My Not So Ideal Man (FIN)

By chinitaishi

314K 6K 741

Casey sets her own incredibly high standards for her ideal man. Only those who possessed such standards will... More

MNSIM: Prologue
Ideal 1
Ideal 2
Ideal 3
Ideal 4
Ideal 5
Ideal 6
Ideal 7
Ideal 8
Ideal 9
Ideal 10
Ideal 11
Ideal 12
Ideal 13
Ideal 14
Ideal 15
Ideal 16
Ideal 17
Ideal 18
Ideal 19
Ideal 20
Ideal 21
Ideal 22
Ideal 23
Ideal 24
Ideal 25
Ideal 26
Ideal 27
Ideal 28
Ideal 29
Ideal 30
Ideal 31
Ideal 32
Ideal 33
Ideal 34
Ideal 35
Ideal 36
Ideal 37
Ideal 38
Ideal 39
Ideal 40
Ideal 41
Ideal 42
Ideal 44
End of Season 1
Season 2
Ideal A
Ideal B
Ideal C
Ideal D
Ideal E
Ideal F
Ideal G
Ideal H
Ideal I
Ideal J
Ideal K
Ideal L
Ideal M
Ideal N
Ideal O
Ideal P
Ideal Q
Ideal R
Ideal S
Ideal T
Ideal U
Ideal V
Last Chapter
Epilogue

Ideal 43

3.3K 74 10
By chinitaishi

#MNSIM

Skylar's

Alam kong mahirap para kay Cass ang sitwasyon nya ngayon. Nung last time na kasama ko sya when we saw Storm with his girl, nag-usap kami ng masinsinan. Somehow inexpect ko na rin na marinig sa kanya ang sagot na yun pero di ko inakalang ganun na pala si Storm sa puso nya.

"Sky, am I worth it?" napakunot noo ko sa tanong nya.

"What do you mean?"

"For loving me. Worth it ba na sakin ka nagkagusto?"

"You're worth can never be compared to anyone else in this world, Cass. I'm even willing to give up everything for you" nakita ko ang pagbuntong hininga nya bago ako malungkot na tiningnan.

"I'm going to tell you everything tonight, Sky" nanatili lang akong tahimik habang hinihintay ang sasabihin nya. "Just promise me you won't hate me for what I'm gonna say" tumango na lang ako kay Cass kahit na ramdam ko ng unti unti na syang nawawala sakin.

"Alam mo bang I thought you're my ideal man?" nakangiti nyang sabi na kinagulat ko. "Simula nung nakita kita noon sa bookstore, I was already attracted to you. Nang tumagal at unti unti kitang nakikilala, lalo ko pang naiisip na baka ikaw na nga ang matagal ko ng hinihintay. You're sweet, caring, masayang kasama, matalino, gwapo. Kaso hindi ka marunong kumanta at sumayaw. Hindi ka rin left handed. Although captain ka ng football team, hindi ka marunong magsoccer na gustong gusto ko sa lahat. Lalong hindi ka rin marunong maggitara. But that didn't stop me from liking you. Kaya I just called you my almost ideal man"

Hindi ko nagawang kumurap sa mga sinabi ni Cass. Ang sarap pakinggan na gusto nya rin pala ko.

"But you left me hanging without a word. Yung time pa na nageexpect na ko na baka ikaw na nga ang hinihintay ko. Na baka maging tayo na. I was even willing to forget na hindi ikaw ang perfect ideal man ko but who cares kung willing sumuway ang puso ko. You showed me how special I was and I still thank you for that"

"Cass..."

"Nung gabing sinabi mo sakin sa rooftop na mahal mo na ko, masaya talaga ko. Pero kasabay ng saya na yun, hindi ko naiwasang manghinayang. Kung sana lang nagawa mong sabihin saking mahal mo ko bago ka lumayo sakin, walang pagdadalawang isip kong sasabihin sayo ang sagot na gustong gusto mong marinig. Hindi ka na sana naghihintay ng sagot mula sakin ngayon"

Ramdam ko ang sakit sa puso ko. Ayokong i-entertain ang possibility na masaktan ako but it seems inevitable this time.

"Kaso wala na yung heartbeat. Wala na yung familiar feeling na naramdaman ko tuwing kasama kita noon. Bigla na lang nawala kasi..." huminga muna sya ng malalim saka ako tiningnan sa mga mata.

