Seducing Alexandra

By DianeJeremiah

1.5M 28.1K 3K

Arabella Mendez -- She's ambitious and determined. Hindi siya naniniwala sa true love. She said, love is just... More

Author's Note
Chapter 1 Arabella "Ara" Mendez
Chapter 2 Search Operation
Chapter 3 The Mission
Chapter 4 Alexandra "Alex" Montalban
Chapter 5 Close Encounter
Chapter 6 Play with Fire
Chapter 7 The Gravity Between Us
Chapter 8 Feeling Accomplished
Chapter 9 Everytime We Touch
Chapter 10 The Fever
Chapter 11 Don't Fall For Me
Chapter 12 The Mission or Alexandra?
Chapter 13 Washout
Chapter 14 Change of Heart?
Chapter 15 Hurt
Chapter 17 The Punishment
Chapter 18 Hot 'n Cold
Chapter 19 Guilty
Chapter 20 Irreplaceable
Chapter 21 Just So You Know
Chapter 22 The Deal
Chapter 23 Courtship
Chapter 24 Hottest Girl in Town
Chapter 25 My Fallen Angel
Chapter 26 Hatred
Chapter 27 Taking the Fall

Chapter 16 Hard To Say I'm Sorry

32.7K 909 52
By DianeJeremiah

"Pain can change you, but that doesn't mean it has to be a bad change. Take that pain and turn it into wisdom."

Ara POV

Isang linggo na rin ang nakalipas simula ng mapaalis ako sa hacienda. Ilang araw na din akong nagkukulong sa kuwarto, umiiyak, nalulungkot. Ilang beses ko na bang sinisi ang kagagahan ko dahil nasaktan ko si Alexandra at dahil dun, lumayo siya sa akin.

Ilang araw na din akong kinukulit nina mama na lumabas at mamasyal kasama sina Sofia. Pero wala akong gana.

Karma is a bitch. Ang sabi ng aking isipan.

Yeah, karma ko na nga talaga 'to sa lahat ng lalaking pinaasa ko, niloko at pinaglaruan. At ang nakakatawa ay babae ang gumanti para sa kanila.

I miss her so much. I miss her smile though I seldomly see those on her beautiful face. I miss her touch, her kisses, her.

Mas nanaisin ko pang sinampal na lang sana ako ni Alex kaysa sa pinagtabuyan niya ako at sinabing ayaw na niya akong makita pa kahit na kailan. Tinawag pa akong ahas.

God! Ang sakit sakit pala kapag yung taong mahal mo ang magsasabi nun sayo.

And yes, I love her. I've just realized that I do love her. I fell in love with Alexandra Montalban.

Sana man lang binigyan niya ako ng chance na magpaliwanag. Na nag-iba na intensyon ko sa kanya sa simula pa lang na nagkita kami. I don't need her money anymore, dahil siya, siya mismo ang kailangan ko. Wala na akong pakialam kahit mawala na lahat ng mga mararangyang bagay na nakasanayan ko. I know mahihirapan ako mag-adjust kung sakali, pero mas mahirap yung ganito. Yung galit siya sa akin. Yung kinamumuhian niya ako.

I'm not sure if I'm ready to go back to school tomorrow. I don't know how to face the world anymore. Not the usual Arabella who will just shake it off and go on with her life. Na wala pang sinuman ang kayang manakit sa akin. But Alex did in just one swift motion.

Kasalanan mo din naman eh. My conscience. Alam mo naman na sa simula pa lang, mali na talaga yung intensyon mo.

I heard a soft knock on my bedroom door. At kilala ko na kung sinuman yun. It's my mom.

"Arabella, anak." Tawag niya sa akin. "Please naman kumain ka na. I'm so worried." Pakiusap niya.

Kailangan din bang pati sila madamay at masaktan? Sabi ng inner self ko. They don't deserve this.

Pinunasan ko na yung luha ko, nag-ayos ng sarili tsaka nagtungo sa pinto upang buksan iyon. Inuwang ko lang ng konti yung pinto at nakita ko ang sobrang pag-aalala sa mukha ni mommy.

