? Di pa kasi tayo naglulunch eh" tanong sa akin ni Glaiza.

"Sige kain muna tayo, pero gusto ko sa Chowking."

"Ok. Halika na!"

Basta kapag ako talaga ang nagrequest sa myloves ko, sige lang. Kaya mahal na mahal ko yan eh, hihihi!

Pagdating namin sa Chowking agad kaming naghanap ng upuan, buti na lang hindi konti lang ang tao ngayon.

"Ano sayo myloves?" Glaiza ask.

"Hmmmm. Siomai, chicken, halo-halo, pansit, tapos mami!" I told her.

"Hindi halata na hindi ka gutom nun?" Pang aasar sa akin ni Glaiza.

"Mag oorder ka o mag oorder ka?" Sabay taas ng kilay ko.

"Ito na po, mag oorder na" Hahaha, takot pala eh.

"Galura?" Nagulat na lang kami ng biglang may tumawag kay Glaiza.

"Ohhh. Lopez?! Hahaha! Wow!" Grabe nagyakapan pa talaga sa harapan ko ah.

"Ahem ahem" pang agaw pansin ko, buti naman at naalala ni Glaiza na andito ako.

"Oh, Sanya, by the way, this is Rhian, my fiancee" pakilala sa akin ni Glaiza.

"Hi Rhian,. Its good to finally meet you." Inabot naman nito ang kamay niya sa akin, syempre as a sign of respect inabot ko,

"So Sanya, sinong kasama mo?" Tanong ni Glaiza sa kanya.

"Actually mag-isa lang ako, alam mo naman favorite natin ang halo-halo dito. Hahaha" ahhh, so favorite pla ni Glaiza ang halo-halo dito, bakit hindi ko yun alam.

"Hahahah! Kilala mo talaga ako. O sige ako na mag oorder. Myloves, iwan muna kita kay Sanya ah. And Sanya, huwag mo kong ipapahiya. Wala akong pake kung nasa mataas kang posisyon!" Pagbabanta ni Glaiza sa kanya.

"Oo na Galura. Bilisan mo, gusto ko na ng halo-halo" agad din umalis si Glaiza at naiwan kaming dalawa.

"So, Rhian, paano kayo nagkakilala ng mokong na yun?" Tanong niya sa akin.

"Sa school kami nag meet. Pero mga bata palang kami nagkita na kami" I said.

"Ahhh. Ganda ng story niyo ah. Hahaha"

"Eh kayo paano kayo nagkakilala?" Ako naman ngayon ang nagtanong sa kanya.

"Actually, niligawan niya ako before, pero masyado pa siyang bata nun, mga first year college palng siya that time at ako graduating na, syempre ayoko ng distractions. Kaya hindi ko siya sinagot." Ahh, kaya pla.

"Ahh, ok." Yun na lang ang nasabi ko.

"Pero nung time na ready na ako for her, may Solenn na siya, kaya nag move-on na lang ako, hanggang sa natapos ko ang Law, then now, isa na akong Senadora."

"Oh my gosh. Ikaw pala si Sen.Lopez?!" Nashocked ako! Mygosh!

"Hahaha. Oo eh. Pero Rhian, sinasabi ko na sayo, Glaiza is a good catch, kung wala lang akong boyfriend at kung type ko pa rin siya hanggang ngayon, ako mismo ang manliligaw jan" ay wala naman pla ako dapat na ikatakot may boyfriend naman na pala to.

Ilang saglit lang ay dumating na si Glaiza, at dala lahat ng order ko, pati na din yung kay Sanya,

"Oh ito na mga binibini! Ang dami nito ah!" Pagmamaktol ni Glaiza.

"May reklamo ka?" Tanong ko.

"Wala myloves, ikaw talaga, sige kain ka na"

"HAHAHAHHA! Shet Galura! Under! Hahaha! Nice one Rhian!" Nakipag apiran pa sa akin si Sanya. Hahaha.

"Kayong dalawa pinagtulungan niyo na ako ah" reklamo naman ni Glaiza.

Kumain na lang kami at nagkwentuhan ng mga kalokohan ni Glaiza. Kawawa naman si myloves ko, napagtulungan ng dalawang dyosa. Hahaha. Buti na lang hindi siya umangal.

Matapos kaming kumain at magpahinga sandali ay pumunta na kami sa kanya kanya naming lakad. Syempre habang naglalakad kami, hawak pa din ni Glaiza ang kamay ko. Sweet naman this girl. Hahah

Buti na lang at nakahanap kami ng ireregalo namin sa lolo niya. Haizt, nakakapagod ah, halos nilibot ko na buong mall para lang makahanap ng magandang figurine.

