Seducing Alexandra

By DianeJeremiah

1.5M 28K 3K

Arabella Mendez -- She's ambitious and determined. Hindi siya naniniwala sa true love. She said, love is just... More

Author's Note
Chapter 1 Arabella "Ara" Mendez
Chapter 2 Search Operation
Chapter 3 The Mission
Chapter 4 Alexandra "Alex" Montalban
Chapter 5 Close Encounter
Chapter 6 Play with Fire
Chapter 7 The Gravity Between Us
Chapter 8 Feeling Accomplished
Chapter 9 Everytime We Touch
Chapter 10 The Fever
Chapter 11 Don't Fall For Me
Chapter 12 The Mission or Alexandra?
Chapter 13 Washout
Chapter 14 Change of Heart?
Chapter 16 Hard To Say I'm Sorry
Chapter 17 The Punishment
Chapter 18 Hot 'n Cold
Chapter 19 Guilty
Chapter 20 Irreplaceable
Chapter 21 Just So You Know
Chapter 22 The Deal
Chapter 23 Courtship
Chapter 24 Hottest Girl in Town
Chapter 25 My Fallen Angel
Chapter 26 Hatred
Chapter 27 Taking the Fall

Chapter 15 Hurt

33.5K 910 129
By DianeJeremiah

" I wish I had never met you. Then there would be no need to impress you. No need to want you. No need for loving you. No need for crying over you. No need for heartbreaks. No need for pain or tears. No need for forgotten promises. No need for rejected hugs. No need for crying myself to sleep. No need for acting like you are. No need, for everything you've done to make me feel like absolutely nothing."

Alex POV

Ang saya lang sa pakiramdam na araw-araw, napapalapit kami ni Arabella sa isa't isa. And this is the first time na I let myself be carried away. I let my walls, my guards down to her. I let my feelings take control of me.

I admit, pina-imbestigahan ko siya kay Emmit nung bago pa lang siya dito. Nalaman ko na nakasanla pala sa bangko ang pag-aari ng ama nito na mga hotels at ang bahay nila mismo. Somehow inside me, my instincts told me that I should not trust her intentions towards me. Kaya lang, hindi ako nakinig lalo na't nararamdaman ko din naman na attracted din siya sa akin.

Pero ngayon, wala na ako pinaniniwalaan kahit isa man sa mga pinagsasabi niya sa akin nung nandito pa siya. She's a liar! She's a goddamn...!

Napakuyom ako upang pigilan na naman ang galit na nasa puso ko. Mariin ko ding ipinikit ang aking mga mata para kontrolin yung nararamdaman ko ngayon.

God, I trusted her!

Nang marinig ko yung pinag-uusapan nila nung kaibigan niya sa telepono, I know it's me.

Hindi mo naman narinig lahat, di ba? Sabi ng konsensya ko.

Ano pa ba dun ang importanteng dapat ko malaman? Tama na yung narinig kong may intention siyang iba sa akin. At yun ay ang pera ko!

Are you even sure of that, Alex? Sabi pa ng inner self ko.

Yes because I'm not that stupid! Damn it!

Narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone at kinuha ko yun mula sa aking back pocket ng suot kong jeans. Si Abby. Napabuntong hininga ako bago sagutin iyon.

"O Abby." Walang ganang sambit ko.

"What's wrong with you?" For sure nakakunot-noo na naman siya.

"Wala." Tipid na sagot ko sabay tingin sa malawak na lupain ng hacienda mula dito sa tuktok ng burol.

Nagpupunta kasi ako dito lalo na kapag malungkot ako o gusto ko makapag-isip. Bukod sa may talon, isa din ito sa tinatawag kong sanctuary ko.

And I admit, I am so lonely right now... and hurt for what Ara did to me. She lied. She played me.

"Papunta kami diyan." Narinig kong sabi niya.

"Kami?" So ibig sabihin may kasama siya. Sino naman kaya?

"Yup." Kompirma niya. "I'm with Danielle. We're on our way. Actually, malapit na."

Sinulyapan ko yung suot kong relo. Past two in the afternoon. Ano naman kaya gagawin nila dito? And kasama pa si Dani.

"Anong gagawin niyo---"

"We'll talk later, Alex." Putol niya sa sinasabi ko at tsaka ibinaba na ang tawag.

Napailing iling na lang ako na nakatingin sa cellphone ko. That's Abby. Minsan may pagka-brat. Pero sweet naman siya sa amin ni Danielle most of the time.

Ilang saglit pa ay may natanaw ako na isang metallic gray na kotse. Agad ako pumito para tawagin si Black. Mabilis naman itong lumapit sa akin.

"May bisita tayo Black." Sabi ko sa kabayo na animo naiintindihan talaga ako. "Yah!" Sabay tapik kay Black ng may kalakasan at sumibad na ito ng takbo pababa sa burol.