"Oh, baby." Malungkot na sambit niya. "Please let me in. We can talk whatever it is."

Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. I know I'm a mess right now and I look like one too.

"Simula ng makauwi ka from Batangas ganyan ka na. Tell me, anak, ano ba talaga nangyari sayo dun?" She said. "Don't you trust mama?"

Para naman akong nakonsensya sa sinabi niya. Dati kasi nagsasabi ako sa kanya kahit ano pa yun. But this one, I don't know pero parang ang hirap sabihin eh.

"Mom... I..." Ang hirap ding magsalita ng mga sandaling iyon. "I c-can't talk right now. Please."

Hindi siya kumibo at malungkot lang siyang nakatingin sa akin. "Pwede bang kainin mo na lang 'to?" Sabi na lang niya sa dala niyang tray ng pagkain.

Tumango ako. "O-okay." At kinuha ko na yun sa kanya.

"You can talk to mama anytime you want." Sabi pa niya bago ko isinira yung pinto.

Huminga ako ng malalim pagkasara ko nung pinto. I can see that my mom's also in pain right now.

At para di na siya masyado mag-alala, pinilit ko na lang ubusin yung pagkaing dinala niya para sa akin.

KINABUKASAN, first day of school for this new semester, I tried to hide my true feelings... my pain. Matagal ko ding pinag-praktisan iyon sa harap ng salamin kaninang umaga.

"How's your research, Miss Mendez?" Tanong sa akin ni professor Manansala ng dumating yung period niya.

"Done, ma'am." Sagot ko.

Kahit di natapos yung research ko sa hacienda nila Alexandra, nag research na lang ako thru internet tungkol sa mga negosyo ng Montalban at pati na yung tungkol sa plantasyon nila sa Balayan, Batangas na hindi na namin napuntahan dahil nga sa nangyari.

"Where is it?" She asked. "I wanna see it."

"Wala pa pong pirma ni Ale-... Miss Montalban yun tita." Si Athena ang sumagot sa tiyahin.

"Alright." Buti na lang pumayag ito na sa Thursday ko na lang yun ipapasa para mapapirmahan ko pa yun kay Alex.

"Paano mo papapirmahan yun ngayon kay Alexandra?" May simpatyang tanong ni Penelope sa akin nung nasa cafeteria na kami. Lunch break.

"Ikaw kasi dapat ang sisihin dito eh!" Sabi naman ni Sofia kay Athena.

Sasagot na sana si Athen pero pinigilan ko siya. "It's nobody's fault." Malungkot na saad ko. No need to hide in front of my bestfriends. "It's all my fault, actually."

"Pero..."

I raised my hand to cut Athena's. "I have to go back there to secure her signature."

"Do you want us to come with you?" Tanong ni Penelope. "Just in case..."

Umiling ako. Problema ko na 'to ngayon. I have to face it... alone. "Kaya ko naman na 'to." I assured them.

"Just tell us what you need, okay?" Nakakaunawang sambit ni Sofia.

Ngumiti ako ng pilit kay Sofy. "Thanks, Sofy."

Niyakap niya ako. Lumapit na din sina Penelope at Athena for a group hug.

The next morning, lumiban muna ako sa klase ko para bumiyahe papuntang Padre Garcia, Batangas. In-excuse naman nila ako dahil reasonable naman yung dahilan ko.

Hindi ako nagpa-appoint kay Alexandra dahil tiyak na irereject niya yun pag nalamang ako nagrerequest ng appointment with her. Hindi din ako sigurado kung papapasukin pa ako sa hacienda pagkatapos nung nangyari sa amin ni Alex. But I have to try my luck.

Kaya naman, nag lakas-loob ako ngayon na huminto sa bukana ng hacienda kung saan may checkpoint.

Ibinaba ko yung bintana sa tapat ko ng lumapit sa akin yung guard na nagtanong din sa akin dati.

Agad naman yata niya ako namukhaan. "Ay kayo po pala, ma'am Ara." Nakangiting bati niya sa akin.

Isang tipid na ngiti naman ang iginanti ko. "Gusto ko sana makausap si Alex eh." Magalang kong sabi at di katulad nung una na masungit ako sa kanya.

