Love The Way You Lie (COMPLET...

By imdanj12

192K 2K 323

Highest Rank #18 in Action/April-26-17 Meet Kyrille Ann Cruz. Isang simpleng babae na naging katulong. Akala... More

Introduction
Prologue (Characters)
Chapter 2: The Four Jerks
Chapter 3: First Mistake
Chapter 4: Other Side
Chapter 5: At the party
Author's Note/Updates

Chapter 1: The Start

7.2K 355 64
By imdanj12

Chapter 1:
The Beginning

(I dedicate this chapter to nerdypeculiar for making a wonderful book cover for me. Thank you so much po)

Kyrille's Pov
"Kie, kain na! Baka lumamig ang pagkain" sigaw ni Inay. Nasa hapagkainan na kasi sila at nandito lang ako sa sala. "Opo Inay. Tatapusin ko lang ho itong ginagawa ko" sigaw ko din pabalik.

Ako nga pala si Kyrille Ann Cruz, Kie (pronounced as Ki) ang tawag nila sa akin. Isa akong high school student at pangarap kong makapagtapos ng kolehiyo. Pero sa taong ito ay magtatrabaho muna ako at mag-iipon ng pera pang college at para makapag graduate ako ngayon sa High School.

Nang natapos akong kumain ay iniligpit ko na ang pinagkainan ko at inihanda ang mga gamit ko.

"Inay..itay. sige ho. Alis na ho ako. Baka matagalan pa po kasi ako sa paghahanap ng trabaho" pagpapaalam ko.

"O, sige anak. Mag-iingat ka ha" sabi ni Inay sabay halik sa aking pisngi.

Umalis na ako at nilakad ang daanan papunta sa paradahan ng mga bus. Hindi na ako nag-abalang magtrycicle dahil malapit lang naman ito. Sayang ang pamasahe. Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako roon ngunit sa kasamaang palad, puno na ang bus at mukhang wala na akong mauupuan.

Pero nakita ko ang isang lalaking nakasumbrero at nakamask na nasa pangdalawahan na upuan sa dulo ng bus na ito. Agad ko itong tinungo ngunit may bag na nakalagay sa tabi niya. Gusto ko man siyang gisingin pero natatakot ako dahil parang may kakaibang aura ang dating ng lalaking ito.

Nanatili na lamang akong nakatayo at nagsimula ng umalis ang bus na ito.
Maya't maya ay nakaramdam ako ng sakit sa paa. Gusto ko ng umupo. Nakakapagod din kasing tumayo.

Kaya nang nakita kong gumalaw ang lalaking iyon, ay doon ako naglakas loob na kausapin siya.

"Manong, pwede po bang makitabi? Pagod na po kasi akong tumayo"
Agad akong napaatras nang tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo at nang magtapat na ang aming tingin, parang mas lalo akong nanghina sa di ko malamang dahilan.

Hindi siya kumibo at kinuha na lamang ang bag sa tabi niya at umusog malapit sa bintana.

Agad naman akong umupo at nagpasalamat sa kaniya ngunit wala pa din siyang kibo. Bagay na hinayaan ko na lamang.

Nakita ko naman na bigla ng nagsisingil ng pamasahe ang konduktor kaya inihanda ko na ang pera ko ngunit nilagpasan niya lang ako at ang katabi ko.

"Manong bayad ko po" sabi ko pero mukhang hindi niya narinig kaya't tinawag ko siyang muli ngunit hindi siya humarap at parang wala lang siyang narinig. Bagay na ipinagtaka ko. Tatayo na sana ako pero agad akong pinigilan ng katabi ko.

"Can you shut your mouth? I already paid for that seat dahil ayoko ng may katabi." 

Napatitig ako sa kaniya. Napakalalim ng boses niya at may dala siyang kakaibang aura na hindi ko maipaliwanag. Mukhang nainis ko ata siya. Napakamot na lamang ako sa aking batok.

"E-eh b-bakit mo---"

Hindi ko na muli natapos ang sasabihin ko nang agad niyang sinalpak sa tenga niya ang headset niya. Aba. Walang modo. Hinayaan ko na lamang siya. Atleast nalibre ako ng pamasahe diba haha.

Maya't maya'y nakarating na rin kami sa Maynila. Isa't kalahating oras din ang byahe. Nang huminto na ang bus ay agad na din akong tumayo at bumaba pero may nakalimutan pala ako.