Bandang mga 4pm na ng makarating kami, at meron pa kaming 3 hours para makapagready for the party.

"Myloves, napagod ka ba?" Tanong sa akin ni Glaiza.

"Oo myloves eh." Yumakap na lang ako sa kanya, pampawala ng pagod, at syempre niyakap niya din ako.

"So pahinga muna tayo, then later mag ready na tayo, btw may dress ka ng isusuot, para mamaya."

"Huh? Paanong nangyari yun?" Pagtataka ko.

"Ah, inorder ko pa yan last week, tapos pinalaba ko lang."

"Ganun ba myloves. Siguraduhin mo lang na maayos yan ah. Kung hindi masasapak kita." Pagbabanta ko sa kanya,

"Opo, hahaha. Syempre gusto ko pangalawa kang pinakamaganda nuh!"

"So sino naman ang pinakamaganda?" Tanong ko.

"Syempre ako! Ano ka ba myloves! HAHAHAHA"

"Ang yabang mo!" Sabay bato ko sa kanya ng unan.

"Aray ko naman myloves! Joke lang yun! Hahaha"

"Hmft!" Kainis tong Glaiza na to. Oo alam kong maganda siya. Tse!

"Pero myloves. Ikaw pa rin ang pinakamagandang babae para sa akin, maliban sa nanay ko. Ok? Always remember that! I love you myloves!" Sabay halik sa noo ko. Sweet talaga eh.

"I love you more myloves"

Nagpahinga muna kami saglit ni Glaiza sa salas, para mamaya makapagready na kami. Grabe talaga yung pagod ko. Syempre lalo na si Glaiza, talanag pinilit kong sumama sa akin kahit saan ako magpunta. Hahahaha

After 30 minutes, pumasok na ako sa kwarto namin, tapos si Glaiza, dun sa kabila, dun daw siya mag-aayos, para mabilis kami, dahil kapag magkasama kami, baka di daw kami matapos at puro harutan lang kami. Haha. Ang cute lang.

Nakita ko sa kama yung damit na binili ni Glaiza, black dress. Maganda, simple lang ang design. Haizt. Ano kaya ang itsura ni Glaiza mamaya. Excited na ako.

Mahigit 2 oras akong nag ayos para sa sarili ko, at pagkalabas ko. Bumungad sa akin ang isang magandang binibini. Sino pa nga ba, edi si Glaiza. Tama nga yung sinabi niya, siya ang pinakamaganda mamaya sa party.

Pareho ko, katulad ko din siyang nakablack dress. Talagang pang couple na couple eh. Ang sweet talaga.

Bigla namang lumingon si Glaiza ng nakalabas na ako sa kwarto, tila ba'y namangha sa nakita niya.

"You look so beautiful Rhian. Wow!" Glaiza said.

"Thank you. And thank you for the dress. Ang ganda."

"Anything for you myloves. Shall we go?"

"Sure" sabay abot ng kamay ko sa kanya. Grabe talaga ang sweet niya.

GLAIZA'S POV

Nang makita ko si Rhian nung lumabas siya sa kwarto, namangha talaga ako sa ganda niya. She is really beautiful at wala akong ibang masabi. I am so lucky to have her as my date tonight, for sure maraming kalalakihan ang mahuhumaling sa ganda ng fiancee ko, pero syempre hindi ako papayag, hindi ko aalisin ang tingin ko sa babaeng papakasalan ko.

Nagbbyahe na kami papunta sa mansion ng mga Galura, sa mansion ni Chief kung saan ako ang magmamana nito balang araw..

Ilang sandali lang ay nakarating na kami, buti na lang talaga hindi traffic.

Pagkapasok namin sa bahay, halos lahat ay nakatingin sa amin. Grabe ganun na ba kami kaganda para huminto ang oras lahat ng tao dun? Wow ah. Dahil dun agad kong hinawakan ang kamay ni Rhian.

"Tara myloves, hanapin na natin si Chief, at maibigay mo na yang regalo mo" i said to her, nagsmile lang siya.

Buti na lang talaga nasa garden lang si Chief at madali namin siyang nahanap.

"Chief! Happy birthday! Wow! You looks so old! Hahaha" pagbibiro ko dito.

"Yun na nga apo eh. Matanda na ako, pero wala pa akong apo sayo!" Kahit kailan talaga tong matandang to.

"Lo naman eh. Darating din tayo jan. Hahaha! Btw, may regalo sayo si Rhian" sabay tingin ni Chief sa kanya,

"Happy Birthday po lolo, ito po pala, regalo namin sayo" inabot ni Rhian yung gift niya kay Chief.