"Alam ba ho niya na pupunta kayo dito ngayon?" Tanong niya sa akin.

Should I lie?

"H-hindi." Sabi ko. "Kailangan ko kasi yung pirma niya dun sa niresearch ko dito sa hacienda." Paliwanag ko.

"Saglit lang po, ma'am Ara." Magalang na sabi niya sa akin. "Tatawagan ko lang po si ma'am Alex."

Wala na akong nagawa kundi tumango sa kanya. I nervously tap my fingers at the steering wheel. Tiyak na hindi siya papayag na makita pa ako ulit o di kaya makausap man lang.

"Ma'am Ara," Tawag sa akin nung guard ng makausap na si Alexandra sa phone. "Sa mansiyon na lang daw po kayo pumunta. Andun daw si ma'am Alex."

Ewan ko pero kahit papaano nakahinga ako ng maluwag ng malamang pumayag si Alex na makita ko siya.

Para papirmahan yung research ko. Depensa ko.

Magalang din akong nagpaalam sa dalawang guard dun bago pinatakbo ang sasakyan papunta sa loob ng hacienda.

In-off ko yung aircon ng sasakyan at iniwang bukas yung bintana sa tapat ko. Sariwang hangin ang sumalubong sa akin pagpasok na pagpasok ko sa hacienda Montalban.

Parang bigla ko na-miss ang buhay dito sa loob ng hacienda kahit na saglit lang ako namalagi dito. Pero sapat na yun para mabago ako ni Alex. Sapat na yung panahon na yun para mapaibig niya ako.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko ng lumiko na ako papunta sa mansiyon. Huminto ako sa may gate, pero nagulat naman ako ng pinagbuksan nila ako para maipasok ko yung kotse ko.

Pagka-park ko nung sasakyan ko sa may di kalayuan sa malaking entrance ng bahay. Kahit pangalawang beses ko ng nakita ang bahay ni Alex, namamangha pa rin ako sa istraktura nito. Inayos ko muna ang sarili ko, nag-retouch at tsaka nagpabango pa para naman presentable akong haharap kay Alex.

You should have brought her flowers. Tukso naman ng aking isipan ng bumaba na ako ng sasakyan dala ang shoulder bag ko at isang gray na folder. Huminga muna ako ng malalim para maibsan yung kaba ko bago ako naglakad papunta sa entrance ng bahay.

Nag doorbell ako ng makarating ako sa tapat ng main door. Wala yata nakarinig sa akin kaya inulit ko ang pagdoorbell.

Ilang saglit pa'y bumukas na yung pinto at nakita ko ang pamilyar na mukha ng babae.

"Ara, anak!" Masayang bati sa akin ni nana Idad ng makita ako.

"Nana Idad!" Masigla ko ding bati dito. "Kumusta na ho kayo?"

"Ay ito nag-aalaga ng bugnuting bata." Sabi niya at di ko alam kung sino yung tinutukoy niya.

"Hala, pasok ka." Sabi at niluwangan ang awang nung pinto para makapasok ako.

"Si... A-alex po, nana?" Tanong ko na palinga-linga sa paligid.

"Ay nasa taas, sa study room." Sagot niya. "Halos dun na nagkukulong simula nung umalis ka."

Pilit naman akong ngumiti sa kanya. Pansin daw niya nun na parang may espesyal na pagtitinginan kami ni Alex. At hindi ko din sinabi sa kanila ang tunay na dahilan kung bakit kailangan kong umalis ng hacienda ng umagang iyon. Sinabi ko na lang na may emergency sa bahay at kailangan nila ako dun.

"B-bakit naman po, nana?" Curious kong tanong sa matanda.

"Hay naku baka nami-miss ka lang nun." Sabi pa na may himig panunukso.

"Si nana naman. Di naman siguro." Kunwaring sakay ko sa biro niya.

"Hay matanda na ako para di ko pa makuha yang mga ganyang istilo!" Sabi niya sabay kumpay nung kamay sa ere.

"May kausap po ba siya?" Tanong ko na lang sa matanda.

