Runaway Dad (Under Revision)

By heiressywrites

247K 4.4K 463

Kent Verano and Gabriella Montanes made a mistake at a young age. Kent will be a runaway dad not just with on... More

Synopsis
ONT 1
ONT 2
ONS 3
ONS 4
ONS 5
ONT 6 (CHARACTERS)
ONS 7
ONS 8
ONS 10
ONS 11
ONS 12
ONS 13
ONS 14
ONS 15
ONS 16
ONS 17
ONS 18
ONS 19
ONS 20
ONS 21
ONS 22
ONS 23
ONS 24
ONS 25
ONS 26
ONS 27
ONS 28
ONS 29
ONS 30
ONS 31
ONS 32
ONS 33
ONS 34
ONS 35
ONS 36
ONS 37
ONS 38
ONS The Wedding
ONS 39
ONS 40

ONS 9

3.9K 93 8
By heiressywrites

K E N T

Buong maghapon kaming mag kasama ni Gabriella. Sinulit ang pagkakataon at oras na kami lang dalawa. Kahit kami lang ang nakakaalam ng nangyari ngayong araw, parang sa mundo ko ay lahat nakakaalam na sobrang masaya ako dahil asawa ko na siya.

Sobrang nagpapasalamat ako kay Lisa, kay Pastor Rico at Mina pati na ng ibang nasa yate ngayon dahil ng dahil sakanila, very successful ang surprise wedding ko kay Gab.

Madami kaming naipon na litrato at nangako si Lisa na ibibigay iyon saakin na naka album at CD. Sobrang hilig ko pa naman mag ipon ng litrato, at halos si Gabriella ang laman ng gallery ko, pati na rin sa tinatago kong memory box.

Nang nag agaw na ang liwanag at dilim, ay saka na kami umuwi.

"Ayaw mo ba talagang sabihin ito kila kuya? They will be surprised if they knew you gave me a very special event today on my birthday."

Umiling ako "Huwag na muna siguro. At promise mo sakin na wala ka munang pagsasabihan. Gusto ko lang na yakapin ang katotohanan na kasal ka na sakin at parang gusto ko tayo lang muna ang makaalam noon."

"Oo naman, I promise. I will never tell anyone unless you tell me to." Sumusulyap ako sa kanya at pinagmamasdan niya ang singsing niyang suot.

"Sorry ha, iyan palang ang naipunan kong singsing para sa ating dalawa."

"Ha?" Tinapik niya "I wasn't thinking that way bub!" Sumimangot siya "I was just stunned that everything I've dreamed before, happens right now. It was just so simple yet I am so genuinely happy. I couldn't ask for more. Really."

Napangiti ako sa sagot niya. That's my bub.

"How come they've approved your request for marriage?" Tanong niya "You have no records of me."

"I have." Napangiti ako sa tanong niya.

"What!?"

Nakita ko sa office ni kuya William ang mga documents ni Gabriella. Hindi ako nag dalawang isip na gumawa at kumuha ng mga kopya noon. Simula sa passport niya, birth certificate, and other important documents na needed sa registry. Masyadong risky yung mga pinagdaanan ko, pero sa huli ay nagawa at napagtagumpayan ko dahil kasal na kami ngayon.

"Wag mo na alamin. Ang importante kasal na tayo."

Ngumiti siya at binuksan nalamang ang stereo ng kotse at sabay kaming sumasabay sa kanta. Nang makarating kami sa bahay ay narinig ko na ang tugtog sa loob.

Nabanggit na din saakin ni kuya William na magkakaroon ng maliit na pagsasalo sa bahay nila, imbitado ang ibang mga kasama sa negosyo niya.

Pagpasok namin ay sinalubong kami ng surprise ng mga bisita pati na sila kuya William at nakahinga si Gab ng maluwag nang makita si ate Armina na okay na.

Samut saring yakapan at bati ang nangyari. Ang iba naman ay kilala ko na kaya hindi rin naman ako nahirapan makipag usap. Pero halos ang kasama ko ay ang mga anak nila kuya William at ate Natasha para laruin sila dahil busy ang magulang nila mag asikaso ng mga bisita.

Pinagmamasdan ko lang si Gabriella paminsan minsan na makipag usap sa ibang tao.

"Kent." Napatayo ako nang tawagin ako ni ate Armina.

"Follow me."

Agad naman akong sumunod sa kanya at napunta kami sa bandang kusina, malayo sa dausan ng party.

