Coz I'm His Batgirl

By daydreamer_lover

15.2K 155 54

Pano kung ma-realize mo na ang taong nangungulit, nang-aasar at nang-aaway sayo eh ang hinihintay-hintay mong... More

Prologue
CHAPTER 1 - "I Want to Know Her."
CHAPTER 2 - *Orange*
CHAPTER 3 - The Game
CHAPTER 4 - SCHOOL, HERE I COME
CHAPTER 5 - Lost Pen --- FOUND IT, YES!
CHAPTER 6 - Feeling Close na Dj
CHAPTER 7 - Pauwi na sa Bahay!
CHAPTER 8 - Phone Trip
CHAPTER 9 - Friend Request
CHAPTER 10 - It's Zharm.
CHAPTER 11 - My Friend Request. Requested Back?
CHAPTER 12 - Welcome to the Neighborhood
Author's Note <3
CHAPTER 14 - Neil's Chocolate
CHAPTER 15 - My Crush
CHAPTER 16 - Ano DAW, KATH?
CHAPTER 17 - Ano DAW, DJ?
CHAPTER 18 - The Boy Hunt.
Author's Note <3

CHAPTER 13 - Cheesy Moments at Kath's

577 8 1
By daydreamer_lover

CHAPTER 13 – Cheesy Moments at Kath’s

Kath and DJ left at the living room…   ----------------->

A/N:

YESSEEE. NAG-UPDATE NA KO… MAHABA-HABA YAN. LAB KO KASI KAU. SO IF I WERE YOU, MAGVO-VOTE NA AKO, OKAY?! :) (CHOS!) SALAMAT PO SA MGA REGULAR READERS KO! I <3 U ALL PO AND THANKYOU, THANKYOU!

HAPPY READING GUYS! :) PASENSYA KUNG LAGI AKONG MAY A/N BEFORE AND AFTER EVERY CHAPS HA! WALA LANG, KASI BAKA NAIIRITA NA KAYO. TRIP KO LANG PARA NAMAN MAY GUIDE KAYO, O DIBA! TY :)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

DJ’s POV

Kaya pala may kamukha tong si Tita Mandy eh..... Mom sya ni Kath eh, malamang!

BTW, yung antok ko nawala ah…Kung kanina, ang itsura ko ganto:     V__V     Ngayun ganto na:     O_________O

WHAT? Si Kath ba talaga ang nakatira dito? Ang ganda ah! >> Note: Yung bahay ang maganda. ;D

Ang liit talaga ng mundo para samin ni Kath.Biruin nyo, magkakilala pala ang mga mommies namin. So sila yung “kids” na sinasabi ni tita kanina? Grabe. Kala ko mga bata talaga…

“Di ba sya yung nasa Faceb---” sabi ng Kuya ni Kath. Aba! At pinagpapantasyahan pala ni Kath ang facebook ko ha… Grabe... Ba’t nga ba ang tahimik ko ngayon? Iba ang aura ni Kath pag gabi. Stunning sya. :”) Oo, cute naman sya, mataray lang. Kaya masarap asarin eh… Ano ba DJ? Anong sinasabi mo ha? Haiiz. Kinakausap ko na naman sarili ko eh…

“---KUYA!” si Kath napapaghalataan oh!

“So, kamusta naman ang business sa Canada, Steph?” tanong ng mom ni Kath.

“Oh! Wala na sa Canada ang business namin. We moved it to Europe, mas nagwo-work kasi dun. Eto, okay naman, ang hubby ko ang nagpapalago ng negosyo...”

“Wow! Matagal na rin yung business na yun ah… Wala pa kayong anak, business nyo na yun.”

“Oo nga. Pero kung wala kaming mag-asawa na hardwork, for sure di rin yun aabot ng over 20 years. Eh… ikaw, ano namang pinagkakaabalahan mo ngayon? Ang husband mo?”

“Ah. Naggagawa pa rin ako ng mga designs. About sa architectural thingy.., you know… Well.., wala akong asawa right now. Hehe.. Wala ata akong luck sa ganun.”