"Kasi ang puso ko tumitibok na sa kanya ng di ko sinasadya. Mas malakas at mas overwhelming ang tibok ng puso ko ngayon"

Hindi man nya binanggit, alam na alam ko na kung sino ang tinutukoy nya. Walang iba kundi si Storm.

"He's the most annoying guy I hated for so long as I can remember. Lalong lalong napakalayo nya bilang ideal man ko. I tried to resist falling for him kaso puso ko na ang pumili na hindi ko na kayang tanggihan pa"

"It's my fault why I lost you, Cass. Kung sana hindi ako natakot. You can be mine now. But it’s already too late. I already lost you" hindi maiwasang makaramdam ako ng lungkot at panghihinayang. Kung alam ko lang noon na gusto na pala ko ni Cass, siguro wala ng Storm na pumalit sakin sa puso nya.

"Gustong gusto kitang mahalin, Sky. Kung alam mo lang how I fought so hard not to fall for Storm dahil pakiramdam ko ikaw ang tama para sakin. Pero eto na eh. Nasasaktan na ko for falling in love with him"

I hold her hand and stare at her pretty face. Kahit kelan hindi ko pagsasawaang makita ang mukha ng babaeng mahal ko.

"Kung hindi ka ba magiging kanya, okay lang ba na mahalin pa rin kita?"

"Sky..."

"Pwede naman yun diba? In case na magbago ang isip mo...o ang puso mo"

"I'm sorry, Sky" nakayuko nyang sabi. Naramdaman ko na naman ang sakit. "I told you everything dahil handa na kong sagutin ang tanong mo nun...I can't love you anymore, Skylar"

Unti unting lumuwag ang pagkakahawak ko sa kamay nya. Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. Tinitigan ko sya hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin sya.

"I love you so much, Cass" sabi ko habang nakayakap sa kanya at hinahagod ang mahaba nyang buhok.

"You already know my answer, Sky"

Humiwalay ako sa kanya saka sya binigyan ng light kiss sa forehead. She gave me a smile kahit papano pero hindi na kayang alisin ng ngiti nya ang sakit ng katotohanang hindi na sya magiging akin.

Natigil ang pagbabalik tanaw ko ng makarinig ng mahinang katok at di ko inaasahang makita si Cass na nakatayo sa pinto ng office ko.

"Can we talk, Sky?"

***

Georgie's

"Georgina"

Hindi ko pinansin si George or Trey na tumabi sakin. Pumasok na rin kasi ako sa school ngayon. Isa pa, nagagalit narin si Mommy sa ilang araw kong pagliban sa klase.

"Punta muna kaming cafeteria, Georgie"

Tumayo sila Coleen at Aoi at iniwan kaming dalawa ni Trey. Alam ko na that he's Trey. He told me a day after our breakup. Nagulat ako syempre. I hate liars the most pero kahit papano, at least sya mismo ang nagsabi sakin. The only thing the surprised me is to know that Casey knew about this pero hindi nya tinangkang sabihin sakin ang totoo.

"What do you want?" malamig kong tanong sa kanya.

"Let's talk please"

"Ano pa bang dapat pag-usapan, George? Oh Trey nga pala" sarcastic kong sagot sa kanya. Napabuntong hininga sya.

"Nag-usap na ba kayo ni Casey?"

I was somehow disappointed na mas inuna nya pang isipin si Casey kesa sa problema naming dalawa. Ni hindi nya nga ako nagawang kumustahin man lang after we broke up tapos si Casey na agad ang ibubungad nya sakin.

"Hindi ko pa sya nakikita" paiwas kong sagot.

"Bestfriends kayo diba? Why do you look as if you don't even care about her?"

"Sya na naman ba ang pagtatalunan natin? If you care about her, eh di hanapin mo sya. Problema ba yun?"

Nakita kong nagulat sya sa sinabi ko. Hindi naman ako nagseselos kay Casey. Nasaktan lang ang pride ko dahil ako ang bestfriend nya pero bakit sa iba pa sya nagcoconfide. Ano ba ko para sa kanya? Parang hindi nya ko bestfriend. Tapos isang beses lang syang tinaboy para di makausap, hindi na sya nagtry ulit na kausapin ako. Gusto ko rin naman malaman kung ano na ba ang lagay nya, kung nahihirapan na ba sya kasi wala naman syang sinasabi samin...sakin. Mas gusto nya pang si Trey ang magcomfort sa kanya. Pagpasok ko nalaman ko lang kila Coleen ang mga nangyari. Not because she tells us kundi dahil sa usap usapan sa school.