"I have already heard the contract and deal from kuya William." Panimula niya. Hindi ko masabi kung galit ba siya, o hindi. Mahinahon lamang kasi siya.

"How come you've agreed?" Tanong niya.

"Kailangan po 'eh. Kasi binantaan ako ng abogado ni kuya William na kung hindi ako papayag ay hindi ko na makikita si Gabriella at ipapalaglag ang bata."

Nagbago ang timpla ng kanyang mukha "Kuya would never do that." Matigas niyang sabi.

Natahimik nalamang ako dahil mukhang walang sinabi sa kanya si kuya William na ganoon nalamang nila ako bantaan.

"He will never ever say that. He's not that kind of man. You believe that?"

Hindi ako umimik dahil para saan pa? Kahit saan anggulo tingnan, ako ang mali sa sitwasyon.

"Wag mong sasabihin ulit yan kung gusto mo siraan sa akin si kuya. Kapatid namin siya at kami ang nakakakilala sa kanya. You ruined my sister's life. She's so young and carrying three babies in her womb. Can you believe that?"

Sa tono ng boses niya, oo galit na siya pero mahinahon siyang kausap.

"Wala na tayong magagawa. We will just stick to the plan. It's still nice to meet you dahil kahit papaano stable ang mental health ni Gabriella. Kung wala ka dito, for sure she is miserable."

Humarap siya ng tuluyan sa akin "So be thankful that my brother let you come in here. Let's just be civil." Nag offer siya ng hand shake kaya agad ko naman binalikan.

Iniwanan niya ako at napapikit nalamang ako.

Napagdesisyunan kong pumunta sa kwarto namin. Nag shower agad ako at paglabas ko ay may tumatawag sa cellphone ko.

Si Kiko.

Agad akong napangiti.

Ilang araw din akong hindi nakakatawag sa kanila dahil abala ako sa pagpaplano ng kasal namin ni Gabriella. Ang mga tawag nila ay hindi ko nasasaktuhan kaya naman wala na talaga akong balita sakanila.

Buti na lang tumawag, maibabahagi ko sa kanila ang nangyari ngayon.

"Hello Kiko!! Kumustaaaaa?" Masigla kong bungad.

["Kuya..."]

Biglang napalitan ng pag aalala ang mukha ko dahil sa boses niyang umiiyak "Bakit? Bakit? Bakit ka umiiyak Kiko? May problema ba?"

["Kuya, bakit ngayon ka lang sumagot?"]

Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa pag iyak niya "Kiko ano ba! Anong problema?!"

["Kuya..kasi si inay...si inay.. Nasa hospital ngayon... Noong isang araw pa kuya.."]

Parang nanghina ang tuhod ko kaya napaupo ako sa kama namin ni Gabriella "Bakit? Anong nangyari kay inay?"

Panay ang hikbi niya kaya pinakalma ko muna siya. Walang mangyayari kung pareho kami nag papanic.

["Kasi kuya noong isang araw, nang nasa isdaan siya, bigla nalamang raw nanghina si inay at natumba at nawalan ng malay sabi ng katabi natin sa pwesto. Idinala siya sa hospital, tapos nadatnan ko nalang doon si kuya Hens at manang Helen."]

["Ang sabi ng doctor ay matagal na daw iniinda ni nanay ang sakit sa ulo. Hindi daw ito bumalik pagkatapos magpa check up ng isang beses."]

Napapikit ako. Nagsisimula ng tumulo ang luha sa mga mata ko.

["Kiko..si Kent ba yan?...Opo...Ako na kakausap, bumalik ka na doon..Kent.."]

Pigil na pigil ako humagulhol "H-hens.."

["Gago ka ba? Simula kahapon pa kami tumatawag sayo di mo sinasagot. Okay ka lang ba diyan?"]

Napasinghot ako at napalunok "Si inay?"

["Kumalma ka muna. Okay naman si nanay Mercy sa ngayon pero kailangan niya pa obserbahan. Ang sabi ng doctor ay kailangan siyang i-transfer sa malaking ospital para malaman talaga kung ano ang sanhi ng pag sakit ng ulo niya."]

"Wala ba siyang sinasabi sa inyo?" Tanong ko.

["Wala talaga pre 'eh. Feeling ko talagang linihim to ni nanay Mercy kasi ayaw niya kayong mag alala, lalo ka na dahil nasa ibang bansa ka at nagdadalang tao si Gabriella."]

Napabuntong hininga ako at tumayo at pumunta ng veranda "Anong kailangan?"