"Wow, thank you hija! Sana di na kayo nag abala pa. Apo lang na galing sa inyo ok na ako" medyo namula si Rhian sa sinabi ni Chief.

"Lo! Ano ba, nahihiya yung fiancee ko oh!" Suway ko sa kanya.

Magsasalita pa sana si lolo ng dumating sila mom and dad.

"Glaiza, Rhian. Buti naman nakarating kayo. I miss you so much anak!" Sabay yakap sa akin ni mom, grabe para paring akong bata.

"Ang ganda niyong dalawa ah. Rhian, ito bang si Glaiza, mabait ba sayo? Kung hindi batuhin mo!" Sabi naman ni Dad sa kanya.

"Hayaan niyo po dad, gagawin ko po yun, hahaha" hays, napagtulungan nanaman ako. Mahal na mahal talaga ako ng mga Galura na to.

Inenjoy lang namin ni Rhian ang party, masasarap ang mga food, talagang pinaghandaan nila mom.

Sumayaw din kami Rhian, yung sweet dance. Grabe, maraming nakatingin for sure naiinggit. Tsk.

Nang mapagod kami, ay umupo na lang kami ni Rhian at nagkwentuhan ng mga bagay bagay ng biglang may nagsalita sa harapan, at iyon ay si Chief.

"Good evening sa inyo. Gusto ko lang magpasalamat sa mga pumunta dito ngayon. Specially to my family, and to you my dearest apo, Glaiza, and ofcourse, to the newest member of our family, Rhian. Thank you for coming"

Natouch naman ako sa sinabi ni Chief.

"Pero Glaiza, and Rhian, sana bago man ako mamatay, sana makita ko na ang magiging apo ko sa inyo" ok binabawi ko na yung sinabi ko. Loko loko talaga tong matandang to. Yung mga bisita naman ay tumawa din dahil sa kalokohan niya, pati sila mom and dad. Mga epal.

"Syempre dahil birthday ko, gusto ko sanang magrequest. Glaiza, can you sing me a song? Yung favorite ko. Pleaseee."

Ayoko sana kaso kinonsesya naman ako ni Rhian, kaya wala na akong magawa. Kaya agd akong umakyat sa stage at kumanta.

Grow Old With You

I wanna make you smile whenever you're sad
Carry you around when your arthritis is bad
All I wanna do is grow old with you

Habang kinakanta ko to, feeling ko si Rhian ang kinakantahan ko imbis na yung lolo ko. Pero honestly, I want to grow old with Rhian, she is my for keeps

I'll get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
Oh it could be so nice, growing old with you

I can see in her eyes na masaya siya habang kumakanta ako, at ramdam ko na gusto niya din akong makasama sa pagtanda

I'll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold

I could give her my world if she wants to. Lahat gagawin ko para sa babaeng to.

Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control

Kahit kontrolin pa niya ako, handa akong magpakontrol para sa kanya. Dahil ganun ko kamahal si Rhian.

So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed if you've had too much to drink
I could be the man who grows old with you

Hindi hindi ko hahayaan na mapagod siya sa akin. Mamahalin at pagsisilbihan ko siya.

I wanna grow old with you

"Maraming salamat sa pakikinig, hahaha! Nasa nagustuhan niyo ang awiting kong kanta para sa lolo ko, at syempre para na din sa fiancee ko. So good evening, and have a great night everyone. Happy birthday Chief! Pahamak ka talaga" nagsitawanan naman lahat ng nasa party dahil sa sinabi ko.

Pagbalik ko sa table hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito. Grabe ang kapal ng mukha. Nakipag usap pa sa lolo ko. Tapos ang lagkit ng tingin kay Rhian.

"Hi Glaiza, nice performance by the way." Sabi ni Rafael. Tsk

"Salamat" plain na sagot ko.

Mukhang magkakilala ang lolo ko at ang papa nitong Rafael na to.

"Mr.Gerold, I heard na pinaalis ng apo mo, ang anak ko sa GGU" sabi nung tatay niya. Ito naman si Rafael, napasmile lang. Tsk. Kung alam lang sana niya.

"Glaiza, it is true na pinaalis mo si Rafael sa univerisity?" Tanong sa akin ni lolo.

"Yes chief. Pinaalis ko siya dun. Pinalayas ko siya sa university ko"

"Tignan mo Mr.Galura, napakabastos ng apo mo?" Sumbat naman ni Rafael. Ang kapal talaga ng mukha niya.

"Bakit may ginawa bang kasalanan ang anak ko? Ms.Galura?" Baling naman sa akin ng tatay ng kumag na to.