Bumalik ako at nakita siyang tulog pa din. Tinapik ko ang balikat niya at nagising na din naman siya.

"Salamat sa pamasahe" ngiti kong sabi tsaka binigay sa kaniya ang keychain na letter K na kanina ko pa hawak.

Bumaba na ako at nakita ang mga nagtataasang building dito sa Manila. Ang tagal na rin simula nung huli kong punta dito.

Una kong pinuntahan ang mga karinderia at restaurant dito.

"Good morning po. Pwede ko po bang makausap ang manager niyo?" Tanong ko sa isang babaeng sa tingin ko ay nasa mid 30's. May katangkaran, maputi at mukhang may lahi.

"What?" sabi niya na parang walang narinig. Ganun na ba talaga kahina ang boses ko at parang hindi man lang nila ko naririnig.

"Ah.. ehem. Good morning! Uhmm, Can I talk to your manager?"

"Why do you want to talk to me?" Nagulat ako dahil sa biglaang pagbago ng tono ng boses niya. Pero ano daw? Bakit gusto ko siyang makausap? So siya pala ang manager dito. Aahh kaya pala iba yung uniporme niya sa ibang mga nandito.

"Uhmm, can I apply as a waitress here?" Tanong ko.

"Oww, I'm sorry, Miss. As you can see, napakarami ng staff namin kaya maghanap ka na lang sa iba" napatango na lanh ako at nagpasalamat.

Una pa lang naman to. Madami pang susunod. Makakahanap din ako ng trabaho. Tiwala lang.

Sunod na pinuntahan ko ay ang katabing restaurant nito. Nilapitan ko ang isang matandang lalaki.

"Good morning po. Pwede po bang mag-apply bil--"

"Hindi pwede eh. Sa iba ka na lang mag-apply" sagot niya agad.

Agad akong napalunok. Ang sungit niya naman. Di pa ko tapos magsalita, sasabat agad siya.

Naglakad lakad pa ako at nagtanong tanong sa ibang mga tindahan kung pwede ba akong mag-apply. Pero wala man lang tumatanggap sa akin.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi pwedeng sumuko ako. Pumasok ako sa isang tindahan ng mga pang dekorasyon. Yun bang mga vase, frames ganun. Basta mga babasagin.

"Hello, good morning po. Pwede po bang mag-apply dito?" Tanong ko.

"Uh, pasensya na miss. Hindi pa kami nagha-hire ng staff eh" sabi niya.

"Ahy sige po salamat"

Naglakad na ako paalis nang biglang may patakbong lalaking papunta sa kinaroroonan ko at nabangga niya ako.

Tapos, nasagi nung paa niya yung isang maliit na mesa na may flower vase sa taas nun. Hala.

Basag.

Napakagat na lang ako sa kuko ko. Mukhang mamahalin pa naman ang vase na ito. Bat kasi bigla bigla na lang tumatakbo at nangbabangga itong lalaking to.

"Naku, lagot tayo kay Ma'am nito" sabi nung babaeng kinausap ko kanina. Bigla namang bumukas yung pintuan at may lumabas na tao mula dito.

"Anong ingay iyon?"

"Ah ma'am. Nakabasag po kasi sila" sabi nung babaeng nasa counter sabay turo sa amin.

"Anong sila? Heto lang ang nakabasag. Hindi ako" pagsisinungaling nitong lalaking bumangga sa akin.

"Ha? Anong ako?" Suntukin kita diyan eh. Ang kapal mo.

"Pasensya na po pero hindi po ako ang nakabasag niyan. Tumatakbo po ang lalaking yan ng masanggi niya ako at yung maliit na mesa" depensa ko sa sarili ko.

"Aba. Binabaliktad mo ata. Ikaw nga itong bumangga sa akin eh" sabi pa niya.

Aba. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking to.

"Siguro nga ikaw ang may kasalanan. Baka sinadya mong basagin yan dahil hindi ka namin tinanggap. Diba ikaw yung babaeng nag-aaply?"

"Ako nga yun. Pero---"

"Wala ng pero pero. Kailangan mong bayadan ang nabasag mo" sabi nung babaeng lumabas sa pintuan. Siya siguro ang manager nila.

"Pero wala po akong perang pangbayad. Naghahanap lang po talaga ako ng trabaho" pagpapaliwanag ko pero agad hinigit nung lalaking bumangga sa akin yung bag ko. Dahil sa gulat, nahila ko din yun.

"Hindi ka magbabayad? O baka gusto mong ipa pulis kita?" Tanong nung manager ata nila.