["Malayo ang malaking ospital dito kaya baka ambulansya ang maghatid kay nanay Mercy sa isang ospital na bilin ng doctor kanina. Si nanay nalang ang sasama sa kanya Kent, at ako nalang ang maiiwan sa inyo para asikasuhin mga kapatid mo."]

"Salamat..salamat Hens.. Susubukan ko Hens na umuwi.."

["Sige lang pare, ako na bahala. Okay ka lang ba diyan? Wag ka na mag alala dahil wala pa naman resulta."]

"Oo..May maganda sana akong balita pero saka na lang iyon. Pwede ko bang makausap si nanay?"

["Nag a-undergo siya ulit ng CT scan ngayon Kent. Mamaya pwede ulit ka namin tawagan at baka gising na din siya."]

"Sige.. Padadalhan kita ng pera. Hihiram ako kay kuya William."

[Oo, sige lang.. Tawagan mo ako o si Kiko at ibibigay ko sayo number ni nanay para may contact ka doon sa malaking ospital pag nagkataon."]

"Sige, salamat.. Salamat.."

Natapos ang tawag na para bang nabuhusan ako ng mabigat na buhangin, hindi alam ang gagawin.

Dios ko, bakit kapag natatapos ang saya, may kapalit agad na lungkot?

***

"Are you excited daddy Kent?"

Napalingon at tingin ako kay Gabriella na ngayon ay sobrang excited sa passenger seat dahil papunta na kami sa OB niya para alamin ang gender ng mga anak namin.

"Oo naman, ipaglalaban ko pa rin ang tatlong babae." Sagot ko na ikinatawa niya.

"Let's see. I'll still fight for my three boys."

Nagkaroon kasi ng bet saaming dalawa kung ano ang gender ng mga anak namin. Ang gusto niya ay triplets na lalaki, ano naman ay babae. Ang matatalo ay kailangang manlibre pagkatapos ng consultation.

Ilang linggo ang nakalipas nang malaman ko ang nangyari kay inay. Sa ngayon ay nasa ospital pa rin siya dahil patuloy siyang inoobserbahan. Nakailang transfer na din siya ng ospital. Ilang araw din akong naging balisa, pero nawala ang lungkot at pag-aalala nang makausap ko siya.

Handa na sana akong umuwi, pero pinigilan niya ako. Sinabing mas kailangan ako ni Gabriella at ng mga pinagbubuntis niya.

Nakiusap din ako kay kuya William na umuwi. Papayagan niya na sana ako, pero nagkaroon ulit siya ng kondisyon, kaya hindi na ako tumuloy.

"You look so well Gabriella." Sabi ng OB niya nang makarating kami sa clinic nito.

"Galing mag alaga ni Kent 'eh." At kumindat siya saakin.

Hindi ko naman mapigilang ngumiti "Tayo ano ka ba."

Ngumiti lang ang OB niya at nagsimula na mag prepare para sa ultrasound. Magkahawak lang kami ng kamay, dahil excited na excited na din ako malaman ang gender ng tatlo naming anak.

Wala ka ide-ideya si Gabriella sa nangyayari sa Pilipinas. Ayoko rin kasing mag alala siya, at baka mag pumilit pa na umuwi. Mas lalong lumala ang pagitan sa aming dalawa ni kuya William kapag nagkataon.

"Come in now you two."

Una, pinarinig muna sa amin ang heartbeat ng mga bata. Tuwang-tuwa kami na marinig. Sunod ay linagyan na ng gel ang tiyan ni Gabriella.

Pareho kaming nakatutok sa screen ni Gab, habang hawak hawak niya ang kamay ko.

"Okay, you can see them now."

Para silang naglalaro sa tiyan ni Gabriella. Ang sarap tingnan, ang sarap titigan.

"I see now baby A. Let's name then A,B,C for now okay? A is, little boy. See that little twinkle?"

Tayong tayo!

Hindi namin mapigilan ni Gabriella na mapangiti at tawa dahil sa nakita.

"Baby B is.. a boy also!"

Gabriella eyed at me laughing. Parang matatalo ata ako sa bet!

"And baby C.. is... oh...okay.. he is playful."

Magalaw niya. Kahit tiyan sa tiyan ni Gabriella ay di alintana ang movements ng bata.

"I just need to see if it's a flower or a twinkle... oh there! A twinkle!"

Gabriella laughed excitedly while clapping her hands. Natawa na rin ako sa reaction niya at agad siyang hinalikan.