"Bakit hindi niyo tanungin yang anak niyo, sir" I said. Talagang pinipikon ako ng mag-amang to.

Buti na lang talaga nanatiling nakaupo si Rhian, dahil ayoko siyang mainvolve sa ayaw na to,

"Masama bang kunin ko ang dapat akin?!" Sigaw ni Rafael na ikinagulat ng lahat

"What? Ha! Nagpapatawa ka ba? Rhian will never be yours! She is my fiancee!" Sumbat ko sa kanya.

"Like what I've said before, asawa nga naghihiwalay, mag syota pa kaya? I'll do everything, magiging akin din si Rhian"

"Mangarap ka na lang Rafael, hindi mangyayari yun!" Dahil sa kaguluhan na yun, biglang lumapit si Rhian sa akin.

"Glai, tama, pinagtitingian na tayo oh"

"Glaiza, pakinggan mo ang fiancee mo!" Sumbat naman ni lolo.

"Rodolf, the way I see it, I don't like it. Glaiza and Rhian, are for each other. At ikaw naman Rafael, wala ka ng magagawa. Nakaayos na ang lahat" sabi ni Chief sa kanila.

"But Mr.Galura, I am a mayor!" Sumbat naman ni Rodolf na dun.

"Well, Mr.Rosell, mayor ka lang. And I don't care, get out of my property!"

"kayong mga Galura, hindi pa tayo tapos, pagbabayaran niyo ang pagagahiya sa amin ng anak ko, makikita niyo!" Pagbabanta sa amin ni Rodolf.

"Don't you dare Mr.Rodolf, baka nakakalimutan mo, mas makapangyarihan ang mga Galura, kaysa sa mga Rosell. Rosell lang kayo, Galura kami, wala kayong laban. Just shut up ok?!" Sabi ko, bastos na kung bastos! Pero hindi na tama to eh! Pinagbantaan niya kami. Mygosh.

"Magtutuos pa tayo Glaiza, tandaan mo yan!"

"Go! Maghihintay ako!"

Hindi na sila sumagot at umalis na lang sila.

"Lolo I'm sorry about this" I said,

"Its ok apo, I understand, pero ano ba kasi ang ginawa ng lalaking yun."

"Muntik na niyang marape si Rhian, lo at sa univerisity ko pa. Buti na lang talaga nakarating ako lo. Kasi kung hindi, baka talaga napatay ko yung lalaking yun." I said.

"Bakit hindi kayo nagsumbong sa pulis?" Sumbat naman ni mama.

"Nawala na sa isip namin ma, hinayaan na lang namin, tutal pinaalis ko naman siya sa univerisity. At hinding hindi na siya makakalapit pa kay Rhian" i said,

Agad ko namang niyakap si Rhian.

"Ok apo, kung ayaw mong magsampa ng kaso, ako ang magsasampa!"

"Lo! Huwag na po. Ok naman na po ako eh" sumbat ni Rhian.

"No Rhian, sasabihin ko to sa parents mo. Ok? Sige na umuwi na kayo. Kami na bahala dito"

Wala na kaming nagawa ni Rhian at umalis na lang kami. Wala kaming imikan sa sasakyan, at hanggang sa makarating kami sa condo.

Pagpasok namin, agad kaming umupo.

"Myloves, ok ka lang?" I ask her,

"Oo myloves, kinakabahan lang ako sa mangyayari sa mga susunod na araw."

"Don't worry, andito lang ako for you ah. I love you!"

"I love you more Glaiza. Thank you!"

Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa noo.

Proprotektahan kita Rhian kahit anong mangyari.

--------

AN:
Hello guys! Sorry na. Oo alam kong ngayon lang ulit ako nakapg ud. Pasensya na. Hahaha. Ito na oh bumabawi na. Pasensya na talaga busy eh. Hahaha

P.S. Please suportahan niyo din yung dalawa ko pang story. Yung CBH and The Rebel Rock of Love. Maraming salamat.

Don't forget to vote! Thanks guys!

Continue Reading

You'll Also Like

230K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
372K 6.4K 35
Mahal ko siya pero paano kung minahal lang niya ako dahil sa text? Titigil ba ako o gagawin ko lahat para mahalin niya ako kahit sino pa ako. This i...
105K 4.2K 25
IT'S A SHORT STORY ! Red is not your typical type of girl. She's cold and distant but despite of that, everyone around her wanted her to be theirs. W...
177K 5.3K 37
kriss is a sweet and caring girlfriend with maica,halos buong buhay nya ata kay maica nya lang inilalaan she give everything for maica's happiness,bi...