"Ay wala." Sagot naman ni nana. "Halika, kanina ka pa siguro nun hinihintay."

Nagpatiuna na siyang umakyat ng hagdan at wala na din ako nagawa kundi sumunod sa kanya. At habang papalapit kami ng papalapit ni nana sa kuwartong kinaroroonan ni Alexandra ay di ko maiwasang kabahan ulit. May excitement din akong nararamdaman dahil makikita ko na ulit si Alex.

"Dito na tayo." Sabi ni nana ng huminto siya sa tapat ng study room. Kumatok siya ng dalawang beses. "Alex dito na si Ara." Pagbibigay alam niya.

Narinig kong sinabi niya bukas yung pinto. Binuksan iyon ni nana at pinapasok ako sa loob.

"Maiwan ko na muna kayo." Sabi niya at isinara na ang pinto pagkapasok ko.

Nakita ko si Alex na nakatayo at nakapamulsa na nakatanaw sa may bintana.

Hindi ko alam na ganun ko pala siya ka-miss. Yung gustung gusto mo siyang takbuhin at yakapin sa likod ng mahigpit na mahigpit. Pero, pinigilan ko yung sarili ko na gawin iyon.

"A-alex..." Mahinang tawag ko sa pangalan niya.

Like a slow motion, unti-unti niyang iniharap yung mukha niya upang tingnan ako. Nandun na naman ang mga mala-tigreng mata nitong kulay berde. Ang perfect jawline nito. Ang manipis na labi niyang mariing nakatikom ng mga sandaling iyon.

"What do you want?" Malamig na tanong niya sa akin.

Natusok yata yung puso ko ng aspili dahil sa lamig ng pakikitungo niya sa akin ngayon.

"G-gusto ko lang sanang magpapirma." Nakatingin lang siya sa akin ng diretso. Ako naman parang di ako makatingin sa kanya ng diretso.

Unti-unti siyang humakbang palapit sa akin. At kahit di siya nagsasalita, parang nararamdaman ko yung galit niya sa akin na nagba-vibrate. Huminto siya ng ilang inches na lang pagitan namin. Mas lalo ba siyang tumangkad? Naka flats lang kasi ako ngayon.

"You need something from me?" She asked coldly.

I took a deep breath. "Kailangan ko yung pirma mo para sa ginawa kong research."

She laugh sarcastically. "Saka ka na lang ba lalapit sa akin sa tuwing may kailangan ka?"

May nahimigan akong panunumbat at hinanakit sa sinabi niyang iyon. Lakas loob akong tumingin sa kanya at sinalubong ang kanyang mga matatalim na tingin.

"What can you offer this time?" Sarkastikong tanong niya as she crosses her arms across her chest.

"Alex..." I closed my eyes.

Hindi siya si Alexandra na nakasama ko dati. Yung babaeng nakaniig ko ng ilang beses sa may batis.

And I know it's my fault.

Nagmulat ako ng mga mata at nakita ko ang sakit, galit, at lungkot sa mga mata niya.

"Ihahain mo na naman ba ulit sa akin ang katawan mo kapalit ng kailangan mo sa akin?" Mapang-insultong sabi niya.

Nag-init ang ulo ko sa narinig ko. Nainsulto ako. Nahamak yung pagkababae ko. At bago pa ako nakapag-isip, isang malakas na sampal ang pinakawalan ko at dumapo sa kaliwang pisngi niya.

Nabigla din ako sa ginawa ko. Nakita kong gumalaw yung panga niya. She gritted her teeth in anger.

Unti-unti niyang ibinaling sa akin ang kanyang tingin. At napaatras ako ng isang hakbang ng makita kong halos mag-apoy yung mata niya sa galit.

I can smell danger.

Continue Reading

You'll Also Like

177K 8.9K 37
Why do we keep secrets? Is it to protect yourself from pedantic society? Or it is your fear of consequences? But Mia didn't care. She works for a l...
1M 35.2K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
70.9K 2.8K 32
True love is selfless. It is prepared to sacrifice.
976K 11K 81
[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Stories Real Life confessions from Readers