"Alam mo kung bakit kita nagustuhan, Georgie? Kasi akala ko iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko. Everyone's blaming Casey pero nasan ka rin ba sa panahong kailangan ka nya?"

"Sya ang nagdesisyong lumayo. Hindi ako" walang emosyon kong sagot.

"Then at least why not reach out? Ikaw dapat ang mas nakakakilala sa kanya diba? You should know na nasasaktan sya. Ano tong ginagawa mo ngayon?"

Somehow natahimik ako sa sinabi nya. I was even a bit surprised na si Trey pa ang parang mas nakakaintindi kay Casey. Aminado naman ako na mataas ang pride ko kaya hindi ko man lang sya hinanap ng gustuhin nyang mapag-isa. Mas pinili ko pang magdamdam na hindi nya sinabi sakin ang nararamdaman nya. Sh*t what have I've done?

"I'm sorry for keeping things from you, Georgina. Pero lahat ng pinakita ko sayo bilang George, yun talaga ko. I was never the cool guy na kilala nilang lahat. Wag mo sanang idamay si Casey sa galit mo sakin. Wag mo sanang isipin na kinuha nya lahat oras ko na dapat para sayo lang. Ako mismo ang lumapit sa kanya. Gusto ko kasing maging pansamantalang replacement mo as her bestfriend para alalayan sya sa mga oras na wala ka o natatakot syang magsabi ng problema kasi ayaw nyang makasira sa happiness mo. Hindi mo ba naisip na nawalan karin naman ng oras sa kanya because of me? Not that I'm blaming you, Georgina. Gusto ko lang maintindihan mo ang mga bagay bagay. Hindi lang ikaw ang nasaktan. Ikaw, ako lang dahilan bakit ka nasasaktan ng sobra pero si Casey, hindi mo alam kung gano kahirap para sa kanya na parang tinalikuran na sya ng lahat"

Tumayo na sya habang inaabsorb ko parin ang sinabi nya. Tinalikuran ng lahat? What does he mean by that?

"I love you Georgina. I really do. Pero mas mahal ko yung dating Georgina na hindi lang sa isang lalaki umiikot ang mundo nya. Yung mas priority ang happiness ng mga kaibigan nya kesa sa kung sino pa man"

***

Storm's

"Hey babe!"

"Huh?"

"Aish. You're spacing out again. Ano bang iniisip mo?"

As if I can tell Daphne that my mind is thinking about Cassandra. Ilang araw na ang lumipas and yet eto ko at nag-iisip pa rin sa mga sinabi nya sakin sa rooftop.

She loves me.

Paulit ulit na nagrereplay sa utak ko na sinasabi nyang mahal nya ko. Ilang gabi din akong di nakatulog kakaisip at ilang libong beses ko na rin minumura ang sarili ko for hurting her so bad.

"Nothing" sagot ko pero alam kong hindi naman sya naniniwala. When I said I love her, totoo yun. Galing sa puso ko. Pero natakot ako na aminin yun dahil sumisiksik sa alaala ko ang nakita kong pag-uusap nila nung SC President na yun.

'I love you so much, Cass'

Narinig kong sabi nito kay Cassandra while hugging her. Nagselos ako kahit di naman dapat. I accidentally saw them sa may park matapos kong ihatid si Daf.

'You already know my answer, Sky'

She answered saka sya kiniss ng player na yun sa noo. Yun ang naabutan kong eksena sa kanila. Eto na naman ako, natatakot sumugal dahil naisip ko na pareparehas lang ang mga babae. Sasaktan ka lang kapag nagsimulang umikot ang mundo mo sa kanila. I was so confused that day sa rooftop kaya binawi ko ang sinabi kong mahal ko sya so I hurt her instead. Natatakot parin akong sumugal. I'm always a jerk. Siguro nga tama si Cassandra dahil sa mga desisyon ko na laging nakakasakit lalo na sa kanya. When she told me things showing that pain in her eyes na never ko pang nakita sa kanya, alam kong sobra sobra ko syang nasaktan. 

"Storm ano ba! Hindi ako bumalik dito para lang gawin mong wallflower na hindi kinakausap! What's wrong with you?? Hindi na ikaw ang kilala kong Storm West!" nabaling ang atensyon ko kay Daphne na galit na galit. I look at her for a couple of minutes.

"Let's take a break"

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
58.2K 2.8K 31
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
636K 39.8K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
3.8K 35 2
Not because she's always smiling an dhas that adorable facr, it does not mean that can't kil. She does kill and she always kill. She's not a queen ju...