Money Can't Buy Love #Wattys2...

By MissWinterQueen

5.2K 360 82

Ano ang iyong gagawin kung nalaman mong niloko ka ng isang taong minahal mo at nalamang ginawa niya iyon para... More

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
Chapter 1: Anderson Royal Academy
Chapter 2: The Night
Chapter 3: The Deal
Chapter 4: First Dance
Chapter 5: The Fake Confession
Chapter 7: Secret Garden
Chapter 8: Unexpected Vacation
Chapter 9: Past
Chapter 10: BesTers
Chapter 11: The Queen Bee
Chapter 12: Game

Chapter 6: Repentance

278 26 12
By MissWinterQueen

Cass's POV

Natapos na ang klase namin at sabay na kaming lumabas ng room nila Athena at Yanie. Pero agad kaming napahinto ng nakita namin si Luke na nakasandal sa pader katabi ng room namin.

"Oh, Luke Why are you here? May hinihintay ka ba?" Tanon ni Yanie sa kanya.

Yes, Magkakilala sila. Ano ba naman, sino ba naman hindi nakakakilala kay Luke. Tsk. But They are good friends, close kasi sila dati pa. That's why hindi sila nagkakahiyaan sa isa't-isa. 

"Ahh, oo ehh. Hinihintay ko kasi yung princess ko." Agad na sagot ni Luke.

Lagot na! Ako yung tinatawag niyang princess right? So, ako yung tinutukoy niya. Wala na talagang kahihiyan itong lalaking ito.

"Princess? Who?" Tanong ni Athena.

"My Princess, Cassandra." Pagkasabi niya nun ay sabay naman ang pagkindat niya. 

Gulat na gulat ang mukha nila Athena at Yanie sa sinabi ni Luke. Ay ewan, grabe kung maka-eskandalo itong lalaking ito!

"Cass? Wait, Kayo na ba si Cassandra?!" Gulat na tinanong ni Yanie kay Luke.

"Hindi ah! Never!" Agad kong sinagot sa kanya. 

"Hindi pa kami. But, nililigawan ko na siya."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Luke. Wala talaga siyang kahihiyan pag dating sa mga ganitong bagay. Pero ang pinagtataka ko, pangalawang araw ko palang dito sa Academy pero nagkagusto na siya sa akin? That's impossible.

"Oh, I guess that's the reason why you're here." -Athena.

"Yes. Definitely. Ipapa-alam ko sana si Cassandra this lunch. Kung pwede?" Tanong ni Luke sa kanila.

"No! Hindi kita papayagan! Hindi ako pumayag na ligawan mo no! Wag ka ngang assuming! Duhhhh!" Agad kong sinabi na agad din namang nakapagpatawa sa kanilang tatlo.

"Bakit kayo tumatawa? I'm serious!" 

"Ang cute mo pala kapag nagagalit ka Cass!" Pagsabi ni Athena nun ay agad siyang natawa.

"Pumapayag kami Luke. Ikaw pa!" Nakangiting sabi ni Yanie.

"What?!" 

"Thank you sa inyo! You two are really a big help." Wow. May gana pa palang mag puri ang isang ito.

"Bye! Enjoy!" Umalis agad sila Yanie at Athena pagkasabi nila nun.

Hindi ko na sila nasundan ng bigla akong hinawakan ni Luke sa wrist.

"Bitiwan mo ako!" Hindi niya ako sinunod at mas lalo pang hinigpitan ang paghawak sa wrist ko.

"Pambawi ko lang ito may dear princess, sa dami ba naman ng ginawa mo sa akin tapos hindi ako babawi?" 

Agad ko namang na-realize na tama din siya sa dami ng ginawa ko sa kanya, nakukonsensiya na ako. Ngayon ko lang siya pagbibigyan para hindi niya na ako guluhin pa.

"Ok, here's the deal. Papayag ako na mag-lunch kasama ka but, promise me na hindi mo na ako lalapitan, kukulitin at tatawaging princess. Malinaw ba?" Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Hindi agad siya nakasagot at napakunot nalang ng noo.

"But, ganti ko nga ito diba? So, why are you making a deal?" Agad niyang tanong. Oo nga naman pero ayoko na lagi niya akong kinukulit.

"Ok, hindi mo na ako kukulitin, papayag ako sa gusto mo. Deal?"

