April's POV
Nagising ako ng bandang 5:00 pm dahil sa gutom at naririnig kong nagkakaingay sila. Ano na namang meron?
Bumaba na ako at nakita kong nanonood si Aira at Abby ng horror habang nakapatay yung ilaw sa living room kaya mas nakakatakot. Tumabi ako sa kanila at nakita kong may kinakain sila na kulay orange.
"Ano yang kinakain niyo?" Tanong ko habang tinitignang maigi yung orange na bilog.
"Wekwek." Nakangiting sabi ni Abby sa akin. Wekwek? Ngayon lang ako nakarinig ng ganung pangalan sa buong buhay ko. Wekwek.
"San niyo naman nabili yan? Baka mamaya hindi safe yan." Sabi ko tapos ay kinuha yung piattos na nasa lamesa.
"Abby, kwek kwek. Hindi wekwek." Natatawang sabi ni Aira sa kanya.
"Oh san niy nga nabili?"
"Diyan lang sa tabi-tabi." Sagot sa akin ni Aira habang nagtatakip ng muka gamit yung unan.
"Bahala kayo diyan. Asan sila papa?" Tanong ko ulit.
"Yaya? Nasan po sila mama?" Sigaw ni Abby kung saan man.
"Umalis anak. May business meeting kasi sila sa Canada. Next week pa ang uwi nila." Sigaw din ni yaya kung nasan man siya.
Napatigil naman ako sa pagkain. Umalis sila nang hindi man lang nagpapa-alam? Ni hindi man lang kami nagawang tawagan?
Habang nanonood naman kami ay biglang nagring yung cellphone ko.
Call from: Bebe boy.
Sino 'tong bebe boy?
Caller: Hello?
As soon as narinig ko yung boses niya ay nalaman ko na kung sino siya.
A: Bakit?
E: Nasan ka?
A: Nasa bahay. Bakit?
E: May skype ka?
A: Meron. Bakit ba?
E: Ano username mo? Open mo skype mo. Usap tayo.
A: Nag-uusap na tayo ah?
E: Eh gusto ko nakikita kita.
A: Ang drama mo. Aprilxx_ yung username ko.
*END CALL
Hindi siya yung nag-end ng call ako. Hindi ko hahayaang babaan niya ko no.
Bago ako nag-open ng skype naligo na muna ako dahil init na init yung katawan ko. Bahala siyang maghintay dun. Ginusto niya yun eh.
Nag half bath lang ako tutal nakaligo na ako kaninang umaga.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay binuksan ko na yung loptop ko at nagulat ako dahil sobrang dami ng missed call ko sa skype. Lahat galing kay Edward. Ano? Hindi marunong maghintay?
Hinintay kong tumawag ulit siya saka naman sinagot agad.
Nung una nakakunot pa yung noo niya, pero nung nakita na niya ako sa screen bigla na lang siya ngumiti. Baliw. Nakasando lang siya ngayon na black at kitang kita ko yung biceps niya. Nakatalikod din siya sa kama niya. I guess nasa side table siya nasa right side naman niya yung pinto papunta sa balcony. Simpleng white and black lang yung kwarto ni Edward. I didn't expect na malinis ang kwarto niya. Ako naman nasa balcony ako at pinatong ko na lang siya sa table at kumuha ako ng upuan kaya kung saan saan napupunta yung buhok ko kasi sobrang hangin. -_-
Gabi na pero may ilaw naman na nanggagaling sa labas pati sa loob ng kwarto ko kaya hindi madilim sakin. Kay Edward naman nakabukas yung ilaw sa kwarto niya.
"Ngiti ngiti ka diyan?" Pagsusungit ko sa kanya.
"April bat' ang ganda mo kahit gulo-gulo na yang buhok mo?" Tanong sa akin ni Edward kaya napa-smirk ako. Tss. Yun lang pala.
"Tanong mo sa magulang ko. Sila gumawa sakin eh." Sagot ko naman sa kanya. Akala niya siguro magbblush ako o kaya magiging humble? Hahahaha. NO WAY! He smiled again.
"Hindi ka ba nangangawit kakangiti?" Tanong ko na naman sa kanya.