"Eh wala nga po akong maipangbabayad sa inyo. Ang kulit niyo naman. Atsaka sinabi ko na nga ding hindi ako yung nakabasag niyan" hindi ko napigilang sumigaw dahil ayaw nila kong paniwalaan. Nakakainis sila.

"Ah ganun?" Sabi niya. Hihilahin niya na sana ang buhok ko nang biglang may mga kamay na pumigil dito.

"How much do you need?" Ani nito. Nangilabot ako sa boses niya. Masyadong malalim. Nakakatakot.

"At sino ka naman?" Tanong niya naman.

"It doesn't matter who am I. I will pay you but you have to let go of this girl first" sabi niya at inilayo ang kamay sa buhok ko. Ngayon ay malaya na akong makita kung sino siya pero nagkamali pala ako.

Nakashades siya tapos may mask pa. Bigla kong naalala yung lalaki sa bus kanina. Parehas sila ng mask na suot. May maliit na RDG na nakaprint sa bandang ibaba. Hindi kaya ito yon? Pero parang malayo. Nabalik lang ako sa reyalidad nang inayos niya yung gulo kong buhok at kumuha ng pera sa wallet niya.

Aabutin na sana nung manager yung pera nang biglang kunin yun pabalik nung lalaking tumulong sakin.

"Oh wait. Why don't you check the cctv footage first? So you would know who's fault it is" sabi niya. Nakita ko namang nagulat yung lalaking bumunggo sa akin. Aalis na sana siya pero nahawakan nitong lalaking nagligtas sa akin yung kamay niya.

"And where do you think you're going?" Nakita ko ang biglang pamamawis ng lalaking nakabunggo sa akin. Halata ang pagkataranta sa mukha nito. At siguro wala na siyang magawa kaya tumakbo na agad siya. Hinabol naman siya nitong isang lalaki. Samantalang ako ay hinabol na lamang sila ng tingin.

"Uh, sorry miss. Napagbintangan pa kita. Akala ko talaga ikaw yung may gawa. Sorry talaga" sabi nung babaeng kinausap ko kanina.

"Ayos lang" tanging sabi ko at umalis na sa tindahan na iyon.

Ay oo nga. Hindi man lang ako nakapagpasalamat dun sa lalaki. Di ko man lang din nalaman ang pangalan niya. Pero ayos lang, mahaba pa ang lalakadin ko.

"Hayst. Pagod na ako" sabi ko at naupo saglit sa isang bakanteng upuan. Masyadong malaki ang Manila kaya alam kong marami pa akong pwedeng puntahan at pag-applyan. Tumayo na ako at naglakad na lang ulit.

Habang naglalakad ako ay biglang lumakas ang hangin at may dumamping papel sa mukha ko. Ano ba yan? Kailangan talagang sa mukha pa? Tiningnan ko iyon at binasa.

Wanted: Kasambahay
Tel.no: +0922tutunogtunog
Place: E. Mansion ********Street
20,000 per week

Kinusot ko lang yung papel at itinapon pero maya't maya ay biglang nag sink-in sa utak ko kung ano yun.

Binalikan ko ang pinagtapunan ko at kinuha ang papel. 20k? Seryoso ba sila? Agad akong nagtungo sa nasabing street.

"Hayy! Ito na kaya yun?" Tanong ko sa sarili ko.

Pinindot ko na ang doorbell at bigla na lang bumukas ang gate. Wow! High-tech! Dahan dahan akong pumasok dahil baka may mga aso dito tapos bigla na lang tumahol at kagatin ako. Karamihan kasi sa mga malalaki ang bahay ay merong napakalaking aso, siguro para bantayan na din yung bahay. Pagkapasok ko ay nakita ko ang kabuuan ng bahay. "Woah.. Ang laki" manghang sabi ko.

May nakita akong isang matandang babaeng papalapit. Sa tingin ko, isa rin siyang katulong dito base sa suot niya.

"Magandang umaga po! Nakita ko po kasi itong papel na naghahanap po kayo ng katulong. Mag-aaply po sana ako" Pinakita ko naman ang papel na dumampi sa mukha ko kanina.

"Magandang umaga rin sayo! Pero mukhang estudyante ka pa"

"Uhmm.. opo. 4th Year High School na po sana ako ngayon pero dahil sa kahirapan, mas pinili ko po munang magtrabaho ngayong taon" sinabi ko din sa kaniya ang rason kung bakit gusto ko munang magtrabaho.