“Oh, I’m sorry… By the way, such a nice place ng house nyo! You designed this house right?”

“Absolutely. Pinaghandaan ko toh. My dream house! Kaya masyado rin kaming natagalan mag-iina bago makalipat dito nung makipaghiwalay ako sa ex husband ko eh.”

“Oh! I see….Since high school, diba designing na ang hilig mo, right?”

“Yup! Ikaw, kung ang asawa mo sa business, anong pinagkakabusyhan mo?”

“ Well me….fashion designing pa rin…”

“Good for you! Sayo ko na ipapadesign ang gown ni Kath for her sweet 16th bday ha…”

“No problem. :) ”

“I’m just totally kidding. :) hahaha…”

“No. I’ll think about the plans na. Just take it as her birthday gift from her tita. Right Kath? Hehehe…” nag nod naman si Kath Feeler! [A/N: POV PA RIN TO NI DJ HA…]

“Naku Steph, matagal pa naman birthday nyan.”

“It’s okay. Haha. I’m excited maggawa ng design for teens. Puro kasi wedding gowns na lang ang madalas kong gawin eh… This will be fun!”

Kath’s POV

Kayamot sya! Ang yabang mag-uupo sa couch namin ha! Sino ba may sabing pede sya tumungtong sa pamamahay ko, ha? Ang yabang!

Okay, sila mom at tita lang ang nag-uusap. Talagang sinabi pa ni mom yung about sa seperation nila ni Dad ha! Kainis! Naiinis lang ako lalo pa’t nadito rin yung mokong. Pati birthday ko ba naman nadamay. Pero okie langs, maganda naman yung mom ni DJ eh, mukhang magaling ngang mag-design. Ang ganda kaya ng dating nya sa outfit nya ngayon. Professional looking!

Makitawa ka na lang Kath ha… kahit ayaw mo sa kaharap mo. Kaharap ko kasi si DJ. Dun sya sa isang couch katabi ng mom nya while ako dun sa kabilang couch. I’m seated sa gitna nila kuya at mom. Ang awkward lang kasi wala sa amin ni DJ at kuya ang nagsasalita, mga mom lang namin, HAHA.

“Mommy, pano nga ba ulit kayo nagkita nitong si tita.” Ayun. Nagsalita si kuya, EPAL lang sa mga mommies. Kami na lang ni DJ ang walang imik dito infairness. Eh ano namang sasabihin namin or io-open-up na topic? Ooooh, wala talagang aamin na classmates kami :D? Na magkakilala na kami bago pa ako ipakilala ni mommy sa kanila :DD? Haha. Syempre hindi ako ang magsasabi nun! Kahit wag na ngang sabihin, okay lang eh :). Di naman mahalaga kung malaman nilang magkaklase kami.

“Ah. Onga pala, nung isang araw kasi, nagkasalubong kami ni tita Steph nyo sa kabilang street. Can’t believe dito din pala sya nakatira. Then, sabi nya she’ll visit the house. She’s my best friend since freshman year nung high school. Kaso, di na kami madalas nagkakita nung college. Huli nga pala kaming nagkita is nung baby ka pa lang Neil.”

“Ahh…” hayz. Si kuya oh…

“Ang laki na ni Neil ah. 2 yrs. old pa lang sya nung huli kong nakita. Ilang taon ka na ba hijo?”

“19 po.”

“Si Daniel, ilang taon na?” tanong ni mommy kay tita Steph

“16 na. mag 17 sya before college.”

“Kasing tanda lang pala sya ni Kath.” Okay. Habang nag-uusap sila mom at tita, I can’t help looking at DJ. He’s looking neat. Presentable… WHAT? Ano bang pinagsasasabi mo Kath? Ang labo ko! NO, NO… Di ako makatingin ng diretso sa mag-inang to. Sobra ko kasi kaharap si DJ. As in pantay kami at magkatapat talaga.

Wait---

--- tumititig ba sya sakin? Arrgghhh… Kayamot naman oh… Ang hirap iiwas ang tingin. Nakaka-insecure. Conscious na ko sa itsura ko. Help!!! Sa lahat ba naman, ayaw ko yung tinititigan!