Hinanap ng mata ko ang kotse ni Abby at di naman ako nabigo. Malapit na ito sa may likuan papuntang mansiyon. Tinapik ko ng mas malakas si Black at binilisan pa niya ang pagtakbo hanggang sa nasa likuran na kami ng kotse ni Abby.

Bumusina naman si Abby sa akin ng matapat na ako sa kanya. Sumaludo ako sa kanya bago pinatakbo pa ng mas mabilis si Black. Nauna pa kami nakarating sa bahay kaysa sa kanila. Agad ako bumaba mula sa kabayo at hinintay silang makahinto sa may drive way.

"Hi, Alex!" Masayang bati ni Abby sa akin pero bigla ding nawala ang kanyang ngiti ng makita ang itsura ko. "It's good to see you though..."

"Hey," Narinig kong bati sa akin ni Danielle na ngayon ko na lang ulit makita pagkatapos nung kaarawan ng mama niya last year ng makalabas siya ng kotse.

"Dani." Bati ko naman sa kanya at ngumiti ng tipid dito.

Halata sa itsura nitong may pinagdadaanang mabigat na suliranin. Nanlalalim din ang mga mata nitong wala yatang tulog.

"Okay ka lang ba?" May pag-aalalang tanong sa akin ni Abby na hinawakan pa ako sa balikat at sinipat ang mukha ko.

"Yeah." Sagot ko at pilit na ngumiti. "I'm fine."

Mataman niya akong tiningnan. Saka sinulyapan si Dani tapos ako tapos si Danielle ulit. Pinagpalipat lipat niya ang kanyang tingin sa amin. Kunot noo naman kami ni Danielle na nakatingin lang sa kanya. Minsan may pagka-weird din itong si Abby. Minsan din may tupak lalo na kapag di niya nakuha yung gustong gusto niya.

"Don't tell me pati ikaw bigo din sa pag-ibig?" May pagdududang saad sa akin ni Abby.

Di ako nakaimik. Ano naman kasi sasabihin ko? Hindi?

Halata sa itsura mo. Tuya ng isipan ko.

Kapag sinabi ko namang, oo, mangungulit pa ito. Kaya mas pinili ko na lang na manahimik.

"Alam niyo, kayong dalawa?" Turo niya sa amin ni Danielle. "Magtabi nga kayo." Sabi pa tsaka hinila sa braso si Dani at tinabi nga sa akin. "Kulang na lang yung may background music kayo na Where Do Broken Heart Goes?" May himig panunuksong saad niya.

Salubong naman ang kilay na napatingin sa akin si Danielle. Mas malaki ako sa kanya ng two inches. Tapos si Abby naman mga 5'8 or 5'8 1/2  lang siya yata.

"Ano ba pinunta ninyong dalawa dito?" Nakapameywang na tanong ko.

"Di mo man lang ba kami papapasukin sa loob ng bahay?" Wika ni Abby.

Nagpatiuna na ako na pumasok sa loob at dinala sila sa may sala. Tinawag ko si Aling Isla na ipaghanda sila ng mamemerienda. Prente namang naupo na si Abby at Danielle. Wala si nana Idad dahil all saints day naman ngayon kaya pinag day off ko muna para madalaw naman niya ang kanyang mga namayapang kapatid at magulang.

Umupo naman ako sa pang isahang upuan. Di rin nagtagal ay bumalik na rin si Aling Isla dala ang tatlong baso ng fresh orange juice at tinapay. Pagkalapag niya ng mga iyon sa center table ay agad din siyang magalang na nagpaalam.

"Ano problema mo?" Tanong ni Abby sa akin. "You know you can tell us."

"Di yata ako ang dapat mo tanungin." Sagot ko naman sabay kagat sa sandwich. "Si Danielle." Dagdag ko pa habang ngumunguya.

"Hay naku." Abby rolled her eyes. "Alam ko na ang problema niyan."

"Ano?" Curious na tanong ko. Though malimit ko makita si Danielle, ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Palagi siyang masaya at masigla.

"Iniwan ni Camille." Sagot ni Abby.

"Sinong Camille?" Kunot noong tanong ko.

"My wife." Malungkot na sagot ni Danielle.

"What?!" Gulat na tanong ko. "Kailan ka pa ikinasal?" Takang tanong ko.

"It's a long story." Si Abby ang sumagot. "Anyways," Sabay hawi pa sa buhok na tumabing sa mukha niya at inipit iyon sa tenga niya. "We're here kasi hihiramin sana namin yung private chopper mo."

Mas lalo ako naguluhan sa kanila. "Ano ba talaga ang problema?" Ako, magaling ako magtago ng problema at gusto ko, ako mismo ang gagawa nun ng solusyon hangga't maaari.

"Balak kasi naming kidnap-pin si Camille at dalhin sa private island na pag-aari ni mama sa may El Nido, Palawan." Sagot na naman ni Abby.

"Ano?!" Mas gulat na tanong ko. "May balak kayong kidnapin yung tao tapos chopper ko gagamitin ninyong dalawa?" Wika ko. "Bakit di na lang ninyo kausapin ng maayos yung tao?"