Agad naman siyang tumango bilang pagsangayon. Pagkatapos ng mahabang usapan, dumiretso na kami sa cafeteria ng school at umupo katabi ng malaking bintana kung saan makikita mo ang mga nangyayari sa labas ng cafeteria.

"What do you want to eat my princess?" Pambatang boses niyang tanong sa akin.

"Hindi bagay sa iyo. Wag ka ngang mag ganyan. Tsss." Agad naman siyang napatawa ng sabihin ko iyon. Ewan ko ba, bakit sila natatawa kapag lagi akong nagagalit! Nakaka-asar na talaga sila.

Habang kumakain, tinatanong niya ako ng mga boring na tanong, as in walang kwenta. Like, bakit cassandra pangalan ko. Bakit ang sungit ko. Bakit ang ganda ko. Hayssss.

"Ang dami mo ng tinatanong. Pwede ako naman magtanong?"

"Sure my dear princess."

"Close ba kayo ni Matt?" Agad kong tanong sa kanya na agad ding nakapag hinto sa kanya sa pag kain.

Akmang magsasalita na sana siya ng bigla kaming nakarinig ng pamilyar na boses.

"I heard pinag-uusapan niyo ako." Agad na sabi ni Matthew sa amin.

"Can I join?" 

Sabay kaming nagsalita ni Luke pero ang kaibahan lang, 'no' ang sinabi niya at 'yes' naman sa akin.

"Thanks Cass!" Agad na puri niyo at umupo malapit sa tabi ko. Kaya ako ngayon ang nasa gitna nila at silang dalawa naman ang nasa gilid ko.

"Hey! Close ba kayo ni Cassandra para tawagin mo siyang Cass?" Diretsong tanong ni Luke kay Matt.

"Luke, stop." Agad kong sabi sa kanya bago pa sila mag bangayan.

"Hindi kami ganoon ka close pero sisiguraduhin kong hindi lang kami magiging close ni Cass."-Matthew

Agad namang tumayo si Luke at hinampas ng malakas ang lamesa na nakapagagaw ng atensyon ng mga taong nasa loob ng cafeteria. 

"I would never let that happen!" Sigaw ni Luke at dinuro si Matt. Obviously, nahihiya na ako. Kaya agad akong tumayo sa hinila ang braso ni Luke palabas at nag-sorry kay Matt sa ginawang kahihiyan ni Luke.

Hinila ko lang siya ng hinila hanggang sa makarating kami sa likod ng dormitory.

"Why did you do that?! Nakakahiya yung ginawa mo!" Agad kong sinabi sa kanya.

"Hindi mo ba napapansin? Gusto ka niyang agawin sa akin! Hindi ko yun hahayaang mangyari. Damn it!"

Napatigil ako sa sinabi niya. At hindi ko alam ang susunod na sasabihin.

"Seryoso ka ba talaga sa akin Luke?" Tinignan ko siya ng may pagtataka sa aking mukha.

Hindi mawawala sa akin ang pagtataka sapagkat dalawang araw pa lamang ako sa paaralan na ito tapos, nagkagusto na agad siya sa akin? Gusto ko marinig ang katotohanan galing sa kanya, dahil hindi ko kakayanin na maloko ulit. 

Pagkatanoong ko nun sa kanya, ay agad naman siyang sumagot.

"Ano ba namang klaseng tanong yan Cassandra?! Kaya nga kita nilalayo sa lalaking iyon diba? Kahit bestfriend ko siya. Hindi pa rin mawawala sa akin ang mag-alala sa iyo." Pagpapaliwanag niya. Wala naman akong nasabi sa sinabi niya sa akin.

Wala akong nagawa at niyakap ko siya. Hindi ko maiwasang maiyak dahil sa alaalang pilit na bumabalik. Agad naman din akong niyakap ni Luke na lalong nagpaiyak sa akin. Hindi ko maiwasan ang sakit na nararamdaman ko dahil ayoko na ulit maloko pa ng mga taong alam kong napamahal na sa akin.

"Why are you crying? May nasabi ba akong hindi maganda?" Tanong niya sa akin na may pagtatakang boses.

"Wala ka namang nagawa Luke. May naalala lang ako."

Habang umiiyak ako sa sakit nararamdaman, nanddiyan siya para patahanin at pakinggan ako. Dun ko napatunayan na hindi niya ako kayang lokohin. Hinding hindi niya magagawa iyon.