DJ’s POV

Okay. Heto na. Katapat ko sya at pasulyap-sulyap sya sakin. Kala nya hindi ko yun napapansin ha… Titigan ko kaya ng tuluyan para sumuko na ‘tong babaeng to. Nag-uusap pa naman ang mga mommy namin eh… haha…. O____­­­­­____O

On the second thought, bigla tuloy akong nakapagsalita:

“Uhm. Ma, tita. Kung di nyo po alam eh... classmate ko si Kath sa school.” Sabi ko ng payabang, ako pa! Pumagitna pa talaga ako sa usapan ng matatanda no? Grabe. Proud-of-myself lang ako.

“Talaga? Kath, ba’t di mo pinapansin si Daniel?” sabi ni tita Mandy

“Onga.” dagdag pa ni Neil, ang kuya.

“Ha? Ah---eh….” Sabi ni Kath.

“Kasi po my kasalanan sya sakin eh.” Sabi ko nang pabiro. Eh sa hindi sya makasagot eh. Edi ako nalang ang sumagot! Tutal ako naman ang nag-open ng topic na yun! >.<

“Kasalanan? Anong kasalanan, ha?”sabi ni Kath. May balak pa atang tumayo toh ah. Ano, sasapakin ako? Halata namang pati sila tita, ma at Neil nagulat.

“Chill! Uhm…joke lang. Kaw naman Kath.”

Kath’s POV

Okay. Tinititigan nya nga ako. Grabe! Saang part pa kaya ng bahay namin ako titingin? Paikot-ikot na talaga ang eyes ko makaiwas lang sa mga mata nya. Pawis na ko dito kahit airconditioned ang salas namin. Tissue please! Para kasing pag nahuli nya ang mga mata ko, matutunaw ako!

“Uhm. Ma, tita. Kung di nyo po alam eh... classmate ko si Kath sa school.” Ang angas nya! Wala namang nagtatanong nun ee… Nadala siguro yung mokong na yun sa pagtitig sa kin!

“Talaga? Kath, ba’t di mo pinapansin si Daniel?” sabi sakin ni mom. HALA! Anong sasabihin ko?

“Onga.” Umepal na kuya.

“Ha? Ah---eh….”

“Kasi po may kasalanan sya sakin eh.” pabiro namang sagot ni DJ kay mom. Kahit pa pabiro yun! So ako pa ang may kasalanan, ha? Sino kayang mapang-asar samin? Hay naku!

“Kasalanan? Anong kasalanan?”bigla ko syang sinagot sa “pikon-na-ako!” tone. Kasi naman, may kasalanan daw ako. Kay inosente ko, uy!

“Chill! Uhm…joke lang. Kaw naman Kath.”

“Eh magkakilala pala kayong dalawa eh. Ba’t ngayon nyo lang naisipang magbatian?” Paningit na sabi ni Kuya.

“Ahh…..Kuya…. Ikuha mo pa kami ng juice, please. Wala na kasi eh!!!” iniba ko na ang usapan. Haha. Parang maid si Kuya. Anytime nauutusan!

“Ala naman!”

“Oo nga Neil. Kahiya naman kina tita mo, wala nang mainom dito.” Sabi ni mommy.

“Okay lang yun, Neil.” Sabi naman ni tita. Pero bago pa matapos ni tita ang sinasabi nya, nagpunta na ng kitchen ang kuya ko. Buti na rin yun para walang magulo.

“Buti ka pa Mandy, may anak kang dalaga. Eh ako, wala…”

“Bakit kasi Steph ayaw mong sundan ang yunico hijo mo? Bata ka pa naman.”

“Kaw naman Mandy. Wala akong mapapaghabilinan ng baby kapag nagtatrabaho noh, hehehe...Tsaka pano kung boy na naman?”