Talo ako sa bet, but that's okay! Any gender is good! I love having three boys too.

"This is so epic." Natatawa pa rin si Gabriella "Pano ba yan, your treat."

"It's always my treat, pasaway ka."

"Looks like you two bet ha. Anyway, congratulations for the both of you."

She then gave us a picture of the three. Nagkwentuhan pa kami at nag kamustahan sa kalagayan ni Gabriella. So far, she's really doing good. And I am so proud of her.

"Imagine! Imagine Kent! We will be having three cutie boys! Omg!"

"Where do you wanna eat?" Tanong ko sakanya.

"Anywhere! But I am craving for fried chicken."

"Okay then."

Napunta kami sa isang chicken house. Hindi mahupa-hupa ang saya niya. Pinagmamasdan ko siyang kumakain at nag kekwento ng mga plano niya, makes me already full.

"Tell nanay Mercy the good news!"

"I will."

"How is she nga pala? You haven't called her lately ah."

"She's fine bub. Busy lang din sila sa Pilipinas."

Kapag tatawag kasi ako sa Pilipinas, sinasakto kong wala siya. Para di magtanong ng magtanong.

Biglang tumunog ang cellphone ko, at unknown number ang nag appear. Madalas nakakatanggap ako ng tawag sa mga registered number na nasa contacts ko lang. Wala naman na akong kakilala dito.

"Who's calling?"

"Unknown number."

"Answer it, baka emergency."

Tumango ako at tumayo sa mesa para lumabas. Sinagot ko naman ang tawag.

"Hello? Who's this?"

["Kent Verano."]

"Who am I talking to?"

["Seems like you're not really interested. I am Kirk Verano, your brother."]

Nag bago ang timpla ng mood ko sa narinig "Where did you get my number?"

["Connections. Have you checked the number I gave you? I never received a call from you. I expect one."]

"Not interested."

["Come on kuya."]

"Wag mo akong matawag tawag na kuya. Pwedeng magkapareho ang apelyido nating dalawa, pero pwedeng hindi kita kapatid."

["The more you deny, the more your anger will eat you. This is important. I wouldn't call if it's not."

"This is about nanay Mercy.."]

Napako ako sa kinatatayuan ko "Bakit mo kilala si inay? Bakit ka tumawag dahil sa kanya?"

["She's admitted in our hospital and you didn't know that."]

"Ano?!"

["This is a long story to tell. I want to meet you and tell it to you in person. I am still here in California as I was attending a 5 month medical conference. I am expecting a call back from you."

"Forget first your anger, do it for nanay Mercy."]

Nang ibinaba niya ang tawag ay natulala ako saglit. Napahinga ng malalim at binalikan si Gabriella.

"So who is it?"

"He's my co-worker at the factory. May tinanong lang about maintenance."

"Okay okay."

Pagkatapos naming kumain ay umuwi na din kami agad. Binalita namin sa kanila ang gender ng mga bata. Halata naman sa mukha nila na masaya sila.

***

It is my day off today and I decided to meet Kirk. Hindi muna ako tumawag sa pilipinas dahil gusto ko munang makuha ang impormasyon kay Kirk.

Sa kwarto ay nag bihis ako agad. Nag text kay Kirk kung saan kami magkikita.

"Where are you going?"

"I am going to get our album bub. The wedding video was also done. And our marriage certificate."

"Okay." Masayang sabi niya at hinalikan ako saka pumunta ng kama "Can you take home some pakwan?"

"Sure bub." Hinalikan ko siya sa noo at umalis na.

Agad akong pumunta sa coffee shop. Nakita ko agad ang pamilyar niyang mukha at kumaway pa siya sakin. Ang lawak ng ngiti niya, na nakakahawa kaya bigla nalamang akong ngumiti pabalik.

He stood up and offered me a man hug which I gladly returned.

"Kuya."

Hindi ako sanay makarinig na 'kuya' na galing sa iba, lalo na at step brother ko pa ang tumawag sa akin ng ganyan.

Naupo kami at nag decide na mag order muna. Pagkatapos ay siya ang nag umpisa ng usapan.

"I'm sorry if I did a background research on you."

Tumango ako "Okay lang, mukhang may alam ka na."

Tumango ito "Just a glimpse coz that was just rumors. I also need to ask if those were true."

Umiling ako "Saka na ako, kay inay muna. Paano mo siya nakilala?"

Ngumiti siya "I think you need to know the whole story first."