Nang maka-kalma, niyaya niya akong umupo sa bench dito sa likod ng building ng dormitory. Nang maka-upo kami, sinandal niya ang ulo ko sa kanang balikat niya.

"Tell me, what made you cry?" Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya.

"Don't worry, hindi kita iiwan. Handa akong makinig kahit ano man yan."

Nagpagaan ng loob ko ang sinabi niya. Bago ako magsalita, napabuntong hininga muna ako.

"I just remembered my past ex boyfriend." Pagkasabi ko nun ay dumiretso na ako ng pagkaka-upo.

Napansin ko namang napakunot ang noo ni Luke sa sinabi ko.

"So, nagka-boyfriend ka na dati?"

"Paulit-ulit?" Napatawa naman siya ng mahina sa sinabi ko.

"Sorry naman. Pero, ano bang ginawa ng boyfriend mo, I mean ex boyfriend mo sayo?"

"Niloko niya lang naman ako." Tumawa ako ng mahina, pero deep inside dinudurog ng mga salitang aking binitawan ang aking puso. Hindi ko kayang hindi mapaluha ulit.

"Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking mga kamay at umiyak. Naramdaman ko naman ang kamay ni Luke sa aking likuran.

"Sorry at naitanong ko pa."

"No, it's okay. Past is past. Hindi ko na dapat binabalik-balikan ang mga nakaraan dahil lalo lang akong nasasaktan. It's my fault anyway." 

Tinapik- tapik niya naman ang aking likuran ng marahan habang umiiyak ako.

"Hindi mo naman ako kayang lokohin diba?" Humarap ako sa kanya at tinitigan siya.

Agad naman siyang napatigil sa pagtapik sa aking lukuran ng tanungin ko iyon sa kanya. Alam kong hindi ako kayang lokohin ni Luke. Alam ko iyon.

Bumuntong hininga naman siya bago siya magsimulang magsalita.

"Kaya ka ba napaiyak kanina kasi naalala mo yung ex mo dahil iniisip mo na baka niloloko kita? Hindi ko kayang gawin yun Cassandra. Hindi ko magagawa iyon sa iyo." Nang sabihin niya ang mga salitang iyon, naging komportable  na ako sa kanya. Sabi na nga ba, hindi niya ako kayang lokohin.

Napangiti ako sa sinabi niya pero bakit ganon? Parang malungkot ang mga mata niya.

"Is there a problem?" Tanong ko sa kanya.

"Nothing. Iniisip ko lang, sino ba yung lalaking iyon? Basta basta ka nalang iiwan ng ganon."

Hindi agad ako nakapagsalita ng tanungin niya kung sino. Ayoko na kasi banggitin yung pangalan na iyon, dahil lalo lang akong nasasaktan.

"Oh, sorry. Hindi ko na aalamin kung sino iyon."

Niyakap ko siya ng mahigpit at sinabing...

"Thank you Luke for being there."



(Luke's POV)

Pagkatapos namin maupo doon sa bench, sabay na kaming bumalik sa room para sa sunod na subject. 

Hindi ko pa rin mawala sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Cassandra. I don't understand what I feel right now. Naiinis ako sa sarili ko, bakit ko pa kailangan manakit ng ibang damdamin para lang sa sarili kong kapakanan?! I'm selfish!

 Nagsisisi ako kung bakit pa ako sumali sa walang kwentang laro na ito. Gusto kong umatras pero hindi pwede. Kapag ginawa ko yun, hindi ko na pwedeng kausapin pa si Cassandra ng buong school year na ito. Hindi ko nga kaya na hindi siya makausap at makita sa isang araw, halos isang taon pa kaya?

 Hindi ko alam, parang nagiging totoo ang nararamdaman ko sa kanya ng sabihin kong gusto ko siya. Lahat, yung pangungulit, yung pag-amin, yung paghalik ko sa kanya, parang nagiging totoo.

Natapos ang klase namin, at hindi pa rin nawawala sa akin ang pagsisisi. Habang naglilinis ang mga cleaners, at wala na ang iba kong kaklase, lumapit sa akin sila Athena at Yanie. Gisingin ko na lang daw si Cassandra kasi may ipapasa pa silang project. 

Lumapit ako kay Cassandra na ngayon ay mahimbing na natutulog sa upuan niya.