“Okay lang. Pogi naman panigurado ang anak mo. Parang si DJ lang. Hahaha…”

DJ’s POV

Nagtawanan lang sila. Nagbibiruan. HAHA. O.P kami. Kami ni Kath, na-OP. Pero inpurnes nasabihan akong pogi ng mom ni Kath! Flattered!  :”)

“Steph, gusto mo bang makita ang itsura ng rooms namin? Samahan kita sa taas. Pakita ko sayo ang dinesign ko.”

“Sure!”

“Dito ka muna Kath ha? Mag-usap muna kayo ni Daniel. Magkakilala naman kayo. Entertain him.” sabi ni tita kay Kath. Umakyat sa taas sila mama at tita.

Entertain daw? Pano yun? HAHA… DJ! Behave!

*SILENCE.*

After 8 seconds…

“So... Mukhang wala ka nang maililihim sakin.”

“Lihim lihim ka jan. Porke ba alam mo na yung address ko wala nakong maitatago sayo?” okay. Nagcross-arms sya.

“Joke lang. Uy! Ba’t di mo ko pinansin pagkababa mo? Parang kahapon lang katext kita ah. Tsaka parang di tayo nagkita kanina sa school. Parang walang pinagsamahan eh, parang di seatmate!” *sabay feel-at-home-style ko*

“Anong tawag mo dun? Mga pinagsamahan natin? Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo!”

“Haha! ‘To naman!......

Ahh……………Close pala sila mommy at tita Mandy, noh?”

“Oo. Best friends nga daw diba?” Sabay tayo ni Kath. Anong kukunin nya? Naglakad sya papunta sa shelf nila. May kinuhang kahon. Ano yun?

Kath’s POV

“Dito ka muna Kath ha? Mag-usap muna kayo ni Daniel. Magkakilala naman kayo. Entertain him.” sabi ni mommy sakin. ANO RAW? Entertain him? Asaaa! Iiwan nya ko kasama tong unggoy na nilalang na ito? Sabagay, andito naman ako sya sa pamamahay ko eh! Sa pamamahay ko!

*SILENCE.*

After 8 seconds…

“So. Mukhang wala ka nang maililihim sakin.”

“Lihim lihim ka jan. Porke ba alam mo na yung address ko wala nakong maitatago sayo?” sabay cross arms ko and pout.

“Joke lang. Uy! Ba’t di mo ko pinansin pagkababa mo? Parang kahapon lang katext kita ah. Tsaka parang di tayo nagkita kanina sa school. Parang walang pinagsamahan eh, parang di seatmate!” At feel at home ang mokong!

“Anong tawag mo dun? Mga pinagsamahan natin? Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo!”

“Haha! ‘To naman!......

Ahh……………Close pala sila mommy at tita Mandy, noh?”

“Oo. Best friends nga daw diba?” Nonsense sya kausap! Makuha nga ang sewing kit ko sa shelf. Pagkakuha ko nun, umupo ulit ako sa inuupuan ko kanina.

Okay. Umupo sya sa tabi ko.

“Ano yan?” sinulid at karayom malamang! Pero bago ko pa masabi yun…

…“Eh-hem!” si Kuya pala! Hawak nya ang pitcher na may juice. Yung pinakuha ko sa kanya. Lumayo naman si DJ sa tabi ko kasi kanina malapit talaga sya sakin. May takot din pala sa kuya ko to eh! HAHA. Go lang Kuya!!! Thanks!

“Maya muna magpaka-cheesy… Inom muna ng juice para hindi maalat ang keso, para may sweetness din…Ayieee!”

“Kuya?!” Cheesy pala ha? Kaasar ka Kuya! Lagooot ka sakin mamaya.Kaw ang tatahiin ko! Kala ko sisitahin mo si DJ! Gagalawin mo na naman pala ako sa kanya!

“Ano?! Ah… Alis muna ba ako? Sige...” sabi ni Kuya.

“Uy! Dito ka!” sabi hila ko kay Kuya. Okay. Diba nga protective ang bodyguard kong kuya? Nag-stay sya. Good kuya. Good boy. Maya na lang ang treats. (Parang aso? HAHA ;D ) Na-miss ko tuloy yung pet ko na nasa bahay ni Dad.

DJ’s POV

Pagkakuha ni Kath ng kahon, inopen nya yun. Sewing kit? Anong tatahiin neto?