Napasandal ako sa upuan at hinintay ang kwento niya.

"Our ages were not really that far. You are one year ahead of me. My father, Kenji Verano as well as your father, went on vacation to San Agustin as our grandfather who passed away last year, suggested he unwind. Things are pretty tough for our father, as my mother cannot carry a baby at that time. Plus, the company went into a rough situation. My father fell in love with your mother and got you then left. A year later, my mother miraculously got pregnant and it's me. It was like a polygamy thing for dad but my mom understood. He cannot unlove your mom, and we do not understand why. Of course, my mom got upset a lot of times, but dad is too honest on his love for your mom."

Nakikinig lamang ako sa kwento niya. Na parang kailangan kong malaman ang mga bagay na bumagabag din sakin sa matagal na panahon. Wala akong alam na kahit isa, ang alam ko lang ay iniwan niya kami at di na binalikan pa.

"Mom does not usually hold grudges, she was the kindest of the kindest. I was maybe seven years old when she met your mom. It was a good conversation for them and your mom really decided to let go of our dad. But dad can't, and the effect was your... sister and brother."

Bilang isang lalaki, isang magiging ama na ngayon, hindi ko alam kung ano ang nasa utak ng tatay namin bakit niya nagawa iyon. Hindi ko rin masabi kung bakit si inay ay pumayag sa isang sitwasyon na siya ang mali, at may naaagrabyado kaming pamilya.

"My sister and I cannot hold a grudge for you and your sisters, kasi wala naman kayong ginawang masama saamin. You were just a fruit of forbidden love."

Napatango ako at napahinga ng malalim "Do you hate him?" Tanong ko.

Ngumiti siya at umiling na hindi ko na ikinabigla. Mabait siya, masasabi ko. Parang nakikiusap ako sa taong pwede kong maging kaibigan, masabihan ng problema at maging karamay sa kahit anong pagdaanan kong mahirap na sitwasyon.

"We should, but.. We can't."

Dumating ang order namin kaya naputol ang usapan naming dalawa.

"Hindi namin kayang magalit sa daddy namin. He's too kind and pure, he was like an innocent man with pure intentions. He's a great dad for me and my sister, and knowing he has children with your mom, ikaw, at ang dalawa mong kapatid, who grew up without a dad, makes us sad too."

Ngumiti ako sakanya "Salamat."

"For what kuya?" and he sips his coffee.

"Sa pag sabi sakin ng kwentong hindi ko alam."

Bata palang ako, hindi ako lumaking kasama siya. Naalala ko lang ang isang memorya nang bata pa ako, na kasama siya. Tuwang tuwa ako nang ipakilala siyang tatay ko, at mga araw na kasama namin siya ng pang madalian lamang. Ang sabi ni inay sa akin palagi ay kailangan nitong mag trabaho sa malayong malayo. Lumakas ang galit ko nang isilang si Lian, hindi na siya bumalik pa. Nabukas na rin ako sa kaisipang baka may pamilya na siyang iba. Nagpapakita siya, pero kay inay lamang. Hindi ko alam kung bakit, at ngayon nalinawan na ako.

Kami pala ang anak sa labas.

Si inay pala ang kabit.

"But he supports you and your siblings. Ang alam ko ay nagpapadala ng pera si dad every month para sa allowance niyo."

Napakunot noo ako "Hindi ko alam."

He sigh "Maybe nanay Mercy hid it from you guys."

Napasok sa usapan si inay kaya nag tanong ako sa kalagayan niya.

"She's currently in Manila. When our dad knew about her illness, he had her transfer as soon as possible. She's on the best care kuya."

Napabuntong hininga ako "Wala silang binabanggit sa akin."

"Because nanay Mercy does not want it to. But I am telling you this today since her result came out."

Tila natahimik siya saglit "She has a tumor in her brain. It rapidly grows, very fast in her condition. Matagal niya na itong nararamdaman. Her neurologists said, for about three years ago na daw ang nakalipas nang maramdaman ni nanay Mercy ang first symptom. Right now, she's in stage 3. It already spread to the parts of her body. In her lungs, and... maybe in her breasts, and colon soon."

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa sinabi niya. Para ba akong nabuhusan ng malamig at mainit na tubig. Yung puso ko, parang sasabog sa sakit.

"Kuya.."

Bakit di nila ito sinasabi saakin?

"Kuya calm down."