"Ahy ganoon ba? Asan ba ang magulang niyo? Bakit hindi sila ang nagtatrabaho?"

"Hindi po sapat ang perang naiipon nila galing sa sweldo nila. Pangkain pa lang po namin yun sa pang-araw araw eh"

Nakita ko ang bahagyang pagkurba ng labi niya na ibig sabihin ay ngumiti siya. Sinuklian ko din siya ng isang matamis na ngiti.

"Ah... sige.. pumasok ka muna rito sa loob ija" sabi niya at iginaya ako sa loob. Napatulala na lang ako dahil sa pagkamangha. Napakaganda ng Mansion. Maayos, malinis at organisado. Ang swerte naman ng mga nakatira rito.

Naisip ko, paano kaya kung pinanganak akong mayaman? Hindi sana ako nagtatrabaho ngayon. Masarap siguro ang buhay ko. Kumakain ako ng masasarap na pagkain. Nabibili ko ang mga bagay na gusto ko. At higit sa lahat..buhay prinsesa ako.

"Maupo ka muna ineng. Iwan muna kita riyan ha at tatawagan ko lang ang amo namin" tumango na lamang ako.

Habang naghihintay ay naglibot muna ako sandali. Grabe, ang gaganda ng mga gamit nila dito. Pang mayaman talaga. 

"Naku! Nag-abala pa po kayo. Salamat po dito" pinaghanda niya kasi ako ng makakain. Kinain ko na yung sandwich na ginawa niya dahil kanina pa din naman ako gutom.

"Wala nga pala dito sila Ma'am at Sir. Nag-out of country sila. May inaasikaso daw kasi sabi ng secretary nila. Pero dahil kailangan na kailangan namin ng katulong ngayon, at kailangan mo din ito, tanggap ka na"

Eh? Agad agad? Wala ng interview interview? Omg. Hulog sila ng langitt.

"Talaga ho? As in tanggap na? Hindi niyo na po kailangan ng bio ko? Hindi niyo na po ako iinterbyuhin?" Tanong ko at umiling lang siya na lubos kong ikinatuwa.
"Naku! Maraming salamat ho talaga! Malamang matutuwa ang inay nito pag nalaman niyang may trabaho na ako"

"Pero sisilipin ko saglit yang mga dala mo" Binasa niya ang mga nakapaloob dito.

"Kung maaari ay mag-umpisa ka na bukas. Tuwing linggo ka lang pwedeng umuwi sa inyo gaya nga ng nandito, sa Cavite ka nakatira. Kaya mas maganda kapag isang beses ka lang uuwi sa inyo para tipid pamasahe. Ok ba?" pagpapaliwanag niya.

"Opo. Sige po! Mauna na po ako at aayusin ko pa po ang mga gamit ko" pagpapaalam ko. Naisip ko na rin na magpakilala para alam na niya itatawag niya sa akin.

"Ako naman si Ferniña Augustine, Manang Fe na lang"