“Ano yan?” tanong ko. So ayun di sya nakasagot kasi dumating si Neil, ang kuya ni Kath na bargasin! Nag-EH-HEM eh... Lumayo tuloy ako kay Kath, kagulat eh. Yung kuya nya may hawak na juice na nasa pitcher. Syempre, di naman pedeng sahod nya noh!

“Maya muna magpaka-cheesy… Inom muna ng juice para hindi maalat ang keso, para may sweetness din…Ayieee!” Wow, boto ba sakin ‘tong kuya nya?! Katawa langss.

“Kuya?!” si Kath, halata namang pa-cute :)

“Ano?! Ah… Alis muna ba ako? Sige...”Oo, panira naman to ng usapan eh... Baka kasi makausap ko na tong babaeng ‘to ng matino.

“Uy! Dito ka!” sabi hila ni Kath kay Neil. Naupo naman si Neil.

YES, orange juice! My favorite! Inom lang ako ng inom..

“Uy Kath, ako lang ba iinom nito?” tanong ko kay Kath.

“Ha? Di ako uhaw!”

“Kath, wag ka nga ganyan sa bisita!” sabi ng Kuya nya sabay text.

“Kuya, pede wag kang magulo, sumala na yung stitch ko dahil sa yo!” Di lang pala ako ang lalaking sinusungitan nito eh. Pati kuya nya…

“So yan ang cross-stitch?” tanong ko.

“………………..”

“Uy, sagutin mo ko. Nakakahiya sa kuya mo oh!”

Kath’s POV

“So yan ang cross-stitch?” sabi ni DJ

“………………..” Oo, pakinig ko yun pero di ko sya sinagot. Haha! Gantihan lang teh!

“Uy, sagutin mo ko. Nakakahiya sa kuya mo oh!”

“Oo na.”

“Oo? Sinasagot mo na ko?” HWAAT!? Parang di nya kaharap ang kuya ko ah.. Uber sa konpident to oh!

“ANO BA? Diba tinanong mo sakin kung cross stitch ba to? OO, CROSS STITCH NGA!” OO, PIKON AKO!

“Chill Kath. ” sabi ni DJ na nangungulit uli! Arghhh! Eto namang si kuya, tawa lang ng tawa! Kainis!

“Ahh… Eh DJ, pinopormahan mo ba ang princess namin?”

“Oo.”

 HWAAAAT?! Paki-ulit? Baka kung ano na iniisip ng Kuya ko ngayon! Lagot ako dun… Pero bago pa may mag-react, nakababa na sila Mom and Tita.

“An---” sabi ni Kuya.

“---Pano ba yan Mandy, malalim na ang gabi. May pasok pa ang mga bata bukas. Tutuloy na siguro kami ni DJ.”

“Ocige. Minsan dadalaw kami sa inyo. Or if wala akong time, papabisitahin ko si Kath sa house nyo so para ka na ding may anak na babae. HAHAHA!”

 “Sure! Gusto ko ring magka-bonding kaming mag-tita. Hahaha!”

Paalis na sila Dj at mom nya. ANO? Bakit? Okay, beso dito, beso don. Nagbesohan kami nila ma at tita to say goodbye. Guess what? Nag wink sa kin si DJ!

HWAH?! HWAH? HWAH? Hindi ako maka inhale! Eeeeeeeeeeeeeck! KADIRI!

Oo

Oo

Oo

Paulit-ulit lang yung ‘oo’ ni DJ sa isip ko… Andito ako, bumalik ang pag-upo sa couch. Patuloy sa pagko-cross stitch. Parang nadito pa rin sya sa salas namin. Bakit kasi?! Wag ka magpadala Kathryn Chandria Bernardo. Mahangin yun. Nakakasuka sya! Teka, hindi naman ako nadala dun talaga. Ang totoo nga…NASUSUKA AKO! May pa wink wink pa! ANG YABAAANG!

At anong sabi ni mommy? Ako ang papupuntahin nila kina DJ para lang makabonding si Tita? No way!

Continue Reading