Tuluyan nang bumuhos ang luha sa mata ko. Nakayuko lamang at tahimik na humahagulgol. Bakit sa inay ko pa napunta? Bakit niya ito dinadala?

"Kuya get a grip of yourself, she can undergo surgery, radiation therapy, and even chemo. A lot of solutions can cure her."

Kinalma ko ang sarili ko, at pinunasan ang mga luhang lumabas sa mga mata ko "It's not late kuya. Dad is taking care of her, please."

"Hahaba pa ba ang buhay niya kapag nag undergo ng treatment?"

"Yes, yes she can live longer if she wanted to. Right now, she's stable. Nasa VIP ward siya. Lian and Kiko, were transferred to one of the international schools in Manila. Your best friend Hens too was offered a scholarship in one of the prestigious schools there. They were okay, they were fine. They just can't tell it to you since you hold a big grudge on dad, and they were scared that they may upset you. Plus, I have heard your conditions and state here in California. We were destined to bump with each other, as God knows we need to meet."

Para akong nabunutan ng tinik sa puso ko, nang marinig na okay lang ang pamilya ko sa Pilipinas. Ang hirap nang nasa malayo, ang hirap ng ganito. Lalo na at malalaman ko pa sa ibang tao ang kalagayan nila. 

"Are you okay?" Tanong niya at inofferan ako ng tubig "You really are our sibling. Iyakin tayo lahat, namana natin kay dad."

Napangiti ako "Salamat, salamat sobra."

"Do not thank me yet kuya. So what now? I did background research on you as I was saying earlier, care to tell me your life here? It's okay if you do not want --.."

"Wala na rin naman akong dapat itago."

Ilang oras ang nakalipas sa aming pag usap. Sinabi ko lahat sakanya ang plano, ang kontrata, ang deal, ang pagpapakasal ko kay Gabriella, ang kailangan kong gawin. Marami rin akong nalaman about sa kanya, sa kapatid niya, sa step-mother ko, at sa negosyo at background nila.

Nag aaral siya ngayon ng Med Tech sa college at kasalukuyang nasa California dahil inimbitahan siya ng isang Medicine Institute dito na mag attend ng conference. Ang kapatid niya ay si Kirstine, nag-aaral rin ng parehong kurso. Pagmamay-ari nila ang isa sa pinakamalaking kompanya sa Pilipinas. Ang Vermont Holdings at kasama na rin ang ilang private hospitals na pagmamay ari din nila. Hindi ko alam na ganun pala sila kayaman. Marami pa akong nalaman, at halos sa ilang oras ay naramdaman kong may kapatid akong karamay dito. 

"This will make them happy. It is up to you if you wanted to tell them that you met me and you knew all that was happening in the Philippines."

"Ako na bahala."

"Please call me anytime. Kirstine went back to Philippines already so wala akong kasama gumala man lang dito."

"I will." Nag offer ako ng man hug na agad niya namang ibinalik saakin "Thanks kuya, for being so open-minded."

"Salamat, salamat ng marami ngayong araw."

Sabay kaming sumakay sa kanya-kanya naming kotse. Nakangiti ako buong biyahe at pumunta saglit sa bilihan ng prutas. Pagkatapos ay pumunta ako sa office ng event organizer na si Lisa at kinuha ang albums and videotapes nang kasal namin ni Gabriella. Pagkatapos ay kumuha ako ng copy of our marriage certificate.

Sa ngayon ay hindi ko alam ang gagawin ko sa mga nalaman ko, pag iisipan ko pa.

Dumating ako sa bahay at nadatnan si Gabriella sa kwartong natutulog habang hawak-hawak ang isang bowl ng popcorn. Napangiti ako at hinalikan siya sa labi hudyat para magising siya.

"You're here bubby..." Sabi niya at yumakap sa akin saka ako hinalikan muli "I've missed you."

"I miss you too."

Nag ayos siya ulit ng pagkakahiga at napapikit muli. Pinagmasdan ko lang ang mukha niya, at hinawakan ang tiyan niya.

Mahal na mahal ko sila sobra.

Inilagay ko ang mga documents, albums and videotapes sa maleta ko at linagyan ng susi. Mahirap nang malaman nila ang ginagawa ko. Sa ngayon ay, si Gabriella muna at ang panganganak niya ang iisipin ko.

TO BE CONTINUED...

Continue Reading

You'll Also Like

29.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
22.1M 713K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
13M 551K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
3.8M 106K 75
Simula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya Del Francia, kasama ng kaniyang ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang ina kaya napa-su...