Ganito ba talaga itong babaeng ito? But, I found it cute. She's like a sleeping baby.

Lumapit ako sa tenga niya.

"Sorry Cassandra." Bulong ko sa kanya. Bigla naman siyang nagising dahil doon. Narinig niya kaya ang sinabi ko?!

"Oh, Luke. Hindi mo ko ginigising. Tapos na pala ang klase." Nag-yawn siya pagkatapos niya sabihin iyon.

"Ahh, sorry. Gigisingin na sana kita, pero nagising ka na."

"Nasaan na sila Athena ang Yanie? Talaga ohh! Hindi nila ako hinihintay!" Napatayo naman si Skye at nilingon-lingon ang buong room.

"Magpapasa daw muna sila ng project. Kaya binilin ka muna nila sa akin." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Let's go?" Pagyayaya ko sa kanya, at dinala ang bag niya.

Habang naglalakad kami papunta sa dormitory ng girls,

"Luke. Magccr lang ako. Wait lang ha."

Napa-oo na lang ako at hinintay siya dito sa labas. Nang bigla akong makarinig ng sigawan sa loob ng restroom. Hindi ko muna ito pinansin nang bigla kong narinig si Cassandra na sumisigaw hindi na ako nagdalawang isip pa na pumasok sa loob.

Wala akong pake kung bawal pumasok sa loob, ang importante sa akin, si Cassandra.

Nang pumasok ako, nakita kong nagsisigawan si Cassandra at si......... Veronica?

"Hey! Stop that!" Napahinto sila ng bigla akong sumigaw.

Lumapit ako sa kinatatayuan ni Cassandra.

"Are you alright?"Tanong ko sa kanya at napatango na lang siya.

"What are you doing Veronica?! Ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na tapos na tayo?! Please leave us!"

Natahimik si Veronica sa sinabi ko. Inakbayan ko naman si Cassandra at akmang palabas na kami ng bigla siyang magsalita.

"Siya na ba ang bago mo? Gusto mo ba sabihin ko sa kanya lahat?! Na minahal mo-"

"Stop! Wala kaming time para makipag-usap sa katulad mo!" Umalis na kami ni Cassandra at dumiretso sa dormitory.

"Ano yung sinasabi niya Luke? Sabihin sa akin ang ano?" Alam kong itatanong yan sa akin ni Cassandra kaya nag-isip na agad ako ng masasabi.

"Nevermind her. Ganon lang talaga siya kapag nagagalit o nagseselos. Gumagawa siya ng mga kwentong hindi naman totoo. Kaya, kahit anong sabihin niya wag ka maniniwala okay?"

Natahimik na lang si Cassandra sa sinabi ko, alam kong iniisip niya pa rin yung mga sinabi ni Veronica kanina.

"Naging kayo pala nung Veronica na iyon?"

"Yes. Veronica is my ex girlfriend." Hindi ko na kayang magsinungaling pa kay Cassandra. Kaya nagsabi ako ng totoo.

"Paano kayo naghiwalay?" Napa-buntong hininga ako sa sinabi niya. Kapag nalaman niya kung pano, baka isipan niyang ganun dinang gagawin ko sa kanya.

Si Veronica ang naging target namin dati. Nanalo ako sa pustahan namin. Kaya nang napasagot ko na siya, naghintay muna ako ng isang buwan bago siya hiwalayan. Oo, inaamin ko, nakukunsensiya ako sa ginawa ko. Pero, ganun talaga ehh.

Simula nung manalo ako, hindi na ako tumigil at hindi pa nagdalawang isip na sumali sa laro naming ito. Nalaman ni Veronica ang panlolokong ginawa ko sa kanya, kaya naman ito ang ganti niya, gusto niyang ipaalam kay Cassandra na niloloko ko siya.

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Cassandra.

"Sorry. Hindi ko na tatanungin." Yun nalang ang sinabi niya sa akin.

Ako ang dapat mag-sorry sayo Cassandra. Hindi ikaw. Sorry talaga, ayokong saktan ka pero kapag umayaw ako, hindi ako pwedeng makipagkita o makipag-usap sayo. Hindi ko kakayanin iyon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Malalaman kaya ni Cassandra ang katotohanan? Comment your opinion. Please Like, Vote and Share. Please po para magka-roon din ako ng idea. <3

(Updating Chapter 7)

Lovelots :-*

-MissWinterQueen











Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...