"You're worh the pain." Sabi niya tapos ngumiti na naman. Imblis na kiligin ako naasar ako eh. -_- Puro na lang ba siya sweet lines?
"Bat' ba gusto mo kong kausapin?"
"Namiss lang kita." Napataas naman yung isang kilay ko sa sinabi niya.
"Nagkita lang tayo kanina ah?"
"Pwede ba ako magpunta diyan sa inyo?" Biglaan naman niyang tanong.
"Uhmm .. Pwede naman. Bakit?"
"Sige. I'll be there in five." Sabi niya saka inend yung call. What the hell? NO! HINDI PWEDE! Tinawagan ko ulit siya at nung sinagot naman niya ay ako yung nag end nung call. Much better.
Wala pa yatang 3 minutes may nagdoor bell na sa bahay at narinig kong sumigaw si Aira ng "APRIL NANDITO SI EDWARD!" Tumingin muna ako sa salamin bago ako lumabas. Weird. Dati naman hindi na ako tumiingin sa salamin kapag may bisita ako.
Nakita ko si Edward na nandun sa sala at naka-upo habang sila Abby at Aira naman ay nanunuod lang ng TV. Yan ang maganda sa kanila. Kung bisita mo, bisita mo. Hindi nila guguluhin.
"Edward, dun na lang tayo sa labas." Sabi ko sa kanya saka naglakad na ako palabas. Bakit nung nakita ko siyang tumingin sakin kinabahan ako? Bakit parang hingal na hingal yung puso ko? Aish. Ano ba to. -_-
"Bakit?" Sabi ko pagkupo na pagkaupo niya sa upuan kaya parang bigla siyang napatayo.
"You're Red Ice, right?" Seryosong sabi sa akin ni Edward. I smirked. Mukhang naghire talaga sila ng private investigator malaman lang kung sino talaga ako.
"Yes. Why?" Nakangiti kong sagot sa kanya.
"Meron International Gang Fight this coming week. We need you there."
"Sports?" Tanong ko sa kanya.
"Oo."
"Sure. When?"
"We need to go tomorrow."
"What?"
"Tomorrow." Bakit naman bukas agad? Hays. I rolled my eyes at him at tumango na lang.
"Pero bakit kailangan sumali pa ako?"
"You're the strongest in the gang I have to admit. In sports to be specific.
"I see. Nandun pa din ba si Dark?" Si Dark yung pinaka naging kaclose ko sa gang nila dati. She's also a mystery because she never shows her face.
"Oo. Sige, una na ako. See you tomorrow." Sabi niya sa akin.
"Ano oras?" Tanong ko sa kanya.
"Nakalimutan mong ikaw ang planner." Nakangiti niyang sabi. Oo nga pala.
"Sige. Update ko na lang kayo sa G.C. Buhay pa ba yun? Add mo ko." Sabi ko sa kanya.
"Sige. Uwi na ko." Naglakad na siya palabas ng bahay at nakita kong dala niya yung motor niya na ubod ng ganda. Shet.
"Ingat ka." abi ko at tumalikod na ako sa kanya.
Naramdaman kong hinawakan niya ako sa balikat at inikot paharap sa kanya kaya naman nanglaki yung mata ko.
"B-bakit?" Nauutal kong tanong sa kanya. Kinakabahan na naman kasi ako.
Niyakap niya ako ng sobrang higpit halos hindi na ako makahinga. Niyakap ko din naman siya pabalik kaya medyo niluwagan niya yung yakap sakin. Ano ba nangyayari dito sa lalaking to? -_-
Pero anong nangyayari sa puso ko? Sobrang bilis ng tibok niya at yung kay Edward mabilis din. Sana naman wag niya maramdaman yung akin. Nung humiwalay na ako sa yakap ay hinalikan niya naman ako sa noo kaya napatulala ako sa kanya.
"Bye, April. See you tomorrow." Nakangiti niyang sabi sa akin at lumabas na siya sa bahay. Nung makaalis na siya ay hinawakan ko yung noo ko at saka ito nirub na parang masakit yung ulo ko. Bat ba sobra na yung kaba ko? Ano bang meron? Kailangan ko na yatang magpa- check up.