Seducing Alexandra

By DianeJeremiah

1.5M 28.2K 3K

Arabella Mendez -- She's ambitious and determined. Hindi siya naniniwala sa true love. She said, love is just... More

Author's Note
Chapter 1 Arabella "Ara" Mendez
Chapter 2 Search Operation
Chapter 3 The Mission
Chapter 4 Alexandra "Alex" Montalban
Chapter 5 Close Encounter
Chapter 6 Play with Fire
Chapter 7 The Gravity Between Us
Chapter 8 Feeling Accomplished
Chapter 9 Everytime We Touch
Chapter 10 The Fever
Chapter 11 Don't Fall For Me
Chapter 12 The Mission or Alexandra?
Chapter 13 Washout
Chapter 14 Change of Heart?
Chapter 15 Hurt
Chapter 16 Hard To Say I'm Sorry
Chapter 17 The Punishment
Chapter 18 Hot 'n Cold
Chapter 20 Irreplaceable
Chapter 21 Just So You Know
Chapter 22 The Deal
Chapter 23 Courtship
Chapter 24 Hottest Girl in Town
Chapter 25 My Fallen Angel
Chapter 26 Hatred
Chapter 27 Taking the Fall

Chapter 19 Guilty

37.7K 986 82
By DianeJeremiah

"If loving you with all my heart is a crime --- then I'm guilty."  - Guilty by Blue

Ara POV

Hanggang ngayon, inis na inis pa rin ako sa Abby na yun dahil sa mga pinaggagawa niya sa akin nung weekends sa hacienda. Kung wala lang talaga si Alex sa tabi niya hay sa umpisa pa lang sinabunutan ko na sana yung buhok niya!

Nakakaasar kasi eh! Halata naman na pinaglalaruan niya ako at nag-eenjoy siya habang ginagawa yun. I hate that bitch! Tinawag pa akong whore and ugly!

At ang pinaka nakakainis pa sa lahat, yung hinahayaan lang siya ni Alex na utus-utusan ako at pahirapan. Nagkanda-paso paso pa nga ako dahil sa bruhang yun. Pasalamat siya natanggal na yung scar kung hindi mukha niya lalagyan ko ng malaking X.

Hmp! Sino ba kasi yung babaeng yun? At ano siya ni Alex? Sobra kasi yung closeness nila eh. Tsaka pag kasama niya si Abby naglo-loosen up siya. Nalukot tuloy yung mukha ko.

Selos ka naman? Tuya ng aking isipan.

Excuse me? Mataray naman na sagot ng inner self ko. Hmp! Oo na!

Hayan umamin din sa wakas! Ang taas ng pride mo 'te pwede ba yang gamiting panlaba?

"Hey, Ara!" Narinig kong may tumawag sa pansin ko.

Lumingon ako and I saw Athena. Nasan na naman yung dalawa?

"Anong problema mo diyan?" Kunot noong tanong niya sa akin saka lumapit at naupo sa tabi ko.

Nandito ako sa parking lot, hinihintay yung tatlo kong bestfriends. Mas nauna kasi akong natapos sa surprise quiz namin kaya nauna na ako dito since last subject na naman namin yun ngayong Friday afternoon.

"Nothing." I replied as I wave my hand.

"Nothing?" She repeated. "Pero yang mukha mo iba yung sinasabi. And I even heard you like you're arguing with someone."

Not 'someone' Athena, kundi sa sarili ko mismo. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Weekend na naman kasi pupunta na naman ako sa hacienda."

Okay lang kaya na punta ako dun kahit pa nga araw araw para lagi ko nakikita si Alex kaya lang kasi baka nandun na naman yung babaeng yun.

"O?" Para naman itong naguluhan sa akin. "Ayaw mo nun makikita mo ulit si Alexandra."

"Baka nandun na naman kasi yung girlfriend niya." Bumalik na naman yung inis ko ng maisip ko yun. Selosa!

"Ah yung kwinento mo, si Abby ba pangalan nun?" Tumango naman ako sa kanya. "Miss Arabella Mendez, you're a fighter right?" Medyo nakangiti ng tumango ulit ako sa kanya. "Then gawin mo yung old ways." Sabay kindat sa akin.

Yeah, why not? Bully din kasi kami dati, especially ako. Marami-rami na din kaya ako napaiyak dahil sa pagka-maldita ko. Hmm, binigyan ako ni Athena ng idea. Papabagsakin ko yung Abby na yun. Makikita niya kung sino binabangga niya.