"You don't know Camille." Danielle says.

"Sino ba talaga yung Camille na yun at ganyan ka umasta?" Di ko na napigilang itanong.

"Have you seen my Ads?" Sabi ni Abby. Tumango naman ako ng maisip yun. "Yung kasama ni Danielle dun, siya si Camille. Yung wife nitong pinsan natin."

Yung dirty blonde ang buhok na kulay blue ang mata? She's gorgeous then and I must admit, bagay nga sila ni Danielle. No wonder ganun na lang ang pag-asam niyang bumalik sa kanya si Camille.

She reminds me of someone I know... yung sanhi ng kalungkutan at kahungkagan ng nararamdaman ko ngayon.

"Okay." Sabi ko kapag kuwan. "Pwede niyo yung gamitin." Pagpayag ko.

"Talaga?!" Sabay pa nilang sambit sa akin at mukha yatang nabuhayan ng loob sa sinabi ko.

"Oo nga." Kunwari'y nakulitan ako sa dalawa.

"Salamat, Alex." Kahit papaano'y nagliwanag ng konti yung mukha ni Danielle.

"No prob." Sabi ko sa kanya. "You must really love her that much."

Lumamlam ang mga mata niya at nakita ko dun yung sagot.

"I love her more than I love myself." Ramdam ko ang sinseridad sa sinabi niya.

Ngumiti ako kay Danielle. "So nahanap mo na talaga yung katapat mo." Biro ko sa kanya.

Napangiti na din siya. "Yes. And I will do everything to win her back." Determinado niyang sagot.

Napatango-tango ako sa kanya. Nagbago na nga siya talaga. Dati alam ko parang nagbibihis siya kung magpalit ng girlfriend. Ngayon, tumitiklop na sa isang babaeng nagngangalang Camille.

"Dumalaw ka na ba sa sementeryo?" Narinig kong tanong ni Abby sa akin.

"Oo." Agad kong sagot sa kanya. "Kaninang umaga."

Maaga pa lang kanina dumalaw na ako sa museleo kung saan nakahimlay ang mga yumaong Montalban. Sina lolo't lola at sina mama't papa.

"Bukas na lang kami dadalaw ni Danielle bago kami aalis." Sabi niya. "And pahiram na din pala nung piloto mo."

I chuckle. "Ano pa nga ba?"

"Salamat insan ha?" Sabi ulit ni Dani sa akin.

"Wala yun. Wag mo na isipin." Assure ko sa kanya. "Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo tayo din. We're family remember?"

"Yes." Sabay na sagot nilang dalawa sa akin at napangiti kami sa bawat isa.

Kahit papaano nabawasan yung lungkot na nararamdaman ko ng makita ko itong dalawang pinsan ko.

Kinagabihan, nag inuman kaming tatlo habang kwentuhan lang kami. Wala na din ako nagawa kundi ikwento sa kanila yung tungkol kay Arabella. Kanya kanya naman sila ng opinyon tungkol dun. Si Abby nagalit kay Ara dahil sa panlilinlang daw niya sa akin at wag ko na daw pagkakatiwalaan ulit. Si Dani naman sabi niya, mas maganda daw na bigyan ko siya ng pagkakataong magpaliwanag dahil di naman daw namin alam kung naging totoo din para sa kanya lahat ng namagitan sa aming dalawa.

Pero ano pa ba ang magagawa nun? What's done has done. Pero sa loob loob ko, umaasa ako na kahit kunti lang nagkaroon din siya ng totoong atraksiyon sa akin. Na hindi lahat ng ipinakita niya ay pawang kasinungalingan.

Kinabukasan, maagang umalis sina Abby at Danielle dahil dadaan pa sila sa sementeryo bago bumalik ng Pasay. Sinabi ko na di  na ako na lang bahalang kakausap dun sa piloto at dadalhin na lang yun sa rooftop ng building ni Abby. May helipad kasi dun dahil minsan dun ako lumalapag.

Sinabi din ni Danielle na kung sakali mang matuloy pa yung kasal nila sa December, iimbitahin niya ako at mag-aabay. Kami ni Abby. At sinabi ko din na sana nga matuloy yung kasal nila para maging masaya na si Danielle.

"Yung sinabi ko sayo kagabi." Bulong sa akin ni Danielle bago sumakay ng kotse. "Give her a chance. You owe it to yourself."

Napatingin ako sa kanya. Binigyan niya ako ng matipid na ngiti bago sumakay na ng tuluyan sa kotse.

Nagpaalam na sila sa akin at umalis na ng mansiyon. Inihatid ko sila ng tingin hanggang sa tuluyan na nga silang nawala sa aking paningin.

Maybe Danielle's right. It will not hurt you further if you give Arabella the chance to explain herself. Isa pa, bigyan mo yang sarili mo ng chance na malaman yung totoo.

Continue Reading

You'll Also Like

95.8K 4K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
420K 6.1K 24
Dice and Madisson
976K 11K 81
[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Stories Real Life confessions from Readers