"Ikinagagalak ko ho kayong makilala. Sige ho. Mauna na ako" sabi ko at umalis na sa kinalalagyan ko kanina.
"Sige mag-iingat ka ineng" sabi niya.

~~~~~

"Inay? Itay? Narito na po ako." Tawag ko sa kanila pagkadating ko sa bahay ngunit wala akong nakuhang kasagutan. Kaya bigla akong kinabahan.
"Inay, Itay, asan ho kayo?" Nagsimula na akong mag panic.

Hinanap ko na sila pero wala pa rin. Saan naman kaya sila pupunta?

"Kie!" Bigla akong napatingin sa taong pumasok sa bahay namin. Ang kapit bahay pala namin. Si Aleng Tata.

"Asan po sila inay?" Tanong ko

"Kie, ano kasi..sinugod ang kapatid mo sa Ospital kani-kanina lang din" Halata ang pagkataranta dito. Bagay na ikinataranta ko din.

"Ho? Ano hong nangyari?" Kinakabahan ako. Napano siya? Bat naman yun isusugod? At bakit hindi sila tumawag sa akin?

"Ewan ko! Basta nagsusuka siya nun tapos bigla na lang namilipit sa sobrang sakit ng tiyan niya. At bigla na lang siyang nawalan ng malay" Pagpapaliwanag niya.

"Ah.. sige ho! Pupuntahan ko na po agad sila. Salamat po"

Bago ako tuluyang umalis ay kinuha ko muna ang importanteng bagay na kakailanganin namin. At nang makadating ako ay tinanong ko kaagad kung saan banda yung kapatid ko.

"Nay! Tay! Kamusta po si Azi?" Nag-aalalang tanong ko pagkadating ko sa ospital.

"Inaantay pa namin ang doktor"

Maya maya ay dumating na din naman ito.

"Family of the patient?"

"Kami po" sagot ni itay.

"Okay. Ang anak niyo po ay mayroong Appendictis. Kapag napabayaan ito, pwedeng pumutok ang appendix niya na maaring mag lead sa peritonitis at magkaroon ng tyansang ikamatay ng pasyente. Sa kaso ni Azi, sobra ang pamamaga sa lining ng bituka niya kaya kailangan niyang maoperahan agad"

Bigla akong nanghina. Ramdam ko din ang pagbagsak ng katawan ni inay sa sahig. Inalo ko naman siya. Sinenyasan ko naman ang doktor na pwede na siyang umalis. Kinuha ko ang bagay na kinuha ko kanina sa bahay. Ang perang inipon ko.

"Inay, kunin niyo ho ito. Gusto ko pong ibayad niyi yan sa pangopera kay Azi" Agad silang napatingin sa pera nang may pag-aalinlangan.

"Pero anak, ipon mo ito. Paano na lang ang pag-aaral mo?" sabi naman ni Itay.

"Wag na po kayong mag-alala. May trabaho na po ako. Kaso nga lang po, Kasambahay. Pero mataas naman po ang sweldo" sabi ko. Alam ko namang kahit hindi ako humingi ng permiso sa kanila eh papayagan na agad nila akong tanggapin ang trabahong ito eh.

"Ayos lang ba talaga sa iyo na magtatrabaho ka na muna?" Agad akong napahinto. Hindi ito ang buhay na gusto ko. Hindi ayos sa akin. Pero wala naman akong ibang magagawa kundi magtrabaho. Kailangan ko tong gawin para makatulong sa kanila.

"Gusto ko pong mapagamot si Azi at gusto ko rin pong makapag tapos sila na pag-aaral" sabi ko.

"Pasensya ka na anak, dapat nag-aaral ka ngayon at hindi nagtatrabaho eh. Patawarin mo kami ng nanay mo. Kasalanan namin kung bakit kay--"

"Tay! Huwag po kayong humingi ng tawad at wag niyo hong sasabihin yan. Wala ho kayong kasalanan at naiintindihan ko po kayo" Sa sinabi niyang iyon ay hindi ko mapigilang maluha. Bakit kasi sa amin pa? Bakit sa amin pa nangyayari ang mga to? Hayst.

"Salamat Kie! Ikaw lang at ang mga kapatid mo ang nagsisilbing kayamanan at pag-asa namin. Umuwi ka na at magpahinga, may trabaho ka pa bukas" sabi ni Inay.

"Sige po. Si Kuya Ace nga po pala?"
"Nasa trabaho pa din siya" Mag-oovertime na naman siguro siya.

"Ah sige po! Mauna na ho ako" pagpapaalam ko.
"Mag-iingat ka Kie" sabi ni Itay.

Nakauwi naman din ako ng maayos pero kanina ko pa nararamdaman na parang may nakatingin sa akin. Pag ililinga ko naman ang tingin ko, wala naman. Siguro guni guni ko lang ang mga bagay na yun dahil pagod lang ako. Pero nung may nadaanan akong tindahan, may nakita akong isang lalaking nakatingin sa akin. Hindi ko sigurado kung sa akin ba siya nakatingin pero feeling ko kasi sa akin talaga.

Hinayaan ko na lamang iyon at pumasok na sa loob ng bahay. Nag-impake na ako at natulog pero hindi ako dinadalaw ng antok.  Binabagabag talaga ako ng mga nangyari sa akin ngayong araw.

Una, sino yung lalaking nakatabi ko sa bus? Pangalawa, yung lalaking tumulong sa akin? At kung bakit magkapareho sila ng mask nung lalaking nakatabi ko sa bus. Pangatlo, Yung nangyari kay Azi. At pang-apat, yung lalaking nakita ko sa may kanto kanina.

"Hayst! Sana maging maayos rin ang lahat" sabi ko sa sarili ko at agad na nakatulog.

Enjoy!
~Miss D

Continue Reading

You'll Also Like

56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
6.3M 324K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
14.2M 433K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...