Ilang sandali pa'y dumating na din sina Penelope at Sofia. Mukhang close na naman sila ngayon. Di sila nag-aasaran. At nagtatawanan pa sabay apir sa isa't isa. Napanganga tuloy kami dito ni Athena.

"O?" Si Sofia. "Ba't ganyan itsura niyong dalawa?" Nagpalipat lipat yung tingin nilang dalawa sa amin ni Athena.

"Close na ulit kayo?" Di napigilang itanong ni Athena.

"We're bestfriends alangan namang hindi kami close?" Sagot ni Penelope.

"Yung totoo?" May pagdududang wika ko.

Nagkatinginan naman silang dalawa at parang nagtatalo pa yung mga titigan nila kung sino magsasabi o sasabihin nga ba nila.

"Alright." Si Sofia ang sumuko. "Kinopya ko yung sagot ni Penelope." Guilty niyang saad sa amin.

Napataas yung kilay ni Athena dito. "Hindi ka nagbabasa ng lessons mo 'no?"

"Well," Sabay hinga ng malalim na sambit niya. "I'm guilty." Nakangiwing sabi ni Sofy.

"Buti sana kung totoo yung mga isinagot nitong isa." Diskumpiyadong sabi pa ni Athena.

"Baliw!" Agad naman na sagot ni Penelope. "Ano namang tingin mo sa akin?"

Sasagot pa sana si Athena ng may nag-park na kotse sa harapan namin. Parang nakita ko na yung kotse na 'to somewhere...

Napatingin kaming apat dito pati na yung iba pang estudyante na nasa parking lot ng mga oras na iyon ng bumaba yung sakay ng kotse. Si Alexandra!

Ang astig ng suot niya ngayon. Ang sexy niya at bagay sa kanya yung suot niyang casual business suit.

"Akala ko artista..." Bulong ni Athena na nakatanga pa rin kay Alexandra.

"Tapos na ba klase mo?" Tanong niya sa akin ng makalapit siya sa amin.

Wala man lang hi hello kumusta. Ganun lang? Wala man lang bang I miss you too? Spell ASA?

"Wala man lang hi or hello?" Sambit ko ng mahimasmasan ako.

"Uy, nag hi naman siya." Depensa sa kanya ni Sofia.

"Ha?" Parang bigla akong naguluhan. Wala ako narinig na nag-hi siya kaya.

"Paano nakatanga ka diyan yang bibig mo nakabuka pa." Tukso sa akin ni Penelope.

"Babe, your poise." Bulong sa akin ni Sofia.

Bigla tuloy akong na-conscious dito kay Alex na parang pinipigilan yung ngiti sa labi habang nakatayo sa harapan namin at nakapasok yung dalawang kamay niya sa loob ng magkabila niyang bulsa sa suot na itim na slacks.

"What are you doing here anyway?" Tinakpan ko yung pagkailang ko ng pagtataray. "And how did you even get inside the school ground?"

Alam ko kasi strict yung mga guard lalo na kung di naman nag-aaral dito o walang business dito sa loob ng school.

"It's Friday, remember?" Tapos? "Sinusundo ka."

Sinusundo ka. Sinusundo ka. Sinusundo ka.

Tama na yang imagination mo. Para namang pang kamatayan na yung arte dahil 'sinusundo ka'. Bulong ng isipan ko at may tumawa pa na parang evil witch. Nasira tuloy yung moment ko.

"At ewan ko bakit nila ako pinayagan, pinapasok naman nila ako nung pinakita ko yung ID ko." Kibit balikat niyang sabi.

"Ay ang taray..." Bulong ni Athena.

"Whatever." I rolled my eyes. "By the way, these are my friends." Pakilala ko sa mga kaibigan ko kay Alex. "Athea, Sofia and Penelope. Guys si Alexandra."

Nag-unahan pa sa pakikipagkamay yung tatlo. Nahihiya tuloy ako kay Alex.

"Tapos naman na yata klase mo." Saka tiningnan yung suot na relo. "Alis na tayo ngayon para di tayo abutan ng ulan." Sabi pa niya at tiningnan ang makulimlim na kalangitan.

"Kailangan ko munang umuwi sa bahay." Sabi ko naman sa kanya.

"Let's go then." Aya niya sa akin.

"I have a car." Agad kong sagot.

"Sige mauna ka na lang sunod ako sayo." She replied.

Nagpaalam na kaming dalawa sa mga kaibigan ko at gaya nga ng napagkasunduan, nauna na nga ako at sumunod naman siya gamit yung kotse niya.

Nang makarating kami sa bahay, inaya ko muna siya para makapag-merienda bago kami bumiyahe papuntang Batangas.

"Ma." Bati ko kay mama sabay halik sa pisngi niya ng pumasok na kami sa loob ng bahay. "Kasama ko po pala si Alexandra."

"Oh hi, Alexandra." Magiliw na bati ni mommy sa kanya.

"Hello po Mrs. Mendez." Nakangiti ng tipid na bati din ni Alex at saka inilahad yung kamay. "Ikinagagalak ko po kayong makilala."

"Mabuti naman at napasyal ka dito." Sabi ni mama pagkatapos niya makipagkamay kay Alex at iginiya kami papunta sa salas at pinaupo dun si Alex.

"Mag-aayos lang ako ng gamit at magbibihis na rin bago tayo aalis." Tumango naman siya sa akin at iniwan ko na sila ni mama dun.

Kinuha ko lang yung iba ko pang gamit na kakailanganin. Di na ako nagdala pa ng damit dahil madami naman na ako dinala nung nakaraang linggo. Nagbihis na din muna ako at inisip ko na dun na lang maliligo sa bahay ni Alex. At bago ako lumabas ng kuwarto ay nagwisik pa ako ng pabango tsaka sinipat itsura ko sa salamin sa huling pagkakataon.

Nung bumaba ako naabutan ko si mama na pinapakita kay Alex yung photo album ko ng bata pa ako.

"That's the first time Arabella sung in a crowd." Tinuro ni mama sa kanya yung sinali ako nung prep pa ako sa isang contest sa private school na pinapasukan ko nun.

"Magaling po ba siya kumanta?" Nun ko lang nakita yung enthusiasm niya sa isang bagay na halos magningning yung mata niya.

At bago pa makasagot si mommy I butt in already. Nakakahiya kasi yung sumunod nun na nangyari.

"I think we should go." Sabi ko. "Baka abutan pa tayo ng ulan." Dahilan ko pa.

"Ay oo nga." Sabi naman ni mama at tiniklop na niya yung photo album ko at inilapag dun sa center table.

Tumayo na si Alex at magalang na nagpaalam kay mama. Humalik din muna ako sa pisngi niya ng maihatid niya kami ni Alex sa kotse.

"Be careful, okay?" Sabi niya sa akin at tumango lang ako sa kanya ng nakadungaw siya sa bintana ng passenger's side. "Alex," Tawag niya sa katabi ko at tumingin naman yung huli kay mom. "Take good care of my daughter, please?" Bilin niya.

Ngumiti naman si Alex ng tipid. "Yes, tita."

Ilang sandali pa'y nagsimula na kaming bumiyahe papuntang Batangas.

"Tita?" I asked when we're on our way. Parang kanina lang kasi Mrs. Mendez yung tawag niya sa mommy ko, now naging tita na?

She smirks. "Sinabi niya kasing tawagin ko siyang Tita eh. Very formal daw yung unang tawag ko sa kanya." Nakatuon yung paningin niya sa kalsada. "Isa pa daw, she's thankful kasi tinutulungan ko yung anak niya sa project niya." Bigay diin nito.

"Did you tell her the truth?" Kinabahan ako baka mamya kung anu-ano pinagsasabi niya kay mama.

"Like what?" Sumulyap lang siya sa akin saglit.

"Everything." Sagot ko.

"No." Para akong nakahinga ng maluwag sa sinabi niya.

Namayani ang nakakabinging katahimikan sa loob ng kotse at hindi ako sanay ng ganun dahil pakiramdam ko ang awkward.

"Magco-commute na lang ba ako pauwi sa hapon ng Linggo?" I tried to make a conversation.

"Marunong ka ba?" May dudang tanong niya.

"Actually..." Nakangiwing sambit ko. "No."

Never pa ako nag-commute my whole life of existence. If ever man na hindi ako ihahatid ni Alex pauwi or ipapahatid, wala ako magagawa kundi mag-commute.

Or maybe I will just call Penelope to fetch me if ever. Naisip ko.

"Ihahatid na lang kita." Narinig kong sabi niya. Kikiligin na sana ako kaya lang may idinugtong pa. "Nakakahiya naman sa mommy mo."

Did you feel that? Tukso sa akin ng aking isipan. Nasampal ka eh.

Yeah, para naman ako sinampal nito. Kung makasira ng moment eh wagas.

My girlfriend na uy!

Parang narinig ko siyang impit na tumatawa. Kaya naman nilingon ko siya ng may pagtataka.

"What's funny?" I asked. She shook her head twice. "Alexandra?" Makulit ako eh. Isa pa di nawawala sa mukha niya yung pigil na tawa.

"Nakakatawa ka kasi makipagtalo sa sarili mo." Sabi niya with a soft laugh. "Kung hindi kukunot yang noo mo, sisimangot ka. Kung hindi magsasalubong yang kilay mo, iismid ka."

"Di ko alam pinagmamasdan mo pala ako ng palihim." Kunwari mataray na saad ko sa kanya. Hindi siya umimik pero nakangiti lang na nakatingin sa harap.

Ikaw yata girl ang ganun. Tuya ng aking isipan dahil matagal na pala akong nakatingin kay Alex at pinagmamasdan ang bawat galaw niya.

I missed her. Parang ang tagal naming di nagkita. Inaabangan ko naman talaga ang weekends eh dahil alam kong makikita at makakasama ko na naman siya kahit sandali lang.

"I'm sorry about last week." Sabi niya kapagkuwan.

"For what?" I asked, completely puzzled.

"Sa ginawa ni Abby at sa mga sinabi niya." Sincere na sabi niya.

Napabuntong hininga naman ako. "It's okay. Di ko nga maintindihan bakit galit sa akin yung girlfriend mo." Bigay diin ko. She chuckles. "What?"

"Nagseselos ka ba kay Abby?" May amusement sa mga mata niya ng sumulyap siya sa akin.

"Why should I?" Bulalas ko. "Mas maganda naman ako sa kanya 'no?" Naimbiyerna yung beauty ko bigla.

"I didn't say, she's beautiful than you." Sabi naman niya. "What I'm asking you is, kung nagseselos ka ba sa kanya."

"Bakit naman ako magseselos dun!" Napalakas yata yung pagkakasabi ko. Defensive. "Wala naman tayong relasyon!" You're silently wishing. Okay I'm guilty.

"Are you suggesting that we should have a relationship?" Nakangising tanong niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko dito. "Hindi ganun ang ibig ko sabihin."

"Then what?" She pry more.

"May girlfriend ka na kaya." Hindi daw nagseselos o. Landi o!

Hindi siya sumagot pero nakangiti lang siya. Ilang sandali pa'y nag stop kami sa isang gasoline station para magpakarga.

"May gusto ka bang kainin?" Tanong niya sa akin.

"Wala." Sabay iling na sagot ko.

Napatingin siya sa harap ng may dumaang maganda at sexy na babae. Sinundan niya iyon ng tingin and then ska bumaling sa iba. Na-curious naman ako kung ano iniisip niya ng mga sandaling iyon.

"Alex?" Tawag ko sa kanya at agad naman siyang bumaling. "Kapag may nakikita kang maganda at sexy na babae, ano iniisip mo?"

Mataman niya akong tinitigan. "That she isn't you."

Simpleng sagot niya pero nayanig yata yung mundo ko sa sinabi niya. Gosh! Kinikilig ako!

Natapos na palang kargahan yung kotse niya at inabot na sa kanya yung resibo. Pinaandar niya ulit yung sasakyan niya.

"And Abby's not my girlfriend." Sabi niya pero di sa akin nakatingin. "She's my cousin." Tumingin siya sa akin. "At wala pa akong naging girlfriend." Pagkasabi niya nun ay pinasibad na niya yung kotse.

Wala pa akong naging girlfriend. Paulit ulit kaya iyon nagpe-play sa utak ko.

And to think na yung babaeng pinagseselosan ko ay pinsan pala niya! Yung mga malditang plano ko tuloy kay Abby binura ko agad. Mahirap na, pinsan pala eh.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 39K 34
Camille committed a mistake a year ago. Isang pagkakamali na hindi niya alam kung pagsisisihan o hindi. Naglasing lang naman siya dahil natuklasan ni...
22.1M 713K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
2M 40.8K 33
(Finished) You're 19. He's 28. What's really the deal of having a relationship with an older guy? Unless it didn't start with a simple relationship...